Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

"I QUIT!"

Inilapag ni Gumie ang resignation letter sa mesa ni Mr. Cuizon, ang HR Head ng mall na kanyang pinagta-trabahoan bilang Leasing Officer. Ubos na ang pasensiya niya sa head niya. She had enough! Panahon na para layasan na niya ang kompanyang 'yon. Makakaya pa sana niyang mag-extend hanggang sa 4th anniversary niya sa mall na 'yon pero sobra na talaga ang bagong Leasing Manager niya.

Imbyerna na siya nang sobra!

Noong una ay nagagawa pa niyang baliwalain ang ugali nito pero ngayon, sumobra na talaga 'yang Luigi Llamoso na 'yan sa pagiging-tang-na-juice nitong pag-uugali. Madami siyang kilalang bakla na matitino at madali namang kausap pero iba talaga ang ugali ng walangya. Bossy! Demanding! Sipsip! Close minded! Know it all! Lahat na!

Kumota na talaga ito sa kanya. Plastik na sa lahat ng non-biodegradable ang ugali nito. Akala mo kung sino, kung 'di lang ito mas nakakataas sa kanya, ay naku, nunca magtitiis siya sa kaplastikan nito sa kanila sa opisina. Pareho lang din naman silang officers noon. Mas magaling lang sumipsip sa may-ari kaya na promote.

Pinagtitiisan niya lang talaga ito. Kaka-promote pa nga lang, kung makaasta akala nito ang taas ng experience. Noong una ay akala niya mabait ito pero sa una lang pala 'yon dahil may itinatago pa lang pangit na ugali. Kaya niya namang mag-plastikan sa newly promoted boss niya. Hindi siya magtatagal sa kompanyang 'yon kung 'di siya marunong makibagay, pero iba talaga ito mag-trabaho – madumi.

Madami pa siyang reklamo rito pero hindi na niya iisahin pa at ma-e-stress lang siya. Siya pa rin naman ang masama. At ewan ba naman niya sa management. Wala man lang annual increase. Wala pang benefits at allowance for company outing. Nga-nga! Hindi niya rin maintindihan ang mga desisyon ng mga ito sa buhay. Parang 'di mahalaga rito ang mga empleyado nito. Pasalamat lang talaga ang mga ito na mahigpit ang mga panga-ngailangan nila sa buhay.

At ngayon, nilag-lag pa siya nito.

Isinisi lang naman nito sa kanya ang mga pagkakamali nito. Hello, baka nakakalimutan nitong ilang buwan na siyang kinakalawang sa harap ng computer niya dahil ang magaling niyang boss, inagawan siya ng trabaho. Tapos, isisisi pa nito ang problema ng bagong tenant sa kanya. Tang na juice, ni 'di nga niya na meet in person 'yang si Mr. Nakahara, sa pangalan lang niya kilala ang hapon. At ngayong nagkandaloko-loko na ang lahat ay sinisi na siya nito.

Kaya, I quit!

Nagtagal lang naman siya roon dahil tinatamad siyang maghanap ng ibang trabaho at medyo malapit lang 'din ang mall na 'yon sa inuupahan niyang bahay. Saka nasasayangan siya sa nakukuha niyang incetinves. Dahil doon, nakakaipon siya kahit papaano.

Kung hindi lang baliw 'tong si Luigi, baka maisipan pa niyang mag-extend pa ng isang taon. Pero wala e. Napatid nito ang ang natitirang pasensiya niya rito.

"Gumie, baka pwede naman natin siguro itong pag-usapan with the management," pakiusap ni Mr. Cuizon.

"I'm sorry, sir, pero mag-i-immediate resignation na po ako. Huwag po kayong mag-alala, hindi ko naman kinalimutan ang turnover. Matagal ko naman nang plano na mag-resign kaya inisa-isa ko nang gawin ang dapat kong gawin. Iniwan ko po kay Tina ang turnover folder ng papalit sa akin."

"Pero –"

"Sir, kahit wala na akong last pay. Ibigay n'yo lang sa akin ang COE ko. Alam n'yo kung ano ang rason kung bakit aalis na ako. I tried my best pero hindi ko na talaga kaya. Huwag po kayong mag-alala, alam na 'to ng management."

Hindi niya tatakbohan ang kasalanang idinikit sa kanya ni Luigi. Nilinaw niya 'yon sa management at kinausap ang hapon kasama ng mall manager. Alam na rin ni Mrs. Co ang intensyon niyang pag-alis sa kompanya. Pinigilan siya nito pero buo na ang desisyon niya. Lalayas na talaga siya.

With her experience and skills, may mahahanap din siyang mas malaking kompanya na may mas malaking sahod.



"ALL DRINKS are on me tonight!" sigaw ni Mykael mula sa mic niyang hawak.

Umakyat siya sa puwesto ng DJ at inagaw ang mic nito kanina para sabihin 'yon sa lahat. Ang normal na malakas na tugtog ay mas lalo pang lumakas. Sinabayan pa nang malakas na sigawan ng lahat dahil sa tuwa sa sinabi niya.

"Yes, let's do this!" sigaw ng DJ.

Nakipag-fist bump siya sa kaibigang DJ bago bumaba. He was smiling from ear to ear 'till he reached the bar counter. Patalikod na naupo siya sa high stool paharap sa mga tao.

Bahagya niyang pinihit ang sarili para maharap ang bartender na si Jin. Kilala niya na ito dahil madalas siya sa roon.

"Give me your strongest drink, Jin!"

Tumango lang ito at tumalima. Ibinalik niya ang tingin sa mga taong nagsasayawan sa club na 'yon. Hindi pa rin maalis ang ngiti niya. His hands and body are moving in sync with the upbeat music.

This is his normal life outside Mind Creatives. Night clubs, drinks, women, and sex. 'Yan ang bumubuo sa buhay ng isang Mykael Sy. Kumbaga, he's always in YOLO. People only live once, fuck, dapat masaya lang ang buhay.

Mayamaya pa ay may napansin siyang magandang babae.

Finally, he saw someone interesting. Kanina pa siya sa club na 'yon pero wala siyang mahanap na babae. She got hots for him. He's one hundred percent sure about that. I knew one when I see one. Inabot niya ang baso na inilapag ng bartender kanina at dinala 'yon sa bibig.

Nagtama ang mga mata nila.

At sa tinginan pa lang nilang 'yon alam na niyang hindi matatapos ang gabing 'yon nang hindi nila natitikman ang isa't isa. The woman was wearing a short red halter dress na hapit na hapit sa kurba ng katawan nito. Matangkad na ito pero mas lalo itong tumangkad sa suot nitong itim na 3 inch heels na stilettos. She's sexy and hot, that's no doubt. Just his type!

She seems like one of the members of the Victoria Secret Angels. How lucky can he get if he can fuck this woman tonight? Anyway, mukhang 'yon din naman ang gusto nitong mangyayari.

One step and you'll be mine tonight.

Tumaas ang isang sulok ng labi niya at tuluyang napangiti nang magsimula itong maglakad sa direksyon niya.

Yes, babe, you made the right choice.

Naupo ito sa tabi niya.

Ibinaling niya naman ang mukha kay Jin. "Jin, please give this beautiful lady a drink," aniya rito sabay kindat sa babae. "My treat." She smiled at him in return.

"Thanks, one margarita please."

"I'm Mykael," pakilala niya. He held his one hand at her. "And you're?"

"Issa," sagot nito. They shake hands.

"Alone?"

"Yes, how about you?"

"I guess, that's what we have in common." He chuckled after. "You look beautiful by the way. Do you come here often?" Bahagya siyang lumapit dito para magkarinigan sila. "This is the first time I saw you here."

"Yes, a friend recommended this place to me."

"I see." Inilapit pa niya lalo ang mukha niya malapit sa leeg nito. "Want to go somewhere after this?" bulong niya sa tenga nito.

"Sure."

"My place or mine?"

"Mine."

"Great," anas niya rito, sabay dampi ng halik sa mga labi nito.

But the woman wanted more than just a peck on the lips. Which was more than okay to him. Sino ba siya para tumanggi?

They end up exploring each other's mouth with that hot torrid kiss. He could really feel in her actions how she wanted to get laid tonight. Sinapo niya ang mukha nito para pailaliman pa ang halik. He heard her moan in pleasure. Pero bago paman sila dalhin ng mainit na pakiramdam na 'yon ay pinutol na niya ang halik.

"Let's go," aniya.

Hinawakan niya ito sa pupulsuhan at hinila palabas ng club na 'yon.

THEY reached Lisa or Issa's condo, whatever, 'di niya masyadong narinig ang pangalan nito kanina. But who cares, this is just one of his one night stands. No need to get to know each other part. Hindi 'yon uso sa kanya.

Pagkasara na pagkasara ng pinto ay mabilis na hinalikan niya ito sa mga labi. He pinned her down on the door without leaving her lips. Sinabasib niya ito ng halik sa labi pababa sa leeg nito. He felt Issa's hands inside his shirt, caressing his solid chest down to his abdomen. Tease!

My kind of game.

Mabilis na pinagtulungan nilang hubarin ang mga saplot sa katawan habang magkahinang pa rin ang mga labi nila. Ito ang gumabay sa kanya papunta sa silid nito. Nagulat siya nang itulak siya nito pahiga sa kama. He prop his elbows on the bed for him to see Issa's face. Nakangiting tinignan niya ang magandang mukha ng babae na sa mga oras na 'yon ay nakaharap sa kanyang naghuhumindik na pagkalalaki.

Damn, she surely knows how to pleasure a man.

This would really be a great night!



"MGA BWESIT KAYO!" lasing na sigaw ni Gumie habang pasuray-suray na naglalakad sa daan. Iyak–tawa na lang ang nagagawa niya. Naninikip na ang dibdib niya sa sakit na nararamdaman niya nang mga oras na 'yon. "Magsama-sama kayo! Lahat kayo walang kwenta. Mashaya ba? Mashaya bang nakikita akong misherable?"

Marahas na pinahid niya ang mga luha gamit ng likod ng kamay niya. Kapag minamalas ka nga naman. When it rain, it pours. Una, muntik na niyang mapatay ang boss niya kaya siya na ang nag-adjust at nag-resign. Pangalawa, nakipag-break ang boyfriend niya sa tawag lang. Sa tawag lang?! Ngayon hindi na niya matawagan ang number nito. At ngayon lang niya rin nalaman na nag-resign na pala ito sa pinagtatrabahuan nito sa isang car company.

Kaya pala 'di na ito nagpaparamdam nitong mga nakaraang araw. May plano na pala itong mag-AWOL sa buhay niya. Punyeta naman! Kung kailan niya kailangan si Stan saka naman nito naisipang makipag-break.

Naramdaman na naman niya ang mga luhang sunod-sunod na naglandas sa kanyang mukha.

Iiwan na nga lang siya, sinisi pa siya. Na wala raw siyang oras dito. Na hindi na raw siya nito napapasaya. Ang walangyang 'yon. Siya pa ang sinisi? Gago 'yon. Minahal niya ito pero ang dali lang para ritong itapon ang dalawang taon na pinagsamahan nila? Kawalan ba siya, ha?

"Gwapo ka lang pero mabaho naman ang paa mo! Malasin ka sana. Langya ka! Sana 'di na lang kita minahal." Mabuti na lang talaga 'di niya ibinigay ang sarili rito.

'Di niya deserve ang sexy body ko! Pero bwesit talaga! Malas! Malas! Magsisi rin kayo sa ginawa n'yo. Maka-karma rin kayong mga walangya kayo. Tuluyan na siyang napahikbi ng iyak sa daan. Atay mani silang tanan oy! Mamatay na sana kayo! Bwesit!



"WAKE UP!"

"Hmm," ungol lang ang naging sagot ni Mykael nang maramdaman ang paulit-ulit na pagyugyog ng kung sino sa kanyang balikat.

"Mykael, wake up. Jake is here."

"Who the hell is Jake?"

"Boyfriend ko." Huh? "Gumising ka na riyan. C'mon!" Pilit siya nitong pinabangon. "Mapapatay tayong dalawa kapag naabutan ka niya rito."

Sunod-sunod na malalakas na katok ang nagpagising nang tuluyan sa diwa ni Mykael. Fuck! Seriously? Mabilis na bumangon siya at bumaba ng kama. Isa-isa niyang pinulot ang mga damit at isinuot.

"You have a boyfriend?!" kontrolado niya ang iritasyan at boses para 'di mapasigaw.

Nakagat nito ang ibabang labi. "I'm sorry."

"Damn it!"

"But you did enjoy it, right?"

"I did." Natigilan siya nang lalong lumakas ang katok sa labas. "But I have to go." Inabot niya ang car keys sa itaas ng bed side table. "Do you have an exit door or something?" kunot-noong tanong niya rito.

Damn it! Gulo talaga ang hatid ng mga babaeng may boyfriend na pero hindi pa rin nakukuntinto. If they don't want commitments then might as well stay single. I enjoyed what happened last night but I'm really disappointed right now.

"There," sagot nito sabay turo sa malaking bintana.

Nanlaki ang mga mata niya. Nagbibiro ba ito? Pababain siya nito mula sa bintana? Mabilis na dumungaw siya sa bintana habang nagbibihis ito. Marahas na naisuklay niya ang kamay sa buhok. May exit stairs mula sa labas pababa. Nasa ikatlong palapag ang apartment room nito. Fuck! When it rains, it pours.

It's now or never, Mykael. Kasalanan mo rin naman ang lahat ng ito. Kung madisgrasya ka man diyan sa mga kalokohan mo, ikaw pa rin naman ang may kasalanan.

"Issa! Issa open the door."

Napalingon siya sa direksyon ng pinto. Damn it, bahala na nga. Binuksan niya ang glass window at sumampa na sa frame ng bintana. Langyang buhay 'to oh. Magpapakasarap na nga lang, minalas pa!



"ISANG MILYON?!" hindi makapaniwalang ulit ni Gumie.

Halos panawan siya ng ulirat sa mga narinig niya mula sa representative ng bangkong may malaking pinagkaka-utangan ng nobyo niyang si Stan. I mean, ex na.

Nanginginig ang mga kamay na inabot niya ang baso ng tubig sa itaas ng coffee table sa sala at uminom. Nauhaw siya bigla. Pero mukhang hindi mapapawi ng tubig na 'yon ang katotohanang iniwanan siya nang malaking utang ng walangya niyang ex.

Kanina nagising siya sa malakas na katok mula sa pinto. Nang buksan niya ang pinto ay binati siya ng tatlong unipormadong lalaki na nagpakilalang taga banko. Pinapasok niya ang mga ito. At ngayon, gusto niyang pagsisihan ang ginawa dahil bad news din pala ang dala ng mga ito.

"Pumirma ho kayo sa kontrata bilang co-maker ni Mr. Stanley Tan. At apat na buwan na po siyang hindi nagbabayad sa cash loan niya. Ilang beses na rin naman siyang tinawagan sa mga numerong ibinigay niya sa amin pero hindi na namin siya ma-contact."

"S-So ako ang magbabayad ng isang milyon?"

"Ganoon na nga po."

Gusto niyang maiyak sa kinauupuan. Ang walangyang 'yon. Akala pa naman niya ay para sa kasal nila ang cash loan nito kaya pumirma rin siya sa kontrata. 'Yon pala, na scam siya ng walangya. Maypa-propose-propose pa ang animal na 'yon.

Marahas na nahilamos niya ang mga kamay sa mukha.

"Saan ako kukuha nang ganoon kalaking halaga?"

"Binibigyan ho kayo ng banko na limang buwan para mabayaran ang kalahati ng utang."

"Limang buwan?! Paano kung hindi ko mabayaran 'yon sa loob ng limang buwan?"

Kalahating milyon din 'yon.

"Kapag 'di n'yo nabayaran ang halagang 'yon sa limang buwan ay wala po kaming ibang magagawa kundi ay kasohan kayo at maari rin ho kayong makulong. Mas madadagagan pa ang danyos na mababayaran n'yo kapag nagmatigas kayo."

Napalunok si Gumie sa narinig. Sasampahan siya ng kaso. Makukulong siya. Malulugmok siya sa bilangguan. Wala na siyang future. Nang mga oras na 'yon, gusto na lamang niyang lamunin siya ng mga lupa at nang 'di niya harapin ang mga kamalasan niya sa buhay.

"We have your personal profile, Ms. Macaraeg. Hindi man kami kasing laki at kasing kilalang banko katulad ng iba ay hindi 'yon nangangahulugan na palalagpasin na lamang namin ang ginawang panloloko ng boyfriend n'yo pong si Mr. Tan. Kung ano man ang hindi ninyo nagpagkasunduan o pinag-awayan, labas na ho ang banko sa personal ninyong problema. Ang utang ay utang na dapat pagbayaran."

Sumakit bigla ang ulo ni Gumie. Mapapatay niya talaga ang Stanley na 'yon kapag nakita niya ang walangyang 'yon. Sisiguraduhin niyang mas gugustuhin nitong mamatay kaysa ang mag-krus ulit ang landas nilang dalawa.



"MAGBAGONG buhay ka na nga Mykael." Kalmado pero may inis sa boses ni Kevin. Ibinaba nito ang cup ng kape sa harap niya bago naupo sa bakanteng upuan just across his.

"Thanks," sagot niya habang hinihilot ang sentido.

Pinuntahan niya ito sa ospital dahil sa mga sugat na natamo niya nang mahulog siya sa exit stairs ng apartment ni Issa. Sa kamalas-malasan ay nakita pa siya ng boyfriend nito na lumabas sa bintana ng apartment ng nobya nito kaya naghabulan pa sila hanggang sa parking kung saan niya iniwan ang kotse niya. Malas talaga!

Kaonting galos lang naman ang natamo niya. Masakit lang talaga ang ulo niya.

"Masaya ka bang laging ganyan? You're always in a chase with the consequences of your actions. Tignan mo nga 'yang sarili mo. You're a mess. Kaya na-e-stress si Tita Monique sa'yo e. Ayaw mo pa kasing mag-seryoso sa buhay. Ang dami namang mga babae riyan na matitino. Why settle for a short term flings na 'di naman magbibigay sa'yo ng pangmatagalang saya."

"The last time I checked, you were a doctor, Kevin. Kailan ka pa naging guidance counselor?"

"Pasalamat ka nga, salita ang tinutusok ko sa'yo at hindi ang scalpel ko."

Natawa siya. "Lol."

"Ba't 'di mo gayahin si Rave. Masaya na sa piling ni Laura. Stop looking for the wrong woman, Mykael. Start looking for the right woman whom you can marry and build a family with. Your company is doing great. You're rich and capable. Tama na ang paglalaro, mag-seryoso ka na."

Mykael sighed.

"Tita Monique is not getting younger. And I know how you really love your mother. The best gift you can give to her is by changing your lifestyle. Don't be like your father, Mykael. Sinasaktan mo lang ang mama mo kapag hinayaan mong ganyan ka lang."

"Alam mo, Kevin, mas maniniwala pa ako kung si Rave ang magsasabi sa'kin ng mga 'yan."

"Trust me, he'll say the same. Ako lang ang nauna."

"Don't worry about me. I know what I'm doing."

"I know."

Naingat niya ang mukha kay Kevin. "It sounded, I doubt, than I know, for me."

"Bahala ka sa buhay mo. Don't come running to us saying we were right. Dahil sasagutin lang talaga kita ng, I told you so."

Sa huli ay natawa lang siya sa sagot ng kaibigan. "Lakas ng loob mong mag-advice sa'kin 'di mo nga 'yan ma-apply sa sarili mo."

"My situation is different from yours. Don't try changing the topic."

"Ewan ko sa'yo. Pa showbiz ka masyado."



PINUNTAHAN ni Gumie ang lahat ng kakilala at kaibigan ni Stan pero lahat ng mga ito ay hindi alam kung na saan na ang lalaki. Hindi alam o tinatago? Imbyerna na siya. Gusto na niyang maglaslas ng pulso sa dami ng problema niya.

Isama pa na wala pang tumatawag sa kanya sa lahat ng mga pinapasahan niya ng resume. She's jobless. Ngayon tampulan pa siya ng chismis dahil ang mga kapitbahay niya pinulutan ang nasagap na chika patungkol sa kanya. Pahiyang-pahiya na rin siya. Ang alam ng lahat ay napatalsik siya sa pinagtatrabahuan niya. Na-scam ng boyfriend niya. At pati kasal scam na rin. Ngayon pinaghahabol ng banko dahil sa malaking utang ng ex niyang walangya.

Siya namang tanga, naniniwala agad sa mga chika ni Stan kaya napilit siya nitong maging co-maker. Kesho, para sa kasal daw nila ang cash loan na 'yon at down payment na rin daw sa bagong bahay nila kapag kinasal na sila. Ang gaga naniniwala. Kaya heto, siya na tuloy ang magbabayad ng utang nito.

Hindi na niya alam kung anong gagawin. Hindi niya alam kung saan kukuha ng perang maipandadagdag sa mga naipon niya. Gusto niyang takasan ang problema pero alam niyang hindi rin 'yon mabuting solusyon. Palalalain niya lang ang lahat.

Naninikip na naman ang dibdib niya sa pagpipigil ng iyak habang naglalakad sa daan. Pinipigilan niya ang mga luha habang kumakain ng banana cue. Nilunon niya muna ang kinakain saka uminom mula sa straw ng softdrinks na isinilid sa plastic. Alam niyang may malaki siyang problema pero hindi niya pwedeng ignorahin ang tawag ng tiyan.

Hindi ako iiyak. Hindi talaga. Kaya ko 'to. Pero sa mga oras na 'yon. Mas madali pa ang maging positibo sa buhay kaysa ang makahanap ng isang milyon.

"'Nay, sige na naman oh." Nakaagapay sa kanya ang isang mag-nanay. "Payagan n'yo na ho akong sumama kina Candy na mag-Bohol. May ipon naman na ako e. Saka summer naman na. 'Nay, sige na."

Natigilan siya.

Bohol?

Kung umuwi kaya siya ng Bohol at ibenta ang bahay at lupa nila roon? Higit pa sa isang milyon ang makukuha niya kapag naibenta niya ang lupa na pamana ng mga magulang sa kanya.

Nagulat siya nang biglang kumulog nang malakas. Naiangat niya ang mukha sa kalangitan. Mukhang ano mang oras ay bubuhos na ang malakas na ulan. Kumulog ulit na may kasama pang kidlat.

Nagmadali na siyang maglakad. Sorry po Ma, Pa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro