Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3

"SIGURADO ka na ba riyan sa desisyon mo Kevin?" diskumpyado pa ring tanong ni Belle sa kanya. She's one of his closest doctors. Isa itong pediatrician na pareho niyang nagspe-specialized ng cardio. "Alam ko na mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon. But if she's the only person who makes you happy, then don't let her go."

Pilit siyang ngumiti. "That's exactly the reason, Belle. She's my happiness. But I am not that selfish, I don't want her to suffer. She deserves a normal life - a happy one. She has been through a lot. Ayokong pati sa akin, mahirapan pa siya. It's better this way. Hindi ko rin naman sigurado kung maaayos ko pa ang buhay ko after my surgery."

Malalim na bumuntonghininga si Belle. He playfully pinched her cheeks. Parang batang kapatid niya na ang turing rito. Madalas pa siyang tawagin nitong kuya dahil naalala raw nito sa kanya ang yumao nitong kuya dahil sa sakit sa puso.

Inis na pinalis nito ang mga kamay.

"You're the most positive person I've met, pero pagdating sa sarili mo, sumusuko ka na. I hate you."

Natawa siya. "I'm not giving up. I just need to do this. Just this once, Belle. Please pretend that you're my girlfriend." Inilapit niya ang mukha sa may tainga nito. "Promise, ilalakad kita kay Doc. Adam. Balita ko, nag-break na sila ng girlfriend niya."

Tatawa-tawang lumayo siya kay Belle pero sandali lamang 'yon dahil natigilan siya nang makita si Mohana.

"Mohana?" gulat na tawag niya rito.

Halatang nagulat din ito sa naabutan pero mabilis din 'yong nawala.

"Kevin," sa wakas ay sagot nito. May ngiting itinaas nito ang paper bag. "Tumawag sa'kin si Mykael. Sabi niya padalhan daw kita ng pagkain kasi alam niyang 'di ka pa raw kumakain." Lumapit ito sa kanilang dalawa."Sorry, medyo magulo ayos ko."

Inabot nito ang paper bag sa kanya.

"Thank you."

"Hi," baling na bati nito kay Belle. "Mohana nga pala, kaibigan ni Dr. Kevin. Sa The Market lang ako nagta-trabaho, malalakad lang din mula rito."

"Nice to meet you Mohana." Inilahad ni Belle ang isang kamay kay Mohana. "I'm Belle." Pinunasan muna nito ang mga kamay sa pantalon nito bago tinanggap ang pakikipag-kamay ni Belle.

"Nice to meet you doktora."

"Nag-abala ka pang ihatid 'to," singit niya. He tried his best to maintain a smile. "Sana tinawagan mo na lang ako para ako na ang kumuha."

"Naku, okay lang, break ko naman e. Lakad-lakad din minsan. Bawas-bawas ng fats. Diet ako ngayon e. Girlfriend mo?"

"Yes," sagot niya.

"Wow! Finally, akala ko pa naman 'di ka na makakapag-girlprend. Naku, bagay na bagay kayong dalawa." Tila may kung anong bumikig sa lalamunan niya. It's for the best Kevin. It's for the best. "Sige, aalis na ako't mukhang nakakaabala na ako sa inyong dalawa. Balik na ako sa trabaho."

Tuluyan na siyang tinalikuran nito at naglakad palayo sa kanila.

Humugot siya nang malalim na hininga. It was so hard to breathe. It was making his chest hurt. Pero pinilit pa rin niya ang ngumiti.

"I just hope you won't regret this Kevin."

"I know I will." Ibinigay niya kay Belle ang paper bag. "Sa'yo na lang."

Ipinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng white coat niya at iniwan si Belle. You'll get throught with this Kevin. Para 'to sa kaligayahan ni Mohana. Just bear with it for a while. Masasanay ka rin. 

Hopefully.



"TIGILAN mo na nga 'yan!" Inagaw ng Ate Jasmine niya ang baso sa kanya. "Ilang litro ng coke na ba ang naubos mo?" Binilang nito ang mga bote ng coke sa mesa. "May balak ka bang magka-diabetes na loka ka? Tigilan mo na 'yan." Pinalo nito ang hita niya at pinaisog siya. "Umisod ka." Naupo ito sa tabi niya. "Ano bang problema mo, ha?"

"Mabuti na nga 'to at hindi alak."

"Pareho rin naman ang kababagsakan niyan e. Sa ospital pa rin."

"Masakit..." Naiiyak na naibaling niya ang mukha sa ate niya. "Hindi ba ako maganda? Mahirap ba akong mahalin? Minsan kasi, kahit na gusto kong paniwalaan na may magkakagusto sa akin o may magmamahal sa akin nang hindi tinitignan ang pisikal na anyo ng isang tao ay madalas na nabibigo lang ako. Baka nga siguro tama ako, may mali talaga sa akin."

"Walang mali sa'yo. Kung hindi nila nakikita ang magandang katangian sa'yo then they're not the one. Hindi ang taong 'yon ang para sa'yo."

Lalo lamang nalungkot ang puso niya. Hindi niya mapigilan ang mga luhang umalpas mula sa kanyang mga mata. Kung ganoon, hindi para sa kanya si Kevin.

"Bakit ba laging ganito? Bakit ba masakit ang magmahal?"

Niyakap siya ng ate niya. "Kailan ba kasi naging madali ang buhay? Pareho lang din 'yon sa pagmamahal. Hayaan mo na 'yon. Darating din ang lalaking magmamahal sa'yo nang totoo."

"Kailan na naman 'yon? Ang tanda-tanda ko na e."

"Darating din 'yon."

"Nakaka-bwesit na, kailan pa kasi siya dadating?"

"Ano bang nangyari sa inyo ni Dr. Kevin?"

Napabuntonghininga siya. "May girlfriend na siya."

"Oh."

"Ang sakit nga e."

"Hayaan mo na, mag-move on ka na lang ulit."

"Lagi naman e."

"Basta huwag sa paglaklak ng ilang litrong coke. Dios ko, Mohana. Tigilan mo na 'yang mga kabaliwan mo. Magtrabaho ka na ulit at mananaba ka lang dito sa bahay."

"'Yan tayo e. Kaya nadi-depress na naman ako."

Natawa ito sa kanya. "Maganda ka." Hinaplos nito ang buhok niya. "Hindi nga lang tumatalab sa'yo ang diet."

"Wow, ha?"

Lalo lamang itong natawa.

"Pero huwag kang ma-depress doon kasi maganda ka, masipag, funny, matalino, at madiskarte sa buhay. At saka mahal na mahal mo kami. Hindi mapapantayan nun ang kahit anong pisikal na ganda. Someday, may isang lalaking mamahalin ka dahil ikaw ay ikaw at hindi dahil sa kung anong nakikita ng mga mata niya."

Sa huli ay napangiti siya. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng kalooban niya. Pasimple niyang inabot ang baso na may laman pang coke.

"Sabing tama na e!" Napangiwi siya nang paluin nito ang kamay niya. Kinuha nito ang baso sa kamay niya. "Magkaka-diabetes ka na riyan. Madami pa kaming umaasa sa'yo."

"'Yon naman pala e. Concern ka lang sa'kin kasi wala ka nang mauutangan."

"Ay grabe siya. Pero parang ganoon na nga."

"Ate, wala na namang bigas!" sigaw ni Jafar mula sa kusina.

"Tang na juice naman oh! 'Di ba kabibili ko pa noong isang linggo? Ilang beses ba kayong kumain sa isang araw? Sampung beses?! Kaloka!" Tumayo na siya. "Nag-e-emote ako rito, tapos sasabihin n'yo wala na namang bigas."



"WHAT THE HELL KEVIN?!"

Naibaling niya sa kabila ang mukha sa malakas na pagsuntok ni Peter sa panga niya. Nalasahan niya ang dugo sa bibig. Gamit ng likod ng kamay niya ay pinunasan niya ang dugo sa gilid ng bibig.

"I told you to take care of Mohana!"

"Sinabi ko bang gagawin ko 'yon para sa'yo?" kalmado pa rin niyang sagot kay Peter. "Kung mahal mo si Mohana, ipaglaban mo."

"You're impossible." Galit na galit napailing ito sa kanya.

"I don't have time for this. Madami pa akong pasyente." Tinalikuran na niya ito. Naipikit niya bigla ang mga mata nang biglang gumuhit ang matinding sakit sa sentido niya.

"I'll make sure you will regret letting her go! Hindi ko na siya ibabalik sa'yo. Tandaan mo 'yan, Kevin."

I know! Damn it.



NANGINGINIG ang mga kamay na hinanap ni Kevin ang mga gamot niya sa locker niya sa doctor's quarter. Where the hell are those?! Tila sasabog na ang ulo niya sa sakit. Damn it! Napaungol na siya sa sakit. The severe pain was making him weak, pale and languid.

Nang mahawakan niya ang bote ng gamot niya ay hindi na niya 'yon mahawakan nang maayos. The pills spilled on the floor. He's losing all his strength. Napaupo siya sahig. Lalo mang sumakit ang ulo niya. Fuck!

Hinawakan niya ang ulo. "Damn it! Why me? Bakit ako pa?" He could no longer hold it. Napasigaw na siya sa sakit. Parang binibiyak ang ulo niya.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto.

"Kevin!" It was Lee's voice. "What happened?" dinaluhan siya nito.

"Ang sakit... sakit..."

"God, Kevin! I'll call for help."



"I ALREADY forwarded your file to Dr. Mondragon. He's one of the best neurologists in St. Johns. He's expecting you to be there next week." Inangat ni Kevin ang sarili para maisandal ang likod sa headboard ng kama. "I told you not to stress yourself too much. Hindi 'yon makakabuti sa'yo."

"I can't help it," may ngiting sagot niya kay Dr. Reyes. Ang isa sa naging mentor niya sa ospital na 'yon. "I'll be careful next time."

"No more next time, Kevin. Dapat inuuna mo ang kalusugan mo. This is not a simple fever na madalas baliwalain natin. Your life is at stake here. Doctor ka, dapat alam mo 'yan."

"How bad is it this time?"

"You will live."

But his facial expressions show the complete opposite of what he said.

"It's bad right?"

"You'll know, na ipa-sched na kita ng appointment kay Dr. Mondragon. So pack your things now, get rest and focus on your health. I don't want to see your pale face in all the hallways of this hospital. Dahil ako mismo ang kakaladkad sa'yo sa Maynila." Natawa siya. "I'm not joking." Bumuntonghininga ito. "Anyway, maiwan na muna kita."

"Thanks."

Naiwan siyang mag-isa.

Ilang segundo siyang natahimik. Sa huli ay mapait siyang napangiti. He was diagnosed with a brain tumor. Two tumors to be exact. He's not yet sure, they have to conduct more tests. But one thing he's sure of, his life would never be the same anymore.

Inabot niya ang cell phone sa mesita. Pinagkasya na lamang niya ang sarili sa pagtingin ng mga larawan ni Mohana. Her smile brought happiness in his heart. Too bad, he couldn't be with her. She'll be happier with Peter.

I could no longer give her the life she deserved. I want her all the good things in life. Even if it would mean, losing her in my life.

Pabigat lamang siya sa buhay nito.

He doesn't want to be selfish even if he really wanted to be with her.


NATAGPUAN ni Kevin ang sarili na naglalakad papunta sa The Market. Kung saan nagtatrabaho si Mohana. Mag-iisang linggo na na hindi niya ito nakikita. Pinipigilan niya ang sarili na tawagan ito. Ang sabi ni Gumie ay may sakit daw ito kaya hindi rin daw ito pumapasok.

He missed her so much at alam niyang mami-miss pa niya ito nang sobra sa susunod... at baka... mawalan na rin siya ng karapatan na ma-miss ito.

Pagkarating niya sa food park ay 'di na siya pumasok pa. Mabilis na nakita niya sina Peter at Mohana na nagkakatuwaan sa isang table.

Mapait siyang napangiti.

Ganito pala 'yong pakiramdam? 'Yong nakikita mo ang mahal mo na masaya sa piling ng iba. Honestly, mas masakit pa nga yata 'yon kaysa sa tuwing inaatake siya nang matinding sakit sa ulo.

Namulsa siya at muling napangiti nang mapait. Humugot siya nang malalim na hininga at marahas na napabuga ng hangin.

Sakabila ng sakit na nararamdaman niya sa puso, mas pinili niya ang talikuran ang mga ito.

Binalikan niya ang daan na nilakad niya kanina.

"I just hope I'll get used to this pain."

Which I highly doubt.

Inilabas niya ang cell phone sa bulsa at sinubukang tawagan si Mykael. He tried several times but he didn't pick up. He tried calling Rave, but he didn't pick up either. Of course, he couldn't call Peter. He's with Mohana.

Ang mga gagong 'yon, nagka-love-life lang, kinalimutan na ako. Ang loyal-loyal ko pa naman sa mga sekreto nila. Tsk!

Naingat niya ang tingin sa harap.

"I guess, you'll be alone for awhile Dr. Kevin de Luca."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro