Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

"EXTRA JUICE!" malakas na sigaw ni Mohana habang tulak-tulak ang cart ng extra juice na binibenta habang naglalakad sa isle ng pinakamamahal niyang Carbon Market. "Extra juice na kayo riyan! Pampalakas ng tuhod! Ng energy! Para yumaman tayo. Mang Leo, extra juice?" alok niya sa matandang nagtitinda ng buko juice.

"Naku, 'di ko na kailangan 'yan Mohana. Sa buko ko pa lang, malakas na ako."

"Naks, iba ang fighting spirits natin ah."

Natawa ito sa kanya. Kumuha ito ng isang buko at ibinigay sa kanya. "O, hayan, sa'yo na 'yan." Lumaki ang ngiti niya nang mahawakan ang buko. "Huwag puro energy drink ang inumin mo. Masama 'yan sa katawan."

"Salamat po Mang Leo." Pasimple pa siyang kumuha ng straw. Bigat-bigat pa naman ng buko. Pero kere lang 'yan, ang importante libre. "Hulog ka talaga ng buko – este ng langit."

"Ate Mohana, pabili nga ng isa."

"Teka lang Dom." Itinabi niya muna ang hawak at inasikaso ito. Kumuha siya ng plastic cup at nilagyan 'yon ng malamig na tubig at cube iced. Oo, tulak-tulak niya ang isang galon ng mineral water. Nagbukas rin siya ng isang sachet ng extra juice at binuhos 'yon sa plastic cup saka hinalo ng straw na hinati niya sa dalawa. "'Yan na, sampung piso lang."

"Salamat." Inabot ni Dom sa kanya ang bayad. Isa si Dom sa mga binatang kargador na naging kaibigan niya. Nasa bente uno pa yata ang edad nito. "Wala ka kahapon ah. Saan ka na naman rumaket?"

"Hay naku, nag-audition ako sa PBB."

Parehong natawa sina Mang Leo at Dom. Ang mga bwesit na 'to! Masama bang mangarap maging artista, ha? Gagwapo ng mga 'to e.

"'Di ka pumasa, 'no?"

"O, 'di hindi!" Kumibot-kibot ang bibig niya. "Ang haba ng pila, madaling araw akong pumunta, ginawa ko na lahat, kumanta ako, nagsayaw, umarte, lahat na, pero kaloka, kulang pa rin? Ay jus ko, ang choosy nila."

Lalo lamang natawa ang dalawa.

"Baka kasi naghahanap sila ng sexy, ate."

"Sexy? Bakit? Binibining Pilipinas ba ang sinalihan ko? 'Di ba, PBB? Kaloka ka rin e." Dinuro niya si Dom. "Ganda-ganda ng umaga ko, sinisira mo. Maganda ako kahit mataba ako. 'Tong mga baby fats ko, 'yan ang puhunan ko."

"Ewan ko ba at sa lahat ng mga masisipag na mga babae dito ay ikaw lang ang masipag at madaming trabaho na 'di pumapayat."

"Mang Leo, sobra ka. You're so judgmental, ay kanat."

Natawa ang matanda. "Naku, kung may single pa sana akong anak, ipapakilala ko sana 'yon sa'yo."

"Kaso nga Mang Leo, wala."

"Ako na lang manliligaw sa'yo Ate Mohana,"

"Naku, tigilan mo ako Dom. Huwag ka munang mag-love-life, masakit 'yon sa utak at puso, ang gawin mo, mag-ipon ka at bumalik sa pag-aaral. Mag-TESDA ka, mag-welding ka, madaming hiring sa ibang bansa, pwede ka roon."

"Talaga Ate Mohana?"

"Oo, sabihan mo lang ako, may kakilala ako sa TESDA, i-re-refer kita roon at para naman matulungan mo pa ang mga kapatid mo."

"Maganda 'yan, Dom. Pag-isipan mo. Sabi ng anak ko, in-demand daw ngayon ang mga welder sa ibang bansa. Malaki pa ang sahod. Malalayo ka nga lang sa pamilya mo."

"Okay lang ho sa'kin 'yon Mang Leo, ang importante makatulong ako sa pamilya ko."

"Sabihan mo lang ako." Tinapik niya sa balikat si Dom. "Doon muna ako." Tumango ito at naglakad siya sa direksyon nila Laura. "Laura, ano tataya ka ba?"

"Hay naku, Mohana. 'Di naman ako nanalo." Kasing edad lang din ito ni Dom at kagaya nila roon, may mga pangarap at gustong makaahon sa kahirapan. Naging kaibigan na rin niya ito. Papaubos na ang mga paninda nitong mga gulay. "Pero sige, tataya ulit ako."

"Hay naku, Laura. Isa ka pa e," komento ng bitter na si Aling Mering. Palibhasa, tumandang walang jowa. Naks, nagsalita ka pa Mohana? "Taya ka nang taya. 'Di ka naman nananalo."

"Nananalo ako po ako minsan."

"Naku, ang bitter n'yo talaga Aling Mering. Pera naman ho 'yan ni Laura. Kung manalo siya, 'di siya lang mayaman. Dukha pa rin tayo. Simple as that."

"Ikaw talagang bata ka!" Akmang babatuhin siya nito ng talong.

"Aling Mering, pwedeng pa isang kilo na lang ng talong kung ibabato n'yo sa'kin 'yan. Pang-ulam na namin 'yan ng isang linggo."

"Ewan ko sa'yo."

Natawa lang silang dalawa ni Laura. Sa totoo lang, nagagandahan siya kay Laura. Hindi ito bagay sa lugar na 'yon. Para itong anghel na nahulog sa kangkungan.

"Ano numero mo?" Inilabas niya sa bulsa ng belt bag niya ang maliit na papel at mahiwaga niyang ball pen. "May mga numero ako. Baka gusto mo?"

"Sana naman tumama na 'yang mga numero mo."

Natawa siya. "Tatama ka, bigay ko sa'yo ang swertres number na lalabas ngayon. Ikaw lang ang sasabihan ko niyan."

"Sige-sige!"

"Oy, isama n'yo naman ako riyan."

"Bawal hong tumaya ang mga bitter."

"Ibibigay ko na sa'yo 'tong mga talong."

Namilog bigla ang mga mata niya. "Sige ho, akin na."

"Diskyateng batang 'to, basta libre talaga. Manang-mana ka talaga sa nanay mong si Elsa."

"Ganyan talaga kapag magaganda. Mautak."

"Hoy Mohana!" Busy pa siya sa paglilista ng mga numero nila Aling Mering at Laura nang may tumawag sa kanya. 'Di pa nga niya ito nililingon pero may idea na siyang si Erwin 'yon. Isa rin sa mga kargador ng mga gulay.

"O, bakit?" tanong niya ng 'di ito nililingon.

"May naghahanap sa'yong mga artista?"

"Artista? Sino?" Kumunot ang noo niya. "Nagbago ba isip ng ABS-CBN at pasok na ako bilang housemate ni kuya?"

"Mohana." Natigilan siya nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon sa likuran niya. Ramdam niya ang malakas na pagkabog ng puso niya. Syet!

"Kevin?" Lingon niya. Naks, ang oa ng paglingon. Puso, kumalma ka. Ngumiti siya. "Oy, ba't nandito ka?"

Napakalinis pa rin nitong tignan. Gwapong-gwapo talaga ang Dr. Kevin de Luca sa mga mata niya. Kahit simpleng white long sleeved polo na nakatupi ang mga manggas sa siko at itim na slacks ay ang para pa rin itong artistang hinugot sa mga magazine. Naka tuck in ang polo nito sa suot na slacks. Suot pa rin nito ang tanging accessory nito sa katawan na relo.

"Grethel told me you'll be here at this hour so I came to give you this." Inabot sa kanya ni Kevin ang isang itim na paper bag. "Pasalubong ni Mama para sa'yo."

"Naku, nag-abala pa si tita, okay lang naman kahit wala na e." Pero 'di ako tatanggi kasi gahaman rin ako sa mga pasalubong. Chos! "Pakisabi, salamat. Babalik ako ng Santa Fe kapag nakaluwag-luwag na ako."

Napansin naman niya ang lalaking nasa likod ni Kevin. Sino bang hindi? Agaw atensyon din talaga ang kagwapohan nito. Hindi natatakpan ng suot nitong itim na sunglasses ang angking karisma at kagwapohan nito.

"Sino 'yang kasama mo?" hindi maiwasang tanong niya kay Kevin. Panay ang tingin ng lalaki sa paligid. Tila ba nagmamatiyag ito sa mga gawain ng mga tao roon.

"Si Rave, kaibigan ko." Tinapik nito sa balikat ang kaibigan. "Rave, si Mohana nga pala. Pakilala ka rin minsan, masyado kang pa-mysterious." Nakangisi nitong biro pa kay Rave. "And he's not that open minded."

"Hi," walang kangiti-ngiting nakipagkamay ito sa kanya. "Nice to meet you Mohana."

"Pabalik na kami ng Maynila mamaya. I might not be able to see you more often dahil lilipat na ako ng ospital sa Maynila." Bigla siyang nalungkot. Kung ganoon, 'di na niya masisilayan ang irog niya.

"Ah ganoon ba, sayang naman."

"I'll call you if I have time." May oras ka pa kaya sa'kin?

"Sige."

"Anywway, we have to go. Dumaan lang talaga ako para personal na ibigay 'yan. Hope, 'di kita nadisturbo."

"Hindi ah. Petiks nga lang ako ngayon e." Tumawa pa rin siya kahit na sobra na ang pagdadamdam ng puso niya. "Ingat kayo sa biyahe. Mami-miss kita. Chos!"

"Ikaw talaga," he chuckled. "Always take care of yourself."

"Ako pa! Malakas pa yata 'to sa kalabaw."

Itinaas niya ang strong na strong niyang braso. Ang gaga, nag-sleeveless, akala mo, ka sexyhan. Buti na lang talaga kinaya ng calamansi at baking powder ang kili-kili niya. Walang kapintasan!

"I'll see you soon."

Tinalikuran na siya nito at naglakad palayo sa kanya. Hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya si Laura.

"Hoy, sino 'yon, ha? Gwapo ah. Jowa mo?"

"Akin 'yong nakaputi, sa'yo na 'yong naka dark blue na polo." Turo niya kay Rave. Likod na lang ng mga ito ang nakikita nila. "Ibubugaw kita sa kanya. Mukhang mayaman 'yon. Ano game ka?"

"Ha?"

"Samahan mo ako sa Maynila."

"Anong gagawin natin doon?"

"Manlalaki."



"ANO BA naman 'yan?!" hindi maiwasang sigaw ni Mohana sa buong bahay. "Wala na namang naghugas ng plato. So ano? Ako na naman? Hihintayin n'yo na naman ako para maghugas ng plato?" Gabundok na naman ang mga hugasin sa kusina. "Mickey! Jafar!"

"Ate!" Sabay na nagpakita ang dalawang magaling niyang kapatid. "Bakit?"

"Anong bakit?" Sabay na kinurot niya sa tagiliran ang dalawa. Napangiwi ang mga ito sa sakit. "Buong araw lang kayong nandito sa bahay. Wala man lang nagkusa sa inyong dalawa? Kaloka kayo! Maghugas nga kayo. Wala kayong maid dito. Huwag puro basketball at tambay."

"Ate naman e."

"Walang ate, ate, hala, maghugas kayo. Pagod ako. Pagkatapos n'yo riyan, mag-saing na kayo at uuwi na 'yon sila nanay at tatay. O, nagtutulakan pa. Tatanda n'yo na. Lakas n'yong manligaw, 'di kayo makapaghugas man lang."

"Mohana." Boses 'yon ng Ate Jasmine niya.

"Ano 'yon, ate?" Lumabas siya ng kusina at naglakad papunta sa maliit nilang sala. Sa mukha pa lang ng Ate Jasmine niya ay alam na niya kung saan papunta ang usapan nilang 'yon.

"Pasensiya ka na, 'di muna ako makakapagbigay ng ambag ngayon para sa renta. Natanggal kasi sa trabaho ang Kuya Alden mo. Short na short na kami sa gatas pa lang nila Nala at Flynn."

"Wala naman tayong magagawa pa roon ate. Ganoon talaga e. Hahanapan ko na lang ng paraan. Kaya 'to."

"Salamat Mohana."

Maagang nag-asawa ang Ate Jasmine niya. Noong una, sumama talaga ang kalooban niya kasi, sinayang lang nito ang pagsisikap nila nanay at tatay na maitawid ang pag-aaral nito ng kolehiyo. Kahit na may regular ito na trabaho bilang principal assistant sa isang private school ay alam niya namang sakto lamang 'yon para sa pamilya nito.

Mahal na mahal niya ang mga pamangkin niya kaya kahit sobrang nahihirapan na siya ay pilit niyang kinakaya ang lahat. Hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo dahil mas pinili niyang tustusan ang mga pangangailangan nilang pamilya. Nagtitinda lamang ng banana cue at mani ang nanay niya sa labas ng isang unibersidad.

Ang tatay niya naman ay 'di regular sa construction dahil na rin sa katandaan. Nang huminto siya sa pag-aaral, naaksidente ang tatay niya sa site, kaonti lamang ang nakuha nilang tulong kaya kailangan pa niyang maghanap ng iba pang trabaho. Sa ngayon, ang nanay lang niya at ang mga manok nito ang kaulayaw nito palagi.

Ginagapang niya ang pag-aaral nila Mickey at Jafar. Ga-gradute na bilang seaman si Mickey at isang sem na lang para matapos ni Jafar ang kursong political science. Walang problema kay Jafar dahil may scholarship ito. Si Mickey, chill pero alam niyang nagsisikap talaga ito.

Umakyat na siya sa itaas at tahimik na pumasok sa maliit niyang silid. Ilang beses na silang nagpalipat-lipat ng bahay dahil na rin sa kakulangan nila ng budget. Minsan kasi, bigla na lang nagtataas ng renta ang mga landlord. Isama pang, masyado nang mahal ang mga gastusin at pamilihin ngayon.

Ibinagsak niya ang katawan sa kama. "Aray!" daing niya nang maramdaman ang matigas na sahig. "Tang na juice!" Ilang taon na pala niyang gamit ang foam na 'yon. Manipis na 'yon. Tumagilid siya para haplosin ang nasaktang likod. "Ang sakit, pucha, 'di man lang ako maka-emote."

Pumasok ba sa isipin niya ang magreklamo? Sa totoo lang, araw-araw yata. Pero 'di niya naisasatinig dahil alam niyang kahit na magreklamo siya wala pa ring mangyayari. Mas mabuti nang gawan na lamang niya ng paraan para kahit papaano ay makaraos sila.

Hindi lang talaga halata sa kanya na mahirap siya. Tanggap niya namang may timbang siya. Chubby at fluffy, pero hindi talaga siya pumapayat kahit na anong gawin niya. E araw-araw siyang stress, araw-araw din siyang kumakain. Kahit walang-wala na, umuutang na lang siya, babayaran naman niya.

Wala siyang mapaglabasan ng sama ng loob at pagod. Sa pagkain lang talaga siya sumasaya. Twenty eight na siya pero wala man lang nanligaw sa kanya. Mabait naman siya, kwela at sweet pero wala talaga e. Sa dami ng crush niya, kay Kevin lang talaga siya nahulog nang husto.

At kahit na meron man, alam niyang, mawawalan rin siya ng oras dahil kailangan siya ng pamilya niya.

Crush niya rin naman si Peter pero 'di kasi open minded ang lalaking 'yon. Lagi pang AWOL. 'Di niya mahagilap lagi. Well, 'di ko rin mahagilap si Kevin. Pero ewan ba niya, talagang maka Kevin talaga ang puso niya.

Bumangon siya at inabot ang paper bag na bigay nito sa kanya. Ano naman kayang laman nito? Sana chocolates. Medyo nagki-crave ako nun e. Wala nga lang akong pera. Kumunot ang noo niya nang ilabas niya mula sa paper bag ang isang denim jacket. May naka embroidery pa ng pangalan niya sa likod nun.

"Denim jacket?"

Doon niya napansin ang isang sulat na kasama sa loob. Nakasulat 'yon sa pang-resitang papel ng mga doktor.

Exposing too much skin is bad for you. Always wear this when you go out. It will save you from heat stress and colds. – Kevin

Natawa siya. Mukhang napansin na rin nito ang madalas na pagsusuot niya ng spaghetti blouse. Ang init naman kasi e. Pero ano ba? Kinikilig pa rin ako. Kunwari galing sa mama nito, 'yon pala, galing rito. Aysus, ka dramahan mo Kevin. May aasa na namang Mohana.

Nakapa niyang may something sa bulsa ng jacket. Napangiti siya nang makuha niya mula sa bulsa ang ilang kisses chocolates. My gosh! My favorites.

"Alam na alam mo talaga ang mga kababoyan ko sa buhay Kevin." Binalatan niya ang mga kisses. "Kaya mahal na mahal kita e. Hmm, sarap talaga. Tamis! Tamis!"

"Ate wala nang bigas!"

Nalunon niya tuloy bigla ng buo ang tsokolate. Inihit siya ng ubo. Langya naman e! Kilig na kilig na ako. Wala pala kaming bigas.



"HOW'S OUR future Heart Surgeon?" Lee sat beside him. Busy pa rin si Kevin sa pagbabasa ng Manual of Cardiovascular Medicine. He's currently in his first year of specialized cardio. "Natutulog ka pa ba Kevin?"

Natawa siya. "That I'm not sure."

"Magpahinga ka naman oy. We may be doctors but we are still human. We are not immune to any disease."

"I'm fine, Lee. I love what I'm doing. Ngayon ko nga lang 'to nabasa. Emergency was so busy yesterday. Everyone was on frenzy mode." Itinigil niya ang pagbabasa at isinandal ang likod sa swivel chair. "Nakakapagod pero masaya pa rin sa pakiramdam ang makatulong."

"Alam mo, aside sa natural na matalino ka, iba ang dedikasyon mo sa pagiging doktor. Some of us here took this profession to have a stable job. Some because of the family hierarchy. I really admire your passion, Kevin."

"Thanks."

"Matutulog muna ako." Humikab ito at tinapik ang balikat niya. "Gisingin mo na lamang ako kapag may naghanap sa'kin."

Natawa lamang siya. Dumiretso na ito sa higaan nito. Tumayo na rin siya at iniwan ang ginagawa. Lumabas siya ng doctor's quarter para sana magpahangin nang madaan siya sa pasilyong 'yon na malapit sa emergency.

May matandang umiiyak habang nakikipag-usap sa isang lalaking nurse. Hindi niya maiwasang makinig sa pakiusap ng matandang babae. Nalungkot siya sa narinig.

"Wala talaga akong pambayad, hijo. Maawa na kayo sa apo ko. Ilang araw na siyang inaapoy ng lagnat. Pabalik-balik rin ang ubo niya. K-Kung pwede... kung pwede... hulugan ko muna ang pambayad."

"Clare," tawag niya sa head nurse ng emergency na kakadaan lang.

Lumapit ito sa kanya.

"Doc, bakit?"

"Talk to that nurse." Turo niya sa nurse na kausap ng matanda. "Hingin mo sa kanya ang lahat ng impormasyon tungkol sa matandang babae na kausap niya. Inform me kung sinong doctor ng apo niya. Ako na ang sasagot sa medical fees niya at mga gamot niya."

"Sige po."

He smiled at Clare. "Pero gaya ng dati, huwag mong sabihin na ako ang tumulong sa kanila. Secret lang natin 'yon."

Nag-thumbs up si Clare. "Sure!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro