Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9

MAY PA-JAMMING session silang dalawa ni Mykael sa terasa ng second floor. Bumalik agad sila pagkatapos ng 2 days stint vacation nila Tagbilaran. Malalim na rin ang gabi. Halos tulog na ang lahat at pareho na naman silang hindi makatulog. May iilang can ng soft drinks at junk foods sa maliit na mesa.

Yakap naman ni Mykael ang gitara ng tatay niya.

"Paano ka natutong mag-gitara?"

"Noong high school ako," nakangiting sagot nito. "Guys looks cool in guitar. Hindi rin kasi ako nahilig sa pagba-basketball. I'm not really the sporty type of guy. Malambot ako nang slight."

Natawa siya. "Hindi naman halata masyado."

"Nagpaturo lang ako sa mga kaklase ko." Inilahad nito ang mga kamay. "I got a lot of blisters because of that. You can feel it in my fingers." Hinawakan niya ang mga kamay nito. Totoo nga. Though 'di na 'yon masyadong pansin pero magaspang talaga kamay nito. "Fruit of labor."

"Sus! Kung makaasar ka sa'kin sa magaspang kong kamay, wagas. Ikaw rin naman pala."

"That was a joke," he chuckled. "Dinibdib mo naman masyado."

"Syempre naman!"

"What about you? Bukod sa pagma-maldita at maging tampulan ng chismis. What else does a Maria Gumamela Macaraeg do for a living?"

"Hmm, ano ba? Well, wala naman masyado. I realized, wala pala akong gusto na sa ngayon. Wala rin akong talent na maipagmamalaki sa'yo maliban sa pagiging sakit sa ulo kung pwede nga 'yong talent." Natawa siya. "I just fell in love with the idea of being independent. I thought I could change the world but the world changed me. Isinampal niya sa'kin ang katotohanan na wala talagang patutunguhan ang pag-abot ng mga pangarap ko kung 'di ko naman pala 'yon ginagawa para sa sarili ko."

"Pero ano ba talagang gusto mo, Gumie? Ano 'yong isang bagay na pangarap mo talaga?"

"'Yong totoo?"

"Oo."

Sandali siyang napa-isip. Now that someone asked, tila hindi na siya sigurado sa gusto niya sa buhay. Lahat nang mga sinimulan niya ay hindi na mahalaga sa kanya. Nasayang lamang ang halos kalahati ng buhay niya para lang masabi niya sa sarili at sa ibang tao na magaling siya at may patutunguhan sa buhay.

"'Di ko alam," amin niya, mapait siyang ngumiti. "I don't know anymore what I want in life. I have so many options in my mind if things wouldn't work out pero sa tuwing iniisip ko ang mga 'yon, nadi-depress lang ako. Nadi-drain ang isip ko. Gusto ko lang matapos ang lahat ng 'to. Maybe by then, may maisip akong tama."

Ilang segundo siyang natahimik.

"Alam mo kasi, 'di ako kasing talino ng mga pinsan ko. Lahat sila nasa honor list noong nag-aaral pa lang kami. My parents are both teachers. Tapos 'yong anak nila, bobo. Laging may bagsak. 'Di rin masama-sama sa honor list. Hanggang sa marinig ko na nga sa ibang tao ang pagkukumpara nila sa mga pinsan ko sa akin. At kung bakit daw ang bobo ng anak nila Victoria at Fedil. Baka nga raw ampon lang ako."

"Kaya, nagsumikap ako, kahit 'di ako nasasama sa honor list at pinaghihirapan kong maipasa ang mga naibabagsak kong subject. Minsan nga, umiiyak na ako habang nag-aaral pero kinaya ko 'yon para lang matigil na sila sa pagsasabi sa'kin na bobo at walang kwenta." Sa tuwing naalala niya 'yon, hindi niya maiwasang makadama nang matinding kalungkutan. "Kahit na hindi ko naman naramdaman ang pagkukumpara ng mga magulang ko ay ginusto ko pa rin na may mapatunayan ako sa kanila. Gusto kong makita nila na hindi bobo ang anak nila Victoria at Fedil. Na kaya ko ring mangarap."

"Hanggang sa makapagtapos ako at nakahanap nga ng trabaho sa Maynila. Sobrang saya ko nang ma-promote agad ako bilang Leasing Officer kahit isang taon pa lamang ako sa kompanya. Proud na proud ako nun sa sarili ko." Napangiti siya. "Pinagmalaki ko 'yon sa mga magulang ko. Hindi ko inasahan sa sarili ko na kaya ko pala 'yong mga quota-quota na trabaho. 'Yong kumausap ng mga kliyente mula sa iba't ibang kompanya. Gusto kong sabihin sa kanila na, nagawa ko. Na may talent din ako. Na hindi ko kailangang maging top sa klase para matutoto akong mangarap at makapaghanap ng magandang trabaho."

"Noong makilala ko si Stan, akala ko tuloy-tuloy na 'yong magagandang nangyayari sa buhay ko. Stan is such an ideal man. Though, hindi naman ako choosy at 'di rin ako nangarap nang sobrang gwapo at mayaman na lalaki, but Stan was the definition of my ideal man... well, that time. Naisip ko na, sobrang maiinggit ang mga tao sa akin."

"Pero sabi nga nila, not all good things lasts. Kaya heto ako, sinusubukang pagtakpan ang mga kamalasan ko. Kasi times up na raw ako."

"You did well, Gumie."

Inangat niya ang mukha sa itaas para pigilan ang mga luhang pilit kumakawala sa mga mata niya.

"Kaya ayokong nagku-kwento kasi lumalabas ang pagka-iyakin ko. Hindi pa naman ako umiiyak sa harap ng ibang tao." Bumuga siya ng hangin at pinahid na ang mga mumunting butil ng luhang umalpas sa mga mata niya. Tatawa-tawang hinarap niya muli si Mykael. "Sorry, napa-drama pa tuloy ako."

Ngumiti lang ito sa kanya.

"Well, enough of senti moments." Tinapik nito ang katawan ng gitara. "May request ka ba?"

Bumalik ang sigla sa mukha niya. "Kahit ano?" Tama, saka na niya iisipin ang mga alalahanin niya sa buhay.

"Kahit ano!"

"Ikaw bahala." He made a face. Natawa siya sa reaksyon nito. "Ikaw nag-suggest e. Ikaw na lang mag-isip."

"Hmm, ano ba?" Ilang sandali itong nag-isip.

Sa mga sandaling 'yon, hindi niya napigilan na titigan ang mukha nito. May nakapa siyang munting saya sa puso niya sa simpleng pagtitig lamang nito sa kanya. Talo talaga siya kapag na-in-love siya kay Mykael. Pero na appreciate niya ang effort ni Mykael para mapagaan ang nararamdaman niya.

"Let's try this." Mayamaya pa ay nasa gitara na ang atensyon nito. His fingers started doing magic with its strings. "What is that sad look in your eyes?" Naingat nito ang mukha sa kanya. "Why are you crying? Tell me now, tell me now. Tell me, why you're feelin' this way."

Napangiti siya. Hindi niya inasahan na ganoon kaganda ang boses nito. Kapag kasi kumakanta ito sa karaoke ang sentonado nito. Pinagloloko talaga siya nito minsan. RNB na may pagka ballad ang timbre ng boses nito. Malamig at lalaking-lalaki ang boses.

"I hate to see you so down, oh baby. Is it your heart? Ooh, that's breakin' all in pieces. Makin' you cry. Makin' you feel blue." Naluluhang napangiti siya. "Is there anything that I can do?"

Mykael, thank you.

Why don't you tell me where it hurts now, baby... and I'll do my best to make it better. Yes, I'll do my best to make those tears all go away."

For always making me feel better.


MARAHAS na napabuntonghininga si Gumie. Wala pa ring balita tungkol kay Stanley. At malapit na ang deadline. Naglapat ang mga labi niya. Stick to your original plan Gumamela. Stop changing your mind. The money is already big enough to start anew.

Nahilot niya ang sentido.

"Gumie." Naramdaman niya ang pag-upo ni Mykael sa tabi niya. Naingat niya ang mukha rito. Bumungad sa kanya ang pag-aalala sa mukha nito. "Are you okay?"

Pilit siyang ngumiti. "Okay lang ako, may iniisip lang." Napansin niya naman ang hawak nitong long brown envelope. "Ano 'yan?" Turo niya sa hawak nito.

"It's the land contract, dumating 'to kanina galing kay Pedro." Inabot nito 'yon sa kanya. "Basahin mo muna bago ka mag-decide." Iniyakap nito sa kanya ang isang braso. "Just think about again for the last time."

Hindi niya napigilan na maihilig ang ulo sa balikat nito. "Can I skip this part?"

"I wish we can." Naramdaman niya ang masuyong paghagod nito sa ulo niya. "But the last say will be yours, Gumie."

Muli siyang napabuntonghininga. Naigala niya ang tingin sa buong bahay. "My parents will be so disappointed with me."

"Don't say that." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat para pahitin siya paharap dito. Hinuli nito ang mga mata niya. "Your parents loves you and they will understand. Cheer up, baby." Masuyo siya nitong hinalikan sa noo. "Everything will be fine."

Ano na lang ang gagawin ko kung wala kay Mykael? Nasasanay na akong nandiyan ka palagi sa tabi ko. Paano na lang kung kailangan mo nang umalis at balikan ang buhay mo? Paano na ako?

Sa unang pagkakataon ay nagkalakas-loob siyang yakapin ito. Mabigat na mabigat ang loob niya. Madaming bumabagabag sa isip niya. Dumagdag pa ang lungkot sa katotohanang kailangan niyang ibalik ulit ang dating buhay ni Mykael. Hindi niya pwedeng itali sa buhay niya ang isang Mykael Sy. Hindi siya ang buhay nito.

"Sabihan mo ako kapag mawawala ka na, ha?" malungkot na wika niya. "Sa totoo lang, nasasanay na akong nandiyan ka. Baka 'di na kita kayang paalisin." Malulungkot talaga ako nang sobra.

Wala siyang matatawag na matalik na kaibigan. Si Stan lang ang hinayaan niyang makapasok sa buhay niya pero 'di rin siya naging totoo rito tungkol sa pagkatao niya o kahit tungkol sa nakaraan at mga insecurities niya. Natakot siyang maging dahilan din 'yon para magbago ang isip nito patungkol sa kanya.

Kahit na tanggap ni Myko ang pagkatao niya, hindi rin naman niya ito binigyan ng pagkakataon para kilalanin pa siya nang mas mabuti.

But with Mykael, it always felt like, I can be as honest as I can be, dahil 'di niya ako kailanman huhusgahan gaya ng ibang tao. I don't need to be perfect to be happy and appreciated. I just have to be me.



"I SIGNED it already." Inabot ni Gumie ang brown envelope kay Mykael. Naabutan niya itong nag-aayos ng gamit sa mga maleta nito. Halatang nagulat ito sa pagpasok niya. "Maglalaba ka ba?" tanong niya. Tinanggap nito ang envelope.

Napakamot ito sa noo. "Actually." Tinignan siya nito sa mga mata. "I need to go back, Gumie." Natigilan siya. Hindi niya inasahan ang mga salitang 'yon. "Got a call from my company. May emergency lang and I need to be there."

"Kailan?" malungkot na tanong niya.

"In two days."

Nakagat niya ang ibabang labi. Mahigit isang buwan ring namalagi si Mykael kasama siya. Wala na ring rason para manatili ito dahil may buyer na ang bahay at lupa ng ibinibenta niya. Hindi na rin problema nito kung paano niya itatama ang lahat ng mga kasinungalingan niya.

Naupo siya sa gilid ng kama. Tatlong araw pa lamang ang lumipas simula noong sinabi niyang abisuhan siya nito kapag aalis na ito. Hindi niya inakala na agad-agad. Lalo lamang bumigat ang nararamdaman niya nang mga oras na 'yon.

Tumabi ito ng upo sa kanya. "Gumie, you'll be fine." He reached for her hand and gave it a little squeeze. "Maiintindihan ka rin nila. Do you want me to stay while you tell them the truth?"

Umiling siya. "Huwag na, ayokong ma-e-stress ka pa, mukhang may problema ka pa sa trabaho mo. At saka, malaki na ang naitulong mo sa'kin. Enough na 'yon para sa'kin. Pwede ka nang umalis."

"Parang labas naman yata 'yan sa ilong."

"Hindi kaya." She can't help but pursed her lips, para tuloy siyang nagtatampong bata na in denial.

Natawa ito sa reaksyon niya. "Honestly, I'll gonna miss you."

Naiiyak siya, seryoso. Pinipigilan lang niya. Kaya ayaw niyang ma-attached nang sobra dahil may separation anxiety talaga siya. But for Mykael, higit pa sa separation anxiety ang nararamdaman niya nang mga oras na 'yon. She's heart broken. Sa halos isang buwan, naamin niya rin sa sarili niya na nahuhulog na ang loob niya rito pero bawal. At hindi rin nito maibabalik ang pagmamahal niya rito.

"Hindi ka pa umaalis pero nalulungkot na ako," pag-amin niya. "It wouldn't be the same without you now, Mykael."

Niyakap siya nito. "I want you to be strong Gumie. Ano man ang mangyari. Ano man ang marinig mo sa ibang tao. Masakit man o hindi, lagi mong tatandaan na, buhay mo 'to. Ikaw lang ang makakapagsabi kung ano at sino ka. Don't let their words get into you. Always do things that makes you happy."

Kumalas ito ng yakap sa kanya. He cupped her face. "You'll get over this. Kapag nagkita ulit tayo, mas matapang at mas matatag kapa sa'kin." Sumilay ang ngiti sa mukha nito.

Pero kabaliktaran naman 'yon sa kanya. Naiyak siya. Iyakin na kung iyakan. Pero nalulungkot talaga siya nang sobra. Hindi siya ganito sa ibang tao pero iba talaga ang epekto sa kanya ni Mykael.

"Don't cry," alo nito, masuyo nitong pinahid ang mga luha niya sa mukha. "You will be fine without me. Trust me." Pilit siyang tumango. "That's my girl." Hinagod ng isang kamay nito ang ulo niya. "Now, stop, crying. Baka isipin pa nila inaaway kita."

"Ang galing kasi ng timing mo e."

Natawa ito. "Sorry,"

Kaya mo 'to, Gumamela. You'll be fine. You tell them the truth and move on with your feelings for Mykael. Naiisip pa lang niya, gusto na lang niyang pumalahaw ng iyak.


ALAM na nang lahat ang pag-alis ni Mykael ng Anda. Expected na niya 'yon dahil basta patungkol sa kanya, mabilis lumipad ang balita.

"Ate, 'di mo ba, pipigilan si Kuya Mykael?" pangungulit pa ni Keanu sa kanya habang naglilinis sila ng storage room sa ibaba. "Hahayaan mo lang ba siyang umalis?"

"Keanu, hindi ko pagmamay-ari si Mykael. Malaki na ang utang na loob ko sa kanya. Sa gulo na ginawa ko, dapat nga, 'di na siya nadamay pa. Kung 'di rin sa kanya, 'di ko 'to, mabibenta ang bahay."

Inililigpit na nila ang ibang mga gamit ng mga magulang niya. Itatapon na rin nila ang mga gamit na 'di na mapapakinabangan. Saka, ayaw niya rin munang makita si Mykael. Nasasaktan talaga siya kapag nakikita niya ito.

"Kailan mo sasabihin kina nanay?"

"Pag-alis ni Mykael. Ayoko siyang madamay sa gulo kung sakali man. Alam kong sasama ang loob ni tiyang kaya inihahanda ko na rin ang sarili ko roon."

"Kilala ko si Nanay, tiyak ako, magagalit siya."

Napabuntong-hining siya. "Aalis ako ng Anda pagkatapos. Marahil 'di na rin ako babalik kung sakali man."

"Ate Gumie." Lumapit sa kanya si Keanu at humawak sa isang balikat niya. "Hindi mo naman kailangang umalis. Tutulungan kitang ipaintindi 'yon kay Nanay. Mahal ka nun."

Mapait na ngumiti siya. "Nangako ako kina Mama at Papa na hindi ko kailanman ibebenta ang bahay at lupa pero hindi ko natupad. Alam ni tiyang kung gaano ka importante sa mga magulang ko ang bahay na 'to. Kaya maiintindihan ko kung hindi ako mapapatawad ni tiyang kapag sinabi ko na sa kanya ang totoo."

"Paano ka?"

"Dating gawi, mag-isa, maghahanap ng bagong trabaho, at magsisimula ulit."

"Ate naman e."

"Huwag mo akong masyadong isipin, ano ka ba? Parang ngayon ka lang." She give her cousin a smile dahil mukhang iiyak na ito. "Ako kaya si Maria Gumamela Macaraeg. I will be fine." Hopefully.


"AALIS ka na bukas." Inilapag ni Gumie ang isang case ng beer sa harap nito. "Pang-despideda ko na sa'yo."

Natawa ito, halos hindi makapaniwala, napailing-iling pa ito. "Wow! I didn't expect this from you. Halos deadmahin mo na ako buong araw."

Sunod na nilapag niya ang ilang supot ng junk foods. Nasa terasa sila ng bahay. Tulog na rin ang mga tao. Meaning, silang dalawa na naman ang gising. Isa rin 'to sa mi-miss niya kay Mykael. Ang pagtambay nila sa terrace sa gabi at pagku-kwentuhan.

"Busy lang ako, pinag-iisipan ko pa ang buhay ko sa mga susunod na araw." Binuksan niya ang unang bote at sinalinan ang basong hawak. "Ikaw na mauna." Inabot niya ang baso rito.

"Alam mo, ikaw pa lang ang unang babaeng, nag-alok at nanlibre sa'kin ng maiinom. I always call the shots." Inisang lagok nito ang laman ng baso. "Woah! Lakas ng sipa nito."

"Let's have fun and forget everything tonight," aniya rito, sabay angat ng baso niya. "Walang matutulog nang hindi nalalasing." Inisang lagok niya ang laman ng baso. Umasim ang mukha niya nang malasahan ang matapang na lasa ng beer. "Woah! Laban Gumamela!"

"Laban!"

Sa mga sumunod na sandali ay napuno na ng tawa at kulitan nilang dalawa ang bahay. Lasing na rin siya. Ramdam na niya 'yon sa sistema niya. Hindi siya madalas umiinom pero alam niyang mabilis siyang malasing. Halos ubos na nila ang isang case ng beer. Nasusuka na rin siya at nag-iinit na ang mga pisngi. Ramdam na ramdam na niya ang pamimigat ng mga talukap ng mga mata niya.

Tawa pa rin siya nang tawa sa mga biro ni Mykael na halata ring lasing na. Kahit palagi nitong sinasabi na hindi pa. Na hindi siya malalasing ng ilang bote ng beer. In denial talaga 'tong si Mykael pagdating sa inuman.

"Kung naging straight guy ka Mykael, crush kita, pwede rin kitang mahalin," lasing na pag-amin niya. Tang'na juice ka Gumie. Umamin ka talaga dzae?

"Bakit? Kung ganito ba ako, hindi mo ako pwedeng mahalin?"

"Gusto nga kita kahit pareho tayo ng type of species. Paano na lang kaya kung pwede talaga, 'di ba?" sinabayan na niya ng tawa ang sagot niya. Pagsisihan ko talaga 'to bukas kaya sana 'di ko na 'to maalala.

"I like you too Gumie." Natigilan siya sa sinabi nito at napatitig sa mga mata nito. "But I'm not the man you deserved."

Napasimangot siya. "Oo na, gets ko na." Ikinumpas niya ang mga kamay sa ere. "We are never meant to be. Kaya, mabuti na lang, bakla ka, at least 'di naman masyadong masakit dito." Itinuro niya ang puso. "Kaya... okay lang ako... okay lang talaga ako." Nagsalin ulit siya sa baso. "Ubusin na natin 'to at nang magkaalaman na sino na talaga ang one man standing sa ating dalawa." Inabot niya rito ang baso. "Tagay!"

"Tagay!"


SABAY na naramdaman nila Gumie at Mykael ang paglubog nila sa kama. Halos masagi na nila ang mga gamit sa sala bago nagawang maihatad siya ni Mykael sa silid niya. Natawa pa siya nang ipagpilitan nitong ihatid siya e halos magkalapit lang naman ang mga silid nilang dalawa.

Tatawa-tawa pa ring naibaling nila sa isa't isa ang mga mukha. Mami-miss niya talaga ito nang sobra. Hindi niya alam kung kailan ulit sila magkikita ni Mykael. No one knows. At sana, sa pagkikita nilang muli, naka move on na siya sa feelings niya rito.

"Aalis ka na talaga bukas," basag niya.

"Unfortunately, yes."

Naibaling niya ang mukha sa itaas ng kisame. Ilang segundo silang natahimik. Rinig na rinig niya ang tibok ng puso niya pati na rin ang paghinga nilang dalawa.

"Ang bilis ng panahon... parang kailan lang nang akalain mong magpapakamatay ako." Napangiti siya sa alaalang 'yon. "Sinong mag-aakala na madadawit ka sa kalokohan ko sa buhay."

"I wish I could stay a little longer."

I wish it too. "But your life is not here." And it isn't with me. "Kailangan rin nating balikan ang totoong buhay natin."

Saktong pagbaling niya ng tingin rito ay nakatingin rin ito sa kanya. Hindi niya sigurado kung anong klaseng emosyon ang nakita niya sa mga mata nito. But she saw sadness and troubled emotions in his eyes but at the same time, affection. Kung 'di nga siya pinaglalaruan ng mga mata niya nang mga oras na 'yon.

"I will miss you," halos pabulong na niyang sabi.

He moved closer 'till they were only an inch apart. Halos magdikit na ang mga ilong nila sa isa't isa. Ramdam niya ang palakas na palakas na tibok ng puso niya. Tila nahihinoptismo siya sa malumanay nitong mga titig. Hanggang sa kusa na lamang niyang naipikit ang mga mata.

Bigla ay naramdaman niya ang mainit at malambot nitong mga labi sa labi niya. His kisses started slow and sweet at first hanggang sa maramdaman na niya ang pagnanais nitong tugunin niya ang mga halik nito. She kisses him back. Naramdaman na lamang niya ang paglipat ng bigat nito sa itaas niya. A moaned escape from her mouth when Mykael deepened the kiss.

He laced his fingers to hers as they continued kissing each other with the same passion and want. Tila baga ang mga halik nito na unti-unting nagpapaapoy sa buo niyang katawan. Ngayon lamang niya naramdaman ang pakiramdam na 'yon. Naliliyo siya sa sensasyong ibinibigay ng init ng katawan nito.

Bumaba ang mga halik nito sa kanyang panga habang ang isang kamay naman nito ay malayang naglandas sa ibang parte ng katawan niya. Bumalik ang mga labi nito sa mga labi niya at muli siyang siniil nang mapusok pero may pag-iingat na halik. God, she's losing her mind.

"Mykael," anas niya.

"I want you..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro