Kabanata 14
"SABI ni Kevin, choosy ka raw sa kamay?" basag ni Gumie sabay baba ng tingin sa magkahugpong nilang kamay. "Curious lang ako kung bakit gustong-gusto mong hawakan 'yang kamay ko e ang gaspang niyan."
Kalahating oras pa lang ang lumipas simula nang mag-take-off ang eroplanong sinasakyan nila. Pinilit siya nito na sumama sa kanya kahit na 'di pa niya feel bumalik ng Maynila.
"I don't trust Kevin's loyalty when it comes to secrets. Tell me, ano pang ikinuwento ng lalaking 'yon sa'yo?"
Natawa siya. "Enough information about you."
"Traydor talaga ang 'sang 'yon."
Kunot na kunot na ang noo nito at sobra na ang paniningkit ng mga mata. Para itong inis na bata – isang cute na cute na bata na masarap panggigilan ng halik.
"So, bakit nga? Anong reason kung bakit choosy ka sa kamay?"
"I don't like holding other hands except for my mother and you, of course. I don't know why, I tried, but it doesn't perfectly fit with others, it makes me uncomfortable with no particular reason, so I chose not to."
"Ang weird nun."
"I know," he chuckled. "But there's a reason why I like holding your hand."
"Dahil magaspang?"
He shook his head and smile. Itinaas nito ang magkahawak nilang kamay sa harap niya.
"I realized that happiness can fit in my hand and I no longer want to let go." He gives her a quick wink.
Mykael Sy! Sumusobra ka na talaga. Hulog na hulog na ang puso ko.
"Ganoon ba?" pabalang niyang sagot. Pero kilig na kilig na rin talaga siya sa kaloob-looban niya.
"Yes, baby, ganoon nga."
"No wonder a lot of women fell for you."
"Why?"
"'Cause you're an effortless flirt. Dinadaan mo sa mga mabulaklak mong mga salita."
"Well, I do, but most of the time, it doesn't mean a thing. Pero lahat ng mga sinasabi ko sa'yo Gumamela ay galing talaga sa puso ko. If there is one thing I'm serious about, ikaw lang 'yon."
NAPALUNOK si Gumie nang dalhin siya ni Mykael sa mansion ng mga Sy. Ang buong akala niya ay ihahatid muna siya nito sa hotel na pina-booked nito para sa kanya pero mukhang sa bahay mismo siya nito gustong patuluyin.
"Ma, this is Gumamela. Gumie, ang mama ko nga pala, si Monique Sy."
"Nice to meet you po, Tita Mon –" Natigilan siya nang bigla siyang yakapin ng ginang. Ilang na gumanti siya ng yakap dito.
"Finally, dinala ka na rin ng anak ko rito Gumie." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at may ngiting tinignan siya. Kamukhang-kamukha nito si Mykael, female version, pero mas sweet. "I've been dying to see you, hija. I've heard so much about you."
Bahagya niyang naibaling ang tingin kay Mykael na ngiting-ngiti lang sa tabi niya. Ano naman kayang ikinuwento nitong si Mykael sa mama nito?
"T-Talaga po?" Ibinaling niyang muli ang tingin sa ginang. "Sana po, 'di puro negative vibes ang sinabi niya."
"Hindi naman," natatawa nitong sagot.
"O, nandito na pala kayo."
Naingat niya naman ang mukha sa dalawang lalaki na lumabas mula sa bahay. Pamilyar na pamilyar siya sa dalawang matanda dahil nakita na niya ang mga ito sa mga magazines at brochures ng mall na pinagmamay-ari ng mga ito. Sina Dylan Sy at Ceasar Sy. Tang na juice! Sy is one the richest family in the Philippines.
"Tito Dylan, Tito Ceasar," bati ni Mykael sa dalawa. "Buti naman at nakarating kayo at nakapag-desisyon kayong iwan muna ang mga negosyo n'yo."
"Well, we wouldn't miss this," sagot ni Dylan Sy. "Ang sabi ng mama mo ay ngayon mo raw ipapakilala ang nobya mo. Aba'y, gusto naming makilala ang babaeng, nagpatino sa'yong bata ka."
"This is something we should celebrate," dagdag naman ni Ceasar Sy.
Ah wait, teka lang. Hindi man lang siya na inform, na meeting with the family na pala ang level ng relasyon nila ni Mykael. Ni 'di pa nga niya ito sinasagot. Ang bilis ng galawan natin Mykael ah.
"Later, anyway, Tito Ceasar, Tito Dylan, this is Gumamela." Lumapit sa kanya si Mykael at inakbyan siya. "You can call her Gumie, and Gumie, ang mga tito ko nga pala."
Para siyang na starstruck sa mga tito ni Mykael. Kahit na may edad na ay ang gagwapo pa rin ng mga ito. Wala yatang kapintasan ang pamilya nito.
"Nice to meet you po," tanging nasabi niya lang.
"It's nice to meet you, hija." Ceasar Sy held his hand at her for a shake hand. Magalang na tinanggap niya 'yon. "Finally, may iniuwi ring babae ang pamangkin namin."
Nakipagkamay rin si Dylan Sy sa kanya. "We're expecting your wedding this year." Lalo siyang napalunok. "At tama nga ang sinabi ni Monique, maganda ka nga talaga."
"T-Thank you po,"
"Not just physically beautiful tito," singit ni Mykael. Ibinaling nito ang mukha sa kanya. "She's beautiful inside and out."
"Hay naku, mga salita ng mga in love."
Natawa ang lahat. "Tinamaan na nga 'tong unico hijo mo Monique. Aba'y sa bilis nitong si Mykael, baka may apo na tayo sa susunod na buwan."
"After the wedding," sagot ni Mykael.
"Wow, that's something we didn't expect from you, Mykael."
"Nagbago na ako Tito Caesar, one step at a time na ako ngayon."
"Good for you."
"O, tama na muna 'yan," awat ng mama ni Mykael sa kanila. "Pumasok na tayo at nakahanda na ang mga pagkain. Sa loob na natin ituloy ang pagkukwentohan." Tita Monique linked her arms to her. "Halika, hija, sa akin ka na sumabay at dikit na dikit na sa'yo 'yang anak ko, 'di naman 'yan glue pero kung makadikit parang wala nang bukas."
"Ma!"
"No buts, Mykael, 'di ko naman itatago sa'yo ang nobya mo."
"Iba ang in love," panunukso pa ng dalawang tito ni Mykael dito. "Sa amin ka muna dumikit Mykael. Ang tagal-talagal ka na naming hindi nakikita."
Nilingon niya ang tatlo. Hindi niya mapigilan ang matawa. Talagang hinawakan ng mga ito sa magkabilang braso si Mykael. Ang cute lang!
"Ganyan ba talaga sila?" nakangiting tanong niya kay Tita Monique.
"Kapag nagkita ang tatlong 'yan, naku, ang kukulit ng mga 'yan."
"Ang cool nga po nun e."
"Huwag kang mahiya sa akin, hija. Isipin mo na lang akong pangalawang ina. Noon ko pa talaga pangarap na magkaroon ng anak na babae. Salamat sa Dios at dumating ka sa buhay ng anak ko."
"SO how's your room?" Naupo si Mykael sa gilid ng kama. "Mas maganda pa 'to kaysa sa mga hotel."
"Dinadaan mo ako sa paspasan Mykael. Hindi pa tayo pero may meeting with your family ka nang nalalaman diyan," sagot niya habang naglalabas ng gamit mula sa luggage niya. "Paano pa kita maba-busted?"
"Iiyak ako kapag binusted mo ako." He give her a sad puppy face. "Ayoko," nakangusong umiling ito.
Natawa siya. "Tigilan mo nga ako Mykael. Masyado kang pa cute riyan." Binato niya ito ng medyas. "Sa susunod, sabihan mo naman ako. Aba'y angkan mo ang ipapakilala mo sa akin."
"They like you, besides, kilala ka naman na nila."
"Malay ko ba kung anong pinagsasabi mo sa kanila."
"I told them na magaspang ang kamay mo."
"Mykael!"
Malakas na tumawa ito. "At ganoon din ang ugali mo."
"Wow, ha?!"
"Pero mahal ko pa rin e. Bahala na!"
Napatitig siya sa masayang mukha ni Mykael. Totoo ba talaga ang lalaking 'to? Ngayon lang niya naramdaman na nag-effort talaga ang lalaki sa kanya. Na masyadong vocal sa nararamdaman nito para sa kanya. Sinong babae ang hindi ma-i-in-love sa isang Mykael Sy?
"Hindi ko alam kung, compliment ba 'yon, o pang-aasar."
"Compliment 'yon, halika dito." He gestured his hand for her to sit closer to him. Medyo malayo sila sa isa't isa dahil nasa gitna siya ng kama at nasa gilid lang ito.
"Bakit?"
"May dumi ka dito o," anito sabay turo sa gilid ng labi nito. "Alisin natin."
"Dumi?" Naidampi niya ang dalawang daliri sa gilid ng labi. "Dito ba?" He reached for her hand and pulled her closer to him. Napilitan siyang maupo sa gilid ng kama, katabi, at kaharap nito. "May dumi ba talaga?"
"Meron nga." Gamit ng hinlalaking daliri nito ay inalis nito ang kung anong dumi sa gilid ng labi niya. Pero hindi niya inasahan ang sunod na ginawa nito. Bigla na lang siya nitong hinalikan sa mga labi. Literal na nanlaki ang mga mata niya.
Kukurap-kurap na napatitig siya sa nakangisi nitong mukha matapos siya nitong nakawan ng halik.
"Dumi ba talaga o gusto mo lang humalik?" akusa niya rito.
He chuckled. "'Yong huli."
"Ikaw, maging tayo man o hindi, aangkinin mo pa rin ako."
"Gusto ko 'yang sinabi mo." Sumilay ang isang pilyong ngiti sa mukha nito. "Gusto ko 'yong, maaangkin kita."
Naitirik niya ang mga mata. "Tigilan mo ako My – " Napatili siya nang bigla na lang siya nitong itulak pahiga sa kama. Mabilis na pumaibabaw ito sa kanya. "Hoy Mykael!" Mahigpit na hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.
Tumahip nang husto ang puso niya nang ibaon ni Mykael ang ulo niya sa gilid ng leeg niya. Ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nito sa naka expose niyang balat sa bahaging 'yon.
"M-Mykael?"
Naipikit na lamang niya ang mga mata. Masama yatang biruin 'tong si Mykael. Napapatid ang pagkalalaki. Pero bakit 'di ka nanlalaban Gumie? Gusto mo rin ba? Ang rupok natin ah.
Bigla ay niyakap siya nito at tatawa-tawang pinagpalit ang posisyon nilang dalawa. She's now on top of him. Hinuli nito ang mga mata niya. He was not laughing anymore but the smile didn't leave his face.
"I'm not gonna do anything Gumie. Pangako ko 'yan sa'yo. I can wait."
"Pinipigilan mo talaga?"
"I'm doing my best."
Mabilis na ginawaran niya ito ng halik sa mga labi. Halatang nagulat ito sa ginawa niya.
"What was that for?"
"Thank you for doing your best, Mykael. Hindi man halata but I appreciate all your effort. Thank you for making me special kahit na may sungay ako."
Sumilay ang isang matamis na ngiti sa mukha nito.
"You're welcome." Masuyo nitong hinaplos ang mukha niya.
Unti-unti namang naglapit ang mga mukha nila. Sa pagkakataon na 'yon, halos magkasabay nilang ipinikit ang mga mata hanggang sa maglapat ang mga labi nila.
"Gumie, hija – oh!" Nasa ganoong posisyon silang dalawa ni Mykael nang maabutan sila ng mama nito. Mabilis na lumayo sila sa isa't isa. Humagikhik naman ang ginang habang tutop ang bibig. "Sorry, sige maiwan ko muna kayo."
Pagkasarado nito ng pinto ay naitakip niya ang mga kamay sa mukha. Naiiyak siya sa kahihiyan. "Nakakahiya!"
Narinig niya naman ang malakas na pagtawa ni Mykael.
"Pananagutan naman kita, huwag ka nang mahiya riyan."
Naibaba niya ang mga kamay at pinaningkitan ng mga mata si Mykael. "Ako kaya 'yong nasa itaas kanina. Baka ano pang isipin ng mama mo sa'kin."
"Ang dami mong iniisip Gumie. Normal lang naman 'yon. Nasa kwarto tayo, malamang hihiga tayo."
"Mykael!"
Lumakas lang ang tawa nito.
"ANG SABI sa'kin ni Mykael ay magaling ka raw magluto." Tita Monique passed the bowl to her. "Kaya sabi ko sa kanya, kapag sinama ka niya dito sa bahay, magpapaturo ako sa specialty mo na top egg."
Inaya siya ni Tita Monique na magluto ng dinner. Maaga raw uuwi si Mykael at sasabay na mag-dinner sa kanila. Nag-request ito ng top egg dahil na miss na raw nito 'yon.
"Opo, pero hindi pa naman ako ganoon kagaling. Naging hobby ko na rin kapag stress ako sa buhay."
"You own a food business in Cebu, right?"
"Yes, kakasimula pa lang po."
"That's good, at least may kinakaabalahan ka." She paused for awhile, before speaking again. "Alam mo ba, nang bumalik 'yang si Mykael mula sa soul searching 'di umano ng batang 'yon, lagi na lang 'yang nakatulala at may malalim na iniisip. Minsan nahuhuli ko pa 'yang tumatawa mag-isa. Muntik ko na 'yang ipa-mental."
Natawa siya. "Bakit naman ho?"
"Lagi siyang may tinitignan sa cell phone niya. 'Di ko alam kung sino, kasi 'di ka pa naman niya nababanggit. Hanggang sa isang araw, akala ko kung ano ang problema niya." Ngiting-ngiti ang ginang habang nagku-kwento. Tila ba, natatawa itong alalahanin ang mga alaalang 'yon. "Ang seryoso kasi niya. Akala ko tuloy nakabuntis siya. Kinabahan tuloy ako."
"Ano po bang sinabi niya?"
"Naku, sabi niya, in love daw siya. Pero hindi niya alam ang gagawin." Wow, hindi pa niya alam ang gagawin sa lagay niyang 'yon ah. "Tapos kinuwento ka na niya sa'kin. Lahat-lahat, mukhang isang buong nobela yata 'yon. At kaya pala aligaga siya ng ilang araw dahil umalis ka na raw ng Anda. Binalikan ka niya pero galit na galit daw ang pamilya mo sa kanya kaya pinaalis siya."
"Bumalik siya?" Bakit 'di 'yon nabanggit ni Keanu sa akin?
Tumango ito. "Bumalik siya, pero wala ka na raw doon. Kaya nang makita ka niya sa Cebu kulang na lang magpa-fiesta ang batang 'yon nang tawagan ako. Nakakatuwa. Akala ko'y hindi na magbabago 'yang anak ko, Gumie. Araw-araw ay pinagdadasal ko na makahanap siya ng babaeng mamahalin siya kahit na ganoon siya. And I thank God, dahil ibinigay ka Niya sa anak ko."
Ano pa kayang hindi ikinukwento ni Mykael sa kanya?
"Sino naman po ang hindi magkakagusto kay Mykael, tita? He's really sweet."
"He is, sobrang sweet ng batang 'yon, napaka-clingy nga minsan. Madalas itanong niya sa'kin kung mahal ko pa rin ba siya kahit na ganoon siya? Kahit na madalas na puro kalokohan at pambabae lang ang ginagawa niya. I always told him, that I love him, despite his flaws. Kasi alam ko kung ano ang totoong siya. Iniisip niya minsan, na kagaya siya ng kanyang ama."
"Bakit po? If you don't mind me asking, wala po kasing nababanggit sa'kin si Mykael tungkol sa ama niya."
"Matagal na kaming hiwalay ng ama niya. Bata pa lang siya nang iwan kami ni Mykolo dahil sa mga babae niya. Hindi ko naman na masyado inaalala ang lalaking 'yon dahil masaya na kami ng anak ko. Pero alam ko na, iniisip minsan ni Mykael na hindi siya kagaya ng mga kaibigan niya, na hindi niya kayang magmahal nang totoo o mag-seryoso sa isang babae. A lot of times, he would think that he's becoming more like his father."
"Hindi naman siguro po tita."
"I do believe that he's capable of loving someone, Gumie. That he can love faithfully." Inabot nito ang mga kamay niya. "Kaya, huwag mo sanang susukuan ang anak ko. Mykael may not be your typical prince charming but he can be one if he wants to. And I really believe that my son really loves you. Ikaw pa lang ang unang babaeng pinakilala niya sa amin. It means, he's really serious with you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro