Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10

MAINGAT na pumasok si Mohana sa silid ni Kevin. Alas otso na nang umaga at hindi pa rin ito gumigising. Sa normal na araw, mas nauuna pa nga itong gumising sa kanya.

Nakahanda na ang breakfast sa ibaba at kailangan na rin nitong kumain.

Naupo siya sa gilid ng kama at sinilip ang mukha nito dahil nga nakatagilid ito ng higa at nakatalikod sa kanya.

"Kevin!" She poked his shoulder. "Hoy, gumising ka na. Kakain na tayo." Pero wala siyang nakuhang reaksyon dito. Isinampa niya ang isang tuhod at itinukod niya ang dalawang kamay sa kama para mas masilip ang mukha nito. "Nagpuyat ka ba kagabi? Ba't ang mantika mo matulog?" Ibinaba pa niya ang mukha sa may tenga nito. "Sige ka, hahalikan kita kapag 'di ka pa gumising."

Ay kaloka! Ayaw talagang gumising. Gustong magpahalik? Huwag talaga akong i-te-tempt nitong si Kevin. Naku seryoso akong tao.

Inalog-alog pa niya ang mga balikat nito pero ayaw magising. Natigilan siya. Teka wait, humihinga pa ba si Kevin? Mabilis na inilagay niya ang isang daliri sa ilalim ng ilong nito. Nakahinga siya nang maluwag nang malamang humihinga pa ito.

"Gigising ka ba o hahalikan kita? Sa lips talaga!" Wala pa rin. "Ah, sinusubukan mo talaga ako. Hahalikan talaga kit – aaaah!" Napatili siya nang bigla na lang magising si Kevin. Mabilis na naipagpalit nito ang puwesto nilang dalawa. Nasa itaas na niya ito. Lumakas ang kabog ng dibdib niya sa ginawa nito.

Nagtama ang mga mata nila.

"I've been waiting for that kiss, Mohana." Sumilay ang isang mapanuksong ngiti sa mukha nito. Namatay yata ang puso niya sa ngiting 'yon. Me and my marupok heart. "Puro ka pagbabanta. I dare you to do it."

"L-Loko ka," nautal pa siya. Shuks! Kay aga-aga, may ganitong eksena agad. "Gagawin ko talaga. Nagising ka lang."

"No, you can't."

"Kaya ko."

"No."

"Kaya ko nga –" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla na lang siyang halikan sa mga labi ni Kevin. Literal na nanlaki ang mga mata niya. Nabingi yata ang tenga niya sa bilis at lakas ng tibok ng puso niya.

"You can't, but I can."

Umalis sa itaas niya si Kevin at bumaba ng kama. Tuloy-tuloy na naglakad ito papasok sa banyo. Iniwan siya nitong tulala at halos hindi makapaniwala. Tang na juice! Natutop niya ang bibig. Ramdam na ramdam pa niya ang lambot ng labi nito sa labi niya kahit dampi lang 'yon.

"Tang na juice!" Inabot niya ang isang unan at itinakip 'yon sa mukha. Doon siya tumili. Ilang beses niyang kinalma ang sarili. Ang first kiss ko. Itinapon niya ang unan at sumigaw. "Hoy Kevin! Panagutan mo talaga ako."



TITIG na titig si Mohana kay Kevin. Kung umusta ito parang 'di siya ninakawan ng halik. Sarap na sarap pa sa pagkain. Buti nalulunon pa nito ang kinakain.

"Hindi yata ako matutunawan sa klase ng tingin mo sa'kin, Moh."

"Moh?"

"Why? Can't I give you a nickname now?" nakangiti nitong balik tanong. Saya-saya yata ng lalaking 'to ngayon. "Kumain ka na. Ayokong pumayat ka."

"Kevin."

"Ano?"

"Malaki gusto mo sa'kin, 'no?" Nasamid ito bigla. Mabilis na inabot nito ang baso ng tubig. "Kailan pa?" May ngiting nangulambaba siya sa harap nito. "Mag-aminan na nga tayo."

"Ano namang aaminin ko?"

"Na gusto mo rin ako. Hindi ba't manliligaw ka na nga sa akin?"

"Hindi kita gusto."

Napasimangot siya. "Alam mo ang labo mo!" Itinuloy na lamang niya ang pagkain. "Mas may sense pa 'tong kainin ang mga pagkain."

"I don't like you," ulit pa nito pero 'di na niya ito tinignan pa. "I love you."

Natigilan siya at naibaling ang tingin kay Kevin. May simpleng ngiti ito sa mukha. Isang simpleng ngiti na may madaming masasayang emosyon. Tila nakangiti rin ang mga mata nito. Hindi na nito kailangan ng mga mabubulaklak na mga salita para sabihin na mahal siya nito. Alam na niya at naniniwala siya.

Napangiti siya. "Sabi na e."

"Ang kulit mo kasi," he chuckled.

"Manligaw ka muna, huwag mo akong idaan sa mga ganyan Kevin." Pigil niya ang malaking ngiti. "Hindi porke't gusto rin kita ay sasagutin agad kita." Pero huwag kang mag-alala, sinasagot na kita. Marupok ako e.

Natawa lang ito sa kanya.

"Seryoso ako!" babala niya rito.

"'Yan ang gusto ko sa'yo e. Lagi mo akong siniseryoso."

Kinindatan pa siya nito. Tang na juice! Ang puso niya, nadali na naman.


INALIS ni Mohana sa pagkakadikit ang resitang papel na may sulat kamay ni Kevin sa ref. Hindi pa niya masyadong mabasa 'yon. Mga sulat ng mga doktor ang gulo. Kasing gulo rin ni Kevin minsan - ay hindi lang minsan, madalas talaga.

I'm at the back, waiting for you there. - Kevin

Kumuha muna siya ng bottled water bago pinuntahan si Kevin sa likod. Umakyat siya sa second floor dahil sa tingin niya ay ang patio ang tinutukoy nito at hindi ang swimming pool sa likod. Pwede rin 'yong daanin sa harap ng bahay.

Tama nga siya, nandoon si Kevin. Mag-isa itong nakaupo sa wooden hammock doon habang kumakain ng watermelon. Nasa mga bulaklak at halaman ang tingin nito. Napangiti siya sa nakikitang ngiti nito habang enjoy na enjoy ito sa pagkain ng isang malaking sliced ng watermelon.

Lumapit siya rito. "May resita akong natanggap galing sa isang doktor," aniya. "Pinapupunta niya ako sa likod."

"Maupo ka rito." Iniangat nito ang lalagyanan nito ng mga sliced watermelon at inilapag 'yon sa mga hita. "Samahan mo akong kumain. Nakakabagot mag-isa."

Tumalima siya at naupo sa tabi nito. Agad siya nitong inabutan ng isang sliced watermelon. Kinagatan niya 'yon. Napangiti siya sa tamis nun. Gumalaw ang hammock dahil sa mahinang pagtulak ni Kevin gamit ng mga paa nito.

"Sarap?" nakangiting tanong nito.

Ngumiti siya. "Oo, matamis."

"This is one of my bucket lists. Ang kumain ng watermelon na kasama ang taong gusto ko." Malaki pa rin ang ngiti na ibinaling nito ang tingin sa kanya. "I only have simple things listed in my bucket list."

"Matagal na sana natin 'tong nagawa kung 'di ka lang in denial."

"Kung 'di pa ako nagkasakit 'di ko pa mari-realize ang mga oportunidad na nasayang ko. It was my wake up call. A risky wake up call. Sa ilang beses na nasaktan kita sa pagiging immature ko, pinagpapasalamat ko pa rin na hindi mo ako sinukuan... na mas pinili mo pa rin ako. I don't have any idea why you like me, but I guess, ka mahal-mahal pa rin naman ako in some ways."

"Sabi nga nila, kung gusto mong magka-boyfriend, mahalin mo 'yong taong bigo sa pag-ibig."

"Hindi ba mas mahirap 'yon?"

"Ang gamot daw kasi sa sakit ng kabiguan ay bagong pagmamahal. Pero para sa akin, ang hirap pa rin naman. Kasi sarado pa ang puso ng mga bigo. Mahirap pang paamuhin."

"Unless you never stop making them special?"

"Ma-a-appreciate pa rin kaya nila?"

"Ako, na appreciate ko." Napatitig siya kay Kevin. "It was really depressing, honestly. Alam ko namang wala akong pag-asa kay Gail, but I still tried, hoping I'll win her heart this time. Gusto ko na talaga siya, noon pa. Kaso kailangan ko lang umalis ng Cebu at mag-aral sa Maynila. And then you came, asking me that hilarious question, open minded ka ba? Telling me you're single and that you like me. Doon pa lang, nakuha muna ang atensyon ko."

Natawa siya. "Kapal ng mukha e."

"Hindi ko alam kung nanti-trip ka lang o seryoso ka ba."

"Seryoso ako nun," natatawa niyang sabi. "Na love at first sight talaga ako sa'yo doon pa lang sa video call."

"Love agad?"

"Crush lang, 'di naman ako ganoon karupok noong una."

Pareho silang natahimik pagkatapos. Naubos na niya ang sliced watermelon niya. Wala na rin siyang masabi. Naubusan yata siya ng chika. Sa daldal niya? Wow!

"Mohana."

"Hmm?"

"Open minded ka ba?"

Natawa siya. "Sira!" Nagpipigil ng tawa si Kevin. "Bakit?"

"Is your mind open to the possibility of spending your life with me?"

Kinabahan siya bigla.

"Tang na juice, nagpo-propose ka ba?"

"Hindi pa," he chuckled.

"Ayusin mo buhay mo dok!"

"Inayos mo na."



HINDI alam ni Mohana kung totoo ba ang mga pictures sa album na nakita niya sa sala o hindi. Naglalagay ng photos doon si Kevin kanina nang may tumawag yata rito. Mga bata pa ang mga ito sa halos ng mga larawan. Ang pinagtataka lamang niya ay kung bakit magkakasama ang apat sa mga larawan.

Ang alam niya, childhood friends sila Rave at Mykael. Nakilala naman ng mga ito si Kevin noong college at kakakilala lang ng mga ito kay Peter dahil kay Kevin. Ang kwento ni Kevin, pareho raw ang mga ito na late sa araw ng pag-wi-welcome ng lahat ng mga students. Hindi raw pwede na walang attendance slip dahil requirements daw 'yon ng lahat ng mga subject teachers ng mga ito.

Doon nagkita-kita ang tatlo. At salamat daw kay Mykael at nakapasok ang mga ito kahit late na. Ano pa bang pwedeng gawin ng isang Mykael Sy? Dinaan raw nito sa pagpapa-cute ang babaeng in-charge sa entrance. At kahit na iba-iba ang degree program ng mga ito, hindi 'yon nakahadlang sa pagkakaibigan ng mga ito.

Pero bakit sa album na 'to, since birth na yatang magkakakilala ang mga apat?

"Moh!" Napaigtad siya sa pagtaas ng boses ni Kevin nang tawagin siya. Para itong nahuli na gumagawa ng krimen. Kumunot ang noo niya. Secret ba 'to?

"Ano 'to?"

Sinamahan siya nito sa sofa at naupo sa tabi niya. "This is supposed to be a secret."

"Kung sekreto 'to ba't kinakalat mo lang kung saan-saan?"

Napakamot ito sa noo. "I shouldn't be telling this."

"Sasabihin mo rin lang naman e. Kilala na kita. Wala kang sekretong natatago."

"Meron kaya!"

"Ano?" hamon pa niya.

"'Yong feelings ko say - oww!" Napaigik ito sa pagpalo niya sa balikat nito. "Ang sakit nun ah."

"Ano bang meron sa album na 'to?"

"Gift namin kay Peter, kay Hanzel ko nakuha ang mga photos ni Peter." Tukoy nito sa asawa ni Gail. Pinsan ni Hanzel si Peter. "These photos are edited and photoshopped by Mykael. This is actually his idea. Sa aming tatlo, si Mykael ang pinaka sentimental. Kaya huwag ka nang magtaka kung bakit mukhang totoo ang mga photos diyan dahil king of editing 'yang si Mykael."

"Ang cool nga e! Akala ko kasi totoo."

"Huwag mong banggitin kay Peter."

"Huwag mong sabihin sa'kin 'yan. Sabihin mo 'yan sa sarili mo." Malakas na natawa lang ito. "Oh!" Natigilan siya sa isang picture. Nakasuot ng puting sutana ang apat. Mukha silang binatang altar boys. Hindi niya mapigilan ang matawa. Hindi naman 'yon mukhang edited lang. "Kailan 'to?"

"College, noong maatrasan ni Mykael ang sasakyan ni Mrs. Corpuz, na head ng SAO. Dahil nga sakay kami ng kotse ni Mykael, nadamay kami sa parusa. May one hour church service kami ng isang linggo."

Tawang-tawa siya. Sa picture kasi, seryosong-seryoso si Rave. Si Kevin mukhang nahihiya pa at si Mykael na malaki pa ang ngisi na may kasama pang peace sign.

"Hindi sa pagmamayabang, pero na extend pa kami dahil nga nag-request si Father na dalasan namin ang pag-si-serve sa simbahan dahil madami raw ang nagsisimba."

"Hindi na ako magtataka kung mapuno ang simbahan."

"Si Peter diyan, talagang altar boy raw talaga siya, sabi sa'kin ni Hanzel, kung hindi raw pumasok sa criminology si Peter ay baka nag-seminarista raw 'yan."

"Talaga?" halos hindi makapaniwalang tanong niya kay Kevin. "Seryoso?"

"'Yon ang sabi ni Hanzel sa'kin." Nagkibitbalikat ito. "Mas mabait naman ako kaysa kay Peter, 'di ba?"

"O ba't hindi ka pumasok sa seminaryo?"

"Hindi naman lahat ng mga mababait nagpapari."

"Sa bagay."

"'Yong iba, nagiging sa'yo."

'Di wow! Ako na maganda.



NATIGILAN si Mohana sa katok mula sa labas ng pinto. Patulog na siya at papatayin na sana niya ang lamp shade dahil sanay siyang madilim ang kwarto niya. Hindi siya nakakatulog na may ilaw.

"Moh?" Boses 'yon ni Kevin. "Pwede bang pumasok?"

"Hindi 'yan naka lock, pasok ka."

Maingat na binuksan nito ang pinto at isinarado 'yon. Lumapit ito sa kanya at naupo sa gilid ng kama.

"Bakit?"

"Can I sleep with you?" Agad na nanlaki ang mga mata niya. "Not that kind of sleep. Promise, wala akong gagawin." Parang batang itinaas nito ang isang kamay. Bahagya pa itong natawa. "I feel so alone in my room."

Umisod siya at tinapik ang malaking espasyo pa ng higaan niya. "Masyado kang guilty riyan. Ayusin mo lang pangungusap mo."

"Thanks." He slipped in the covers. "Tayong dalawa lang sa bahay pero ang layo natin sa isa't isa. Ang lungkot minsan."

Nahiga silang pareho na nakaharap sa isa't isa. "Sumasakit pa ba nang madalas ang ulo mo?" Tumango ito. "E ang mga gamot mo? Meron pa ba?"

"I have enough, don't worry."

"Sabihin mo lang sa'kin kapag may masakit sa'yo. Huwag na huwag mong itago sa'kin kung meron man."

Ilang segundong tinitigan lamang siya nito. Tila kinakabisado ang bawat detalye ng mukha niya. Hindi niya maiwasang malungkot. Nitong mga nakaraang araw, napapansin niyang madami na itong nakakalimutan. Sa tingin niya ay isa 'yon sa mga symptoms ng sakit ni Kevin.

"I always have these second thoughts," basag nito. "When it comes to you, I don't want to be selfish. Alam ko kasi na hindi magiging madali ang lahat para sa akin. I'm sick and I don't want to be a burden to you. I couldn't even go back to work. I might hate myself for not able to take care of you. I'll be more irritated and moody for the coming days. Baka masaktan kita dahil 'di ko na ma control ang sariling emosyon."

Ramdam na ramdam niya ang lungkot sa boses nito.

"But I love you." Inangat nito ang isang kamay para hawakan ang isa niyang pisngi. "And I realized that dying isn't the saddest part of life. It's the idea of facing death with full of regrets dahil 'di ako naging totoo sa sarili ko at pinagkait ko sa sarili ang pagkakataon na maging masaya. Happiness is not measured in the years you have spent in this world because the years won't give it to you, it will always be a choice."

"Kevin?"

"And I chose to be happy despite the uncertainties that lies ahead of me." Hinapit siya nito payakap. "Takot ako Mohana, sa totoo lang. Pero mas nakakatakot pa lang mawala ka."

Kusa na lamang tumulo ang mga luha niya sa mga mata. Napangiti siya sa kabila ng mga luha. Panghahawakan niya ang pangakong 'yon. Sa totoo lang, natatakot rin siya. Pero ayaw niyang mawalan ng pag-asa. Naniniwala siyang, didinggin ng Dios ang mga dasal niya.

"Meant to be tayong dalawa kaya walang iwanan," biro pa niya na may kasamang tawa. "Sa drama 'di naghihiwalay ang mga love team."

"Hopefully in real life as well." Humigpit ang yakap nito sa kanya. "I pray God would grant me a miracle, Moh."

"Ibibigay 'yon ng Dios, Kevin."

"Pero sa ngayon, maging masaya na lang muna tayo."

"Sige, gusto ko rin 'yan."

"Ang lambot mo talaga."

"Compliment ba 'yan?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro