Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17

"MYKAEL."

Agad na napansin ni Gumie ang pagtagis ng panga ni Mykael nang batiin sila ng isang lalaki. Kapansin-pansin ang malaking pagkakahawig nito kay Mykael. Hindi kaya, ito ang ama ni Mykael? Si Mykolo Lim?

"It's not nice to see you here Mr. Mykolo Lim."

"Oh c'mon, ganyan ka ba talaga bumati sa ama mo? We've never seen each other for what? A decade? Century perhaps?"

"My father died a long time ago."

"Well." Ibinaling ng ama nito ang tingin sa kanya. Hindi niya mapigilan ang mailang sa uri ng tingin nito sa kanya. "Who is this beautiful lady? Bago na naman ah. The last time, it was Mellisa? Stephanie? Sophie?"

"She's none of your business." Humigpit ang pagkakayakap nito sa baywang niya. "Well, if you excuse us, we need to go."

"Running away again, Mykael?"

"No, I just don't have time for you."



"ARE YOU OKAY?" Kanina pa tahimik si Mykael simula nang umalis sila sa party. Mukhang 'di nito inasahan na nandoon ang ama nito sa naturang awarding ceremony. "Kanina ka pa tahimik riyan ah."

"Unfortunately, he's my father." Humigpit ang pagkakahawak nito ng manibela. Mykael was mad. He was just really controlling it. Umalis pa nga sila nang maaga.

"Ihinto mo muna sa tabi. Huwag kang mag-drive na galit ka." Marahas na bumuntonghininga ito at itinabi ang sasakyan sa daan malapit sa park. "Now, look at me."

Parang batang ibinaling nito ang mga mata sa kanya. She was not sure if he wanted to cry or shout. But she was sure he was mad and hurt.

"Tell me, ano bang nararamdaman mo ngayon?"

"I hate him. I hate him so much Gumie. I want him to die. I don't want to see him. I don't want him as a father. He's a selfish and arrogant man. He only cares about himself. He deserves to rot in hell."

"Is he always like that? Kung nagkikita kayo?"

"I tried to avoid him at all costs. But he's always getting into my nerves. Lagi niyang sinasabi sa ibang tao na katulad niya ako. Hindi makukuntinto sa isang babae. Magsasawa at magsasawa ako. You don't know how it affected me so much Gumie. I sometimes believe in everything he says. Paano kung magsawa ako? Paano kung masaktan kita? What if I become a man like my father?"

She reaches for his hand and gives it a warm and gentle squeeze. "I'm risking everything now Mykael dahil naniniwala ako sa pagmamahal mo sa'kin. Huwag kang magpaapekto sa mga salita ng ama mo. Don't doubt yourself, kahit na hindi ko personal na kilala ang ama mo. Alam ko na iba ka. Na hindi kayo magkatulad. You're Mykael Sy, and the Mykael Sy I know is adorable and faithful."

"I love you so much but... sometimes... I feared that I'll give you more reasons to unlove me."

"Halika nga dito." Dumukwang siya para yakapin ito. "Ang lakas ng loob mong ligawan ako pero ang dami pa lang tumatakbong negatibong bagay sa isipan mo. If you love me, you'll do anything to keep me. Always remember that I trust your love for me and if you ever make mistakes in the future, just be honest with me, makikinig ako sa kung ano pa man ang maging raso mo. Okay?"

"But you will still leave me?"

"Only if you want me to."

Kumalas siya ng pagkakayakap dito. "I don't want to lose you Gumie."

"Then don't."

May lambing na tinapik niya ang pisngi nito at ngumiti.



"CLOSE si Mykael sa ama niya noong magkasama pa kami," kwento ni Tita Monique habang nagbubuklat sila ng photo album sa sala. "Hindi ko nga mapaghiwalay ang mag-amang 'yon. Mykael will always say to his friends that he has the best father in the whole world and that we are a perfect family. I know how it affected him and deeply hurt his feelings, lalo na't mahal na mahal niya ang ama niya"

"Mykolo was the best father for Mykael pero ito rin ang sumira sa pamilyang sobrang nagpasaya sa kanya. After our annulment, he was not the same anymore. He was still the same sweet and adorable boy but a little cautious. Lumaki siyang mabait at matulungin, but a little viscous and naughty when it comes to woman. Iniisip niya na hindi para sa kanya ang ang pagmamahal. I remember he said to me, love is not for everyone, unfortunately he was not listed for a happy ending."

"Pero lagi kong sinasabi sa kanya na hindi siya kagaya ng ama niya. Na hindi siya magiging kagaya ko. He will fall in love like other people and will have his own happy ending in God's right time. At pinagdadasal ko sa Dios lagi 'yon, Gumie. Hindi ako kailanman mapapagod na hilingin sa Kanya ang tamang babae na magmamahal sa kanya nang totoo at mahahalin rin niya nang sobra."

"And I thank God, for giving someone like you in my son's life. He may have his shortcomings and his uncontrolled self-doubts within him, pero huwag mo siyang sukuan Gumie. My son really loves you... dearly."

"Alam ko po, tita. At ganoon din naman ako. Mahal na mahal ko rin ho ang anak ninyo."



DON'T wait for me, I'll be home late. I love you! –Mykael

Ibinaba ni Gumie ang cell phone sa bedside table pagkatapos na mag-reply sa message ni Mykael. May event itong pinuntahan. Hindi sana ito pupunta dahil hindi nito gusto ang theme ng party. The venue was in a known club in Makati. Hindi lang ito makahindi dahil isa 'yon sa mga client ng Mind Creatives.

May tiwala naman siya kay Mykael. Alam niya na 'di ito gagawa ng isang bagay na makakasakit sa kanya.

Nahiga na siya sa kama pero hindi siya mapakali. Ilang buwan na kasing 'di niya kinakausap ang tiyang and tiyong niya. Kay Keanu lang siya kumukuha ng impormasyon pero wala naman ito sa bahay lagi dahil sa Cebu ito nagko-kolehiyo.

Bumangon siya at isinandal ang likod sa headboard ng kama. Naibaling niya ang tingin sa cell phone niya. Kung tawagan niya kaya ang tiyang niya? Kamustahin lang niya? Kahit na sermonan na lang siya nito, ayos lang.

Marahas siyang napabuntonghininga. Ang hirap naman nito! Muli siyang nahiga at payakap na hinapit ang kumot. Tatawag ako ngayong linggo. Kaya ko 'to!

I ENJOYED LAST NIGHT. CALL ME! – SARA

"Fuck!" mura ni Mykael sa sarili pagkatapos makitang walang kung ano man siyang suot sa ilalim ng kumot. He was not even in his own room. Nahilot niya ang sentindo at muling napamura. "This is not happening. I didn't do it with other woman."

Nalakumos niya ang papel sa inis. Fuck, he couldn't remember anything. He was sure he was about to leave last night. For pete's sake, hindi naman siya nalasing kagabi. He didn't drink a lot. That was just two or three glasses of brandy. At hindi siya nalalasing doon.

Nahilamos niya ang mga kamay sa mukha. Naisip niya ang mukha ni Gumie. Hindi talaga, hindi niya talaga 'yon magagawa kay Gumie. He will never have sex with other woman. Pangako niya sa sarili 'yon.

But what the hell, Mykael?!

Alalahanin mo ang lahat. Hindi 'to pwede! This will hurt Gumie. No! No! No! I can't lose her. Hindi pwedeng mawala sa'kin si Gumie. Hindi ko kakayanin.



PATULOG na si Gumie nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Maaga siyang umalis kanina para makipagkita sa mga dating katrabaho at nang makabalik siya ay hindi pa nakakauwi si Mykael pero umaga na raw itong nakauwi. Umalis din agad at pumasok sa trabaho.

"Are you mad at me?" mahinang tanong sa kanya ni Mykael.

He was unusually quiet and troubled today. Tila ba may problema ito at kung anong bumabagabag rito. Nanlalalim rin ang mga mata. May sakit ba ito?

"Masama ba ang pakiramdam mo?" Lumapit siya rito at sinipat ang noo nito. "You're a bit hot –" Natigilan siya nang bigla siya nitong yakapin. "Mykael?"

"Let's just stay like this for a while. I missed you Gumie."

Napangiti siya. Hinaplos niya ang likod nito bago gumanti ng yakap. "Masama ang pakiramdam mo. Uminom ka na ba ng gamot?"

"No, I'm fine."

Kumalas siya ng pagkakayakap rito. Pilit itong ngumiti sa kanya but it never reached his eyes.

"May problema ka ba?"

"I'll tell you when I'm ready. It's nothing, really."

"Sure ka?"

He nodded. "Gumie."

"Hmm?"

"Can I sleep here tonight?" Napatitig siya rito. "Promise, I won't do anything. Gusto ko lang matulog na katabi ka. If that's okay with you?"

She gives him a smile. "Of course," tango niya. She then tiptoed to give a quick kiss on his lips. "I love you Mykael. Kung ano man ang bumabagabag sa'yo ngayon. Nandito lang ako. I can lend you my ears."

"I know, I love you too."

"Mauna ka na sa kama, papatayin ko muna ang ilaw. Inaantok na kasi talaga ako. Ang kulit kasi ng mga kaibigan ko sa dating trabaho ko." Nauna naman ito sa kama. "Umaga ka na raw nakauwi. Akala ko kasi natutulog ka pa nang makaalis ako. Hindi na kita sinilip at baka pagod ka."

She slips on the covers and Mykael immediately hug her tight. Isinandal niya ang ulo sa dibdib nito at pahigang yumakap dito. She left one lamp shade on.

"How was the party last night?"

"It was okay."

"Saan ka nag-stay?"

"I booked a room for myself. Nabanggit ko ba na nasa rooftop ang club? I forgot."

"Yata? 'Di ko na sure. Pero nag-enjoy ka naman ba?"

"I did. Anyway, how was your day?"

"Masaya, excited na silang magsimula sa company mo. Pangarap din kasi nila na makapasok sa Mind Creatives. Gusto ko rin sana magtrabaho roon pero may business pa ako. Kailangan ko na 'yong balikan."

"Babalik ka na ng Cebu?"

"Within this week siguro."

"Pero babalikan mo ako, 'di ba?"

Naingat niya ang mukha kay Mykael. "Of course, bakit naman kita iiwan?"

"I just don't want to see you leaving me."

Natawa siya. "Ang OA nito, ba't naman kita iiwan? Mahal na mahal kaya kita." Tinapik niya ang pisngi nito. "If this is still all about your father and your past, huwag mo na 'yon masyadong isipin. You're different."

"I'll tell you everything when I'm ready, okay? Promise me, you'll listen to me."

"You're really acting weird, Mykael."

Mahina itong natawa. "You're overthinking." Humigpit lalo ang pagyakap nito sa kanya. "I'm sleepy. We should sleep now bago pa ako makagawa ng mga bagay na hindi ko pagsisihan."

"Hindi ko rin yata 'yan pagsisihin," hagikhik pa niya.

"Don't tempt me. Good night Gumie." Masuyo siya nitong hinalikan sa noo.

"Good night, Mykael."



"MA'AM Gumie, may delivery po para sa'yo."

"Po?" Naibaba niya ang tasa ng kape sa mesa. "Kanino galing?" Wala naman kasi siyang inaasahan na parcel. Paano rin nalaman ng nagpadala ang address ng bahay ni Mykael?

"Hindi ho sinabi e." Inabot ni Manang Risa ang isang brown envelope. "Ang sabi para kay Gumamela Macaraeg."

"Ah, ganun ba. Salamat po."

"Maiwan ko muna po kayo at may tatapusin pa po ako sa kusina."

"Sige po." Iniwan na siya ng katiwala. "Ano naman kaya ang laman nito?" Binuksan niya ang envelope at ganoon na lamang ang gulat niya nang makita kung ano ang laman nun. "Mykael?"

Tumigil yata ang tibok ng puso niya nang isa-isahin niya ang mga larawan. Nagsimulang manginig ang mga kamay niya. Hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya. Malakas na malakas ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam ang mararamdaman.

Picture 'yon ni Mykael kasama ng isang babae. Parehong walang saplot ang mga ito sa itaas ng kama. Ano 'to? Bakit may ganito si Mykael?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro