Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

BUO na ang desisyon ni Laura.

Gagawin na niya ang inaalok na solusyon ng tiyahin niya. Mabigat man sa loob pero wala na siyang ibang maisip na paraan kung paano siya makakakuha ng malaking pera nang ganoon kabilis.

Kailangan nang maoperahan ng kapatid bago paman ito magkaroon ng komplikasyon. Hindi naman pwedeng magmukmok lamang siya sa isang tabi dahil lang sa alam niyang mali ang gagawin niya. Hindi niya kayang pabayaan lang nang ganoon na lamang ang kapatid. Mas gugustuhin niyang siya na lang ang magdusa. Si Lawrence na lamang ang nagbibigay lakas sa kanya para mabuhay. Nangako siya sa kanyang inay na hindi niya pababayaan ang kapatid noong nabubuhay pa ito. Wala rin naman siyang aasahan sa tatay niya.

Lakas loob na tinitigan ni Laura ang repleksyon sa salamin. Ibang-iba ang nakikita niyang Laura sa mga oras na 'yon. Ibang-iba sa ma prinsipyong Laura na kilala niya. Sa mga oras na 'yon patay na ang totoong Laura.

Parang may kung anong bumikig sa lalamunan niya sa isipan na 'yon. Nasapo niya ang dibdib sa sobrang paninikip ng dibdib niya dahil sa pagpipigil ng mga luha.

Laura huwag kang umiyak! Patawarin sana ako ng Panginoon sa gagawin ko. Hindi ko gusto 'to pero kailangan lang talaga. Ayokong mawala ang kapatid ko.

Pinalakas niya ang loob. Umayos siya ng upo at muling tinitigan ang mukha sa salamin. Simula pa lamang ito Laura. Kailangan mong lakasan ang loob mo. Ipinikit niya ang mga mata. Para kay Lawrence. Masasanay rin ako.

Muli niyang naalala ang pag-uusap nilang dalawa ng tiyahin niya.

"Five hundred thousand po?" Nanlalaki ang mga matang ulit ni Laura.

"Tama ang rinig mo Laura. Hindi mo alam kung gaano kamahal ang mga babaeng kagaya mo. Dati ko pa 'yan sinasabi sa'yo. Anyway, matagal ko nang kakilala si Mr. Sy. Galanti talaga 'yon magbigay. Mayaman. Mabait. Gwapo. Pero hindi siya ang makakasama mo ngayong gabi."

Kumunot ang noo ni Laura.

"A-Anong ibig n'yo pong sabihin tiyang?"

"Ibibigay ka niya sa kaibigan niya. Hindi ko alam kung sino pero sinabi niya namang mabait ang kaibigan niya."

Hindi alam ni Laura kung ang kabaitan na tinutukoy nito ay nangunguhulugan na mabuti itong tao o mabait ito sa kama. Hindi niya maisip na ang isang mabait na lalaki ay basta-basta lang makikipagniig sa isang kaladkaring babae.

Pero kailangan pa ba niyang isipin 'yon? Pare-pareho lang naman ang mga lalaki. Iisa lang ang gusto nila sa mga babae.

Malaki na ang five hundred pesos. Maipambabayad na niya 'yon nang buo sa opistal. Pero kakailangan pa niya nang mas malaki-laking pera sa susunod. Para sa mga gamot at stay sa ospital hanggang sa full recovery ng kapatid. Alam niyang kukulangin ang pera niya.

Bumigat tuloy ang pakiramdam niya. Kung sa unang beses kikita siya nang ganoon kalaki, nangunguhulugan lamang na hindi lang iisang beses na ibebenta niya ang sarili sa isang lalaki.

"Alam ko ang iniisip mo Laura," basag muli ng tiya niya. Naingat niya ang tingin dito. "Aaaminin ko sa'yo, malaki ang komisyon na makukuha ko kapag pumayag ka. Hindi kasali doon ang bayad mo."

"Hindi ko ho kayo maintindihan tiyang."

"Tanggapin mo ang trabahong 'to at ibibigay ko na lang din sa'yo ang komisyon at tip ng kliyente sa akin para maipandagdag mo sa operasyon ng kapatid mo. Hindi muna kailangang ibenta ulit ang sarili mo."



PANAY ang tingin ni Rave sa buong paligid. He was not familiar with the place. Hindi ito ang mga usual places na pinupuntahan nila ni Mykael. The place was totally out of Mykael's character. But knowing Mykael, alam niyang isa na naman ang lugar na 'yon sa mga bagong tuklas nito.

Masyadong tahimik at boring ang lugar. Pati nga mismo ang bandang tumutugtog sa gitna ng make shift stage ay walang kabuhay-buhay. Wala rin gaanong customers. Hindi rin naman masasabing pangit ang lugar dahil sa modernong interior design nito at kagamitan.

"Where are we?" kunot-noong tanong ni Rave sa kaibigan.

"Sa isang bar," kaswal nitong sagot. "Wait here." Iniwan siya ng kaibigan sa isang tabi. Sinundan niya ito ng tingin. May matandang babae itong kausap sa bar counter. Kumunot ang noo niya. Masyadong makapal ang make up nito sa mukha para sa lugar na 'yon.

Something is telling him that there's something odd with the place. May napapansin siyang mga kalalakihan na pumapasok pero hindi naman umuupo. Lahat sila ay dumidiretso sa likod ng stage. Ang pinagtataka niya lang ay hindi na niya ulit nakikitang lumalabas ang mga lalaking kakapasok pa lamang.

"Let's go!" Nagulat siya sa biglang paglapit ulit ni Mykael.

"H-Huh?"

"I said, let's go," excited na ulit nito. "Naghihintay na ang prinsesa mo."

Bago paman siya makapagsalita ay hinila na siya nito papunta roon sa likod ng stage. Hindi nakatakas sa pansin niya ang Authorized Person Only na nakapaskil sa labas ng pinto pero hindi niya inakalang higit pa sa isang simpleng office or staff quarter ang makikita niya sa pagpasok nila.

Agad na kumunot ang noo niya. Para siyang nasa isang ibang lugar. Masyadong dim ang ilaw pero kitang-kita pa rin niya ang istura ng buong lugar. Tahimik, oo, pero hindi nakaligtas sa kanya ang mumunting ingay at vibrations na nararamdaman niya. He felt like they are in a place with thousands of rooms.

They walked past a minibar lounge kung saan may mga kalalakihang may kaulayaw na mga babae sa table. He couldn't help but feel disgusted at the sight. Lalaki siya pero hindi niya gusto ang mga ganoong eksena. For him, it was too much para lang sa panandaliang tawag ng laman. Lalo na't halos karamihan na nandoon ay mga matatanda, may asawa at may mga anak pa.

Gusto na niyang umalis pero hindi na muna siya umimik. Hahayaan niya muna ang sarili na magmasid pa.

Habang naglalakad sa hallway ay hindi niya maiwasang isipin kung anong meron sa mga kwartong nadadaanan niya. Most of the doors are designed with a narrow frosted glass that was positioned horizontally on the right side of the door. From the looks of it, wala pa rin siyang masisilip at mukhang sound proof din ang mga silid.

"Alam mo Rave," sa wakas ay basag ni Mykael. "Nagulat din ako nang una akong makarating dito. I didn't know na meron pa lang mga ganito dito sa Maynila. Alam mo naman ako, hindi ako consistent kaya once in awhile naghahanap ako ng bago." Nakangising nilingon siya nito mula sa balikat.

Kunot-noo lang ang naibigay niya rito. Natawa lang ito sa naging tugon niya. Ano pa bang aasahan niya kay Mykael at sa nagwawawala nitong libido?

Nagulat siya nang bumukas ang pinto ng isang silid. Hindi niya inasahan ang makikita. Halos hubad na ang babae habang akbay-akbay ito ng isang matandang lalaki. Hindi niya maiwasang silipin mula sa nakabukas na pinto ang loob nun. It was a mess!

"Rave hindi riyan. Dito tayo."

"Just where the hell are we, Mykael Sy?!" pigil na sigaw na tanong niya rito.

"Calm down, okay?" Naglakad ito palapit sa kanya. "Mamaya ko na i-explain basta halika na. Masamang paghintayin ang grasya. Mahal pa naman ang ibinayad ko roon."

"Mykael!" he hissed.

Tinawanan lang siya ng gago. "Relax, you'll be fine."

Something is telling him, he wouldn't.



KANINA pa parito't paroon si Laura habang naghihintay sa isa sa mga VIP rooms. Para siyang naghihintay ng oras ng kamatayan niya. Mas kabado siya ngayon kaysa sa normal na pagkakataon. Siya lang kasi mag-isa at alam niyang may mangyayari na talaga. Na hindi lang simpleng pag-aaliw ang kailangan niyang gawin.

Natutop ni Laura ang dibdib nang biglang may kumatok. Heto na, nandiyan na sila. Kalma lang Laura! Relaks! Mabilis na pinakalma niya ang sarili. Okay, Laura, ito na. Hinintay niyang bumukas ang pinto. Malakas ang tibok ng puso niya. Oras na bumukas ang pinto wala na talagang atrasan.

Bumukas ang pinto at iniluwa nun ang isang matangkad at gwapong lalaki. Parang na engkanto si Laura sa kinatatayuan. Ngayon lang siya nakakita nang ganoon kakisig na lalaki sa Bar. Kung hindi mga matatanda ay mga bata namang batak ang katawan ng mga tattoo o 'di kaya mga foreigners.

Pero iba ang lalaking nasa harap niya.

Mukha itong hero sa mga nababasa niyang pocketbook. Matangkad at makapal ang kilay nito. May aristokrating hugis ng mukha. Manipis at mapula ang labi at matangos ang ilong. Matapang ang facial expression ng mukha nito at tila kanina pa ito mukhang hindi nasisiyahan sa nakikita. Hindi niya alam kung bakit. Pero tila gusto niyang alisin ang kunot-noo sa mukha nito. Hindi rin gaanong maputi ang balat nito. Hindi rin masasabing kayumanggi. Makinis at sakto lamang na bumagay sa gandang lalaki nito.

Sakto rin ang pangangatawan nito. Hindi 'yon maskulado kagaya ng mga nakikita niyang lalaki na batak sa gym. Malapad ang balikat nito at tila inaakit siya ng matigas na dibdib nito na sumandal. Gwapong-gwapo ito simpleng suot na puting t shirt na pinatungan nito ng itim na jacket at itim rin na pantalon at sapatos na may white shoe lace. Ang akala niya ay sa mga nobela lamang siya makakakita nang ganoong mga lalaki.

Mali Laura! Mayamaya ay pukaw niya sa sarili. Lihim niyang ipinilig ang ulo at pinalis ang nabuong ideya sa isip. Tandaan mo, lahat ng mga lalaking pumupunta rito ay iisa lang ang gusto. Pati ang isang 'yan. Kaya gawin mo na ang trabaho mo at nang matapos na 'to.

"Ah, excuse –"

Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita ang lalaki at mabilis na lumapit siya rito at hinalikan ito sa mga labi. Aaminin niya, hindi pa siya nahahalikan sa tanang buhay niya. Hanggang pisngi, balikat at leeg lang ang nakukuha ng mga lalaki sa kanya rito sa bar kaya hindi rin siya sigurado kung tama nga rin 'tong ginagawa niya.

Natigilan siya nang hindi man lang ito gumalaw. Ni hindi man lang niya maramdaman ang paggalaw ng mga labi nito. Bigla-bigla ay nakaramdam siya ng pagkapahiya. Parang gusto niyang tumakbo. Naramdaman na lamang niya ang mahigpit na paghawak nito sa mga braso niya. Mabilis na inilayo nito ang sarili sa kanya.

Naingat niya ang tingin rito. Seryoso ang mukha nito. Ni wala siyang mabasa ni ano mang emosyon. Hindi niya alam kung galit ito o hindi. Pero malakas ang kutob niyang hindi ito nasiyahan sa ginawa niya. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang maiyak. Nakakahiya siya.

"Ang lakas ng loob mong halikan ako pero 'di ka man lang marunong."

Parang binuhusan ng isang balde ng malamig na tubig si Laura sa sinabi ng lalaki sa kanya. Nasaktan siya sa sinabi nito. Oo, alam niya 'yon pero sa uri ng tuno at tingin nito parang pinaramdam nito na isa lang siyang bayarang babae na hindi man lang marunong magpaligaya ng lalaki. Doon siya nasaktan.

Nagsimulang manikip ang dibdib niya. Naman Laura! Huwag kang umiyak! Pero kung tuluyan nang magagalit sa akin ang lalaking 'to paano na lang ang bayad nito? Kailangan na kailangan 'yon ng kapatid ko.

Nilakasan niya ang loob. Tinignan niya ito nang diretso sa mga mata.

"Uulitin ko na lang," aniya.

"Uulitin mo?" Kumunot ang noo nito na tila ba nagbitiw siya ng joke na hindi man lang nakakatuwa. "No thanks, I'm not even interested." Akmang tatalikuran siya nito nang hawakan niya ito sa braso.

"S-Sir, huwag muna kayong umalis."

Hinarap siya nito. Nasundan niya ang marahas na pag-alis nito sa kamay niya na nakahawak sa braso nito. Nakaramdam siya ng pagka-ilang nang pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Sobrang siyang nanliit sa sarili.

Nayakap niya ang sarili.

"I can't believe this." 'Yon lang at tuluyan na nga itong lumabas.

Bigla siyang nanghina. Para bang lahat ng inipon niyang lakas ng loob ay nawala. Bigla na lang siyang napasalampak ng upo sa sahig. Naibaon niya ang mukha sa mga palad at napaiyak. Hindi siya makapaniwalang nawala na lang nang ganoon na lamang ang pag-asa niyang maipagamot ang kapatid.

Sa nangyari, imposibleng makuha pa niya ang pera gayong wala namang nangyari sa kanila. Kasalanan niya ang lahat kung bakit nawalan ito ng gana. Masyado siyang malamya at kulang pa sa experience. Hindi niya ito masisisi kung sa halik pa lang niya rito nawalan na ito ng gana sa kanya.

Iyak lamang siya nang iyak.



"BAKIT NASA LABAS KA?" tanong agad ni Mykael kay Rave nang maabutan ito sa labas ng silid.

Nalipat ang tingin ni Rave sa babaeng naka-angkla sa braso ng kaibigan. He couldn't help himself but to feel disgust towards the woman. Nakahantad na ang katawan nito sa kapipiranggot na suot na damit nito. Kapareho ng babae sa loob kanina.

Nagulat siya nang bigla siya nitong halikan. Doon pa lang nainis na siya. Ang lakas ng loob nito na halikan siya pero halata namang hindi ito marunong. Hindi naman 'yon ang ikinagalit niya kung 'di ang sitwasyon niya ngayon.

He's not into this, even before, malaki ang disgusto niya sa mga babaeng nagbibenta ng katawan o ang mga lalaking nabubuhay sa pagnanakaw at paggawa ng masama. Hindi sa panghuhusga pero hindi niya talaga maintindahan, kung bakit may mga babaeng mas pinipili ang ganitong trabaho? At kung bakit may mga taong kung kumapit sa patalim akala mo sila na ang pinaka nakakaawang tao sa mundo.

The end will never justify the means. Nakaya nga ng ibang mas malala pa ang sitwasyon sa buhay na mamuhay sa tama. Why can't others do that as well? Dahil sa kahirapan? Dahil sa kawalan ng pera? Nah, he don't believe in such things. Rason 'yan ng mga taong makikitid ang mga utak at tamad.

"Rave?!"

"This is stupid! I shouldn't have come."

Mabilis na tinalikuran niya ang kaibigan at naglakad palayo.

"Hey, Rave!"

Naramdaman niya ang pagsunod ng kaibigan.

"Uuwi na ako."

"Rave naman!" Hinawakan siya nito sa balikat at pinahinto. "Just this once? Hayaan mo naman ang sarili mong gawin ang mga bagay 'di mo pa nagagawa."

"But not this thing!" sigaw na niya. "And not with that woman inside that black room." Turo niya sa silid na nilabasan niya.

"Fine! But don't blame the girl. Alam ko namang 'di mo 'to magagawa. Your heart is still locked with Hannah. I chose that woman because she badly needs this one."

"Every woman in this place needs the money, Mykael."

"Hindi ko na pwedeng bawiin ang naibayad ko na. Bahala ka na sa kung ano ang gagawin mo sa babaeng 'yon. Take her out on a date? Kumain kayo sa labas? At least, huwag mo namang sayangin ang ibinayad ko sa kanya. Yes, every woman in this place needs the money. Then isipin mong tulong mo na rin ito sa kanya."

Marahas na napabuntonghininga siya. "But still –"

"Rave, I understand your point pero maraming pwedeng pumasok sa isipin ng taong desperado na. They are not born in a silver platter like us. Huwag mo namang husgahan agad ang pagkatao ng babaeng iyon dahil lang sa ganito ang trabaho niya nang magkakilala kayo. Give the poor woman the chance to defend herself."

Ilang segundo silang nagtitigan ni Mykael. Seryoso pa rin ang expresyon ng mukha niya. Hindi niya alam kung pakikinggan ba niya ang kaibigan o mas pipiliin niyang umalis na lamang at iwan ito at ang babae kanina sa lugar na iyon.

"If you don't want pleasure then you can ask her to be your friend for tonight. End of discussion."


NAGULAT si Laura nang biglang bumukas ang pinto. Mabilis na pinunasan niya ang mga luha at inayos ang sarili.

"I want you to change. Change something comfortable. Ayokong makitang suot mo 'yang damit na 'yan. Pick something simple, 'yong gusto mo, hindi 'yong gusto ng trabaho mo and please remove your make up. I'll wait for you outside," sunod- sunod na sabi nito na hindi agad rumihestro sa utak niya.

Mabilis na umalis din ito.

Tulala. Hindi alam ni Laura ang sasabihin. Pero hindi 'yon ang dapat niyang isipin. Kailangan niyang magbihis. Hindi niya dapat palagpasin ang pagkakataon na ibinigay nito sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro