Kabanata 20
NAG-PICTURE ang lahat pagkatapos ng binyag ng anak nila Gumie at Mykael. Kasama rin sila Rave at Laura at ang mga anak ng mga ito. Karga-karga ni Rave ang bunsong anak na babae na si Rosé habang nasa harap naman ni Laura si Ross, nakayakap ang mga braso nito sa leeg ng bata. Karga-karga ni Gumie ang baby habang katabi si Mykael, nasa gitna ang mga ito. Nasa kaliwa naman silang dalawa ni Kevin, ito rin ang kumakarga kay Baymax.
Naglapat ang mga labi niya sa pagpipigil ng tawa pero 'di niya talaga mapigilan. Pinagitnaan nila si Peter na walang kasama. Nasa likod ito nila Gumie at Mykael. Dahil nga may baitang ang altar, nasa ikalawang baitang sila at nasa ibaba ang mag-asawa.
Siniko siya ni Peter. "Huwag ka ngang tumawa."
"Mag-love life ka na kasi," bulong niya rito. Ito na lang ang tanging single sa apat. Ito na nga ang last member ito pa ang kulilat. "Mag-so-solo ka na naman."
"O, yes, remind me to schedule my wedding with myself tomorrow," sarkastiko nitong sabi.
"Ipapa-schedule ko na ba?" pang-aasar na singit ni Kevin.
"Tama si Mykael, malungkot na walang kasama sa pagtulog," dagdag pa ni Rave, may pilyong ngiti na naglalaro sa mukha nito. "It's not so bad to fall in love."
"I agree!" Nakangising nilingon sila ni Mykael. "But let's not talk about how unfortunate Peter as of the moment. Smile guys! Ayokong mag-edit ng mga lousy photos dahil wala na akong tulog nitong mga nakaraang araw. Damn, hindi na nga ako maka score –"
"Humarap ka na nga Mykael." Marahas na pinihit ito ni Gumie paharap sa photographer. "Pati ba naman dito sa simbahan, pinoproblema mo 'yan."
Pareho silang natawa sa likod. Kahit kailan Mykael, malandi ka pa rin.
"Okay!" Itinaas ng photographer ang isang kamao. "On my count ha, dapat nakangiti lahat."
Tumango sila.
"One," nagsimula itong magbilang gamit ang mga daliri. "Two, three, say Vanda Sanderiana!"
"Si Peter na lang walang jowa!" sabay-sabay nila. Savage!
"HOY, baka akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mong pag-amin kay Kevin."
Natawa lang si Peter. Nasa isang garden ginanap ang reception ng binyag. Iniwan niya muna ang mag-ama niya para makausap 'tong si Peter na madalas missing in action.
"I saved your happy ending and you're welcome."
"Bakit ginawa mo 'yon?"
Kumibot-kibot ang bibig nito at nagkibitbalikat. "I don't know, kasi bored ako?"
"Loko-loko ka talaga."
"But I did a great job, didn't I?" Sumilay ang isang ngiti sa mukha nito.
"Salamat." Niyakap niya ito, naramdaman niyang tila nabigla ito sa ginawa niya pero hindi niya 'yon masyadong pinansin. Madalas naman talaga itong mabigla kapag niyayakap niya ito. Hindi yata sanay sa mga touchy moments. "Isa ka talagang tunay na kaibigan."
"Yes, I'm your best... friend."
Kumalas siya sa pagkakayakap dito at tinitigan ito sa mukha. "Ipagdadasal kong makilala mo na ang babaeng para sa'yo."
Naningkit ang mga mata nito at naglapat ang mga labi na tila ba nagbitiw siya ng isang korni na joke na hindi nito nagustuhan. Natawa lang siya sa naging reaksyon nito.
"Parang 'tong ewan!" Pinalo niya ito sa braso. "Masayang magkapamilya."
"Pag-iisipan ko."
"Saan ka na naman ngayon?"
"Hindi ko pa alam, sa Iraq? Sa Syria? Depende."
"Magpapakamatay ka ba? Juice ko naman, Pedro! Umayos ka."
Malutong na tumawa ito. "Babalik ako ng buhay sa kasal n'yo ni Kevin. Gawin n'yo akong best man, ha?"
Napasimangot siya. "Hindi pa nga nagpo-propose e."
"He will."
"Talaga lang, ha?"
"He defied death just to be with you Mohana. He deserves you more than anyone else in this world. At masaya ako na ibigay ang best friend ko sa lalaking kayang makipagsuntukan sa kamatayan para lang mabuhay at makasama ka."
Naiiyak na napangiti siya sa mga sinabi ni Peter. Sa dami ng mga hirit at pang-aasar ni Peter, may nasabi ring maganda ang lalaking 'to.
"Bakit ba walang nagkamaling mahalin ka?"
"Bakit nga ba?" Tinitigan siyang maigi ni Peter na para bang para sa kanya ang tanong na 'yon. Pero imposible naman 'yon. Hindi nga ito open minded, 'di ba?
Natawa lamang siya. "Meron 'ding magkakamali. Kapag meron, huwag mong itama, ha? Malilintikan ka talaga sa'kin."
"We'll see about that."
NATIGILAN si Mohana nang pagpasok niya sa loob ng bahay ay madilim maliban sa mga kandilang nakapaloob sa isang transparent jar na nagsilbing gabay niya sa pagpasok sa loob. Iniwan niya ang mag-ama niya kanina dahil nagpasama si Laura sa kanya sa siyudad para mamili ng mga give away para sa birthday ni Rosé. Ginabi na siya dahil hindi na siya nagpahatid kina Rave dahil baka gabihin na ito masyado sa daan. Nag-van na lang siya pabalik ng Balamban.
"Kevin?" Naigala niya ang tingin sa paligid. "Baymax? Ba't ang dilim dito? Na saan ba kayo? Nandito na si mama."
Napasinghap at napasigaw siya nang biglang may mahulog na apple sa harap niya. Natutop niya ang dibdib. Kaloka! Malayo pa naman ang Halloween, bakit may takutan nang nangyayari?
Yumuko siya para kunin ang mansanas. May nakadikit na sticky note sa katawan nun. Na eskandalo naman talaga siya sa nakasulat doon.
Eat this or I'll eat you?
"Kakaloka!" Natawa siya. "Syempre, 'yong second option." Amuse na naigala niya ang tingin sa paligid. "Hoy Kevin! Ano na naman 'to? Lumabas na nga kayo ng anak mo."
Naglakad ulit siya pababa sa living room. Sinundan lang niya ang mga naka ilaw na jar. Wala naman siyang choice e. Walang ilaw pero naka on ang aircon sa buong bahay. So hindi brownout.
Natigilan siya nang may apple na naman sa harap niya. Buti na lang hindi nahulog sa kung saan. Maloloka na talaga siya. Niyuko niya 'yon at kinuha. Gaya noong una may sticky note 'yon.
Open minded ka ba?
Tumaas ang isang kilay niya. Bago paman siya makasagot ay may gumulong na apple sa direksyon niya. 'Yong totoo? Kinuha niya ang ikatlong apple at binasa ang sulat sa sticky note.
Yes or Yes?
Natawa siya nang malakas. "May choice ba ako? Of course, yes!"
Mayamaya pa ay pumailanlang sa buong paligid ang instrumental song ng Stand by Me. Landi-landi ng instrumental version na 'to, ha?
"Hi." Nagulantang siya sa biglang pagbulong ng kung sino sa tenga niya. Sa likod pala dumaan ang loko. Paano niya ba naisip ang mga ganitong bagay? Ang effort, ha? Umikot ito paharap sa kanya. May pilyong ngiti na naglalaro sa mga ngiti at mga mata nito.
"Ano na naman 'to? At nasaan si Baymax?"
"Na sa mga lola niya, pinag-overnight ko muna sa isang resort."
Nameywang siya sa harap nito. "At bakit?"
"I have one promise I haven't done yet." Inilahad nito ang isang kamay sa kanya. Tinanggap niya 'yon at hinayaan itong igiya siya sa gitna. Nakapalibot sa kanila ang jars of little white butterflies. Sobra siyang namangha. Tila umiilaw ang mga paru-paro sa paligid niya.
Ang kaninang makulit at maharot na kanta ay napalitan ng malamyos na musika. Lalo lamang ginawang magical ng kanta ang mga magagandang bagay na nasa paligid niya nang mga oras na 'yon.
"Ang ganda!"
"I'm glad I listened to you that day." Naibaling niya ang tingin kay Kevin. "Bago ko nalaman na may sakit ako, buo na ang desisyon kong ipagtapat sa'yo ang totoo kong nararamdaman pero hindi ko naituloy dahil natakot ako bigla. All your life, you've been working hard for yourself and for your family. That behind every smile and laugh you give to me couldn't hide the traces of your exhaustion, disappointment, and pain. But you keep your head up, patuloy ka na lumalaban, because giving up was never an option in your life."
"At nabuo sa akin ang ideya na papawiin ko lahat ng mga paghihirap mo. I'll take care of you and give you all the love you deserved. Ibibigay ko sa'yo ang buhay kung saan ikaw naman ang prinsesa at ikaw naman ang aalagaan. I will pamper you with all the best things that the world can offer."
"Bakit ka umiiyak?" Umangat ang isang kamay niya para alisin ang mga luhang umalpas sa mga mata nito. Pati siya ay naiiyak na rin.
"I started it with this house." Namilog ang mga mata niya. "Nang ipakita mo sa'kin ang dream house mo. Gusto kong ipatayo 'yon para sa'yo."
"Loko ka! Sabi na e." Kaya pala pamilyar!
"I almost screwed up."
"Almost."
"Kung hindi mo ako pinaglaban. Kung hindi mo ako sinagaw-sigawan hindi pa ako matatauhan. You don't know how scared I was. I'm sick. I'm losing you. All my hopes vanished in just one snap. I was so lost."
"Malakas lang talaga ang dedikasyon ko na hindi tumandang dalaga," biro pa niya. Marahang ibinaba nito ang kamay niya at may ingat na hinawakan at pinisil 'yon. "Madami na akong nagastos sa'yo. Nasesermonan na ako ng nanay ko kung bakit nauubos ang mga gulay at prutas namin. Pinapadala ko 'yon sa'yo para 'di ka magutom. Sa tingin mo, isusuko kita nang ganoon lang kadali?"
"Your love gave me hope, Mohana. You and Baymax became my miracle. Noong nagpapagaling ako, na itanong ko kung bakit mas pinili mong itago ang tungkol sa'yo. And then, I got my answer now."
"Ano?"
"Because you're Mohana Rose Gonzaga. You love us more than yourself. Our happiness comes first before yours. You're selfless when you love and too grateful with all the little things you have even if you deserve more. You can extend your heart to accommodate us all. And I couldn't be more proud of you."
Masuyong hinaplos nito ang kaliwa niyang pisngi at may pagmamahal na tinitigan siya. Ilang segundong nakangiti lang sila sa isa't isa. Naglapat ang mga labi niya. Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya. Kung nabubusog lang ang puso, busog na busog na ito sa pagmamahal mula kay Kevin.
"Sinasagot mo na ba ako?" tudyo niya.
"Matagal ka nang sinagot ng puso ko." Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. "Napansin kong 'di mo kinain ang unang apple."
Ngumisi siya. "Diet ako e."
Sumilay ang isang pilyong ngiti sa mukha nito. "Later." Hinapit siya nito sa batok para maglapat ang mga labi nila. Kusa niyang naipikit ang mga mata at gumanti ng halik. Napaungol siya nang halikan siya nito nang mariin sa mga labi na naging masuyo hanggang sa maging mainit at magpagmahal. Umangat ang isang kamay nito sa kanyang panga para pailaliman pa ang halik. Wala na rin siyang mahihiling pa nang mga oras na 'yon.
Magaling na si Kevin. May malusog at moody silang Baymax. Magiging buong pamilya na silang tatlo. At syempre, hindi na siya single. Tatanda siyang may kasama sa buhay.
Pinaghiwalay nito ang mga labi nila at masuyo siyang hinalikan sa noo.
Naimulat niya ang mga mata.
"I love you," may lambing na anas nito.
"Mahal na mahal din kita Kevin."
"Now, for that promise." May kung ano itong kinuha sa likod nito. Hindi niya masilip kung ano 'yon. Nanlaki na lamang ang mga mata niya nang bigla itong lumuhod sa harap niya. Nakaangat ang mukha nito sa kanya, may matamis na ngiti. "The last time I asked you, you said no. Now, I'm asking you again with a hope that you will say yes this time."
At tuluyan na nga siyang naluha pero idinaan pa rin niya sa tawa. Kahit saan talaga siya ilagay at kahit anong seryosong sitwasyon, tatawa at tatawa pa rin talaga siya.
"Hindi pa nga lang lubusang tumutubo ang lahat ng buhok ko sa ulo pero malusog na malusog na ako. Kaya ko na kayong alagaan ng anak natin. Magsisikap ako para sa ating tatlo. Pupunuin natin ang bahay na 'to ng magagandang alaala at masasayang tawa. Pupunuin ko rin ng mga pagkain ang ref natin."
Lalo siyang natawa sa huling sinabi nito. Nayakap niya ang sarili. Hindi ba sumasakit ang isang tuhod nito?
"At syempre, madaming stock ng apple para sa ating dalawa."
Nakagat nito ang ibabang labi, and that naughty smile. Tang na juice, dinadaan na naman siya nito sa mga ganoong sexy na tingin.
"So saan papunta ang usapan na 'to?"
"Mohana." Itinaas nito ang isang nakakuyom na kamay sa harap niya. Nakangiti lang siya rito. "Are you open for the possibility of spending the rest of your life with me?" Napaawang ang labi niya nang ibuka nito ang kamay ay isa-isang nagsiliparan ang mga paru-paro sa paligid niya. Paano nito nagawa 'yon?
"Is it yes or yes?"
Natawa siya, bumaba ang tingin niya sa diamond ring sa palad nito. "Kahit may no pa sa choices, mag-yi-yes pa rin ako."
Lumapad ang ngiti nito at mabilis na niyakap siya. Nagawa nitong maiangat siya sa ere at mariing hinagkan siya sa mga labi. Naramdaman niya ang pag-ngiti nito sa gitna ng halik. Ginagap niya ang mukha nito at hinalik-halikan ito sa mukha.
"I love you! I love you!" paulit-ulit na sigaw nito.
Maingat na ibinaba siya nito. Hinaplos niya ang ulo nito pababa sa mukha nito nang hindi inaalis ang tingin dito.
"Salamat dahil lumaban ka, Kevin."
Hinawakan nito ang kanang kamay niya at masuyo 'yong ibinaba. Bumaba ang tingin niya roon habang isinusuot nito ang sing-sing sa palasing-singan niya.
"No, thank you for fighting this battle with me." Hinalikan nito ang kamay niya. "I won because you believe in me. And I'm glad, I listened to you." Niyakap siya nito pagkatapos. Gumanti naman siya ng yakap, mas mahigpit pa. "Thank you, my beautiful admirer."
"You're welcome, malakas ka sa'kin e."
Naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa bandang tenga niya. Naghatid 'yon ng init at kakaibang kiliti sa katawan niya.
"Wala si Baymax," bulong nito. "May buong gabi tayo para sundan siya."
"Sige, pero patayin mo muna isa-isa ang mga sinindihan mong kandila dahil alam mo namang delikado 'yan."
Napaungol ito sa frustration. Natawa lamang siya. "Damn it!"
"Ginusto mo 'yan."
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at inisa-isa na nito ang mga candle jars. "Sisimulan ko na at nang matapos na!"
"Meron pa sa second floor!"
"Damn, I hate this."
"Maghihintay ako sa kwarto."
"This is torture!"
"Gusto mo sabay tayong maligo?"
"Kaya ko 'to! Kaya ko 'to!"
"I love you, Kevin!"
"I love you too, baby!" sigaw pa rin nito kahit feeling niya nasa second floor na ito ng bahay. Naks, ang bilis ah. Oh well, mas maganda pa rin na may kasama sa pagligo.
Kinagatan niya ang napulot niyang mansanas sa sahig. Nabitiwan niya 'yon kanina. Lagpas five seconds na pero bahala na. May health benefits naman sa bacteria. Uubusin niya 'yon hanggang sa makaakyat si Kevin sa kwarto nila. Patience is an apple - este, is a virtue pala.
Kasalanan talaga 'to ng mansanas ni Eba. Tsk!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro