Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

"SALAMAT dito Peter, ha? Babayaran kita pagbalik mo." Inabot ni Mohana ang braso ni Peter para tapikin 'yon. "Kaya huwag ka munang magpakita sa akin. Mga after two months, pakita ka ulit." Kumuha pa siya ng libre nitong french fries. Saan ka makakakita ng umutang at in-libre pa?

"Loko ka talaga." Ibinigay na sa kanya ni Peter pati share nitong burger at fries. "Hindi naman kita sinisingil. Gaya ng dati, bayaran mo ako kapag nakaluwag-luwag ka na."

"Kailan naman kaya ako makakaluwag-luwag? Dami ko nang raket at trabaho, dumadami naman bayarin ko. Walang katapusan. Wala na nga akong jowa. Wala pa akong pera."

"Ba't 'di ka umutang kay Kevin?"

"Dami ko nang utang doon. 'Di ko pa nga nababayaran ang balanse ko sa kanya. Nakakahiya na masyado kung uutang na naman ako. Salitan na lang muna kayo." Bungis-ngis pa niya.

"Hindi ko alam kung tunay na pagkakaibigan ang intensyon mo sa amin o nangongolekta ka lang ng gagatasan mo ng pera."

"Ay sobra ka naman! 'Di ko naman 'yon masyadong pinapahalata. Pero parang ganoon na nga."

At ang mailap na ngiti ay muling sumilay sa mukha ni Peter. Paano niya ba naging kaibigan ang seryosong taong 'to? Sa dami nang mga pagkataong hinabi nito, hindi pa rin maitatago ni Peter sa kanya ang totoong ugali.

Actually, mukha lang itong seryoso pero may ugali kasi ito na kapag close na nito ang isang tao, nababawasan na 'yong strong personality nito. Nagku-kwento na ito. Nag-jo-joke. Saka nang-aasar. Mahirap kilalanin ang isang Peter Sebastian. Aba'y sa ilang beses na pagpapanggap nito bilang ibang tao ay pwede na niya itong bigyan ng best actor award.

"Peter."

"Ano?"

"Minsan ba, naisip mong magkagusto sa akin?" Inihit ito ng ubo. Napamaang siya. "Ay grabe 'to, so ano?"

"Why would you suddenly asked me that?"

"Curious lang naman ako. Sa ganda kong 'to? Alam ko na 'di ka open minded pero iba ang ganda ko. Maaliwalas at kabigha-bighani."

"Gusto mong um-order pa ako? Mukhang gutom ka pa," natatawang sagot nito sa kanya. Napaismid siya. Walangya talaga ang Peter na 'to!

"Wala ka talagang kwentang kausap."

"Ba't 'di mo itanong 'yan kay Kevin? Mukhang may gusto 'yon sa'yo."

"Mukha lang, pero 'di naman." Napanglumbaba siya sa itaas ng mesa. "Sa dami ng naging crush ko, ni isa, wala namang naging akin. Ang sakit pero kailangan kong tanggapin ang malunos na kapalaran ng aking mga kabiguan."

"Masyado kang makata. Mabaril ka pa riyan sa Luneta."

"Si Lapu-Lapu yata ang tatarak ng matulis na punyal sa aking puso."

"Tumigil ka na Mohana." Tawang-tawa na si Peter sa kanya. "Iiwan na kita rito."

Nanghahaba ang nguso na hinuli niya ang mga mata ni Peter. "Peter, walangya ka talaga. Isa ka rin naman sa mga kabiguan ko."

"May sinabi ba akong 'di kita gusto?"

Umayos siya ng upo at isinandal ang likod sa back rest ng upuan. "Sabi mo 'di ka open minded. Ano ba meaning nun?"

"It's your own definition. I have mine, but I can't tell you for now."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Pa take out na lang nito. Madami na namang 'di kumakain sa amin."

Natawa ito sa kanya. "Basta talaga pagkain."

"Aba'y grasya din 'to!"

"Sabi mo e."



"NAKU, chesmes na naman 'yang hula n'yo Nang Sol. Aba'y dalang-dala na ako riyan. Ilang taon na ho ang lumipas wala namang lalaking dumating sa buhay ko."

Kinuha niya ang burger na take out ni Peter at inabot 'yon sa matandang manghuhula sa labas ng simbahan ng San Nicolas. Kilala niya na ito dahil lagi ito roon.

"O, burger, snacks ka muna."

"Maupo ka nga muna dito. Tignan natin ulit ang palad mo."

"Tanggap ko na ho na tatanda akong virgin – aw." Napangiwi siya nang paluin siya nito sa puwet. Ouch ha. Inisang hila siya nito sa kamay paupo sa maliit na bangkito nito. "'Ray ha, nananakit. Ikaw na nga 'tong binigyan ko ng burger."

Hindi na siya nito pinansin dahil nasa mga palad niya na ang atensyon nito. Pinadaanan ng mga daliri nito ang mga linya ng palad niya.

"Ano Nang Sol? May pag-asa ba akong pumayat?"

"May dalawang lalaki sa buhay mo ngayon."

"Ah, opo, may dalawang lalaki nga akong inutungan. Galing ah!"

"Ang dalawang lalaki na 'yon ay parehong mahalaga sa buhay mo. Isa sa kanila ang mamahalin mo nang sobra ngunit mas madami ang kalungkutan kaysa sa saya ang makukuha mo sa piling niya. Ang isa naman ay patuloy na mamahalin ka sa lihim... ngunit... maari pa 'yong mabago."

"Seryoso ka ba Nang Sol? Huwag n'yo akong ini-echos. Pangalanan mo nga ang mga lalaking 'yan."

"Kilala mo sila."

"Sa dami ng mga lalaki ko sa buhay."

"Wala namang naging sa'yo e."

Napamaang siya. "Wow! Salamat, ha? Ramdam ko 'yon."

"Basta, kung dumating man ang araw na makilala mo ang lalaking mamahalin mo nang sobra. Huwag na huwag mo siyang susukuan. Magiging mahirap pero kayanin mo."

"Mababaril na yata ako sa Luneta niyan."

"Basta binalaan na kita."

"Oo na! Oo na! Ako na ang bahala sa puso ko."

"O, bilhin mo na muna 'tong mga kandila ko." Pinahawak sa kanya ni Nang Sol ang iba't ibang kulay ng kandila na binebenta nito. "Mabisa 'yan para sa swerte."

"'Yan tayo e. Marketing skills."

"Minsan nga lang makabenta. Pagbigyan muna. May pera ka ngang pam-burger."

"Nang Sol, turuan mo nga ako niyang sales strategy mo at para makabenta ako ng madaming banana cue at mani sa USJ-R."

Inabot niya ang pera rito. Ang laki ng ngiti ng matanda. Napangiti na rin siya. Alam niya namang sa apo rin naman nito mapupunta ang perang 'yon.

"Salamat."

"Basta, magkaka-love-life na ako nito."

"Mabisa 'yan, sabayan mo lang ng dasal."

'Yan na naman tayo sa dasal e. Araw-araw na nga akong nagno-nobena. Wala pa rin. 'Yan tayo Lord e. Pinaghihintay n'yo ako e. 'Yong totoo, pang-ilan po ako?



"SINO 'YAN?" Mabilis na pinatay ni Mohana ang cell phone. Naupo sa tabi niya ang Ate Jasmine niya. "Ay sus, parang 'di ko naman kilala 'yon. Si Doc. Kevin 'yon e."

"Kilala mo naman pala e, nagtanong ka pa."

"Ikaw talaga, masyado kang pilosopa. Ba't 'di mo kasi ligawan? Sabihin mong crush mo siya. Wala nang Maria Clara sa panahon ngayon. Dapat unahan mo."

"Sinabi ko na."

"Pero pabiro naman."

"Pareho lang din 'yon. Matalino naman siya. Magi-gets na niya 'yon." Nilaro-laro niya ang cell phone sa mga kamay. Wala siyang makitang magandang view sa harap niya maliban sa mga batang wala na namang ligo at mga nanay na magmamajong na naman. "At saka, imposible naman kasi na magkagusto siya sa akin. Kita mo nga ako. Hindi naman ako seksi. Hindi rin mayaman. Baon pa sa utang. 'Di nga ako makabili ng mga magagandang damit."

"Masyado mong minamaliit 'yang sarili mo. Hindi ka naman mamahalin nun dahil sa estado mo sa buhay. Mamahalin ka nun dahil sa ganda ng kalooban mo. Ang bait-bait mo kaya."

"Oy ate, wala na akong impapa-utang sa'yo. Huwag mo na akong purihin – aw!" Mambatok ba bigla? Ouch ha.

"Puro ka kasi biro. Bahala ka sa buhay mo. Tatanda kang dalaga."

"Okay lang na tumanda akong dalaga, ate. Basta 'di lang tumandang virgin."

"Boang!" Malakas na natawa ito sa kanya.

Pati siya ay nahawa rito. Ganito sila lagi. Tinatawanan na lang lagi ang mga problema nila. Alangan namang iyakan nila. Minsan, kapag sobra na. Pero ayaw niyang ma-e-stress masyado sa buhay. Gagawan niya na lang ng paraan para makaraos sila. Wala e, kailangan talagang lumaban.

"Konting tiis na lang." Humugot siya nang malalim na hininga. "Makakapagtapos rin sila Jafar at Mickey. Pagkatapos nun, mag-aasawa na ako."

"Maghanap ka muna ng mapapangasawa."

Natawa siya. "Sabi ko nga." Dumaan naman sa harap nila ang tatay nila. Parang 'di sila nito nakita. Nakatuon ang atensyon nito sa hawak nitong panabong na manok. "Kita mo 'tong tatay natin, kasama na naman niya ang legitimate child niya."

Natawa lang ang Ate Jasmine niya.

Kaloka talaga 'tong tatay niya! May favoritism.



NAGULAT siya nang makita si Kevin sa The Market. Ilang buwan na niya itong hindi nakikita. Anong ginagawa nito rito? Halatang may hinahanap ito sa paligid. 'Di niya sigurado kung sino. Hanggang sa magtama ang mga mata nila. Sumilay ang ngiti sa mukha nito.

Naramdaman niya ang pagkahulog ng puso niya. Kumabog nang malakas at mabilis ang puso niya. Siya ba ang hinahanap nito? Pero bakit? Hindi niya makalma ang puso habang papalapit ito sa direksyon niya.

"Hi," nakangiting bati nito.

"Nakabalik ka na pala."

"Nagpa-assign ulit ako rito. Guess what? Ilang lakad lang pala mula sa lugar na 'to ang ospital."

"Paano mo nalaman na nandito ako?"

"I called Laura, she said, you work here." Ang mayaman na niyang suki sa lotto. Sino bang hindi mag-aakala na si Rave talaga ang makakatuluyan nito. Binugaw lang niya naman ito once sa kaibigan ni Kevin. Nagdilang-anghel pa siya. Masayang-masaya siya para sa kaibigan. Sana all. "And you're with Gumie."

"Kilala mo si Gumie?"

Tumango ito. "It's a long story, busy ka ba? Samahan mo muna akong kumain." Tinignan nito ang menu ng Chick Your Status. "Ano bang best seller n'yo?"

"Date me."

"Huh?"

"'Yan ang best seller namin," natatawang sagot niya. "Aminin, iba ang inisip mo."

Natawa ito. "Puro ka talaga biro Mohana. Na saan na ba 'yong scalpel ko?" May kung ano itong hinanap sa bulsa nito.

"Ay grabe siya, 'di na mabiro. Hay naku! Napaka-brutal mo talaga. Humanap ka na nga muna ng table. Susunod ako. Magbi-break muna ako."

"Okay."

Pinuntahan niya si Kuya Ariel sa kusina at sinabi ang order ni Kevin. Nagpaalam rin muna siyang magbi-break. May dalawang staff pa naman na mag-aasikaso sa mga orders.

Syempre nag-ayos din naman siya nang kaonti. Nagsuklay saka naglagay ng lip tint. Okay pa naman ang kilay niya. Inayos niya ang suot niyang itim na t-shirt at pinagpag ang harina na kumapit sa kupas niyang skinny jeans. Inalis niya ang tali sa buhok at inilugay na lamang ang alon-alon niyang mahabang buhok.

Mabilis na nahanap niya ang irog niya.

"'Di ba busy sa ospital?" Naupo siya sa katapat na sila.

"I'm on break. Hopefully, walang tumawag sa'kin for an emergency. I've been awake for days already." Pansin nga niya ang panlalim ng mga mata nito. "I think, almost every day." He chuckled.

"Wala ka bang bakasyon?"

"Pwede naman, but I chose not to, for now. I'm on my second year in specialized cardio, so it's a bit mind threatening." Nakangiti pa rin ito habang nagpupunas ng mga mata. "I'm not sure if I'm still sane."

"Nakakabelib kayong mga doctor. Wala na nga kayong tulog tapos nagtatrabaho pa kayo habang nag-aaral. Paano mo nagagawa 'yon?"

"It's something I love to do. I like saving lives. At saka pangarap ko rin talaga ang maging heart surgeon."

"Naks! Naniniwala naman ako sa'yo. Ikaw pa."

"How are you?"

Sakto namang dumating ang mga pagkain nila.

"Ito, maganda pa rin."

Natawa ito. "Pansin ko nga rin."

"Chos! Naniniwala ka naman."

"Sinabi ko bang naniwala ako? Patingin nga." Nagawa nitong mahawakan ang mukha niya. Sinipat nito ang mukha niya na para bang may kung anong simtomas ng abnormality at deformation sa mukha niya. "Mukhang may mumps ka dito." Pinalis niya ang kamay nitong nakapisil sa double chin niya. Langya!

"Baliw! Taba lang 'yan."

Tatawa-tawa naman ito. "Sorry, wrong prognosis."

"Ikaw!" Dinuro niya ito ng tinidor. "Minsan ka na nga lang magpakita sa akin. Inaapi mo pa ako. Inaano ka ba ng taba ko, ha? Sagabal ba sila sa pagiging doctor mo, ha?"

"O, tumataas na naman ang dugo mo. Relaks."

"E, ikaw kasi, pasalamat ka, crush kita. Langya ka!"

"Minumura mo na naman ako."

"Hindi kita minumura. Minamahal nga kita." Inabala na lang niya ang sarili sa paglantak sa chicken wings. Langya! Ang anghang. Bwesit! "Kumain ka na."

"Mohana."

"Bakit?!" asar na balik tanong niya.

"I'll tell you a prognosis, so listen."

Naingat niya ang mukha kay Kevin. Tang na juice! Ano ba ang meaning ng prognosis? Magkapatid ba sila ng diabetes o 'di kaya ni amoebiasis?

"Honestly, you make my cardiac muscle pump blood through my vascular system really quickly."

Ano raw?

"Kevin." Sabay silang napalingon sa nagsalita. Si Peter. Himala, ang dalawang AWOL lagi ay present ngayong gabi. "Hi Mohana." Naupo ito sa tabi ni Kevin. "Nandito ka rin pala Kevin."

"Nandito ka nga rin."

"Himala, 'di kayo busy ngayon?"

"I'm taking my vacation," sagot ni Peter. "Seemed like, walang at risk patients ngayon si Doc ngayon ah."

"It's a big hospital, alangan namang, ako lang ang doctor, Peter."

"Point taken."

"Ba't ba ang bad blood n'yo sa isa't isa? Akala ko ba barkada na kayo ngayon?"

"Are we not in good terms?" Binalingan ni Peter si Kevin at malakas na tinapik sa balikat. "We're best of friends, right Kevin?"

"Talk to my hand." Itinaas ni Kevin ang kamay sa mukha ni Peter.

Natawa lang siya sa dalawa. "Sa kakaganyan n'yo, kayong dalawa ang magkakatuluyan," aniya, habang pinapapak ang balat ng chicken wings. "Bagay kayo."

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na napalayo sa isa't isa. Diring-diri pa ang dalawa sa isa't isa.

"Anyway, mabalik tayo Kevin, bakit kilala mo si Gumie?"

"She's the love interest of Mykael," sagot ni Peter.

Tukoy nito sa isa pang kaibigan nilang dalawa. Ang chika sa kanya ni Laura. F4 daw ang datingan ng apat. Si Mykael daw ang parang Xi Min ng grupo.

"So alam n'yong dalawa?"

"Malamang, kasi barkada nga kaming apat, 'di ba?" sagot naman ni Kevin.

Hay naku, ang dalawang 'to. Ang sarap pagbuhulin. Sila Peter at Kevin lang ang kilala niyang magkaibigan na may malalim na galit sa isa't isa.

"Galit? Masamang magtanong? Ang saya n'yong kasama e. Nakakatuwa kayo." Tinapos na niya ang kinakain at tumayo na siya. "Ayusin n'yo muna ang mga problema n'yo sa isa't isa. Huwag n'yo akong idamay. Bayaran n'yo 'to." 'Yon lang at nilayasan na niya ang dalawa.

Ang gulo-gulo kausap ng mga 'yon. May Kevin naman na kung ano-ano sinasabi, 'di niya naman maintindihan. May Peter naman na sumusulpot na lang bigla na parang ninja.

Makaalis na nga bago pa nila maalalang may utang pa ako sa kanila. Kaloka! 'Di ko pa nababayaran. Syet.


NAPANGIWI si Kevin nang maramdaman niya ang pagtama ng tuhod niya sa kung anong matigas na bagay.

"Didn't you notice that metal frame?" seryosong tanong ni Peter sa kanya, napansin siguro nito ang pagkatigil niya.

Umiling siya. Hindi niya talaga napansin ang metal frame na 'yon. Kumunot ang noo niya. Pero kung titignan ay madali 'yong mapansin ng kahit sino.

"Are you okay Kevin?"

"I'm fine."

Baka 'di lang talaga niya napansin 'yon dahil medyo madilim ang bahaging 'yon. It was kind of weird, but there is no longer a need for him to assess the situation. Wala lang 'yon.

"Gusto ko si Mohana." Natigilan siya sa sinabi ni Peter. Naibaling niya ang tingin dito. "I hope you don't mind."

"Why would I?"

"If you like her, then tell her."

"Para sa akin ba 'yan o para sa sarili mo?"

Namulsa ito. "I have a demanding and dangerous job. I can't give her a normal life, but you could give it to her. She deserved it, Kevin. And, honestly, she loves you. That alone, I could no longer argue with."

"So you're giving up?"

"If it's you, then I wouldn't mind."

"Peter –"

"Anyway, I have to go. I-check mo rin 'yang tuhod mo. Mukhang masama ang pagkakatama. You're a doctor, so always take care of yourself." Tinalikuran na siya nito. "See you when I see you, Kevin." Patalikod na kumaway ito sa kanya at naglakad palayo.

Sighed, nagkasya na lamang siya sa pagtingin sa papalayong si Peter.

"I didn't expect this from you, Peter."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro