Kabanata 13
"SINO ba kasi 'yang kanina mo pa hinahanap?" kunot na kunot na ang noo ni Gumie kay Kevin.
Bigla na lang itong nag-appear sa tindahan niya at nag-order sa Chick Your Status. Nasa katapat na ospital lang kasi ito nagta-trabaho. At mukhang break pa. Mag-isa lang ito kaya sinamahan na niya.
"Nandiyan ba si Mohana?"
"Si Mohana? Magkakilala kayo?" Bakit 'di ko alam 'yon?
"We're just friends."
"Chos, friends nga ba talaga? Paano kayo nagkakilala?" Na intriga tuloy siya. Something is telling her, may higit pa sa pagkakaibigan ng mga ito.
"Na saan nga siya?" Napaismid siya. Arte, ayaw pa nitong mag-kwento. "Napapansin kong lagi siyang wala nitong nakaraang araw."
"Stalker ka ba niya?" Umayos siya ng upo. "Sick leave, baka bukas nandito na ulit si Mohana." Bigla itong natahimik. Napatitig tuloy siya sa mukha nito. Ba't mukha 'tong problemado si Kevin? "Kung nag-aalala ka, pwede ko naman sa'yong ibigay ang number niya. You can call her."
"No, it's okay, Gumie." Pilit itong ngumiti. Pero hindi naman 'yon umabot sa mga mata nito. See? There is really something between Kevin and Mohana. "Malakas pa sa kalabaw ang 'sang 'yon. She will live."
"Tsk, aminin mo na kasi na nag-aalala ka sa kanya. Halata naman e. Gusto mo siya, 'no?"
"Kumusta naman kayo ni Mykael?"
Kita mo 'tong taong 'to, ayaw talaga akong sagutin.
"Bakit 'di mo kaya tanungin ang kaibigan mo?"
"Never pa 'yong nanligaw, kaya ewan ko lang kung paano nanliligaw ang 'sang 'yon." He chuckled. "How was he? Is he still sane?"
"Normal pa naman yata 'yong si Mykael." Itinukod niya ang dalawang braso sa mesa.
May bigla siyang naisip. "Tutal ayaw mo naman na maki-chismis ako sa buhay mo. Kwentuhan mo na lang ako tungkol kay Mykael. Gusto kong malaman kung anong level ng pagka-playboy niya."
"Gumie, kung may isa man akong pinapahalagaan sa pagkakaibigan namin ay 'yon ay hindi mag-kwento ng mga pribadong detalye ng buhay nila. Pero simula noong college kami, halos isang linggo lang ang tinatagal ng mga naging girlfriends niyang si Mykael."
"Talaga?"
Tumango ito. "The max of his relationship is one month, as far as I could remember. The least would be a week. I'm not sure why, but he really doesn't do holding hands with his past girlfriends. He holds them in their wrist, held them on their waist or in their shoulders. He has this weird fetish in hands na 'di namin ma gets. He preferred a rough hand over smooth."
So meaning, gusto niya ang magaspang kong kamay? 'Di kaya na love at first touch siya sa magaspang kong kamay?
"Bakit?" kunot-noong tanong niya. "Parang ang weird nun."
"I don't know." He simply shrugged his shoulders. "You should ask him why."
"Okay, so, never siyang nagkaroon ng long term relationship with a woman?"
"Yes," he nodded. "Sa aming apat siya ang pinakamarupok. I'm not making this up, but it's a fact. He's not the type of man who will engage himself in a long term relationship. Well, 'yon ang sabi niya sa amin... noon. Pero mukhang nagbago bigla ang ihip ng hangin." Natawa ito pagkatapos.
"Kevin, sa tingin mo, na challenge lang ba siya sa'kin kaya siya nag-e-effort na ligawan ako?"
Usually 'yon ang nagtutulak sa mga playboys para ligawan ang isang babae. Napapatid kasi ng mga hard to get girls ang mga ego ng mga ito. O baka, nasobrahan lang siya sa pagbabasa ng pocketbook at panonood ng palabas sa tv?
"If he does things he doesn't often do on a normal basis, that's totally out of his old character already. He always thinks out of the box and he's one hell of risk-taker when it comes to his field of work, but he's very cautious when he deals with his emotions. Sure, he always acts on impulse when it comes to women and sex ... but... wow, this tastes good."
"Kevin!" she hissed. Inalayo niya rito ang plato ng pagkain nito. Hindi niya napansin na tinitikman na pala nito ang in-order nitong pagkain habang nagsasalita. "Tapusin mo muna ang sinasabi mo bago mo kainin 'yang fried chicken mo."
"Gumamela, kahit na ibugaw ko pa sa'yo ng magagandang salita si Mykael. Kayong mga babae, maghihinala at maghihinala pa rin kayo. To see is to believe kayo masyado. Ang tingin n'yo sa aming mga lalaki, manloloko."
"Bakit, 'di ba?"
"Well, minsan, inaamin na lang namin na kami ang may kasalanan para matigil na kayo. Kasi kahit na ipaglaban namin ang mga sarili namin, iisipin n'yo pa rin nagdadahilan lang kami. What's with women and their so-called perfect judgment of things? Seriously?"
Natawa siya. "May pinaghuhugutan ka ba?"
"Wala!" Ikinumpas nito ang isang kamay. "Sinasabi ko lang. Anyway, if you really want to know if Mykael is really serious about you. Test him."
"Test him? Paano?"
"Like I said, marupok 'yon, why don't you tease him a little bit." Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mukha ni Kevin. Na-i-imagine niya tuloy ang sungay nito. Lakas maka demonyo ng ngiti nito. "Let's see how long can he endure his cravings."
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Paano kung 'di niya napigilan?"
"May malapit na pharmacy dito, bili ka ng condom. Para safe – aw!" Malakas na pinalo niya ito sa isang braso. "Bato ba 'yang kamay mo? Ang sakit ah." Nakangiwing hinimas-himas nito ang nasaktang braso. "Nanggigigil ako sa apdo mo. Aalisin ko 'yan sa katawan mo talaga."
Brutal nito masyado.
"Ipapahamak mo pa ako riyan sa suhestiyon mo."
Natawa ito. "Hindi ka man lang naku-curious?"
"Shut up, Kevin! Huwag mo akong demonyohin."
LUMABAS si Gumie sa banyo nang nakatapis lang ng tuwalya. Tang na juice! Kasalanan talaga 'to ni Kevin. Ito talaga ang nag-demonyo sa kanya para gawin ito. Nasa bahay si Mykael, Sabado at wala raw itong gagawin ng araw na 'yon. Gaya ng lagi nitong ginagawa ay madalas itong tumambay sa condo niya.
"Gumie!" Napalingon siya kay Mykael. Nakatayo ito sa may hamba ng pintuan ng kusina. Hindi nakatakas sa kanya ang pagtaas-baba ng adam's apple nito. Bahagya siya nitong pinasadahan ng tingin mula paa hanggang ulo. "Ahm, you're done?"
"Oo," patay malisyang sagot niya rito.
Tumutulo pa ang basa niyang buhok sa sahig at medyo maikli talaga sa kanya ang puting tuwalya. Ginusto mo 'to, 'di ba?
"Hungry?" nakangiti nitong tanong.
"Oo, pero magbibihis na muna ako. Wait lang –" Malapit na siya sa pintuan ng kwarto niya nang madulas siya. "Shuks!"
Napasinghap siya nang maramdaman ang unti-unting pagbagsak niya. Mabilis na nasalo siya ni Mykael. His one arm wrapped around her waist and as he pulled her up. Nahigit niya ang hininga nang maramdaman ang matipuno nitong dibdib mula sa manipis na tuwalya na nakatakip sa katawan niya. Halos magdikit ang mga ilong nila sa sobrang lapit nila sa isa't isa. Ramdam niya ang nakakabinging tibok ng puso niya nang mga oras na 'yon.
Napalunok siya nang magtama ang mga mata nila Mykael.
"Are you trying to kill me Gumamela?" anas na tanong nito.
"H-Hindi," she stuttered in response. His usual light brown eyes darkened. Tila may pinukaw siyang damdamin sa loob nito na pilit nitong pinipigilan. "Pero baka ako kung 'di mo ako nasalo," dahilan na lamang niya.
Muli siyang napasinghap nang bigla siya nitong pangkuin. Nayakap niya ang mga braso sa sarili.
"M-Mykael?" Bigla siyang nag-panic nang walang kahirap-hirap nitong nabuksan ang pinto ng silid niya gamit ng isang kamay. "A-Anong ginagawa mo?"
"Making sure you'll get dressed safely." Maingat na ibinaba siya nito sa carpeted na sahig. Sumilay ang isang magandang ngiti sa mukha nito. Nawala na naman ang mga mata nito sa pagngiti nito. "Next time, be careful."
Napakurap-kurap siya.
He didn't do anything. He was just being sweet and caring.
Napangiti siya.
"Thanks."
"Hmm..." Muli siya nitong pinasadahan ng tingin. Naniningkit ang mga mata nito na para bang may napansin itong hindi nito nagustuhan sa kanya. Nakapameywang ito sa harap niya. "Remind me to buy you a longer and thicker towel next time. Masyadong maikli at manipis 'yang suot mo."
"Huh?"
"No, I'll buy you a bathrobe instead."
"Okay, pero magbibihis muna ako, so umalis ka muna."
"Right," Tinalikuran na siya nito at lumabas ng kwarto niya. Isasara na sana nito ang pinto nang biglang sumilip ang ulo nito sa gilid ng pinto. "And by the way, you smelled like strawberries." Kinindatan siya nito bago tuluyang isinirado ang pinto. Pero hindi pa nga nagtatagal ay sumilip na naman ang ulo nito sa pinto. "I-lock natin 'to para safe." Mabilis na in-lock nito ang knob ng pinto at isinirado na ulit 'yon.
Hindi niya mapigilan na matawa kay Mykael. Ewan ko sa'yo Mykael!
KINAGABIHAN ay umakyat sila Gumie at Mykael sa rooftop ng condo kung saan may outdoor swimming pool at resting lounge. Napangiti siya nang mapansing sila lamang ang tao roon.
"Wala talagang tao rito?" Manghang naigala ni Mykael ang tingin sa buong paligid. The place is perfect for sightseeing and night swimming. Tanaw rin nila ang magandang view ng city lights. "That's weird."
"Busy yata ang mga nakatira rito. Walang time mag-relax."
Hindi naman ito ang unang beses na tumambay siya sa rooftop na walang tao. Lalo na kapag weekdays, talagang maso-solo talaga ang buong lugar. Naupo siya sa gilid ng pool area at hinubad ang suot na tsinelas bago niya inilublob ang mga paa sa malamig na tubig.
"Halika," tawag niya kay Mykael. "Dito na muna tayo."
May ngiting tumalima ito at naupo sa tabi niya. Tinupi nito ang dulo ng itim na jeans nito pataas bago inilublob ang mga paa sa tubig. Mula sa bulsa ng pantalon nito ay inilabas nito ang cell phone at may kung anong kinuting-ting doon. Mayamaya pa ay pumailanlang na ang isang kanta sa paligid.
Itinabi nito ang cell phone at itinukod ang mga kamay sa likod nito habang tinitingala ang madilim na kalangitan na sa mga oras na 'yon ay napapalamutian ng mga nagkikislapang mga bituin.
Hindi niya maiwasang titigan si Mykael habang sinasabayan nito ang lyrics ng kanta. Nakangiti ito na tila in-enjoy talaga nito ang kinakanta. At hanggang ngayon, amazed pa rin siya sa magandang timbre ng boses nito.
Si Mykael na yata ang pinaka-talented na taong nakilala niya.
"I want to lay down by the fire with you. Where souls are glowing, ever warmer too. Your love surrounds me like a lullaby. Singing softly, you are mine oh mine."
She was familiar with that song. She has heard of it a lot of times on the radio. And hearing it again from Mykael felt a little special.
"I have never been more certain." Natigilan siya nang bigla nitong ibaling ang mukha sa kanya. "I will love you 'til we're old." Lumapad ang ngiti nito. "You're staring Gumie."
"H-Huh?"
"You familiar with Ben&Ben?" Umiling siya. "You should listen to their songs."
"Kanta ba nila 'yang kinakanta mo?"
He nodded. "Maybe The Night, 'yan ang title ng kanta."
"Mahilig ka pala sa OPM?"
"I always have this dream Gumie, gusto kong makilala sa ibang bansa ang ganitong mga musika. It would be a waste of opportunity if we don't help these artists. I mean, they have potentials, maybe one day, change the world with their music. I mean, if other countries can do it, then why not, us? Same in the film industry, masyado tayong naka focus sa quantity kaysa sa quality. We always make sure it will become a hit and people will flock into it. Dapat kumita tayo, dapat sikat ang mga artista, dapat mainstream ang mga kanta. Pero may sense ba? May natutunan ba ang mga tao?"
"Kasi at the end of the day, importante pa rin ang kumita."
"That's just a temporary success, Gumie. Dadating pa rin ang panahon na makakalimutan ng mga tao ang mga musika at palabas na 'yon. Matatabunan 'yon ng mas sikat at mas tinangkilik ng mga tao. At gaya rin ng nakaraan, malilimutan at matatabunan. A cycle of temporary success."
"Pero 'yon ang reality, unless, someone would be brave enough to make a change. And I think... it's you."
"Really?" Amuse na amuse na tinitigan siya nito.
Natawa siya. "Why not, 'di ba? You can change the world's perspective. Nasimulan mo na nga. You're supporting indie films and I assumed pati rin ang mga underrated musicians dahil napansin kong hindi mainstream songs ang mga ginagamit ng mga commercials n'yo, short films, at lahat ng mga na-i-produce n'yo na. You're starting the change Mykael. You're helping these people reached their dreams. Sooner or later, madami na ring tutulong sa'yo."
"I'd like to see that happening someday."
"You will." Umisod siya palapit rito hanggang sa magdikit ang mga balikat nila. "Ikaw pa."
"We will."
"Okay, we will."
Maybe the night holds a little hope for us, dear. Maybe we might want to settle down, just be near. Stay together here.
"Oh –" Napasinghap siya nang bigla siyang yakapin ni Mykael pasulong sa tubig. Inihit siya ng ubo nang makaahon silang pareho. "Mykael!" impit na tili niya sabay palo sa balikat nito. Tawa naman ito nang tawa. Ang lamig pa naman ng tubig.
"Sayang ang tubig!" Yakap pa rin siya nito. "Tayo lang dalawa."
"May damit ka bang pamalit, ha?"
"Well, I have a spare in my car."
Kumalas siya sa pagkakayakap nito at lumangoy pabalik sa gilid ng pool. Sumunod ito sa kanya. Muli siyang napasinghap nang pagbaling niya ng tingin dito ay bumungad sa kanya ang dibdib nito. Naingat niya ang mukha rito.
"Malamig –" Natigilan siya nang biglang yukuin siya nito at mabilis na hinalikan sa mga labi. Naramdaman niya ang pagdikit ng likod niya sa matigas na tiled wall sa likod niya. Mykael's hand wrapped around her waist; pulling her closer to his warm body. Nailapat niya ang mga palad sa dibdib nito.
Parang may sariling isip na naipikit niya ang mga mata. Natagpuan na lamang niya ang sarili na tinutugon ang bawat hagod ng mga labi nito sa kanya. A soft moaned escaped from her mouth. Sinapo nito ang isang bahagi ng mukha niya para pailaliman pa ang halik.
The kiss was making her dizzy and breathless but it seemed like it didn't really matter to her. May kung anong kakaiba sa paraan ng paghalik nito sa kanya na hindi niya mabigyang pangalan. She didn't knew that a kiss can take someone's soul away from your body. Tila dinadala siya nito sa isang lugar na tanging silang dalawa lamang ang nakakalam.
And then their lips parted.
Pinagdikit nito ang mga noo nila. Parehong habol ang hininga na iniangat niya ang mukha rito.
"I promised myself not to make love with you 'till we get married. But that does not mean, I'll deprive myself from kissing you." Sumilay ang isang ngiti sa mukha nito. Binigyan siya nito nang mabilis na halik sa mga labi. "So don't expect that this would be the last time I'll steal a kiss from you."
NAGISING si Gumie sa sunod-sunod na tunog ng door bell sa pinto. Pupungas-pungas na lumabas siya ng kwarto niya at sinilip mula sa peephole ng pinto ang damuhong nanggising sa kanya. Kumunot ang noo niya nang makitang walang tao pero may mga paper bags sa labas ng pinto niya.
Binuksan niya ang pinto at iginala ang tingin sa paligid. Wala talagang tao. Bumaba ang tingin niya sa apat na paper bags. Kinuha niya 'yon at muling pumasok sa loob. Inilapag niya ang mga paper bags sa coffee table niya sa sala. Agad niya namang napansin ang isang short white envelope sa isa sa mga paper bags.
Kinuha niya 'yon at binasa ang laman ng card na nasa loob ng envelope.
I bought you seven bathrobes para 'di ka na maubusan kapag nandiyan ako. Don't try to seduce me, Gumamela. I'm weak when it comes to this but I can endure it just for you. I'm not a saint but I can promise you, I'll behave. So don't go further, I don't want to see you enjoying disappointment. Trust me baby, it sucks!
Ps: Be back later, huwag mo akong ma-miss masyado.
Pss: Am I allowed to say I love you now?
K, fine whatever, I love you.
-Mykael
Inilabas niya ang lahat ng mga bathrobes na binili ni Mykael sa kanya. Tawang-tawa siya. 'Langya talaga ang 'sang 'yon. Lakas ng trip sa buhay. Mas lalo siyang natawa dahil may nakaburdang araw pa ang mga bathrobes, from Monday to Sunday.
"Ano bang gagawin ko sa'yo Mykael Sy?!" Nanggigil siya sa kilig.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro