Kabanata 19
"GUMIE?" Bumakas ang pagtatataka sa mukha ni Mykael nang pasukin niya ito sa silid nito. Mabilis na isinarado at in-lock niya ang pinto. Sinunod niya ang mga bintana. "Why are you closing the windows?"
Hindi niya pinansin ito at tinapos niya ang pagsasara ng mga bintana. Pagkatapos ay nilapitan niya ito at pilit na hinubaran ng damit.
"What the - Gumie?" Hinawakan nito ang mga kamay niya at pilit siyang pinigilan. "Why are you undressing me?"
"Take your shirt off."
"Why? Bakit ako maghuhubad?"
"Let's do it."
"No!"
"Kung kaya nila, mas kaya ko." Pinalis niya ang kamay nito at pilit na itinaas ang suot nitong t shirt. "Pakakasalan mo rin naman ako. Kaya i-advance na lang natin." Stunned, Mykael suddenly cupped her face and kissed her hard on the lips. Naitulak niya ito palayo. "Bakit mo ako hinalikan?! I was just testing you."
"I kissed you to stop. Let's talk."
"Naiinis pa rin ako!" Naupo siya sa gilid ng kama. "Pero nangako akong makikinig ako sa'yo kahit sobrang tagal mo akong sinundan dito." Hinablot niya ang malapit na unan sa kanya at pinalo 'yon rito. "Saan ka ba galing? Ba't antagal mo?!"
"Gumie! Ouch. Ano ba? Magsasakitan lang ba tayo rito? Akala ko ba makikinig ka sa'kin?"
"Sa tingin mo ba madali sa'kin na hindi mag-isip nang masama? Kinakalma ko lang ang sarili ko." Tumigil siya at kinalma ang sarili. Humugot siya nang malalim na hininga. "At ikaw naman, nanghahalik ka na lang bigla." Nanghahaba pa rin ang nguso at kunot na kunot pa rin ang noo na dagdag niya.
"Sino ba sa atin ang nanghuhubad bigla?"
"Sinusubukan lang kita."
Natawa ito sa kanya. "'Di ko tuloy alam kung galit ka ba talaga sa'kin o pinagti-trip-an mo ako. I was anxious as hell the whole day, wondering about your reaction. But I didn't expect this one. Seriously Gumie?"
"Hindi pa rin ako natutuwa roon sa mga pictures na nakita ko."
"Nothing happened."
"E ano 'yon? Pictorial? Photoshoot? Ganun?"
"No, everything is a misunderstanding." He reached for her hand and look at her straight in the eyes. "I was set up by Stanley and his girlfriend Sara."
Nanlaki ang mga mata niya. "Si Stanley?"
Malungkot na tumango si Mykael.
"Sinabi ko sa'yo na sasabihin ko ang lahat kapag naging okay na. I didn't have the courage to tell you the truth dahil natatakot ako sa magiging reaksyon mo. I couldn't remember a thing. I was not sure if may nangyari sa amin o wala. At baka kapag tinanong mo ako, wala akong maisagot, you might think that I'm lying and that I'm just making things up to cover up my mistakes."
"So I asked Peter to help me, dahil alam kong may mali. And I was right, someone framed me up para sirain ako sa'yo. I thought it was my father, but it turned out, it was Stanley, with the help of his girlfriend. 'Yong babae sa picture. Kung 'di dahil sa ama ko, we wouldn't find out the truth. I'm sorry if I kept these things from you, ayoko talagang mawala ka sa akin. I'm doing my best to keep you in my life. I don't want you to have a reason to leave me - aww!"
Hindi niya napigilan na paluin ito sa braso. "Loko ka talaga! Sinabi ko sa'yo na makikinig ako sa'yo, 'di ba? Hinihintay kitang magsalita."
"Pero magagalit ka pa rin e." Himas-himas ang nasaktang braso na sagot nito. "Kita mo nga ngayon, sinasaktan mo ako."
"Sinasaktan kita kasi nanggigil ako sa'yo. Alangan naman na tumawa pa rin ako kapag may nagpadala sa'kin ng mga scandal photos ng boyfriend ko? Anong gusto mong mangyari? Yakapin kita at sabihin sa'yo na okay lang 'yan. It's part of life. Mykael, magagalit ako pero pakikinggan ko pa rin ang paliwanag mo. Saka ako magde-desisyon kung tama bang maghiwalay tayo o hindi. Hindi naman ganoon kakitid ang utak ko o ang puso ko. Dios ko naman!"
Bigla siya nitong niyakap. "I'm sorry. I was just so scared of losing you."
Napabuga siya ng hangin. "Bwesit na Stanley 'yan ah. Bitter niya masyado. Uupakan ko 'yon e."
"They're both in jail now."
"Dapat lang!" Sa pagkakataon na 'yon, gumanti siya ng yakap. "Na stress ka pa tuloy."
"I missed you."
Natigilan siya nang maramdaman niyang yumugyog ang mga balikat nito. Umiiyak ba si Mykael?
"Are you crying?"
"No," kaila pa nito.
Napangiti siya nang marinig niya ang paggaralgal ng boses nito.
"Hoy, iniiyakan mo ba ako?"
"I-I'm not."
Marahas na kumalas siya ng yakap dito. Lalo siyang namangha nang makita ang luhaang mukha nito. Hindi niya alam ang mararamdaman nang mga oras na 'yon.
"Huwag mo akong iyakan." Pinunasan niya ang mukha nito. "Para kang temang diyan. Ano na lang iisipin ng mga kakilala mo? The famous creative genius Mykael Sy is a cry baby."
"Iiyak ako dahil gusto ko."
"Hindi ako mawawala. Pakakasalan mo ako, 'di ba? Nanliligaw ka pa lang sinabi mo na sa akin na pakakasalan mo ako sa lahat ng simbahan."
Natawa ito. "Hindi naman sa lahat, pumili ka lang ng simbahan."
Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng tawa. "Panira ka rin ng moment e."
"I love you." Muli siya nitong ginawaran ng halik sa labi. "I love you! I love you! I love you." Pinanggigilan nito ng halik ang buong mukha niya. "Mahal na mahal kita Maria Gumamela Macaraeg."
"Mahal na mahal din kita Mykael pero may problema pa tayo."
"Ano 'yon?"
"Ang pamilya ko."
SI Gumie yata ang kinakabahan sa titig pa lang ng buong angkan niya sa kanilang dalawa ni Mykael. Nasa sala sila ng bahay at hinihintay ang sagot ng tiyo at tiya niya tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Mykael.
"Totoo ba 'tong relasyon n'yo o baka nakabuo na naman kayo ng kalokohan na dalawa?" diskumpyadong basag na tanong ng tiyang niya. "Aba'y, pag-uuntugin ko na kayong dalawa."
"Baka ginagawa mo na naman 'to Gumie dahil si Mykael na ang may-ari ng bahay," dagdag ng tiyo niya. "At ikaw naman Mykael, sure ka bang gusto mo 'tong pamangkin namin? Baka kapag nagsawa ka, iwan mo lang din 'tong Gumie namin."
"Hindi po," sagot ni Mykael. Naibaling niya ang tingin sa seryosong mukha nito. "Noong bumalik po ako rito noon. Totoo ho lahat ng hangarin ko kay Gumie. Alam ko ho na malaki ho ang nagawa naming kasalanan dahil sa pagsisinungaling namin. Pero hindi ho ako nagsisisi dahil 'yon ang naging daan para makilala ko si Gumie."
"Patunayan mo muna ang intensyon mo, Mykael."
"Gagawin ko ho ang lahat."
"Pormal mong ligawan sa harap namin si Gumie."
"Buong puso ko pong liligawan si Gumie." He reached for her hand and give it a little squeezed. "Para po sa kanya, gagawin ko ang lahat."
"Talaga lang ha?"
Ngayong pa lang, gusto na niyang maiyak. Alam niya kung gaano naghirap ang mga asawa ng pinsan niya sa kamay ng tiyo at tiya niya. At sure na sure siyang gaganti ang mga 'yon kay Mykael.
HALOS gawin nang kargador at alipin ng mga asawa ng pinsan niya si Mykael. Wala naman siyang magawa dahil nakabantay ang tiyang niya sa kanya. Hindi niya naman naringgan ng kahit anong reklamo si Mykael pero alam niyang nahihirapan na rin ito.
Mula sa paghahakot ng tubig, pagbibiyak ng kahoy, pag-aayos ng bubong at paglalaba ng mga kubre kama. Gustong-gusto na niya itong tulungan pero alam niyang pipingutan lang siya ng tiyang niya.
Inabala na lamang niya ang sarili sa pagluluto ng pananghalian sa dirty kitchen.
"Gumie." Boses 'yon ng tiyang niya.
Itinigil niya ang ginagawa at nilingon ito. Mga tatlong bayong ang dala nito. Agad na kinuha niya ang dalawang hawak na bayong nito.
"Ba't 'di po kayo nagpasama kay Keanu? Baka na paano pa kayo sa daan?"
"Nagpasama ako sa batang 'yon. Pero hanggang sa labas lang ng bahay ako hinatid dahil rarampa pa raw. Mababatokan ko na talaga ang batang 'yon."
Nang araw na matanggap niya ang mga pictures na ipinadala sa kanya ay 'yon din ang araw na tinawagan siya ni Keanu para pauwiin na ng Bohol. Ang baklang 'yon, akala niya inatake sa puso ang tiyang niya, 'yon pala, inatake ng high blood. Nagmadali siyang umuwi dahil natakot siyang baka wala na siyang maabutan at baka hindi na rin siya makahingi ng patawad.
"Parang 'di naman na kayo nasanay."
"'Yon na nga e, parang 'di niya ako nanay. Maiba ako, ikaw ba ay pakakasalan niyang si Mykael?"
"Sabi niya po."
"Sabi niya lang. Pero gagawin ba niya?"
"Mahal ho ako ni Mykael, tiyang. Naniniwala ho ako roon. Sa dami ho nang mga pinagdaanan namin, napatunayan na ho niya sa akin ang pagmamahal niya. Alam ko na hindi maganda ang nakaraan niya pagdating sa mga relasyon pero nakikita ko ho ang ginagawa niyang effort para sa akin."
Tumango lang ang tiya niya sa kanya.
"Magbibihis muna ako, babalikan kita rito mamaya."
"Sige po."
Ibinalik niya ang atensyon sa pagluluto nang iwan siya nito. Napasinghap siya nang maramdaman niya ang pagyakap sa kanya ng kung sino mula sa likod at ang pagdaan ng mainit na hininga nito sa kanyang isang tainga.
"I miss you," bulong nito. Pinihit niya ang sarili paharap kay Mykael. Agad siya nitong siniil ng halik sa mga labi na mabilis din niyang tinugon.
"Ano ka ba?" Mahina niya itong pinalo sa balikat nang matapos ang halik. "Makita pa tayo ng tiyang ko na nagnanakaw ng sandali. Babatokan tayong dalawa nun."
"Break ko naman, bawal ba?"
Natawa siya. "Hindi naman, pero kapag nalaman niya, lalo ka niyang pahihirapan."
"Kaya ko naman basta para sa'yo. Maliit na sakripisyo lang 'to kumpara sa mga nagawang sakripisyo ng pamilya mo para sa'yo."
Tila hinaplos ng mga anghel ang puso niya sa sinabi nito. Pangarap lang niya dati ang magkaroon ng isang nobyo na mamahalin siya nang totoo at maiintindihan ang ka demonyohan ng isip niya. Hindi niya alam kung anong nakita ng Dios sa kanya para bigyan siya ng isang Mykael Sy.
"What did I do to deserved you?"
"You changed me."
"Binago mo rin naman ako ah."
"That's why we deserved each other." He kissed her again. "And we will get through this together, I promise you that." She cup his face and kiss him back with the same want and passion. She felt him smile between their kisses.
"Ang mga batang 'to!" Mabilis na kumalas sila sa isa't isa nang marinig ang sigaw ng tiyang niya. "Nawala lang ako saglit may pumapapak nang langgam sa'yo."
"Tiyang!"
"See you later." Muli pa siyang hinalikan ni Mykael bago mabilis na tumakbo palabas ng dirty kitchen at dahil nga ang pinto ay nasa direksyon ng tiyang niya, napalo pa rin ito ng tsinelas ng tiyang niya.
Hindi niya mapigilan ang matawa. Ang kulit talaga!
"At ikaw Gumamela, huwag kang masyadong marupok. Magluto ka na."
Pigil ang ngiti na tumango siya. "Sige po."
NABULABOG ang gabi nang marinig nila mula sa taas ng bahay ang tunog ng gitara. Hinila na siya ni Keanu sa direksyon ng bintana, sumunod sa kanila ang mga pinsan at ang tiyang niya.
Nagulat siya nang makita si Mykael kasama ang mga asawa ng pinsan niya. Sa pormahan ng mga ito ay mukhang aakyat yata ng ligaw. Nakasuot pa ng barong ang mga loko. Si Mykael ay may hawak na gitara at support group yata nito ang mga bayaw niya.
Nakisilip din ang tiyo niya.
"Ayan na, may manghaharana na," kinikilig na sabi ng pinsan niyang si Angelina.
"Ganda mo 'te!" Halos yakapin na siya ni Keanu. "Pikutin mo na 'yan."
"Keanu!" sita ni tiyang rito.
"Gumamela, mahal ko!" sigaw ni Mykael mula sa ibaba. "Ganda mo'y kasing liwanag ng buwan. Kahit na ang ugali mo'y kasing itim ng kalangitan." Walangya! Lalo siyang tinukso ng mga pinsan niya. "Hayaan mong handugan kita ng isang kantang nabuo dahil sa pagmahahal ko sa iyo."
Manliligaw na nga lang ang 'sang 'to, sisiraan pa siya.
Akmang magsisimula na ito nang bigla itong matigilan. Nilingon nito si Kuya Mark. "Kuya, okay lang ba kung English ang kakantahin ko?"
Natutop niya ang noo. Talaga naman Mykael Sy?
"Okay lang 'yan, basta with feelings."
"Ah, okay, akala ko kasi kailangan ding Tagalog." He cleared his throat. "Sige, game na." Inangat ni Mykael ang mukha sa kanya. Sumilay ang isang matamis na ngiti nito habang nag-gi-gitara. Then he started singing. "Let me go back to the first day we meet. Wondering why I said yes? I found you crazily beautiful in that plain red blouse and black jeans. Your cute knotted forehead... matched with a sweet sarcastic smile... unknowingly, I fell in love."
Did he really made a song for me?
"Tears fell from your eyes. But you were still smiling even if you're already fallen apart. I saw how brave your heart... and they say you're nothing, but girl, for me, you're worth everything."
He winked.
"You're not perfect and it always makes you cry. I told you, you are... and will always be perfect in my eyes. Hush now, I'm here. No need to be sad. You need a prince, but no, you'll be perfect with a rebel guy like Mykael Sy. 'Cause baby, you're beautiful in a lot of ways you didn't know... and I will always be thankful for this beautiful lie in the form of you... Baby, you're beautiful. And will always be."
Kinuyog tuloy siya ng tili at kilig ng mga kasamahan niya. Siya naman, sobra pa sa kilig ang nararamdaman niya nang mga oras na 'yon. She was already in the verge of crying. Bwesit ka talaga Mykael! Hindi ka talaga nauubusan ng mga paraan para payakin at pangitiin sa kilig.
"KAILAN mo pa 'yon isinulat?" basag ni Gumie habang naglalakad sila sa tabing dagat sa ilalim ng malaking buwan. "Ang effort nun ah."
Tila musika sa pandinig niya ang malakas na hampas ng mga alon na sumasabay sa malamig na ihip ng hangin ng gabi.
"Matagal na, balak ko talagang kantahin 'yon para sa'yo." He chuckled. "Kakantahin ko sana 'yon na tayong dalawa lang pero mukhang mas maganda na marinig nila pati ng mga kapitbahay n'yo ang kantang ginawa ko sa'yo."
"Maganda."
"Glad you liked it." He laced his fingers to hers. "I made it by heart."
"Ramdam ko nga e."
"Actually may karugtong pa 'yon e."
"Talaga? Pinutol mo lang?"
Natawa ito. "Oo, hanggang chorus lang kinanta ko kanina. Gusto mo ba marinig ang karugtong nun?"
She nodded. "Sige nga, ano ang kasunod nun."
Mykael smiled at her. "You're a mess, so do I," kanta nito. "Made mistakes and screwed things up. Lost souls searching for themselves. Meet in a place where love exists. I didn't realize I could love this way. I doubted but I took the risk. You made me whole again... and I'm willing to give it all. I swear, I can now love you more. So baby, listen..."
Tumigil sila sa paglalakad at hinarap siya nito nang hindi binibitawan ang kamay niya. He saw the honesty of his love in his eyes. Doon pa lang, alam niyang, si Mykael na ang lalaking gusto niyang makasama habang buhay.
"You're not perfect and it always makes you cry. I told you, you are. And will always be perfect in my eyes. Hush now, I'm here. No need to be sad. You need a prince, but no, you'll be perfect with a rebel guy like me." Mabilis na niyakap niya ito. Hindi na niya napigilan ang mga luhang pilit niyang pinipigilan kanina pa. "I love you Gumie. Simula nang mahawakan ko ang magaspang mong kamay. Alam ko na babaguhin mo ang maraming bagay sa akin."
"Inaano ka ba ng magaspang kong kamay?" iyak niya.
Natawa ito. "I just love every imperfection you didn't hide from me. I fell in love with your scars because it showed the real you. At kung ano man ang mga pagkakamali nating dalawa sa nakaraan, unknowingly, we fixed each other's imperfections and fill the craters of our emptiness." Inangat niya ang mukha rito. "And thank you for loving a broken man like me, Gumie."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro