Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

PAGPASOK na pagpasok pa lang ni Laura sa Mind Creatives ay hindi na niya mapigilan ang sarili na mamangha. Ito ba 'yong kompanya ni Mykael? Sa pagkakaalala niya ay parehong ipinundar 'yon nila Rave at Mykael pero ibinenta na ni Rave ang lahat ng shares nito kay Mykael kaya ito na ang nag-iisang may-ari ng Mind Creatives.

Mukhang pinag-isipan nang mabuti ang bawat detalye ng loob ng building. Kung titignan sa labas ay parang simpleng gusali lamang 'yon pero dadalhin ka naman ng gusaling 'yon sa ibang mundo sa oras na pumasok ka sa loob.

Sa lobby pa lang ng Mind Creatives ay litaw na litaw na ang creativity ng mga taong nagtatrabaho roon. May malaking lighted signage ng Mind Creatives sa likod ng reception counter. Sa ibaba nun ay may naka caption na 'WELCOME LIVING THINGS' na tila nakasulat sa ibang linggwahe pero kayang-kayang basahin ng mga mata. Napa-wow siya roon. Sa harap naman ng reception counter ay malaking cursive written lighted cut out words na CAPTCHA. 'Yon ba 'yong sa internet na nagpa-pop-up at tinatanong kung robot ka ba o hindi? Kaloka rin 'tong reception area nila Mykael. Diskumpyado pa.

Kalahati ng lobby ay ang visitor's lounge kung saan tila abstruct painting ang pagkakaayos ng mga iba't ibang kulay ng mga upuan at mesa. Nakaagaw sa atensyon niya ang kakaibang flower vase na naka display sa itaas ng mga mesa. Nakapatong sa isang spiral standee na tila wire ang isang transparent na light bulb. Sa loob nun ay tubig at iba't ibang klase ng mga bulaklak. Wow!

"Ang ganda rito Rave," komento niya habang nakasunod kay Rave.

Kahit na ang hallway ng building ay punong-puno ng mga naiibang design na hindi niya inakalang magdadala nang sobrang saya sa kanya. Iba ang hatid ng mga makukulay na pader at mga desinyo sa kanya. Hindi opisina ang tingin niya sa lugar kung hindi ibang mundo. Isang mundo na malaya kang gawin ang kahit anong gusto mo.

"Parang ang sarap magtrabaho rito." Napansin niya rin na hindi lahat naka formal attire. May iba na naka shorts at t shirt lang. May naka pajama pa at naka bunny slippers. Ang galing!

"Of course!" Natigilan siya nang biglang sumulpot sa kung saan si Mykael. Teka, saan ito dumaan? Ngayon niya lang rin napansin na tila illusion room ang pasilyong 'yon. Dios ko, sino ba ang nag-isip ng mga interiors? "Mind Creatives is one of the best advertising and marketing company in the Philippines," malaki ang ngiti at proud na sabi ni Mykael sa kanila. Lumapit ito sa kanya at inakbayan siya. "This year, we're venturing to supporting indie music and films. I know, I'm great."

"Nagbubuhat ka na naman ng building Mykael," ungot ni Rave sa kaibigan nito.

Malakas na tumawa lang ito. "Tanggapin mo na lang kasi Rave na creative genius ako. Many known brands wants my skills but my team needs more time for themselves. I wouldn't stake their human lives no matter how boring it us just for money. Balance in work is more important. Right, Laura?"

Tumango siya. "Tama, may hiring ba kayo? Kahit assistant lang or 'di kaya janitor –"

"Enough." Hinawakan ni Rave ang pupulsuhan niya. "We still have to do something," dagdag nito sabay hila sa kanya. "Where's Kevin?"

"He's on his way."

"Peter called, he'll be coming, may sasabihin din daw siya sa akin."

"Magandang idea ba na magkita sila Peter at Kevin?"

"Matanda na sila para mag-away."

"Hindi ba magkasundo sila Peter at Doc Kevin?" tanong niya kay Mykael.

"I did a research, nag-away ang dalawang 'yon dahil sa isang babae."

"Ahh." Tumango-tango siya. "Ang ganda siguro ng babaeng 'yon."


NAABUTAN ni Rave na pinagtutulungan nila Mykael at Kevin si Peter sa rooftop. Kevin was behind Peter's back, securing his arms. Habang kinakausap ito ni Mykael. Are these guys serious? Obviously, Peter was just letting them threatened him. At wala itong balak na manlaban.

"Let go of Peter, Kevin," utos niya nang makalapit sa tatlo.

"Rave!" Nakangiting baling sa kanya ni Mykael na tila ba walang nangyari. "You look dashing my friend."

"Hi Peter," bati niya rito. Pinakawalan ito ni Kevin. "May sasabihin ka?"

"I came here to tell you –"

"That he will be our officiating priest," dugtong ni Mykael. "Dahil may sakit ang actor that Elsa and Anna hired."

"Are your staff from Frozen?" kunot-noong tanong ni Kevin kay Mykael.

Pinaningkitan niya ng mata ang tatlo. "Priest? 'Yon lang ba ang sasabihin mo sa akin Peter?" Something is weird with these three. Anyway, malalaman din naman niya 'yan sooner or later. "Hold that thought, akala ko ba masamang pagsamahin ang dalawang 'to, Mykael?"

"I have to tell you something, but it's not related to Laura's case." Naibaling niya ang tingin kay Peter. "And the scene you've witnessed earlier, pambabanta nila 'yon kapag 'di ako pumayag sa gusto nila."

"Wala ka na bang ibang actors Mykael?"

"I can call one, but I like Peter more. I call this, brotherhood empowerment. So gentlemen, shall we move on and be happy for today?"


ANONG OKASYON? 

Bakit ganito ang suot niya? Bakit inayusan siya? Sinong ikakasal? Mga tanong na kanina pa paulit-ulit na naglalaro sa isip ni Laura. Hindi na siya gaanong nagtanong pa kay Rave nang iwan siya nito sa silid na 'yon. Sinabi lang nito na mag-ayos siya. Magkita lang daw sila sa rooftop ng building.

"Ang ganda niya." Narinig niyang puri sa kanya nang nagbigay sa kanya ng suot niya.

Naiilang siya sa mga tingin ng mga tao sa kanya. Tila ba gandang-ganda ang mga ito sa kanya. Hindi siya sanay sa mga ganoon. Muli niyang tinignan ang sarili sa full length mirror sa harap niya. Nakasuot siya ng isang Greek Goddess inspired white wedding gown.

Kahit siya, hindi niya makilala ang sariling repleksyon. Ngayon lang siya sobrang nagandahan sa sarili.

Mas gumanda rin ang pagkakaayos ng kulot niyang buhok. Pinasuot nila sa kanya ang isang white floral crown na lalong bumagay sa suot niyang gown. Hindi rin masyadong makapal ang pagkaka-make-up sa kanya. Parang natural lang. Isang two inch block heels white sandals lang ang pinasuot ng mga ito sa kanya. Hindi 'yon masakit sa paa, parang ang komportable pa nun.

"Ang ganda n'yo po."

"S-Salamat," nahihiya niyang sagot.

Kagat labing inabot niya ang cell phone sa itaas ng vanity table. Sinubukan niyang tawagan si Rave pero 'di siya nito sinasagot. Sa huli ay pinadalhan lang niya ito ng message. Mamahalin nga 'yon e. Binili na naman nito para sa kanya. Hindi niya sana tatanggapin pero itatapon ni Rave e. Sayang naman. Kating-kati na siyang malaman kung bakit inayusan siyang tila bride ng mga ito.

"Miss Laura, picture lang po muna tayo," sabi nung babae na kanina pa nag-a-assist sa kanya. 'Di nga lang niya maalala ang pangalan nito. "Blue, pakiabot kay Miss Laura ang bouquet." Inabot ng lalaking tinawag nitong Blue ang isang bouquet ng mga pink and white roses na may kasama pang white baby's breath flowers. "Miss Laura, tingin po kayo kay Gray," utos nito sabay turo sa isang lalaking naka black t shirt na may hawak na camera.

Ako lang ba o sadyang puro colors ang mga pangalan ng mga tao rito?

"Orange," tawag ni Blue sa babaeng nag-a-assist sa kanya. "Magsisimula na raw." Pero teka lang, ano ba talagang meron?


HALOS hindi maikurap ni Laura ang tingin sa buong paligid. May simbahan pala sa itaas ng building? Pero parang nilagyan lang ng cross sa itaas? Maganda ang pagkaka-set-up ng loob, para bang maliit na kapilya. Inalalayan siya nila Orange at Blue. Si Gray naman, panay kuha ng mga stolen photos sa kanya. Teka lang, ano ba 'to?

"Wow, look at you Laura." Halos hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Mykael. "You look stunningly beautiful. You just took my breath away."

"Sana pala dinala ko ang oxygen tank mula sa ospital para sa'yo," natatawang sabi ni Kevin na nakasunod pala kay Mykael.

Parehong naka itim na tsinelas, khaki pants at white long sleeve polo ang mga ito. Nakatupi ang sleeves hanggang siko at bahagyang nakabukas ang ilang butones sa harapan. Gwapong-gwapo ang dalawa sa mga suot nito na lalong nagpalitaw sa kakisigan at gandang lalaki ng mga ito. Tila hinugot na mga bidang lalaki ang dalawa sa mga pocketbook at a-attend ng beach wedding.

"Congratulations!" Niyakap siya ni Mykael.

"I was really waiting for this moment," dagdag ni Doc Kevin sabay yakap din sa kanya. "Finally, magiging masaya na ulit si Rave."

Teka lang, anong meron? Bakit ganito ang mga sinasabi ng mga ito sa kanya?

"Ano bang meron?"

"Today is your wedding day Laura."

"You will now be officially Mrs. Flaurent Rave Sanjercas."

Nanlaki ang mga mata niya. "Seryoso?!"

"Hi Laura," bati sa kanya ni Peter.

Kahit sa suot nitong puting sutana ay 'di nakabawas ang gandang lalaki nito at tindig. Gwapo talaga si Peter, morenong gwapo. Matangos ang ilong, mapupula ang bahagyang makapal nitong labi, may makapal na kilay at may mapupungay at matataas na mga pilik mata. Lalaking-laki ang mukha nito. Matangkad at may diretsong tayo. Noong una niya itong makita nang kausapin siya ng mga taga FBI, na starstruck siya, mukha talaga itong action star.

"And he's the priest who will officiate your wedding."

Kumunot ang noo niya. "Pari ka pala?"

"Well, technically hindi," sagot ni Mykael para rito. "Pero sa ngayon, isa muna siyang alagad ng Dios." Hinarap nito si Peter. "God, man, you look so religiously human being." Nag-sign of the cross pa ito. "Remind me to call you whenever we needed a priest for our ads. You look great being one by the way."

"No thanks."

Natawa naman si Mykael. "You are such a humble human being."

"Na saan ba si Rave?" pag-iiba ni Doc Kevin. "Papalubog na ang araw."

Tila ngayon lang niya napansin ang kulay kahel na kalangitan. Napangiti siya dahil ang ganda-ganda nitong tignan mula sa puwesto niya. Isama pa ang ganda ng lugar kung na saan sila.

"Laura." Bigla ay lingon niya sa tumawag sa pangalan niya.

Natigilan siya nang makita si Rave. Napakagwapo nito sa simpleng suot na puting long sleeve polo na hanggang siko lang nito. Nakabukas din ang ilang butones sa harap. Pinarisan nito 'yon ng brown pants at puti na tsinelas.

At nandoon pa rin ang itim na relo nito sa isang kamay nito.

Hindi niya alam kung bakit sobra-sobra ang pagkabog ng dibdib niya. Lumapit ito sa kanya hanggang sa magkaharap na sila. Hindi niya magawang maalis ang tingin niya rito. Tila ba, gustong-gusto ng mga mata niya ang tignan ang gwapo nitong mukha.

"You look beautiful," may ngiting puri nito sa kanya.

Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi. "S-Salamat," na utal pa siya. "Ang gwapo mo rin sa suot mo." Bahagya siyang lumapit para sana bumulong rito nang maapakan niya ang harapan ng gown niya. Napasinghap siya nang mabuwal siya at dumiretso ang mga labi niya sa baba ni Rave. Lumapat ang mga palad niya sa matigas na dibdib nito. Nak nang – napangiwi siya sa isip.

"Laura!" sigaw ni Mykael. "Baba 'yang hinalikan mo. Itaas mo nang kaunti. Sa lips dapat. Sa lips, maliwanag?"

Napalayo siya kay Rave. Naiiyak na siya sa pagkapahiya. Idagdag pa ang mga naririnig niyang ugong ng mga tuksuhan mula sa mga taong nanonood.

"S-Sorry," nakayuko niyang hinging paumanhin. "Itatanong ko lang sana kung anong meron? Saka bakit mukha tayong ikakasal?"

"It is something we have to do." Lumapit ito sa kanya at hinapit siya sa baywang. Naiangat niya ang mukha rito. "Before I bring you home."

Tuloy-tuloy lang si Gray sa pagkuha ng mga larawan nilang dalawa.

"Kailangan pa ba ito?" Nahigit niya ang hininga nang ilapit nito nang husto ang mukha sa kanya. "R-Rave?"

"Am I making you uncomfortable?"

"Hindi naman...'di lang ako sanay."

"Just what I've thought, we need to work on that."

"Huh?"

"Actually, this isn't really my idea," pag-amin nito. "Its Mykael's, but still, I realized, he has a point. Smile, Laura."

Alanganin na ngumiti siya. Medyo awkward pa nga. Napakurap-kurap naman siya nang may kumawalang tawa sa bibig ni Rave. Binitiwan siya nito at bahagyang dumistansiya nang kaonti. Ang dating alanganing ngiti niya naman ay napalitan ng masayang ngiti.

"Tumawa ka!" Amuse na turo niya rito.

"I'm sorry, you look so funny."

"Ay grabe siya." Napalo niya ito sa isang balikat. "Hindi naman kasi po ako sanay sa mga ganito. Sana sinabi mo, 'di ba? Para at least, nakapag-practice ako sa bahay."

Ang gwapo nito kapag nakatawa at nakangiti. Nakita na niya itong ngumiti at narinig na rin niya itong tumawa noon pero ibang ngiti ang nakikita niya mula kay Rave. Ngiting umabot sa mga mata.

"Simula nang magkakilala tayo, mabibilang sa kamay ang pag-ngiti mo." Natigilan ito sa sinabi niya pero 'di niya masyadong pinansin at nagpatuloy siya. "Sana dalasan mo ang pagngiti Rave. Bagay sa'yo."

Ngumiti lang ulit ito.

"Halika na sa loob." Inilahad nito ang isang kamay sa kanya.

Akmang tatanggapin niya 'yon nang bigla nitong iangat lalo ang kamay. Binale wala lang niya 'yon. Hahawak na ulit sana siya nang ibaba naman nito ang kamay. Marahas na tinignan niya ito nang masama. Nagkibilit-balikat lang ito, pero halata namang nagpipigil ng tawa. Bully!

"Sinasadya mo 'yon," akusa niya rito.

"Hindi ah." This time ang mga braso naman nito ang in-offer nito sa kanya. Nagdalawang-isip na siya. Baka mapahiya na naman siya. "C'mon Laura, I'm not gonna play a prank on you again."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Kapag ako talaga niloko mo, ipapakain ko sa'yo 'tong mga bulak –" Hindi na niya na tapos ang sasabihin dahil ito na mismo ang umabot ng isa niyang kamay para humawak sa braso nito. Marahan at masuyo nitong tinapik ang likod ng kamay niyang nakahawak sa braso nito.

"Chill, ang puso mo."

"Ang bully mo kasi sa akin," nakanguso niyang sagot.

"Anyway, I meant it when I said you look beautiful."

"Thanks,"

"Sorry, that was a joke."

"Rave!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro