Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 16

"NI JIE yi shao hou zai da lai ma?" Nilingon ni Mykael si Gumie. "Xie xie," dagdag nito. Ibinaba nito ang cell phone at ipinasok sa bulsa ng itim na pants nito.

Mykael was dressed formally today. Mukhang may importante itong meeting ngayong araw.

"Busy?"

Hinarap siya nito na may ngiti. "I'm not yet sure, pero papunta na yata roon."

"Masaya ka pa riyan e mukhang may problema ka naman yata sa opisina."

"It can't be avoided. Inevitable ang mga problema. Malalaman ko mamaya kung gaano kalaki 'yon. May lakad ka ba ngayon?" Iginiya na siya nito sa direksyon ng dining room. "Madalas ka kasing umalis nang hindi nagpapaalam sa'kin." Pinaningkitan siya nito ng mga mata.

Natawa siya. "Nagpapaalam naman ako sa mama mo."

"Saan ka naman pumunta kahapon?" Pinaghila siya nito ng silya at pinaupo.

"Bumisita ako sa office ko dati. Kinamusta ko lang kung buhay pa ba mga makasama ko roon."

It was his turn to laugh. "Buhay pa ba?" Isa-isa naman nitong nilagyan ng pagkain ang plato niya. Pinagsalin din siya nito ng juice sa baso.

"Mag-ri-resign na raw sila. Sabi ko, mag-apply sila sa Mind Creatives kasi sayang din 'yong mga pinag-aralan nila. Nabasa ko sa isang job site na may hiring kayo."

"Hand me their resumes, ako na mag-fo-forward sa HR head."

"Talaga?" Namilog ang mga mata niya sa saya.

"Yes," tango pa nito. Pagkatapos siya nitong pagsilbihan ay naupo ito sa katabing silya at nag-kape lang. "Kumain ka na."

"'Di ka kakain?"

"I'm okay with coffee, 'di healthy, but I'll live for half a day. Sa lunch na ako kakain."

"Kumain ka kaya." Kumuha siya ng sandwich. "Kung ayaw mo ng heavy, sandwich na lang. Peanut butter or cheese?" Inangat niya ang dalawang sandwich spread.

"I'm fine with this." Ito na mismo ang nag-abot ng mayonnaise bottle. Tsk, 'di man lang siyang tumama. Mas masarap kaya ang peanut butter or cheese.

"Ako na." Inagaw niya rito ang bote ng mayonnaise. Siya na mismo ang naghanda ng sandwich nito.

"That's sweet of you, Gumie."

Pag-angat niya ng mukha ay sumilay ang matamis na ngiti sa mukha nito.

"Ngayon lang kita narinig na mag-Chinese," pag-iiba niya. "Ang cool mo pakinggan. Para akong nanonood ng Chinese drama." Ibinigay niya rito ang sandwich.

"Hindi naman kasi talaga ako madalas mag-Chinese, usually, kapag may kausap akong Chinese clients or kapag nandito sina Tito Ceasar at Tito Dylan. Back in college, I talk back in Chinese kapag naasar ako o nagmumura," he chuckled. "So they wouldn't understand."

"Ni hao, wo ai ni, at xie xie lang alam ko."

"Shibai ze," he chuckled.

"Bakit feeling ko bobo ang meaning niyan?"

"Hindi, dami mong iniisip." Sinimulan nitong kainin ang sandwich nito. "What do you want to know? I'll teach you a little if you want to."

"Magtatanong ako, tapos sagutin mo in Chinese."

"Okay."

"Ano 'yong pinakagusto mong gawin?"

"Zhi zi zhi shou, yu zi xie lao."

"Ano meaning nun?"

"Mimi." He playfully taps one finger on the tip of her nose. "Mimi, means secret."

"Daya!" Napaismid siya. "I-go-google ko 'yan mamaya. Ano nga 'yon? Shi shi shoe –"

"Zhi zi zhi shou, yu zi xie lao." Hinuli nito ang mga mata niya. "It means, to hold your hand and to grow old together."

"Gikapoy na bitaw gyud kos imong ka sweet. Sugton na lang ta ka bi."

"Anong sinabi mo?"

"Wala!" Pigil ang ngiti na umiling siya.

"Huai!"

'Di pareho lang din silang 'di nagkakaintindihan.


SAKTONG pagbaba ni Gumie sa hagdan ay narinig niya ang isang pamilyar na tunog ng cell phone. Naigala niya ang tingin sa buong paligid. Walang tao at hindi rin 'yon ringtone ng cell phone niya.

Sinundan niya ang tunog hanggang sa sala. Agad na nakita niya ang cell phone sa itaas ng sofa. It was Mykael's phone. Hindi siya pwedeng magkamali. Naiwan nito ang cell phone? Kanina pa 'yon nakaalis ah. Mabilis na kinuha niya ang cell phone at baka importanteng tawag 'yon.

"Peter," basa niya sa pangalan na naka-register sa screen. Hindi na siya nagdalawang-isip na sagutin ang tawag. "Hel –"

"I already found Stanley." Tila nahulog ang puso niya nang marinig ang pangalan ng ex niya. Bakit hinahanap ni Peter si Stanley? Si Mykael ba ang nagpahanap dito? "He's in the Philippines right now. Where are you? I'm on his way to his condo. Sasama ka ba?"

Humugot siya nang malalim na hininga.

"Sasama ako," sa wakas ay sagot niya.

Ilang segundong natahimik si Peter sa kabilang linya. "Is this Gumie?"

Humigpit ang hawak niya sa cell phone. "Nandito ako sa bahay nila Mykael. Pwede mo ba akong sunduin dito? Gusto kong makausap si Stanley."

"I think we should call Mykael first."

"Ako na magsasabi kay Mykael. Hihintayin kita rito. Salamat."


"MATAGAL n'yo na bang hinahanap si Stan?" tanong niya kay Peter habang paakyat sila lulan ng elevator ng condo building kung saan nakatira raw si Stanley. Hindi na siya nakapag-usisa kanina dahil motor lang ang dala nito. Hindi sila magkarinigan.

"Noong nasa Anda pa kayo ni Mykael. He asked me to look for Stanley, kasi sabi mo, wala raw usad ang paghahanap ng mga pulis sa ex mo. I used my connections to traced his whereabouts. Natagalan lang dahil palipat-lipat ng lugar ang lalaking 'yon."

"And Mykael hide this from me because?"

"He really didn't hide this, nawala lang siguro talaga sa isipan niya. At wala pa akong update sa kanya simula nang umalis kayo pareho ng Bohol. Ngayon lang ulit, dahil biglaan lang din ang pagbalik niya ng Pilipinas. Baka gusto lang ni Mykael na mahuli si Stanley bago niya sabihin sa'yo."

Bumukas ang pinto ng elevator tanda na nasa 15th floor na sila.

"I guess you want to talk to him alone?"

"Pwede ba?"

"Sure." Sabay silang lumabas ng elevator. "Dito lang ako maghihintay. Malapit lang naman dito ang unit ni Stanley. I'll give you twenty minutes, kapag wala pa akong narinig sa'yo, susundan na kita."

"Thanks, Peter."

"Pagliko mo sa pasilyong 'yan, unang pinto na makikita mo sa kaliwa, 'yon ang unit ni Stanley."

"Sige."

Tinungo niya ang direksyon na sinabi sa kanya ni Peter. Pagliko niya ay agad niyang hinanap ang unang pinto sa kaliwa niya. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi dahil sa takot kundi dahil pagkatapos ng ilang buwan, ngayon lang ulit sila magkikita ni Stan. At alam niyang 'di niya mapipigilan ang sarili na mailabas lahat ng mga hinanakit niya rito.

Humugot siya nang malalim na hininga bago nagkalakas-loob na pindutin ang door bell sa gilid ng itim na pinto. Tila may inaasahan yata itong bisita kaya mabilis siya nitong pinagbuksan ng pinto. Nawala ang ngiti nito nang makita na hindi siya ang inaasahan nitong bisita. Napalitan 'yon ng pagkagulat.

"Gumie?"

Nagsimulang manikip ang dibdib niya nang matitigan ang mukha nito. Pinukaw nito ang galit at dismaya na ibinigay nito sa kanya.

"Ang ganda ng buhay natin ah?" mapang-uyam na bungad agad niya rito. Ang ganda-ganda ng buhay nito habang siya ang naghihirap na lusutan ang mga utang nito. "Nasa mamahaling condo unit ka pa. Balita ko sa'yo rin 'yong mamahaling sasakyang nakaparada sa parking lot."

"Gumie, anong ginagawa mo rito?" Narinig niya ang panic sa boses nito. "P-Paano mo ako natunton dito? Ikaw lang ba? May kasama ka ba?" Naigala nito ang tingin sa paligid.

"O, ba't takot na takot ka?"

"Gumie, let's just talk another time –" Malakas na sinampal niya ito sa pisngi. Nanlaki ang mga mata nito sa ginawa niya. "What the fuck Gumamela!"

"What the fuck ka rin! Kung umasta ka parang ang yaman-yaman mo ah. Isa ka namang malaking scammer. Everything about you is a lie. At ako naman 'tong gaga, naniwala naman ako sa mga kasinungalingan mo. Worst, ako pa ang nagbayad sa utang mo! Tang ina ka Stanley. Paano mo nagawa sa'kin 'yon?!"

Nagpupuyos na ang damdamin niya sa galit. Galit na galit siya sa pagmumukha nito. Gusto niya itong ihulog sa bintana ng palapag na 'yon. Wala man lang siyang makita ni katiting na pagsisisi sa ginawa nito sa kanya.

"Look Gumie, kung 'yon lang ikinagagalit mo, I can pay you. Magkano ba? Isang milyon lang 'yon, 'di ba?"

"Isang milyon lang?" Napamaang siya. "Gago ka! Ang laki ng hirap ko para lang mabayaran 'yon. Kinailangan ko pang ibenta ang bahay at lupa na pamana sa'kin ng mga magulang ko para lang 'di makulong. Tapos sasabihin mo lang sa akin na isang milyon lang 'yon?!"

"I don't have time for this Gumie."

"Puwes, madami akong oras Stanley. Ano bang kinatatakutan mo? May babae ka ba riyan? Sugar mommy? Ano, ha? Sabihin mo!"

"Umalis ka na sabi!" Napasinghap siya nang bigla siya nitong itulak. Napangiwi siya sa sakit nang pagbagsak niya sa sahig. "I told you, babayaran ki –" Nanlaki naman ang mga mata niya nang biglang bumagsak sa sahig si Stanley. Tila kidlat na dumating si Peter at sinuntok ito sa mukha.

Halos hindi niya napansin ang pagdating nito.

"You don't hurt a woman like that!" Nagtagis ang panga nito sa galit. Lumitaw ang mga ugat nito sa pagkakakuyom ng kamay nito. "Umayos ka kung ayaw mong 'di ka na sikatan ng araw bukas."

Mabilis naman na dinaluhan siya ni Peter at tinulungang makatayo. "Are you okay Gumie?" may pag-aalalang tanong nito sa kanya.

"Okay lang ako, Peter, salamat."

"Who the hell are you?!" Marahas na pinahid nito ang dugo sa gilid ng labi nito. "Tatawag ako ng mga pulis. I'm gonna sue all of you."

"I think, we should be the one saying that."

Sabay silang napalingon sa likod. Mykael?!

Bakas na bakas sa mukha nito ang pagpipigil ng galit. She had never seen Mykael so angry and furious. Nakakatakot ang ekpresyon ng mukha nito nang mga oras na 'yon. Paanong nalaman nito na pinuntahan nila si Stan? She didn't inform him. Si Peter ba?

"What the hell are you talking about?!" Tumayo ito. "Sino ba kayo?"

"Akala ko pa naman ay madadala ka sa matinong usapan, pare." Inilabas ni Peter ang hand cuffs nito mula sa loob ng itim na jacket nito. "I've had enough of you asshole. Sa presinto ka na lang magpaliwanag." Nilapitan nito si Stanley at walang kahirap-hirap na naisuot rito ang mga posas. "In case, you're wondering, matagal ka nang nasa wanted list dito sa Pilipinas. Salamat nga pala sa pagbalik mo, 'di na ako masyadong nahirapan na hulihin ka."

Lumapit naman si Mykael kay Stanley.

"Hindi lang suntok ang bagay sa'yong lalaki ka." Hinila nito ang harapan na damit ni Stanley. "Ang lakas ng loob mong saktan si Gumie. Sa lahat ng mga ginawa mong panloloko sa kanya. Ano? Pinanganak ka bang matigas ang sungay? 'Yan ba ang pinagmamalaki mo, ha?" Bumaba ang tingin ni Mykael sa ibabang bahagi nito. "You deserve this!" Malakas na tinuhod nito ang ari ni Stanley. Impit napasigaw si Stan sa sakit. "Gago ka! Hindi lang isang milyon ang ipapabayad ko sa'yo. Sisiguraduhin ko ring mabubulok ka nang matagal sa bilangguan." Dinuro nito si Stanley. "I will make sure you will remember this face even in your grave."

"Mykael!" Hinawakan niya sa braso ito. "Tama na."

"'Yan ba ang ipinalit mo sa'kin?" mapang-uyam na tanong ni Stanley. "Did you have sex with him already, Gumie? Mukhang, kapit na kapit sa'yo ah –" Hindi niya napigilan na suntokin ito sa mukha. Pero 'di naman ito natibag. Ang tigas talaga ng mukha! "As if I'm the only one who lies here. Oh c'mon, Gumamela, mas pretentious ka pa nga sa'kin."

"Walangya ka! Hindi naman ako kasing babaw at mukhang pera mo. Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa'kin. At bakit? Paano kung sabihin ko sa'yo na ibinigay ko nga ang sarili sa kanya? Ni hindi mo nga ako nagalaw. Wala ka kasing kwenta! Masyado kang boring."

Akmang susunggaban siya ni Stanley nang iharang ni Mykael ang sarili sa harap niya.

"Babalikan ko kayo!"

"Subukan mo lang at ako mismo ang tatapos sa buhay mo," pagbabanta ni Mykael. "Know your enemy, Stanley. Kung demonyo ka. Mas mayaman ako. I can make you rot in jail with all my connections here on earth. Remember that!"


TILA nauupos na kandila na napaupo si Gumie sa gilid ng kama. Tahimik lang siya sa buong b'yahe. Hindi rin siya masyadong inusisa ni Mykael. Hindi siya makapaniwala na 'yon pala talaga ang totoong ugali ng ex niya. Masyado siyang nabulag sa pagmamahal niya rito noon.

"Hey." Naramdaman niya ang pagtabi ni Mykael. "Are you okay? May masakit ba sa'yo?"

Hinarap niya ito at umiling. "Okay lang ako," sagot niya sa mababang boses.

"Are you sure?" Masuyo nitong hinaplos ang buhok niya. He looks at her with so much concern and worries. Paano pa niya maitatanggi ang pagmamahal niya kay Mykael? He did all of those for her. "Nag-aalala lang ako sa'yo."

"Thank you." Gumaralgal ang boses niya. Naiiyak siya dahil sa pagmamahal at pag-aalaga na pinaparamdaman nito sa kanya. "Thank you for doing these for me. Ang bait pa rin ni Lord sa'kin dahil ibinigay ka niya sa'kin kahit na sobra kong makasalanan. Kahit na puro na lang sarili ko ang iniisip ko, hindi pa rin 'yon naging dahilan para pabayaan Niya ako."

"Gumie." Hinila siya nito payakap. "Don't say that. You're worth the love. I'm also a sinner like you. Mas makasalanan pa nga siguro kaysa sa'yo." Bahagya itong natawa. "Pero, 'di ba, ibinigay ka rin Niya sa'kin kasi pareho tayong sakit sa ulo. Sabi Niya, o, kayong dalawa, ayusin n'yo ang isa't isa. Bagay kayo."

Natawa siya. "Paano kung 'yon talaga ang iniisip Niya?"

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. He cupped her face and look at her straight in the eyes. She saw love and adoration in his eyes. It wasn't even a lie, she could tell that it was really real.

"What are the chances?"

Ilang segundo silang natahimik bago ulit siya nagsalita.

"Minahal ko si Stanley, I can say na totoo talaga 'yon." Bumaba ang mga kamay ni Mykael. Pero nakikita niya sa mukha nito na willing itong makinig sa kanya. "Every time na nagbibigay siya ng hints na gusto niya kaming umabot sa lebel na 'yon, tila ba, laging may boses na bumubulong sa'kin na huwag. Na huwag kong ibigay ang sarili sa kanya. Sa tuwing nauuwi sa wala ang pagpaparamdam niya ay naiinis na siya sa'kin. Pero 'di ko 'yon masyadong pinansin. Kasi akala ko, 'di na ako makakahanap ng ibang lalaking magmamahal sa'kin. At akala ko, mahal niya talaga ako."

He reached for her hand and gently squeezed it.

Tipid siyang napangiti. "Alam ko naman na may mali. Pero, ewan ko ba, tanga lang siguro rin talaga ako. In all aspects, siguro talaga ang katangahan ko. Kaya hayon, naloko ako nang bongga."

"It was a bad experience but it made you stronger, Gumie. So don't blame yourself anymore."

Hindi niya pa rin mapigilan ang mga luha. Sa tuwing naalala niya ang mga kapalpakan niya nitong mga nakaraang buwan hindi niya maiwasang maiyak... sa tuwa... sa lungkot... 'di niya alam... baka sa parehong dahilan.

But she made it.

Nalagpasan niya. Kahit na, hindi pa maayos ang lahat pero masasabi niyang okay na siya. Na kaya na niya nang paonti-unti ang lahat.

"Hindi ko makakaya ang lahat ng ito kung hindi sa'yo Mykael. Ikaw talaga ang anghel na gumabay sa'kin para ma realized ko lahat ng mga pagkakamali at pagkukulang ko. Minahal mo pa rin ako kahit na ganito ako. Kahit na nakakainis ako minsan. Kahit na madalas ang kitid kong mag-isip. You didn't give up on me."

"I'm not perfect Gumie, but please allow me to love you. I can't promise you a perfect relationship, but I will do my best to give you all the love that you deserved. I just want you to trust me. To trust us. Can we do that?"

Hilam pa rin ang mga luha na tumango siya.

Sumilay ang masayang ngiti sa mukha nito. Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya at dahan-dahang inilapat ang mga labi nito sa kanya. She no longer hold back. Tinugon niya agad ang halik ni Mykael.

Ipinikit niya ang mga mata at iniyakap ang mga braso sa leeg nito. Ang kaninang masuyong halik ay napalitan nang mapusok at mapanuksong halik. Hindi niya maiwasang mapaungol sa tuwing pinailaliman ni Mykael ang paraan ng paghalik nito sa kanya. Halos kapusin na sila ng hangin pero tila 'di naman 'yon naging dahilan para lumayo sila sa isa't isa.

Hindi niya alam kung paanong naihiga siya ni Mykael sa kama at kung bakit halos mahubaran na nila ang isa't isa. She could feel his hardness on her belly. Alam niyang pareho rin sila ng gusto nang mga oras na 'yon. They both wanted each other. She wanted Mykael.

She didn't care anymore. Ibibigay na niya ang sarili kay Mykael. At hinding-hindi niya pagsisihan ang bagay na 'yon.

Ilang butones na lang ang natitira sa polo nito nang magawa nitong hawakan ang kamay niya at pigilan siya sa pagkalas pa ng huling butones. Tila nahihirapang lumayo ito nang bahagya sa kanya.

"No," iling nito. Kitang-kita niya ang pagpipigil nito nang maghinang ang kanilang mga tingin. "I promised I wouldn't make love with you hangga't hindi pa tayo naikakasal."

Tumaas ang isang kamay niya para haplosin ang isang pisngi nito.

"It's okay, hindi mo kailangang pigilan ang sarili mo Mykael. Handa akong ibigay ang sarili sa'yo."

"You don't know how your words made me so happy, Gumie, but I don't want to rush everything. I want it to be perfect for you." He looks at her lovingly, despite the agony he was feeling inside. It was really a torture for him, but he was enduring it for her. "I love you, but I must wait."

She cupped his face and kissed him on the lips. Their lips lingered for a sweet precious moment before he let her go. God, she was so blessed to have a man like him.

"Wo ai ni," may ngiting bulong niya sa isang tainga nito.

"Wo ai de jiu shi zhe yang de ni."

"What does that mean?"

"It means, I love you just the way you are."

Lalo siyang napangiti. "Are you sure you really don't want to –"

Umalis ito sa itaas niya. "I'll take a cold shower. Babalikan kita rito mamaya, and please dress properly."

Natatawang bumangon siya mula sa pagkakahiga. "Ayaw mo talaga?" panunukso pa niya.

"Bye." Mabilis pa sa kidlat na lumabas ito ng silid niya. Padabog pang isinarado ang pinto. Pero agad din naman itong bumalik. "Bago ako maligo, just to confirm, tayo na ba?"

Natawa siya. "Akala ko pa naman nagbago na isip mo."

"Hindi, pero tayo na ba?"

May ngiting tumango siya. "Oo, tayo na."

"I love you!" He gives her a wink and a flying kiss before closing the door. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro