Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 16

MAINGAT na ibinaba ni Mohana ang basket ng bulaklak sa tabi ng puntod. Nilinis at inalis niya ang mga dahong tumabon sa pangalang nakasulat doon. Hindi niya maiwasang mapangiti nang mapait. Dalawang taon na pala ang lumipas.

Parang kailan lang.

May dumapong paru-paru sa itaas ng nitso. Lalo siyang napangiti.'Yan, ha? Bumisita ako. Walang hard feelings. Dapat masaya ka na riyan. Sino ba kasing nang-iiwan na lang bigla?

"Ate Mohana!"

Napalingon siya sa likod. "Loko kang bata ka, inaalagaan mo ba 'tong puntod ng lola mo, ha?" Tumayo siya sa pagkakaluhod at piningot sa tenga si John, ang bunsong apo ni Nang Sol. Napasigaw ito at napangiwi. "'Di ba sabi ko, linisin mo lagi at lagyan mo ng bulaklak. Binibisita na niya ako sa pagtulog ko."

"'Ray naman ate, ang sakit, ha?" Binitiwan niya na ito. "Naging busy lang sa pag-aaral. Dinadalaw ko nga e." Bumaba ang tingin niya sa dala nitong mga kandila at plastic bottle na may mga bulaklak at tubig. "Nakalimutan ko lang noong isang linggo kasi may test kami. Kailangan kong mag-aral at baka mawala sa akin ang scholarship ko."

"Mabuti naman, e ang mga kapatid mo? Sila Lazarus at Martha?" Tukoy niya sa kuya at ate nito. Parehong nasa high school na ang mga ito maliban kay John na nasa grade six pa lang. "Nakakain ba naman kayo nang maayos kina Father Sam?"

"Opo ate, masarap po ang pagkain sa simbahan, saka tumutulong naman kami sa paglilinis sa simbahan. Si Ate Martha po baka po mag-madre."

"Maganda 'yan basta gusto niya. Dadalaw ako sa inyo kapag 'di na ako busy." Inakbayan niya si John at pinihit paharap sa puntod ni Nang Sol. "Mag-sorry ka na sa lola mo."

Biglaan lang ang pagkamatay nito. Inatake sa puso. Dahil nga sa malapit sa puso niya ang matanda at ang mga apo nito, sinikap niyang mabigyan ang mga ito ng bahay at taong mag-aalaga sa mga ito. Mabuti na lamang at malakas ang kapit niya kay Father Sam. Kinupkop nito ang tatlo at masisipag naman daw kaya madaming gustong tumulong sa magkakapatid.

"Nakaka-miss po si lola," malungkot na sabi nito.

"Wala nang manghuhula sa akin."

"Pero mas nakaka miss po na mataba kayo." Tinaasan niya ito ng isang kilay. Malakas na tumawa si John. "Joke lang po!" Ginulo niya ang buhok nito.

"Tataba rin ako ulit."



UMUWI siya ng bahay na madaming dala. Lumapad ang ngiti niya nang makita si Baymax na karga ng ate niya sa labas ng bahay. Mabilis na lumapit siya sa mga ito. Pero humarang sa kanya si Mickey.

"Ate, ano 'yang dala mo?" Ibinigay niya sa kapatid ang dalawang plastic ng grocery.

"I-check mo, mukhang 'di ka naman busy." Pabirong itinulak niya ang kapatid at nilapitan na ang ate niya. "Hi Baymax!" Hinalik-halikan niya ang matambok na kamay ng batang lalaki.

"Mabuti at nandito ka na. Ikaw naman mag-alaga. May lakad kami ng kuya mo." Pinakarga nito sa kanya isang taon pa lang na bata. "Ang bigat-bigat ng batang 'yan. Dios ko! Kung 'di lang 'yan cute at mabait."

"Mag-anak ka pa kasi ng madami," tatawa-tawang sagot niya rito. Pinanggigilan niya ang matambok na braso ni Baymax. Bango-bango talaga ng batang 'to.

"Tigilan mo ako Mohana, alagaan mo 'yang anak mo."

Malakas na natawa siya. "Anak ko ba 'to?"

"Oo, anak mo 'yan. Ano bang pinapakain mo sa batang 'yan at ang lusog-lusog? Hindi naman ganyan sila Flynn at Nala noong maliliit pa." Minasahe nito ang mga braso. Nagri-reklamo pero nakangiti naman ang ate niya. "Gwapo-gwapo ng batang 'yan. Mana sa ama."

Bumaba ang tingin niya sa mukha ni Baymax. Kamukhang-kamukha ito ni Kevin. Lalo na ang abong mga mata nito. Maputi at mapula-pula ang mga pisngi. Matangos ang ilong at mahahaba ang pilik mata. Madaming nagtatanong kung foreigner nga ang ama nito. Well, half, kasi half human at half internal organs si Kevin.

"Ang gwapo niya, 'di ba ate?"

"Hanggang kailan mo hihintayin si Kevin?"

Mapait na ngumiti siya sa ate niya. "Babalik 'yon."

"Pwede siyang bumalik sa Pilipinas pero kung wala ka rin namang gagawin, malabong maalala ka pa niya."

"Ako na ang bahala roon."

Nabasa niya ang concern sa mga mata ng Ate Jasmine niya. Dalawang taon na ang nakalipas, matipid pa rin siya sa mga impormasyon na isinasagot niya sa pamilya niya kung bakit mas pinili niyang manahimik habang nagpapagaling sa ibang bansa si Kevin.

Naiintindihan naman ng mga ito kaya hindi na siya masyadong inusisa pa. Pati sa mga kaibigan at mga magulang ni Kevin nakiusap siya na huwag na muna siyang banggitin o ipakita man ang mga larawan nilang dalawa.

Nang araw ng aksidente, malala ang naging pinsala ng ulo ni Kevin dahil sa pagsalpok nito sa van. Naging critical ang kondisyon nito. Kinailangan nitong mailipat sa St Johns kung saan ang doctor nito at ang neurosurgeon na mag-o-opera sana nito. Naka schedule na ang operation nito after sana ng two weeks na pagtakas nito.

Sa tulong ng pamilya ni Laura ay nailipad pa Maynila si Kevin, sumama siya. Hindi niya iniwan si Kevin kahit na sobrang takot na takot siya nang mga oras na 'yon. Ilang beses na nalagay sa critical na kondisyon si Kevin. Akala nila ay kukunin na talaga ito ng Dios sa kanila. Pero nakikita niyang lumalaban talaga ito.

At sa tuwing naalala niya ang panahon na 'yon, naninikip ang dibdib niya at napapaiyak siya. Humugot siya nang malalim na hininga bago ulit ngumiti sa kapatid. Malungkot ang mga mata at ngiti na tinapik nito ang isang balikat niya.

"Kung kailan ka handa, nandito lang ako." Niyakap siya nito. "Kilala kita, alam ko na kaya mo. Pero pamilya mo kami Mohana. Pwede mo kaming paglabasan ng lahat ng problema at sama ng loob."

"Salamat."



PINAGMASDAN ni Mohana ang mahimbing nang natutulog niyang anak. Hindi naman talaga Baymax ang pangalan nito. Tawag lang niya 'yon sa anak dahil sa malusog na malusog ito. Ang totoong pangalan talaga ng anak niya ay Gavin Haert, piniga niya talaga ang utak niya para sa pangalan na 'yon. May meaning ang pangalan nito. Kasi alam niya kung gaano ka adik sa puso ang ama nito.

Mayamaya pa ay inaalala na naman ng utak niya ang nakaraan.

"Why are you doing this Mohana?" may pagtatakang tanong sa kanya ni Peter. "Bakit ayaw mong ipaalala kay Kevin ang tungkol sa'yo?"

"Tignan mo nga siya Peter? He's lost. Nangangapa pa siya kahit sa inyong magkakaibigan. Madami nang impormasyon sa utak niya na 'di niya maalala. Hayaan na lang natin siyang maalala ang lahat."

"What if he won't remember you?"

"Problema ko na 'yon."

"Sa tingin mo ba, matutuwa si Kevin sa desisyon mong 'yan?"

"Hindi, pero –"

"Pero ano?"

Marahas na napabuntonghininga si Mohana. Naninikip na ang dibdib niya sa kanina pang pagpipigil ng mga luha. Ilang linggo na siyang umiiyak. At alam niyang, hindi 'yon ang gusto ni Kevin. Gusto nitong maging malakas siya para rito.

"Mahal na mahal ko siya." Gumaralgal ang boses niya, muli niyang inangat ang mukha kay Peter. "Sa tingin mo madali sa akin ang desisyon na 'yon, Peter? Hindi. Pero kailangan niyang unahin ang sarili niya Peter. Hindi ko priority ang unahin ang sarili ko." Iyak na niya. "Ang gusto ko gumaling siya. Ang makabalik siya sa pagiging doctor kasi pangarap niya 'yon e. Hindi importante sa akin kung ako ang huling taong maalala niya. Ang mahalaga sa akin, makita siyang ngumingiti ulit, tumatawa nang malakas, at humahawak ulit ng scalpel." Hindi niya napigilan ang matawa sa kabila ng pag-iyak. "Alam natin kung gaano kamahal ni Kevin ang scalpel niya. Kaya n'yang hilahin ang apdo mo kung gugustuhin niya."

Bigla siyang niyakap ni Peter. "I'm sorry. Ayoko lang may pagsisihan ka sa huli."

"Wala akong pagsisihan Peter. Alam kong katangahan ang gagawin ko pero naniniwala akong maalala ulit ako ni Kevin. Hindi man ngayon pero baka sa mga susunod na taon. Sanay naman akong maghintay sa kanya e."

"Mohana?"

"Hindi ko naman siya iiwan, hihintayin ko lang."

Marahas na pinahid niya ang mga luhang umalpas sa mga mata niya. Naiiyak na naman siya. Kaya ayaw niyang maalala ang mga araw na 'yon. Nalulungkot lang siya. Nakangiting ibinaling niya ang mukha sa anak. Hinaplos niya ang mapulang pisngi nito.

Para mapabilis ang paggaling ni Kevin, minabuting ilipat ito sa isang mahusay at advance na ospital sa US kung saan naka base ang neurosurgeon na nag-opera rito. Mas kompleto raw ang mga gamit doon at baka ma recover agad ni Kevin ang mga nawalang memorya nito.

Umuwi siya ng Cebu at pinagtapat ang totoong kondisyon ni Kevin. Syempre nag-aalala ang mga ito kay Kevin pero sinabi niyang magpapagaling ito sa ibang bansa. Isang buwan simula nang umalis ito papuntang US ay nalaman niyang buntis siya kay Baymax.

Hindi niya 'yon naitago sa mga kaibigan ni Kevin pati kina Gumie at Laura. Nalaman din 'yon ng mga magulang ni Kevin pero nakiusap siya na huwag munang banggitin kay Kevin. Siya na ang bahalang magsabi rito kapag magaling na talaga ito.

Humiga siya at niyakap ang anak niya.

"Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko anak, pero sana, 'di mainis ang tatay mo sa'kin kapag nagpakita ako sa kanya." Gumalaw nang bahagya ang anak. Naaliw talaga siya kapag nakikita ang mukha ni Baymax. Kamukhang-kamukha kasi talaga ito ni Kevin. Kahit papaano nababawasan ang pagka-miss niya rito. "Ikaw na lang kaya humarap sa tatay mo? Sabihin mo, hey dad, I'm your son." Natawa siya, hindi dahil sa sinabi kundi sa accent niya. Kaya ayaw niya nag-e-Ingles, na-e-stress ang mga kuko niya sa mga paa.

Mabuti na lang at tinupad ni Kevin ang pangako nitong bagong kama. Queen sized bed na may kasamang yellow na bed sheet. Halos ukopahin ng kama na 'yon ang buong silid nilang mag-ina. Syempre, hindi na pwedeng electric fan lang, sa wakas nakabili na rin siya ng aircon after how many years. Good luck sa bayarin niya sa kuryente.



"KEVIN will be back." Natigilan si Mohana. Naingat niya ang tingin kay Tita Desiree, ang ina ni Kevin. Kandung nito ang anak niya. "Don't you want to see him? He's regaining some of his memories." Natuwa ang puso niya sa narinig. "He's actually re-reading his medical books as of the moment. But he'll be staying in a hospital here in Cebu. Alam mo kung saan 'yon, hija."

"Kung saan siya laging naka-assign?"

Tumango ito. "The doctor suggested to let him stay in places he's most familiar with, and it was also Kevin's decision. Hindi niya rin alam kung bakit, pero bigla lang niyang binanggit ang Cebu."

"Ilang araw siyang mananatili sa ospital?"

"Two weeks max, i-observe pa kasi ng doctor niya ang reaction ng utak at katawan niya sa pag-uwi niya. Isang taon at kalahati rin siyang namalagi roon. Baka manibago siya. Pamilyar na siya kina Rave at Mykael, hindi ko sigurado kay Peter. Dalawang beses lang yata dumalaw si Peter doon."

"Maalala niya rin po lahat. Huwag lang po nating i-pressure."

"Ikaw? Kailan ka magpapakilala kay Kevin, hija? Lumalaki na ang anak n'yo." Hinaplos-haplos nito ang ulo ng anak na aliw na aliw sa pagkagat sa teether nitong hawak. Ngumiti siya. "You know what, I should have mentioned you before para naman makilala ka niya. Hindi ko alam kung bakit ayaw mo."

"Maniniwala po ba kayo na hindi ko rin alam kung bakit ayaw ko?"

"Seryoso?" Nanlaki ang mga mata nito.

Natawa siya. "Joke lang po."

Nakita niya ang relief sa mukha nito. Paminsan-minsan 'di siya sigurado sa naging desisyon niya pero madalas sinasabi niyang, bahala na. Panghahawakan niya ang pangako ni Kevin sa kanya na aalahanin siya nito.

"Dios ko, Mohana. Aatakihin yata ako sa puso kung 'di mo alam kung bakit. Dahil sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano kita ipapakilala sa anak ko."

"Ako na po bahala roon, tita. Bibisita ako."

"Pangako mo 'yan?"

Tumango siya. "Wala kayong dapat sabihin o gawin. Akong bahala kay Kevin."

"Aasahan ko 'yan, Mohana. Aba'y excited na akong magkita ang mag-ama. Parang pinagbiyak ng bunga ang dalawang 'to."

"Carbon copy e." Nilaro-laro niya ang kamay nito. Aliw na aliw naman ang mukha ni Baymax.

"Mabuti naman ba ang lagay n'yo sa bahay? Pwede naman kayo roon sa condo ni Kevin kung ayaw n'yong malayo. Wala namang gumagamit nun."

"Babalik lang kami roon kasama ang papa niya."



"WALA ka bang balak mag-asawa Peter?" tanong niya rito habang kumakain ng french fries. Nilibre na naman siya nito pagkatapos niya itong bayaran sa mga utang niya. "Tanda mo na ah."

"Ikaw ang dapat mag-asawa. Magpakita ka na nga sa irog mo. Laki-laki na ni Baymax."

"Sasakit ulo nun kapag nagkita kami."

"He's fine, hindi na 'yon masa-shock."

Pinaningkitan niya ng mga mata si Peter. "Anong ibig mong sabihin?"

"He's smart, Mohana. And he's actually recovering well. Naniniwala akong 'di na sasabog ang utak niya kapag na laman niyang na-in-love siya sa'yo. Sige ka rin, baka, ma-in-love 'yon sa iba."

"Subukan niya lang at 'di ko na ipapakita sa kanya ang anak namin."

Natawa ito. Nainis naman siya sa isipang 'yon. "Sino ba naman kasing may sabi sa'yong manahimik ka sa isang tabi habang nagpapagaling si Kevin?"

"Ginawa ko 'yon para sa kanya."

"You're waiting."

"Oo."

"What if you're not the only one waiting?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Magpataba ka muna ulit bago mo siya harapin. Tama na ang diet."

"Hindi ako nagda-diet, makulit lang talaga si Baymax at wala akong tulog dahil sa batang 'yon."

Malaki talaga ang pinayat niya pero 'di naman sobrang payat talaga. Malaman pa rin naman siya. Humaba lang leeg niya at nabawasan ng taba. Pero ang mga taong 'to, kung maka-react, akala mo kasing payat niya si Pia Wurtzbach. Kaloka!

Inaangat niya ang libreng pamaypay na may mukha ni Divya Rosales. Ang idol niyang artista simula noon pa. Ang Thalia ng Pilipinas. Ito na ang bagong endorser ng sikat na fast food chain sa bansa.

"Kasing payat na ba kami?" Turo niya sa nakangiting mukha ni Divya na masayang kumakain ng ice cream.

"Sino ba 'yan?" Kumunot lang ang noo ni Peter.

"Hindi mo siya kilala?"

"Dapat ko ba siyang kilalanin?"

Napamaang siya. "Wala ka talagang social life! Ewan ko sa'yo. Salamat sa pagkain." Tumayo na siya at inilagay sa plastic ang burger at fries na hindi nito ginalaw. "Dadalhin ko na 'to. Sayang naman."

"Saan ka na naman pupunta?"

"Bibili ng gatas ni Baymax."



NAIANGAT ni Mohana ang tingin sa gusali ng ospital. Tumawag sa kanya ang ina ni Kevin. Kakarating lang daw nito noong isang araw baka raw gusto niyang bumisita. Matapang siyang tao at makapal ang mukha pero parang naduduwag na siya. Sigurado siyang hindi siya makikilala nito.

Humugot siya nang malalim na hininga. Kaya mo 'to, Mohana. Ginusto mo 'to. Manligaw ka ulit.

Alam niya ang room number at ang eksaktong palapag pero sa hardin ng second floor siya dinala ng mga paa niya. Naduduwag na talaga siya. Ilang minuto na siyang nakaupo sa isa sa mga bench doon.

Uugatan na yata siya roon.

Umangat ang kamay niya sa suot niyang kwentas. Hawak-hawak 'yon ni Kevin nang araw ng aksidente. Isa 'yong maliit na heart locket na may maliit na paru-parung nakadapo sa puso. Hindi niya mabasa ang nakaukit na salita sa loob. Hula niya ay ibang linggwahe 'yon.

Sa tuwing kinakabahan at nami-miss niya ito ay sinusuot niya 'yon. Hindi nga lang palagi dahil natatakot siyang madukot 'yon. Iniingatan niya ang kwentas na 'yon.

"I hope you wouldn't mind." Natigilan siya nang marining ang pamilyar na boses na 'yon.

Kumabog nang mabilis ang puso niya. Hindi niya alam kung ilang segundo na siyang nakatulala para hindi mapansin ang taong umupo sa tabi niya. Tumigil yata ang mundo niya nang pagtingin niya sa kaliwa niya bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Kevin.

Napakurap-kurap siya ng ilang beses. Hindi niya magawang maikalma ang puso niya. Nakasuot ito ng pang-ospital na damit at may gray na bonnet sa ulo. May kulay na rin ang mukha nito hindi gaya noong huli niya itong makita.

Kevin, tawag niya sa isip. Pero pinigilan niyang maisatinig 'yon. Nanginig ang mga kamay niya. Gustong-gusto niya itong yakapin at hawakan. Pero wala siyang makitang rekognasyon sa mga mata nito.

"Wala ka namang kasama, 'di ba?" Umiling siya. "Dito lang ako, huwag mo akong pansinin. Gusto ko kasi ang view dito."

Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko? Nasa tabi ko na si Kevin. Juice ko na apple, mag-isip ka Mohana.

"Ahm." Baling niya rito.

Agad naman siyang napansin nito. "May sasabihin ka?"

"Open minded ka ba?"

Putik, Mohana! Sa lahat?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro