Kabanata 15
MARAHAN siyang inikot ni Kevin bago muli nitong pinaglapit ang mga katawan nila. Umuulan pa rin sa labas at malamig ang panahon. Pumailanlang sa buong sala ng condo nito ang saxophone version ng Officially Missing You mula sa speaker.
Natatawa at napapangiti siya sa gitna ng sayaw. Madalas niyang naapakan ang mga paa ni Kevin, 'di naman kasi talaga siya magaling sumayaw. Parehong kaliwa ang mga paa niya. Hindi naman ito nag-ri-reklamo. Feeling strong ang loko!
"I wish every day could be like this." Nakangiting naiangat niya ang mukha rito. May ngiti sa mukha nito. "It would be perfect."
"Maapakan lang kita lagi kapag inaraw-araw natin 'to," natatawa niyang sagot.
"Practice lang 'yan."
"Ilang taon ko na 'yang sinasabi sa sarili ko pero wala namang nangyayari –" Pinatahimik siya nito ng biglang paghalik nito.
"Then try harder," anas nito nang bahagya nitong ilayo ang sarili.
Tumaas ang isang kamay nito sa kanyang panga at muli siyang siniil ng halik sa mga labi. Awtomatikong naipikit niya ang mga mata at gumanti ng halik. Napahawak siya sa mga balikat nito para kumuha ng lakas. Ramdam niya ang unti-unting panlalambot ng mga binti niya.
They both moaned when Kevin deepened the kiss.
Iniyakap niya ang mga braso sa leeg nito nang pangkuin siya nito. She wrapped her legs around him nang hindi pinuputol ang halik. Kung paano nito nakakayang buhatin siya ay problema na 'yon ni Kevin. Ginusto nito 'yon, panindigan kamo nito.
She let out a sharp gasp nang ihiga siya nito sa sofa. Dinaganan siya nito. Naimulat niya ang mga mata, bumaba naman ang mga halik nito sa leeg niya.
"Kevin?"
"Hmm?"
"Sa sofa talaga?"
"I don't see any problem about that, baby." Muli niyang naipikit ang mga mata nang tumaas ang halik nito sa mukha niya, hanggang sa maramdaman niya ang mainit na hininga nito sa isang tenga niya. "Let's use all our resources here and experiment."
"Medyo kinakabahan ako riyan."
Kevin chuckled, "Moh, it's fine." Hinalikan siya nito sa pisngi. Unti-unti namang inaangat nito ang suot niyang over sized shirt pero 'di 'yon kay Kevin. Walang magkakasya sa kanya. Sariling effort talaga minsan e. Mabuti na rin 'yong prepared. "There is always first in everything."
Dios ko, kapag nalaman 'to ng nanay ko, ibubuhos talaga niya sa akin ang isang tanke ng holy water.
"Hindi ko talaga babayaran 'tong sofa mo kapag nasira."
"Then let's take this slow." Muli nitong binalikan ang mga labi niya, masuyo, dahan-dahan, hanggang sa maging mapusok at mapaghanap ang halik nito. Bahala na!
TULOG pa nang iwan ni Mohana sa silid si Kevin. Ewan niya sa lalaking 'yon, ito lang ang may sakit na walang kapaguran. Buong gabi na nga siyang inangkin nito, nag-extend pa sa umaga. Naingat niya ang mukha sa orasan na nakasabit sa ding-ding ng kusina. Ala una na, at wala pa silang kain maliban doon sa kinain nilang sandwich kaninang umaga.
Nakaligo at nakapagbihis na siya, hinihintay na lamang niyang magising si Kevin. Malapit na ring matapos 'tong niluluto niyang pagkain. O, 'di ba? Hindi niya nasunog ang kusina. Magaling na kasi siyang magluto ngayon. Pwede na akong mag-asawa anytime.
Wala siyang mahanap na ingredients sa ref nito dahil wala naman 'yong laman. Kaya ininit na lamang niya ang mga na bring home nila kagabi. I know, I know, at least naman, kahit sa pag-iinit ng pagkain, wala siyang napasabog na building.
Umuulan pa rin sa labas, mukhang buong araw na talagang uulan. Hindi niya sigurado kung may bagyo. Pero 'yong condo kanina parang binagyo, naglinis at nag-ayos na rin siya bago nagpaka-ulirang nobya na may balak maging ulirang asawa. Naks!
"What time is it?" Humihikab na inihilig ni Kevin ang katawan at ulo sa hamba ng pinto ng kusina. Wala itong ano mang suot pang-itaas maliban sa itim na pajama nito.
"Ala una na, maligo ka na at magbihis, kakain na tayo."
"Amoy masarap." Mabilis na nakalapit ito sa kanya at sinilip ang ginagawa niya. "But I believe, hindi mo 'yan luto."
"Madaming types ang pagluluto, heating is one." Itinulak niya na ito pabalik sa direksyon ng silid. "Huwag mo nang question-nin ang pagiging master chef ko dahil wala ka sa kalingkingan ko. Maligo ka na! Baho-baho mo na."
Tinawanan lang siya ng loko.
"Just give me 10 minutes." Akmang aalis na ito nang balikan siya nito na para bang may nakalimutan itong gawin. "I forgot this." Mabilis na hinalikan siya nito sa pisngi. "Good afternoon, Moh," dagdag nito bago ulit siya tinalikuran.
Humigpit ang hawak niya sa sandok. Humugot siya nang malalim na hininga. Kinakalma ang puso niyang marupok na kabog nang kabog.
Binalikan niya ang ginagawa.
"Magpapadala ako ng sulat sa pangulo, dapat gawing pambansang prutas ang mansanas simula ngayon."
"PAGKATAPOS ng operasyon," basag ni Mohana. "Anong mangyayari sa'yo?" Nasa sala sila, nakasalampak ng upo sa carpeted na sahig. Wala silang magawa kaya nag-drawing na lang sila ng kung ano. Naka on naman ang TV pero walang magandang palabas.
"A lot could happen," casual nitong sagot habang kinukulayan ang drawing nitong malaking puso. 'Yong literal na puso talaga na nakikita sa mga medical books. Hiyang-hiya naman ang puso niyang drawing na pa cute.
"Madami, tulad ng mga palabas sa mga drama?"
"Yes." Ibinaling nito ang mukha sa kanya. "Minus the exaggeration and dramatic scenes. You see, brain practically controls everything in our body. Our thoughts, our speech, our movement, body and nerve sensors. I could lose everything if this operation fails."
"Pero sa tingin mo, magiging successful naman, 'di ba?"
Ngumiti ito. "I'm praying it will without any major damage in the affected lobes. I couldn't assure you, but I'm praying Moh. I've been avoiding this topic for a long time now dahil ayokong mag-alala ka sa akin. You know how I overthink sometimes."
"Dalawa 'di ba?"
"Yes, one located between my frontal lobe, motor cortex, and temporal lobe. That's the reason why I often forget things and I couldn't control my body movements. Nagiging moody ako dahil sa madalas na pag-shift ng emosyon ko dahil sa mga sudden frustrations ko. I'm not sure if you have noticed that, since nakakabwesit din naman talaga ang ugali ko minsan." Natawa ito sa huling sinabi nito.
"Gusto kong isipin na parte ng pagiging matigas ng ulo mo, sa sakit mo, pero kahit naman noong wala 'yan, nakaka-pakjuice na ang ugali mo minsan."
"See?"
"So parang nothing lang din."
Lumakas lang ang tawa nito.
"At 'yong isa?"
"The second is located between my parietal and occipital lobe. That affects my vision, body sensors and my interpretation of things. Hindi mo lang napapansin pero madami na akong pasa sa binti at braso dahil may mga bagay na nilalagpasan ang mga mata ko. Sometimes, the colors I see didn't match the exact color of things."
"I'm not well enough to work because of my deteriorating memory and unsettled thoughts. My migraines are the worst part of it all. Even my meds could no longer lessen the pain. My hands are not often in good shape, so holding the scalpel wouldn't be a good idea. Baka may mapatay lang ako."
Inabot niya ang isang kamay nito. "Makakabalik ka rin sa pagiging doktor, Kevin. Ikaw pa."
"If you believe, then I will."
May ngiting hinalikan siya nito sa noo.
"It may take a while, pero kung nasa tabi naman kita habang binubuo ko ulit ang sarili ko, I know I will be fine."
Naging tamihik sila ng ilang segundo.
"Kung makalimutan mo ako?" basag niya.
Natigilan ito. Pilit niyang inalis ang lungkot na biglang yumakap sa puso niya. Hindi niya naman maiiwasan 'yon. Malaki ang posibilidad na mangyari 'yon. Kailangan niya lamang ihanda ang sarili niya.
"I know this would be selfish of me." Nagtama ang mga mata nila. Kitang-kita niya ang lungkot at pag-aalala sa mga mata nito. "No matter what happens, don't let go of this hand." Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. "I'll wreck my mind back just to make him remember you. I don't want to think about that sad possibility, but I'll fight back, Moh. I may hurt you, but know that in my heart, I didn't intend to."
Niyakap niya si Kevin.
"Alam mo ba." Gumanti ito ng yakap. "Ganitong-ganito ang gusto kong problema sa mga nababasa kong pocketbook pero sa reyalidad pala ang hirap."
Sa totoo lang, naninikip ang dibdib niya sa mga iniisip niya nang mga oras na 'yon. Pinipigilan lang talaga niya ang mga luha niya dahil 'di 'yon makakatulong kay Kevin. Gusto niyang maging masaya lamang ito. Gusto niyang mag-focus ito sa pagpapagaling nito at hindi sa kung ano man ang mararamdaman niya.
"Mahal na mahal mo ako at patay na patay ka sa akin. Kapag nakalimutan mo ako, ipapaalala ko 'yan sa'yo hanggang sa maalala mo ako," dagdag niya.
"Araw-araw?"
"Kapag 'di ako busy." Kumalas siya sa pagkakayakap niya rito. "Madami kasi akong trabaho, sa day off, bibisitahin kita."
"Mohana..." Tila ba maiiyak ito nang banggitin ang pangalan niya.
Natawa siya. "Loko, joke lang. Hindi kita lulubayan kasi may mga pananagutan ka sa akin. Hindi mo ako pwedeng takasan dahil lang sa 'di mo ako maalala."
"Let's get married, Mohana."
May ngiting umiling siya. "Hindi Kevin." Nabasa niya ang pagtataka at pagkadismaya sa mukha nito. Umangat ang isang kamay niya para alisin ang kunot-noo nito. "Magpapakasal lang ako sa'yo kapag magaling ka na. Gawin mo 'yang motivation na loko ka. Ayokong maging biyuda nang maaga."
"So that's the reason?"
"Pwede tayong magpakasal bukas, papayag ako. Wala akong pakialam kung isa sa atin ang mamamatay. Pero ayoko. Ayoko ring mag-propose ka sa akin ngayon dahil lang sa mga namagitan sa atin. Binigay ko ang sarili ko sa'yo dahil gusto ko at hindi sa gusto kong pakasalan mo ako."
"I don't understand."
Hinawakan niya ang magkabila nitong mukha. "Hindi mo kailangang pakasalan ako para 'di ako mawala sa tabi mo. May sing-sing man o wala. Mananatili ako sa buhay mo kahit na ayaw mo pa."
Sumilay ang ngiti sa mukha nito. "What did I do to deserve you?"
"Niligtas mo ang buong mundo nang magpa-ulan ng apple ang demonyo."
Natawa ito. "Kinain ko ang lahat?"
"Kinain nating dalawa."
"Speaking of apple –" Akmang hahalikan siya nito nang mabilis na matakpan niya ng isang kamay ang bibig nito. Inabot niya ang drawing nitong literal talaga na puso at pinakita 'yon rito.
"Ano pa bang hindi ko alam tungkol sa'yo, dok?"
Inalis niya ang kamay sa bibig nito.
Nakamot nito ang noo. "I learned that from Rave."
"So nagdo-drawing ka rin?"
"Ng mga internal organs." Naglapat ang mga labi nito na tila ba nahuli niya itong nagnanakaw ng mga lamang loob sa ospital. Para itong batang nahuli sa akto.
"Seryoso?"
"Internal organs are a work of art."
"So kapag bored ka, nagdo-drawing ka ng atay at intestines?"
"Minsan," he chuckled.
"Kaloka ka!"
"Well, better than romanticizing those two Chris's posters on your wall."
"So saan papunta ang usapan na 'to?"
"Depende kung saan mo gustong humantong tayong dalawa?" Pilyong ngumiti ito sa kanya.
"PUMASYAL kayo sa bahay," ni Gail nang ihatid siya nito palabas ng Sweet House. May out of town work si Hanzel kaya wala ito. Biglaan lang din naman ang pagpunta nila, nadaanan lang nila at nakita nila si Gail. Ito na ang owner ng Sweet House. Pinamana na 'yon ni Madame Magnolia rito, ang tita ni Hanzel. "Kayo rin naman pala ang magkakatuluyan, dami n'yo pang echos."
"Willing naman ako e. Ang Kevin lang hindi," natatawang sagot niya. "Alam mo naman ang utak ng 'sang 'yon."
"Sabagay, e si Peter, kumusta naman?"
"AWOL pa rin."
"Ano bang bago?" Naigala nito ang tingin sa paligid. "Na saan na ba 'yong irog mo?" Nagpaalam ito kanina na may bibilhin daw ito sa malapit. Nabusog na lang siya sa chika at pagkain pero ang Kevin hindi pa nakakabalik.
"Hintayin na lang natin."
"Nag-mo-move-on siguro 'yon si Peter."
"Bakit naman?"
"Dae, 'di mo ba napapansin? May gusto 'yon sa'yo. Manhid ka lang."
"Ini-echos mo ako. Alam mo naman ang 'sang 'yon. Isa ring paasa sa mundong ibabaw."
"Ewan ko sa inyong tatlo. Bahala na nga kayo. Basta, kapag free na kayo, dumalaw kayo sa bahay kasi miss na kayo ng tatlo."
"Sige, ipa-sched natin 'yan. Alam mo naman, buhay artista ang amega mo. Madaming ganap sa buhay."
"Huwag n'yo nang patagalin pa, magpakasal na kayo ni Kevin at nang makabuo na kayo. Tatanda n'yo na."
"Hindi bale, sisikapin kong maka twins kami sa first baby namin. Double time saka OT kami sa paggawa - aw." Pinalo siya sa balikat ni Gail. "Nanakit, ha?"
"Puro ka biro!" Tawang-tawa ito sa kanya. "Wait, may nakalimutan ako sa loob. Ipapadala ko sa'yo. Hintayin mo ako rito."
"Sanay akong maghintay."
"'Yan tayo e." Bumalik ito sa loob ng Sweet House.
Iginala niya ang tingin sa paligid. Na saan na ba 'yong Kevin na 'yon? Inilabas niya ang cell phone sa bag at in-denial ang numero nito. Nako-contact niya pero 'di siya nito sinasagot. Nabaling ang tingin niya sa isang batang lalaki sa gilid ng daan. Sa tingin niya ay nasa lima o anim na taong gulang ito. Nakatalikod dito ang sa tingin niya ay nanay ng bata. May kausap ito na babae.
"Kevin saan ka na ba?" Hinintay pa rin niya na sagutin nito ang tawag niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nito sagutin. "Hoy! Na saan ka na ba? Magpaalam ka nga kay Gail."
Natawa ito sa kabilang linya. "I'm across the street. Look." Inangat niya ang mukha sa kabilang kalsada. Malaki ang ngiti na kumaway si Kevin sa kanya. Kaka-red light pa lang kaya 'di pa ito pwedeng tumawid. "Missed me?"
"Basta-basta ka na lang umaalis, hindi mo ba maharap ang una mong pag-ibig?" biro pa niya.
"May binili lang ako. Natagalan lang."
"Kev –" Na distract siya nang may dumaang paru-paru sa harap niya. Napangiti siya sa ganda ng mga pak-pak nito. Naalala niya ang kwento ni Kevin sa kanya. "Ang ganda ng paru-paru." Natigilan siya nang maputol ang linya. Huli na nang mapansin niya ang batang lalaki kanina na tumawid sa daan. Papunta sa direksyon nito ang bumubosenang itim na van. Mukhang sira ang break ng van na 'yon. "Kevin!" Singhap niya nang mapansin niyang wala na ito sa kabilang kalsada.
Kasabay ng sunod-sunod na bosena at matinis na tunog ng mga gulong, tumahip ang dibdib niya sa kaba. Pagbaling niya muli ng tingin sa daan. Tila bumagal lahat ng mga bagay sa paligid niya.
Nagawang maitulak ni Kevin ang bata pero hindi ang sarili nito. Sumalpok ang katawan nito sa van bago ito tumilapon sa sementadong daan.
"Kevin!" iyak na sigaw niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro