Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19

ANG SAYA ng hapunan, may bbq na bigay ng kapitbahay at lechon manok na dala ni Kevin. Madami ring inilutong paborito ni Kevin si nanay. Saya! Parang walang isang taong lumipas. Mahal na mahal pa rin ng pamilya at mga kapitbahay niya ito. Sabagay, 'di naman niya talaga siniraan si Kevin. Pinagkalat lang niya na, babalik ito pagkatapos nitong magpaggaling sa US.

At syempre invited ang mga ito sa kasal nila. Medyo assumera rin talaga siya kahit na madami siyang hindi sigurado sa mga panahong 'yon.

Hindi pa sila pormal na nag-uusap dahil halos na kay Baymax ang atensyon nito. Hindi na nga nito mabitiwan ang anak. Hindi niya alam ang mararamdaman nang mga oras na 'yon. Naiiyak siya na naiinis. Hindi niya sigurado kung may amnesia ba talaga ito o wala. At kung ano ang dahilan nito kung bakit nagpanggap itong may amnesia.

Magkatabi naman sila ng silya kahit nahihirapan sa pagkain ay ayaw talaga nitong ibigay muna sa kanya ang bata. Mabigat pa naman na si Baymax.

Nagulat siya nang lagyan ni Kevin ng chicken leg ang plato niya. Naingat niya ang mukha rito.

"Kumain ka pa." Dinagdagan pa nito ng kanin. "Binili ko 'yan para madami kang makain ngayon."

Mas gusto niyang kausapin ito nang masinsinan kaysa ang kumain.

"Mag-uusap tayo mamaya," bulong niya rito.

"May buong gabi tayo para mag-usap."

Kumunot ang noo niya. Anong ibig sabihin nito?

"Tama nang titigan," sita ng tatay niya. Sabay silang napatingin sa mga magulang at mga kapatid niya. May pilyo at pilyang ngiti na naglalaro sa mga mukha ng mga ito. May hindi ba ako alam? "Saka na kayo maglambingan." Saka nagtawanan ang lahat.

"Miss na miss ni ate si Kuya Kevin e," tudyo pa ni Jafar.

"Mukhang may baby number two na," dagdag pa ni Mickey. "Ayiee!"

"Jafar, Mickey," sita ng Ate Jasmine niya sa mga ito. "Huwag n'yo ngang asarin ang ate n'yo." Pero may makahulugang tingin namang sinulyapan siya nito.

"So ako mag-a-adjust sa mga pinag-iisip n'yo, ganun?"

Natawa ang lahat.

"Anak," ng mama niya. "Masaya lang ang mga kapatid mo para sa'yo?"

"Hindi po ba kayo masaya para kay ate, Nay?" inosenteng tanong ni Mickey.

"Masaya." Tinaasan ito ng kilay ng nanay niya. Natawa siya. "Kailangan ko ba talagang kompletohin ang mga sinasabi ko para maintindihan mo?"

"Chilax, Nay!"

"Tama na nga 'yan, kumain na lang tayo," awat na niya.

"Basta, masaya kami para sa inyong dalawa ni Kevin. Syempre kay Baymax din dahil makokompleto na ang pamilya niya."

Napangiti siya sa sinabi ng nanay niya. Madalas silang mag-away dahil sa bayarin at utang pero alam niyang mahal na mahal siya ng mga magulang niya.

Pero mas mahal ng tatay niya ang manok niya. Hindi na siya makikipag-argumento roon.



"DITO KA matutulog?!" halos pasigaw niyang tanong kay Kevin. Nakaupo ito sa itaas ng kama habang nakikipaglaro kay Baymax. Inunguso nito ang mga gamit nito na nakalapag sa sahig malapit sa drawer niya. "Maliit to para sa'yo."

"The bed is big enough to accommodate us three."

"Pumayag sila Nanay?"

"Matutulog lang naman tayong tatlo. Ano bang dapat ikabahala nila?"

Naupo siya sa gilid ng kama at inabot ang isang kamay ni Baymax. Pinapakalma niya ang sarili. Hindi niya talaga alam kung anong tumatakbo sa isip ni Kevin nang mga oras na 'yon.

"Pumayat ka," mayamaya ay komento nito.

Inangat niya ang mukha kay Kevin. "Hindi ako nag-diet."

Natawa ito sa naging sagot niya. "I like it better when you're squishy. We'll work on that in the coming days."

"Masaya na ako sa katawan ko, bahala ka riyan."

"I missed you."

Natigilan siya, nabagbag ang kanyang damdamin sa sinabi nito. Tila ba maiiyak siya ano mang sandali.

"Kailan mo pa ako naalala?"

"I didn't remember everything in one snap. I have to really work hard on it. Peter was a great help."

Kumunot ang noo niya. "Anong kinalaman ni Peter?"

"He broke his promise, he told me about you." Napaawang ang bibig niya. Hindi niya inakalang gagawin nito 'yon sa kanya. "But before his confession, kilala na kita. You see, I'm a very smart person." May pagmamalaking ngumiti ito. "I have to make sure, I have a backup file of my memories if something happens to me, at least I have something to study."

"Anong ginawa mo?"

"I wrote a character profile of my family and my friends. I made a detailed description of each of them and noted the things that I need to remember. It was mind-blowing. Halos mabaliw ako sa kakaalala but it was really helpful for me."

"Dahil doon naalala mo sila?"

"Dahil sa kagustuhan kong maalala ka, nagawa ko nang hindi ipinupokpok ang ulo ko," he chuckled. "My fast recovery was a miracle, Moh. Kahit na wala akong maalala sa'yo at sa journal lang kita nakilala, there is always this big hole in my heart that feels empty. Na kahit lagi akong dinadalaw ng mga kaibigan ko, may kulang pa rin. Na kahit unti-unti nang nagbabalik ang mga alaala ko, may alaala pa rin na gustong-gusto kong balikan pero 'di ko alam kung ano 'yon."

"A year back, Peter visited me. At doon niya pinagtapat ang tungkol sa'yo. He showed me your photo... with our son." Nakangiting hinalikan nito sa pisngi ang anak nila. Naiiyak na naman siya. Nagiging emosyonal talaga siya kapag nakikita ang mag-ama niya. "I didn't know why, but tears fell down from my eyes when I saw both of you, kahit na hindi ko pa kayo lubos na naaalala. May saya akong nadama sa puso ko nang mga oras na 'yon. And I realized, I didn't write you in my journal para lang may maalala ako. I wrote everything about you, the reasons why and how did I fell in love with you there to remind myself, that I need to come back and look for you."

"Although, I hated the fact that you let them hide your real identity in my life. Hindi ko lubos maisip kung bakit 'yon ang naging desisyon mo. Naitanong ko sa sarili ko, didn't she want to take care of me? Ayaw na niya ba sa akin? Am I a burden to her? Hindi niya na ba ako mahal?" Bigla siyang na guilty sa mga sinabi nito. Nabasa niya ang lungkot at pagkadismaya sa mga mata nito. Pero hinayaan niya itong magpatuloy. "I was so frustrated with everything in my life at that moment. Hindi ko alam kung bakit itinatago ka nila o kung bakit ayaw nilang magkuwento tungkol sa'yo."

"Sorry," gumaralgal ang boses niya.

"Madalas mag-forward ng mga baby photos si Peter sa akin. Nasundan ko ang unti-unting paglaki niya. Ang buwan-buwan niyang birthday. I made sure may regalo ako sa kanya. Gusto kong kahit wala ako sa tabi n'yo, may maibigay pa rin ako sa kanya. So I asked Peter to buy him toys and cakes for his monthly birthdays."

"Ikaw pala ang nagbibigay nun?" Natutop niya ang bibig.

Nagtataka na siya kung bakit halos buwan-buwan na lang nagbibigay ng birthday cake si Peter. May kasama pang laruan. Makailang beses na sinabihan na niya itong huwag i-spoil si Baymax kasi 'di pa naman nito totoong birthday.

May mapagmahal na ngiting tumango ito.

"Araw-araw, tinitignan ko ang mga pictures n'yong dalawa. Natutuwa ako. I started missing both of you. I have this big urge to just fly home and be with you. That didn't stop there, alam mo bang, pinasok ni Peter ang bahay ko para lang makakuha pa ng mga bagay na pwedeng makatulong sa akin para maalala ang lahat, then he saw my photo album of you. Iyon ang kaisa-isang bagay na itinago ko mula sa'yo."

"Photo album?"

There was a shy smile on his face. "It's in my bag."

Mabilis na kinuha niya ang bag nito at hinanap doon ang sinasabing photo album. Napansin niya ang isang journal na madaming nakadikit na sticky notes na lumagpas na sa mga pages. Katabi nun ang photo album na sinasabi nito. Kinuha niya ang dalawa at agad na bumalik sa mag-ama niya.

"Who says I can't keep a secret?"

Natawa siya. "Kevin, hindi mo kayang magtago ng sekreto." Binuklat niya ang mga pahina ng album. Natutop niya ang bibig sa mga nakita. Nandoon ang mga stolen pictures niya simula nang magkakilala sila. "Hoy, bakit may screenshot ka noong unang video call ko sa'yo?"

Natawa ito. "You looked so funny, para kang nakakita ng ginto, tapos ang unang sinabi mo pa, open minded ka ba? I thought I should just keep it. I tend to saved photos a lot with no particular reason. Glad I did."

Madami pang photos, noong kasal ni Gail tapos siya ang nakasalo ng bulaklak pero nang hindi si Kevin ang nakasalo ng garter, tumakbo siya ng stage at iniwan ang bouquet. Ang choosy ng lola e.

May picture rin siya na kumakain at nag-aabang sa buffet table. Mukha siyang ewan. Nagulat siya nang makita ang ilang pictures niya noong naglalako siya ng trolley ng extra juice sa merkado. Juice ko! Ang braso niya expose na expose sa madla. Sa mga sumunod na pictures, suot na niya ang denim jacket na personal na ibinigay nito noong araw na 'yon. Halatang stolen kasi madaming blurred pictures.

Lalo siyang namangha nang makitang kinukunan pala nito ng pictures ang mga ibinibigay niya rito. Nagpapadala kasi siya ng gulay o 'di kaya prutas rito. Minsan bulaklak kapag may budget siya o 'di kaya may sobra sa simbahan o karo ng mga santos. Ganoon siya manligaw dito. May mga pa love letter pa ang lola n'yo na copy paste lang mga lyrics at love quotes sa internet.

Paano ba nagkagusto ang isang Dr. Kevin de Luca sa baliw na Mohana?

Meron din noong nagtatrabaho na siya sa Chick Your Status ni Gumie. Pawis na pawis na nagpapaypay siya ng sarili. Minsan pa, kumakain ng manok. Kaloka ang isang 'to! Mabibilang lang yata ang magandang kuha niya sa album na 'yon.

"Stalker ba kita? Bakit meron ka nito?" manghang tanong niya.

Sa mga sumunod na pahina, mga recent pictures na nilang dalawa. 'Yong two weeks na magkasama sila. Pati na rin ang pagbabalak niyang mag-diet. Ang muntikan niyang pagpapasabog sa kusina ng bahay ni Kevin. Ang dami niyang bloopers na larawan. May asar, may masaya, may malungkot, may nakatulala, pero mas madaming lumalamon siya.

"I told you, I can keep a secret."

"So matagal ka na pa lang may hidden desires sa akin?"

"Teka lang." Napatingin silang dalawa kay Baymax. "Parang may laway." Natawa siya nang makitang nakatulog sa ganoong posisyon ang anak. Naglalaway pa. Ito ang unang beses na nakatulog ng hindi isinasayaw ang anak. Bumakas ang pagkamangha sa mukha ni Kevin. "Is he always like this?"

"Ngayon lang, akin na." Kinuha niya mula rito si Baymax. Hinalikan niya ito sa noo bago maingat na inihiga sa kama at kinumutan. Hinaplos-haplos niya ang ulo ng anak. "Ang hirap patulugin ng batang 'to. Kita mo, hawak mo lang kanina, pero nakatulog agad."

Pagbaling niya ng tingin kay Kevin ay may masayang ngiti itong tinitigan si Baymax.

"Madami bang nagsasabi na kamukha ko si Baymax?"

"Buong Pilipinas yata," nakangiti niyang sagot.

Nagtama ang mga mata nila. Sa ilang segundong lumipas na magkahinang ang kanilang mga mata, mas lumalalim ang pagmamahal na nakikita niya sa mga mata nito. Lumulubo ang puso niya sa saya.

Hindi niya napigilan ang mga masasayang luha sa mga mata. Idinaan niya 'yon sa tawa. Naghintay siya at hindi siya binigo ni Kevin.

"Come here." Inabot nito ang isa niyang kamay. Umisod siya palapit dito. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at pinahid ang mga luha niya gamit ng mga hinlalaki nito. "I missed you so much Mohana." Pinagdikit nito ang mga noo nila.

"Noong pinuntahan kita sa ospital, bakit 'di mo sinabing kilala mo ako?"

"Because I didn't expect you'll pretend you didn't know me. I was curious kung hanggang kailan mo i-extend ang kwentong crush mo."

"Natakot lang ako, nawalan ako ng lakas ng loob."

"Pero araw-araw mo pa rin akong nililigawan sa mga iniiwan mong mansanas."

Napasinghap siya at napalayo rito. "Alam mo?"

"Nakita kita isang araw, 'di mo ako napansin dahil sa iba ka dumaan. Araw-araw mo rin akong hinihintay sa garden, minsan nagtatagal ka, minsan dadaan ka lang saglit at titingin sa gusali sa harap mo, 'di ko alam kung sa bintana ng silid ko ba ang tinitignan mo o ibang bintana."

Natawa siya. "Pinagtatawanan mo na siguro ako."

"Hindi ah." May pilyong ngiting umiling ito. "Kinikilig nga ako e. Hindi ko na kailangang mag-effort pa na basahin ang mga iniisip mo. Matalino ka rin, akalain mong, naisip mo pang itanong sa'kin ang mga medical terms na sinabi ko sa'yo."

"Aba'y, sinagot mo rin naman e."

"Mabubuko ako kapag 'di kita sinagot."

"Pwede ka namang magdahil –" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang halikan siya nito sa mga labi. Maalab at malumanay pero ramdam niya ang dalawang taong pananabik nila sa isa't isa. Hinawakan siya nito sa batok para pailalimin pa ang halik. Miss na miss na niya talaga ito.

"God, I really missed you," anas nito nang paghiwalayin nito ang mga labi nila. Hinagkan nito ang kanyang mga mata at mga pisngi. Dinama ang kanyang leeg at mga braso. "May paraan ba para 'di natin magising si Baymax?"

Natawa siya saka niyakap niya si Kevin. "Hindi natin pwedeng gawin 'yan dito. Maririnig tayo nila Nanay." Sige pa rin ito sa paghalik sa leeg niya. "Kevin!" Pinalo niya ito sa likod. Hinubad niya ang suot nitong bonnet.

"Mohana!" Pilit itong kumuwala sa kanya pero hindi niya ito hinayaan.

Hinaplos niya ang mga tahi nito sa ulo. Mga marka na sobrang nagpahirap dito noon. Ang naging dahilan para sumuko ito sa buhay at minsang takasan ang mga bagay na tunay na nagbibigay ng saya rito.

"I'm proud of you." Pinakawalan niya ito. Napatitig ito sa kanya. "Sobra akong proud sa'yo." May ngiting inangat niya ang isang kamay para haplosin ang kanang pisngi nito. "Ang tapang mo."

Hinawakan nito ang kamay niya at inihilig doon ang mukha nito. "Je vais vivre, mon amour." It means, I will live, my love. Ang mga salitang nakaukit sa bigay na kwentas ni Kevin sa kanya.

"At tinupad mo ang pangako mong 'yon, mahal ko."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro