Kabanata 18
"I'M STILL checking all the CCTV cameras in that hotel." Inilapag ni Peter ang iPad nito sa mesa. "But I'm missing one area. Mukhang naunahan ako ng kung sino. Inaalam ko pa kung sino ang taong 'yon."
"I will make sure that person will rot in jail." Naikuyom ni Mykael ang mga kamao. "They will regret what they did to me."
"I got your drug result." Sunod na inilapag nito ang isang brown envelope. "Positive. Someone put a drug in your drink. Tama ka, na set up ka."
"Do everything Peter. Alamin mo kung sino ang mga taong 'yon. At kung ano ang motibo nila para gawin sa'kin 'yon."
Peter nodded. "But aren't you gonna tell Gumie the truth?"
"I can't tell her now. Wala pa tayong enough evidence."
"I'm sure, Gumie will understand. May nangyari man o wala, biktima ka lang Mykael. Huwag mong hayaang sa iba malaman ni Gumie ang totoo."
"I'll tell her soon, but not now."
I just can't tell her now.
He was interrupted by his phone's message tone. Kunot ang noo na binasa niya ang message sa kanya.
Hope she like our photos together. – unknown number
Bigla siyang kinabahan. Marahas na naingat niya ang mukha kay Peter. He was alarmed by his sudden shift of expression.
"Who's that?"
"I don't know," sagot niya. Kinuha nito ang cell phone sa kanya. "But I have a bad feeling about this." Hindi siya mapakali. May kutob siyang numero 'yon ng babaeng nag-iwan ng sulat sa kanya sa hotel. "Gumie!" Bigla siyang napatayo sa kinauupuan. "She sent something to Gumie."
"This is a burner number. I can't call back."
"I need to go home. Kailangan kong puntahan si Gumie."
"Sasama ako sa'yo."
WALANG Gumie na naabutan si Mykael. Lahat ng mga gamit nito ay wala na sa mga cabinet maliban na lamang sa mga kuhang larawan niya at ng isang babae. At wala talaga siyang naalala nang gabing 'yon. He don't even know the woman. At malabo na naging babae niya ito o naging kliyente man lamang.
"I'll call the courier para ma traced natin ang nagpadala nito."
"What do they want from me Peter?" hindi niya napigilan na sigaw. Nalakumos niya ang mga larawan. "Why are they doing this to me?" He's starting to get frustrated. Hell, he can't even contact Gumie's number. "She won't pick up my call."
"What is happening here?" Pumasok sa silid ang kanyang ina. "Mykael?" baling nito sa kanya. Confusion and concern were written all over his mother's face. "Kadarating ko lang pero rinig na rinig ko ang sigaw mo sa ibaba? Peter?"
"Someone wanted to destroy Mykael."
"Anong ibig mong sabihin?"
Naikuyom niya ang mga kamao. He will make sure to find that fucking asshole and that woman. Hindi siya makakapayag na sirain nito ang relasyon nilang dalawa ni Gumie. Magkamatayan na silang dalawa.
"What are these Mykael?" Hawak-hawak ng ina ang mga larawang kumalat sa sahig. "And where's Gumie?"
Marahas na itinapon niya ang nilakumos niyang larawan at dire-diretsong tinungo ang pinto.
"Myakel!" tawag sa kanya ng ina. "Mykael saan ka pupunta?!"
"SIR! SIR! 'Di po kayo pwedeng pumasok."
Hindi pinansin ni Mykael ang pagpigil sa kanya ng sekretarya ng ama niya. Agad niyang pinuntahan si Mykolo Lim sa opisina nito. Wala siyang ibang maisip na pwedeng gumawa nun sa kanya kundi ang ama niya. Ang ama niyang, walang ibang bukambibig kundi ang pareho sila at hindi kailanman makukuntento sa isang babae.
Marahas na binuksan niya ang pinto ng opisina nito.
"Sir!"
"Mykael?" gulat na tawag nito sa kanya.
"Sir Mykolo, sorry po talaga. Nagpumilit po kasi ang anak n'yo."
"It's okay Lin, iwan mo muna kami."
"Sige po." Iniwan na sila ng sekretarya nito at isinirado ang pinto.
"Maupo ka muna Mykael."
"You did this!"
"I did what?" kunot-noong tanong nito.
Malalaki ang mga hakbang na lumapit siya sa mesa nito. Pabagsak na inilapag niya ang mga kamay roon.
"What do you want to prove? Na kagaya mo ako? Na hindi ko kayang tumino? Is that what you want to tell me, ha?"
"What are you talking about Mykael? Pwede ba –" Nakuha ng atensyon niya ang nakabukas na Ipad nito sa mesa. Pamilyar sa kanya ang naka pause na video sa screen. 'Yon ang nawawalang video recording na hinahanap nila Peter. Nagtagis lalo ang mga panga niya sa galit. "So it was you?" Galit na galit na tinignan niya ito nang diretsa sa mga mata. "You were behind this."
"Mykael," his tone was calm and controlled. His calmness was pissing him off. "Will you calm down. Hindi masosolusyonan ang problema mo kapag galit ang pinaibabaw mo."
"How can I calm down?! You sent those photos to Gumie."
"I didn't not, okay?" His voice was still visible with calmness but very authoritative this time. "Now, sit down and listen to me."
"No!"
"Mykael." Naglabanan sila ng tingin. "I know you hate me, but I'm still your father. Sit down and listen to me."
Labag man sa loob niya ay sinunod niya ang gusto ng ama. Mabibigat pa rin ang mga paa na tinungo niya ang visitor's couch at marahas na naupo roon. Tumayo sa harap niya ang ama. He suddenly tossed the tab towards his direction. Napamura siya nang muntik nang tumama 'yon sa mukha niya kung 'di lamang siya naging maagap. What the fuck!
"You should be careful next time. Mabuti na lamang at nandoon ako."
"What are you talking about?"
"Alam kong kilala mo si Stanley Tan." Nanlaki ang mga mata niya. Paano nasangkot ang pangalan ng walangyang 'yon dito? He's already in jail. "Sara Miranda, the woman in the photo, she's Stanley's girlfriend."
"H-How did you know?"
"I asked someone to searched for them."
"I don't understand. Paano?"
"Nakita kitang umalis sa hotel nang umagang 'yon. You seemed frustrated and pissed. Hindi na kita nilapitan at baka masira ko lang lalo ang araw mo. You might be wondering why I was there, may scheduled meeting ako with the hotel owner, I was planning to buy the hotel and we had a little tour. That time, the security head was already suspicious with this one particular cctv video and informed Mr. Marcelo Villaluna, you know him?"
"Of course, then?"
"Sumama ako sa kanya sa CCTV room at namukhaan kita sa video. You seemed lifeless while a woman and a man dragged you inside one of those rooms. Doon pa lang kinutuban na ako, so I took the video and have it investigated privately in coordination with the hotel security. Balak ko sanang puntahan ka pero naunahan mo ako."
Sandali siyang natahimik. Hindi mag-sink-in sa utak niya ang mga sinabi ng ama. Why would he do this for him? Bakit ito nag-effort nang ganoon?
"Why are you doing this? Why are you helping me?"
"Because you're my son."
"IT LOOKS like Mykolo Lim is not as bad as we think of," basag ni Rave.
"We judged him unfairly because of his past," dagdag pa ni Kevin. "Malay natin, nagbago na talaga siya. Lowkey lang talaga ang pagbabago niya."
"I appreciate his effort, but I'm not sure if I'm ready to forgive him."
"Forgiveness takes time," ni Rave. "But never closed your door for it Mykael. Alam ko na mahirap, but it will make you feel better afterward."
"I agree," pag-sang-ayon pa ni Kevin.
"Hindi mo pa rin ba nako-contact si Gumie?" tanong ni Peter.
"No." Malayo ang tingin na umiling siya. "I tried, but she won't pick up her phone."
"Ako na ang bahala sa pagkulong ng babaeng 'yon. Don't worry, I'll make sure na magkasama ang dalawang 'yon sa bilangguan."
"Huwag mong sabihing, maghihintay ka lang dito Mykael?" tanong ni Kevin.
"Wala sa Cebu si Gumie," sabad ni Peter. "I called Mohana, nasa Bohol daw siya. Baka gusto mong samahan ka namin doon."
"Mykael gusto man kitang suportahan pero hindi muna ako makakasama sa inyong pakikibaka."
Naibaling nilang tatlo ang mukha kay Kevin. Ngayon niya lang napansin na medyo pumayat ito at namumutla. He's very keen in details kaya madali niyang napapansin ang mga kakaonting pagbabago ng isang tao o bagay.
"Are you sick?" pag-iiba niya.
"Hindi naman," he chuckled. "I have scheduled heart surgery this month, I need to monitor the patient's condition, part of my specialization. I've been studying for the past days, 'di na ako nakakatulog. Pasensiya na, call of sainthood."
"Hindi ka na ba babalik sa Cebu?" seryosong tanong ni Peter. "Akala ko ba doon ka na?"
"Not for now, something came up."
"Okay lang ba 'yon sa girlfriend mo na magkalayo kayo?"
"Kayo na ni Mohana?" sabay na tanong nila Rave kay Kevin.
"Hindi si Mohana ang girlfriend niya."
Kumunot ang noo nilang dalawa ni Rave. "Sino?"
"SOMETHING is off with those two," hindi maiwasang komento ni Mykael kay Rave. Umalis na ang dalawa at naiwan silang dalawa sa bar ng Sanjercas' Hotel. "Pansin mo ba?"
"Mas inaalala mo pa ang dalawang 'yon kaysa sa love life mo."
Natawa siya. "Actually, gusto ko na ngang umiyak. Pinipigilan ko lang."
"You know, tears is not a sign of weakness. Gusto mo ba ng likod na maiiyakan?"
Pareho silang natawa na dalawa. "Kinikilabutan ako sa mga linyahan natin. Tigilan mo nga ako Sanjercas."
"Umayos ka kasi Sy."
"Maayos na kasi ako." Ilang segundo silang natahimik. "I'm thinking about my father and Gumie."
"Makipag-ayos ka sa ama mo kapag handa ka nang pakinggan siya. You don't need to pressure yourself. As for Gumie, I'm sure she will listen to you. Mahal ka nun."
Napangiti siya. "Mahal na mahal ko rin ang Gumamela na 'yon."
"Kami na ang bahalang gumanti kay Stanley para sa'yo. Mag-focus ka na lang sa kaligayahan mo." Mahina nitong tinapik ang balikat niya. "You've always been supportive of me and Laura. Now I'm returning the favor. At tama ka, dadating din ang araw na pasasalamatan kita sa mga kagagohan mo sa'kin."
Natawa siya. "Sabi ko sa'yo e."
"Nag-thank you na ba ako sa'yo?"
"Hindi pa yata," he chuckled.
"Thank you."
"I can't believe I'm hearing this from you, Rave."
Tawang-tawa pa rin talaga siya. Kulang na lang isumpa siya nito sa mga babaeng pinapakilala niya rito noon. Who would have thought, that Rave can have a beautiful start in the form of Laura.
"I know," ngumit ito. Itinaas nito ang baso nito sa gawi niya.
He clinked his glass to Rave's. "I told you so."
"ATE GUMIE!" malakas na sigaw ni Keanu mula sa labas ng bahay.
Ang baklang 'to, kung makasigaw wagas. Iniwan niya ang ginagawa sa kusina at lumabas ng bahay.
"Ano ba? Kung makasigaw ka riyan, wagas?"
"Ate, si Kuya Mykael nandito."
Natigilan siya nang makita si Mykael. Tignan mo rin ang 'sang 'to. Parang batang malapit nang pagalitan. Mukhang aatras pa ito nang isa-isang nagsilabasan ang buong angkan ng pamilya niya.
Sino ba namang 'di matatakot sa Tiyong Lino niya na may hawak na bolo? Ang mga asawa ng mga pinsan niyang akala mo susulong sa bakbakan at lantad na lantad pa ang mga katawan. Si Keanu lang yata ang medyo iba dahil pamaspas ang dala, 'yong rainbow pa.
"Hindi po ako pumunta rito para makipag-away o saktan si Gumie. Gusto ko lang ho na linawin sa kanya ang lahat at magkaayos kami."
"Aba'y dadaan ka muna sa amin, hijo," ng tiyuhin niya.
"Patawarin n'yo po ako kung natagalan pero sana po ay bigyan n'yo ho ako ng pagkakataon."
Marahas na bumuntonghininga siya. "Kuya Mark, pakitulungan po muna si Mykael sa mga gamit niya. Pakiakyat po sa bahay niya."
"Gumie?" may pagtatakang tawag nito sa pangalan niya.
"Tiyong, si Mykael po ang bumili ng bahay kaya may karapatan po siya roon."
"'Di sa kanya na 'yan. Bumalik ka na sa bahay natin."
Akmang tatalikuran na niya ito nang mabilis siya nitong mahawakan sa pupulsuhan.
"Gumie, let's talk, please. Magpapaliwanag ako."
"Mamaya, makikinig ako sa'yo."
Lalo lamang kumunot ang noo nito sa kanya. "Mamaya?"
"Magpahinga ka na muna sa itaas. Mamaya mag-usap tayo."
"Hindi ba pwedeng ngayon na?"
"So sinong mag-a-adjust?"
"A-Ako?"
"Ikaw ang may kasalanan sa atin, 'di ba?"
"Pero –"
"Mamaya."
"Gumie –"
"Ay ang kulit!" Inalis niya ang kamay nito sa pagkakahawak sa kanya. "Mamaya nga, mag-uusap tayo. Chill ka lang."
"Sa reaksyon mo ngayon, mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko alam kung galit ka o hindi."
"Malalaman mo mamaya."
"Mamaya pa ba talaga?"
"Isa pang pangungulit Mykael at magagalit na talaga ako. May tinatapos ako, mamaya, aakyatin kita roon. Mag-uusap tayo."
"Promise?"
"'Di ba sinabi ko sa'yo na makikinig ako. Makikinig ako, pero mamaya na."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro