Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 12

"KEVIN!" malakas na sigaw ni Mohana nang bumagsak ito sa sahig.

Mabilis na dinaluhan niya ito. Sumalampak siya ng upo sa sahig at pinahiga ang ulo nito sa kandungan niya. Malakas na malakas ang kabog ng dibdib niya. Anong nangyayari? Bakit ito bumagsak? Madaming pumapasok sa isip niya pero hindi niya nagugustuhan ang mga 'yon. Madami na siyang napapansin dito pero alam niyang pilit lang 'yong itinatago sa kanya ni Kevin.

Hinawakan niya ang mukha nito. He was still conscious, pero tila may masakit itong iniinda. Pikit ang mga mata pero hirap na hirap ang ekpresyon ng mukha nito. Hawak nito ang ulo. Pinipigilan niya ang maiyak sa mga oras na 'yon.

"Tay Anselmo! Nay Migring! Tulong po! Si Kevin!"

"Moh –" nahihirapang bulong nito. Ramdam niya ang sobrang panginginig ng kamay nito nang hawakan nito ang kamay niya. Sumilip ang pilit na ngiti sa mukha nito habang dahan-dahan nitong iminumulat ang mga mata. "I...I'm...o-okay..."

"Hindi ka okay," iyak na niya. "Tay Anselmo! Nay Migring! Tulong po!" paulit-ulit na sigaw niya. Hindi niya kayang maiakyat si Kevin sa silid nito nang mag-isa.

"This is mainly the reason why I have....so... many doubts... I... d-don't want you... to see me like...this..."

"Kevin, hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin 'to." Saktong dumating si Tay Anselmo, agad na nakasunod si Nay Migring dito. Parehong bumukas ang gulat at pag-alala sa mga mukha ng mga ito. "Tay, patulong ho."

"Dios ko!" Mabilis na tinulungan siya ng matanda. "Anong nangyari, inday?"

"Saka ko na ho ikukwento, Tay. Iakyat na muna po natin si Kevin para makapagpahinga."

"Mabuti pa," segunda ni Nay Migring.



HALOS tatlong oras ding nakatulog si Kevin. Nasa tabi lang talaga siya nito. Hindi niya ito iniwan. Sa napapansin niya, mas nagiging madalas ang pagsakit ng ulo nito. Maliban sa pagiging makalimutin nito ay madalas din itong magsuka at mahilo. Sa umaga, kapansin-pansin ang pamumutla nito.

Kilala niya si Kevin, hindi ito pabayang tao, alam niyang iniinom nito ang mga gamot sa tamang oras. Pero bakit ganoon? Kahit ang mga gamot nito ay 'di na rin kayang ibsan ang sakit na nararamdaman nito. Mag-iisang linggo na ang lumipas pero parang buwan na 'yon para sa kanya. Marahil buong araw kasi silang may ginagawa at kinaabalahan. Nasusulit ang bawat oras dahil tila ginto ang oras para kay Kevin.

Humigpit ang hawak niya sa isang kamay nito.

Positibo siyang tao at madalas niyang idaan sa biro ang lahat ng mga problema niya pero bakit ang hirap na makitang naghihirap si Kevin? Ang hirap magkunwaring okay siya. Nami-miss na niya ang malusog na Kevin. Ang ngiti nito na umaabot sa mga mata nito. Kahit na madalas pa rin itong nakangiti, nagbibiro at tumatawa. May pagkakataon na sa tuwing mag-isa ito sa sala o sa garden ay malayo ang tingin nito at madalas nakatulala. Malalim na malalim ang iniisip at halatang malungkot.

Kung sana pwede nilang paghatian ang sakit ng nararamdaman nito. Pero wala siyang ibang magawa para rito kundi ang maging malakas para rito. Kilala niya si Kevin, iisipin na naman nitong makasarili ito at isisisi na naman nito ang kalungkutan niya sa sarili nito.

Bwesit din kasi ang lalaking 'to!

Marahas na pinunasan niya ang mga luhang kumawala sa mga mata gamit ng libreng kamay. Umiiyak talaga siya, pero ayaw niyang ipakita 'yon kay Kevin dahil alam niyang malulungkot lang ito.

Mayamaya pa ay unti-unti nang gumagalaw ang mga mata nito hanggang sa magmulat ito. Agad niyang binati ito ng ngiti.

"Kumusta?"

"How long have I been asleep?" tanong nito sa paos na boses.

"Mga tatlong oras."

"Tatlong oras ka nang nakatingin sa'kin?" Nakangiting tumango pa rin siya. "Buti 'di ako natunaw." Mahinang tumawa ito. Kita mo ang 'sang 'to. Parang wala lang nangyari kanina. Muntik na siyang atakihin sa puso. "Come here." Bumangon ito at inangat ang katawan pahilig sa headboard ng kama.

Hinila siya nito pasampa ng kama para mahiga sa tabi nito. Humilig siya sa dibdib nito habang yakap siya ng isang braso nito. Damang-dama niya ang malakas na pintig ng puso nito. Gusto rin niya ang init ng yakap nito.

Ilang segundo silang naging tahimik bago ito nagsalita ulit.

"I'm sorry if I couldn't be like any knight in shining armor. I'm sorry if I'm too weak to protect you."

"Kung gusto ko ng knight in shinning armor sana naghanap na lang ako ng Superman o 'di kaya ng isang Captain America."

Bahagya itong natawa, he then started caressing her hair. "Point taken." Sandali itong natahimik. "You know what's the saddest love story in the world?"

"Titanic?"

"That is true and not based on a movie."

"Passion of Christ?"

"Well, that is the greatest love story. Try again."

Nag-isip pa siya. Puro talaga palabas ang naiisip niya. 'Yong iba, mga love story na sa pocketbook. Nasisita na nga siya ng nanay niya sa pagiging adik niya sa mga pocketbook dati. Wala e, sarap kasi talagang pangarapin ang pag-ibig na mahirap i-achieve sa reyalidad.

"Wala akong maisip."

"Then I'm going to share you this." Inangat niya ang mukha kay Kevin. Nakangiti ito sa kanya. "Kaya makinig ka at huwag mo akong tulugan." Humagikhik siya. Naipikit niya ang mga mata nang idampi nito ang labi sa noo niya para gawaran siya ng mabilis na halik doon. Lalo siyang napangiti.

"So ano nga?"

"When a caterpillar turns a butterfly, they only have 21 days to live or less. Depende sa environment kung saan sila."

"Really?" Na shock siya, ang liit pala ng life span nila.

Kevin nodded. "Parang ang bilis, 'di ba?"

"Oo, parang 'di ko yata kaya 'yan."

"But they had live prior to that, but from a different perspective. Parang tayo, as a kid and the moment we grow up and become the person we are today, we become butterflies ourselves. Nagkakaroon tayo ng pakpak para gawin ang gusto nating gawin."

"Sa 21 days na 'yon, anong ginagawa ng butterfly?"

"They tried to live as happily and..."

"At?"

"And look for the right butterfly to love." Napangiti siya. "Butterflies are considered as one of the most faithful species in the world. Alam mo ba kung bakit?"

"Bakit?"

"Dahil kapag nahanap na nila ang tamang mate, hanggang kamatayan na ang pagmamahal na 'yon. Only death can separate them." He paused. "At naisip ko, what if you are only given 21 days to find that true love? At paano mo ipagkakasya ang pagmamahal na 'yon sa loob ng mga natitirang buhay mo sa mundo?"

"Ang lungkot." Naalala niya ang sitwasyon nila ni Kevin.

Ang buhay na walang kasiguraduhan. Madaming pwedeng mangyari. Madaling hulaan, pero masakit. Pwedeng masaya, pero mas malaki ang tiyansa na masakit.

"But what if, butterflies never cared about the deadline? What if every second counts for them? What if the 21 days was enough to live a fulfilling life? What if it was only the moment and not the days that matter?"

"What if, 'di ka mag-English para maintindihan kita?"

Malakas at malutong na natawa ito sa kanya. So ako na lang mag-a-adjust lagi?

"I'm sorry, I'll translate it."

"'Di okay na, na proseso na siya ng utak ko. Nag-lag lang nang slight, 'di ko kasi madalas gamitin."

"Puro ka talaga kalokohan."

"Tapusin mo na kwento mo. Doon ka na sa mga what if - what if mo."

"So, as I was saying, we know that death is inevitable but that's it, masyado tayong kampante na bata pa tayo at malusog para mamatay. We ended up neglecting the important things we are missing in our lives. It's okay to have a dream but reach it with passion and not by your own greed. It's okay to be happy but smile with the right reason and not based on the fulfillment of our insecurities. It's okay to love as long as you won't let the pain of disappointment and failure ruin you. Live with what you have at the moment, hayaan mong buoin ng saya at sakit ang kinabukasan mo."

"Alam mo, feeling ko, marupok ang mga butterfly." Amuse na amuse ang mukha nito. Natawa siya sa reaksyon nito. "Kasi kapag marupok ka, go lang nang go, kahit na alam mong pwede ka ring masaktan sa mga susunod na araw. Okay lang, at least wala kang regrets."

"May good side rin pala ang pagiging marupok," he chuckled.

"But with moderation."

Humigpit ang yakap nito sa kanya. "We haven't reached the ending yet."

"Hindi pa pala tapos?"

He nodded. "You're entering a rated SPG scene." Pareho silang natawa. May kalandian din pa lang nalalaman ang mga paru-parung 'to. "Kapag nahanap na ng lalaking paru-paru ang tamang babaeng paru-paru. They will make love the whole day and night."

"Wow, ha! Iba ang energy!"

"She will bear his child and then he will die."

"Mamamatay ang lalaking paru-paru?"

"Yes."

"Paano ang babaeng paru-paru?"

"She will die after giving birth."

"Ang sad naman." Hindi niya napigilan ang mapabuntonghininga. "Kawawa naman 'yong baby. Anong mangyayari sa kanya?"

"O baka niyan, ampunin mo na lahat ng mga caterpillars."

"Hindi naman, pero ang lungkot, 'di ba? Kung ganoon din ang life cycle ng mga tao."

"That's why we are blessed."

"Sige na nga, sinasagot na kita."

"Huh?"

"Open minded ka ba?"

"Oo?" Hindi pa yata 'to sigurado. Pero kere na rin.

"Okay, tayo na." Pinagsalikop niya ang mga kamay nila at inangat 'yon sa ere. "It fits well. Bagay talaga tayo."

Naningkit ang mga mata sa pagtawa. "This is crazy and sudden."

"Life is full of surprises. Surpri –" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang siilin siya nito ng halik sa mga labi. Naramdaman niya ang pagngiti nito sa gitna ng halik. He let him and kissed him back. 'Yon lamang ang importante ng mga oras na 'yon.

Indeed, na surprise nga siya sa halik na 'yon.



NAKIPAGKITA siya kay Jafar sa malapit na mall sa ospital kung saan iniwan muna ni Mohana si Kevin. 'Yon din ang ospital kung saan naka assign dati si Kevin. May scheduled check up ito sa araw na 'yon. Sumaglit lang muna siya para ibigay sa kapatid ang panghanda sa fiesta sa Sabado.

"Ate, wala man lang bang pang milk tea diya - aw!" Binatukan niya ang kapatid. Mukha talaga 'tong pera.

"Puro ka milk tea, mukha ka nang sago."

Sumimangot ang kapatid. "Ate naman e. Sa gwapo kong 'to?"

"Ibigay mo 'yan diretso kay nanay, papasyal ako sa Sabado."

"Saan ka ba ngayon? Kailan ka pa nakabalik ng Cebu? Saan na ang pasalubong ko? Kumusta ang Maynila?"

"Ako muna nagbabantay ng condo ng Ate Gumie mo," pagsisinungaling niya. Huwag sana siya tamaan ng sun rays sa sobrang init ng araw ngayon. "Honeymoon pa kasi. May ginto kaya dapat tambayan. Huwag puro tanong, okay?" Inabot niya rito ang isang daan. "O, hayan, pang milk tea mo."

"Ate kulang."

"'Di huwag kang mag-large, 'yong regular lang. Kaloka ka!"

Napakamot na lamang sa ulo ang kapatid. "Ate, wala ka talagang puso."

"Sino ba nagpapaaral sa'yo?!"

Ngumisi ang kapatid at binulsa ang perang bigay niya. "Kaya mahal na mahal kita e!" Niyakap siya ng kapatid. Matangkad na ito sa kanya, nagmukha tuloy siyang sugar mommy. "Masaya na ako sa regular."

"Umayos ka! Malilintikan ka talaga sa'kin."



AGAD na hinanap ni Mohana si Kevin sa garden ng ospital. Tinawagan niya ito kanina, hihintayin daw siya nito roon. Agad naman niyang nakita ito. Hindi masyadong mainit sa kung saan ito dahil malapit 'yon sa isang puno. Isa pa, nasa likod ito ng building ng ospital kaya natatakpan ang init. Mahangin din dahil sa mga halaman at puno. Halatang, pinag-isipan din talaga ang landscape dahil nakaka-relax sa mata at pakiramdam ang mga kulay.

Malapit na siya rito nang may batang babaeng nadapa sa harap nito. Mabilis na nilapitan ito ni Kevin. Umiiyak na ang batang babae at mukhang nagasgasan ang tuhod nito. Napatitig siya sa nakangiting mukha ni Kevin habang kinakausap ang bata.

Talagang sumalampak ng upo si Kevin sa damohan, nasa pathway kasi nadapa ang bata, sementado ang bahaging 'yon.

"It's okay, baby." Pinunasan nito ang mga luha ng bata at inalo. "Malayo 'yan sa bituka. It wouldn't hurt that much. Let me see." Sinipat nito ang tuhod ng bata pagkatapos ay muling inangat ang mukha sa tumahan nang batang babae. Nandoon pa rin ang ngiti sa mukha ni Kevin. "Gasgas lang naman pala. Wait."

May kung ano itong hinugot sa bulsa ng pantalon nito. "Tadan!" Isang cartoon character na band aid. Maingat na inilagay 'yon ni Kevin sa tuhod ng bata. "When you get home, sabihin mo kay mommy mo na linisin ang sugat mo ng clean water at sabunan para 'di ma infected. Tapos in a couple of days, wala na 'yan."

May hinugot na naman ito sa kabilang bulsa nito. Nagulat siya nang iangat nito ang isang lollipop. Ano ba 'yang bulsa ni Kevin? Bulsa ni Doremon?

"Sa'yo na 'yan." Pinahawak nito sa bata ang lollipop at maingat na pinatayo. "Mag-ingat ka na sa susunod."

"Salamat po."

"You're welcome." Iniwan ng bata si Kevin.

Kitang-kita niya ang ngiti sa mukha ng bata nang dumaan ito sa harap niya. Muli niyang naibaling ang tingin kay Kevin. Sino bang hindi ma-i-in-love sa lalaking 'to?

Naupo siya sa tabi nito. Gulat na naibaling nito ang tingin sa kanya. "Moh?"

"Akala ko ba ikaw ang magpapa-check up? Ba't may pasyente ka kanina?"

Natawa ito. "Kanina ka pa ba?"

"Hindi naman masyado. Miss muna?"

Tumango ito sabay kamot sa noo. "It's been a while."

"Makakabalik ka rin." Tinapik niya ang balikat nito. "Naniniwala ako riyan, dok. Kailangan ka pa ng buong mundo."

"Hindi na yata ako makakatulog kung buong mundo ang aalagaan ko."

"Sige, bawasan muna natin, Cebu City muna."

"Sige."

Tumayo siya at pinagpag ang suot niyang jeans pagkatapos ay tumayo siya sa harap nito. Bumaba ang tingin niya rito nang ilahad niya ang kamay kay Kevin.

"Halika na." Tinanggap nito ang kamay niya. Hinila niya ito patayo. Tawang-tawa naman ito sa kanya. Shuks, ang bigat pala ng lalaking 'to. Hiningil siya nang slight. Luh! Kulang ng exercise Mohana.

Magkahawak kamay na naglakad na sila. Gustong-gusto niya ang holding hands na 'to.

"Lagi ka bang may dalang band aid at lollipop sa bulsa kapag may lakad ka?" hindi niya maiwasang tanongin.

"I can't help it," he chuckled. Cute! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro