Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17

"OPEN MINDED ka ba?"

Napatitig ito sa kanya. Ilang segundo rin 'yon bago ito nakahuma sa tanong niya. Bahagya itong natawa at napakamot sa noo.

"Health insurance ba 'yan? Sorry, meron na kasi ako."

Napangiwi siya sa isip. Nawala na ang lahat, napaka-inosente at friendly pa rin ng 'sang 'to.

"But I'll recommend you, bigay mo lang sa'kin ang business card mo, miss?"

"Mohana."

"Mohana," ulit nito. Maiiyak yata siya nang banggitin nito ang pangalan niya. Na miss niyang marinig 'yon kay Kevin. "Nandito ka ba para magtrabaho?"

Umiling siya. "Hindi, may binisita ako."

"Pamilya mo?"

"Crush ko."

Kumunot ang noo nito. Sa pagkakataon na 'yon, nagawa na niyang tumawa. Langya ka talaga kahit kailan Mohana. Kung ano-ano na lang lumalabas sa bibig mo.

"Crush mo? Bakit anong nangyari sa kanya?"

Hindi niya mapigilan na titigan ang mukha ni Kevin. Nagkalaman at nagkakulay na ang mukha nito. Marahil 'di pa rin tumutubo ang buhok nito kaya nakasuot ito ng bonnet. Pero kahit ganoon, hindi pa rin nakabawas rito ang kagwapohan nito. Ito pa rin ang Dr. Kevin de Luca na mahal na mahal niya.

"Nagka-amnesia," malungkot na sagot niya. "Sinilip ko lang kanina, hindi rin naman niya ako maalala."

"Bakit 'di ka magpakilala?"

"Mahabang kwento."

"May oras naman ako. Willing akong makinig. 'Yon ay kung okay lang naman sa'yo? Wala rin naman akong gagawin."

"Ano bang nangyari sa'yo?" pag-iiba niya. "Anong sakit mo?"

"Had a brain tumor."

Umakto siyang nagulat at nahabag. "Sorry, okay ka na ba?"

Ngumiti ito. "I'm fine. Sa totoo lang, okay na ako. May mga 'di pa lang akong naalala. Pero successful naman ang operasyon ko."

Kina Mykael lang niya naririnig ang mga balitang 'yon. Mas natuwa siyang marinig 'yon ng personal mula kay Kevin. Natutuwa siya, malapit na naman siyang umiyak. Gustong-gusto na talaga niya itong yakapin.

"Natutuwa akong marinig 'yan."

"Iniiba mo ang usapan."

Natawa siya. "Curious ka ba kung sino ang crush ko?"

"Bored kasi ako, wala akong makausap, sino ba 'yang crush mo?"

"Gwapo siya, matangkad, palangiti, matulungin at medyo brutal."

"Kilala ka ba niya bago siya nawalan ng alaala? Baka naman kasi, 'di ka rin nagpakilala." Kinagatan nito ang hawak nitong mansanas na ngayon niya lang napansin. Iba ang umiikot sa isip niya. Napansin yata nito ang pagtitig niya sa apple. "Gusto mo?" alok nito.

"Hindi, okay lang." Mabilis na iling niya. Inilabas niya ang baon niya. "May burger at fries akong baon dito."

"So tell me about your crush? Baka magkalapit lang ang room namin. Pwede ko siyang kausapin para sa'yo." Sumilay ang isang ngiti sa mukha nito.

Nahulog yata ang puso niya sa ngiting 'yon. Bakit ba ang gwapo pa rin nito kahit ngumunguya ng apple? Sarap maging apple na lang.

"Hindi rin naman niya ako matatandaan."

"Well at least, nagpakilala ka. You can still start anew. Hindi naman matatapos ang mundo dahil lang sa nawala ang memorya niya."

"Sige pag-iisipan ko."

"I'm Kevin by the way." Inilahad nito ang isang kamay sa kanya. "Dati akong doctor bago ako nagkasakit."

"Wala ka na bang balak bumalik sa propisyon mo?"

"Nag-ri-review na ulit ako, hindi naman totally nawala, bumabalik naman siya, kailangan ko lang talagang pag-aralan ulit. Kapag naging okay na, babalik na ako sa ospital para mag-assist sa mga seniors ko. Observe-observe muna saka practice ulit."

"Mukha ka namang matalino, kaya mo 'yan."

Natawa ito. "Mukha lang."

Bigla niyang naalala ang mga scientific phrases na sinasabi sa kanya ni Kevin dati. Hindi niya 'yon maintindihan dahil 'di naman 'yon in-explain nang maayos ng loko-loko. Naalala niyang isinusulat niya 'yon sa maliit niyang notebook.

"Pero kaya mo naman sigurong mag-explain kahit konti, 'di ba?" Hinanap niya sa bag ang notebook niya. Hindi 'yon pwedeng mawala dahil listahan 'yon ng mga utang niya. "May ipapa-translate sana ako."

"Assignment mo?"

"Hindi," iling niya. 'Yan nahanap na niya. "'Yong crush ko kasi, lagi niyang sinasabi sa crush niya 'to."

"Stalker ka ba? Ba't mo alam sinasabi 'yan ng crush mo?"

Ngumisi siya. "Kapag gusto, madaming paraan." Hindi niya lang sigurado tama ba ang spelling. "Sabi niya, you just give me a premature ven...ventricular instructions."

Natawa ito. "I think that's ventricular contractions."

"Kaloka, mali pala ako ng rinig." Kakahiya to ah.

"That's okay, ventricular contractions, it makes your heart skip a beat. It simply says, you make my heart skip a beat."

Napaawang ang labi niya. Sinasabi 'yon sa kanya ni Kevin noong hindi pa sila? Akala niya dati, nagmumura na naman ito sa masugid niyang panliligaw rito.

"Ang korni ng crush mo."

Inihit siya ng ubo. Juice ko! Kung alam mo lang na sinisiraan mo na ang sarili mo. Mabilis naman siyang nakahuma. Tama talaga siya, dati pa lang crush na siya nito. In-denial lang.

"Tapos ito, I just diagnosed myself with plural fashion because of you."

Natawa na naman ito. Huhulaan niya. Mali na naman ang rinig niya. "Pleural effusion," nakangiting pagtatama nito. Sorry naman, 'di naman kasi ako dakteeeer! Hindi ko nga mabasa ang resita ng doktor, spelling pa kaya ng mga sakit. "May sakit daw siya."

"Anong sakit niya?"

"Hindi siya makahinga kapag nandiyan ka sa tabi."

Natawa siya. "Ang korni nga niya."

"Kung sa'yo 'yan sinabi ng crush mo, feeling ko kikiligin ka."

"Kaso hindi e. Nga-nga. Ito last na, sabi niya sa crush niya, you make my cardiac muscle pump blood through my vascular system really quickly." Please lang, sana tama na ang terms niya. Hiyang-hiya na siya pati ang mga ninuno niya. Crossed fingers.

"Finally you got it right."

"Yes!" Natuwa naman siya doon syempre. "Ano meaning nun?"

"Pinatitibok mo nang mabilis ang puso ko."

Ilang segundong napatitig sila sa isa't isa. Hindi niya alam kung bakit, pero parang, sa kanya talaga 'yon sinasabi ni Kevin kahit na wala siyang mabasang rekognasyon sa mga mata nito. Tila sa mga segundong 'yon, ang dating Kevin ang kausap niya at hindi ang Kevin na nawalan ng mga memorya.

"Bakit 'di niya sinabi sa akin 'yon?"

"Kasi 'di ka crush ng crush mo."

Natawa siya. "Sakit nun ah. Tagos sa bones. Ouch."

"Doctor ba ang crush mo?"

"Yata?"

"Bakit 'di mo alam?"

"Wala nga rin siyang alam sa'kin. It's atay and apdo."

"You know what, just tell him."

"Sa mga susunod na araw siguro. Hahanap muna ako ng magandang timing –" Naputol naman ang sasabihin niya nang mag-ring ang cell phone niya. "Teka lang," excuse niya kay Kevin. Tumatawag ang nanay niya. "Bat Nay?" Mabilis naman niyang nailayo ang cell phone. Napangiwi siya. Kulang na lang pasabugan siya nito ng granada. "Uuwi na nga ako. Bibili na rin ako. May dinaanan lang ako. Kaloka ka naman. Hindi ko naman 'yon makakalimutan. Oo na, uuwi na. Bye!"

"Nanay mo?"

"Oo." Ibinalik niya ang cell phone sa loob ng bag niya. "Hinahanap na ako sa bahay. Gutom na raw si Baymax."

Bumukas ang amusement sa mukha nito. Natawa siya. Sa hula niya, 'yong cartoon character yata ang nasa isip nito. Hay naku Kevin! Kung alam mo lang kung sinong Baymax ang tinutukoy ko.

"Is that a person or a pet?"

"Isang bola," natatawang sagot niya. Tumayo na siya. "Bye na. Balik na lang ako kapag natauhan na si crush."

"Take care, Mohana."

Ngumiti siya. "Ikaw rin."

"It was nice meeting you."


"AY EWAN ko sa'yong babae ka. Na-e-stress ang inaanak mo sa tiyan ko."

Hinaplos-haplos ni Gumie ang umbok nitong tiyan. Kabuwanan na nito kaya 'di na ito pinayagang makagala. Nabo-bored ito sa bahay kaya binisita niya muna sa condo nito at ni Mykael. Masilan kasi ang pagbubuntis nito at nag-iinarte ang loka-loka. Polluted daw masyado sa Maynila, gusto nito ng lechon sa Cebu. Pero naisip niya, anong konek?

Ilang buwan na ring naka leave si Mykael. Mayaman naman 'yon. Bahala sila sa buhay nila. Wala rin ito ngayon, binisita si Kevin. Magbabakasyon rin daw sila Rave at Laura sa Cebu kasama ang mga anak ng mga ito na sila Ross at Rosé. Dito raw i-held ang birthday ni Rosé.

"Bakit 'di mo na lang kasi sabihin kay Kevin ang tungkol sa'yo? Ipakilala muna si Baymax. Wala siyang choice kasi iniwanan ka niya ng souvenir."

"Sasabihin ko naman kasi e."

"Kailan? Kapag pumutok na ang panubigan ko?"

"Pwede?"

"Mohana!"

Natawa siya. "Mag-relaks ka nga. Baka manganak ka pa nang wala sa oras." Pinatalon-talon niya sa kandungan ang anak. "Tignan mo ang ninang mo, Baymax. Highblood na naman."

"Ano bang pinapakain mo sa batang 'yan?"

"Lahat ng taba ko napunta sa kanya."

Ito naman ang natawa. Inabot ni Gumie ang mga kamay ni Baymax. "Mukha talaga siyang si Baymax. Nakakagigil na ang batang 'to."

"Paglabas ng baby n'yo ni Mykael, meron na din kayong little Gumie." Alam na nila ang gender ng baby ni Gumie, baby girl. "May pangalan na ba kayo?"

Ngumiti ito. "Vanda Sanderiana."

"Wow!"

Humagikhik si Gumie. "Si Mykael ang nag-isip nun. Gusto niya ng bulaklak din ang pangalan. It's the English name of waling-waling flower. Also means, the queen of Philippine flowers."

"Sabagay, si Laura nga, gumawa lang ng girl version ni Ross."

"Masakit ba?"

"Ang manganak? Naku! Sobra."

Napalunok ito. "Pwedeng si Mykael na lang ang umire para sa akin?"

"Pwede naman, basta ikaw ang magluwal."

Pinaikot ni Gumie ang mga mata. "Kahit kailan, wala akong makuhang matinong sagot sa'yo. Hay naku! Kunwari pa ang isang 'yon, in-denial nang tanungin ko tungkol sa'yo, dalawang linggo kayong nagtanan, tapos nakabuo agad kayo. Inaraw-araw n'yo ba?"

"Hoy, grabe ka!" Pinaupo niya sa kandungan ang anak at tinakpan ang mga tenga nito. "Kaharap mo ang anak ko."

"Hindi niya naman maiintindihan, 'di ba, baby? Saka, 'di ko talaga ma absorbed nang maayos kung anong ginawa sa'yo ni Kevin. Mas mapi-picture out ko pa si Mykael kasi malandi 'yon e. Pero si dok? Para kasing ang inosente ng isang 'yon."

Inosente? Kaloka. Kailan pa 'yon naging inosente? Kung alam mo lang Gumie.

"Mas na-i-imagine ko pang para siyang demonyong tumatawa habang nag-aalis ng mga lamang loob. Tapos paulit-ulit niyang isinasak-sak ang scalpel sa katawan ng tao." Gumie cringed at the thought. "Nakakatakot."

"Ang morbid mong mag-isip." Malakas na natawa siya. "Tigilan muna nga 'yan. Maawa ka sa anak mo."

"Nami-miss mo na, no?" Pilyang ngumiti ito.

"Ang ano?"

"Ay sus! Kunwari pa 'to."

"Manahimik ka, inaano ba kita ng katahimikan ko? Ang landi mong buntis." Nag-peace sign lang ito sa kanya. Natawa lang din siya. Baliw talaga!



ILANG beses na bumalik si Mohana sa ospital. Sumisilip lang siya pero hindi talaga siya lumalapit. Nag-iiwan din siya ng basket ng mansanas sa labas ng silid nito. Kahit noong nasa US pa si Kevin. Lagi niyang sinasabi sa nanay ni Kevin na bigyan ito lagi ng apple. Mabuti rin naman kasi 'yon sa katawan. Maliban doon sa isang malanding rason.

Madalas niyang natatagpuan sa hardin ng second floor si Kevin, kumakain ng apple at nagbabasa ng libro. Minsan, naabutan niyang wala ito roon at tatambay na lamang siya roon hanggang sa magsawa siya.

Tulad ngayon, wala si Kevin.

"Nakikita kita rito araw-araw pero 'di kita naaubutan." Nagulat siya sa biglang pagsulpot nito sa harap niya. Joke! Nandito pala siya. "Ang sipag mong dalawin ang crush mo ah."

"N-Nakikita mo ako?"

Naupo ito sa tabi niya. "Tanaw mula sa silid ko ang hardin na 'to. Kahit 'di ako bumaba, nakikita ko kung sinong tumatambay rito." Inabot nito ang mansanas sa kanya. Dalawa ang hawak nito kanina. "Dinala ko 'yan para sa'yo."

"Salamat." Tinanggap niya ang apple.

"Araw-araw may nag-iiwan niyan sa labas ng silid ko. Three apples everyday. Hindi ko naman mauubos kung aaraw-arawin ng taong nag-iiwan niyan." Ngumiti ito.

"An apple a day keeps the doctor away."

"Sometimes," he chuckled. Kinagatan nito ang apple. "Anyway, kumusta? Anong development ng love story n'yo ng crush mo?"

"Naghihintay ka ba ng update?"

"Bukod sa medical books ko, interested din ako sa ganap ng love story mo."

"Wala, hindi pa rin ako nagpapakilala."

"Ano bang kinakatakot mo?"

"Na magalit siya sa akin kasi 'di ako sumama sa kanya habang nagpapagaling siya."

"Ano ba ang rason mo?"

"Inisip ko kasi na mas makakabuti sa kanya kung hindi na muna ako magpapakilala. Mas mapapabilis kung uunahin niyang maalala ang mga mahahalagang bagay sa buhay niya. Okay lang kahit na ako ang huling taong maalala niya."

"I think, he would have appreciated kung nandoon ka sa tabi niya habang binubuo niya ulit ang sarili niya."

Napangiti siya nang mapait. "Nangako siya sa akin na mabubuhay siya para sa akin at gagawin niya ang lahat para maalala ako kung sakali mang mawala ang memorya niya. Siguro iisipin ng lahat na nasisiraan ako ng bait kapag sinabi ko na pinanghahawakan ko 'yong mga pangako niya sa akin." Naramdaman niya ang paninikip ng dibdib niya. Humugot siya nang malalim na hininga para pigilan ang sariling mga luha. "Naniniwala akong babalikan niya ako... kasi nangako siya sa akin."

"You're waiting for him?"

Tumango siya. "Hinihintay ko siyang maalala niya ako. Hindi naman kasi ako nawala, alam ng Dios 'yon. Araw-araw pinagdadasal ko ang paggaling niya."

"You love him so much, don't you?"

"Sobra." Napahawak siya sa locket ng kwentas niya. "Bago siya naaksidente, hawak niya ang kwentas na 'to. May nakasulat sa loob pero 'di ko mabasa."

"Pwede ko bang makita?"

Hinubad niya ang kwentas at ibinigay iyon kay Kevin. Ito na ang nagbukas ng locket. Wala naman 'yong larawan nilang dalawa maliban sa mga salitang nakaukit sa loob.

"Je vais vivre, mon amour," basa nito sa mga salitang 'yon. "It's written in French."

"Anong ibig sabihin nun?"

Tinignan siya nito sa mga mata.

"It means, I will live, my love."



"SALAMAT."

Nasa labas na sila ng ospital. Nagpumilit talaga si Kevin na ihatid siya. Hindi naman sa 'di niya gusto. Sa katunayan ay natutuwa siya. Kahit na hindi siya nito kilala bilang Mohana na mahal nito, at least, kaibigan ang turing nito sa kanya.

"Dadalaw ka ba ulit bukas?"

"Depende, 'di ko pa alam."

Ngumiti ito. "Makikita rin naman kita mula sa bintana ng silid ko."

"Kapag 'di kami nagkatuluyan ng crush ko, ikaw na lang ang liligawan ko."

Natawa ito. "Open naman ako sa posibilidad."

"'Yan ang gusto ko sa'yo e. Open minded kang tao."

"Napakain mo na ba si Baymax?" Nagulat siya nang banggitin nito bigla ang anak. Hindi niya inasahan na maalala pa nito ang pag-uusap nila nang nakaraan. "Baka ko, magalit na naman ang nanay mo."

"Nakabili na ako ng gatas para sa kanya. Hindi na 'yon magugutom."

"Ang unique niyang bola."

"Malusog na bola." Akmang tatalikod na siya nang hindi niya matiis na yakapin si Kevin. Ilang araw na niyang gustong gawin 'yon. Hindi naman na siguro mawi-weirduhan ito sa ginawa niya. "Salamat, sa pakikinig." Humigpit ang yakap niya rito.

Hindi siya iiyak. Hindi siya pwedeng umiyak. Miss na miss lang talaga niyang yakapin ito. Ito pa lang ang unang beses na nakalapit siya nang ganito kay Kevin pagkatapos ng dalawang taon. Kung pwede lang, ayaw na niyang bitawan ito.

"You're brave, Moh." Naalala nito ang tawag nito sa kanya dati. Nadagdagan ang rason niya para umiyak sa harap nito. Naramdaman niya ang masuyong paghagod nito sa likod niya. "I'm sure, he's proud of you."

At 'yon na nga, hindi na niya napigilan ang mga luha niya. Kumalas siya sa pagkakayakap niya rito at ngumiti.

"Madaming beses na naalala ko siya sa pagkatao mo."

"Really?" Amuse na reaksyon nito. "Gusto ko tuloy makilala siya. Nandito lang naman siya sa ospital na 'to. What are the chances?" Humakbang ito palapit sa kanya. Umangat ang dalawang kamay nito sa mukha niya. Natigilan siya nang masuyong pinahid nito ang mga luha niya gamit ng mga hinlalaki nito. "Shsh, don't cry. Everything will be fine."

Napangiti siya. "Salamat."

"Kapag naalala ka niya, huwag mo akong kalimutan, ha?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro