Kabanata 3
IKUNUWENTO ni Gumie kay Mykael ang lahat. Ang lakas lang talaga ng loob niyang idamay ito sa mga kamalasan niya nang 'di man lang hinihingi ang buo nitong pangalan. Ni hindi nga niya alam kung anong klaseng tao ito o dapat ba niyang pagkatiwalaan si Mykael. Sunggab kung sunggab lang siya. Kaya siya napapahamak dahil sa mga paura-urada niyang desisyon sa buhay.
Pero wala na siyang choice. She badly need Mykael to save her from shame. Saka na niya iisipin ang ibabayad niya rito. Ang mahalaga sa mga oras na 'yon ay kung paano niya mapapa-oo si Mykael.
Kanina pa niya hinihintay ang sagot nito. Magda-dalawang minuto na nga yata. Parang pinag-iisipan talaga nito nang mabuti ang lahat.
"Pwede mo naman sigurong sabihin na lang sa kanila ang totoo."
"No, hindi pwede!" Sunod-sunod na iling niya. "Sa ngayon, hindi pa talaga. Pero sasabihin ko naman talaga e. Pero 'di na muna ngayon."
"Do you trust me that much?"
"Hindi," pranka niyang sagot na nagpataas ng isang kilay nito. "Pero, mukha ka namang mabait."
"You can't judge people based on their appearances. Ikakapahamak mo 'yon."
"Alam ko, kaya lang kasi, nasabi ko na e. Hindi ko na pwedeng bawiin 'yon dahil magmumukha akong tanga." Na-e-stress na naman siya. Alam niya naman kasi na mali. Sino ba namang papayag na magpanggap na fiancé niya? Ni hindi nga sila magkakilala.
"Mabait akong tao, would you believe me if I say that to you?"
"Hindi."
"You only know me by my name, Gumie. I'm teaching you not to trust people that easily."
"Sorry, kailangan ko lang talaga ng tulong mo."
"Okay, payag na ako."
Hindi niya napigilan ang mapatili. "Talaga?"
"But we'll have an agreement."
Sunod-sunod na tumango siya. "Sure!"
"The agreement will assure us both na hindi tayo masamang tao at pwede nating pagkatiwalaan ang sarili. Now, how does it sound to you?"
"Perfect!"
ANDA is located at the eastern part of Bohol. It's a 3 hours ride from Tagbilaran. Ibinaling ni Gumie ang mukha kay Mykael. Inilabas niya ang cell phone at binuksan ang note app niya. Sakay na sila ng bus papuntang Anda. May tatlong oras pa sila para makakilala ang isa't isa at ma-briefing si Mykael sa malagim niyang love story.
"Let's draft our agreement," basag niya.
"Free stay, food, and travel." She typed everything he mentioned. "You don't need to pay me. Just give me those things I've mentioned to you, then we're good."
"May pera ako." Inangat niya ang mukha rito.
"I doubt that." Taray naman ng 'sang 'to. "Just save it for yourself. Mas kailangan mo 'yan." He crossed his arms over his chest and leaned on his seat. "Bakasyon ang ipinunta ko rito, so dapat isingit mo riyan ang i-tour ako sa Bohol. Ilagay mo riyan, finding tarsier."
"Ang tarsier lang ba ipinunta mo rito?"
Ngumiti ito. "Soul searching and finding tarsier."
Baliw din 'to e. "Anyway, ako na ang bahala sa transfer at entrances sa mga pupuntahan natin. Hindi naman 'yon kamahalan. Saka nakakahiya naman sa'yo. Libre na nga ang pag-tulong mo sa'kin."
"Amenable ako riyan."
"I-schedule na lang natin 'yong tour. Basta, kapag tinanong ka nila kung ilang taon na tayo, sabihin mo 2 years. Nag-propose ka sa'kin last month. Date ng kasal, wala pa, pero baka next year."
"Sino 'yong magkasintahan kanina?" naiintrigang baling na tanong nito sa kanya.
"Isa-isa muna, ikaw naman, atat ka namang malaman ang buong talambuhay ko."
"Ang affected mo kasi masyado roon."
"May history kami, pero long story. Saka ko na iku-kwento sa'yo kapag nagka-oras ako. Ngayon, mag-focus muna tayo sa love story natin. Mabalik tayo, nagkakilala tayo sa office, naging client ko ang kompanya mo. Tapos 'yon na, nanligaw ka na sa'kin." Ang sakit pa lang balikan ang nakaraan. Pwede ko bang i-end na lang 'to? "Tatlong buwan mo akong niligiwan bago ako nag-oo sa'yo."
"Pero tinapos niya lang ng ilang segundo ang dalawang taong binuo ninyo."
"Inaano ba kita, ha?"
Tinawanan lang siya nito. Ka bwesit, ha?
"Don't waste your tears for that kind of guy, Gumie. He's not worth it."
"Iisipin ko na lang na ikaw ang totoong boyfriend ko para 'di ako ma bitter sa buhay. Gwapo mo kasi. Pero 'di nga? Bakla ka ba talaga?" Inihit ito bigla ng ubo. Nabulunan yata sa sariling laway. Medyo prangka din talaga siya. 'Di niya ma-control minsan. "Feeling ko kasi, oo. Alam kong medyo rude na talaga ako, pero 'yong totoo?"
"Pansin ba masyado?" mahinang tanong nito.
"Hindi naman masyado." Inilapit niya ang mukha kay Mykael. "Pero, in all fairness, ang kinis ng mukha mo. Ano bang gamit mo?"
"Wala naman,"
"Echosera, ano 'yan inborn beauty?"
"Genes?"
"Hiyang-hiya naman ako."
Natawa lang ito sa naging reaksyon niya. "Maganda ka naman ah. Mukha ka ngang beauty queen."
"Ay talaga?" Namilog ang mga mata niya sa compliment nito.
Napahawak tuloy siya sa mga pisngi niya na malamig na sa mga oras na 'yon dahil sa malakas na buga ng aircon.
Tumango ito. "Kaya huwag kang maniwala sa mga sinasabi ko. Madalas akong magsinungaling."
She can't help but roll her eyes at him. "Panira ka rin ng pangarap e."
"So tell me about your ex fiancé, Gumie. Aside sa walangya 'yon, ano pang dapat kung malaman tungkol sa kanya?"
"Well, everything about him is a big lie."
"Ouch."
"As much as possible ayoko na siyang alalahanin pa. Nabu-bwesit lang ako." Umayos siya ng upo at inihilig ang likod sa back rest ng upuan. "Iniisip mo siguro na ang pathetic ko? I'm trying hard to cover all my misfortunes from other people. Na pwede naman akong magpakatotoo, 'di ba? Pero heto ako, risking everything I have, just so people will never know how hard my life is at the moment."
"Hindi ako judgmental na tao, Gumie. Mukha lang, but I have great respect with other people's decisions. Alam mo kung bakit?"
Naibaling niya ang tingin dito. "Bakit?"
"Because every decision in life lies an untold story. No one is perfect, Gumie. We all lie because of a reason."
Sobra siyang natigilan sa sinabing 'yon ni Mykael. Damang-dama niya ang kalungkutan sa mga salitang binitiwan nito. Hindi naman siya manhid. Alam niyang may pinagdadaanan din si Mykael.
Nakonsensiya naman siya bigla. Baka kasi, hindi pa ito open sa gender preference nito. Baka na offend niya ito kanina. May mga tao naman kasing sensitive sa paksang 'yon.
"Sorry."
"Sorry for what?"
"Sa tinanong ko kanina. Baka kasi na offend ka nang itanong ko sa'yo kung bakla ka? Sorry talaga, na curious lang talaga ako." Inabot niya ang isang kamay nito at masuyo 'yong pinisil. Napatitig ito sa kanya. "Alam mo, kahit ano pa 'yang pinagdadaanan mo, pwede mo ring sabihin sa'kin. Promise, 'di ako judgmental na tao."
Binigyan nito nang matamis na ngiti. Napakurap-kurap lang si Mykael. Tila ba naguguluhan ito sa mga pinagsasabi niya.
"Maganda ang Anda. Mag-e-enjoy ka rin doon. Walang tarsier pero maganda 'yong beach sa ibaba ng bahay namin. Malalaki ang mga mata ng isda sa ilalim ng dagat."
Sa wakas ay sumilay ang napakagandang ngiti nito sa mukha. Na appreciate na niya ang gandang lalaki nito kanina pero ngayon niya lang talaga sobrang natitigan ang mukha nito. He's an effortless charmer! Kahit sinong babae ay magkakagusto agad dito. Pag-uusapan talaga ito sa sitio nila. Sure na sure siya roon.
Ang natural na singkit na mga mata nito ay lalo pang naningkit. His tousled brown hair made him look hot and manly. Artista talaga ang tingin niya sa lalaki. Kaya alam niyang kahit ipagkalat niya pang bakla ito, ay si Keanu lang ang maniniwala at iisipin nang madla na nasisiraan na siya ng bait.
Kung lalaki lang ito ay magkaka-crush na agad siya rito. Marupok din kasi talaga siya minsan. Buti na lang at pareho rin sila ng goal. Ang magmaganda sa harap ng mga lalaki.
"Thanks, Gumie, I appreciate that."
At kapag nagsasalita ito ng English, may American Accent talaga. Tang na juice, Gumie, sinwerte ka sa isdang chinito na 'to.
"Welcome, basta, tandaan mo 'yong kwento ko sa'yo –"
"Ang gaspang pala ng kamay mo." Napamaang siya nang sipatin nito ang nakahawak niyang kamay rito. "Pwede na 'tong pangliha ah –"
Marahas na binawi niya ang kamay mula rito. "Wow naman! At talagang napansin mo pa talaga 'yon?" Basag trip! Basag pangarap! Basag moments din talaga ang 'sang 'to e. "Proud ako sa magaspang kong kamay. Proof of hard work 'yan."
Natawa lang ito sa kanya.
"Mabalik na nga tayo, huwag mong kalimutan, ikaw si Stanley Tan. Sales Manager ka ng isang car company sa Maynila at mahal na mahal mo ako. Pero, chos lang 'yon, kasi 'di naman ako minahal ng bwesit na 'yon dahil iniwan pa rin ako. Kung gaano siya ka walangkwenta huwag mo na lang tularan. Maging ideal kang fiancé sa harap ng pamilya at mga kapitbahay namin."
He nodded. "May picture ka ba ng ex mo?"
Inabot niya ang cell phone rito. "Nasa gallery ko."
"B'at 'di ka pa nagdi-delete?" Hinayaan niya lang ito na mangialam sa gallery niya. Wala namang confidential doon. "Hmm, gwapo naman pala. Pero mas gwapo pa rin ako. Delete na natin. Pumapangit gallery mo sa mga pictures n'yong dalawa."
"Wait," pigil niya rito pero mukhang huli na ang lahat. Talagang nag-delete all ang loko. "Delete all talaga?"
"Masakit, 'no?" Parang nang-aasar pa e.
"Ako na nga 'tong nasaktan, ako pa 'tong, nag-ho-hold-back ng memories namin na 'di ko naman alam kung totoo o pakitang tao lang niya. Pero nangingibabaw pa rin naman ang galit ko sa kanya. Hindi ko pa lang nagagawang i-delete lahat."
"First step, Gumie. Acceptance, tanggapin mong wala na kayo. Paano? Isipin mo kung paano ka niya niloko at sinaktan. Don't dwell too much in the happy moments you have shared together. Kung mahalaga sa kanya 'yon. He wouldn't do this to you. He would never do things that would hurt you."
"Ang sakit, ah."
"Truth hurts."
"Masakit talaga ang katotohanan na ako lang talaga ang nagmahal at ako lang din ang nasasaktan at ako rin ang magbabayad ng pisteng utang niya." Mas naiiyak siya sa huling sinabi niya.
"Later, we'll gonna talk about your scam dilemma. Now, let's start fabricating our own story. I'm not gonna use Stan as my name. Let's make it Mykael Stanley Tan. I preferred Mykael over Stan. I'm your fiancé and we've been together for 2 years now. I'm a sales manager in a known car company in Manila and I've been in love with you ever since the day I laid my eyes on you. It sounded cliché but I'm fine with that."
"Okay, prefer ko rin 'yan, at least 'di ako mapipilitang banggitin ang pangalan ng Stan-nas na 'yon."
He chuckled. "Bagay ang nas sa huling pangalan ng Stan na 'yon." Nagulat siya nang bigla siya nitong akbayan. Kung straight na lalaki ito ay baka mailang pa siya at mabastusan pero si Mykael 'yon. Ang pretend fiancé niyang closet queen. Kaya walang malisya.
"Now, let's change both our wallpapers. Kiss mo ako sa pisngi." He tap a finger on his right cheek. Itinaas naman ng isang kamay nito ang cell phone niya. "Dali na bago pa ako mandiri."
Nanuot ang bango nito sa ilong niya. Na distract siya nang ilang segundo roon. Wala bang pangit sa lalaking 'to? Pati pabango na gamit nito naghuhumiyaw ng kagwapohan at karangyaan. Between the real Stan and the fake Stan mas hihiwayan pa yata si Mykael kaysa ni Stanley.
"Bagal naman."
Natulala siya nang dampian siya ni Mykael nang mabilis na halik sa labi. Napalunok siya at napatitig sa mga mata nito. May naglalarong pilyong ngiti sa mukha nito.
"Did I made your heart drop?" he teasingly asked.
Langya! Wala pa 'yon sa kontrata namin.
Pero bago paman siya maka-react ay biglang nag-bago ang timpla ng mukha nito. Parang maduduwal ang loko. Napamaang siya. Wow naman! Nakakadiri ba siyang halikan?
Hindi naman siya nito mukhang niloloko dahil kapansin-pansin ang pamumula ng mga mata nito sa pagpipigil ng sarili na tuluyang mailabas ang kung ano mang pinipigilan nito.
"Ay grabe," tanging nasabi niya sabay kuha ng supot ng plastic na naitabi niya kanina. Walang sabing sinapo niya ang likod ng ulo ni Mykael at pinasok ang mukha nito sa malaking plastic. "Isuka muna. Ikaw naman, nahiya ka pa." Grabe talaga! Sakit sa ego ng pagkababae ko.
Itinaas lang ni Mykael ang isang kamay at nag-thumbs up. Ilang segundo pa ay madami-dami rin itong naisuka. Tsk!
"MAY ARTISTA ba sa inyo?" nagtatakang tanong ni Mykael sa tabi niya. Nasa harap na sila ng bahay nila. "Bakit ang daming tao?"
"Makiki-chismis lang naman ang mga 'yan. Ganoon ako kasikat sa amin. Pinakakaabangan ng buong Sitio namin ang pag-uwi kong luhaan."
Naingat niya ang mukha sa buong bahay. Limang taon rin siyang hindi naka uwi. Para namang walang pinagbago ang bahay na 'yon. Ganoon pa rin 'yon. It's a two storey modern nipa hut kind of house. Yari sa bamboo at iba't ibang klase ng mga kahoy na materyales. May malaking terrace sa second floor na nakaharap sa malawak at asul na asul na dagat. Open air ang pagkaka-desinyo ng bahay. Presko at masarap tirhan. 'Yong typical na bahay sa probinsiya.
Sa ibaba ng bahay nila, may hagdang bato na magdadala sa'yo sa isang white sand beach na buong pusong inalagaan ng mga taga Sitio niya. That's their secret treasure. Dead end nang masasabi ang parte na 'yon dahil sa mga malalaking bato at cliff na ang mga katabi nito. Nasa labas lang ng bakud ng bahay nila ang daan pababa sa beach na 'yon.
White sand beach and blue waters. Masasabing hindi pa nagagalaw ang parte na 'yon ng mga turista. Ang Sitio Tierra de Gumamela ay isa sa mga magagandang lugar sa Bohol na hindi pa nadidiskubre ng mga turista. Aside sa magandang lupa na pagtamnan ng mga bulaklak ay masasabi niyang hitik sa natural resources ang sitio nila. Madaming pagkunan ng mga pangkabuhayan at para sa pang-araw-araw na pagkain.
Para sa kanya, mas mabuti na rin 'yon. Kapag kasi na discover ang isang lugar, nasisira lang ang angking kagandahan nun. Imbes kasi na mapangalagaan, naabuso lang.
"Ate Gumie!" Mayamaya pa ay narinig niyang malakas na sigaw ni Keanu. Lahat ng mga kapitbahay nila ay napalingon sa likod. Hinawi ni Keanu ang mga tao at malaking-malaki ang ngiti na lumapit sa kanila. "Ate Gumie! Welcome back! Maajong pag-abot sa Sitio Tierra de Gumamela. Ang bayan ng mga tsismosa!" Pasimple pa nitong tinaasan ng kilay ang mga tao sa likod nito na may kanya-kanya nang bulong na kwento sa mga katabi.
"Si 'Nay Conching, Keanu?"
"Nasa loob, hinahanda ang piging. Dali, dali na," naka high pitch pa ring giya sa kanila ni Keanu papasok sa gate ng bahay. Kapansin-pansin rin ang mala hardin ng mga gumamela na bakud ng bahay nila. "The wait is uber. Nandito na rin ang hinihintay na love team ng Anda! Ahm, excuse me Manang Cora, get lost on my way, me cannot wait." Tinaasan naman ito ng kilay ni Manang Cora bago nito pinasadahan ng tingin si Mykael sa tabi niya.
Ang arc ng gate ay napapalibutan rin ng iba't ibang kulay ng mga gumamela. Masasabi talagang bahay niya 'yon. Bahay ni Maria Gumamela Macaraeg.
Ang dami niyang naririnig na mga tanong. Kung ito na si Stan? Kung kailan sila magpapakasal? Kung sa Anda na ba sila for good? Tinalo pa niyang isang artista. Siya lang kasi ang laman ng chismis ng sitio nila. Kilala kasing mabuting tao ang pamilya at mga magulang niya sa Sitio Tierra de Gumamela - well, maliban daw sa kanya.
Nakalagpas na sila ng gate nang tumigil si Mykael at hinarap ang mga kapitbahay niya.
"Hello po," nakangiting bati nito sa mga ito. "Ako nga po pala si Stan, pero pwede n'yo po akong tawaging Mykael. Fiance po ako ni Gumie at dalawang taon na po kaming magkasintahan. I work as a sales manager sa isang car company sa Maynila. And I've been in love with her ever since the day I laid my eyes on her. Nga po pala, kaano-ano ba ni Gumie si Myco –"
Hinila na niya sa siko si Mykael papasok ng bahay. Tang na juice ka Mykael. Hindi ko sinabing magpa-introduce-yourself ka.
"Keanu, i-lock muna nga ang gate," utos niya sa pinsan.
"Ate invited sila sa piging."
"Wala akong pakialam. Sa likod mo sila padaanin."
"Ate wala tayong likod."
"Sa gilid."
"Sa bangin?"
"Oo!"
"Ay bet!"
TITIG NA TITIG si Nay Conching at Tay Lino kay Mykael. Hindi niya naman nakitaan ng pagka-ilang ang lalaki. Mukhang sanay naman yatang humarap sa iba't ibang tao si Mykael. Come to think of it, hindi pa nga pala ito nagkukwento tungkol sa buhay nito. Ang alam niya lang ay ang buong pangalan nito at papunta ito ng Bohol para hanapin daw ang sarili nito.
"Ito na ba si Stan, inday?" tanong ng tiya niya. "Ka gwapo naman niya."
Tuwang-tuwa itong tignan si Mykael na nakangiti lang sa mag-asawa. Si Tay Lino ang asawa ng Nay Conching niya. Bunsong anak ng mga ito si Keanu at may dalawa pa itong mga anak na sila Angelina at Kate na nakapag-asawa na rin. Ang Nay Conching niya ang nag-aalalaga at nagbabantay sa bahay habang wala siya pero hindi ito nakatira roon. Magkapit-bahay lang naman sila. Walking distance lang. Pero sabi sa kanya ni Keanu, paminsan-minsan daw ay doon ang mga ito natutulog para raw may tao.
"Mas gwapo ka pala sa personal, undong. Medyo weird kasi ang mukha mo roon sa picture na pinakita sa'min ni Keanu. Medyo tagilid. Naku, naku, ka gwapo mo talaga." Halos yumakap na si Nay Conching kay Mykael. Naks, close sila.
"Conching, tama na 'yan, ako ang asawa mo."
Natawa silang lahat.
"'Nay, tama na 'yan, kawawa naman si 'Tay Lino. Mukhang ipagpapalit mo na po kay Mykael."
"Swerte-swerte mo, inday. Sigurado akong matutuwa ang mga magulang mo. Mukhang mabait 'tong nobyo mo at maalaga pa." Binalingan nito si Mykael. "Mabuti na lamang at may nagmahal sa batang 'yan. Naku, napakamaldita at napakatigas ng ulo."
"Pansin ko nga ho rin," nakangiti pa ring sagot ni Mykael.
"Baliw na baliw sa'kin 'yan 'Nay. Takot 'yang mawala ako."
"Ay ikaw na ang mahaba ang buhok sa amin!" ni Keanu. "Ganda-ganda ng aming Maria Gumamela Macaraeg."
Lumapit si Mykael sa likod niya at niyakap siya mula roon. Ay may gan'to pala tayong galawan Mykael? Hindi siya na inform. Isinandal nito ang ulo sa balikat niya.
"Hindi naman ho mahirap mahalin si Gumie. Na love at first sight nga ako sa kanya. Parang tatalon sa barko -" Natigila ito nang mahina siyang maubo. Pasimple niyang nasapo ang dibdib. "Ang puso ko sa tuwing nasisilayan ko ang angkin niyang kagandahan." Saan ka ba humuhugot ng lakas ng loob para sabihin 'yan sa angkan ko Mykael Sy?
"Ay nakakilig naman," komento ni Ate Kate.
"Ang swerte-swerte talaga ni Ate Gumie, ano?" dagdag pa ni Angelina.
"Swerte rin naman kayo sa mga asawa ninyo," sansala niya. "Ang babait kaya nila Kuya Mark at Kuya Cholo. 'Di ba, mga paparts?"
"Aba'y oo naman! Lamang lang naman 'yang si Mykael ng sampung paligo," sagot ni Kuya Cholo.
"Bukas, ilulubog namin ang sarili sa dagat hanggang sa magkasing-gwapo at kisig na kami niyang nobyo ni Gumie," dagdag pa ni Kiya Mark.
"Makaahon pa kaya kayo?" tanong ni Keanu.
"Tsk, Keanu, tama na 'yan," sita ni 'Nay Conching. "Huwag mong basagin ang trip ng mga bayaw mo."
"Nay, 'yong isang silid nalinis na ba?" tanong niya.
"Naku, 'di pa. Naisipan kasi ng tiyong mo na palitan na ng pintura 'yong kwarto mo kaya 'yong kwarto na muna ng mga magulang mo ang pwedeng gamitin. 'Yong isang kwarto naman, doon namin inilagay 'yong mga 'di na magagamit sa bahay. Si Keanu muna matutulog doon kasi masikip na, nakakahiya naman. 'Di namin inasahan na makakauwi ka pala kaya hayan. Pasensiya na inday."
"Komportable naman at malamig sa sala, Mykael," dagdag pa ng tiyo niya sabay balat ng saging na hawak nito. "Malaki naman ang sofa, kasya na kasaya ka roon."
"Sa sala po?" ulit ni Mykael.
"Oo, doon ka matutulog."
"Naku Kuya Mykael." Naibaling nila ang tingin kay Keanu. "Huwag mo nang pangarapin na makakapiling mo ngayong gabi si Ate Gumie dahil bawal 'yan sa pamamahay ng Macaraeg at Montano. Walang binatang nakakasiping sa isang birheng Macaraeg nang hindi nagpapakasal muna. Kaya mag-fasting ka muna. Patience is a virtue."
Ang pamilya niya ang isa sa mga tradisyonal na pamilya sa bayan nila. Kilala ang mga Macaraeg at Montano bilang maprinsipyong tao at malaki ang paniniwala sa kasal bago kama. 'Yon din ang isa sa dahilan kung bakit sa dalawang taon nila ni Stan ay hindi niya ito pinagbigyan sa kalandian nito. Tama lang din dahil walangya pala talaga ang unggoy na 'yon.
Pero maliit na bagay lang naman 'yon kay Mykael. Bakla ito kaya hinding-hindi nito papangarapin o pagpapantasyahan ang isang katulad niyang dyosa. Syempre, kung dyosa siya, mas dyosa ito.
Pero nang iangat niya ang mukha kay Mykael bakit mukhang pinagsakluban ito ng mundo. Nandidiri na ba itong yakapin siya?
Yata? Kasi kanina pa ito sweet na sweet sa kanya. Teka, na saan na ba 'yong plastic ko. Mukhang kailangan ko na naman yata 'yon.
"Okay lang ba 'yon sa'yo, undong? Presko naman sa sala," ulit na tanong ni Nay Conching.
"Naku, wala hong problema." From back hug ay tumabi ito sa kanya at inakbayan siya. "Kung hindi ho n'yo natatanong, 'Nay at 'Tay, I don't tolerate premarital sex. At tama ho kayo, kasal muna bago kama."
Bakit gusto kong matawa sa mga pinagsasabi nitong si Mykael? Bakit feeling ko, ini-echos lang niya kami?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro