Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

NAABUTAN ni Mykael ang mama niya na mag-isang nakaupo sa sofa sa sala. She's watching dramas again. 'Yon na ang paboritong gawin ng kanyang ina kapag nasa bahay lang maliban sa pagsisimba at pakikipag-bonding kay Tita Em, ang ina ni Rave. Kumpara naman kay Tita Em, mas cool at mas mabait ang mama niya. High blood kasi 'yon.

Napangiti siya nang makita itong kinikilig sa pinapanood na Tagalog dubbed Korean Drama. Ang nanay niyang 'to, ang liit ng kaligayahan. Naglakad siya palapit dito at humiga sa kandungan ng mama niya. Agad niyang ipinikit ang mga mata kaya 'di na niya nakita ang pagsinghap ng mukha nito.

"Mykael!" Pinalo siya nito sa braso. Natawa lang siya. "Nanonood pa ako. Saka ka na mangulit."

"Ma, ako muna pansinin n'yo." Iminulat niya ang mga mata at nagpa-cute sa ina. "Minsan lang kaya ako maagang umuwi."

"Hay naku!" Natawa ito sa kanya. "Ang laki mo nang baby." She playfully messed his hair. "O, bakit maaga ka? 'Di ka ba stress sa kompanya?"

"Nothing that I can't handle. Alam mo namang, gustong-gusto ko ang ginagawa ko at sadyang mahusay lang talaga ako. Wala kayong belib sa anak n'yo. I'm a genius."

"Nagbubuhat ka na naman ng bangko. Ikaw talagang bata ka." He can't help but chuckle. They were silent for a moment before his mother speaks again. "May problema ka ba Mykael?"

Nawala ang ngiti niya at sandaling nahulog sa malalim na pag-iisip. "Ma..."

"Ano?"

"Do you hate me for being like this?"

"Hate you?" Kumunot ang noo nito. "Why would I hate my son?"

"Naisip ko lang, I'm becoming more like my father."

He didn't grow up in a perfect family. His father cheated when he was ten years old. He was an abusive father and a husband to his mother. His mother was a damsel in distress type of woman. Masyado itong mabait at mahina kaya madali itong napapasunod ng ama niya. Pero alam niyang, isa sa mga nagpahina sa ina ay ang pagmamahal nito sa ama niya.

Pero paano nga ba siya nabuo?

The typical scenario of a Chinese family, dahil parehong may dugong Chinese and both of his parents came from a rich family they were arranged to be married to each other. Mas mayaman nga lang ang pamilya ng mama niya. Being the only daughter of the Sy family wala na itong ibang nagawa dahil alangan namang isa kina Tito Dylan at Tito Ceasar ang ipakasal sa magaling niyang ama, 'di ba? At that time, struggling ang pamilya ng ama niyang si Mykolo Lim. Since both of the families are long time friends, pinakasal nila si mama kay papa para maisalba ang kompanya ng mga Lim.

Of course, sino ba naman ang unang ma-i-inlove? Ang mama niya. Mabait naman daw kasi si papa - 'daw'. Siguro? Noong mga unang sampung taon bago maging gago ang ama niya at makahanap ng ibang babaeng kakamut sa nangangati nitong libido. His father was a casanova when he was at his age. Madami itong naging-girlfriends bago paman ito nagkakilala ng mama niya.

At mukhang sampung taon lang ang kinaya nitong tiisin.

But who fuckin needs a man like his father? Mabuti na lamang at nagising ang mama niya sa katotohanang hindi na magbabago pa ang ama niya. Monique Sy was able to redeem herself from her stupidity. Naging matapang ang mama niya at pinalayas ang ama niya nang mahuli na nito sa akto ang ama na nakikipagharutan sa ibang babae. At sa tulong ng mga tito niya, na annulled ang kasal ng mga magulang niya.

From Mykael Lim ay naging Mykael Sy na ang pangalan niya. Doon din nasira ang pagkakaibigan ng mga Lim at Sy. Malas lang ng mga Lim dahil maling Sy ang binangga nila. Hindi siguro inasahan ng ama niya ang kayang gawin ng asawa nito. Masamang mapatid ang pasensiya ng isang Monique Sy, talagang siraan ng pamilya.

But alam niya naman na matagal na itong napatawad ng ina niya. Kinalimutan na rin nito ang mga nangyari at itinuon ang buong atensyon sa kanya at pagtulong sa mga kapatid nito sa negosyo ng mga Sy.

Para sa mama niya, isa na lamang 'yong masama at magandang panaginip. Masama dahil sobra itong nasaktan at nagdusa. Maganda dahil isiniling siya nito sa mundo.

"Don't say that," malumanay na sagot ng ina. "Magka-iba kayo ng ama mo. I'm your mother, kaya alam ko kung anong klaseng anak ka."

Sumilay ang isang malambing na ngiti sa maganda nitong mukha. Maganda ang mama niya. Bias na kung bias pero sa dami ng mga magagandang babae sa mundo, faithful talaga siya sa kagandahan ng ina niya.

"I've always been proud of you, son." Masuyo nitong tinapik ang pisngi niya. "It's not wrong to enjoy your life to the fullest, Mykael. As long as you know what you're doing at alam mong wala kang nasasaktang ibang tao. Then that's okay. Every day we learn new things in life, either from success or failure, ang importante ay marunong tayong harapin ang mga 'yon at natuto tayong itama ang mga mali."

Muli niyang nakita ang magandang ngiti sa ina bago niya ulit naipikit ang mga mata. He can't help but smile. Bukod sa mga kaibigan at pamilyang Sy, ang mama niya ang pinaka-importante at pinakamamahal niyang tao sa buong mundo.

And he will do everything to protect his mother.

"Basta ipangako mo lang sa akin anak. Na kapag nagmahal ka, huwag mong pigilan ang sarili mo. Don't be afraid to loved them back and to love them more. Walang mali sa'yo. Hindi mo pa lang talaga nakikita ang babaeng mamahalin mo nang lubusan."

Makikilala ko pa kaya ang babaeng 'yon, Mama? Meron pa kayang katulad mo at ni Laura? I'm starting to doubt that, actually.

"Love is for everyone, but comes in a different form." Tila hinihili siya ng masuyong hagod ng kamay nito sa kanyang buhok. Inaantok siya. "You're my greatest love, son. Always remember that."



TINIGILAN ni Mykael ang pagri-review ng mga storyboard sa harap ng malaking computer niya. Hindi 'to pwede. Ito ang unang pagkakataon na nawalan siya ng gana sa lahat. The word bar and woman doesn't sound entacing anymore. Kahit ang mag-supervice sa mga empleyado niya na isa sa mga gusto niyang gawin ay 'di niya na rin magawa.

He was actually lost... at the moment.

Gusto niyang umalis. Gusto niyang hanapin ang sarili. Ito ba talaga ang gusto niya sa buhay? Not likely. Maybe he needed a new environment? Maybe he needed a time for himself?

Tinitigan niya ang malaking mukha ng tarsier sa isa sa mga story board scene sa screen ng computer niya.

'Di ba nasa Cebu ang tarsier? Naikiling niya ang ulo sa kaliwa. Hindi yata. Pero parang gusto kong makita ang mga tarsier ng isang buwan.



"ANONG sinabi mo Keanu?" halos pasigaw nang tanong ni Gumie sa pinsan niyang bakla na si Keanu. Kaisa-isang anak ng Tiya Conching niya, kapatid ng yumao niyang ama. Kausap niya ito sa cell phone. "Pakiulit? Ano 'yon?"

"Ate nanabi baya ko dinhe sa ato ba nga kasama mo si Kuya Stan. Naku, madami na namang maiingit sa'yo dahil gipanabi man nako sa ila nga gwapong-gwapo ug mistiso imong pamanhon."

Marahas na naisuklay niya ang kamay sa buhok. Ang baklang 'to, at talagang pinagsabi pa sa buong Sitio nila na kasama niya si Stan sa pag-uwi niya ng Bohol. Anak nang! Ang dami na niyang problema. Dinagdagan pa ni Keanu. Naigala niya ang tingin sa buong paligid. Nasa terminal na siya, hinihintay na lang niya ang fastcraft na papuntang Bohol.

"Bakit mo sinabi 'yon? Diba secret lang 'yon? Alam mo naman ang mga kapitbahay natin diyan sa atin. Ako na naman ang laman ng chismisan nila." Na pinaka-iiwasan niya na mangyari.

Matagal na siyang hindi nakakabalik ng Bohol. Mga limang taon na rin, simula nang mamatay ang mga magulang niya. Everyone hated her. Ang tingin ng mga ito sa kanya ay masamang anak. Na wala raw siyang pakialam at galang sa mga magulang niya. Masyado raw siyang ambisyosa.

Masama bang mangarap? Masama bang tuparin ang mga 'yon?

Pagkatapos niyang grumaduate ng Masscom sa isa sa mga na unibersidad sa Cebu ay hinanap niya ang suwerte sa Maynila. Mabibilang na lamang sa kamay ang pag-uwi niya ng Bohol. At kapag nauuwi naman siya, siya lang ang laman ng mga bunga-nga ng mga kapitbahay nila.

"Mapatay jud takang bayota ka."

Mapapatay niya talaga 'tong pinsan niya.

"Wayok sad nimo ate oy. Ano bang maling ginawa ko? Dapat naman talaga nating i-rampa ang gwapo mong boyfriend and soon to be husband mo. May papiging pa nga sila Mama sa'yo rito sa bahay. Naku, fiesta talaga 'to 'te."

"Break na kami ni Stan." Napabuntonghininga siya. Malakas naman ang sigaw nito sa kabilang linya. "Mahabang kwento. Pagka-uwi ko na lang sasabihin."

"'Te, bakit? Anyare? Naku, tiyak pagpi-piyestahan ka na naman nila Manang Cora at mga alopores niya sa Zumba. Bakit naman kayo naghiwalay ni Stan?"

"Scammer ang gagong 'yon. Walangya! Kaya nga ako babalik diyan kasi may gagawin akong importante. Ah basta, saka ko na iku-kwento pagkarating ko riyan. Lintik naman oh. Uulanin na naman ako ng tsismis sa pag-uwi ko riyan. Sure akong pupunahin na naman nila ang pagka-ambisyosa ko umano at kung paano ako kinarma nang wagas sa pagkasutil kong anak."

Muli siyang napabuntonghininga.

"Anong gagawin ko?"

"Ate sorry, 'di ka naman kasi nag-chika agad. Saka half lang naman ng mukha ni Stan ang nakita nila."

"Keanu!" Hindi niya naiwasang pagtaasan ito ng boses. "'Di ba sabi ko huwag mong ipakilala riyan si Stan. Kaya nga ikaw lang ang pinagsabihan ko."

"Sorry talaga Ate Gumie. Nakaka-bwesit kasi sila e. Kulang na lang gawan ka nila ng drama sa radyo rito sa advance nila mag-isip sa kamalasan mo. Pero anyway, we will think na lang a better solusyon to your problema. Okay? Tawag ka kung nasakay ka ng bus papunta sa atin. Ingat sa b'yahe. Mwah. Babosh!"

Buntonghininga pa rin ang tanging nagawa ni Gumie pagkatapos ibaba ni Keanu ang tawag. Bakit ba extended hanggang Bohol ang kamalasan niya? Nasa Cebu pa siya pero ramdam na niya ang hagupit ng kamalasan.

Sakit ka talaga sa atay Keanu. Tutusukin niya talaga ng karayom ang singit ng baklang 'yon pag-uwi.



MYKAEL deactivated all his social media accounts. Nagpalit din siya ng sim card. He saved his friend's numbers in case he needed some help. He only left two notes, one for his mother and one for Kharl ang vice president ng Mind Creatives. He needed time off. Baka mahimas-masan siya kung mag-so-solo travel muna siya.

Sakay na siya ng fast craft papunta ng Bohol. Open air pala ang nabili niyang ticket kasi 'yon na lang ang available. Nag-one day tour pa kasi siya sa Oslob at gusto niya ring makita ng personal ang butanding.

Binalikan niya ang nakasulat na to-do-list sa maliit na spring notebook na hawak.

1. NO GIRLS

2. NO SEX

3. NO PARTIES

4. Don't be wasted

5. Be a good boy

6. More time for myself

7. Be closer to God

Nangati ang tungki ng ilong niya. Kasinungalingan yata lahat nang mga sinulat niya. Kayanin mo talaga 'yan Mykael Sy!

Naibaling bigla ni Mykael ang tingin sa kanina pa sundot nang sundot sa kanya sa braso. Isang cute na batang babae. Katabi nito ang tulog na tulog na ama. Sa tantiya niya ay nasa five years old na yata ang bata at mukhang bored sa buhay.

"Hello," nakangiting bati niya sa bata. "What's your name, baby?"

"Princess," sagot nito.

Kulot na kulot ang buhok nito at chubby na chubby. Mukha itong kerubin. Alam niyang 'NO GIRLS' muna, pero who would ignore this little munchkin siopao?

"Let's play," aya nito.

"Play?"

Malaki ang ngiti na tumango ang bata sa kanya. Lumapit ito sa kanya dala-dala ang pink na bag nito na punong-puno ng mga hair clips at pantali. Hawak ng isang kamay nito ang pink din na suklay.

Dahil natutuwa siya sa bata ay hinayaan niya lang na lagyan siya nito ng mga hair clips sa buhok. May picture pa silang dalawa ng bata.

"Ginoo ko!" Bigla ay may dumating na babae. Mukhang nanay ng bata. Mabilis na pinalo nito sa braso ang asawa nitong tulog para gisingin. "Naunsa naman ka Leo oy. Gipasagdan rana nimo atong anak. Tan-awa, maikog sad ta ni Sir."

Naalimpungatan pa ang tatay. "Ha? Ngano man? Na unsa naman? Malumos nata?"

"Ikaw gyud akong lumsan! Bangon diha."

"Okay lang po," sagot niya kahit walang naintindihan. "Mabait naman ho ang anak n'yo."

Kinuha ng babae si Princess at kinarga. "Naku, pasensya na talaga sir. Sorry kung kinulit ka ng anak namin."

"It's okay, no worries." Tumayo siya. "Excuse me lang po, saan po ba 'yong CR dito?"

"Straight lang po." Turo nito sa dulo.

"Thank you."

Nag-excuse na siya at nag-CR.

Pabalik na siya sa kinauupuan niya nang may maapakan siyang kung ano. Pagbaba niya ng tingin ay lip balm. Yumuko siya para pulotin 'yon. Naigala niya ang paningin sa paligid. Kanino naman kaya 'yon?

"Ayoko na talaga! Magpapakamatay na lang ako."

Natigilan siya nang marinig 'yon. Napansin niya ang isang babaeng nakasuot ng pulang blouse at itim na jeans. Nakatalikod ito sa kanya at mahigpit ang hawak sa railings at mukhang may balak pa yatang tumalon mula sa barko. Nasa pinakadulo ito, wala gaanong pasahero sa itaas, mainit kasi. Nakapagtatakang wala man lang nakapansin dito na mga marino.

Nanlaki ang mga mata niya nang isampa na nito ang isang paa sa unang linya ng railings. Jesus Christ! Magpapakamatay ba talaga siya?!



KANINA pa aligagang-aligaga si Gumie. Ang dami na niyang problema sa buhay. Ngayon ay dinagdagan pa ni Keanu. Hindi talaga matatahimik ang mga magulang niya kapag ibinenta niya ang bahay at lupa nila sa Bohol. Isusumpa talaga siya ng Tiya Conching niya at ng buong Sitio Tierra de Gumamela.

Kung sana magawang mahanap ng mga police ang walangyang Stan na 'yon agad-agad at nang ang ulo na lang nito ang ipambayad niya sa banko. Pina-blotter niya talaga ang gago at kinasuhan ng panloloko, pananakit at shoplifting para masama sa wanted list. She's doing this simultaneously, kung mahanap si Stan, 'di na niya kailangang ibenta ang bahay, pero kung hindi, wala talaga. Isusumpa na talaga siya ng sitio niya.

Ayaw rin naman niyang makulong. Paano na ang future niya?

Halos yakapin na niya ang railings. Naiiyak siya na ewan. Tila ngayon talaga nag-sink-in sa kanya ang lahat. Malas! Isa talaga siyang malaking malas. Lahat ng mga magagandang pangarap na binuo niya kasama si Stan, nawala na lamang nang parang bula.

"Bwesit ka talaga Stan! Kasalanan mo 'tong lahat. Minahal kita pero ginago mo lang ako. Ipapakulam talaga kita. Aalayan ko gabi-gabi ng sisiw ang picture mo. Walangya ka! 'Di kita patatahimikin. Susundutin ko talaga 'yang mga mata mo!"

Hiningal siya pero hindi pa rin siya nakuntento.

"Ayoko na talaga! Magpapakamatay na lang ako." Bumaba ang tingin niya sa asul na dagat. Isinampa niya ang isang paa sa unang linya ng railings. "Malalim kaya 'to?" Ahm, malamang Gumie, 'di ba? Kung mababaw 'yan, aandar ba ang barko?

"No!"

Napasinghap bigla si Gumie nang may kung sinong mga braso ang yumakap sa kanyang baywang. Maiipit yata ang mga intestines niya sa sorang yakap nito sa baywang niya. Nawalan ito ng panimbang kaya pareho silang napahiga sa sahig. Napaigik siya sa sakit nang tumama ang likod ng ulo niya sa sahig at nasa ibabaw niya pa ang lalaking may – madaming clip sa buhok?

Nagtama ang mga mata nila.

May hair clip sa ulo. Mapula-pula masyado ang labi at pisngi. Siya lang ba o talagang golden light brown ang mga mata nito? Kitang-kita niya ang bawat detalye ng mga mata nito dahil sa magandang kulay ng mga mata nito.

Ang gwapo! Pero feeling niya may something. Ang bango pa. Halatang banidoso. 'Yong si Stan, banidoso rin pero mukhang ewan.

Ay sus, pero minahal mo naman. Tumahimik ka isip. Hindi ko hinihingi ang opinion mo. Shut up!

Kumunot ang noo ng lalaki sa kanya. Wala gaanong tao sa parte na 'yon kaya wala gaanong nakapansin sa kanilang dalawa.

"Ang daming gustong mabuhay sa mundo pero ikaw, sasayangin mo lang ang buhay mo?" inis na wika nito. Ahm, hindi ko naman talaga siya sasayangin. Tinitignan ko lang kung malalim ang dagat. Pero hindi niya maisitinig 'yon dahil tila nahihipnotismo siya sa magandang mata nito.

"What's your problem?" Ikaw, ano ring problema mo? Inaano ba kita? Syet, ganda talaga ng mga mata niya. Pati ang mukha. Wala man lang ka pores-pores.

"Okay, I'm sorry." Lumamlam ang ekpresyon ng mukha nito. Umalis ito sa harap niya at tinulungan siyang makabangon. Pareho na silang nakasalampak ng upo sa sahig. Titig na titig naman siya sa binata. Para itong hinugot sa Korean drama. "I was a bit insensitive with my tone of voice kanina." Ang gwapo namang bakla nito. Nag-assume agad? "Are you okay?" At ang lambing ng boses. "Miss, are you okay?"

Napalunok siya. Wait, 'yong utak niya nawawala. "Ahm, bakla ka ba?"

The man looks at him disbelievingly. "Huh?"

"Sorry," hinging paumanhin niya agad.

Mapepektusan talaga kita Gumamela Macaraeg. Umayos ka.

"Okay lang ako. Huwag mo na lang pansinin 'yong sinabi ko." Tumayo na siya at pinagpag ang alikabok na dumikit sa skinny jeans niya. "Sorry, 'di naman talaga ako magpapakamatay. Madami akong problema pero 'di pa naman ako umaabot sa level na 'yon."

"Good to hear that." Tumayo na rin ito.

Hindi niya talaga maiwasang punahin ang kabuoan ng binata. Matangkad ito, maputi, matangos ang ilong, mahahaba ang pilikmata, medyo makapal ang kilay at chinito. Para itong hinugot sa mga Korean Dramas na kinaadikan niya nang sobra. 'Di niya alam kung may lahing Koreano ba ito o Chinese kagaya ng mga boss niya dati. Parang both yata. He's really handsome. As in sobra!

He's wearing a printed white button-down polo na may dried leaves na design. He matched it with a black denim shorts na hanggang sa tuhod nito ang taas. Halatang mamahalin din ang brown topsider na sapatos na suot nito.

Bumaba ang tingin niya sa lip balm na nasa sahig. Sigurado siyang hindi sa kanya 'yon. Kaya sure na sure siyang sa gwapong lalaki 'yon. Confirmed!

Magsasalita pa sana siya nang mag-ring ang cell phone niya. Tumatawag si Keanu. Galing talaga tumayming ng pinsan niyang 'to!

"Aren't you gonna take the call?" tanong nito.

"Ah, oo. Excuse me." Iniwan niya ang binata at lumayo para sagutin ang tawag ni Keanu. "Ba't ka ba kasi tumawag?!" Sa gilid ng mata niya sinundan niya ang lalaki. Bumalik na ito sa kinauupuan nito at busy na sa pag-tingin sa cell phone nito. "Ewan ko sa'yo! Panira ka ng moment. Maghintay ka riyan. Bye!"



"GUMIE?"

Natigilan si Gumie nang marinig ang isang pamilyar na boses. Paglingon niya ay papalapit sa kanila si Myco kasama si Kassandra. Parehong kababata niya ang dalawa sa Anda. Matagal nang magkasintahan ang dalawa at balita niya ay ikakasal na nga raw ngayong buwan. May history pero long story.

"Myco? Kassy? Nandito pala kayo?" Pilit siyang ngumiti sa dalawa.

Speaking of kamalasan. Nagpaparamdam na naman ito. Sa lahat ng oras, araw at lugar, talagang pinagtagpo pa talaga sila ng mundo. Magkikita pa rin naman sila. Napaagad lang, 'yong 'di pa siya prepared. Mukhang sa iisang fast craft lang sila kanina, nasa itaas lang siya.

"We sent our wedding invitations sa mga relatives at kaibigan namin sa Cebu. Sa Anda lang ang kasal namin ni Kass," sagot ni Myco. "Sana makapunta ka rin. Nagbigay na kami ng invitation kay Manang Conching."

"Siya na ba si Stan?" singit bigla ni Kassy.

May kung sinong itinuro si Kassy sa likod na siyang nagpalingon sa kanya. Nanlaki ang mata niya nang makita ang binata kanina. Tumingin ito sa direksyon niya at may ngiting kumaway. Kailan pa sila naging close?

"Sabi kasi ni Keanu uuwi ka raw at kasama mo rin daw ang fiance mo. E kasi, kanina pa siya nakatingin sa'yo." Nakatingin sa kanya? "Tama ba ako?"

Nilingon niya ulit ito. Mukha talagang hinihintay siya nito pero wala pa ang mga bagahe nito. Mamaya mag-uusap sila. Ibinalik niya tingin sa dalawa.

"Ah, oo, he's Stan," pagsisinungaling niya. "Hinihintay lang niya 'yong mga bagahe namin." Langya, Gumie! Saan ka na naman humugot ng confidence magsinungaling?

"Ang gwapo ah. Totoo pala talaga ang sabi ni Keanu."

"Masaya kami para sa'yo Gumie," ni Myco.

"Salamat."

Naglapat ang mga labi niya.

"P-Pakilala ko kayo," dagdag pa niya. Please say no! Parang-awa n'yo na. Hindi pa siya ready mapahiya. "Teka lang –"

"Hindi na," pigil ni Kassy. Thank God! "Magkita na lang tayo sa Anda. May pupuntahan pa kasi kami. Nasa labas na ang sundo namin."

"Mauuna na kami Gumie," paalam ni Myco.

"Sige, kita na lang tayo sa Anda."

Nang makalabas sa terminal ang magkasintahan ay mabilis na lumapit siya sa estrangherong gwapong chinito.

"Please, help me!" Halatang nagulat ito sa paglapit niya. "Hindi ko ibibigay ang lahat pero pwede nating pag-usapan ang daily rates mo, magpanggap ka lang fiancé ko."

"Teka lang –"

Pinagdaop niya ang mga kamay sa harap nito. "Desperada na talaga ako. Kung curious ka kung ano ang problema ko. Ito na 'yon. Ito na ang malaking problema ko. Ikamamatay ko kapag 'di mo ako tinulungan."

Hinawakan siya nito sa magkabilang-balikat. Hinuli nito ang mga mata niya. "Okay, Miss, I want you to calm down first. Inhale." Nag-inhale siya. "Exhale." At nag-exhale. "Feeling better?"

"My name is Gumamela Macaraeg, 24, and it's complicated. Please, be my pretend fiancé," dire-diretsong niyang sabi.

Napakurap-kurap ang binata sa sinabi niya. "Seryoso ka ba?"

"Mukha ba akong nan-ti-trip sa buhay?" inis at naiiyak na niyang balik tanong dito. "Seryoso ako. Kailangan kita sa buhay ko."

Natawa ito. "Goodness sake, lalapit lang sana ako para itama ka, pero mukhang mapapasubo na naman ako nito. Okay, fine! Miss Gumamela Macaraeg, tell me your story." Wala siyang maintindihan sa sinabi nito, pero willing siyang i-kuwento lahat ng mga masasamang pangyayari sa buhay niya.

Gumamela fight

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro