Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11

"MAY KASAMA ka ba sa bahay?" tanong ni Mykael. Iginala nito ang tingin sa buong paligid ng condo unit niya.

Nagpumilit itong ihatid siya pauwi. Wala siyang choice dahil ang kulit-kulit nito. It was kind of different this time dahil alam na niyang straight na lalaki talaga ito. At hanggang ngayon hindi pa rin siya nito sinasagot kung ano nga ba 'yong gusto nitong magsimula ulit sila.

Ayaw niyang mag-assume pero madami nang naglalarong sagot sa isip niya nang mga oras na 'yon. Ayaw niyang isipin na gusto siya nitong ligawan dahil ayaw niya talagang umasa. Ayoko talaga! As in ayokong patagalin niya. See? Kaya ayaw niyang mag-isip. Nagiging marupok na naman siya.

"Kaibigan ko," sagot niya. "Itong unit at ang sasakyan ko ang nabili ko gamit no'ng perang ibinayad sa'kin para sa bahay. 'Yong iba ibinangko ko, in-invest ko sa Chick Your Status at kalahati naman ay itinabi ko para sa tiyang ko."

Paminsan-minsan ay inaatake pa rin siya ng ubo niya pero hindi na ganoon kadalas. Nangangati ang lalamunan niya kapag matagal siyang magsalita.

"Sorry, gusto mo bang isulat ko na lang para sa'yo ang update ng buhay ko? Medyo makati talaga lalamunan ko e," may himig na pagbibiro niyang dagdag.

Natawa ito. "It's okay Gumie, you don't need to talk every time. We have whole our lives to know each other."

Linyahan ng 'sang 'to, wagas! Nag-okay signal siya gamit ng mga daliri niya.

"Bibihis muna ako." Tinalikuran niya ito at dumiretso sa silid niya. Natigilan siya nang mauna pa ang kamay nito sa door knob ng pinto ng kwarto niya. Ito ang nagbukas para sa kanya. Hindi 'yon naka lock.

At nauna pa itong pumasok kaysa sa kanya. Paking syet! "Mykael!" napasigaw siya nang makita niyang nakakalat ang mga gamit niya at nasa itaas pa ng kama niya ang bra niya. "Lumabas ka muna." Mabilis na hinila niya ito sa braso palabas ng kwarto niya. "Ba't kasi pumapasok ka na lang nang basta-basta?"

"I thought you needed help?" inosente nitong balik.

Na-e-stress siya! Dios ko! Ang bra niya expose na expose. "Anong tingin mo sa knob ng pinto? Angkla ng barko?" Pilit na pinaupo niya ito sa sofa. Hiningal talaga siya. "Behave, dito ka lang."

"Okay," anito na may ngiti. "If you need help, I'm just outside the door."

"Hindi na, kaya ko na." Mabilis na tinalikuran niya ito pero hindi pa siya nakakapasok sa kwarto niya ay nagsalita ulit ito.

"I like your room Gumie." Nahimigan niya ang pilyong ngiti nito kahit hindi siya nakaharap kay Mykael. "The bed is big and it looks comfy."

Biglang nag-init ang mga pisngi niya. Bumalik sa isipin niya ang mainit na eksena nilang dalawa ni Mykael noon sa silid niya bago ito umalis ng Anda. What the hell Mykael Sy? Anong gusto mong ipahiwatig sa akin?

"Mainggit ka lang!" naiinis na sagot niya.

Malakas na tumawa naman ito. Mabilis na naglakad siya at padabog na isinarado ang pinto. Inihilig niya ang likod sa katawan ng pinto.

"Okay, Gumamela, huminga ka nang malalim." Humugot siya nang malalim na hininga at kinalma ang sarili. Pero takte, nang ilapat niya ang palad sa dibdib niya, ramdam na ramdam niya ang malakas na tibok ng puso niya.

Bwesit ka talaga Mykael! Panagutan mo talaga 'tong puso ko kapag ako talaga na bwesit sa'yo.

PAGLABAS niya ay wala na si Mykael sa sala. Bahagya siyang nadismaya. Pero natigilan siya nang marinig niyang may kung sinong nangingialam ng mga gamit niya sa kusina. Mabilis na sinilip niya kung sino 'yon.

"Mykael?"

May ngiting tinignan siya nito mula sa balikat. Mabilis lang dahil busy ito sa paghuhugas ng caldero. "I' making you a porridge. I learned this from my mother."

Lumapit siya rito. "Hindi mo na kailangang gawin 'yan. Ako na -"

"No," pigil nito. Inabot nito ang towel at nagpunas ng kamay. "I insist." Hinawakan siya nito sa pupulsuhan at pilit na pinaupo sa isa sa mga silya ng maliit na dining table niya. "Tignan mo nga ang sarili mo. Namumutla at nangangayat ka na. Kumakain ka pa ba?" Iniwan na siya nito at binalikan ang ginagawa.

"Grabe ka naman, tatlong buwan lang naman ang lumipas at hindi tatlong taon."

"Kahit na, you should always take care of yourself. Sinong mag-aalalaga sa'yo kung may sakit ka?"

"Sarili ko," sagot niya. Nangulambaba siya. Pinagkasya na lamang niya ang sarili sa pagsunod sa bawat kilos ni Mykael. "Sanay naman akong alagaan ang sarili ko. Anyway, ilang babae na ba ang pinagluto mo?"

"Bukod sa mama ko, ay ikaw pa lang."

"In-i-echos mo lang ako e. Ikaw?"

"Well, I won't deny that." Naalala pa niya ang inamin nito sa kanya roon sa Anda. Hindi naman pala lalaki ang tinutukoy nito. Mga babae pala nitong mga flings. "That's one truth about me that I didn't hide from you. At hindi kita in-i-echos, madami na akong na i-date na babae pero ni minsan hindi ko naisip na ipagluto sila."

"So bakit pinagluluto mo ako?"

"Gusto ko lang."

"Curious lang ako. Bakit ka nga pa pumayag na tulungan ako?"

"You want my honest answer?"

"Of course, so ano nga?"

"Nagagandahan ako sa'yo," he chuckled. "Mahina talaga ang puso ko sa mga magaganda."

Napahawak siya sa kanyang mga pisngi. Ako maganda? Alam niyang makasarili siya pero ni minsan hindi niya inisip na maganda siya. Well, sinasabi niyang maganda siya pero dinadaan niya 'yon sa biro. For her, she's just an average woman with an ordinary beauty. Hindi siya ang klase na babae na mapapalingon talaga ang mga lalaki.

And from the likes of Mykael, mukhang hindi siya ang klase ng babae na matitipuhan nito at one glance.

"Hindi ako maganda," nakasimangot niyang sagot.

Baka binibiro lang siya nito.

"Mas marunong ka pa sa'kin."

"Sa gwapo mong 'yan? I doubt. Masyado akong plain para sa taste mo."

"For a selfish person like you, masyado kang humble para sa sarili mo."

Napamaang siya. "Wow, naman. E sa 'yon ang totoo. Hindi ako naging crush ng bayan. Isa nga lang ang naging boyfriend ko, scammer pa."

Hinarap siya nito. Halos tapos na rin ito sa ginagawa nito.

"Iba-iba naman tayo ng pamantayan ng ganda. E, may problema ba sila kung ang depinisyon ko ng maganda ay ikaw?"

"Alam mo, nabu-bwesit ako sa mga linyahan mo e."

"Why?" may himig na panunukso na tanong nito.

"Ah basta!" Tumayo siya at iniwan niya ito. "Bahala ka sa buhay mo. Tapusin mo 'yan. Sarapan mo dahil kapag 'di ko nagustuhan 'yang lugaw mo, ihahagis kita sa bintana."

"Don't worry, with love 'tong lugaw ko."

Tigilan mo ako Mykael talaga!



"ANO, masarap ba?"

Tumango siya.

Lumapad ang ngiti ni Mykael. "My mother taught me that," kwento nito. Tahimik lang siyang kumain. Masarap talaga 'yon. Hindi lang plain na lugaw. "Noong bata kasi ako, kapag nagkakasakit ako, lagi niya akong pinagluluto ng lugaw. And it made me feel better. So when she got sick, no one was there for her, that day, sinabi ko sa sarili ko na, magpapaturo ako sa kanya para kapag nagkasakit siya, maipagluluto ko rin siya ng lugaw. And then, she will feel better."

Napangiti siya. "Mahal na mahal mo talaga ang mama mo."

"I love her so much. She's my queen."

"That's sweet, Mykael."

"And you will love her as well."

Inihit na naman siya ng ubo. Mabilis na tumayo si Mykael sa katapat na silya at mabilis na nakaikot sa mesa. Walang pasabing hinubad nito sa kamay niya ang pantali niya sa buhok. Mayamaya pa ay busy na ito sa pagtatali ng buhok niya.

"Itali mo ang buhok mo lagi at i-check mo ang pawis sa likod mo para 'di ka masyadong ubohin. Magdala ka lagi ng bimpo at ipalagay mo sa likod mo." Saglit itong nawala at sa pagbalik nito ay may dala na itong bimpo. Maingat na inilagay nito 'yon likod niya. "Make sure you eat a full breakfast and dinner before you drink your antibiotics."

"Dinaig mo pa ang tatay ko ah," biro niya.

Pero sa totoo lang na touched siya sa concern at pag-aalaga nito sa kanya. Parang wala namang nagbago sa kanila. They're still comfortable with each other. Hindi naging issue sa kanya ang pagsisinungaling nito sa kanya na bakla ito.

Magagalit pa ba siya? Sa dami nang mga naitulong ni Mykael sa kanya? I should be grateful.

"Ako na mag-aalaga sa'yo dahil mukhang wala ka naman yatang balak na alagaan ang sarili mo."

"May balak ako, oa ka lang talaga."

"I'm not overreacting, this is love."

"Manliligaw ka ba?" pranka niya rito.

Sakto namang pag-angat niya ng mukha ay nakatunghay ito sa kanya.

"Magpapaligaw ka ba?"

"Oo, pero hindi sa'yo."

"Why?" Tila nasaktan ito sa naging sagot niya.

"Gusto ko kasi ng faithful, ayoko ng loyal lang, sabi mo kasi, loyal ka e."

Natawa ito. "Natatandaan mo pa pala?"

"Naman!" Ibinalik niya ang atensyon sa pagkain. Bumalik naman ito sa kinauupuan nito. "Nadala na ako sa Stan-nas kong ex. Ayoko na ulit umulit. Tanga na ako kapag ganoon."

"I'll think about courting you."

Napamaang siya. "Wow, ha?"

Nangulambaba ito sa harap niya. "But I'm very much interested." Sumilay ang isang matamis na ngiti sa mukha nito.

Napalunok siya.

Patay tayo riyan!


"MAGANDA ba ako Mohana?"

Panay pa rin ang tingin ni Gumie sa full length mirror niya sa kwarto. Panay ang ikot niya at pagtingin sa mukha. Nakaupo naman sa itaas ng kama niya si Mohana habang pumapapak ng isang bowl ng squash seeds.

"Maganda ka dae, sino ba nagsabi sa'yong pangit ka? Sabihin mo para mapadalhan ko ng death threats."

"OA nito!" Naupo siya sa gilid ng kama at kumuha ng ilang squash seeds sa bowl nitong hawak. "Pero 'di nga, ano sa tingin mo? Honest opinion lang."

Pinasadahan siya nito ng tingin. "Maganda ka, pero mas maganda ako." Malakas na tumawa ito.

"Ano ba?!" Binato niya ito ng mga seeds. Mabilis na naiharang nito ang mga braso sa mukha nito. "Seryoso ako. Sagutin mo ako nang maayos."

Ibinaba nito ang mga kamay. "Gaga, ba't ba big issue sa'yo ang kagandahan? Wala na ba tayong karapatang maging pangit? Maganda ka nga. Paniwalaan mo ako. Naging judge ako ng Miss Gay dati."

"Mohana naman e!"

"Hoy!" Natatawang duro nito. "Gumamela tigilan mo ako. Kung sino man ang nagsabi sa'yo na pangit ka. Packing sheet nila. Maganda ka. Paniwalaan mo 'yan gaya ng paniniwala kong kasing sexy ko si Pia Wurtzbach!"

"Wow, ha?!" It was as her turn to laugh.

"Nga pala, uuwi na ako. Kaya mag-isa ka na ulit dito."

"Nagkaayos na kayo ng nanay mo?"

"Hindi pa, pero nag-text ako sa kanya, sabi ko, uuwi na ako Ma, sinagot niya ako ng, anak ka ng demonyo, bahala ka sa buhay mo." Natawa ito. Gayang-gaya pa nito ang boses ng ina nito. "Baliw talaga 'tong nanay ko, kung anak ako ng demonyo, 'di siya ang demonyo."

"Baliw ka!"

"Mataas pride nun, lagi tuloy akong nasasabon. Pero kapag 'di ako umuwi baka itakwil na ako nun."

"Sabagay, high blood lang talaga lagi si Aling Elsa."

"Ako na lang makikipagbati. Susuholan ko na lang ng pera para tumahimik na. Tiyak akong HB na naman 'yon kay Papa dahil nasa mga kapatid ko na naman sa labas ang buong atensyon nun."

"May kapatid ka pa sa labas?" nanlalaki ang mga mata na tanong niya.

"Oo, 'yong mga manok na pangsabong niya. Mas mahal pa niya 'yon kaysa sa amin."

"Loka-loka ka talaga!"

"Hay naku! Ayokong ma stress, mananaba ako nang husto." Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. "Sana ay okay lang na mag-isa ka rito."

"Sanay akong mag-isa, walang problema sa'kin. At tama naman na makipag-ayos ka na sa mama mo."

Naalala niya ang tiyang niya. Nami-miss na rin niya ito. Pero hindi pa siya sigurado kung kailan nga ulit siya magkakalakas loob na bumalik ulit ng Anda.

"Masaya ka ba sa'kin o masaya ka dahil maisasama mo na naman ang lalaki mo dito?" may himig na panunukso nitong tanong sa kanya.

"Anong lalaki 'yang pinagsasabi mo?" At saka paano nito nalaman?

"Ay sus, kunwari pa 'to, na-i-chika sa'kin ni Manong Guard na may inakyat ka raw na lalaki kahapon. Gwapo raw. Mukhang artista. Saka gabi na raw umuwi. Kaya pala wala ka kahapon sa tindahan kasi may ka anohan ka pala rito."

"Hoy Mohana –"

"Dito ba?" May nakakalokong ngiti na hinimas-himas nito ang kama. "Ito ang ba ang scene of the crime? Sa lugar ba na 'to nangyari ang sarap – syet!" Nabato niya ng unan si Mohana. Sapol sa mukha. Ang babaeng 'to, masaganang-masagana sa kamunduhang pag-iisip. "Aray naman, nanakit, ha?!"

"Ikaw, puro ka na lang kalokohan. Kapag wala kang trabaho, nakiki-chismis ka naman kay Manong Alwin sa ibaba."

"Friendly lang talaga ako." Bungisngis pa nito. Maganda sana 'tong si Mohana pero green minded. "So sino nga 'yon? Boyfriend mo?"

"Hindi, kaibigan ko lang. Dahil ikaw, ewan ko ba naman kung bakit 'di kita ma-contact." Hindi nito nakita si Mykael nang dumalaw ito sa ospital. Nagkasalisihan ang dalawa. "Ayaw mo yata magpa-istorbo."

Namilog ang mga mata nito sa pagkalito.

"Tumawag ka?" Naikiling nito ang ulo sa kaliwa. "Ay, tama!" She snapped her fingers. "Tumawag ka nga pero 'di ko nasagot."

"Saya-saya, naalala mo na."

Natawa ito. "Sorry, nakalimutan kong tumawag ulit kasi naging busy kami. Madaming customers. Okay lang naman yata kasi mukhang nag-enjoy ka naman e."

Itinaas niya ang isang kamay rito. "Let's stop," tumayo siya at iniwan ito sa loob.

"Sino kaya 'yong ka anohan ni Gumie kagabi?"

Narinig pa niyang tanong ni Mohana sa kawalan.

"Sabi ngang wala e!"

"Galit? Galit? Hindi natuloy?"


GULAT ang unang rumihestro sa mukha ni Gumie nang buksan niya ang pinto. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Mykael.

"Brought you flowers." Mula sa likod nito ay inilabas nito ang tatlong pulang gumamela.

"Wow, nag-effort ka pa. Saan mo naman 'yan pinitas?" Tinanggap niya ang mga bulaklak at nilakihan ang bukas ng pinto. "Pasok ka." Ngayon niya napansin na may paper bag pala itong dala.

"Sa labas," tatawa-tawang sagot nito.

Isinarado niya ang pinto. Si Mykael naman, akala mo, ito ang may-ari ng bahay niya. Kabisadong-kabisado ang bawat sulok e pangalawang beses pa nitong nakadalaw rito. Inilapag nito ang dalang brown paper bag sa itaas ng rectangular wooden coffee table niya sa sala.

"I bought foods, baka ko, nagugutom ka."

"Napadalaw ka?"

"Masama bang dumalaw ulit?"

"Pinapasok ka agad ng guard sa ibaba?"

"I told him, I'm your husband."

Tumaas ang isang kilay niya.

Nakangiting itinaas nito ang isang kamay. Kumikinang ang gold band sa palasing-singan nito.

"Ano namang kalokohan 'yan? Lakas ng trip mo sa buhay Mykael."

"I call that creativity, honey." Bigla ay hinawakan nito ang kanang kamay niya. Gamit ng libreng kamay nito ay may kung ano itong hinugot sa bulsa ng pantalon nito. Nanlaki ang mga mata niya nang ilabas nito mula roon ang kaparehong sing-sing na suot nito. It was smaller than his. "Romantically creative," dagdag nito. Bumaba ang tingin nito sa kamay niya saka isinuot nito ang sing-sing sa ring finger niya.

"Hoy!" Binawi niya ang kamay rito. "Ba't may pa sing-sing ka pa?" Sinubukan niyang alisin ang sing-sing sa daliri niya pero ayaw matanggal nun. Hindi naman 'yon masikip o maluwag. Sa katunayan ay sobrang sakto ng sukat ng sing-sing sa daliri niya. "Bakit ayaw matanggal? May mighty bond ba 'to?"

"Perfect fit."

"Hoy Mykael, ayoko ng ganitong biro talaga."

"Sino ba may sabing nagbibiro ako?" May kung ano na naman itong kinuha sa likod ng bulsa ng pantalon nito. Inabot nito sa kanya ang nakatiklop na bondpaper. "Sorry, medyo na crumpled lang, pero readable pa naman 'yan."

She unfolded the paper. Kumunot lang ang noo niya sa nabasa.

"Resume? Para saan?"

Lumapit ito sa kanya at itinuro ang objective na inilagay nito. Lumagpas ang mata niya sa bahaging 'yon.

"Objective," basa nito. "Applying as Maria Gumamela Macaraeg's boyfriend and in God's grace, be her lifetime partner."

Marahas na naingat niya ang mukha. Napatitig siya sa mukha ni Mykael. Nagbibiro ba ito? Gino-good-time lang ba siya nito?

"Seryoso ka?"

"Hindi, joke lang 'yan – aw!" Napaigik ito nang paluin niya ito sa braso.

"Mykael!" sita niya rito.

"Manliligaw nga ako. Kaya nga, binibigay ko sa'yo 'yang resume ko para may reference ka. Nag-e-effort ang tao e." Itinuro nito ang mga dala nito. "Dinadalaw kita. Inaasikaso. I brought foods and goods for you," parang batang naghahaba ang nguso nito habang nag-e-explain. "Pero sa tingin mo pa rin 'di ako seryoso."

Natawa siya.

Kaloka! Ang cute niyang magtapat ng feelings.

"Are you confessing to me Mykael?"

"Ikaw, Gumie, nakaka-ano ka na e. Hindi pa ba ako obvious?"

This time, malakas na natawa na talaga siya. "Kakaloka ka! First time mo bang manligaw Mykael Sy?"

"Guguho ba ang mundo kapag sinabi kong oo?"

Ganda ko ah!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro