Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 18

NAIANGAT ni Mohana ang mukha nang bumungad sa harap niya ang isang kamay na may hawak ng santan. Nanlaki ang mga mata niya nang malaman kung sino ang may ari ng mga kamay na 'yon.

"P-Para sa'kin ba 'yan?" Naalala niya noong binigyan siya ng santan ni Kevin.

Ngumiti ito. "Hindi." Kumunot ang noo niya. Tumatawang naupo ito sa tabi niya. Ang nag-iisang wooden bench kung saan lagi silang nakaupo. Inabot nito ang isang kamay niya at pinahawak sa kanya ang santan. "Pero parang ganoon na nga."

"Magbibigay ka na nga lang ng bulaklak, 'di ka pa nag-effort."

Napansin niyang hindi na ito nakasuot ng pang-ospital na damit. Naka simpleng white t shirt, kupas na pantalon, white hospital slippers at bonnet na lamang ito.

"Did you know, na sa lahat ng mga bulaklak, santan resembles a human heart the most." Iyon din ang eksaktong sinabi sa kanya ni Kevin noon.

This is the only flower that resembles a heart. At gusto ko, sa tuwing nakakita ka ng santan, maalala mo ang pagmamahal na inipon ng puso ko para sa'yo.

Napangiti siya. "Dami mo pang sinasabi, wala ka lang budget e."

"It's the thought that counts."

Ilang segundo silang binati ng katahimikan. Parang may gusto itong sabihin pero parang hindi sigurado. Natuon naman ang atensyon niya sa make shift stage sa gitna ng garden. Mag-a-alas sinko na rin, hapon na siya nakadalaw dahil may nilakad pa siya.

"Moh –" Baling nito sa kanya.

"May party yata." Kaso naunahan niya itong magsalita.

"Huh?"

"May event ba sila ngayon?"

"Yeah, I've heard of it. They usually have this party for all their cancer patients. They do that to lift their patient's spirits. Hindi naman kasi madali ang pinagdadaanan nila. Which para sa akin, magandang ice breaker, nakaka bore naman kasi talaga sa ospital." Nakangiti ito nang sulyapan niya. "They need a cheat day."

"Lahat ba invited?"

"Anyone is free to come. Mismong mga cancer patients ang magpe-perform sa stage. May libreng kain din."

"Parang mas gusto ko ang libreng kain."

"Mukha nga."

Pinaningkitan niya ng mga mata si Kevin. May pilyong ngiti na naglalaro sa mukha nito. Nang-aasar pa yata ang loko.

"So saan papunta 'yang komento mo?"

"Depende sa kung paano mo gustong humantong tayo."

Natigilan siya at napatitig sa mukha nito. Walang rekognasyon sa mga mata nito. Mukhang hindi naman nito sinasadya ang mga binibitawan nitong mga salita. Hindi niya tuloy alam kung ano dapat ang maramdaman. Saya at magkahalong takot? Paano kung malapit na siyang maalala ni Kevin?

"Madami akong kilalang mga doctor dito." Naputol ang iniisip niya, naibaling niya muli ang tingin dito. "We can join them if hindi ka naman nagmamadali."

Ngumiti siya. "Tatawagan ko muna si Baymax."

"Kumakain at nagsasalita rin pala ang bolang 'yan," he chuckled.

"Hindi pa."



NAG-ENJOY siya, natutuwa siya sa mga ngiti at tawa ng mga tao. Lalo na sa mga batang may leukemia. Hindi niya makita sa mga ito ang lungkot. Ang tatapang ng mga batang 'to. Pati ang mga matatanda na may cancer, nag-enjoy din. Nakakatuwang isipin na kahit sa kabila ng sakit ng mga ito, may pag-asa pa rin sa mga ngiti at mga mata ng mga ito. Nakaka-inspire. Sana talaga, madami pang tumulong sa mga ito para magtuloy-tuloy ang gamutan nila.

Game na game rin sila sa pagsali sa mga games. Hindi naman 'yon masyadong nakakapagod, mas nakakapagod ang tumawa. Masasarap din talaga ang mga inihandang pagkain. Maypa-buffet.

Nakaupo ulit sila ni Kevin nang umakyat sa stage ang isang binatang lalaki na may dalang gitara. Kagaya ni Kevin ay may suot itong bonnet sa ulo. Naupo ito sa stool sa gitna kung saan nasa harap nito ang microphone. In-adjust muna nito ang mic stand bago nagsimulang patugtugin ang yakap nitong gitara.

"When the night has come and the land is dark," simulang kanta nito. "And the moon is the only light we'll see." Nakatingin sa harap si Kevin, may ngiti sa mukha nito. Hindi niya naman maiwasang titigan ito ng lihim. "No, I won't be afraid. No, I won't be afraid. Just as long as you stand, stand by me."

Isa ang kantang 'yan sa mga nagpaalala sa kanya rito. Ilang beses na pinapakinggan niya 'yon nang pinagbubuntis pa lang niya si Baymax. Naging theme song na nga yata nila 'yong dalawa. At noong naipanganak na niya ito, 'yon ang kantang tanging nagpapatulog rito.

"So darlin', darlin', stand by me, oh stand by me, stand by me..."

"Kevin."

"Hmm?"

"Hindi mo ba ako nakikilala?"

Nakangiting ibinaling nito ang mukha sa kanya. "Do you ever think I'd forget that face?"



"KEVIN." Mabilis na ibinalik ni Kevin sa drawer ang notebook. He smiled at her mother. "May bisita ka, si Peter."

Kilala niya si Peter. Hindi ito madalas bumibisita sa kanya. Mas madalas na sila Rave at Mykael ang nakakausap niya. Madaming mga kwento ang mga kaibigan niya tungkol sa kanya. Na hindi naman mahirap paniwalaan dahil halos ng mga sinasabi ng mga ito ay nakasulat sa journal niya.

Isa lang ang 'di niya kayang paniwalaan. Na madaldal siya at hindi niya kayang magtago ng sekreto. They told him, he tend to overshare information na dapat hindi niya sinasabi sa ibang tao. He doubted that. Hindi siya ganoong tao. He can keep a secret.

After his surgery, halos nawala ang kalahati ng mga memorya niya. It was a miracle that some of his memories were still there, he lost his present memories, his college days up to the present. But with the hospital's advanced technology and his friend's help, unti-unti na niyang naalala ang mga memorya niya.

Dr. Mondragon, his neurosurgeon, considered him, his miracle patient. Hindi nito ma-explain ang bilis ng recovery niya despite all he had gone through before his brain surgery.

Inilapag ng mama niya sa mesa ang dala na naman nitong mga apple. Halos araw-araw na lang siya nitong pinapakain ng mansanas. Sana lang hindi siya magka-developed ng taste aversion. Seriously? An apple a day? Masusuka na yata siya kung pipilitin pa siya nito.

Mayamaya pa ay bumukas ang pinto ng silid niya. Agad niyang naibaling ang tingin kay Peter. Bakit ba naiinis siya kapag nakikita ang mukha nito?

"Hi," walang emosyong bati nito sa kanya.

"Anyway, maiwan ko muna kayo para makapag-usap kayo nang maayos."

Lumabas na ang ina niya at naiwan silang dalawa. "Gusto mo ng apple?" alok niya, sabay turo sa mesa.

"How are you?" Lumapit ito sa kanya at naupo sa gilid ng kama niya.

"You don't always visit me. I assume you really don't like me that much."

"Kapag naalala mo ako, sa tingin ko, hindi mo rin gugustuhing bisitahin kita lagi rito. Aksaya ka sa pera."

Natawa siya. "That's harsh."

"How are you?" ulit nito.

"I know you Peter. Sinulat kita noong hindi pa nawala sa akin ang memorya ko." Halata ang pagkagulat sa mata nito. Kahit kina Rave at Mykael ay hindi niya 'yon binanggit. Malinaw sa journal niya na tanging si Peter lang ang makakapagsabi sa kanya kung na saan ang babaeng i-drinowing niya sa journal. Her name was Mohana. "Tell me, sino si Mohana?"

Tumaas ang gilid ng labi nito. He was not sure if he was mocking him. But he's sure, Peter surely knows something.

"Kung naisulat mo ako sa journal mo. Sa tingin ko, naisulat mo rin doon kung sino ang babaeng 'yon sa buhay mo."

"Bakit 'di ko siya nakikita? Bakit 'di n'yo siya binabanggit?"

"It was her decision."

"Desisyon niya na huwag magpakilala sa akin?" Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng inis at pagkadismaya. Kung mahal nila ang isa't isa, bakit wala ito sa tabi niya? "Hindi ko siya maintindihan."

"Kung maalala mo ang lahat, maiintindihan mo kung bakit niya ginawa 'yon."

"Where is Mohana?"

"Alalahanin mo kung ayaw mong ako ang pumalit sa'yo sa buhay niya."

Nagtagis ang mga panga niya. Naiinis na talaga siya. Was he jealous? He was not sure but he's pissed and annoyed. Alam niyang may gusto ito kay Mohana. Mahabang rant ang nabasa niya sa journal niya tungkol dito.

"Pumunta ka lang ba dito para sabihin 'yan sa'kin?"

"No." Hinugot nito ang cell phone nito sa bulsa ng pantalon nito. "I came here to show this to you." Inabot nito ang cell phone sa kanya. "That's her." Pagtingin niya sa screen ay bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ng babaeng kaparehong-kapareho noong babaeng nasa journal niya. May yakap itong baby. Bigla na lamang lumakas ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung bakit namasa ang sulok ng mga mata niya. Naramdaman niya ang saya sa puso niya. But he was not sure, why?

"She gave birth..." aniya sa mababang boses.

"I broke my promise to her. Nangako akong hindi ko sasabihin sa'yo ang lahat, but I'm not patient man, Kevin. So remember her kung gusto mong makasama ang mag-ina mo."

Mag-ina ko. Natulala siya. They have a son.

"Anyway, his name is Baymax."

"Baymax?!"

Peter shrugged his shoulders. "Ask her why."



"DO you ever think I'd forget that face?"

Sobrang natigilan si Mohana sa naging sagot ni Kevin sa kanya. Anong ibig sabihin nito? Naalala ba siya nito? Matagal na bang alam ni Kevin ang tungkol sa kanya?

"A-Alam mo?"

"Ang ano?"

"Kasi, sabi mo kanina –"

"I was just messing up with you." Nakangiti pa ring ginulo nito ang buhok niya. Nalilito siya. Ano ba talagang nangyayari? "I'm guessing, your crush would have said that." Pero hindi niya magawang maniwala sa sinabi nito. "Are you mad?" Tila na alarma ito sa seryosong ekpresyon ng mukha niya.

"Uuwi na ko." Tumayo siya at mabilis na tinalikuran ito.

"I'm sorry, if I offended you or something."

Humugot siya nang malalim na hininga bago niya ito harapin ulit, sinubukan niyang ngumiti, sa kabila ng mga halo-halong emosyong yumayakap sa puso niya nang mga oras na 'yon.

"Okay lang, kailangan ko na ring umuwi. Gabi na."

Malungkot na ngumiti ito. "Mag-ingat ka sa pag-uwi."

"Ikaw rin, magpahinga ka na."



NANG gabing 'yon ay hindi siya makatulog. Paulit-ulit na nagpi-play sa utak niya ang eksena kanina. Malabo talagang may naalala na si Kevin. Marahil mga alaala nito 'yon pero hindi ito sigurado kung nasabi na ba nito 'yon o hindi noon. Nakikita niyang inosente ito sa mga ginagawa at sinasabi nito.

Pero bakit feeling niya may mali? Bakit feeling niya, nagkukunwari lang ito? Pero bakit naman 'yon gagawin ni Kevin? Dahil sa ginawa niya? Dahil naiinis ito sa kanya? Dapat na nga yata siyang umamin dito. Hindi na pwedeng araw-araw na lang siyang manghuhula sa mga iniisip nito.

Hinaplos niya ang pisngi ng anak.

"Anak, tulungan mo naman si Mama. Huwag puro dede at tulog. Mag-ambag ka naman." Natawa siya sa sinabi. Loka-loka ka talaga Mohana. "Gusto mo na bang makilala ang papa mo? Magkamukhang-magkamukha kayo, alam mo ba?"

Sandali siyang napa-isip.

Gusto na rin niyang mabuo ang pamilya nila. Wala na siyang pakialam kung magulat si Kevin. Tama na ang paghihintay. Mukhang magaling naman na ang loko-loko na 'yon. Buo na ang loob niya. Bukas na bukas din ay babalik siya at kakausapin na niya ito... este, magtatapat na talaga siya.

Kung kailangang ligawan niya ulit ito, gagawin niya.

"MA'AM, wala na pong tao riyan."

Naibaling ni Mohana ang tingin sa babaeng nurse. Kakatok na sana siya nang magsalita ito.

"Wala na?"

"Opo, kaka-discharged lang po kahapon."

Nanlaki ang mga mata niya. So na discharged na pala ito kahapon. Kaya pala hindi na ito nakasuot ng pang-ospital na damit. Pero bakit hindi agad ito umalis? Hinihintay ba siya nito?

Tipid na ngumiti siya sa nurse. "Sige salamat." Nagsimula siyang maglakad. I-denial niya ang numero ng ina ni Kevin. Itatanong niya kung na saan ito. Mabilis naman na sinagot siya ni Tita Desiree. "Tita, umalis na po pala si Kevin?"

"Ewan ko sa batang 'yon. Sabi lang, magbabakasyon muna raw siya. Okay naman na daw lahat ng tests sa kanya. Pinayagan na siyang ma discharged. Aba'y, hija, wala raw dumalaw sa kanya. Naitanong ko kasi minsan kung may dumalaw ba."

"Dumalaw po ako, 'di nga lang ako nagpakilala." Napabuntonghininga siya. Na-e-stress na siya. Dapat kasi 'di na niya pinatagal. Nahilot niya ang sentido. "Saan naman kaya 'yon pupunta?"

"Hindi ko rin sigurado. Hindi ako sinasagot. Hinahanap ko nga rin. Nag-aalala ako. Ang sabi ni Migring wala raw din sa bahay sa Balamban si Kevin."

Saan kaya 'yon?

"Sige ho, tatawagan ko na lang po kayo kapag may balita na ako."



TINAWAGAN na niya sina Mykael, Rave at Peter. Wala ring idea ang tatlo. Pero sabi nila, hahanapin daw nila. Pinuntahan niya ang condo ni Kevin pero wala doon ang lalaki. Saan naman kaya 'yon nagpunta?

Alas singko na nang makauwi siya sa bahay. Stress na stress na siya pero bakit ang sigla ng mga kapitbahay niya? Iba kung makatingin sa kanya. Parang may mali. Hindi naman siguro siya nanalo ng lotto at nakapangalan sa kanya ang grand prize?

"Aga mo yata umuwi ngayon Mohana?" nakangiting tanong ni Benjie, ang kapitbahay niyang kamukha ni Bentong.

"Masama po bang umuwi nang maaga Kuya Bentong?"

Medyo na we-weirduhan lang siya rito dahil lagi na lang nakangiti. Parang 'di man lang nalulungkot.

"Oy, Mohana, magpa-barbeque kami mamaya," salubong ni Aling Merna sa kanya. "Daanan mo mamaya, ipakain mo kay Dok."

"Sinong Dok?"

"Ay sus, kunwari ka pa, basta, padaanan mo kina Jafar o Mickey mamaya."

"Saya-saya ng Mohana natin e. Makakatikim na naman 'yan." Tili pa ng mga baklang nagpe-pedicure sa gilid ng daan.

Natawa siya. "Ano bang pinagsasabi n'yo riyan?"

Hindi na niya pinansin ang mga kapitbahay niya. Bahala na nga ito sa mga buhay nila. Basta may bbq sila mamaya. Nakangiti pa rin siya nang makita na niya ang bahay nila. Nasa labas ang mga magulang niya pati na rin ang mga kapatid at mga pamangkin niya. Hindi niya masyadong inisip kung bakit, dahil natuon ang atensyon niya sa lalaking kumakarga kay Baymax.

Natigilan siya nang mapagtanto kung sino ang lalaking 'yon. Malaki ang ngiti nito habang hawak ang anak niya.

Literal yata na nahulog ang puso niya at tumigil sa pagtibok.

"Kevin?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro