Kabanata 10
"I WANT YOU," anas ni Mykael. "I want you to sleep." He rolled on Gumie's side. Pinihit siya nito payakap. Pareho silang natawa. Just want in the world did they do? "Let's just sleep before I change my mind." Umungol pa ito na para bang bahagya itong nainis sa sarili.
"Buti na lang aalis ka na bukas." Yumakap siya rito at umunan sa dibdib nito. "Wala tayong awkward moments."
"You don't know what's going inside my mind right now, Gumie. You'll be the death of me woman."
Pero hindi na masyado 'yon nag-sink-in sa utak niya nang mga oras na 'yon. Lasing na siya pero mas nalalasing siya sa bango nito. She's getting addicted with his scent. Hahanap-hanapin niya talaga ang bango nito.
"Gusto na talaga yata kita," natatawang amin niya. "Nababaliw na yata ako. Pero alam ko na 'di mo ako type."
"Sino may sabi?"
"Alam ko lang." Hindi na niya alam kung may kasunod pa bang sinabi si Mykael o wala na dahil tuluyan na siyang ginapi nang matinding antok. Kung ano pa 'yon, 'di na importante pa. Aalis na ito. At wala talaga silang chance sa isa't isa.
So move on, Gumie. Move on!
I WILL be back. Don't tell them yet. Wait for me. - Mykael
"Babalik si Kuya Mykael?" Marahas na naibaling ni Gumie ang mukha kay Keanu. Inagaw nito mula sa kanya ang note na iniwan ni Mykael sa kanya.
Maaga itong umalis kinaumagahan. Madaling araw yatang umalis. 'Di na siya nito pinagising dahil tulog na tulog daw siya. Nakaya nitong byumahe na may hangover? Wow!
"'Te, babalikan ka niya. Baka aamin na siya."
"Anong aamin? Baka gusto niya lang suportahan ako kapag umamin na ako."
Actually, 'di niya rin alam kung bakit babalik pa ito. Sinabi naman na niya rito na kaya niya na. Ni hindi pa nga nito sinasagot ang mga tawag niya. Gusto niyang marinig ang explanation nito. Naguguluhan siya.
Naalala niya ang lahat. At ang sariling kagagahan sa confession niyang ginawa. May mukha pa kaya siyang ihaharap dito? Baka natakot niya ito kaya umalis ng madaling araw.
"Ate, hanggang ngayon ba? Bakla pa rin ang tingin mo kay Kuya Mykael?"
"Keanu, bakla si Mykael. Period."
"Mas marunong ka pa sa'kin e ako ang bakla. Naku, maniwala ka sa'kin ate, itataya ko ang love life ko, 'di bakla si Kuya Mykael. Pero in all fairness, magaling siyang umarte."
"Bakla 'yon," giit pa niya. "Noon ngang bigla niya akong hinalikan, dampi lang 'yon ah, pero nasuka siya."
"O my god," tili nito. "Ate Gumie ang rupok mo. Kailan 'yang first kiss na 'yan? Kung ganoon 'di 'yon ang unang beses doon sa terrace? Umamin ka. 'Yong totoo?"
"Wala, joke lang 'yon." 'Yang bibig mo talaga Gumie. Pahamak! "Nakapag-enroll ka na ba next sem? Kumusta? Kailangan mo ba ng allowance?"
"Change topic agad e!" Bahagya siya nitong siniko sa tagiliran. "Ano? Ilang beses kayong nag-kiss? Kiss lang ba talaga? O more than?"
"Wala, walang nangyari, okay?" Muntik lang. "Tigilan mo na ako Keanu. Ayaw kong makipag-away. Bagong buhay na ako."
"Ate naman e, c'mon, chika ka na."
"Ikaw, mas mahalaga pa sa'yo ang chismis kaysa sa allowance na in-offer ko."
Tinawanan lang siya nito. "Miss mo na siya, no?" Bungisngis pa nito. "Aminin."
"Ikaw!" Dinuro niya ito. "Mapepektusan na talaga kita. Tigilan mo na ako. Walang kami, okay? Stop fishing information."
"Gumamela!" Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng sigaw. "Gumamela may naghahanap sa'yo."
Bigla siyang kinabahan. Napatingin sila sa isa't isa ni Keanu. Sino naman kaya ang maghahanap sa kanya?
"HANGGANG kailan mo ililihim sa amin ang lahat Gumamela?" galit na galit na tanong ng tiyang ni Gumie. Nasa sala silang lahat at halos sila ay nakatingin sa kanya. "Hindi na ba kami importante sa'yo? Wala na bang halaga sa'yo ang bahay at lupa na pinaghirapang ipundar ng mga magulang mo para sa'yo?"
Dumating kanina ang dalawang representative mula sa banko na pinagkakautangan ni Stan. Hindi niya nabasa ang mensahe ng mga ito sa email niya dahil mahirap ang signal ng internet sa lugar nila. Natunton ng mga ito ang lokasyon ng bahay niya at kapag 'di pa siya makapagbayad sa susunod na buwan ay gagawin ng mga ito na collateral ang bahay at lupa.
Bago pa man siya makapagtapat ay nalaman na ng pamilya niya ang totoo. At alam niyang sobrang dismayado ang mga ito sa kanya.
"Sasabihin ko naman talaga," pag-amin niya. "Humahanap lang ako ng tiyempo."
"Utang ba 'yon ni Mykael?"
"Hindi, walang kinalaman si Mykael dito." Huminga siya nang malalim. "Tinulungan niya lang ako. At hindi rin siya si Stan na nobyo ko."
"Ginoo ko! Ano bang nangyayari sa'yo Gumamela? 'Yan ba ang natutunan mo sa Maynila? Ang maging ganito? Maging sinungaling? Maging makasarili? Alam kong may gusto kang patunayan sa buhay mo, pero, ganito talaga? Ni hindi mo man lang ikinunsulta sa amin 'to? Pamilya mo kami. Tutulungan ka namin."
Hindi niya napigilan ang mga luha. "Sorry po." Lumuhod siya sa sahig. Mabilis na dinaluhan siya ni Keanu. "Patawad."
"Ate Gumie!" Pilit siya nitong pinatayo. "Tumayo ka riyan."
Pero hindi siya nakinig.
"Sorry po tiyang," iyak niya. "A-Ayoko lang talaga kayong idawit sa mga problema ko. Kasalanan ko rin naman kasi ang lahat. H-Hindi mangyayari 'to kung hindi ako naging makasarili... kung sana natutoto akong makinig sa inyo... at naging mabuting anak... masyado hong naging mataas ang tingin ko sa sarili ko."
"Isang milyon? Paano ka nagka-utang nun?"
"Utang ho 'yon ni Stanley, pumirma rin ako bilang co-maker sa cash loan niya kasi akala ko para sa kasal namin 'yon pero... hindi pala... bigla na lang siyang nakipaghiwalay at nawala... ako na ang hinabol ng banko. At makukulong ako kapag 'di ko 'yon mababayaran."
"Dios ko, naman, Gumamela. Ano ba 'tong pinasok mo?"
"Nasaan ba ang walangyang Stanley na 'yan?!" galit na tanong ng tiyo niya. "Mapapatay ko ang lalaking 'yan. Ipinahanap mo na ba ang demonyong 'yon sa mga pulis?"
Tumango siya. "Pero wala pa hong balita kung na saan na nga siya."
"Pero ginagawa naman ho lahat ni Ate Gumie, 'Tay, 'Nay, naibenta na rin niya ang bahay."
"'Yon na nga ang punto ko!" Nahilot ng tiyang niya ang sentido nito. Parang mahihimatay ito sa sobrang pagpupuyos ng damdamin nito sa galit at pagkadismiya sa kanya. "Gumamela, alam na alam mo na mahalaga sa tatay at nanay mo ang bahay at lupa na ito."
"Hindi naman ho mapapabayaan ang bahay at lupa. Alam ko hong maalagaan ng susunod na may-ari ang ba –"
"Kahit na!" sigaw nito. "Hindi ko alam kung bakit ganyan ka mag-isip? Parang ang dali lang para sa iyong ipagbili ang bahay at lupa na ito. Alam kong ayaw mo na rito sa Anda pero i-respeto mo naman ang pinaghirapan ng mga magulang mo!"
"Sa tingin n'yo ba tiyang, naging madali sa'kin ang lahat? Mahalaga rin sa akin ang bahay na 'to. Sobra. Pero alam ko na walang-wala rin tayo. Nag-aaral pa si Keanu at may pamilya kayo. Alangan namang problemahin n'yo rin ang problemang ginawa ko? Ang kapal naman na masyado ng mukha ko kung babalik lang ako sa Anda para hingan kayo ng isang milyon."
Tumayo siya. Marahas na pinahid niya ang mga luha.
"Inaamin ko na mali ako. Na maling-mali ako sa lahat ng mga desisyon ko. Oo, tanga ako. Bobo. Madaling maloko. 'Yang si Maria Gumamela Macaraeg? Walang mararating 'yan! Kasi hindi nag-iisip nang maayos. Mahal na mahal ko ang mga magulang ko. Mahal na mahal ko ang bahay at lupa na 'to. Kaso wala e!" Naninikip masyado ang dibdib niya. "Ako pa rin 'yong batang Gumamela na laging nagkakamali at laging sakit sa ulo."
"Ate Gumie..."
"Sorry, dahil hindi ko kayo magawang maging-proud sa akin."
Hilam ang mga luha na naglakad siya sa direksyon ng silid niya. Sobra-sobra na ang paninikip ng dibdib niya. Sobra talaga siyang nasasaktan. Sa lahat ng mga maling nagawa niya, dito talaga siya sirang-sira.
TATLONG BUWAN na ang lumipas simula nang umalis sa Anda si Gumie. Not for good, pero alam niyang babalik din siya ng Bohol kapag humupa na ang galit ng tiya niya. Sa ngayon, hahanapin na muna niya ang sarili niya... na malayo sa pamilya niya.
Sana sa pagbalik niya ay buo na ulit siya at nahanap na niya ang totoong gusto niya sa buhay. Hindi na siya bumalik ng Maynila. Mas pinili niyang sa Cebu na lamang magbagong buhay.
Gamit ang pera na nakuha niya sa pagbibenta ng bahay ay nakakuha siya ng puwesto sa isa sa mga sikat na food park sa Cebu sa may Mandaue, ang The Market. It is the first and the biggest container van food park in Cebu. May chairs and table naman na nakahanda para sa lahat ng mga food eaters.
She named her food business, Chick Your Status. Nakaimbento siya ng sariling recipe para ma upgrade ang natutunan niyang pagluluto ng fried chicken sa tiyang niya. May hot, spicy, and sweet and sour chicken siya na ipinangalan niya sa relationship status ng mga tao. May meal for single, taken, and it's complicated. May dinagdag rin siyang other side dishes para sa it's complicated order , ang special top egg ng mama niya.
Now, she's working on her baking skills. Balak niyang mag-add ng giant chocolate donuts sa menu niya. And she's loving every second of it.
Inihit na naman siya ng ubo. Mag-iisang linggo na 'yon. Hindi um-epekto ang water therapy na ginagawa niya. Mas lalo lamang yata 'yong lumala. Hindi tuloy siya makapagluto at makatulong sa mga staff niya. Hands on na hands on siya sa business niya.
"Ang lapit-lapit lang ng ospital rito, Madame, bakit 'di ka kaya magpa-check up?"
Naingat niya ang mukha kay Mohanna. Ang manager niya sa Chick Your Status. Mas matanda ito sa kanya ng ilang taon. Kasama-kasama ito ng nanay nito noon sa pagtitinda ng banana cue sa labas ng unibersidad nila. Madaldal kaya kapag petiks siya sa mga subjects niya, tumatambay siya sa puwesto nito.
"Bukas," sagot niya, naitakip niya ang bibig nang ihitin na naman siya ng ubo. "Magpapa-check up ako." Pasara na ang tindahan at hinihintay na lang niya ito dahil ang loka-loka naglayas sa kanila. "Tapos ka na ba?" Na check na rin niya ang kita nila ng araw na 'yon.
"Naglilinis pa sila Carla at Mia, matatapos na rin 'yon." Mag-a-alas dos na, dahil 5 pm naman ang opening at ala una naman ng madaling araw ang closing.
"Wala ka pa bang balak bumalik sa inyo?"
"Saka na, magpapaka-miss muna ako. Dapat payat na ako kapag bumalik ako sa bahay." Tumawa ito. "Mukhang, 'di na ako makakabalik."
"Baliw!"
Hindi naman talaga mataba si Mohanna. Malaman lang talaga ito, chubby pero sexy. Gusto niya rin ang personality nito. Sa dami nang pinagdaanan nito at pagiging bread winner ay hanga siya sa pagiging positibo nito sa buhay. Halos lahat ng trabaho, nasubukan na nga yata nito.
"Ang dami ko na ngang trabaho pero 'di pa rin ako pumapayat. Ano ba namang buhay 'to oh? Wala na nga akong love life. Wala pa rin akong impis na tiyan."
"Magsasalita pa ba ako? E, pareho lang naman tayo."
"Buti na lang talaga, maganda tayo." Pareho silang natawa ni Mohanna. Sakto namang may dumaan na sweet na sweet na magkasintahan sa harap nila. Masama ang tingin ni Mohanna sa dalawa. "Magbi-break din lahat ng may boyfriend at girlfriend."
"Bitter mo, ha?"
"Mga dugta ra mo!"
Magiging abo rin kayo!
PAGKATAPOS ni Gumie magpa-check up ay agad siyang bumili ng niresitang gamot sa pharmacy sa ospital din na 'yon. Masama na rin talaga ang pakiramdam niya. Uuwi na lang siya agad dahil nahihilo na siya.
Habang naglalakad sa pasilyong 'yon ay maka-ilang beses niyang naikiling ang ulo at napakurap-kurap ang mga mata para luminaw ang paningin niya. Ubo pa rin siya nang ubo. Masakit na masyado ang dibdib niya sa pag-ubo.
Mayamaya pa ay naging mahina na ang pandinig niya sa buong paligid. Lalong dumilim ang paningin niya. Nahilot niya ang sentido. Naramdaman niya ang panghihina ng mga tuhod. Hanggang sa bumigay na ang mga 'yon.
Akala niya ay sa sahig siya babagsak pero may mga brasong umalalay sa kanya.
"Gumie!" may pag-aalalang tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses ng lalaki.
Mykael?
Pero hindi niya magawang maimulat ang mga mata. Hinang-hina talaga ang buong katawan niya. Naninikip ang dibdib niya. Naramdaman niya ang pagbuhat ng lalaki sa kanya at mabilis na pagtakbo nito habang karga-karga siya.
"HOW IS SHE? Bakit siya nahihirapang huminga? May sakit ba siya sa puso? Does she have this congenital heart disease? Lung cancer?" sunod-suno na tanong ni Mykael kay Kevin. Pinalo naman siya nito ng clipboard nitong hawak. "The fuck! What the hell did you do that?"
"OA ka rin e!" Iniwan siya nito at naglakad sa hallway.
Sinundan niya ito. "Hoy Kevin, ano na?"
"Gumie's fine, basing in her medical history, nagka-allergy reaction siya sa gamot na ineresita sa kanya. But she's okay now, she needs rest as well, she can be discharged tomorrow."
Nakahinga naman nang maluwag si Mykael. "Thank God, akala ko kung ano na. I was frightened as hell. Ngayon lang ulit kami nagkita tapos ganito pa? Damn it, I should have tried harder. Dapat hinanap ko siya agad."
Huminto si Kevin at tinapik sa balikat si Mykael. "Dong, si Gumie, buhay pa, 'yang mga linyahan mo medyo pang-teleserye na, binigyan mo naman ng malalang sakit ang irog mo."
"Kevin, seryoso ako!"
"Seryoso rin ako. Huwag mo akon ina-artehan nang ganyan." Tinalikuran na siya nito at nagsimulang maglakad palayo. "Hay naku! Noong na assign ako sa Maynila, kaartehan ni Rave ang pinobrelama ko. Ngayong nasa Cebu ako, love story naman ni Mykael. Langyang buhay 'to o."
"Hoy Kevin! Sure ka bang okay na talaga si Gumie?"
"Itataya ko ang apdo ko!" Patalikod na itinaas nito ang isang kamay at nag-thumbs-up. "Kaya tigilan mo na ako. Please lang, wala pa akong tulog."
NAGISING si Gumie sa isang 'di pamilyar na silid. Na saan siya? May nakatusok na swero sa likod ng kamay niya. Maingat na bumangon siya. Ano bang nangyari kanina? Ang huling naalala niya ay hinimatay siya.
Na saan na ba ang bag niya? Naigala niya ang tingin sa paligid. Tatawagan niya si Mohana.
Bumukas bigla ang pinto at ganoon na lang talaga ang gulat niya nang makita kung sino ang pumasok.
"Mykael?" gulat na tawag niya sa pangalan nito.
Gwapo na talaga si Mykael, pero bakit mas naging gwapo ito sa ilang buwan na hindi niya ito nakita? Na miss niya ba masyado ang lalaking 'to?
"I told you I'll be back." Lumapit ito sa kanya. "A little bit late since you run away from home."
"Paano?"
"I've been looking for you."
"Bakit mo ako hinahanap?"
"I have a confession to make Gumie." Naupo ito sa gilid ng kama. Hinuli nito ang mga mata niya. Hindi niya alam kung bakit malakas na malakas ang tibok ng puso niya. "I'm not gay."
"S-Sabi nga ni Keanu... h-hindi nga raw..." Pero wala siyang makapa na pagkagulat sa puso niya. Parang mataggal na niyang tanggap 'yon pero tinatanggi niya lang noon dahil sa takot na mahulog nang lubusan dito.
"Aren't you mad at me?"
"Nagbabagong buhay na ako, ayoko nang magalit."
"Nang hintayin kita sa terminal nang makarating tayo sa Bohol. Lalapit sana ako para itama ka, medyo na bothered talaga ako na bakla ang tingin mo sa'kin. Pero 'di ko alam, nang hingin mo ang tulong ko, hinayaan ko na lang na isipin mong bakla nga ako." Natawa ito at amuse na amuse na pinisil ang tungki ng ilong niya. "God, I missed you. I told you to wait for me."
Inabot nito ang isang kamay niya na walang swero. Masuyo nito 'yong pinisil. Naiilang siya sa uri ng tingin na ibinibigay nito sa kanya. She saw adoration and care in his eyes. Which is very unusual. Hindi siya sanay.
"Let's start over again, shall we?"
"M-Magsisimula sa ano?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro