Kabanata 6
"WIFE?" ulit ni Laura.
Seryosong tumango si Rave. "This is the only option we can do for now. You'll be safe as Laura Sanjercas. No, let's change your name as well." Sandali itong nag-isip. "Are you okay with Lara Sanjercas. Inilas ko lang 'yong 'u' sa Laura mo."
"Eh?"
Ni sa hinagap ay 'di niya na isip na tutulungan siya ng isang Rave Sanjercas. Kahit 'di niya lubusang kilala ang lalaki ay alam niyang hindi ito basta-basta kagaya ng mga kaibigan nito. Ayaw niyang sagarin ang kabutihan nito sa kanya. Sobra na para sa kanya ang magpanggap na asawa nito para sa kaligtasan niya.
"Sir Rave," malumanay niyang tawag dito. "Malaki ho ang pasasalamat ko sa inyo. Halos buong buhay na ho ang utang ko sa kabutihan n'yo sa akin. Alam ko ho na maari ho akong balikan ng tiyo ko. Pero sobra na ho ang pagpanggapin n'yo akong asawa. Okay lang ho sa akin ang maging katulong n'yo."
"I can't do that."
"Bakit naman ho?"
"I can't let you go out on your own. The best way to hide your identity is to make you my wife. You don't need to worry about it, I can take care of them. You just have to act as my wife."
"Pero –"
"Don't worry, it's just for a show. You don't need to stick to me all the time dahil may trabaho ako. In return, please take care of my son, Ross."
"Ang anak n'yo?"
Tumango ito. "I know, you'd be uncomfortable, kaya na isip ko na i-alok sa'yo na alagaan ang anak ko. Ross's nanny just resigned, in place of her, ikaw lang ang naisip ko na pumalit sa kanya. I know you will insist in paying me for taking care of your brother's operation and hospital bills, and to tell you honestly Laura, you don't need to pay me. It was my help for you and your brother and I don't intend to ask anything in return."
"Naiintindihan ko, hindi lang ako komportable na –"
"You know what this world is good with, Laura?" Napatitig siya sa mga mata nito. "Being unfair." Natigilan siya sa tuno ng boses ni Rave. Tila may malalim na pinaghuhugutan ang mga salitang 'yon. "Miracle doesn't often knock in our doorsteps, so if it knocks, don't hesitate to accept it."
Sandaling binalot sila ng katahimikan.
"Anyway, I have to go ahead. Gabi na, you should rest as well. Maaga akong babalik bukas and I'll bring Ross one of these days so both of you can talk and feel comfortable with each other." Tumayo ito at inalalayan siyang makatayo. "Ihahatid na kita sa kwarto mo."
Hinawakan niya bigla sa isang braso si Rave. May pagtatakang ibinaling nito ang tingin sa kanya.
"Salamat." Ngumiti siya. "Hindi ko alam kung bakit ginagawa mo ito. Hindi ko na rin ipipilit pa na itanong kung bakit tinutulungan mo ako dahil mukhang hindi naman ikaw ang klase ng tao na gugustuhing makipagkwentuhan. Asahan mong, aalagaan ko ang anak mo na para bang sarili kong anak." Kumunot ang noo nito. Ay mali, masyado yatang feeling close ang 'anak'. "At bilang isang kapatid," dagdag na bawi niya.
"Thanks." Phew!
"CONGRATULATIONS! Pwede na nating alisin ang cast sa paa mo," nakangiting anunsyo ni Doc. Kevin. Inabot nito ang hawak na clipboard sa babaeng nurse na kasama nito. "Pero, siyempre hindi ako ang gagawa." Tumawa ito bigla. Kumunot naman ang noo niya. "Si Dr. Lagdameo, ortho iyon. Ako hindi."
"Eh?" Naalala nga niyang may ibang doktor na pumupunta sa silid niya. Tinatanong siya tungkol sa naka-cast niyang paa. "Pero bakit po kayo ang nandito?"
"Well, I'm one of your doctors. Of course, I'll check on you from time to time."
Tumango na lang siya. Hayaan na nga niya. "Doc., may tanong ako."
"Hindi na ako single."
"Hindi ko naman itatanong 'yon."
Natawa lamang ito, pati na rin ang nurse sa likod nito. "Iwan mo muna kami Clare," baling nito sa nurse. "Susunod ako."
"Sige po, Doc." Nakangiting tumango ito saka lumabas ng silid.
"Ano 'yon Laura?"
"Tungkol kay Sir Rave?"
"So you're still calling him Sir Rave?" Tila amuse na amuse ito sa tawag niya sa kaibigan nito.
Gwapo si Doc. Kevin, halatang-halata na may foreign blood ito. Hindi nga lang siya sigurado kung ano. Matangkad at mistiso ito. Kapansin-pansin rin ang matangos na aristokrating ilong nito. Mapupungay at mahahaba ang pilik mata, bahagyang makapal ang mapupula nitong labi at halos kulay abo na ang mga mata nito.
Kagaya ni Sir Rave, maganda rin ang hubog ng katawan nito at may malapad na balikat. Ang kaibahan lamang, palangiti ito at mas makulay ang epkresyon ng mukha nito kaysa kay Sir Rave.
"May mali ba sa pagtawag ko sa kanya?"
"Wala naman." Nagkibilit-balikat ito, pero nandoon pa rin ang amuse na ngiti nito sa kanya. "Pero, kung ako sa'yo. Mag-practice ka nang tawagin siyang Rave lang o 'di kaya darling, love, or honey."
Napasinghap siya. "A-Alam mo rin?"
"Alam ko, ni Mykael at Peter. It was a unanimous decision."
Napabuntonghininga siya. "Pero bakit asawa? Hindi ako bagay na maging asawa niya."
"Don't belittle yourself, Laura. Even if it's just for your safety, huwag mong isipin na hindi ka bagay maging asawa ng isang Rave Sanjercas. Tandaan mo, hindi naman sa estado nasusukat ang pagmamahal. Dahil kapag nagmahal ang isang tao, even if you're the most powerful person in the world, you will still find beauty in the midst of your defeat."
"Pero kasi –"
"Rave's a good guy, Laura. Mukha nga lang siyang walang pakialam, but he has a good heart. Everyone has their own back stories in life. I wish I could tell you, but when it comes to my friends, I prefer not to overshare."
"Naiintindihan ko –"
"And please don't be shock kung paulit-ulit na tanggihan ni Rave ang bayad mo sa pagtulong niya sa kapatid mo. It's really normal." Bakit? Paanong naging normal 'yon? "Hannah, his late wife, has a congenital heart disease, simula pa noong bata siya. Although her heart operation was successful, the risk is still inevitable for her. The doctor, wasn't really happy when Hannah got pregnant due to health risks. Binalaan na nito si Rave na maaring ikapahamak ni Hannah kapag na buntis ito."
"Hannah's parents got angry with Rave, nang malaman nila ang kalagayan ng anak. Lumala pa 'yon nang mamatay si Hannah. Limang taon ang lumipas pero hindi pa rin kinakausap ng mga magulang ni Hannah si Rave. Kung hindi dahil kay Ross ay baka matagal nang pinutol ng pamilya ni Hannah ang ugnayan nila kay Rave." Malungkot na bumuntong-hininga ito. "But every time I ask him about that, he will always keep his silence."
Nabanggit nga sa kanya ni Rave ang pagkamatay ng asawa nito pero hindi niya inasahan na may malalim pa palang kwento sa likod ng maikling kwento nito sa kanya noong gabing 'yon.
"After Hannah's death, he had been secretly helping the less fortunate patients in the heart center. Ni minsan ay hindi siya nagpapakilala sa mga natulungan niya. He would just secretly visit them when he has time."
Hindi niya napigilan ang mapangiti. Sa mga narinig niya mula kay Kevin, mas lalo niya tuloy gustong makilala si Rave. Mas umiigting ang kagustuhan niyang palitan ng ngiti ang kalungkutan na nakikita niya sa mga mata nito. Hindi niya alam kung paano, pero magsisimula siya sa anak nito.
Aalagaan niya si Ross at mamahalin bilang isang anak. Kahit man lang doon ay makabawi siya sa mga naitulong nito sa kanya.
"Salamat sa kwento."
"Anak ng liver!" Napakamot ito sa noo at napakunot-noo. "Please, don't tell him na ako ang nagkwento sa'yo niyan. Geez, he's going to kill me."
Natawa lang siya. Naalala niya ang linya ni Kevin kanina. I wish I could tell you, but when it comes to my friends, I prefer not to overshare. 'Yong totoo?
HINDI maalis ang tingin ni Laura sa cute na cute na batang lalaki sa harap niya. Naupo siya para magkasing-tangkad na sila nito na hanggang baywang niya ang tangkad kung nakatayo siya.
Napangiti siya.
Kamukhang-kamukha ni Rave ang bata. Parang mini version nito, chubby version. Ang pula-pula pa ng matambok nitong pisngi. Ang sarap kurutin, saka ang gwapong bata. Hindi na siya magtataka kung saan nito namana ang kagwapohan. At alam niyang maganda rin ang mommy nito.
"Hello!" Nakangiting inilahad niya rito ang kamay. "I'm your Ate Laura."
Nahihiyang nagtago ito sa likod ni Rave.
"Sorry, he's really shy."
Tumayo siya para matignan ang mukha ni Rave. "Okay lang, 'yong kapatid ko rin, mahiyain." Sinilip niya pa rin ang bata sa likod nito. "Hello baby, huwag kang matakot sa akin. Mabait naman ako." Shuks! Baka 'di siya nito naiintindihan? Muli niyang naibaling ang tingin kay Rave. "English ba salita niya? Naku!" Napakamot siya sa noo. "'Di ako masyadong nakakapagsalita ng Ingles. Nakakaintindi ako pero 'di gaano." Ano ba 'to, nakakahiya. Tinalo pa niya ang limang taong bata. Napangiwi tuloy siya.
"It's okay, Laura. Ross, can understand." Kinarga nito ang anak. "Ross, she's your Tita Lara. From now on, siya na ang lagi mong makakasama sa bahay. You remember what I told you last night. She's your secret nanny, so you should not tell anyone who she is. Okay?"
"Okay po." Tumango ang bata.
"Laura, iiwan ko muna sa'yo si Ross. May pag-uusapan lang kami ni Kevin sandali." Ibinaba nito ang anak. "Ross, kay Tita Lara ka muna. Mag-uusap lang kami ng Tito Kevin mo. What do you want for dinner later?"
Napakurap-kurap siya. Totoo ba 'tong nakikita niya? Ngumingiti si Rave kapag kausap ang anak? Wow! Hindi niya alam kung bakit, pero tila tinutunaw ang puso niya sa nakikita niya.
Ngumiti ang bata sa ama. "Yes po, Daddy. I'll be a good boy. Can we eat later po sa Jollibee? I missed their chicken joy."
"Alright, you got yourself a deal." Malambing na ginulo nito ang buhok ng anak bago ulit siya binalingan. "Is it okay if I call you Lara?"
Tumango siya. "Okay lang, 'yong 'u' lang naman ang naalis," aniya na may kasamang tawa. "Halika Ross." Inilahad niya sa bata ang kamay. "Sama ka muna sa akin. Hintayin natin ang Daddy mo mamaya."
Natuwa siya nang tanggapin ni Ross ang kamay niya. "Bye po, Daddy. See you later."
"DADDY told me that you're my secret nanny," kwento ni Ross habang magkahawak-kamay silang naglalakad sa pasilyo kung saan ang silid ng kapatid na si Lawrence. "Pero lola and the rest will gonna think that you're my Daddy's new wife. He told me that there are bad guys who are after you. And he needs my help in protecting you."
Napangiti siya. 'Yon ba ang kwento ni Rave sa anak nito tungkol sa kanya?
"Oo, baby. May mga bad guys kasi na gustong umuway sa akin. Tapos 'yong Daddy mo ang superhero ko."
"Why do you need to pretend if Daddy can marry you for real?" Inihit siya ng ubo. "Are you okay po Tita Lara?"
"Ah, oo, okay lang ako." Ibinalik niya ang ngiti sa mukha nang ibaba niya ang tingin kay Ross. "Hindi kami pwedeng magpakasal ng Daddy mo kasi magkaibigan lang kami."
"But friends get married for real, right?"
"Pwede naman, kapag mahal nila ang isa't isa."
Tumango-tango ito. "You know what po, I like you."
"Talaga? Thank you."
"Kasi po, you're not like other girls Lola wants for Daddy." Sumamingot ito. "When Lola or Daddy is there, ang bait-bait nila, but when they're not around, they always scold me and pinch me."
"Ginagawa nila sa'yo 'yon?" Nahabag siya sa sinabi ng bata. Anong klaseng mga babae naman ang sasaktan nang ganoon ang isang bata? Matitiris niya ang mga 'yon. "Ang bad naman pala nila."
"Yes po, and Daddy knew it that's why he doesn't talk to those girls again."
Natawa siya. Aba'y kung siya rin si Rave, hindi na siya magsasayang ng oras at laway sa mga ganoong tao.
"Aba'y dapat lang. Oh, nandito na tayo." Turo niya sa pinto ng silid ng kapatid. "Nandito 'yong kapatid ko." Baling niya rito. "Ipapakilala kita sa kanya. Malapit na kasi ang operation niya."
"He's so sick po?"
"Oo, may sakit siya sa puso. Pero gagaling na rin siya. Salamat sa tulong ng Daddy mo." Lumapad ang ngiti nito. "Ross, atin-atin lang 'to, ha? Basta huwag mong sabihin sa Daddy mo na sinabi ko 'to sa'yo."
"Ang ano po?"
"Mahal ko ang Daddy mo." Nanlaki ang mga mata nito. Natawa siya. "'To naman, huwag mong lagyan ng malisya. Mahal ko ang Daddy mo kasi siya ang hero ko. Pero secret lang natin 'yan, ha? Kapag wala nang mga bad guys, sasabihin ko rin sa kanya."
"Mahal na rin kita Tita Lara."
"Mahal mo na rin ako?"
Malaki pa rin ang ngiti nitong tango sa kanya. "Kasi ang bait-bait mo po saka ang ganda-ganda mo kagaya ng Mommy ko."
Napangiti siya. "Talaga ba?" Sunod-sunod na tumango ito. "Thank you. Halika na, pasok na tayo. Magugustuhan mo rin ang Kuya Lawrence mo."
"DADDY!"
Nakasigaw na takbo ni Ross sa ama nito. Iniluhod ni Rave ang isang tuhod para salubungin ng yakap ang anak. Nakangiting lumapit siya sa mag-ama.
"Daddy, I super love Mama Lara."
Pareho silang nagulat ni Rave nang tawagin siya ni Ross ng Mama Lara. Tila malaking tandang pananong ang ekspresyon ng mukha nito.
"Mama Lara?" ulit ni Rave.
Mabilis na tumango si Ross sa ama. "Daddy, can I call her Mama? Please! Please! Please!" nakangusong pakiusap nito sa ama. Pasimple siyang napakamot sa noo. Anong nagawa ko? "I love Mama Lara, Daddy. I love Kuya Lawrence as well. Lola Maring is more mabait and sweet than lola kasi she let me eat anything I want."
"Baby," singit niya. "Tita Lara na lang."
Umiling ito. "No, I want Mama Lara."
Teka lang, nangangati 'yong bunbunan niya. Na-e-stress siya. Baka isipin pa ni Rave na nagawa niyang i-brainwashed ang anak nito sa loob lamang ng isang oras.
"It's fine Ross. You can call her mama if you want." Muntik na siyang masamid sa sariling laway. Seryoso? "C'mon, let's go and eat na."
"Yehey!" Nagtatalon sa tuwa si Ross.
"Sige, ingat kayo."
"You'll be coming with us Lar." Wait Lar?Akala ko ba Lara? Pero bakit mas maganda ang Lar pakinggan? Ay hindi. Tama na ang pag-iisip Laura. Gutom lang 'yan. "Halika na, may Jollibee sa tapat ng ospital."
"W-Wait, isasama n'yo ako?" Bumaba ang tingin niya sa suot. Nanliit ang mga kuko niya sa paa. Naka damit pang-ospital at tsenilas lang siya. "Naku huwag na," nakangiting tanggi niya. "Sa canteen na lang ako kakain." 'Di kasi masarap ang rasyon ng pagkain. Mas malasa doon sa canteen. "Kayo na lang."
"Sama ka na po." Lumapit sa kanya si Ross at hinawakan ang isang kamay niya. "Masarap po 'yong chicken joy. Gagaling ka po nang mabilis." Hinila na siya nito. "Daddy, isang bucket ng chicken joy po ang bilhin n'yo po, ha?"
NAG-ENJOY at nabusog si Laura. Malayong-malayo sa Ross kanina ang Ross na nakasama niya ngayon. Bibong-bibo ito at tila napakadal-dal. Mukhang sa una lang talaga mahiyain ang bata. Okay lang naman pala ang suot niya, hindi lang naman pala siya ang nag-iisang pasyente na nag-aklas at nakipagsapalaran sa Jollibee.
Sa buong dinner, ang buong atensyon niya ay na kay Ross. Aliw na aliw siya rito. Kahit noon pa, mahilig na talaga siya sa bata. At saka, mabait naman na bata si Ross. Matalino at madaling kausap.
Pabalik na sila sa ospital, sa halip na dumiretso sa silid niya ay inihatid niya ang mag-ama sa parking lot. Karga-karga ni Rave ang nakatulog na anak. Mukhang napagod yata.
"How's your feet?" mayamaya ay basag nito.
"Okay na, natanggal na 'yong cast kahapon, baka next week raw pwede na akong ma-discharge."
"I'll let Kevin process your discharge papers. You don't need to worry about it."
"'Yon nga e." Mapait na napangiti siya. "Ang dami-dami mo nang naitulong sa akin pero wala man lang akong maipambayad sa'yo."
"Hindi naman kita sinisingil."
"Kung sa iba, okay lang 'yon, sa akin kasi hindi."
"You can pay me anytime Lar."
"Pagtatrabuan ko ang pagiging yaya ni Ross. Pero 'yon ay isang trabaho na gusto kong gawin. Hindi pa kita mababayaran ng pera dahil walang-wala talaga ako. Gusto ko sana maging katulong sa bahay n'yo pero ayaw mo naman. Kapag okay na lahat at nahuli na ang tiyo ko. Maghahanap ako ng trabaho at babayaran ko ng pa unti-unti ang lahat ng mga naitulong mo sa akin."
"Okay."
"Wow!" Manghang na ibaling niya rito ang mukha. "'Di mo na sinasabi sa akin na huwag ko na lang bayaran ang mga nagastos mo."
"You're still going to insist it anyway."
Natawa siya. "Pero, thank you pa rin Sir Rave."
"Just Rave, Lar. Let's stop the formalities, shall we?"
Nakangiting tumango siya. "Sige, Rave." Maulit nga hanggang masanay. "Rave. Rave. Rave."
"Okay, stop it Laura."
"Huh?"
"You don't need to repeat my name a thousand times to get used to it."
"Rave."
"Isa pang Rave, Laura at –"
"Rave!" Mabilis na tumakbo siya pabalik sa dinaanan nila kanina. "Goodnight!" Nilingon niya ito, malaki ang ngiting kumaway siya rito. "Salamat sa libre! Ingat kayo ni Ross." Tinalikuran na niya ang mga ito at nagsimulang maglakad pabalik sa building ng ospital.
Ang kaninang ngiti ay napalitan ng buntonghininga.
Naalala niya ang namayapang Tiya Esme niya at ang huling sinabi nito sa kanya bago siya nakatakas. Hahanapin ko ba ang totoo kong ama? Paano kung kagaya rin ito ng kinilala niyang ama? Paano kung mas lalong gumulo lang ang buhay nila ng kapatid? Paano kung may pamilya na ito? Paano kung 'di nito matanggap ang kapatid niya?
Alam niyang, naging taga aliw rin ang ina sa isang bar noon. Sa trabahong 'yon nakilala ni Nanay si Tiya Esme at ng kinalala niyang ama. Hindi malabong isa rin sa mga naging customers ng ina niya ang tunay na ama at baka katulad din ito ng ibang lalaking nakilala niya sa bar.
Hindi naman lahat kagaya ni Rave. Ni hindi nga pumupunta sa ganoong lugar si Rave kung 'di ito napilit ng kaibigan nito.
Muli siyang napabuntonghininga.
Hindi Laura, sa ngayon hindi importante ang makilala ang tunay mong ama. Ang importante sa ngayon ay ang kaligtasan n'yong magkapatid at mabayaran mo lahat ng mga utang mo kay Rave.
"Tama, laban lang!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro