Kabanata 20
"I KNOW your mother very much, Laura."
Matamang nakatitig lamang si Laura kay Mr. Anthony Go. Hinayaan niyang ikuwento nito ang lahat. Nagulat siya nang makita ito. Sinabi sa kanya ni Rave na may gusto raw kumausap sa kanya tungkol sa totoo niyang ama. Hindi niya inasahan na si Mr. Go pala ang taong gusto siyang kausapin.
"Ang m-mama ko po? Paano po?"
"Laura, hija. Patawarin mo sana ako kung hindi ko nagawang mahalin pabalik ang 'yong ina." Kumunot ang noo niya. Mahalin? Bakit? "Inaamin kong malaki ang naging kasalanan ko sa aking namayapang asawa. At lubos ko 'yong pinagsisihan. Kung alam ko lamang na nagbunga ang gabing 'yon ay sana nagawa kong tulungan si Laurine."
"H-Hindi ko po kayo maiintindihan..."
"Nakilala ko ang 'yong ina sa isang bar. Kamukhang-kamukha mo si Laurine, Laura. Your mother was the most beautiful girl in that bar that night. She caught my attention immediately. May ngiting lumapit siya sa akin at kinausap ako. Her dress is the same as other women in that bar. But still, there was something different about her that made me calm inside."
"My mind has been preoccupied for the past few weeks that day. I was married – arranged marriage. We had one son, Liam. I tried to make our marriage work kahit na madalas kaming hindi magkaintindihan at nag-aaway. Nang makilala ko ang ina mo, may matindi kaming away noon ng asawa ko. She was the only person who sat beside me and asked me, kung bakit malungkot ako. I knew instantly that she was not flirting with me, rather, her question felt like, she was there for me as a friend, instead of warming my bed that night."
Alam niyang minsang nagta-trabaho ang nanay niya sa isang bar noon sa Maynila. Doon din nakilala ng mama niya ang kinalala niyang ama. Pero kailanman ay hindi nabanggit ng ina niya ang tungkol sa totoong pagkatao niya. Sa tuwing sinasaktan siya ng kanyang ama ay inihaharang nito ang sarili para sa kanya. Malinaw pa sa mga alaala niya ang nakangiting mukha ng ina kahit sinasaktan ito ng tatay niya. Ang mga luhang nauubos nito sa gabi noong inaakala nitong tulog na siya.
Ang mama niya na ang pinakapositibo at pinakamalakas na babaeng nakilala niya. Ni minsan, hindi niya ito nakitaan ng kahinaan sa harap niya. Lagi itong nakangiti habang inaalagaan siya. Pinupunan nito ng pagmamahal at matamis na yakap ang mga bagay na 'di nito maibigay sa kanya.
Sa likod ng matamis nitong ngiti, nakatago ang sakit at pagod sa puso nito. Kaya sa tuwing naalala niya ang namayapang ina ay hindi niya mapigilan ang mga luhang gustong kumawala mula sa kanyang mga mata. Tila punyal sa puso niya ang alaala ng kanyang ina. Hindi niya matanggap na ganoon kalupit ang tadhana rito sa kabila ng kabutihan nitong ipinakita sa mundo.
"Nakinig siya sa akin na tila ba isang kaibigan. Ramdam na ramdam ko ang senseridad ng mga kilos at mga sinasabi niya sa akin. She was my angel that night." Hindi niya mapigilan ang mga luha. Kitang-kita niya sa mukha at mga mata ni Mr. Go ang saya habang ikinukwento ang tungkol sa mama niya. Sumilay ang isang masuyong ngiti sa mukha nito. "Laurine took the pain away in my chest. She was able to make me feel better. And after hearing her story, mas lalo akong humanga sa kanya. Your mother was a fighter, Laura. Her positivity in life made me realize a lot of things... and how blessed I was. She had nothing, but still, she faces life as if she owns the world and she has all the power in the palm of her hands."
"Laura." Inabot nito ang kanyang isang kamay. "I'm sorry. Patawarin mo sana kung hindi ko agad nalaman ang tungkol sa'yo. Patawarin mo sana ako dahil kinalimutan ko ang 'yong ina. Patawarin mo ako kung hindi ko naibalik sa kanya ang tulong na naibigay niya sa buhay ko." Nangilid ang luha sa mukha nito. "Anak, patawad."
Ramdam na niya ang paninikip ng dibdib kanina pero nang marinig niyang tawagin siya nito ng anak. Mas lalo yatang sumikip ang dibdib niya sa pagpipigil na maiyak. Hindi niya maintindihan ang sarili. Saya. Takot. Pagkalito. Lahat ng 'yon ay sabay-sabay na yumakap sa buong puso niya.
"Anak –"
Hindi niya napigilan ang sarili at yumakap rito. Kasabay nun ang malakas na hikbi niya sa dibdib nito. Nawala lahat ng agam-agam niya tungkol sa ama. Unang-unang dahilan kaya nagdalawang isip siyang hanapin ito dahil sa takot. Paano kung madismaya lang siya? Paano kung 'di siya nito tanggapin at ikaila lamang siya? Paano kung kagaya ng kinalala niyang ama ay saktan lang din siya nito?
Pero pagkatapos ng mga narinig niya mula rito, tila inalon ng mga salita nito ang lahat ng takot na inukit niya sa puso. Nagawa nitong pakalmahin ang alon na unti-unting lumulunod sa pag-asa niyang makilala at makita ang totoong ama.
"Your mother will always hold a special space in my heart."
"P-Papa," hikbi niya.
"Anak." Humigpit ang yakap nito sa kanya. "Hindi ko na maibabalik ang nakaraan. Pero nagpapasalamat ako kay Laurine dahil pinalaki ka niyang matapang katulad niya. Hayaan mong bumawi ako sa ilang taong nawala sa atin, anak. Hayaan mong bumawi sa'yo ang 'yong Papa."
Umiiyak na tumango lamang siya.
Sapat na sa kanya ang mainit na yakap ng kanyang ama para paniwalaan ang sarili na totoo ang lahat ng ito. Na hindi ito isang panaginip. Na totoong mahal siya ng kanyang totoong ama. Masaya na siya sa mga nalaman niya tungkol dito.
At ngayon, alam na niya kung bakit sa tuwing may dumadaan na eroplano ay tumitingala ang ina sa langit at napapangiti. Naalala niya ang sagot nito noong sampung taong gulang pa lamang siya.
"Mama, bakit po lagi kayong ngumingiti kapag nakakakita ng eroplano?" kunot-noong tanong niya sa ina nang bigla silang mapahinto sa gitna ng daan habang naglalako sila ng mga gulay.
"Wala lang, natutuwa lang ako, anak." may ngiting sagot na baling ng ina sa kanya. "May crush kasi akong piloto dati. Baka ko, napadaan siya."
"E, paano po si tatay?"
Natawa lang ito sa kanya. Masuyong ginulo nito ang bangs niya. "Secret lang natin 'yon. Huwag mong sasabihin kung kanino, ha?" Inilapat nito ang isang daliri sa labi nito.
Lumaki ang ngiti niya. "Gwapo po ba ang mga piloto, Mama? Mababait po ba sila? Pwede rin po ba akong magka-crush sa mga piloto, Mama?" sunod-sunod na tanong niya. Lalo lang natawa ang mama niya sa kanya.
"Oo naman!" Inilahad nito ang isang kamay sa kanya. Malaki pa rin ang ngiti na hinawakan niya ang kamay ng ina at nagpatuloy na sila sa paglalakad. "Basta ba, mag-aaral ka nang mabuti at magtatapos ka. Saka ka na maghanap ng pilotong boypren kapag may trabaho ka na."
"Opo!"
"Ay ang kulit mo talagang bata. Halika na, para maubos na natin ang mga 'to. Kapag may sobra, bibilhan kita ng ice pop. Gusto mo ba 'yon?"
"Gustong-gusto po!"
Kahit hindi sabihin ni mama, alam niyang, espeyal din sa puso nito ang kanyang totoong ama. Kung ano man ang naging dahilan nito. Hindi na niya 'yon masyadong iisipan pa. Sapat na para sa kanya na malaman na naging kasiyahan ng mga magulang niya ang isa't isa kahit na ipinagkait ng tadhana ang pagkakataon na muli silang magkita.
SA WAKAS ay nakalabas na rin ng ospital si Lawrence. Sa ngayon ay nasa poder na ito ng totoo niyang ama. Inaayos na ng attorney ng papa niya ang adoption papers ni Lawrence para maging legal na anak ito ng papa niya. Alam na alam ng ama niya ang tungkol sa kanya at sa kapatid niyang si Lawrence dahil nagpaimbestiga ito sa kanya simula nang makita siya nito doon sa resort nila Rave. Malaki ang hawig niya sa nanay niya at sa yumaong anak nito na babae kaya kinutuban na ito.
Ibinalita na rin sa kanila ni Peter ang nakakalungkot na sinapit ng kanyang kinilalang ama. Natagpuan ang bangkay nito na palutang-lutang sa dagat sa Cebu. Ayon kay Peter, sinadyang patayin ang ama base na rin sa ilang balang bumaon sa katawan nito.
Kahit na hindi naging maganda ang trato ng kinilala niyang ama ay nalungkot pa rin siya at naiyak sa kamatayan nito. Lalo na para kay Lawrence na siyang totoo nitong anak. Pinagdasal na lamang niya ang kaluluwa ng kanyang yumaong ama at tiyahin. Nawa'y matagpuan ng mga ito ang kapayapaan kung na saan man ang mga ito ngayon.
Malaki pa rin naman ang pasasalamat niya sa mga ito. Lalong lalo na ni Tiya Esme niya. Kung hindi dahil dito, baka isa na rin siyang malamig na bangkay. At araw-araw pinagdadasal niya ang kanyang ina, ama, at ang Tiya Esme.
"Ate salamat." Bigla ay niyakap siya ni Lawrence. "Salamat dahil kahit wala na sila Mama at Tatay. Binigyan mo naman ako ng bagong pamilya."
"'Di ba sabi ni Mama. May kapalit na reward ang lahat ng mga paghihirap ng tao. Kaya dapat maging malakas tayo at dapat hindi tayo sumusuko sa bawat hamon ng buhay. Ito na 'yon, Rence. Ito na 'yong reward ng Dios sa atin."
"Sana nakasama ko rin si Mama," malungkot na wika nito.
"Okay lang 'yan." Ginulo niya ang buhok nito. "Lagi naman tayong binabantayan ni Mama. Kaya huwag ka nang mag-drama riyan."
"Mga anak!" Lumapit sa kanila ang ama. Nakasunod rito si Kuya Liam na may malaking ngiti katulad ng ama nila. "Gusto n'yo bang mamasyal muna?"
"Saan naman po?" tanong agad ni Rence.
Itinuro ng ama ang kalangitan. "Wanna have a trip to the city? I'll fly you up there."
Parehong napatingin sila sa isa't isa ni Lawrence sa excitement. "Ililipad n'yo po kami?!"
"Oo naman!"
"Our dad will be our pilot for today," dagdag naman ni Kuya Liam.
"And your Kuya Liam will be my assistant co-pilot."
"Wow!"
"We'll use our chopper." Nakipag-fist bump si Kuya Liam kay Lawrence. "Kiddo, wanna be a pilot like us?"
Nanlaki ang mga mata ni Lawrence sa pagkamangha. "Pwede po?"
"Well, only if you want to. I can teach you how."
"Sige po! Sige po!"
Tinignan niya ang masayang mukha ng kapatid. Ang malakas at buong pusong tawa ng ama. Ang makulit at mapagbirong mukha ni Kuya Liam habang kausap si Lawrence. Isang buo at masayang pamilya ang ibinigay ng Dios sa kanila ni Lawrence.
Sumilay ang isang ngiti sa kanyang mukha. At lubos siyang nagpapasalamat sa Dios sa biyayang ibinigay nito sa kanilang magkapatid.
"I PROMISED, I'll bring her here kapag nagkalakas loob na akong sabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman para sa kanya." Napapatitig siya kay Rave na bahagyang nakaluhod sa harap ng puntod ni Hannah. Inayos nito ang mga pulang rosas na dala nito para kay Hannah. "Sorry kung late na. Sana ay hindi ka nainip sa paghihintay."
"Rave?"
Tumayo ito at ibinaling ang mukha sa kanya.
"To be honest, Hannah have heard so much about you. Nang mga panahon na wala akong mapagsabihan ng totoo kong nararamdaman, sa kanya ko ikunukwento ang lahat tungkol sa'yo, Laura. Kilala ko sila Kevin at Mykael. Sa nakalipas na limang taon, ang dalawang 'yon ang walang humpay sa pagpilit sa akin para lumabas sa lungga ko at magmahal ulit. At dahil 'di ko pa kayang aminin sa sarili ko noon na nahuhulog na ako sa'yo. Nagkasya na lamang ako sa pagku-kwento sa kanya kung paano mo nagagawang tibagin ang pader na ginawa ko sa mundo at sa ibang tao. At kung paano mo nagawang makapasok sa puso at buhay ko."
"I have closed my door from the world a long time ago when suddenly a woman named Laura knock a thousand times in my life. This girl taught me to live again – to live happily from now on. She taught me to smile again without any hesitation. She taught me to wake up every morning with excitement and gratitude. She reached for my hand and held it tightly. A lot of times that we stumbled together when the road gets rocky, but instead of letting go, she would hold my hand tighter, shrug her shoulders next, followed by a loud laugh, and start over again with me."
Nakangiting inipit ni Rave ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga niya.
"She's stubborn but a warrior. She's the bravest woman I've known. She's funny and sweet. Madalas brutal at nanakit... medyo tanga rin minsan." Napamaang siya. Natawa lang ito sa reaksyon niya. "But I still love her though."
"Sige bawiin mo talaga 'yang sinabi mo kanina."
Sinapo ni Rave ang likod ng ulo niya para gawaran siya ng halik sa noo. Napangiti naman siya. Inangat niya ang mukha rito.
"Rave, pwede mo ba kaming iwan muna."
"Bakit?"
"Girl talk. Sige na." Pinihit niya ito patalikod sa kanya at itinulak na ito palayo. "Sa kotse mo na ako hintayin."
"Okay."
Nang makaalis si Rave ay patingkayad na naupo siya sa harap ng puntod ni Hannah. Ngumiti siya na para bang na sa harap niya lang ito.
"Alam mo Hannah, blessing in disguise sa akin sila Rave at Ross. Simula nang makilala ko sila ang daming magagandang bagay na nangyari sa akin. Nadagdagan ang mga kaibigan ko. Nakilala ko ang totoong ama ko. Nadugtungan ang buhay ng kapatid ko. At naging sobrang masaya ako. Kaya asahan mong aalagaan at mamahalin ko sila nang sobra-sobra. Ako ang bahala sa kanila. Hinding-hindi ko sila pababayaan. Hanggang sa nabubuhay ako, ipagtatanggol ko ang mag-ama mo. Promise ko 'yan sa'yo."
Hinaplos niya ang tomb stone nito.
"Kaya salamat."
"'YONG sinulat mo sa mga paper planes," basag ni Laura sa kalagitnaan ng first dance nila bilang mag-asawa. Pero sa pagkakataon na 'yon. Totoo na talaga. Totoong kasal at sa totoong pari. "Akala ko talaga nakalimutan mo na 'yon."
"How can I forget that when you're in my mind every day?"
Natawa siya. "Ay talaga?"
"I had a hard time looking for the perfect song that will tell Rave's love for Laura. Don't ask how I did that because it was a disaster. Thank God, I survived that stage of my life."
"Bakit feeling ko hiningan mo rin ng advice sila Mykael, Kevin at Peter?"
"Na sana 'di ko na lang ginawa."
Lalo siyang natawa. "Sinabi ko na e."
"Paano ba ako nagkaroon ng mga ganoong kaibigan?" Napailing-iling na lang si Rave.
"Kasi nga kailangan mo sila sa buhay mo."
"Kailangan mo talaga kami!" Nagulat siya nang biglang nasa likod na ni Rave sila Mykael, Kevin at Peter.
"Laura." Lumipat si Kevin sa tabi niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Maupo ka muna at panoorin mo ang handog na pagmamahal sa'yo ng aming gwapong best friend." May nakahanda na pa lang upuan sa kanya sa may harapan. Pinaupo siya roon ni Kevin.
"Anong gagawin n'yo?"
"You'll see." Kinindatan lang siya nito. Sakto namang namatay ang lahat ng ilaw at nawala sa paningin niya si Kevin. Umugong ang pagtataka sa buong paligid.
Ano bang gagawin ng apat na 'yon?
Mayamaya pa ay biglang pumailanlang ang isang pamilyar na kanta sa paligid.
"Just a smile and the rain is gone." Bumukas ang spotlight at natuon 'yon kay Mykael. Napatanga siya sa sobrang gulat. Ay seryoso ba 'to? Ang bilis nilang nakapagbihis. "Can hardly believe it. Yeah." Bakit ang ganda ng boses ni Mykael? "There's an angel standing next to me... reaching for my heart."
"Just a smile and there's no way back." Natutop niya ang bibig sa pagpipigil ng tili nang bumukas ang isa pang spotlight at natuon 'yon kay Kevin. "Can hardly believe it... yeah." Sabay nagsayaw sila Kevin at Mykael. Grabe. Wait lang. 'Di siya na inform dito. "But there's an angel calling me. Reaching for my heart."
"I know that I'll be okay now." Napasinghap siya nang lumabas si Peter. Bakit ang galing nila? Hindi niya in-expect 'yon kay Peter. Pamatay 'yong mga jacket nila. Westlife kung Westlife. "This time it's real."
"I lay my love on you." Mula sa gitna ay biglang lumabas si Rave. "It's all I wanna do." Muli niyang natutop ang bibig nang makita niya itong sumayaw at kumanta. Kasabay nun ang tilian ng mga tao sa loob. Kasama na siya. Dios ko! First time 'to. Rave bakit? Paanong? Wait, teka, ang puso ko. "Every time I breathe I feel brand new. You open up my heart." At talagang sabay na sabay pa ang apat sa mga dance steps ng mga ito. "Show me all your love, and walk right through. As I lay my love on you."
Lumapit si Rave sa kanya. "I was lost in a lonely place." Mula sa likod ng pants nito ay inilabas nito ang isang puting rosas at inabot sa kanya. "Could hardly believe it." 'Yong tatlo ang nag – YEAH. Natawa siya. Iba rin e. "Holding on to yesterdays, far, far too long."
Nagulat siya nang mabilis na halikan siya nito sa mga labi.
"Like once in a life time," sabay ng apat.
"You change my world!" solo naman ni Rave sabay turo sa kanya na lalong nagpasigaw sa mga bisita. Kaloka ka Rave. Hindi ko inasahan 'yan sa'yo, ha?
"I lay my love on you," sabay ulit ng mga ito. "You make me feel brand new. Show me your love, and walk right through. As I lay my love on you." Sabay pang nag-pose ang apat.
Napatayo siya at napapalakpak nang sobra.
"Woah!" sigaw niya. "Asawa ko 'yan!"
Mabilis na tumakbo pabalik sa kanya si Rave at hinapit siya sa baywang. Agad na siniil siya nito ng halik sa mga labi na buong puso niyang tinugon. At gaya ng palaging ginagawa nito kapag hinahalikan siya nito. Naramdaman niya ang pagngiti ng labi nito habang hinahalikan siya.
Humiwalay ang labi nito sa kanya nang hindi kumakalas ng yakap sa kanya. "Finally, you're now Mrs. Laura Sanjercas for real."
Ikinulong niya sa mga palad niya ang mukha ni Rave. "Syempre naman. Nagmaganda lang ako nang konti pero advance akong mag-isip. Alam ko namang 'di mo rin ako matitiis at papakasalan mo rin ako. Ang ganda ko kaya."
Bahagya itong natawa pagkatapos ay hinalikan siya sa ilong. "I love you Laura."
"Mahal din kita Rave. Sobra. Sobra."
"You're my beautiful –"
"Wife?"
"Start."
Napangiti siya. Sinagip niya siguro ang buong Pilipinas noong nakaraang buhay para bigyan siya ng Dios ng ganito kagandang pamilya, makulit na mga kaibigan, cute na instant anak, at gwapong asawa. Wala na siyang mahihiling pa sa ngayon. In the future meron, pero sa ngayon, kakalma muna siya.
"Proud na proud ako sa'yo. Ang galing mo pa lang sumayaw at kumanta. Bakit 'di ko alam 'yon?"
Natawa ito. "That's a secret."
"E bakit 'di kita nakikitang nagso-shorts sa bahay?" nakangisi niyang tanong.
"Alam namin!" sigaw na singit nila Mykael at Kevin.
Kunot-noong binalingan ni Rave ang dalawa. "Tumahimik kayong dalawa!"
"Bakit nga?"
"Laura, let's just not talk about it."
Kumalas siya sa pagkakayakap ni Rave sa kanya para lapitan sila Kevin, Mykael at Peter. "Oy, ano nga? Share n'yo na kasi. Daya –" Tinakpan ni Rave ang bibig niya gamit ng isang kamay nito. Pinihit ulit siya nito paharap dito.
"Ako na ang magku-kwento."
Inalis niya ang kamay nito na nakatakip sa bibig niya. "Sinabi mo 'yan! Hihintayin ko talaga 'yan, Rave. Hindi ako matutulog mamaya hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung bakit 'di ka nagso-shorts sa bahay kahit ang init."
Nakangiting bumuntonghininga si Rave. "Promise." Itinaas nito ang kanang kamay nito. "Mamaya."
"Okay." Tinapik niya ang pisngi nito. "I love you."
"Mamahalin mo pa kaya ako kapag nalaman mo ang totoo?"
Natawa siya sa ekspresyon ng mukha ni Rave. Mukhang kasi itong problemado. "Bakit nga kasi?"
"You'll know."
"Kahit ano pa 'yan. Mahal pa rin kita."
"Tatandaan ko 'yan."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro