Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13

FIESTA madaming handa at hindi pwedeng wala sila sa bahay dahil tiyak siyang sasama ang loob ng nanay niya. Kaya dinala niya si Kevin sa bahay. Hindi naman ito ang unang beses na nakapunta roon si Kevin. Madaming beses na nagpa-free medical check ito sa barangay nila kasama ang mga mababait din nitong mga kaibigang doctor kaya kilalang-kilala na ito sa barangay nila.

"Doc, kain ka rito sa'min!"

"Dito ka mag-dessert sa amin Doc."

"Mohana, dalhin mo dito si Doc mamaya. May pa lechon si nanay."

Tango lang nang tango silang dalawa. Masakit na siguro panga nitong si Kevin sa kakangiti sa mga kapitbahay niya.

"Alam mo," baling niya kay Kevin. "Kung tatakbo ka ritong barangay captain, tiyak na ang panalo mo." Natawa lang ito. "Sabihan mo ako kung may future plans ka, ako ang campaign manager mo."

"Ba't ba may pakiramdam ako na peperahan mo lang ako?"

"'Yan ang 'di ko gusto sa'yo e. Ang hirap mong lokohin."

Lumakas lang ang tawa nito.

"Ano bang handa n'yo?"

"Madami."

"Tulad nang?"

"Inasal na dragon." Hinila na niya ito dahil malapit na sila sa bahay niya. Naku, maliligo na naman siya sa sariling pawis dahil nakalimutan na naman niyang bumili ng aircon para sa sala. Ilang taon na rin niyang nakakalimutan 'yong bilhin. "Naghihintay na sila nanay at tatay sa bahay."

"Ipapakilala mo na ba ako?"

"Kilala ka na nila."

"Not the friend introduction, as your boyfriend this time."

Natawa siya, nabasa niya ang pagtataka sa mukha nito. "Ano ka ba? Araw-araw kong sinasabi sa kanila na boyfriend kita. Ang alam nila nanay ay boyfriend kita. Boto nga si tatay sa'yo kasi mabubuhay mo raw ako."

"Seriously?" Namilog ang mga mata nito.

"Assumera ako, don't me."


"HALIKA rito Kevin," tawag ng tatay niya kay Kevin. Nasa labas ito ng bahay kasama ng mga kumpare nito. May maliit na mesa na pinagsasaluhan habang nakalapag doon ang mga pulutan at pangtuma ng mga ito. "Uminom ka rito."

"Tay, hindi ho umiinom si Kevin." Chos lang 'yon. Alam niya namang umiinom ang 'sang 'to minsan pero mas madalas ang minsan. At isa pa, masama sa kalagayan nito ang alcohol. "Kayo na lang ho riyan. Kaya n'yo na 'yan. Huwag masyadong loser."

"Naku!" Lumapit ang nanay niya sa kanila. "Hayaan mo 'yang matandang 'yan. Enjoy lang kayo rito, anak. May salad sa ref, kuha lang kayo."

"Salamat, tita.

Napaawang naman ang labi niya nang malakas siyang tapikin ng nanay niya sa likod. Aray naman, ha?

"Gwapo talaga nitong nobyo mo, anak."

"Galing kong pumili, 'di ba?" Pasimple niyang kinindatan si Kevin. Naglapat ang mga labi nito sa pagpipigil ng ngiti. "Mahal na mahal ako niyan." Pasimpleng kinamot nito ang ilong sabay baling sa ibang direksyon.

"Aba'y dapat lang." Nakangiting ibinalik ni Kevin ang tingin sa nanay niya. 'Yong klase ng ngiti na gugustuhin mo na lang magkasakit para makita ulit si dok. "Mahal na mahal namin 'tong anak namin. Mahirap lang kami pero hindi naman halata sa katawan niya, 'di ba?"

"Nay!" Hinawakan niya ito sa braso. "Sinisira n'yo na naman image ko."

"Ano ka ba?!" Pinalo nito ang kamay niya. "Kasama ng pagmamahal ang pagtanggap niya sa mga kakulangan mo. Pero ang sa'yo anak, tanggap niyang nasobrahan ka." Tawang-tawa naman ang magaling niyang ina. Pwede kayang manapak ng nanay? Grabe siya e.

"Tanggap ko ho nang buong puso si Mohana."

"O, Nay, narinig n'yo 'yon, ha? Tanggap niya ang mga baby fats ko."

"Narinig ko, 'di naman ako bingi."

"Kuya Kevin!" Bigla namang sumingit ang dalawa niyang kapatid na sila Jafar at Mickey. "Selfie na muna tayong tatlo."

"Ba't kayo mag-si-selfie?" mataray niyang tanong sa dalawa. "Aanhin n'yo 'yan?"

"Ate, i-po-post namin sa facebook. Aba'y, sa wakas may totoo ka na ring boyfriend," sagot ni Jafar.

"Hindi kasi kami naniniwala sa'yo noong sinabi mo na boyfriend mo si Doc Kevin, ate. Alam kasi namin na may pagka-assumera ka," dagdag pa ni Mickey.

Natawa lang si Kevin sa gitna ng dalawang kapatid niya. Matatangkad na ang mga kapatid niya pero mas matangkad pa rin si Kevin.

Tinanggal niya ang sandal niya at akmang ibabato sa dalawa nang yakapin ng mga ito si Kevin.

"Ate, kapag sinaktan mo kami, masasaktan mo rin si Kuya Kevin."

"Kayong dalawa!" Marahas na isinuot niya ulit ang hinubad na sandal kanina. "Pasalamat kayo't kasama n'yo ang Kuya Kevin n'yo."

"Alam kasi namin ate na 'di mo magagawang saktan si Kuya Kevin."

Nagtama ang mga mata nila ni Kevin. He was giving him the puppy look. Kaloka! Nagpapa-cute ang loko. I hate this marupok feeling in me.

"Bahala kayo!" Tinalikuran na niya ang mga ito at hinila ang nanay niya sa kusina. "Nay, pahiram muna ng mga tupperwares mo, lalagyan ko ng bring home."

"May plastic tayo huwag mong pakialaman ang mga tuppewares ko."

"'Yan tayo e!"


"THIS is your room?"

Inilibot ni Kevin ang tingin sa maliit niyang silid. Puti lang ang pintura ng silid niya. Bukod sa manipis niyang kutson, meron din naman siyang ibang interior design at furnitures. Syempre naman! Isa na roon ang nag-iisa niyang cabinet na napuno na ng mga cartoon character stickers, isang full length mirror na binili niya kahit medyo lagpas na sa budget niya dahil payat siya roon, mga posters nila Chris Evans at Chris Hemsworth na nakadikit sa pader, maliit na bentelador at altar ng Santo Niño.

"You like these two?" Turo ni Kevin sa poster ng dalawa niyang iniibig ng lihim.

Half naked ang dalawa sa posters. Naka jeans lang ang mga ito kaya kitang-kita ang gandang lalaki ng dalawa. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Gagwapo talaga!

"Ang gwapo kaya nila. At huwag mong hawakan, baka magasgas. Atras ka nang kaonti."

Napailing-iling na naupo na lamang ito sa kuston niya para lang mapangiwi. "Kutson pa ba 'to? Ba't ramdam ko na ang sahig?"

Natawa siya. "Ilang taon na sa'kin 'yan. Nagreklamo ba ako?"

"I'm sure you did, but you don't have plans of buying a new one." Inabot nito ang kamay niya at pinaupo siya sa tabi nito. "Minsan, huwag mong tipirin ang sarili mo."

"Madami pa kasing gastusin sa bahay. Kapag nakaluwag-luwag ay bibili ako."

"I would love to give you all that I have, but I know you will just decline."

"Hindi ako tatanggi sa bagong kama," nakangising sagot niya. Kevin let out a soft chuckle. "Masakit na talaga siya sa likod, promise."

"I'll buy you a new one."

"'Yong makapal ah."

"Any color preference?"

"Kahit ano, basta yellow."

"I don't think may kutson na yellow." Nag-isip ito. "But if wala akong mahanap, I'll look for a yellow bed sheet set."

"Perfect!" Pinisil nito ang dalawang pisngi niya. "Kevin!" Napasimangot siya.

"Your family is blessed to have you Mohana." Nilubayan na nito ang mga pisngi niya. Umangat ang isang kamay nito sa ulo niya at masuyong hinaplos ang buhok niya. "You love your family so much more than yourself." Sumilay ang isang ngiti sa mukha niya. Ramdam niya ang senseridad sa mga sinabi nito. "They may have failed you a lot of times and hurt you, pero naniniwala akong, mahal ka nila."

"Salamat."

Hinalikan siya nito sa noo.

"Take care of your family and I will take care of you."


KEVIN went first to prepare the car, it was already past 10 pm in his watch, hindi na rin magandang umuwi sila sa Balamban dahil mukhang uulan nang malakas. They will have to stay in his condo for tonight. He bought it dahil lagi siyang nagpapa-assign sa Cebu. Personal reasons. Actually, because of Mohana. He wanted to be closer to her kahit na halos sa ospital din naman siya naglalagi. At least, they're breathing the same air. Korni, Kevin!

"Kevin." Napalingon siya, nagulat siya nang makita ang Ate Jasmine ni Mohana. "Pwede ba tayong mag-usap?"

"Sure."

"Sa tingin ko ay sa pagkakataon na 'to, 'di na lang puro pag-a-assume ni Mohana ang lahat." Sinamahan siya nito sa harap ng sasakyan. Pareho silang nakasandal sa bumper. Bahagya itong natawa. "So boyfriend ka na talaga ng kapatid ko?"

He can't help his smile as he nods. "She never fails to surprise me."

"Alam ko, hindi naman talaga mahirap mahalin si Mohana."

"She's really special."

Natahimik ito ng ilang segundo bago ulit nagsalita.

"I know, I've disappointed her," basag nito. "Madami kaming pangarap na sabay binuo para sa mga magulang at mga kapatid namin, pero ako mismo ang unang-una sumira sa mga pangarap na 'yon." Despite Jasmine's smile, ramdam niya ang lungkot sa boses nito. There was regret and guilt. "At minsan nakakahiya na ang palaging pag-unawa niya sa akin at sa amin. Alam ko na nahihirapan na siya. Pwede niya namang isumbat sa'kin 'yon lahat, talaga. Tatanggapin ko 'yon kung 'yon ang ikagagaan ng kalooban niya."

Malungkot na ngumiti ito sa kanya.

"She might want to do that, but chose not to."

"Mohana will always be Mohana."

Kilala niya si Mohana, kung kaya nitong ayusin ang lahat, ay aayusin nito 'yon. Iiyak 'yon buong araw pero lalaban ulit kinabukasan. Malaki ang puso nito sa pamilya nito. Mohana's love for her family is unconditional. Magri-reklamo 'yon, pero 'di nito 'yon ipaparanig sa'yo. She's selfless most of the time and she's not even aware of it.

"Kevin, hindi ko na maibabalik ang lahat. Pero pinagdadasal ko lagi na sana, dumating ang isang lalaki na magbibigay sa kanya ng magandang buhay at higit sa lahat, tunay na pagmamahal. Dahil deserved 'yon ng kapatid ko."

"I love your sister, Jas. More than anything in this world."

"Thank you."

"And don't worry, akong bahala sa kanya."

Tinapik siya nito sa balikat. "Aasahan ko 'yan."


NAABUTAN na sila Mohana ng ulan sa daan. Nailapat niya ang mga palad sa bintana ng sasakyan. Parang ang sarap maligo sa ulan. Wala na gaano silang kasabay na sasakyan sa daan dahil alas onse na. Pwede naman siguro nitong ihinto sa isang tabi.

"Hindi ba nagtaka ang mga magulang mo na sumama ka pa rin sa'kin?"

"Sanay na silang mangibang-bahay ako. Saka sabi ko naman, magbabantay ako sa condo ni Gumie. Kilala naman nila si Gumie, so okay lang." Hindi na niya matiis. Gusto niya talagang maligo sa ulan. "Ihinto mo sa tabi Kevin," bigla ay utos niya.

"Huh? Why?"

Ibinaling niya ang tingin dito. "Basta, ihinto mo lang. Doon sa may magandang view."

"Maliligo ka?"

"Dali na!"

"Wait, I know a perfect place." Sumilay ang isang ngiti sa mukha nito.

Dinala siya nito sa ilalim ng second bridge na magko-konekta sa Mandaue at Lapu-Lapu City. May magandang park doon kung saan kitang-kita ang buong bridge at dagat. Wala ng mga tao nang dumating sila. Maliwanag pa naman sa buong lugar dahil sa mga lamp post.

Mabilis na bumaba at lumabas siya ng sasakyan.

Naingat niya ang mukha sa kalangitan at binati siya ng malalaking patak ng ulan. Napangiti siya nang madama ang malamig na tubig sa mukha.

"It's cold!" Naimulat niya ang mga mata at naibaling ang tingin sa direksyon ni Kevin. Lumabas din ito at basang-basa na rin ng ulan. "But I think, I can survive." Ngumiti ito nang malaki.

"Magkakasakit ka!" Nilapitan niya ito.

"I will be fine, Moh. Huwag kang mag-aalala masyado sa akin. Let's just enjoy the rain." Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya sa gitna. Basang-basa na talaga sila sa ulan at malamig din ang simoy ng hangin. "I've always wanted to try this."

"Akala ko ba wala ka ng bucket list?"

"This is a spur of the moment, we couldn't just let this chance pass." Inikot siya nito. "Dancing in the rain."

Natawa siya. "Hindi ko alam na may ganito ka pa lang mga pangarap Dr. Kevin de Luca." This time, sinimulan na siya nitong isayaw. "Para tayong tanga."

"Do you want me to sing?"

"Pwede?"

"It would be an honor," nakangiting sagot nito. Alam niyang maganda ang timbre ng boses ni Kevin. Actually, silang apat talaga may boses. Pero mas maganda talaga ang boses ni Mykael. 'Yon kasi talaga ang singer. "When the night has come..." kanta nito. "And the moon is the only light we'll see."

"Wala namang moon –"

"Shsh," putol nito sa kanya. Nagpatuloy ito sa pagkanta at pagsayaw sa kanya. "No I won't be afraid, no I won't be afraid. Just as long as you stand, stand by me." Nakangiting yumakap siya rito. Magkayakap na ipinagpatuloy nila ang sayaw. "So darlin', darlin', stand by me, oh stand by me."

"If the sky that we look upon," sinabayan na niya ito ng kanta. "Should tumble and fall... Or the mountains should crumble to the sea. I won't cry, I won't cry, no I won't shed a tear. Just as long as you stand, stand by me."

Bahagya itong kumalas ng yakap sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Nakangiti sila sa isa't isa. "And darlin', darlin', stand by me, oh stand by me." Bumaba ang tingin nito sa labi niya. "Stand by me..." Sa pagbitiw nito ng mga huling salita na 'yon ay naglapat ang mga labi nila. Nakangiting gumanti siya ng halik. Ikinuwit niya ang dalawang kamay sa leeg nito at hinapit pa lalo ito sa kanya. Legit, kiss in the rain.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro