Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7

ISANG BOX ng sapatos ang bumati kay Laura nang umagang 'yon. Nakapatong 'yon sa itaas ng mesa katabi ng kanyang kama. Sa pagkakaalala niya ay wala naman 'yon kagabi. Kailan at sino naman kaya ang nag-iwan ng box ng sapatos sa silid niya?

Umayos siya ng upo sa higaan niya bago inabot at binuksan ang shoe box. Gising na siya pero mas lalo siyang nagising nang makita ang laman nun. Isang pares ng pulang doll shoes na may desinyong ribbon. Ang ganda!

Tila kumikinang ang sapatos na 'yon. Kahit simple lamang ang design ay maganda ang pagkakagawa at halatang mamahalin. Napakurap-kurap siya, sino naman ang magbibigay sa kanya nang ganoong klaseng sapatos?

Mayamaya pa ay may napansin siyang may naka usling papel sa isa sa mga sapatos. Kinuha niya 'yon, isa pala 'yong sticky note.

I noticed that you don't have any shoes. I hope you don't mind if I give you one. -Rave

Napatanga siya ng ilang segundo. Si Rave ang nagbigay? Bumaba ang tingin niya sa doll shoes. Naglapat ang mga labi niya. Ibinalik niya sa mesita ang box ng sapatos at inalis ang kumot bago na upo sa gilid ng kama. Kinuha niya ang sapatos at sinukat.

"Wow!" Natutop niya ang bibig sa pagkamangha. "P-Paano niya nalaman ang size ng paa ko?" Itinaas niya nang bahagya ang mga paa. "Ang ganda." Hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti. Ang ganda-ganda tignan ng mga sapatos sa mga paa niya.

Ito ang unang pagkakataon na nakapagsuot siya ng maganda at mamahaling sapatos. Gusto niyang maiyak sa saya. Hindi niya inakalang mapapansin 'yon ni Rave. Nakakahiya man pero ilang linggo na niyang gamit ang tsinelas na bigay sa kanya ng ospital. Ilang thank you pa kaya ang maibibigay niya kay Rave?

"HI," nakangiting bati ng gwapong lalaki kay Laura.

Natigilan siya at naikiling niya ang ulo sa kabila. Kilala ba siya nito? Bumalik siya dahil nalagpasan niya na ang lalaki. Malapad pa rin ang ngiti nito sa kanya nang harapin niya ito.

Pamilyar ang mukha nito pero 'di niya maalala kung saan at kailan niya nakita ang mukhang 'yon. Matangkad, mistiso at chinito ito. Gusto niya rin ang light brown nitong mga mata na kapag nasisinigan ng ilaw ay lalong tumitingkad. Mukha itong bida sa mga asianovela. Nakasuot ito ng black statement shirt na may naka print na, 'I WAS MADE DURING BEDTIME'. Naka tuck in ang harapan ng T-shirt nito sa kupas na pantalon na suot nito at pinarisan ng... ng itim na pambahay na tsinelas? Wow!

Tila hinugot lang ito sa kwarto nito ng kung sino. Ngayon niya lang rin na pansin na bahagyang magulo ang may kahabaan nitong buhok. Gayunpaman, kahit sa simpleng ayos nito ay agaw pansin pa rin ito ng mga taong napapadaan, lalong lalo na sa mga babae.

"We've met before." Inilahad nito ang kamay sa kanya. "I'm Mykael, the one who bought you for Rave."

Nanlaki ang mga mata niya. Mabilis na naigala niya ang tingin sa lobby ng ospital. Sa isip niya ay lihim siyang napangiwi. Paano na lamang kung may nakarinig dito? Ano na lamang ang iisipin ng mga tao sa kanya?

At naalala niya na ito, madalas banggitin ni Doc Kevin si Mykael. Ang palakero di umano nitong kaibigan. Siguro nga ay nakita niya ito sa bar pero masyadong magulo ang isip niya noon kaya marahil 'di rumihistro sa isip niya ang mukha nito.

Bahagya itong natawa. "My apologies," hinging paumanhin nito sabay kamot sa noo. "I shouldn't have said that. Anyway, I got your discharge papers with me. Rave will be running a little late, but he'll be here soon."

"Okay," tango niya.

"Ako na ang nag-asikaso ng discharge papers mo dahil may emergency si Kevin, so that explains why I look like someone just grabbed me out from my deep slumber," natatawang explain nito sa kanya. "Inihatid lang ni Rave si Ross sa lola niya. Nag-breakfast ka na ba?"

"Tapos na."

"Ang mga gamit mo?"

"Nasa kwarto pa. Lumabas lang ako para i-check ang kapatid ko sa kwarto niya."

"Want coffee? My treat." Kinusot nito ang mga mata at humikab. Mukhang antok na antok pa rin ito. "Sorry, I haven't slept for one whole week already. I had a problem with one of our VIP clients with their ad campaign which is due today." Nagsimula silang maglakad sa direksyson ng cafeteria ng ospital. "One of my staff accidentally lost the only copy we have and he didn't have a backup. He's new by the way, and as much as I want to fire him. I just couldn't 'cause who in the damn world makes a perfect job without any mistakes? I scolded him, but then, the damage is there, we just have to re-shoot it with the little time we have before the presentation. It sucks, but it was better than nothing. Shit happens all the time."

"Sana natulog ka na lang. Kaya ko naman na mag-isa."

"It's okay. I'll be in hibernation for a couple of days so don't feel bad about it. At saka, isang salita lang ni Rave. I can cancel all my appointments, as long as it's personal and it's not a matter of life and death for my company."

Napangiti siya. Kahit na sabihin pa ni Doc Kevin na palakero si Mykael o ang klase ng lalaking 'di nagsiseryoso. Alam na niya kung bakit matalik na magkakaibigan pa rin ang mga ito. My common personality kasi ang mga ito. Pareho silang may mabubuting puso.

"Salamat," nakangiting baling niya rito.

"As long as you don't fall for me, then you're always welcome."

Natawa lang siya. Naalala niya ang tugon rin ni Doc Kevin sa kanya. Bakit ba nila iniisip na magkakagusto ako sa kanila? Kumunot ang noo niya. Kahit pala mga gwapo, lakas din mag-assume.


"SALAMAT nga pala sa sapatos, Rave."

Nakangiting ibinaling niya ang tingin kay Rave. Suot na niya ang bigay nito dahil wala naman siyang ibang masuot. Nag-da-drive ito at saglit lang na napatingin sa kanya.

"It looks good on you."

"Gustong-gusto ko nga, napaka-comfortable niya sa paa saka ang ganda. Saka mukhang mahal, okay lang naman sa akin 'yong mura lang. 'Di naman mapili ang paa ko. Pero salamat pa rin." Nakatutok pa rin ang mga mata nito sa daan. "Nga pala, paano mo na laman ang size ng paa ko?"

"I'm an artist, measuring things is sort of a habit I developed over the years. I can measure things just by looking at it."

"Wow, ang galing naman."

Hindi niya alam kung bakit gusto niyang titigan ang mga kamay nito. Hindi naman masyadong mahigpit ang pagkakahawak ni Rave sa manibela ng kotse pero tila perpektong nililok ang kamay nito, mula daliri hanggang sa braso. Mas lalo pa siyang naaliw kapag tinatapik nito ang mga daliri sa manibela.

Saglit itong napatingin sa wrist watch nito. "It's past six already." Kanina pa sila sa daan pero halos 'di umuusad ang mga sasakyan. "Are you hungry?" baling na tanong nito. "Malapit na tayo pero baka gutom ka na. There's a nearby restaurant just across the condominium building, pagkatapos nating maiakyat ang mga gamit, let's eat."

Simpleng tumango lang siya.

"Si Ross nga pala?" mayamaya ay tanong niya.

"Inihatid ko muna sa lola niya. He will be staying with my mother for a week while I'm not around."

"Okay lang ba sa mama mo ito?"

"You don't need to worry about my mother, Lar. I have my own reason why I can't tell her about your real identity. Ross is smart and he likes you so much. My son would never tell our secret to his grandma. Trust me."

Napangiti siya. Na miss niya tuloy ang batang 'yon.

Sa ngayon, ibibigay niya lahat ng tiwala niya kay Rave. Naniniwala siya na para sa ikabubuti ng lahat ang mga ginagawa nito.

Isang oras pa at kalahati ay nakarating na rin sila.

Sa entrance at lobby pa lang ay kapansin-pansin na hindi basta-basta ang mga taong naninirahan sa gusaling 'yon. Kingdom Condominium Residences – 'yon ang nasa signage sa malaking gate na pinasukan nila. May iilang artista siyang nakita pero wala man lang lumapit at nagpa-picture sa mga ito. Tila ba, lahat ng mga tao sa lugar na 'yon ay pantay-pantay.

"We will stay here in my condo for a week," pahayag ni Rave nang makapasok sila sa loob ng condo unit nito. "This is the room, the living room, adjacent to this room is the kitchen, the dining area, and the cr."

Nalula siya sa ganda ng interior design ng lugar. Mas simple at maliit nga lang 'yon kaysa sa penthouse na pinagdalhan nito sa kanya noon. Mula sa pinto ay makikita ang kabuoan ng kwarto. May floor to ceiling glass panel window. Mula roon ay kitang-kita ang mga nagkikislapang ilaw ng mga gusali at mga nagdadaanang sasakyan sa ibaba. Pasado alas otso na rin ng gabi dahil naabutan sila ng trapik sa daan.

Sa bahaging 'yon ang kwarto at malaking kama, may isang transparent four framed sliding door na humihiwalay sa bedroom at sa maliit na living room, kung saan naka display ang mahaba at itim na sofa, light brown coffee table at isang TV set. Nakabukas ang sliding door sa mga oras na 'yon kaya kitang-kita ang kama sa loob.

Adjacent sa kama at living room ang kusina, dining area at cr. Halos walang naka dikit sa puting pader maliban na lamang sa itim rin na orasan. Halos walang laman ang mga shelves cabinet maliban lamang sa iilang CD cases, books, comics at cartoon figures.

Ibinaba niya sa sofa ang halos wala nang laman niyang bag. Iilan na lang ang nadala niya nang tumakas siya, 'yong iba nawala pa.

"You can put all your clothes in my closet. I emptied half of it for you." Tumango lang rin siya habang tinu-tour siya nito sa buong unit. "I bought your own shower towel, the pink one is for you, mine is gray. Binilhan na rin kita ng mga toiletries. Hindi pa ako nakapag-grocery dahil 'di naman tayo mapipirmi dito sa bahay sa loob ng isang linggo."

"Saan tayo pupunta?"


KINABUKASAN din na 'yon ay maaga silang umalis. Sinama siya nito sa isang spa and wellness. Nagtaka naman siya dahil 'di naman siya nito masyadong kinakausap. Sinabihan lang siya nito na magbihis. Wala na siyang mahablot na maayos na damit kung 'di 'yong kupas na pink blouse niya at itim na skinny jeans. Sinuot niya ulit 'yong bigay na doll shoes nito sa kanya.

Buong umaga yata siyang pinaalagaan ni Rave sa mga staff doon. Feeling niya tuloy ang linis-linis na niya nang matapos siya. Mula ulo hanggang paa ang na scrub yata sa kanya. Grabe!

Tanghali na, dinala siya ni Rave sa isang French Restaurant gaya ng nabasa niya sa pangalan ng kainan. Ito na ang um-order para sa kanya. Sabagay, wala naman siyang alam sa mga pagkain na 'yon dahil hanggang fast food at carinderia lang naman siya.

Nailang siya dahil ang gagara ng mga damit ng mga kasabayan nila. Hindi naman nalalayo ang ayos ni Rave sa mga nandoon. Masasabing kaswal lang ang suot nitong white polo shirt, black pants and white shoes. Pero naghuhumiyaw pa rin ito ng karangyaan. Lalo na kapag suot na nito ang itim na sunglasses nito. Masasabi ring mamahalin ang black watch nito sa kamay.

Pasimple na lamang niyang inayos ang gusot sa kanyang kupas na pink na blouse. Kakahiya, sana pala 'yong maayos-ayos ang sinuot niya. 'Yong itim na blouse kahit 'di pa nalalabhan. Napangiwi siya sa isip. Kailangan niya talagang bumili ng mga damit sa divisoria.

"Don't mind them," basag ni Rave. Napansin siguro nito na medyo naiilang siya at ang panay na pagtingin niya sa ibang kumakain.

"'Di ko lang mapigilan."

Sakto namang dumating na ang mga in-order ni Rave. Natakam siya nang makita ang mga pagkain. Awtomatikong hinawakan niya ang kutsara at tinidor. Akmang kukuha na siya ng pasta nang mapansin niyang nakatitig si Rave sa kanya. Nalunon niya ang sariling laway at naibaba ulit ang mga kubyertos.

Bahagyang tumaas ang gilid ng labi nito hanggang sa naging ngiti iyon. Napatitig siya rito. Ngumiti si Rave.

"Pwede na bang kumain?" nakangiting tanong niya.

Iminuwestra nito ang isang kamay sa mga pagkain. "Enjoy your food, Laura."

Nanlumo naman siya nang mapansin na wala pa lang kanin. "Wala pa lang rice?" May pasta, lasagna, vegetable salad, at kung anu-ano pa na 'di niya madalas makita sa pagkaraniwang mesa. Pero wala talagang kanin? Seryoso?

Napansin niya naman na pasimple siyang tinatawanan ni Rave. Hindi halata, pero 'di 'yon nakatakas sa kanya. Bully!


"HUWAG na Rave." Hinawakan niya ito sa mga braso para pigilan na pumasok sa loob ng isang mamahaling boutique sa isang mall. "Ang mahal diyan. Hindi mo na kailangang bilhan pa ako ng damit. Makakabili naman ako ng mura sa divisoria."

Inalis nito ang nakahawak niyang kamay. Ito naman ang humawak sa pupulsuhan niya.

"It's just clothes. You need it."

"Oo nga, pero 'di naman sa mga ganitong mamahaling boutique. Sobra-sobra na 'to para sa akin. Baka 'di ko na masuot." Pero nagawa pa rin siya nitong maipasok sa loob ng boutique. "Rave, huwag na kasi. Ang dami mo nang nagastos sa akin. Nakakahiya na."

"Then stop counting," kalmado nitong sagot.

"Good afternoon ma'am and sir," bati sa kanila ng babaeng staff. "Dress for your lovely –"

"Wife," dugtong ni Rave. Inihit naman siya ng ubo. Teka lang, kailangan niya yata ng tubig. "Can you show us all your latest designs?"

"Formal po ba or for casual lang sir?"

"Show us all."

"Sure, let's go this way." Iginiya sila ng babae sa isang buong rack ng mga damit. "These are our latest designs for this month. Pwede n'yo pong isukat ang mga ito sa fitting room namin."

Tinignan niya ang mga naka display, namangha siya sa ganda ng mga desinyo at sa tela ng mga damit. Malambot sa kamay at pulidong-pulido ang pagkakatahi. Isang white off shoulder dress ang nakakuha ng atensyon niya. Tinignan niya ang price tag ng damit at nanlaki nang sobra ang mga mata niya.

Five thousand pesos? Literal na nanlaki ang mga mata niya. Ano ba 'to? Ginto?! Namumukadkad ba 'tong mga bulaklak na 'to? Imbes na mamili ay naging busy siya sa pagtingin ng mga presyo ng damit. At wala man lang below five hundred pesos.

"Try this." Nagulat siya nang ibigay sa kanya ni Rave ang isang floral halter red dress. "This would perfectly match your doll shoes."

"Try n'yo po, ma'am. Bagay ho sa kulay n'yo ang red."

"Pero –"

"No buts Laura." Iginiya siya nito sa fitting room. "C'mon, try this one."

"Sige na nga, pero ito lang, ha?"

Tumango ito. Pumasok na siya sa fitting room at sinukat ang dress. Hindi niya napigilan ang mapatitig sa repleksyon niya sa salamin. Medyo mahaba ang neck line nun at may raffles sa may leeg. Hanggang tuhod niya naman ang haba ng dress. Maganda na 'yong dress pero hindi niya inasahan na babagay 'yon sa kanya. Parang hindi siya ang nasa salamin.

"Laura," katok ni Rave.

"L-Lalabas na." Binuksan niya ang pinto. Nakatalikod sa kanya si Rave. Huminga muna siya nang malalim bago nagkalakas loob na tawagin ito. "Ahm, Rave."

Nilingon siya nito. "Oh!"

"Ano? Okay lang ba?"

Titig na titig ito sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung para rito ay bagay sa kanya ang damit o mukha siyang ewan. Pasimple niyang hinaplos ang buhok sa pagka-ilang.

"Bagay ho sa inyo, ma'am. Ang ganda-ganda n'yo po sa dress na 'yan."

"We'll take that," sa wakas ay salita ni Rave. Ibinaling naman agad nito ang mukha sa babae na nag-a-assist sa kanila. "Pati na rin 'yon napili ko kanina."

"Sige po sir." Umalis ito at dumiretso sa cashier counter.

Mabilis na lumapit siya kay Rave. "Anong pinili mo? May damit panlalaki ba sila rito?"

"Wala, pero alam kong 'di ka pa rin pipili, so I picked more clothes on your behalf. It saves us more time." Tinalikuran na siya nito at sumunod doon sa babae sa cashier kung saan naghihintay ang ilang paper bags ng mga damit na binili nito para sa kanya. Seryoso ba 'to?

Sinuyod lahat yata nila Rave ang buong stores sa mall na 'yon. Mula sa mga damit, accessories, hanggang sa mga sapatos. Hindi man lang siya tinipid nito. Naloloka siya sa sobrang dami nang mga pinamili nito sa kanya.

Gabi na nang makauwi sila sa condo. Pagod na pagod siya at tila wala ng lakas ang katawan niya para kumilos. Ramdam na ramdam niya ang sakit ng mga binti dahil sa maghapon na paglalakad. Dios ko, ganito pa la ang mag-shopping. Nakakaubos na nga ng pera, nakakapagod pa. Pagkatapos niyang magpalit pantulog ay agad siyang nahiga sa kama at naipikit ang mga mata.

Pero ilang segundo pa lamang ang lumipas ay naimulat niya muli ang mga mata at napabalikwas ng bangon. Kagabi sa kama siya natulog at sa sofa lang si Rave. Pati ba ngayong gabi sa kama pa rin siya at sa sofa pa rin ito? Bahagyang nakabukas pa ang sliding door na naghihiwalay sa living room at sa bedroom. Mula sa puwesto niya ay nasilip niya si Rave na naglalagay ng unan sa sofa. Nakapambahay na rin ito.

"Rave, dito ka na," aniya. "Ako naman sa sofa. Salitan na lang tayo."

"Matulog ka na lang diyan Laura."

Bumaba siya ng kama at lumabas sa silid. "Paano naman ako makakatulog? Halos bilhin muna ang buong mall para sa akin tapos sa sofa pa kita patutulugin."

"Then, do you want me to sleep with you?"

Natigilan siya. "H-Huh?"

"There is no way I'm gonna let you sleep on this sofa, Lar."

"Sanay ako sa mga ganyan."

"And so am I."

Mabilis na humiga siya sa sofa. "Doon ka na sa kama."

"I told you I'm not gonna let you sleep on the sofa." Nanlaki ang mga mata niya nang yukuin siya nito at walang kahirap-hirap na binuhat. "Now, go back there."

"H-Hoy, ibaba mo nga ako!" Napakapit siya nang maigi sa leeg nito. "Ibaba mo ako Rave."

"Ibaba kita roon sa kama."

Napasinghap naman siya nang ihagis siya nito sa kama. Ay grabe siya sa akin! Talagang hinagis siya nito.

"Matulog ka na Laura. May lakad pa tayo bukas."

"Saan na naman tayo pupunta?"

"You will know tomorrow." Tinalikuran na siya nito. Ito na mismo ang nagsara ng sliding door para sa kanya. Mula sa loob ay kitang-kita pa rin niya ito. "Stop peeking around Laura. Sleep!"

"Hindi kita sinisilip, ha? Hello, transparent po kaya ang pinto." Ipinasok niya ang sarili sa makapal na kumot at tumagilid ng higa. "Matulog ka na rin." Mayamaya pa ay pinatay na nito ang lahat ng ilaw at naging tahimik na ang buong paligid.

Kahit na hapong-hapo sa maghapong lakad ay hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na mapangiti. Ito ang unang beses na wala siyang iniisip na problema. Ang sarap pala sa pakiramdam. Huminga siya nang malalim.

Nararamdaman na rin niya ang antok.

Saan na naman kaya ang lakad nilang dalawa bukas ni Rave?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro