Epilogue
OH BABY, baby, how was I supposed to know? That something wasn't right here.
Naibuga ni Mohana ang kinakain nang mag-play sa tv ang mukha ni Kevin. Actually, may mali talaga. Halos malaglag ang mga bibig ng mga magulang at mga kapatid niya. Hagikhik nang hagikhik si Baymax sa kandungan niya. Linggo kaya pumasyal sila sa bahay. Isinalang kanina ni Jafar sa player ang bigaw daw ni Peter na dvd. Magandang palabas daw 'yon.
Pero tang na juice! Ano ba 'tong pinapanood nila? Sa mga sumunod na sandali ay tawang-tawa na silang lahat. Naka-britney costume si Kevin at may dalang brown na manok na panabong habang nagli-lip-sync, sumasayaw at rumarampa sa hallway ng isang eskwelahan yata.
"Oh shit!" Hindi niya pinansin ang malakas na pagmumura ni Kevin mula sa kusina.
Oh baby, baby, I shouldn't have let you go. And now you're out of sight, yeah!
Kaloka! Nakuha talaga nito ang ayos at galaw ni Britney. Puting blouse na pinatungan nito ng gray blazer na nakatupi hanggang siko nito. Nakatali ang dulo ng white blouse kaya kitang-kita ang tiyan at pusod nito.
Show me how want it to be. Tell me baby 'cause I need to know now, oh because!
Ang kinis ng legs ng loko. Ang ikli ba naman kasi ng itim na plated skirts nito. Naka puting medyas pa na may pa ruffles at brown na sapatos. Kaloka 'yong blonde na wig talaga. Naka pigtails braid at may malaking balahibong pink na pantali. Humihiyaw ang brown na eye shadow, mahahabang pilik mata, nude lipstick at on point na kilay.
Walangya Kevin! Ano 'to?
My loneliness is killing me (and I). I must confess I still believe (still believe). When I'm not with you I lose my mind. Give me a sign! Hit me baby one more time!
Galing-galing gumaya ng sayaw ah. Kuhang-kuha talaga moves ni Britney Spears pati facial expression. Medyo payat pa ito sa video at binatilyo pa.
Aliw na aliw siya.
Tang na juice talaga! Di ko 'to kinakaya.
Narinig na nga niya 'yon mula kina Laura at Gumie na may initiation video nga ang mga ito. Napanood niya ang kina Rave at Mykael. Hagalpak talaga rin siya ng tawa. Pero mas grabe 'tong si Kevin. She can see dedication and love for music and art. Hindi niya mapigilan ang tawa. Nayakap na niya ang anak na tuwang-tuwa sa video ng tatay nito.
Natapos ang video nang sumigaw si Mykael ng white lady. Takot na takot na tumakbo si Kevin palapit sa nag-vi-video na sa tingin niya ay si Mykael dahil nakita niya ang mukha ni Rave sa video. Tawa na lamang ng tatlo ang naririnig sa video habang tumatakbo ang tatlo palayo. Rinig na rinig niya ang pagmumura nila Rave, Mykael at Kevin. Isa pang pati manok sumisigaw. Tinakpan niya ang mga tenga ni Baymax.
"Bwesit! Sabi nang huwag tayo sa building na 'to. May white lady!" hiningal na sigaw ni Kevin. "Ayaw n'yo kasing makinig!"
"Ganda-ganda mo kaya!" Tawang-tawa naman si Mykael.
"Pasalamat ka 'di ko dala ang scalpel ko!"
"Will both of you shut up already!" Pikon na si Rave.
"Si Kevin ba 'yon?" manghang tanong ng tatay niya pagkatapos.
Paglingon niya ay wala na si Kevin sa kusina. Depressed na naman ang 'sang 'yon. Balita niya ay si Kevin ang nagsimula nito e. Ito kaya ang nag-send ng video kay Laura. Si Rave naman gumanti kay Mykael. At si Peter ang naglaglag kay Kevin. Mga loko-loko kasi. Lakas ng trip sa buhay.
"Jafar," tawag niya sa kapatid. "Patayin mo na 'yan. Manood kayo ng ibang palabas. Kukunin ko 'yang CD. Walang manonood niyang iba."
"Ate napanood na namin."
"Walang magkakalat kundi lagot kayo sa'kin."
"Talented naman pala ng manugang natin, Elsa." Tuwang-tuwa talaga ang tatay niya sa video. Malamang may dalang manok si Kevin. He must be so proud. "Bigyan mo nga ako ng copy niyan."
"Pa!" saway niya rito.
"Joke lang! Joke lang!"
Tumayo na siya mula sa sofa at umakyat sa itaas dala si Baymax. Sigurado siyang nasa kwarto ito. At 'di nga siya nagkamali. Nasa itaas ito ng kama, tulala, at yakap-yakap ang mga binti. Hindi niya mapigilan ang matawa.
"Hoy, anyare sa'yo diyan?" Isinirado niya ang pinto sa likod at naupo sa tabi nito. "Huwag kasing nag-vi-video kung ayaw n'yong kumalat."
"Okay lang sana kung ikaw lang ang nakakita e kasama mga magulang at kapatid mo." Kunot na kunot ang noo nito. Para itong batang nagtatampo. Tiyak, kapag nagkita sila Peter at Kevin, mag-iigkasan na naman ang mga kamao. "What would they think about me?"
"Hawakan mo nga ang anak mo." Sinunod siya nito at ito na ang kumarga kay Baymax. Hinalikan nito sa pisngi ang anak. "Tuwang-tuwa nga sila sa'yo e. Lalo na si tatay. Ba't kasi may hawak ka pang manok?"
"Alaga ko 'yon," natatawang pag-amin nito.
Talagang nagulat siya at napaawang ang labi. "Bakit meron kang manok?"
"Sa agriculture yata 'yon, wala kasing nag-aalaga sa university namin, ako na lang nag-volunteer. Hindi naman ako sinaway ng school kaya inalagaan ko na lang. But still, nasira pa rin ang inalagaan kong imahe sa pamilya mo. Gagantihan ko talaga ang Peter na 'yon."
"Meron din siyang video?"
"Hindi pwedeng wala, syempre."
"Sus, meron din naman pala e. Huwag ka nang mag-drama diyan. Proud nga ako sa video mo e. Sa inyong tatlo, ikaw ang pinaka-effortless."
Ngumisi ito. "Galing ko ba?"
"Sobra!"
"At least, nabigyan ko ng justice si Britney Spears, 'di ba anak?" Iniharap nito si Baymax dito at pinupog ng halik sa leeg at pisngi. "Cute! Cute talaga ng batang 'to. Gwapo-gwapo, mana sa papa niya."
"Aliw na aliw si Baymax sa video mo."
"Oo, pero huwag mo nang ipapanood sa kanya ulit at baka lumaking may trauma ang anak natin."
Natawa siya. "'Yong video naman nila Rave at Mykael para it's atay kayo at apdo."
"Papa!" Hinawak-hawakan ni Baymax ang mukha ni Kevin. Aliw na aliw itong pisil-pisilin ang mukha ng ama nito. "Papa." Hagikhik pa ng anak nila.
Niyakap sila ni Kevin at parehong hinalikan sa noo. Hindi maalis ang tuwa at kislap sa mga mata nito. Pinanggigilan niya ang matambok na braso ni Baymax ng halik.
"I love you both, so much."
"Gavin Haert loves his papa so much too."
"Paano ang mama?"
"Well, mahal na mahal ko rin kayong dalawa." Hinalikan niya sa pisngi ang dalawa. "Sobra!" May masayang ngiti na inangat niya ang mukha kay Kevin.
"So bakit nga ba Baymax?" mayamaya ay tanong nito.
"Wala lang, naalala ko kasi si Baymax sa'yo, 'di ba sa palabas, ginawa siya para mag-alaga ng ibang tao. Parang ikaw, madami kang napapagaling at naalagaang tao. At dahil kamukha mo si Gavin, tinatawag ko siyang Baymax. Kahit na wala ka noong panahong pinagbubuntis ko siya dahil nagpapagaling ka, siya muna ang nag-aalaga sa akin habang wala ka. Hindi niya masyadong pinahirapan ang mama niya."
Sumilip ang matamis na ngiti sa mukha nito.
"At syempre, dahil pareho silang mataba at cute," dagdag pa niya.
"Gavin Haert, dahil?"
"Dahil siya ang puso mo na binigay mo sa akin."
Naipikit niya ang mga mata nang gawaran siya nito ng halik sa labi. Sandali lamang 'yon pero ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya.
"Ang laki naman ng puso ko."
Pareho silang natawa. Literal na malaki talaga at makulit.
"Oo nga e. Lakas pang dumede."
"You are my thoracic cavity," bulong nito.
"Ano na naman 'yan?"
"The keeper of my heart."
"Ikaw naman ang aking apple of the eye."
"Because I'm your favorite person?"
"Hindi," iling niya sabay takip ng mga tenga ni Baymax. "Tingin pa lang, masarap na."
Napaawang ang labi nito sa pagkagulat. Halatang hindi nito inasahan ang sinabi niya. Natawa lang siya. Akala niya, ha? Pabirong kinindatan niya ito pagkatapos.
"Ulitin mo pa 'yan at may hindi makakatulog mamaya."
"Sige mamaya, uulitin ko."
"Mohana!"
"Open minded ka ba?"
"When I'm afraid, I put my trust in you." – Psalm 56:3
WAKAS
A/N: Every beautiful story will always have a beautiful ending. But I hope Kevin and Mohana's story will linger in your heart for longer years and more. When I finally decided to make their friendship a series, I wanted to do more, na dapat hindi sila plain romance, I wanted to have each of them their own genre. I wanted them to be distinct with each other. Gusto ko iba-iba ang aral na makukuha n'yo sa story nila Rave, Mykael, Kevin and soon kay Peter. And sana na achieved ko nga 'yon if you have read the first series down to the 3rd story. I wanna know!
Well, matagal bago ako nakapag-decide sa story nila Kevin at Mohana. Prior to this series, nakilala na natin sila Peter, Kevin at Mohana sa story nila Gail at Hanzel and to tell you honestly, for the past years, 'di ko maisulat-sulat ang kwento nila. I don't know why, maybe, baka 'di pa time. Haha.
Tapos nang magka-idea na ako. Itong story lang na 'to ang naisip ko. Wala ng iba. Kasi alam ko may aral 'to. Na bagay 'to sa kanila. The series are light stories. Kung napapansin n'yo, but gusto ko may kwento at laman. At least kahit hindi siya talk of the town, proud akong may nabahagi akong inspirational story.
Some of us may not always believe in miracles, but I always do, and I believe you should. Hindi lang si God ang nagbibigay ng miracles, actually we can make our own miracles, we can also be a miracle to other people. A simple act of kindness can make a great impact on someone's life. It may be little, but a small help creates big dreams and opportunities. A little time can extend to a lifetime. A little love can ripple in a thousand lives. A little smile can make someone better. A little hug can make someone feel loved. No little and simple things are ordinary, because every best thing in this world starts with a little beginning.
Lastly, no deep waters can kill you, trust the Lord and He will walk you back to the shore. Again, my dear readers, thank you for taking this journey with me.
Love lots, your weird writer.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro