Kabanata 4
SUNOD-SUNOD na sampal at tadyak ang natanggap ni Laura mula sa hapon na asawa ng kanyang Tiyang Esme na si Akihiro Sato. Ramdam na ramdam niya ang sakit hindi lamang sa kanyang buong katawan pati na rin sa kanyang kalamnan. Nalasahan niya ang dugo sa bibig. Hinang-hina na siya at nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa pananakit ng hapon sa kanya.
Naisandal niya ang likod sa malamig na pader ng opisina nito. Ramdam niya ang mga luhang umaalpas sa kanyang mukha. Pagod na pagod na siya. Hindi na niya kaya ang sakit. Parang mamamatay na siya.
"Akihiro-san!" boses 'yon ng kanyang tiyang. "Please stop."
Malakas na nagmura ito sa linggwahe nito.
"Kuso! Mister Satoshi is an importang customer." Sigaw ng hapon sa matigas nitong Ingles. "Laura should do her job well. She already did it with a man. Why can't he do it again?! Talk to your niece, Esme. She embarrassed me with our VIP guest. She better makes up her mind or else," tinignan siya nito nang matalim. "You wouldn't see your family again!"
Lalo lamang siyang natakot sa pagbabanta ng Hapon. Pagod na pagod na siya. Hindi na niya alam ang gagawin. Pati ang pera na nakuha niya mula kay Rave ay nawala na lamang na parang bula nang itakbo 'yon ng kanyang ama. At ngayon, pinipilit pa siya nitong makipagtalik sa VIP nitong Hapon. Nanlaban siya kanina kaya gulpi ang nakuha niya mula sa dalawang Hapon. Gulong-gulo na ang isip niya sa mga problema. Hindi niya alam kung na paano na ang kapatid sa Cebu. Gustong-gusto na niyang umuwi.
"Can't we give another woman for Satoshi-san? We have a lot of women who can fill Laura's place and can give her pleasure -"
"Iie! Satoshi-san only wants Laura. Both of us will be dead if we can't give Laura to him. So you better talk to her." Turo sa kanya ng Hapon. "Doke!" Muli itong nagmura sa sariling linggwahe nito bago marahas na itinulak ang tiyahin niya at dire-diretsong lumabas ng silid.
"Laura," mabilis na dinaluhan siya ng kanyang tiyahin. Iyak na lamang siya nang iyak. "Laura, hija. Tumayo ka riyan." Sinubukan siya nitong patayuin pero wala na siyang lakas para gawin iyon. Hindi na niya maramdaman ang sariling katawan. Tila namanhid na iyon sa bugbog. "Laura," gumaralgal ang boses nito.
"P-Pagod na pagod na ako tiyang." Pabulong na niyang iyak. "H-Hindi ko na alam ang g-gawin ko. A-Ang kapatid ko. H-Hindi ko na a-alam... h-hindi ko na alam kung makakaya ko pang maipagamot si Lawrence. L-Lahat ng pera na pinadala ko..." halos humagulgol na siya ng iyak. "Lahat ng 'yon ay itinakbo ni tatay."
Niyakap siya nito. "Laura, lakasan mo ang loob mo. Kailangan mong maging malakas para sa kapatid mo."
"G-Gusto ko. G-Gustong-gusto ko pero 'di... 'di... ko alam kung paano? Binigo ko si Lawrence. Binago ko siya tiyang."
"Tumayo ka Laura." Mariing utos nito. "Kailangan mong ibalik ang lakas mo. Kailangan mong balikan ang kapatid mo sa Cebu. Kailangan mong makatakas sa lugar na ito." Hinawakan nito ang mukha niya at pilit na hinuli ang kanyang tingin. "Makinig ka sa akin Laura. Tutulungan kitang makatakas dito. Pero kailangang tulungan mo rin ang sarili mo."
HINDI na alam ni Laura kung anong oras na nang mga oras na 'yon. Malakas na malakas ang kabog ng dibdib niya sa kaba at takot. Yakap-yakap niya sa dibdib ang malaking bag niya kung saan naglalaman ang mga gamit niya. Kailangan lamang niyang malakabas sa lugar na iyon.
Iika-ikang naglakad siya at nagtago nang mamataan niya ang grupo nila Melody. Naalala niya ang pag-uusap nila ng tiyahin niya.
"Tandaan mo Laura. Kahit anong mangyari. Huwag na huwag kang lilingon. Kahit anong marinig mo. Huwag na huwag kang bumalik sa loob. Tumakbo ka lang nang tumakbo. Naiintindihan mo ba ako?"
"Pero tiyang, paano po kayo? Baka ano pong gawin sa inyo ng asawa ninyo -" hinawakan nito ang mga kamay niya. "Tiyang?"
"Huwag mo akong alalahanin Laura. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Sana ay hindi na lamang kita dinala rito sa Maynila. Kung nabubuhay lamang ang mama mo, alam ko na hinding-hindi niya ako mapapatawad sa ginawa ko." Tinulungan na siya nitong isilid ang iba pa niyang gamit sa bag niya. "Magmadali ka na. Huwag mong kakalimutan ang bilin ko sa'yo. Mamaya, dadating na si Satoshi, sasamahan ko sila. Kapag nasa loob na kami ng opisina ng tiyong mo, umalis ka na."
"Pero tiyang -"
"Ano ba Laura," marahas na napabuntong-hininga ito at itinigil ang ginagawa. Naupo ito sa kama niya at muli siyang hinarap. "Huwag mo na akong isipin pa. Matanda na ako. Ang isipin mo ay ang kaligtasan mo at ang kapatid mo." May kung ano itong hinugot sa loob ng blouse nito. Mukhang itinago nito 'yon sa ilalim ng suot nitong bra. Inabot nito ang isang kamay niya at pilit na pinahawak ang isang nakatiklop na papel. "Hanapin mo ang taong 'yan."
"Sino ho?"
Marahang ipinatong nito ang isa pang kamay sa kamay niya. "Hija, wala na akong oras pa para i-kwento sa'yo ang lahat. Basta hanapin mo ang taong 'yan. Siya ang tunay mong ama."
Nanlaki ang mga mata niya. Tunay na ama?
"Madame!" isang malakas na katok mula sa labas ang nagpatigil sa kanila. "Madame, pinapatawag ka na ni Boss. Kami na ang bahala kay Laura."
"Laura, kumilos ka na." Mabilis na isinarado nito ang bag niya at itinago 'yon sa ilalim ng kama niya. "Mag-ayos ka muna. Huwag mong ipahalata sa kanila ang plano nating 'to -" akmang iiwan siya nito nang mabilis na mahawakan niya ang braso nito.
"Tiyang, a-anong ibig n'yong sabihin?" Ngayon lamang niya napansin ang luha sa mga mata nito. Hinaplos nito ang kanyang mukha. "Tiyang?"
"Patawarin mo sana ako Laura. Sana ay matagal ko nang sinabi ito sa'yo. Hayaan mong ang iyong tunay na ama na lamang ang mag-kwento sa'yo ng katotohanan. Sa ngayon, kailangan mo munang makaalis sa lugar na ito. Balikan mo ang kapatid mo at hanapin mo ang 'yong tunay na ama."
"Madame!"
"Sandali lang Judy!" inis na sigaw nito. Ibinaling ulit nito ang mukha sa kanya. "Lakasan mo ang loob mo. Ako na ang bahala kina Judy, doon ka dumaan sa likod. Wala akong nilagay na guard doon ngayon." Mabilis na niyakap siya nito. "Mag-ingat ka." Malungkot na ngumiti ang tiyang niya bago tuluyang lumabas ng silid niya.
Para siyang nawalan ng lakas kaya napa-upo siya sa gilid ng kama. Bumaba ang tingin niya sa kapirasong papel na nasa kamay niya. Hindi niya alam ang dapat isipin. Naguguluhan siya.
Humigpit ang pagkakayakap niya sa bag habang hinihintay na makalagpas ang mga ito. Rinig na rinig niya ang lakas ng tibok ng puso niya. Kailangan niya lamang makadaan doon dahil 'yon lamang ang daan papunta sa fire exit ng VIP lounge ng bar na 'yon. Kailangan niya ring mag-ingat dahil malapit doon ang opisina ng asawa ng tiyahin niya.
"Nakaka-bwesit talaga ang favoritism ni Madame sa babaeng 'yon." Narinig pa niyang reklamo ni Melody sa kasama nitong si Brenda. "Una 'yong VIP na si Mr. Sy. Tapos ngayon naman si Mr. Satoshi. Ka imbyerna! Ano bang meron sa babaeng 'yon at nakukuha niya 'yong mga VIP natin dito?"
"Laspag na laspag ka na kasi." Nakatawang sagot ni Brenda. "'Te 'yong sa'yo, maluwag na. Ang kay Laura, masikip pa. Patahi mo muna 'yan 'te."
"E kung 'yang bibig mo kaya ang ipatahi ko at nang matigil ka. Halika na nga, naghihintay na sa akin 'yong gurang na maliit ang saging. Hay naku! Magtitiis na naman ako sa matandang 'yon."
"Malaki naman datung no'n 'te. Galingan mo na lang ang performance mo."
Nakagat niya ang ibabang labi. Ilang segundo pa ay wala na siyang narinig na mga yabag. Bahagya siyang sumilip mula sa pinagtataguan niya. Mabuti na lamang at dim lahat ng ilaw sa hallway kaya hindi siya madaling makikita. Laura, kaya mo 'to. Uuwi ka ng Cebu. Mababalikan mo pa ang kapatid mo. Humugot siya nang malalim na hininga. Maingat na lumabas siya sa pinagtataguan at mabilis na naglakad. Sa kabila ng paika-ika niyang paglalakad ay sinikap niyang bilisan pa ang kilos para tuluyang makalagpas sa harap ng opisina.
Nakahinga siya nang maluwag nang magawa niyang makalagpas pero sandali lamang 'yon nang marinig niya ang palitan ng sigawan sa loob. Nag-alala siya para sa tiyahin pero kailangan niyang sundin ang habilin nito sa kanya. Akmang hahakbang na ulit siya nang marinig niya ang boses ni Judy mula sa likod.
"Oh, Laura!" lumakas ang kabog ng dibdib niya. Kailangan na niyang umalis. "Hoy Laura! Saan ka pupunta?!" hindi na niya nilingon ito at nagpatuloy siya sa pagtakbo. "Boss! Boss! Si Laura tumatakas!"
Dios ko! Nagmadali siya. Hindi na niya ininda ang sakit sa kanyang binti. Tinakbo na niya ang medyo madilim na pasilyo na 'yon.
"Don't let her go away!"
Lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo. Rinig na rinig niya ang mga yabag ng mga humahabol sa kanya. Malapit na siya. Malapit na siya. Dios ko, parang awa N'yo na.
"Laura!"
"WHAT?!" asar na sagot ni Rave kay Mykael.
He put him under loud speaker dahil nagda-drive pa siya. Mas lalo pa siyang natagalan sa daan dahil may truck at taxi na nagbanggan. Kinailangan pa niyang humanap ng ibang route dahil kung maghihintay lamang siya roon ay baka umagahin na talaga siya. It was already past 10 pm in his watch.
Banas pa siya sa kaibigan dahil niloko siya nito kanina. Akala niya ay kung ano nang nangyari rito. 'Yon pala, Mykael set him up for a blind date. Nahilot niya ang sentido sa alaala ng date kanina. Pamela was okay. She's beautiful, prim and proper, and also intelligent. In fact, papasa ito sa panlasa ng kanyang ina. Good family background, heiress ng isang mall. Active sa mga social elite gatherings at isang ideal daughter-in-law.
"How was your date, Rave?"
"She's beautiful."
"And?"
"I'm not interested."
Mykael groaned in the other line. "Na naman? God, Rave. Seryoso brad? Mauubos ko na lahat ng prospect woman na pasok sa panlasa ni Tita Em pero wala ka pa ring magustuhan."
"I already told you that I don't need someone in my life right now. I have Ross. Masaya kami kahit kaming dalawa lang ng anak ko."
"You need someone Rave. You need someone to warm your bed."
"I believe I don't."
"Seryoso ka ba talaga? Ilang taon ka nang tigang - no. Let me rephrase that. Kababalik mo lang sa human world Rave. I remember you slept with that woman I bought for you in the bar two weeks ago. Don't ever deny it Rave. We are man. We have needs. I forgot her name - was it Lorry? Larry?"
"Fine, something happened. Happy? But let me just remind you Mykael Sy that your friend has this rare amnesia whenever he gets drunk."
True, he doesn't remember the conversations they had with that woman or any activity they had done before and after he was drunk. Talagang nawala ang lahat ng iyon sa memorya niya but it was kind of weird to still see a glimpse of her face in his head. Hindi man 'yon full image ng mukha nito pero magagawa pa rin niyang makilala ang babaeng 'yon kung makikita niya ulit ito. Kung hindi sa sulat na iniwan nito at sa dugong bumakat sa bed sheets ng kama ay 'di niya maiisip na may nangyari nga sa kanila.
Dalawang linggo na ang lumipas simula nang mangyari 'yon pero imbes na kalimutan ang tungkol sa babaeng nagngangalang Laura ay lalo lamang umiigting ang kagustuhan niyang makita ito. Dahil sa sulat na iniwan nito mas lalo nitong ginulo ang isipin niya.
"I have to hang up now." Inabot niya ang cell phone sa dashboard but to his carelessness nasagi lamang niya 'yon dahil tutok na tutok siya sa daan. "Damn," kinailangan pa niyang abutin 'yon gamit ng isang kamay.
"Rave may ipapakilala ako sa'yo bukas. Free your schedule tomorrow night."
"I already told you that I'm not interested in any of your date quest - Damn, this phone." Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa ibaba at sa daan. Napamura naman siya nang mahulog ang salamin niya sa mata. "Great!"
He was wearing his contact lenses earlier when something irritates his eyes. It was becoming itchy so he decided to just put on his eyeglasses.
Mabilis naman niyang nakapa ang salamin sa mata at nang iangat niya muli ang mukha sa harap ay ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang biglang may tumawid na babae sa harap niya.
"Oh shit!"
Mabilis ang mga kilos na inihinto niya ang kotse pero masyado nang malapit ang babae nang magawa niyang apakan ang break ng sasakyan. Nahigit niya ang hininga nang makita niya ang maputlang mukha ng babae na natamaan ng head lights ng sasakyan. Laura? Ang pangalang pumasok agad sa isip niya. Bigla-bigla ay tila nawalan ito ng lakas at tuluyan na ngang humandusay sa lupa.
"Rave?! Rave, what's happening?"
Hindi na niya nagawang pansinin ang tanong ni Mykael. Mabilis na lumabas siya ng kotse at dinaluhan ang babae. Nakasuot ito ng puting t-shirt at itim na pantalon. Hindi nakaligtas sa kanya ang ilang pasa nito sa braso. Dumudugo rin ang walang sapin nitong paa. Kumalat ang ibang gamit nito sa daan mula sa tumilapon na bag nito sa 'di kalayuan.
Is she Laura? Hindi niya alam kung bakit 'yon ang unang naisigaw ng kanyang isip nang makita ang mukha nito. Nakatabing sa mukha nito ang mahaba at kulot nitong buhok kaya hindi pa niya gaanong nakikita ang mukha ng babae.
"Miss? Miss, okay ka lang ba?" inalis niya ang nakatabing na buhok sa mukha nito at ganoon na lamang ang gulat niya nang bigla-biglang nagbalik lahat sa kanya ang alaalala nang gabing 'yon. Sobra siyang natigilan nang makompleto ang parte-parteng mukha nito sa kanyang isip. "Laura?" halos mawalan siya ng hininga nang banggitin niya ang pangalan nito.
"HOW IS SHE?" Seryoso ang mukha na naibaling niya ang tingin sa mahimbing na natutulog na babae. Nasa private room sila ng ospital na pinagdalhan niya rito. Hindi niya magawang tignan ang maputlang itsura nito. Malayong-malayo ang itsura nito noong una silang magkita. She looked awful.
May pasa ito sa gilid ng labi nito. Pati na rin sa noo, pisngi at sa ibang parte ng katawan nito. Mukhang nahubad ang suot nitong sapatos o tsinelas dahil mukhang may tinakasan ito at nasugutan habang tumatakbo.
"She seemed like she was beaten hard by someone. Ang dami niyang pasa sa katawan. She had severely strained her left foot so it may take a while for her to walk properly." Sagot ni Kevin, ang kaibigan niyang doctor. "She's fine now, kailangan lamang niya ng pahinga. And by the way Rave," ibinaba ni Kevin ang clipboard nito. "I added your last name to Laura's name." Kumunot ang noo nito. "Kanina sa emergency room may napansin akong ilang goons na lalaki na parang may hinahanap. Nang itanong ko sa nurse na in-charge sa emergency kung sino ang mga 'yon, may hinahanap na Laura. I just have a bad feeling about those two goons so just to make sure, I registered her in this hospital as Lara Sanjercas."
"That's fine with me."
"As your wife." Kevin gave him a sly smile. "Anyway, if you need something just give me a call. I'll check on Laura tomorrow."
"Wait," pigil niya rito. "Nabanggit mo sa akin na may kilala kang taga FBI."
"Pero 'di kami close."
"I need him, can you give me his name and number."
"Nabanggit ko ba talaga siya sa'yo?"
"Kevin," pinaningkitan niya ito ng mga mata.
"Fine," umasim ang mukha nito, "ibibigay ko sa'yo ang number ni Peter. Iti-text ko sa'yo mamaya. Nasa Cebu pa 'yon, kaya 'di ako sigurado kung matutulungan ka agad nun."
"Thanks,"
"Bakit ba 'di mo pinapansin ang mga sinasabi ko? Tsk. Papunta nga pala si Mykael dito. Isa pa 'yong concern na concern sa buhay mo. Matutulog muna ako. Bye."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro