Kabanata 20
"THANK YOU, SON."
Naibaling ni Mykael ang mukha sa ama. Hinihintay nila mula sa sala ang pagbaba ng ina. Well, he gives his father permission to patch things up with her mother and to take her out.
"The decision is not mine. Thank my mother."
"Still," his father insisted.
"I'm still watching you." He did the sign while raising one eyebrow. "Just because we're in good terms, it doesn't mean I'll be good to you."
Natawa ito. "I'll be a good man."
"You should be."
Nakikita niya naman ang pagbabago ng ama niya. Even the sincerity in his actions and intention towards his mother. The heavy feeling he had been keeping in his heart was no longer there. Mas gumaan ang pakiramdam niya. Wala na siyang makapang galit sa ama. Masaya siyang nakitang binago nito ang sarili.
At sino ba naman siya para hindi ito patawarin?
"So kailan naman kayo magpapakasal ng nobya mo?" basag nito.
"Gusto mong um-attend?"
Malakas na natawa ito sa naging balik tanong niya. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago. You're still the same Mykael."
Napangiti siya. "I'm not like you."
Lalo itong natawa.
"I'm a better man than you Mykolo Lim."
"Of course son, you are always better than me." May ngiti at masuyong tinapik nito ang balikat niya. "And you don't know how proud I am with you."
"Thanks 'Pa."
"Saan ba kasi tayo pupunta Mykolo?" Sabay silang napalingon sa nagsalita. Kunot na kunot ang noo ng ina niya habang pababa ng hagdan. Nakasunod rito si Gumie. Pasimple siya nitong kinindatan. He tried his best not to laugh. She don't always do that. Iniisip nga niya minsan na sinasadya talaga nito 'yon. Inuunahan na siya nito before he could wink at her. "Ang tatanda na natin pero may ganito ka pang nalalaman."
"Monique." Halos hindi maalis ang tingin ng ama sa ina niya. Maganda naman talaga ang mama niya. "You look lovely."
"I always am," mataray na sagot ng kanyang ina.
Mabilis na iniyakap niya ang isang braso sa balikat ni Gumie pagkababang-pagkababa nito. They exchanged smiles.
"Dapat by 10 pm naiuwi mo na si Mama, Pa." Tumango ito. "I can't hide this from Tito Ceasar and Tito Dylan so make sure you talk to them bago pa nila malaman sa iba na inilalabas mo si Mama."
"I will."
"They will understand, hijo." Naibaling niya ang mukha sa nakangiting mukha ng ina. "Everything are all in the past now. Don't worry about me. Hindi makakadiga sa akin ang lalaking 'to." His mother threw a death glare at his father. Natawa lamang sila sa ginawa ng ina. "Been there, than that, kaya umayos ka Mykolo."
"Of course!" Inilahad ng ama niya ang kamay sa ina. "Shall we?"
Gone are the days of the sweet and naïve Monique Sy. His mother knows how to act like a queen now. Hindi nito tinanggap ang kamay ng ama niya. Monique , one. Mykolo, zero.
"Tigilan mo ako Mykolo, umalis na lang tayo." Naglapat ang mga labi niya sa pagpipigil ng ngiti. Alright, his mother was a little savage. "We'll go ahead, son, Gumie."
"Bye po tita, have fun. Ingat po kayo ni tito."
"Thanks Gumie."
Iniwan pa ng nanay niya ang ama niya. Napakamot na lang tuloy sa noo ang ama niya bago ito sinundan.
"Nakikita ko ang sarili ko sa mama mo." Iniangat ni Gumie ang mukha sa kanya.
He can't help but chuckled. "Iiwasan ko talaga na inisin ka dahil takot ko lang sa'yo."
"Mykael."
"Hmm?"
"Wala ka bang sasabihin sa'kin?"
"Ano namang sasabihin ko?"
"Ano bang mga plano mo sa buhay? Anong susunod mong gagawin?"
"Hmm." Sandali siyang nag-isip. "Iniisip ko ang expansion ng Mind Creatives sa Asian countries –"
"Magluluto na nga lang ako!" Marahas na inalis ni Gumie ang braso niyang nakaakbay sa balikat nito saka ito nag-martsa palayo.
"What? Ano na naman bang maling sinabi ko?"
"Maghanap ka ng kausap!"
SA NAPAPANSIN ni Gumie mukhang wala pa yatang planong mag-propose si Mykael sa kanya. Noong nanliligaw pa ito sa kanya, lagi nitong binabanggit ang pagpapakasal. Pero ngayon, ni hindi niya marinig rito ang mga salitang 'yon.
Hindi naman sa nagmamadali siya pero parang ganoon na rin. Lagi pang wala sa bahay ang lalaking 'yon. Naiiwan siya sa bahay. Tapos nag-resign pa si Mohana. Na-e-stress siya sa paghahanap ng kapalit. Pero mas na-e-stress siya sa sitwasyon nilang dalawa ni Mykael.
Nakatira sa iisang bahay. Magkahiwalay ng kwarto pero parang mag-asawa na rin ang turingan nilang dalawa. Kahit man lang formal engagement or proposal wala. Naibaba niya ang tingin sa sing-sing na bigay nito sa kanya dati. 'Yon na ba 'yon? Iniangat niya ang kamay para matitigan nang maayos ang simpleng gold band sa palasing-singan niya.
"Ito na ba 'yon?"
"Ang ano?"
Mabilis na naibaba niya ang kamay at napalingon sa nagsalita. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Mykael. Lumapit ito sa kanya at naupo sa tabi niya. Nasa garden sila ng mansion ng mga Sy. Mag-a-alas-onse na rin ng gabi at hindi siya makatulog kaya naisipan niyang magpahangin muna sa labas.
"Ba't gising ka pa?" tanong niya.
"I should ask you the same."
"Nauna akong magtanong." Ibinaling niya ang tingin sa harap. Napapalibutan sila ng mga bulaklak at halos ng mga 'yon ay mga gumamela. "Sagutin mo muna ako."
"I can't sleep."
"Me too."
They were both silents for a moment.
"Honestly," basag nito. "Ilang araw ko nang iniisip kung paano ako magpo-propose sa'yo." Naibaling niya ang mukha rito. Natatawang nakamot nito ang noo. "Ang daming pumapasok sa isip ko pero wala akong mapili ni isa sa mga 'yon."
"As long wala sa iniisip mong i-su-surprise mo ako dahil sa mga sinabi mo ngayon, alam ko na." Natawa siya.
"Do you want something creative? 'Yong ma-su-surprise ka? Those typical proposals that trend online?"
"Noong una, siguro oo, pero ngayon, 'di na. I know, it's something that most woman want to have. It's something memorable at masasabi talaga na pinag-effort-tan ng lalaki. But I don't care anymore. As long as mahal ako ng taong gusto kong makasama habang buhay, kahit simple lang 'yon, hindi 'yon mahihigitan ng kahit anong viral proposals."
Mykael smiled, he then reached for her hand and give it a gentle squeezed. Napangiti sila sa isa't isa.
"Why do we need to propose before someone gets married?" pag-iiba nito.
"Para 'di naman masayang ang gagastusin sa kasal pero 'di naman pala mutual ang feelings n'yo."
"Paano kung alam mo naman na mahal n'yo ang isa't isa?"
"Well, depende sa sitwasyon."
"I know."
Pinaningkitan niya ng mga mata si Mykael. "Naiintriga na ako sa mga iniisip mo. May balak ka pa bang pakasalan ako o hindi?"
Malakas na natawa ito. Umisod ito palapit sa kanya at niyakap siya. "I'll take the risk, I believe you'll say yes."
Kumunot lalo ang noo niya. "Saan ako mag-yi-yes?"
"You'll know."
"KUNG NABUBUHAY lamang ang mga magulang mo Gumamela, alam ko na masaya sila para sa'yo. Lagi kong idinadasal na sana makahanap ka ng isang lalaking tunay na magmamahal sa'yo sa kabila ng sungay na meron kang bata ka."
"Tiyang naman e. Alam ko naman na maldita ako pero 'di naman ako ganoon ka demonyita. Slight lang."
Natawa ang tiyang niya sa kanya. "Ikaw talaga na bata ka. Buti na lang talaga at nabago 'yang ugali mo. Ba't mo ba kasi dinidibdib ang mga sinasabi sa'yo ng mga ibang tao? Mahal ka namin at tanggap ka namin kahit ano ka pa. At kung may problema ka, huwag mong itago sa amin. Hayaan mong tulungan ka namin. Hindi mo kailangang mag-isa, Gumie. Isama mo kami lagi sa laban mo."
Naiyak siya. Bumalik siya ng Anda para sa special event ng anak ng pinsan niya at hindi para makipag-dramahan sa tiyahin niya.
"Isa na ho si Mykael sa nagpabago sa akin. Pinaramdam niya sa akin na hindi masamang magpakatotoo sa sarili. Tama ho kayo tiyang, hindi naman importante ang kung anong iniisip ng ibang tao. Ang importante roon ay, alam mo sa sarili mong wala kang nasasaktang tao at naapakan. Itinuro niya sa'kin ang isang simpleng buhay na hindi mahihigitan ng kahit anong yaman ng mundo."
Niyakap niya ang tiyang niya.
"Tiyang, sorry kung naging sakit ako sa ulo. Kung masyado akong naging makasarili. Alam ko na nangako kayo kina mama at papa na aalagaan n'yo ako at 'di n'yo naman sila binigo. Hindi n'yo ako pinabayaan kahit na ganito ang ugali ko. Inintinde n'yo ako at pinangaralan. Salamat ho sa walang sawang pagmamahal n'yo sa akin."
"Mabait ka naman, pero mas madalas kang sakit sa ulo."
Pareho silang natawa sa isa't isa. "Tiyang, I love you."
"Mahal na mahal din kitang bata ka. Magpakabait ka na."
NAGTATAKA man ay sinunod pa rin ni Gumie ang utos ng tiyang niya na mag-ayos siya. Sinuot niya ang binili nitong white off shoulder dress na hanggang tuhod niya ang cut sa harap at mahaba naman ang sa likod. Kinulot niya nang bahagya ang hanggang balikat na buhok at naglagay ng kaonting make up.
Binyag daw ng apo ni Manang Cora. Kinuha raw siyang ninang. Bumalik siya ng Anda mag-isa dahil may out of the country meeting si Mykael. Naglakad lang siya papunta sa simbahan dahil nauna na ang mga ito. Malapit lang naman 'yon sa bahay nila.
Kumunot ang noo niya nang mapansin na sarado ang pinto ng simbahan at walang tao. Naigala niya ang tingin sa paligid. Ako ba ay na i-scam ng mga tao rito? Tumuloy pa rin siya hanggang sa nasa harap na siya ng malaking pinto ng simbahan.
Maingat na binuksan niya 'yon. Lumikha 'yon ng tunog pero 'di na niya masyadong pinansin 'yon nang makita si Mykael sa harap ng altar. Nandoon rin ang mga pamilya niya at ang mga magulang at tito ni Mykael. Pahuhuli ba ang mga chismosa niyang mga kapitbahay? Syempre hindi. Present din, pati sila Myco at Kass.
Nakatayo kasama ni Mykael sila Rave, Kevin at Peter. Mohana and Laura is here as well. Ngayon lang din niya napansin ang simpleng ayos ng simbahan. Tila ba may ikakasal nang mga oras na 'yon?
"Anong nangyayari?" tanong niya.
At nang magsimula siyang maglakad sa gitna ay biglang nag-play sa buong paligid ang isang kanta na tumutugma sa pagmamahal na meron silang dalawa ni Mykael. And seeing him waiting for her at the altar made her smiled in tears.
Forever seems like a long time, but nothing seems like a long time when I'm with you.
Nagpatuloy siya sa paglalakad. So this was his surprise? He didn't want a proposal because he wanted a surprise wedding.
I've never really known what love is, but whatever it is I feel it in your kiss. You waltzed in like somebody planned it all. I feel right where I belong.
Malaki ang ngiti na sinalubong siya nito. Inabot nito ang isa niyang kamay at hinalikan ang likod ng kamay niya nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
So take my heart and take my hand. Take my heart and take my hand. Take my heart and take my hand again and again...
"Do you realized how risky this is Mr. Mykael Sy?"
"I told you, I'll risk everything for you." Hindi niya mapigilan ang mga luhang patuloy pa rin sa paglandas mula sa kanyang mga mata. She was really happy. Walang paglagyan ang saya niya nang mga oras na 'yon. "I love you Maria Gumamela Macaraeg. Will you spend the rest of your life with me?"
Walang pagdadalawang-isip na umiling siya. Bumakas ang takot at lungkot sa mukha nito. Pati ang mga tao sa simbahan ay natahimik.
Natawa siya. "Chos!" Hinarap niya ang pari. "Father, ikasal n'yo na kami." Siya na mismo ang humila rito sa harap. "Huwag na nating patagalin 'to."
"Excited ka masyado, hija," natatawang komento ng pari.
Ibinaling niya ang mukha kay Mykael.
The moment she saw those tears from his eyes, there is no longer a need for her to find another man, she already found her home... and her happiness.
"May sagot na pala ako roon sa tanong mo kung ilang anak ang gusto ko," nakangiting bulong ni Mykael sa kanya. Namilog ang mga mata niya. "Okay lang ba sa'yo ang apat?" Marahas na naibaling niya ang mukha rito.
"Wow ha?" she mouthed.
He chuckled. "Sabi ko sa'yo, seseryosohin ko 'yon."
"Ang hirap mong pilitin Mykael. Sobra! Buti na lang mahal kita. Sige iraos natin 'yang apat na anak na gusto mo."
"Each of them will be made out of love."
Yes, each of our child will be made out of our love.
Hinigpitan niya ang paghawak niya sa kamay nito. Sumilay ang isang magandang ngiti sa mukha nito. I'm pretty sure I did not save the world in my past life but I'm sure I did my best to be good. Ibinalik niya ang mukha sa harap at tinitigan ang malaking imahe ng Dios sa krus. Thank you po!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro