Kabanata 9
"CHEERS!"
Sabay na kinalansing nila Rave, Mykael, Kevin, Peter at Laura ang mga wine glass nilang hawak. Nasa rooftop pa rin sila ng building ng Mind Creatives. Iilan na lang ang nanatili at kumakain sa pa-reception ni Mykael pagkatapos ng halos isang oras at kalahating photoshoot sa kasal di umano nila ni Rave.
Pare-pareho na rin silang nakapagpalit ng damit. Halos pare-pareho lang sila ng get up na lima. Pakulo na naman ni Mykael. Pareho silang nakasuot ng puting t shirt at itim na pantalon. Ang kaibahan lamang ay ang nakasulat na statement sa harap ng t shirt.
May malaking bold letters na BEAUTIFUL WIFE ang sa kanya. Kay Rave naman ay BLESSED HUSBAND. Kevin ay BEAST MAN. Mykael ay VERY BEAST MAN. Peter ay UNKNOWN MAN. Natawa siya nang magpa-picture silang lima. Ang kukulit ng tatlo. Lalo pa siyang napangiti nang makita niyang halos nakangiti lang si Rave simula pa kanina.
Sa ilang araw na magkasama sila ay mabibilang lang sa kamay ang pagngiti nito pero sa araw na 'yon, kasama na ang mga daliri niya sa mga paa ang bilang ng ngiti nito. Mas lalong lumilitaw ang kapgwapohan nito. Bagay na bagay talaga rito ang pagngiti.
"Oy gift ko na 'yang sing-sing n'yo," ni Mykael. Naibaba niya ang tingin sa gold wedding ring sa palasing-singan niya sa kamay. Maganda 'yon at simple lamang. Pareho sila ni Rave. Ang kaibahan lang ay may mga maliliit na diamonds sa gitna ng katawan ng sing-sing ang sa kanya na wala kay Rave. "Si Rave mismo ang pumili niyan," dagdag pa ni Mykael na may kasamang kindat.
Naibaling niya ang tingin kay Rave na kasalukuyang inuubos ang laman na wine sa wine glass nitong hawak.
"Tama na ang titigan." Mabilis na hinila siya ni Kevin patayo. "It's time for the bride and groom's first dance." Hinila naman ni Mykael si Rave papunta sa gitna.
"H-Huh? Wait lang –" Natigilan siya nang magkaharap sila ni Rave. Halos tumigil ang tibok ng puso niya nang makitang ngumiti ito. Ang kaninang up beat music ay napalitan ng malumanay na kanta.
I've been alone searching for love 'til you came along and touched my heart
Umangat ang isang kamay nito sa harap niya.
With you in my life, I'll never think twice. It's you I've been waiting to call.
"May I?" malumanay na tanong nito.
Sa huli ay mas pinili niya ang ngumiti at hayaan ang sarili na gawin ang gusto niya nang mga oras na 'yon. Tumango siya at tinanggap ang kamay nito. Naramdaman niya ang pag-ikot ng isang braso nito sa baywang niya. May mahinang singhap na kumawala sa bibig niya nang hapitin siya nito palapit lalo sa katawan nito. Dikit na dikit ang katawan nila.
Mayamaya pa ay bahagyang bumaba ang ulo ni Rave hanggang sa may tenga niya. Kinalibutan siya nang maramdaman ang mainit na hininga nito sa parteng 'yon. Bumalik ang ilang mainit na eksena nang gabing 'yon sa isip niya na lalong nagpakabog nang malakas ng dibdib niya.
"Am I making you uncomfortable again?" bulong nito sa kanya.
"Hindi naman," kaila niya. Sinikap niyang ipalis sa isip ang mga eksenang 'yon. Hindi 'yon ang tamang oras para balikan ang gabing 'yon. Laura umayos ka!
"Baby shark do doo do do," bigla ay kanta ni Rave. Ilang segundo pa ang lumipas bago nag-sink-in sa kanya ang kanta ni Rave. "Baby shark do doo do do, baby shark."
Hindi niya napigilan ang matawa nang malakas. Naihilig niya ang noo sa balikat nito habang tawa pa rin siya nang tawa. Ngayon lang din niya namalayan na isinasayaw na pala siya nito. Ang cute ni Rave! Hindi niya alam eksakto kung bakit kinakanta 'yon ni Rave pero hula niya ay para 'di na siya masyadong mailang dito.
Nawala ang pagka-ilang niya rito dahil napalitan 'yon ng tawa at pagka-amuse niya rito. God, ano pa bang hindi niya alam tungkol kay Rave? Halos araw ay may nadi-diskubre siyang bagong ugali rito.
Maybe it's you I'm thinking of who'll mend this broken heart of mine. It's you I'm wishing for who'll be with me tonight. Someone to hold, someone to cry, someone who'll make me feel alive. Maybe it's you all my life.
"Daddy shark do doo do do. Daddy shark do doo do do."
"Daddy shark," dugtong niyang kanta.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Rave habang tinutuloy pa rin ang kanta. At sa buong sayaw na 'yon ay naka ilang ulit itong kantahin ang nursery rhyme na 'yon. 'Yon na yata ang pinaka-weird at pinaka-sweet na sayaw para sa kanya.
Na touched siya sa effort nito.
Sobra.
"YOUR WIFE?!"
Pinilit ni Laura na huwag masindak sa pagtaas ng boses ng ina ni Rave na si Emiliana Sanjercas. Pinasadahan siya ng tingin ng ginang mula ulo hanggang paa. Kamukha ng ina nito si Susan Roses noong batang-bata pa ito dahil 'di pa naman ganoon katanda kung titignan niya ang ina ni Rave. Mas matalim nga lang tingin nito at mas masindak. Para itong kambal na kontrabida ni Susan Roces.
"Isang linggo ka lang nawala at sa pag-uwi mo may asawa ka na?" Napabuga ng hangin ang ina ni Rave at napaupo sa sofa sa den ng bahay. "Ano bang pumasok sa isipin mo at nagpakasal ka nang hindi man lang pinapakilala sa amin ng ama mo ang babaeng gusto mong pakasalan?"
"Lar," seryosong baling ni Rave sa kanya. "Iwan mo muna kami. Mag-uusap lang kami ng Mama ko."
Mabilis na tumango siya. "Sige." Pagbaling niya ng tingin sa ina nito ay bahagya siyang natigilan nang magtama ang mga mata nila. Nakakatakot talagang tumingin ang ina ni Rave. Feeling niya ihahagis siya nito sa bintana. "Aalis na muna po ako."
Nagawa pa rin niyang paalam sa ginang.
Naibaling niyang muli ang mukha kay Rave nang maramdaman niya ang marahang paghaplos ng kamay nito sa buhok niya.
"Don't worry," nakangiti nitong sabi sa kanya.
Humugot siya nang malalim na hininga para pakalmahin ang sarili. Kaya mo 'to Laura. Ibinalik niya rito ang ngiti at tumango. Tinalikuran na niya ito at tahimik na lumabas sa silid na 'yon. Gusto niyang makinig pero mas pinili na lamang niyang hanapin si Ross.
"Mama Lara!"
May yakap na sinalubong siya ni Ross nang magkita sila sa sala. Mabilis naman na itinakip nito ang mga kamay nito sa bibig at humagikhik nang kumalas ito sa pagkakayakap sa baywang niya.
"Mama, I miss you po." Humawak ito sa isang kamay niya. "Halika po, I'll show you to my room." Hinayaan niya ang bata na dalhin siya nito sa silid nito. Umakyat sila ng hagdan at pumasok sa isa sa mga silid na naroon sa second floor.
Pinaupo siya nito sa itaas ng kama nito. Inilapat niya ang isang palad sa malambot na tela ng bed sheet nito na may desinyong under the sea animals na cartoons. Naalala niya ang kanta ni Rave sa kanya na Baby Shark nang makita ang ilang shark design sa kubre kama ni Ross.
Mukhang kay Ross nito natutunan ang kantang 'yon. Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng tawa. Na-i-imagine niya ang seryosong mukha nito at ang lalaking-lalaking boses nito habang kumakanta ng Baby Shark.
Inabot niya ang cute na malaking baby shark pillow ni Ross.
"Mahilig ka pala sa sharks, Ross?"
Nakangiting tumango ito. "Mahilig pa ako sa mga sea creatures." Umupo ito sa tabi niya. Hawak nito ang isang shark na laruan. "Tuwing summer nga po ay nagbabakasyon kami ni Daddy sa kung saan at nagka-camp po kami malapit sa dagat. Kahit na 'di po niya gusto ang dagat, pinagbibigyan niya pa rin ako. Last year nga po, pumunta kami ni Daddy sa Indonesia para makakita ng iba pang real life sharks."
"Wow, ang cool pala ng Daddy mo."
"Opo, kahit na lagi siyang busy at hindi siya marunong lumangoy ay may time pa rin po siya sa akin." Talaga? Hindi marunong lumangoy si Rave? "Mas gusto ko pa nga na nandito lang sa bahay kasama ni Daddy. Kung saan-saan po kasing gathering po ako dinadala ni Lola. Puro naman matatanda nandoon e saka mga anak na babae ng mga kaibigan niya na gusto niyang ipakilala kay Daddy."
Natawa siya sa panghahaba ng nguso ng bata.
"Mukhang mabait naman ang lola mo." Mukha naman e, nakakatakot lang. Kung nasa sitwasyon siya nito, ay malamang 'yon din ang magiging reaksyon niya.
"Mabait naman si Lola, kaya lang, ang kulit niya po. Kahit si Daddy nakukulitan na sa kanya. Hindi ko po kasi alam kung paano niya nasasabing mababait ang mga girls na pinapakilala niya kay Daddy. Kahit ako, unang tingin ko pa lang sa kanila, nakikita ko na ang mga hidden fangs nila. I don't want a mommy like that po. I want a mommy who can make my Daddy smile and happy."
Inabot ni Ross ang isang kamay niya.
"I want you po for my Daddy." Natigilan siya sa sinabi nito. "I wish Daddy married you for real Mama Lara."
Ngiti lang ang tanging naisagot niya rito. Ayaw rin naman niyang paasahin ang bata. Kapag naging maayos na ang lahat ay aalis din siya.
Masuyo niyang hinaplos ang pisngi nito. Masyadong mataas na pangarapin na mahalin siya ng isang Rave Sanjercas. Sa oras na gumaling na si Lawrence at mahuli na ang mga taong pumatay si tiyahin niya ay agad siyang maghahanap ng trabaho at unti-unti niyang babayaran ang mga naitulong ni Rave sa kanya.
"ANONG sabi ng Mama mo?"
Hinarap siya ni Rave. "You don't need to worry about her. Matanda na ako para pakialaman pa niya. I can decide on my own."
"Sabi ko naman kasi ipakilala mo na lang akong maid –"
"Lar, let's stop. My mother will not harm you hanggat nasa tabi mo ako. Just focus with our son –" Natigilan siya at napatingin kay Rave. "My son," mabilis na bawi nito.
Tinalikuran na siya nito at dumiretso sa working room nito na adjacent lang sa silid nila. Kahit na wala 'yong pinto ay 'di pa rin niya makita si Rave. Mag-a-alas singko pa lang ng hapon pero mukhang magta-trabaho na ito. Nabanggit nga ni Kevin sa kanya na madalas magkulong si Rave sa working area nito dahil marami itong tinatapos na trabaho.
Isang linggo itong sinamahan siya kaya marahil marami na itong nakatinggang trabaho. Tumayo siya mula sa kama at lumapit sa hamba ng pintuan ng adjacent room kung saan pinaghiwalay ang bedroom at opisina nito. Nakita niya si Rave na nakaupo sa likod ng mesa nito. May suot na itong salamin sa mata at seryosong nagtitipa sa harap ng laptop nito.
Malinis ang silid na 'yon kahit na maraming gamit. Para 'yong silid ng mga school supplies at libro na may mga dividers ng mga iba't ibang klase at kulay ng mga pens. Maraming mga rem ng mga bond papers at construction papers. May mga iba't ibang klase rin ng mga pansukat.
Malaki at mahaba ang mesa ni Rave, katabi ng laptop nito ay may isang malaking screen na tila nakahiga. 'Di niya alam kung ano 'yon at para saan 'yon. Pero doon nag-do-drawing si Rave. May lamp shade sa kaliwa nito. Dahil hapon pa ay maliwanag pa ang buong silid nito mula sa tumagos na liwanag sa mga bintana.
"Tutulong ako sa pagluluto sa kusina," basag niya. "May gusto ka bang ipaluto? Ano palang gusto ni Ross? Alam ko kasi na 'di mo na naman ako papayagan na maglinis."
"I'm good with anything," sagot nito nang hindi siya tinitignan.
"Okay." Tumango na lamang siya at tinalikuran ito.
Nawala ang ngiti niya nang lumabas siya ng silid nila. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nanlumo sa malamig na pakikitungo ni Rave sa kanya. Natural na ganoon naman talaga ang ugali nito pero parang nasanay siya na ngumingiti ito o 'di kaya dumadaldal.
Napabuntonghininga siya.
Tama na nga 'yan Laura. Hindi ka totoong asawa ni Rave. Naingat niya ang kamay kung saan nakasuot ang wedding ring. Totoo man ang sing-sing na 'yon, hindi pa rin matatakpan nun ang katotohanan na wala talagang sila.
Pilit siyang ngumiti at inangat ang mukha. Ouch, ha?
ANG GANDA pala niya.
Malaki ang ngiti ni Rave sa larawan na 'yon na naka display sa sala ng bahay. Kasama nito ang isang magandang babae na sa tingin niya ay ang yumaong asawa nito. 'Yon ang pinakamalaking picture frame na nandoon. Sunod ang larawan nila Rave at Ross na parehong may malaking ngiti. Parehong may hawak na fishing bait ang dalawa at sa hula niya ay tatlong taon pa lamang si Ross nang mga panahon na 'yon.
Kung hindi siguro namatay ang asawa nito nang maaga ay marahil nasundan pa ang mga larawan na 'yon ng mga masasayang kuha na magkasama ang tatlo. Kahit sa larawan ay kitang-kita niya ang masayahin na ugali ng asawa ni Rave. Mukha rin itong mabait.
"How does it feel to see your husband's wedding picture with his first wife?"
Mabilis na naibaling niya ang tingin sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mukha ni Donya Emilia. Ngumiti ito sa kanya. Ramdam niya ang disgusto nito sa kanya sa tuno pa lang ng boses nito kahit na nakangiti ito.
"Magandang umaga ho," sa halip ay bati niya.
"Mama!" Narinig niyang tawag ni Rave mula sa hagdan.
"Magandang umaga Lara, hijo." Baling nito sa anak nang makalapit. "Hindi ka man lang nahiya rito sa asawa mo. Hindi naman siguro mamasain ni Hannah kung itatago mo na ang mga larawan n'yong dalawa."
Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Rave. Mukhang 'di nito nagustuhan ang sinabi ng ina nito.
"Naku, 'di na po kailangan," pumagitna siya. "Pwede namang isama na lang 'yong wedding picture namin ni Rave –"
"No, hija. Ikaw na ang asawa. Natural na ikaw ang i-priority ng anak ko."
"Ma!"
"Rave, don't be like that in front of your wife. It's been five years, dapat mo na ring palitan ang mga larawang 'to."
"We're taking things slowly, Ma."
"I'm just saying."
"Napadalaw ka nang maaga?" pag-iiba ni Rave. "May nakalimutan ka ba?"
"O, nothing, may one-week overseas work ang ama mo. Nakakaburyo sa bahay mag-isa kaya dito na muna ako hanggang sa makabalik ang papa mo. Your father is not getting younger Rave. It's high time for you to reconsider taking over our family business."
"I'll think about it."
"But you don't need to think about me staying here for a week. I'll take it as a yes already."
Dios ko! Teka lang, isang linggong kasama ang nanay ni Rave sa iisang bubong? Mabubuhay pa kaya ako? Ibinaling niya ang tingin kay Rave. Hoy, magsalita ka!
"Do I have a choice?"
Napangiwi siya sa isip. Nagsalita nga ito pero bad news naman. Kung naiba ang sitwasyon, mas magiging madali sana para sa kanya kung pinakilala na lang siyang maid kaysa asawa. Ngayon niya gustong lamunin na lamang siya ng lupa. Pero 'di literal. Kung pwede sanang lamunin siya ng lupa at iluwa na lang sa Cebu.
"I'M SORRY for how my mother reacted earlier, Lar."
Nasa loob sila ng kotse ni Rave habang hinihintay ang labas ni Ross sa eskwelahan. Kagagaling lang din nila sa ospital. Sumaglit lang sila para bisitahin si Lawrence. Next week na ang schedule ng operasyon nito. Kinakabahan siya na excited dahil gagaling na rin ito. Malaki ang tiwala niya sa kapatid dahil matapang ito. Hindi sila pababayaan ng Dios.
"Bakit ka naman mag-so-sorry? Ako nga dapat ang humihingi sa'yo ng paumanhin. Dahil sa akin, nagulo tuloy ang buhay n'yo. Sa tingin ko nga, mas okay pa kung pinakilala mo akong maid kaysa asawa."
"My mother was kind of skeptical about our marriage. I believe that's her reason why she came up with this sudden move to test us."
"Hindi ba talaga pwedeng malaman ng mama mo ang tungkol sa akin?"
"She doesn't need to know about the truth, Lar. She would definitely not be in favor of this. And I dislike how she reacts to things. This wouldn't be forever anyway. Sooner or later, she will find out the truth about us and she couldn't do anything about it because it's already over."
"Tama," halos pabulong na niyang sagot. Hindi naman 'to totoo lahat.
"My mother wants me to re-marry, but I don't have any plans. Ross is enough for me to convince myself to live well." Wala talaga itong planong magmahal ulit.
Inabot niya ang isang transparent bottle na lalagyan ng mga gummy bears at gummy worms sa lalagyanan ng tubig. Kanina pa niya gustong kainin 'yon e. Parang ngayon na 'yong tamang oras. 'Di niya alam kung bakit sobra siyang apektado sa mga sinasabi ni Rave. Tila sirang plaka 'yon na paulit-ulit na bumabalik sa isipin niya.
Wala sa isip na binuksan niya ang takip ng lalagyanan at kumuha ng ilang gummy bears. Sunod-sunod ang pagsubo ng mga gummy bears.
"Huwag mong ubusin."
Naibaling niya ang mukha kay Rave. "Ay sorry, kay Ross 'to, 'di ba?"
"That's mine."
Nalunon niya ang buong gummy bear. "S-Sorry!" Inihit siya ng ubo. "Sorry, a-akala ko kay Ross." Inabot sa kanya ni Rave ang isang bottled water na ito mismo ang nagbukas para sa kanya. "Salamat."
Natawa si Rave habang nakatingin sa kanya. Tila aliw na aliw ito sa kanya.
"B-Bakit? M-May asukal ba sa mukha ko?"
"Nothing, you're just cute."
Hay naku, 'yan na naman ito sa mga compliments nito sa kanya. Hindi na talaga niya 'yon lalagyan ng meaning. Doon tayo nasasaktan e. Sa pagbibigay kahulugan sa mga sinasabi ng ibang tao.
"Niloloko mo lang ako e."
"No, I'm not," kaila nito pero halatang natatawa. "Give me your hand."
"Bakit?" diskumpyado niyang tanong.
"Basta." Inabot nito ang isang kamay niya. Napasinghap naman siya sa sakit nang ipitin ng kamay nito ang kamay niya. Shuks! Pinandilatan niya ito ng mga mata.
"Rave!" tili niya.
Umalingaw-ngaw ang malakas na tawa nito sa loob ng kotse. Sa inis niya ay sinuntok niya ang braso nito. Napamaang ito sa ginawa niya at binitiwan ang kamay niya.
"Ang sakit nun, ha?!"
Natatawa pa ring hinaplos nito ang nasaktang braso. "Ang lakas mo manuntok. Bakal ba 'yang kamao mo?"
"E ikaw, na una." Pinaypay niya ang namumulang kamay na inipit nito. "Ulitin mo pa'yon at hindi lang suntok aabutin mo sa akin."
"I like this."
"Like mo ang ano?"
Bumukas bigla ang pinto ng passenger seat. "Daddy!" masayang sigaw ni Ross. "Mama Lara!"
Mayamaya pa ay may mga cute nang mga brasong nakayakap sa kanila mula sa likod. Nagkadikit ang mga ulo nila Rave. Mula sa rear-view mirror ng kotse ay nakita niya ang mga itsura nilang tatlo. Cute!
Sa huli ay natawala lang silang dalawa ni Rave. Hay naku! Manang-mana ka rin talaga sa tatay mo Ross. Pareho kayong makulit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro