Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3

PAGLINGON ni Rave sa likod ay talagang natigilan siya nang makita ang babae kanina. The woman in front of her is a lot different from the woman he met earlier. Alam niyang maganda ito kahit na wala itong make up. But he didn't expect that she possesses a beautiful innocent face. Tila isa itong anghel sa sobrang amo ng mukha nito.

Her big brown curls complimented her small and round face. Mapupula rin ang maliit at manipis na mga labi nito. Medyo chinita. Matataas ang pilik mata at tama lang ang tangos ng maliit nitong ilong. She was sexy and has all the perfect curves on the right places. She wore a simple dirty white blouse and black skinny jeans. She matched it with a white strapped sandals na may naka desinyo pang mga perlas.

Masasabi niyang maputi ito pero mukhang nababad sa araw kaya bahagya itong nangitim. But nonetheless, she was still fair. He won't admit it verbally, but he liked her pink puffy cheeks. He meant it as a compliment.

Tumikhim siya. "Let's go."

"Ahm, saan po tayo pupunta sir?" alangan na tanong nito.

Hinarap niya ang babae at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "I paid for you," diretsa niyang sagot. "I believe, I have all the rights to where I should take you."

Napayuko ito at nakagat ang ibabang labi. "Sorry po."

Tinalikuran niya na ito at hinarap ang sasakyan. Pinagbuksan niya ito ng pinto sa front seat. "Get in," utos niya rito. Sandali pa itong nag-isip bago kumilos at pumasok sa loob. Isinara niya ang pinto pagkatapos at umikot sa harap ng sasakyan papunta sa driver's seat.

Ikinabit niya ang seat belt at pinaandar ang makina ng sasakyan.

"Put your seat belt on," utos niya rito. Pagbaling niya sa babae ay nahihirapan pa itong ikabit ang seat belt sa katawan nito. Napakamot siya sa noo. Seriously? "Don't you know how to put that thing on?"

Napa-igtad ito. Napansin niya naman agad ang panginginig ng mga kamay nito. Marahas siyang napabuntonghininga. Damn it, Rave. Easy on her.

May magagawa pa ba siya?

"Let me do it." Dumukwang siya para tulungan itong ikabit ang seat belt.

Fine, just for tonight.



TUMIGIL yata ang pagtibok ng puso ni Laura nang dumukwang ito para tulungan siyang ikabit ang seat belt sa katawan niya. Hindi niya magawang huminga sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Sa ginawa nito ay mas lalo niyang nakita nang mas malapitan ang makinis at gwapo nitong mukha.

Gustong-gusto niya ang pabango nito. Ibang-iba ang bango nito sa karaniwang pabango na gamit ng mga lalaki sa bar. Hindi niya alam pero panatag ang puso niya rito. Gusto niyang kabahan pero tila sinusupil ng presensiya nito ang lahat ng mga negatibong emosyon sa puso niya. Kung tutuosin ay isa lamang itong estranghero sa kanya. Pero bakit ganito ang epekto ng lalaki sa kanya?

"Huwag mo ako masyado titigan." Napalunok siya sa sinabi ng lalaki. Humigpit ang paggagap niya sa kanyang mga kamay sa kandungan niya. Ibinaling nito ang mukha sa kanya. Sandaling naghinang ang kanilang mga mata. "I hate it when someone stare at me. It's kind a rude."

"S-Sorry po."

"Stop saying po."

"Sorry, sir."

"Don't call me sir."

Napasimangot sa isip si Laura. E ano ba dapat itatawag niya rito? Ang sungit naman kasi nito masyado. Lahat na lang ng mga sasabihin niya ay kinukontra nito. Nakakainis din kaya. Gwapo ka sana kaso ang sungit mo, ha? Bad trip na bad trip yata ang 'sang 'to sa malamya niyang halik kanina.

Tahimik lang siya sa buong b'yahe. Gusto niya sanang magtanong kung saan siya nito dadalhin pero nang itanong niya 'yon kanina ay na inis lang ito. Baka kapag itinanong niya na naman ay pababain na siya nito sa kotse.

Kahit ganoon ay nagpapasalamat pa rin siya at hindi siya nito iniwan. Alam niyang mali na magsaya siya dahil alam niya namang may kapalit ang malaking pera na inilabas nito. Pero aarte pa ba siya? Hindi na importante kung ano man ang mawawala sa kanya sa gabi na 'yon. Gagawin niya ito para sa kapatid. Para madugtungan ang buhay nito.

Umibis ang kotse nito sa harap ng isang marangyang hotel na sa tingin niya ay isa sa mga sikat at mamahaling hotel sa Maynila. Kulang na lang ay idikit niya ang mukha sa bintana ng sasakyan para silipin ang entrance ng hotel.

"Sanjercas Hotel," basa niya sa magandang signage.

Pamilyar sa kanya ang pangalan ng hotel. Nabasa niya na 'yon sa kung saan. Na feature na rin 'yon sa isang show sa TV.

Lumabas ng sasakyan ang lalaking kasama na hanggang ngayon ay hindi niya alam ang pangalan. Narinig niyang tinawag itong Rave ng kasama nito sa bar. Marahil Rave nga ang pangalan nito.

Inabot nito ang susi ng sasakyan sa isang unipormadong staff na lalaki na sumalubong rito. Kumunot ang noo niya nang hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Pagkatapos nitong kausapin ang staff ay bahagya lang nitong itinuro ang direksyon niya. Pagkatapos ay dumiretso na agad ito sa loob.

Wow! Iniwan ako. Sinubukan niyang buksan ang pinto ng sasakyan. Noong una ay nahirapan siya dahil mukhang naka lock 'yon. Hindi naman siya talagang clueless, no? Marunong din naman siyang sumakay ng taxi.

Marahas na nabuksan niya ang pinto ng sasakyan. Natutop niya ang bibig nang kamuntik na niyang tamaan ang lalaking staff. Nakagat niya ang ibabang labi at ilang beses na yumuko para humingi ng paumanhin.

"Sorry po!" Nag-peace sign siya sa lalaki bago madaling sumunod kay Rave sa lobby ng hotel.

Naman, akala ko ba sweet ang mga lalaki sa mga babaeng kinakama nila? Sa mga naririnig niya sa mga kasamahan ay kulang na lang ay pagawan ng mga lalaki sa bar ang mga ito ng palasyo. Tingin ng mga ito sa kanila ay reyna. Pero ang 'sang 'to? Kung umasta, akala mo walang kasama.

Mangha na nailibot niya ang buong paningin sa kabuoan ng lobby ng hotel. Tila nakapasok siya sa isang palasyo. Halos lahat ng nakikita niya ay kumikinang. Ito ang unang pagkakataon na nakapasok siya sa isang five star hotel. Laki siya sa probinsiya at tabing dagat. Wala ring hotel sa Tabuelan dahil malayo-layo na 'yon sa siyudad.

Hindi niya pa rin nalilibot ang buong Maynila. Takot siyang mawala at gumastos. Doble rin talaga ang presyo ng mga paninda sa Maynila kumpara roon sa Cebu. Sa tuwing walang pasok ay nasa bar lang siya.

"Ang ganda," halos bulong na lamang 'yon na lumabas sa kanyang bibig.

Kung sana ay may camera ang cell phone niya ay kanina pa niya kinunan ng mga larawan ang lugar. Tiyak siyang, maiinggit ang kapatid kapag nakita nito ang mga pictures. Pangarap nilang dalawa ang magbakasyon sa isang magandang hotel at buong araw na maglunoy sa swimming pool.

Balang araw, balang araw ay madadala niya rin ang kapatid sa lugar na iyon. Libre naman ang mangarap.

Sa tuwa niya ay palipat-lipat pa siya ng upo sa mga upuan na naka display doon. Dinama ng mga palad niya ang malambot at magandang tela na halatang malinis at madetalye ang pagkakagawa ng mga iyon.

Wala na rin naman gaanong tao sa lobby dahil pasado alas onse na rin ng gabi. Gusto niyang mahiga na lamang doon. Muntik pa nga kung hindi niya lang napigilan ang sarili. Tama na 'yan Laura. Mukha ka nang tanga. Pero hindi niya mapigilan ang tuwa sa puso niya.

Bigla ay may tumikhim sa harap niya.

Naingat niya ang mukha sa seryosong mukha ni Rave. Bigla ay hinawakan nito ang pupulsuhan niya at hinila siya patayo. Muntik pa siyang mabuwal rito. Akala niya ay maglalapat ang mga labi nila pero mabilis ito. Nagawa nitong pihitin siya patalikod rito. Ilang beses siyang napakurap-kurap.

"Let's go up," basag nito. Napasinghap siya nang bigla siya nitong hilahin sa direksyon ng elevator. "Doon ka na maglaro."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Naglalaro ba ako? Bumukas ang elevator at mabilis na pumasok sila roon.

Napalunok siya nang sumara ang pinto ng elevator. Sa totoo lang ay first time niya ang sumakay roon. At nang makita kung saang floor siya dadalhin ni Rave ay lalo siyang nanghina. Sa pinaka last floor ng hotel kasunod ng 24th floor na litrang P lamang ang nakalagay. May kung ano itong code na pinindot pagkatapos i-scan ang isang card na hawak. Umilaw ang P sign na kasama ng mga floor numbers na nandoon. Dios ko! Hindi naman siya masyadong engot para 'di malaman kung ano ang P na 'yon.

'Yon siguro ang penthouse ng hotel.

Gusto niyang dumikit sa metal na pader nang mga oras na 'yon pero hindi niya magawa dahil hawak-hawak nito ang isa niyang kamay. Nahihilo na siya. Humugot siya nang malalim na hininga at kinalma ang sarili at ipinikit na lamang ang mga mata. Ilang segundo pa ay tumunog na ang bell at naramdaman na niya ang pagbukas ng elevator.

Pagmulat niya ng mga mata ay ganoon na lamang ang pagkamangha niya. Tila ibang lugar na iyon. Binitiwan nito ang kamay niya at naunang lumabas ng elevator. Mabilis ang mga hakbang na sumunod siya.

Bumungad agad ang magandang sala sa kanila. Ang floor to ceiling glass wall. Mula sa salamin na ding-ding ay kitang-kita niya ang iba't ibang kulay ng mga gusali at establishmento na nakatayo sa buong Maynila. May pinto rin na magdadala sa kanila sa labas ng sala kung saan may patio at outdoor swimming pool.

Nalula siya sa ganda. Napako ang tingin niya sa likod ni Rave. Ang yaman siguro nito at sa ganoong karangyang lugar pa siya nito dinala. Maliit na bagay lamang siguro rito ang limang daang libo para ma ikama ang isang birhen na babae.

"Okay." Bigla ay hinarap siya nito. "You can do anything you want."

Humakbang siya palapit dito. "Ahm, maghuhubad na ba ako?"

Kumunot lang ang noo nito. "Kung gusto mong maligo, maghubad ka. Pero huwag sa harap ko." Ano raw? "May banyo sa itaas, you can take a shower there. If you want, you can also take a dip in the pool 'yon ay kung 'di ka naman ginawin. Feel at home." 'Yon lang at tinalikuran na siya nito.

Napakamot tuloy si Laura sa noo.

E ano pala ang gagawin namin dito?


SA HULI ay inabala na lamang niya ang sarili sa pagtingin sa mga nakahandang pagkain sa mesa sa dining room na inihatid kanina. Hindi basta-basta pagkain lang dahil animo'y inilabas 'yon sa mga food menu ng isang restaurant. Natakam siya nang makita ang mga pagkain. Hindi siya gaanong nakakain kanina dahil sa kaba. Hindi rin naman masarap ang pagkain sa bar.

Naglalaway na siyang tikman ang mga 'yon. Natatakot lang siyang kumain at baka isipin pa nito na patay gutom siya. Sirang-sira na nga ang imahe niya. Mamaya niyan, tawagin na siya nito na babaeng hamog. Dinala niya ang isang daliri sa bibig. Pwede kayang tumikim?

Naigala niya ang tingin sa buong dining area. Kanina pa wala si Rave. Ewan kung na saan. Baka pwedeng tumikim lang naman siya nang kaunti, 'di ba? Lumunok muna siya.

"Gutom na talaga ako." Pikit mata at mabilis ang mga kilos na kinuha niya ang leg part ng lechon manok. Napangiti siya nang malasahan ang sarap ng pagkain. "Woah, ang sarap." Kumuha pa siya ng ibang putahe ng pagkain. Kinamay lang niya lahat nang 'yon.

"Ahem!" Mayamaya ay narinig niyang may tumikhim sa likod.

Kagat-kagat pa niya ang hita ng manok nang ibaling niya ang tingin dito. Patay! Mabilis na ibinaba niya ang kinakain at itinago 'yon sa likod. Lihim siyang napangiwi. Nakakahiya! Lamunin na sana siya ng lupa.

Hindi niya alam kung ngiti nga ba ang nakikita niyang naglalaro sa gwapo nitong mukha. Ang seryoso kasi nito. Hindi niya matukoy kung ngiti ba 'yon o pang-aasar. Imposible naman kasing maaliw ito sa kanya, e kulang na lang, isumpa siya nito sa krus.

"S-Sorry," basag niya. "Nauna na akong kumain."

"It's okay, I'm full anyway." Humila ito ng silya at naupo. Teka lang, may balak ba itong panoorin siyang kumain? Hindi ba nakakaasiwa 'yon? Anong trip ng 'sang 'to? "Kumain ka lang."

"Titignan mo lang ba akong kumain?"

"I guess?"

"Pagkatapos?"

"What do you want to do next?"

"Ikaw, anong gagawin natin?"

"Gusto mo bang mag sex tayo?"

Natigilan siya sa sinabi nito. "A-Ano... k-kung 'yan ang gust –"

"I have no plans for that tonight." Napatitig siya rito. "How old are you?" pag-iiba nito.

"Twenty-one."

"Good thing, you're no longer a minor. Taga saan ka?"

"Taga Cebu."

"Pangalan?"

"Laura."

"It's not nice to meet you in this kind of set up Laura, but allow me to still introduce myself to you. I'm Rave Sanjercas."


HINDI alam ni Laura kung ilang oras na silang nag-uusap ni Rave. Nasa labas sila, sa pool area ng penthouse. Parehong nakalublob ang mga paa nila sa tubig. Pumagitna sa kanila ang isang bote ng alak na halos si Rave lang din naman ang umiinom.

Marami na siyang nalaman tungkol dito.

Tulad ng, may anak na pala ito. Si Ross, limang taon na. Madami itong na i-kwento tungkol sa anak nito. Pati na rin ang tungkol sa trabaho nito. Nalaman niyang comic artist at suspense-mystery writer pala ito. Bukod sa ito ang may-ari ng hotel kung na saan sila ay dati rin pala itong may-ari ng Mind Creatives. Ang utak ng mga sikat na commercials at promotional videos sa TV.

Hindi niya alam kung bakit sinabi nito ang mga pribadong impormasyon na 'yon sa kanya gayong isa lamang siyang estranghera sa buhay nito. Napansin niya rin ang sing-sing sa palasing-singan nito. Ibig sabihin nun ay may asawa na ito.

"It's your turn," baling nito sa kanya. Halatang lasing na rin ito. Namumungay na ang mga mata nito at pulang-pula na rin ang mukha nito. "I've already shared a big chunk of my life."

"Pwede bang magtanong?"

"Okay, but after that question, ikaw naman."

Tumango siya.

"Bakit n'yo ba sinasabi sa akin ang mga bagay na ito? Paano kung ipagkalat ko ang mga impormasyon na ibinigay n'yo sa akin? Sa tingin ko ay hindi kayo ang klase ng tao na nagtitiwala agad."

"I don't know." Nagkibitbalikat ito. "Maybe because you're the only person here? Maybe because tomorrow morning you'll be out of my life? And all of these things I've told you will no longer matter to you in the next few days. You're a stranger Laura. Alam ko na makakalimutan mo lang ang lahat ng mga sinabi ko sa'yo. After tonight, babalik ulit tayo sa buhay kung anong meron tayo." Sinaid nito ang laman ng baso nito.

"Nakakalungkot." Tinitigan niya ang laman ng baso na hawak. "Kung sana may choice ako na hindi balikan ang buhay na meron ako," malungkot na sabi niya. "Nakakapagod na."

"You have a choice, Laura."

"Meron nga, pero hindi naman ako pwedeng pumili."

"You're wrong, you already chose this life Laura."

Mapait na ngumiti siya. "Siguro nga, tama ka. Iniisip ko lang na wala akong kakayahan na pumili para pagaanin ang sarili kong konsensiya."

"Why are you doing these things Laura?"

"Dahil kailangan."

"And?"

"Dahil ito lang ang paraan." Ngumiti siya rito. Wala siyang balak na sabihin kay Rave ang totoo. Ayaw niyang kaawaan siya nito. Alam niya na miserable ang buhay niya. Hindi na niya 'yon kailangang i-kwento pa sa ibang tao. "Huwag na nating pag-usapan ang tungkol sa akin. Wala namang interesting sa buhay ko."

"Can I tell you a secret Laura?"

"Ano 'yon?"

"When I woke up. I won't remember you."

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman?"

"I always forget things when I'm drunk. I don't know, why? It's kind of weird, right? Kaya malakas ang loob ko na sabihin sa'yo ang mga bagay na ito dahil bukas makakalimutan ko rin lahat ng mga ito."

"Buti ka pa," mahinang sagot niya. Medyo naiinggit siya. Sana ganyan din siya. At least, kahit papaano, pwede niyang kalimutan ang mga bagay na hindi niya gustong maalala pa.

"What are your dreams in life Laura?" pag-iiba na naman nito.

"Madami. Sa sobrang dami ng mga pangarap ko. Mahirap na silang abutin. Gustohin ko man, alam ko na hindi pa pwede sa ngayon. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Hindi pa nga lang sa ngayon." At baka hindi sa buhay na ito.

"You're too cautious with your answers. You really don't want me to get inside your brain, ha? I want to know you Laura. I tend to judge things based on first impressions and second by experiences."

"Mas mabuti na rin 'yon. Makakalimutan mo rin naman ako."

"But you will never forget things about me."

"Ikaw na nga ang nagsabi na makakalimutan ko rin ang tungkol sa'yo."

"'Yon ay kung kakalimutan mo nga ako."

Napatitig siya sa mukha nito. Sa paraan pa lang ng pakikipag-usap nito. Alam niyang matalino ito. Hindi basta-basta at mahirap na lokohin. Tama ito, maaring piliin niyang huwag itong kalimutan pero hindi naman siya aasa nang higit pa sa gabing ito.

Habang tumatagal, mas nakikita niya ang malungkot na si Rave. Kahit hindi nito sabihin nang direkta ay alam niyang may pinagdadaanan ito. Kitang-kita sa mga mata nito ang lungkot at pangungulila na hindi niya mabigyang pangalan.

"Hindi naman na importante 'yon. Ngayong gabi lang naman. Bukas, makakalimutan mo rin ako. Lahat ng tungkol sa akin."

"Ayaw mo talagang sabihin sa akin?"

Umiling siya. "Hindi mo na kailangan na makilala ako. Tatanggapin ko ang lahat ng mga iniisip mo tungkol sa akin dahil sa tingin ko pa rin ay tama ka rin naman."

"Oh well." Bumuntonghininga ito at ibinaling ang tingin sa harap. "I guess, tonight will be all about me."

"Napansin ko lang." Ibinaling nito ang mukha sa kanya. "Hindi mo pa nababanggit ang asawa mo."

Ilang segundo itong natahimik at tila nahulog sa malalim na pag-iisip. Sinaid muna nito ang iniinom bago siya sinagot.

"She died five years ago."

Natigilan siya. Hindi niya inasahan ang naging sagot nito. Mali ang pagkakakilala niya sa lalaki. Siguro nga ay hindi lahat ay kagaya ng mga lalaki sa bar. Siguro, iba nga talaga si Rave. Ngayon niya lang din naalala na ang kaibigan nito ang nagdala rito sa bar. Baka, hindi naman talaga ito ang klase ng lalaki na inaakala niya.

"I'm sorry," hinging paumanhin niya.

"It's okay. It's all in the past now."

"Ang hirap siguro nun para sa'yo?"

"Everyone has their own struggles. I bet, your life has been tough as well."

"Siguro –" Natigilan siya nang maramdaman ang ulo nito sa balikat niya. Hindi niya alam kung bakit tila tumigil bigla ang puso niya ng ilang segundo.

Napalunok siya.

"I'm tired Laura," mahinang amin nito. Tumagos sa puso niya ang lungkot sa boses nito. "If not for my son. I've already given up a long time ago."

"Huwag mong sabihin 'yan. Ako nga, hindi pa sumusuko kahit na sobrang pagod na ako sa buhay ko. Ma swerte ka pa rin. May anak ka na laging naghihintay sa'yo. May magandang buhay at trabaho. Kailangan mo lang baguhin ang pananaw mo sa buhay Sir Rave."

"You think –" Inangat nito muli ang mukha nito. Naibaling niya ang tingin dito. "I can do it Laura?"

May ngiting tumango siya. "Oo naman."

At sa kauna-unahang pagkakataon nakita niyang ngumiti ito. Napatitig sila sa isa't isa. Mayamaya pa ay bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. Kumabog nang malakas ang tibok ng puso niya nang unti-unti nitong ilapit ang mukha nito sa mukha niya.

Kusa niyang naipikit ang mga mata nang tawarin nito ang pagitan ng mga labi nila. Hindi katulad kanina ay nagawa niyang halikan ito pabalik ng walang kahirap-hirap. Tila ba, bawat hagod ng malambot na labi nito ay iginigiya siya sa isang mundong tanging silang dalawa lamang ang nakakaalam.

Umangat ang isang kamay nito sa kanyang panga at bahagyang ikiniling ang mukha niya para lalong mapailaliman ang halik. Napaungol siya nang kagatin nito ang ibabang labi niya dahilan para maibuka pa niya ang bibig para malaya nitong galugarin. Tila kakapusin yata siya ng hininga sa maalab na paraan ng paghalik nito sa kanya.

Hindi niya inasahan na ganoon pala kasarap ang isang halik. Tila hinihigop nun ang lahat ng lakas niya pero hindi niya pa rin magawang tumigil.

"Damn," anas na mura nito sa pagitan ng kanilang paghahalikan. "Laura, what are you doing to me?" tila nahihirapang tanong nito sa kanya. Parehong habol ang hininga na kumalas sila sa isa't isa.

Bago paman siya makasagot ay tumayo ito sa harap niya. Napasinghap siya nang walang kahirap-hirap na binuhat siya nito. Napakapit siya sa leeg nito sa takot na mahulog pero hindi pa man siya nakakabawi ay muli na naman siya nitong siniil ng halik sa mga labi.

Hindi niya alam kung paano nito nagawang dalhin siya sa itaas ng kwarto pero tila isa na lamang 'yon sa mga tanong na hindi na kailangang sagutin pa nang mga oras na 'yon. Naliliyo siya sa init ng sensasyon ibinigay sa kanya ni Rave.

Naramdaman niya ang pagbaon ng katawan niya sa malambot na kama. Patuloy pa rin ito sa paghalik sa kanya. Nayakap niya ang mga braso rito habang nakikipagpalitan ng halik. Bumaba ang halik nito sa panga niya pababa sa leeg niya. Ginawaran nito ng mga mumunting halik ang nakalantad niyang balat sa bahaging 'yon.

Hindi rin nakatiis at hinubad na nito ang suot niyang blouse at jeans. Tinulungan niyang mahubad nito ang suot na damit hanggang sa pareho na silang walang saplot sa katawan. Mas naramdaman niya ang init ng katawan nito sa itaas niya. Tila apoy ang bawat haplos nito sa katawan niya na sobrang nagpapa-init sa kanya.

Dinama niya ang matigas na dibdib nito hanggang sa malapad na likod nito. Malaya namang naglikot ang mga kamay nito sa kanyang katawan.

Hindi siya pamilyar sa sensasyong pinaparamdan nito sa kanya. Alam niyang mali 'yon pero tila ba hindi 'yon gaanong binibigyang pansin ng katawan niya. Tila laruan siya na sunod nang sunod sa mga ginagawa nito sa kanya. O baka epekto lang din ito ng alak na ininum niya kanina.

Pero bakit ganito? Bakit masarap sa pakiramdam na makulong sa mga bisig nito?

Pinuno nito ng halik at masuyong haplos ang buong katawan niya. Bumalik ang mga labi nito sa mga labi niya at mapusok na hinalikan siya. Paulit-ulit na pinaparamdam sa kanya ni Rave ang kakaibang init at sarap na ngayon niya lang natikman at naramdaman.

"You're beautiful," anas nito sa tenga niya.

"R-Rave," bulong niya rito.

Hinaplos nito ang mukha niya at muli siyang hinalikan sa mga labi. Napasinghap siya nang maramdaman ang tigas at laki nito sa kanyang pagkababae. Nakagat niya ang ibabang labi hanggang sa malasahan niya ang dugo sa bibig. Humigpit ang yakap niya rito nang lalo nitong idiin ang sarili sa kanya.

Bumaon ang mga kuko niya sa likod nito.

Tila ba may kung anong napunit sa loob niya. Namasa ang sulok ng mga mata niya sa hapdi ng pagpasok nito sa kanya. Hindi niya naiwasan ang mahinang paghikbi.

"Laura?" Natatarantang hinawakan nito ang mukha niya. "Are you okay, baby?"

Tumango lamang siya. "S-Sige na," nahihirapang sabi niya. "Ituloy mo na." Mukhang nag-alangan ito sa nakita nitong paghihirap sa mukha niya. Kaya bago paman ito lumayo ay tinawid niya ang distansiya ng mga labi nila at hinalikan ito sa mga labi.

Gumanti ito ng halik hanggang sa maramdaman niya ang paggalaw nito sa itaas niya. Ang kaninang sakit ay napalitan ng kakaibang sarap na hindi niya mabigyang pangalan. Sa mga oras na 'yon, hindi niya naramdaman mula rito na isa siyang bayaran na babae. Buong ingat na pinadama nito sa kanya ang isang sensayong tanging sila lamang dalawa ang makakagawa.

Hindi man naging maganda ang unang pagkikita nila. Kailanman ay hindi niya ito makakalimutan. Kahit na bukas ay maari nitong makalimutan ang lahat.

Hindi ko na papangarapin ang isang katulad mo Rave. Sana ay dumating ang tamang babae na magbabalik ulit ng kislap ng 'yong mga mata. At sana, ibigay agad sa'yo ng Dios ang babaeng 'yon.

Naniniwala siyang mabuting lalaki ito. Naniniwala siyang may dahilan din kung bakit ito ang unang lalaki na dumaan sa buhay niya. Saka na niya 'yon iisipin. Bukas? Sa mga susunod na araw? Siguro.

Ang importante, ay ang gabing 'yon.

Ang gabi kung saanbuong puso kong ibinigay ang sarili sa isang estranghero.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro