Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

IMPIT na napasigaw si Gumie nang madatnan niyang naka boxer shorts lang si Mykael sa sala. Nahulog na ang kumot nito sa sahig kaya hantad na hantad sa kanya ang magadang katawan nito. Nagising ito sa sigaw niya at napabalikwas ng bangon. Disoriented na naigala nito ang naniningkit nitong mga mata.

"Magbihis ka!" sita niya rito sabay bato ng palakang coin purse niya rito. Tumama 'yon sa noo nito. Napaamang ito at napasinghap.

"What?" inaantok at medyo paos pa nitong tanong. "Inaano ba kita?" dagdag pa nito sa malambot at maarteng boses. "Ang aga-aga mong mambulahaw. Ano bang pinaglalaban mo, girl?"

"Magbihis ka!" mahinang sigaw na utos niya.

Hininaan na niya ang boses at baka may makarinig pa sa kanila. Mabuti na lamang at wala pang umaakyat sa itaas ng bahay. Mukhang umalis din si Keanu dahil bukas na ang pinto sa kwarto nito.

"Sinong may sabing pwede kang maghubad? At naka boxer shorts ka pa talaga. Dios ko, paano na lang kung makita ka ng mga kapitbahay?" Isa-isa niyang pinulot ang mga damit ni Mykael at ibinato 'yon dito na nakatakip ang isang kamay sa mata. Pero nga naman, Gumie. Paano nga ba masisilip ng mga kapitbahay n'yo si Mykael e nasa itaas kayo? Ah ewan! Basta ayaw niya nang may hubaran. "Ano na lang iisipin nila sa akin. Alam kong bakla ka pero, please moderate your actions, sinisira mo ang image ko."

Nakaangat lang ang mukha nito sa kanya. Parang naaliw pa ito sa nakikita nitong pagpa-panic sa mukha niya. Napansin niya kanina na natatawa ito kapag ibinabato niya rito ang mga gamit nito. Pero agad na naglalapat ang mga labi nito kapag napapatingin siya rito. He was not really showing his amusement pero klarong-klaro 'yon sa mga mata nito. Anong trip ng 'sang 'to?

"And so? Fiance mo naman ako. Anong masama kung rumampa akong hubo't hubad sa bahay ng pakakasalan ko?!"

Walang masama! Na shock lang ako.



MYKAEL leaned his arms on the wood frame of the window. Iginala niya ang mga mata sa mala paraisong tanawing nasa harap niya. This place is really perfect! Bahagya siyang natawa nang mapansin ang mga kapitbahay ni Gumie sa labas ng gate.

Ngumiti siya sa mga ito at kumaway. Nasa second floor siya kaya tanaw na tanaw niya ang pag-uusyuso ng mga kapitbahay. Malamang halos buong araw na silang nasa loob lang ng bahay.

"Gumie," basag niya. "Ang dami mong fans sa labas. Ayaw mo bang magpa-meet-and-greet muna."

"Hayaan mo nga sila. Busy ako."

Oo, busy ang lola n'yo. Nakasalampak ito ng upo sa sahig habang tutok na tutok sa laptop nito na nakapatong sa isang wooden coffee table. Hindi naman siya nagtataray. Her voice was in fact calm.

"Ano ba 'yang ginagawa mo?"

Umalis siya sa puwesto niya at naupo sa sofa sa likod nito. Sinilip niya ang ginagawa ni Gumie sa laptop nito. She was in the middle of chatting someone, a real estate broker to be exact, base na rin sa logo frame ng primary photo ng babae. Yeah, he can still read even the smallest letters. He can also distinguish it just by looking at the logo design.

"I'm putting my house on sale."

"Are you really sure about that? Kung ako sa'yo, I'll keep this. May mga other options pa naman siguro tayo para mabayaran mo 'yong utang na 'di mo utang."

Marahas na bumuntong-hininga si Gumie. "Kung sana may ganoon akong kalaking pera, Mykael. Kaso wala e. Ayokong makulong." Ibinaling nito ang mukha sa kanya. Something has changed in her usual annoyed expression. She looks hopeless and tired contrast to her strong personality. "Wala rin namang assurance na mahuhuli nila ang lalaking 'yon. I was only given five months to pay half of the loan. What are the chances na nasa Pilipinas pa ang gagong 'yon? Ako pa rin ang maiipit dahil may pirma ako roon."

Sad thing about reality. "I'll help you."

Kumunot ang noo nito. "Tutulungan mo ako?"

"May kilala akong magaling na real estate broker sa Maynila. I'll send him all the details, including some photos para may maipakita siya sa mga interested buyers."

"Mahal kaya 'tong maibebenta? Masyado bang mahal ang ten million?"

"Of course, honey. You don't underestimate your property. Hindi lang ten million ang katumbas ng lupang ibebenta mo. This place is paradise, kayang-kaya niyang ibenta 'to in less than five months and triple than your rate in mind."

Gumie's mouth twitched, giving him a very skeptical look. Natawa siya sa isip. Why am I so amused with this crazy girl?

"Reliable ba 'yan?"

"Of course, I have all the connections that you don't have. Ako na ang bahala, you just have to relax."

"Paano ako magtitiwala kung mismong ex ko niloko ako. Ikaw pa kaya na estranghero pa lang sa buhay ko."

"Just trust me on this. I may be a stranger but I'm not a jerk as your ex or kung ilan pa 'yang mga walangya mong ex."

She squinted her eyes at him. "Kapag talaga niloko mo ako. Hindi ako magdadalawang-isip na lunurin ka sa dagat."

"Sure, but I can swim. I hope it doesn't bother you."

"I'll trust you on this, kaya umayos ka."

Natawa lang siya. "Count me on this."



"ATE, sure ka bang beke 'yang si Kuya Mykael?" nang-iintrigang tanong ni Keanu kay Gumie habang pinapalitan nila ng kubre kama ang dati niyang silid na siyang ookupahin ni Mykael simula ngayon.

"Hindi lang kasi halata kasi 'di pa umaamin," sagot niya. Hininaan niya lang ang boses at baka marinig pa sila ni Mykael na nasa labas lang. Bahagyang nakaawang ang pinto kaya malaki ang posibilidad na marinig nito ang kung ano mang panlilibak nila. "Huwang mo na masyadong usisain at baka ma offend natin. Saka mukhang mabait naman."

"Saka gwapo," nangingislap ang mga matang dagdag pa nito.

"Ay sus, crush mo lang e."

"Pero mas bet ko siya for you."

"Hindi kami talo."

"Malay mo naman, 'di ba? Magbago bigla ang ihip ng hangin at may rason talaga kung bakit kayo pinagtagpo ng tadhana."

"Sakababasa mo 'yan ng pocketbook at panonood mo ng teleserye. Tigilan mo ako Keanu. Madami pa akong problema. Love is no longer on top of my priorities for now. Nadala na ako sa gagong Stan na 'yon."

"Nakakalungkot talaga ate, 'no? Tapos ngayon, mapipilitan kang ibenta ang bahay at lupa na ipinama sa'yo nila tiyang at tiyong sa'yo."

"At alam ko na sasama rin ang loob ni tiyang sa akin. At lalo lamang magiging masama ang tingin ng mga taga sitio sa akin." Napabuntonghininga siya at napaupo sa itaas ng kama. Tumabi si Keanu sa kanya. "Sa totoo lang, hindi ko talaga gustong ibenta 'to." Malungkot na naigala niya ang mga mata sa buong paligid. "Pinaghirapan 'to ng mga magulang ko. Saksi ang bahay na 'to sa pagmamahalan nila mama at papa. Ang bahay at lupa na 'to ang tanging yaman na ipinama nila sa'kin."

Naramdaman niya ang pag-iinit ng gilid ng mga mata niya. Nanikip ang dibdib niya sa pagpipigil na tuluyang maiyak. Sa totoo lang, ngayon lang nag-sink in sa kanya ang lahat. Marahil ay 'yon na nga ang karma niya sa pagsuway palagi sa mga magulang niya. Masyado siyang naging self-centred at goal digger to the point na nakakaligtaan na niya ang mga taong naghihintay sa kanyang umuwi at sabik na makasama siya.

She thought that everything was doing well in her life and that she was doing a great job in running her life. But I was wrong. In one snap, I lost everything. Sadly, my parents are no longer waiting for me to come home.



"MUKHANG pabalik na ng Maynila 'yang isip mo ah."

Gumie was snapped out from her own reverie when she heard Mykael's voice. Tinabahan siya nito ng upo sa pang-tatlohang wooden chair na may desinyong gulong ng kalesa bilang leg support ng upuan. May dalawa pang ganoon din ang design sa magkabila ng kinauupuan niya na pang-isahan lamang at isang simpleng wodden chair lang na walang sandalan. Sa gitna ay ang isa ring wodden table na may dalawang kahoy ring gulong bilang leg support ng katawan ng mesa.

May iilang lamp post na natatanaw mula sa second floor terrace na ginawang trail pababa sa beach. May mangingisda namang namamalaot at tila mga mumunting ilaw sa dagat ang mga lamparang dala ng mga ito. Ramdam niya ang mga malamig na ihip ng hangin. Pinagsawa niya ang sarili sa mabining amoy ng dagat at sumasama sa hangin ng gabi.

She felt home. Tila ba, ngayon lang kumalma ang puso at pakiramdam niya. The past few weeks were hell for her and she had never felt so happy just by sitting like this while looking at those boat lights.

"Paano mo naman na sabi?" balik tanong niya kay Mykael nang hindi ito binabalingan ng tingin.

"Ang layo kasi ng tingin mo. Ano bang iniisip mo? Ang mga utang mo? Ang malas mong love life? Kung ako sa'yo, huwag mo masyadong isipin ang mga bagay na 'yon. Magpahinga ka at i-enjoy mo ang bakasyon mo."

"Hindi ko iniisip ang mga 'yon. Ang weird nga e." She glanced at him. "Nakakalimutan ko ang problema ko. Ayoko kasing isipin muna."

"Don't worry, akong bahala sa bahay at lupa mo. I'll make sure, we'll get you a buyer na aalagaan ang bahay at lupa na 'to."

Napangiti siya. "Salamat,"

"Pero kung magbago man ang isip mo. Sabihan mo lang ako. Hindi pa naman huli ang lahat. You know, we can still do something to save your precious home."

"Noted."

Mykael gives him a smile. Dahil sa ngiti nito ay mas lalo lamang sumingkit ang mga mata nito. Fine, he's really cute when he smiles. Mukhang 'yon talaga ang asset nito. He's really adorable in a lot of ways, actually.

Nata-touched siya mga gestures at mga salita ni Mykael. Kahit na halos na lang ng mga kilos nito ay pinagduduhan niya. Siya na nga ang humihingi ng tulong rito pero tinatarayan pa niya. Thank God, for his patience. Kailangan niya talagang maging mabait at bumawi rito.

"So tell me about yourself?" basag niya. "Bakit ka nga pala napadpad sa Bohol?"

Bahagya itong tumagilid ng upo paharap sa kanya. "Cliché, but I'm actually soul searching." Natawa ito sa naging sagot.

"Nahanap mo naman ba ang sarili mo?"

"Still in the middle of it, I guess?" He shrugged his shoulders. "There is nothing interesting about me, Gumie. Well, personality-wise, I'm really a charmer." Hindi niya mapigilan na pagtaasan ito ng isang kilay. Iba rin 'to e. "Halata ba?"

"Para sa isang katulad mo, masyado kang flirt, alam mo ba?"

"Well, we come in different forms," he chuckled. "I'm a bit different though, hope I'm not making you uncomfortable. Ako mag-a-adjust para sa'yo 'te."

Natawa siya. "Huwag na." Umiling siya. "Just be yourself Mykael. Sa dami na ng mga naitulong at nagawa mo sa akin, mag-di-demand pa ba ako? Ang kapal ko naman yata na masyado."

"Okay, then, friends?" Inilahad nito ang isang kamay sa kanya.

Na tinanggap niya rin na may ngiti. "Friends."

"Let's enjoy being with each other, Gumie. Hindi naman ako nangangagat not unless you let me eat you –"

"Bakit iba ang meaning nun sa'kin?"

"Masyado kang mahalay mag-isip, dae. Bawasan ang makamundong pag-iisip at masama 'yan sa katawan."

Napamaang siya. "Wow naman!"

"Ipapakita ko sa'yo ang picture ng kaibigan kong real estate broker." This time, halos magkadikit na ang mga balat at balikat nila. Pareho silang nasa cell phone nito ang mga mata. "Si Pedro 'yan. 'Yan ang broker kung kaibigan. Gwapo ba?"

Tumango siya. "Gwapo nga, jowa mo?"

"Muntik lang," may tawang sagot nito. "Pero huwag mo na akong usisain masyado."

"Arte nito!" Natatawang kinurot niya ang braso nito.

Tinaasan siya nito ng isang kilay. "Ay nanakit?" Malakas na tumawa siya. "Umayos ka Gumamela, bibigwasan ko 'yang mga dead skins mo." Baliw!



NAKADUNGAW na naman si Mykael sa bintana. Lumapit si Gumie para silipin ang tinitignan nito. Kumunot lang ang noo niya nang makita ang mga kapitbahay niyang nakatingla na naman sa bahay nila.

"Feeling ko tuloy bahay 'to ni kuya ang bahay mo," basag ni Mykael. "Araw-araw na lang silang naghihintay ng update sa buhay mo."

"Ewan ko ba sa kanila. Baka ayaw maniwala na magiging asawa na kita."

Malaki ang ngiti sa mukha ni Mykael. Nawawala na naman ang mga mata nito. Ewan ba, pero naku-cute-an talaga siya sa ngiti nito. Gumie, please, huwag nang marupok.

"Ang lamig-lamig mo naman kasi sa'kin. Kaya ayaw ka nilang tigilan kasi lagi lang tayong nasa bahay. Kung ilabas mo kaya ako minsan at mamalengke tayo. Ano pang silbi sa pagpilit mo sa'kin na maging fiancé mo?"

"Anong nasa isip mo –" Natigilan siya nang akbayan siya nito bigla. Pilit nitong hinuli ang mga tingin niya. "A-Ano?"

"Hindi naman nila tayo naririnig." Akmang titingin siya sa baba nang mapigilan siya nito. "Don't look, hayaan mong isipin nilang may kung anong sweet tayong pinag-uusapan." He was still smiling. Putik 'yang ngiti na 'yan!

"Ano namang pag-uusapan natin, aber?"

Hinaplos nito ang mukha niya. "Anong sabon ba gamit mo sa mukha mo?" Napakurap-kurap siya sa biglang tanong nito. "Masyadong dry ang kutis mo. Alam mo dapat paminsan-minsan mag-face mask ka."

"Wow, naman!" nakamaang niyang sagot.

Natawa ito. "Nakakaganda sa kutis ang face mask. Stress na stress na 'yang balat mo. 'Yong Mama ko, sengkwenta na 'yon pero kutis artista pa rin. Ikaw ilang taon ka na ba?"

"Twenty four –"

"Twenty four ka na? I thought you're forty-two."

Akmang itutulak niya ito nang mabilis na yakapin siya nito. "Bitiwan mo ako, bibigwasan talaga kita." Nakangiti pa ring babala niya rito at baka ano pa isipin ng mga kapitbahay niya. "Kung makalait ka sa'kin, wagas!"

Hinagod nito ang buhok niya at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa kanya. "Gumie, nakatingin si Myco sa atin."

"Si Myco?" Mabilis na kumalas siya sa yakap ni Mykael. Nakita niya naman agad si Myco sa labas ng bahay. Nakatingin nga ito.

"Ex mo rin ba siya?"

Naibaling niya ang tingin kay Mykael. "Oo, pero ako naman ang nakipaghiwalay."

"Ilan ba talaga kami sa buhay mo Gumamela?"

Nawala ang ngiti nito sa mukha. Natawa siya, para 'tong bata.

"Bakit ang seryoso mo naman bigla?"

"Sagutin mo ako."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro