Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE

ANG HONEYMOON na sa bahay lang nila Gumie. Ang importante may kama. Chos! Naliligo pa si Mykael at kanina pa 'yon. Hindi niya alam kung anong klaseng pagliligo ang ginagawa nun.

Inaantok na siya. Nakahiga na siya sa kama. Hindi niya alam kung honeymoon ba 'to o hindi. At pambihira talaga ang nararamdaman niyang antok nang mga oras na 'yon.

Biglang nag-beep ang cell phone niya. Mabilis na kinapa niya ang cell phone sa kama at tinignan kung ano 'yon.

May pinasa na video si Rave sa kanya.

Taking my revenge. Damay-damay na 'to. Enjoy! - Rave

Naintriga siya. Umayos siya ng higa at inangat sa ere ang cell phone. She played the video at ganoon na lang talaga ang gulat niya nang makita kung ano 'yon.

Sayaw kikay! Sayaw kikay! La, la, la, la, la, mahilig magpa-cute, kahit kikay! Malambing pa sa kambing kahit kikay.

Napasinghap at napamura siya nang mabitiwan niya ang cell phone at bumagsak 'yon sa mukha niya.

Ang harot na maharot , kahit kikay!

Aba'y sino namang 'di magugulat? Kaloka! Kumikindeng na puwet ni Mykael ang unang bumungad sa kanya. Nakasuot ito ng sobrang revealing na damit habang sumasayaw ng 'KIKAY'. Naka tube na pink ang loko at may boobs pa. Isang maikling pink skirt ang suot nito. May blonde na buhok at naka heels pa. Mukha itong pokpok in short.

Umayos siya ng upo sa itaas ng kama at inulit sa simula ang video. The next few seconds, napuno na nang malakas na tawa niya ang buong silid. Tang na juice! 'Di ko na 'to kinakaya. Talagang Viva Hot Babes?

"Gumie!"

"Ayoko na!" Hawak na niya ang tiyan sa kakatawa. Ang galing kasing kumindeng ng asawa niya. Mas magaling pa kaysa sa totoong Viva Hot Babes. "Ang sakit... ang sakit na ng tiyan ko..."

Mabilis na nilapitan siya ni Mykael at kinuha nito ang cell phone niya. "Fuck! Who sent this to you?" Inagaw niya ang cell phone mula rito. "Gumie!"

"Huwag ka ngang kill joy." Sakit-sakit na ng panga niya. "Nakakatuwa kaya. Ang harot-harot mo dito e."

"Si Kevin? Si Rave?"

"Si Rave." Tawang-tawa pa rin siya. "Ano 'to? Mukhang mga bata pa kayo nito ah. Trip n'yo lang?"

"Initiation ng pagkakaibigan namin noong college. Langya naman e. Talagang ngayon talaga nila sinend niyan sa'yo."

"So pinakita n'yo rin ang video ni Rave kay Laura?"

"Oo."

"Kaya pala damay-damay na 'to. Kaloka kayo! Ang dami n'yong kalokohan sa isip. In all fairness, bagay sa'yo."

Kinuha nito ang cell phone sa kamay niya at ipinatong 'yon sa mesita. Napalunok siya nang mapansing tanging tuwalya lang ang nakatapis sa ibabang bahagi ni Mykael. Basang-basa pa ito. Bigla nitong inilapit ang mukha sa kanya.

"A-Anong gagawin mo?"

"Honeymoon natin, 'di ba?"

"Ah, oo, yata?"

"I've been waiting for this night Gumie."

Natawa siya. "Teka lang." Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. "Natatawa ako, 'di pa ako ready."

"Gumie!"

"Teka nga lang, ano ba?" Hindi niya mapigilan ang tawa niya. "Naalala ko kasi 'yong video mo."

"Nakakabuwesit naman ang mga 'yon." Maktol nito. "Panira ng moment. Isog ka nga doon muna." Umisod siya at tumabi ito sa kanya. Pareho silang nakasandal sa headboard ng kama. "Ilang buwan ko 'tong hinintay."

"Ba't kasi ang tagal mong matapos maligo?"

"Para naman mabango ako, 'di ba?"

"Mabango ka naman lagi e."

"Pero iba naman ngayon -"

"Nati-triggered ako."

"Bakit?"

Humugot siya nang malalim na hininga. "Sige, gawin na natin." Pumaibabaw siya rito at hinalikan ito sa mga labi. Halatang nagulat ito sa ginawa niya pero sandali lamang 'yon dahil mabilis na tinugon nito ang mga halik niya.

Madaling naipagpalit nito ang puwesto nilang dalawa. Mykael was now on top of her. Ang kaninang masuyong halik ay napalitan nang mapusok na halikan. She felt him smile as he playfully teased her lips by biting her lower lip.

"Mykael," anas niya.

"Let's take this slow, baby." He gave her featherly like kisses on her neck. "I want this night to be special and memorable for you." Napasinghap siya nang maramdaman niya ang pagkagat muli nito sa may parte ng kanyang leeg.

"Stop biting me!" Mahina niyang pinalo ito sa likod.

He chuckled, "I can't help it." Bumalik ang labi nito sa labi niya at muli siyang siniil ng halik. "I love you wife."

Napangiti siya sa pagitan ng halik.

"I love you too, hubby."

"Okay, let's start with taking off the things we didn't need, shall we?" Dahan-dahan nitong ibinaba ang isang strap ng nightdress niyang suot. "Let's start with this..."

"You're such a teased."

"I know," malanding anas nito sa tainga niya nang umakyat ang mga halik nito sa likod ng tainga niya. It sent chills down her spine. God! "And you'll gonna love it, baby."

"You're torturing me."

"You'll beg for more."

"Prove it."

"I will... and Gumie..." He trailed kisses on her neck. "We need to plan our wedding again."

Kumunot ang noo niya. "Ha? Akala ko ba?"

"It was just a proposal," he chuckled. Ibinalik nito ang tingin sa mukha niya. "Surprise wedding doesn't count as official and we have to attend a lot of seminars and process requirements - " Pinalo niya ito sa balikat. Tawa lang ito nang tawa. "But let's advance the honeymoon."

"Gumastos ka nang malaki for that?! At bakit nandoon si Father?"

"Wedding is sweeter the second time around and Fr. Andrei was a family friend. It was a proposal like I said -"

"Mykael Sy!"

"I know, I love you too," he chuckled and started showering her face with kisses. "But let's take this nightdress out of my sight, shall we?"




I loved you at your darkest. - Romans 5:8

WAKAS


A/N: And that's it, thank you my dear readers for reading Mykael and Gumie's love story. I enjoyed writing this story. One of my fave characters. Sana ay may natutunan kayo sa makulit at nakakabuwesit nilang love story. Haha. I know most of you are pissed with Gumie's character but it's her and that's what made her inspirational.

We don't need to be perfect, our imperfections will never define us a person. It's always how you make people feel and how you show your respect and appreciation towards other people. The act of kindness and humility will bring you to the right places. Don't let the judgment of other people get into your head. Do not deprive yourself from being happy! Trust yourself. Pray hard. Be faithful!

Always remember that God loved us even in our darkest days.

See you in Kevin's story!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro