Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19

HE NEVER realized it 'till she left. 'Till she turns her back at him. He was too harsh. He wasn't able to contain his anger. He didn't want other people to be treated badly because of him. He didn't want others to worry. If he can, he would do his best to keep everything by himself.

It works better for him that way.

But I guess, it didn't, instead, I've hurt them more.

5 YEARS AGO

"Kung ano man ang mangyari sa akin, promise me Rave, you'll keep smiling."

Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Hannah sa kanya. She was smiling at him like it was just normal for her to say that.

"Don't say that."

Humigpit ang hawak nito sa kamay niya saka inihilig nito ang ulo sa balikat niya. Nakaupo sila sa isa sa mga bench sa garden sa ospital na 'yon. Naka schedule na this week ang pangangak ni Hannah – C section dahil sa heart risk nito.

"Thank you."

"For what?"

"For letting me keep our baby. Alam ko na nag-aalala ka sa akin and you were against it at first, but I know you love us and you will do your best to keep us safe. Kahit na nagalit sila Mama at Papa sa'yo, pinaglaban mo pa rin kami."

"Just promise me you'll live."

Marahan itong tumango. "And promise me you'll keep smiling." Ngumiti siya. "Let's name our son, Ross."

"Ross? Why?"

"Because you love rose. Ikaw lang 'yong kilala kong lalaki na malaki ang fascination sa mga rosas. Kung naging babae ang anak natin, I'll name her Rose but since he's a boy, we'll name him Ross."

"I like that."

"Brave Ross Sanjercas, because he was such a brave little rose."


"What happened?" The look of horror in Mykael and Kevin's face made him more terrified and anxious. What's happening? "Mykael, magsalita kayo. Anong nangyari kay Hannah?" Hinawakan siya sa mga balikat ni Mykael. "Mykael –" Nawala lang siya saglit para bilhan ng mga rosas si Hannah nang bigla siyang tawagan ng mama niya.

"Rave, calm down," alo ni Kevin.

But how can he calm down? His mother is crying. His father couldn't even look at him straight in the eyes. Hannah's parents are nowhere to be seen.

"What happened to Hannah?" his voice broke.

Just please, don't let them tell him that his wife is gone. Please, he doesn't want to hear that. He's not sure if he can handle this.

"Rave." Naibaling niya ang mukha kay Kevin. "Hannah's gone."

"No." Umiling siya. "You're lying. Hannah will never leave me. She promised me she'll live for us."

"Rave –"

"I'm not gonna believe that." Marahas na itinulak niya palayo si Mykael. "Buhay ang asawa ko. Hindi niya magagawang iwan ako. Nangako siya. Nangako si Hannah." Dire-diretso siyang naglakad palayo sa mga ito. Pupuntahan niya ang asawa niya. At alam niyang, sasalubungin siya ng masayang ngiti nito.

Pero bakit, hindi ngiti ang nakita niya sa mukha ng asawa? Bakit nawala ang kulay sa mukha nito? Bakit ito nakapikit? Was she sleeping? Was she tired? Naramdaman niya ang sobrang paninikip ng dibdib nang maramdaman ang malamig na kamay nito.

Did she broke his promise to him?

Nanginginig ang mga kamay na hinaplos niya ang walang kulay na mukha nito. Tila ba ulan na bumuhos lahat ng mga luha niya. He held her hand tight. Sobrang higpit para maramdaman nito na nandito siya. Na naghihintay siya sa paggising nito.

But will she wake up?

Will she wake up for him and Ross?

Will she?

He cried his heart out; too hard that it made it hard for him to breathe. It felt like his heart was torn into pieces. It felt like he loses his soul. It felt like the world took his happiness while he was too busy hoping for a miracle.

It felt like God betrayed him.

What did he do? May mali ba siyang ginawa? Bakit nagawa Nitong kunin ang taong pinakamamahal niya?

Damn Him!

AND when he thought, he had forgiven himself and all that have hurt him. He's testing his faith again. The look of horror on his face couldn't compare of how scared he was inside.

"Laura!" sigaw niya.

Kitang-kita niya ang pagbasak nito sa daan. Lumikha nang malakas na ingay ang pagkabasag ng jar nitong hawak. Kumalat ang mga paper planes sa tabi nito kasabay nun ang pagdaloy ng maraming dugo mula sa katawan ni Laura.

Tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa. His heart was beating so fast na tila ba sasabog na 'yon ano mang oras. Magkahalong takot at pag-aalala para kay Laura ang nangingibabaw sa buong pagkatao niya.

Please, not Laura.

Tila huminto ang tibok ng puso niya nang makita nang mas malapitan ang duguan na si Laura. Mabilis at maingat na pinangko niya ito sa mga braso niya. Hindi alintana ang mga dugong kumapit sa damit niya. Tinakbo niya ito sa ospital. Hindi pwedeng mamatay si Laura. Hinding-hindi siya papayag!

Not my Laura!

"R-Rave..." halos bulong na lamang na tawag nito sa kanya.

Halos ipikit na nito ang mga mata.

"You'll live. I promise you that."

Marahang tumango ito.

"You're not gonna leave me, Laura. Naiintindihan mo ba? Hindi mo ako pwedeng iwan. Hindi ako papayag na iwan mo ako." He couldn't help his tears from falling. Damn it! Please, Laura. Please don't leave me. Baka sa pagkakataon na 'to, 'di ko na talaga kayanin. "Laura, please, wake up for me, okay?"

"What happened?" Agad na sinalubong sila ni Kevin sa labas ng emergency. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang duguang anyo ni Laura. "God, Laura. Nurse! This is an emergency. Get the stretcher and please prepare the operating room now!"

"Yes Doc."

Inilalayan siya ng mga nurse para maihiga si Laura sa stretcher.

"Rave, I'll take it from here. Maghintay ka na lang sa waiting area." Mabilis na naipasok nila si Laura sa loob. Akmang tatalikuran na siya ni Kevin nang hawakan niya ito sa braso. "Rave –"

"Kevin," he sobbed. He was hopeless. He felt so lost at the moment. All he need is an assurance that Laura will be fine. "Please tell me... please tell me Laura's gonna be fine." He couldn't help his tears. "Please, please do everything... please save her."

"She will be fine." Kevin give him a little tap and squeeze on his shoulder. "I will make sure of it."

Dear Rave,

I'm sorry if I wasn't able to keep my promise. If only I can stay a little longer then I will. If only I can be with you and Ross for more years, then I will. I'm writing this letter in case I won't be able to open my eyes again. I don't want to be sad. I know it will be too hard for you. But please live for Ross for me, okay? Live for our son. 'Yan lang ang hihilingin ko sa'yo.

Alam kong masakit pero gusto kong kayanin mo. Don't hate God for taking me away. He has His own reasons why at naniniwala akong may magandang plano ang Dios para sa'yo. In the short life that I have, I have lived my life well. Thank you. Thank you for making my life a happy and fulfilled one.

Don't mourn for long.

I'm watching you in heaven. I don't want to see you crying. Isipin mo na lang, nagbakasyon ako sa malayo at mga ilang years pa bago tayo magkita ulit.

Keep my promise, Rave. Promise me you'll never stop smiling. Be happy. Live your dreams. And fall in love again. Huwag mong ikulong sa nakaraan ang sarili mo. Magmahal ka ulit. Hayaan mo ang sarili mong maging masaya ulit. Don't deprived yourself with that happiness, okay? Magagalit talaga ako sa'yo.

Don't worry, I'll ask God to sent you an angel. Kapag nagkita na kayo, ipakilala mo sa akin ang anghel na ibinigay ng Dios sa'yo, ha? Alam kong magaling pumili ang Dios. Ibibigay niya ang taong magmamahal sa'yo nang totoo at magmamahal sa ating Ross nang sobra.

Wait for her.

I love you, Rave. 'Till we meet again.

Love,

Hannah


NAINGAT ni Rave ang mukha sa malaking bahay ng mga Rodriguez. Humugot siya nang malalim na hininga. Ito ang unang beses na kakausapin niya ang mga magulang ni Hannah para ipaliwanag ang sarili. Tama si Laura at ang mga kaibigan niya. Hindi masamang sabihin ang totoo niyang nararamdaman. Hindi masama para ipagtanggol ang sarili lalo na kung nasa tama.

Kung ano man ang maging tingin nila pagkatapos ng sasabihin niya, ang mahalaga ay nagawa niyang linawin ang mga maling bagay tungkol sa kanya.

"We understand, Rave." Nagulat siya sa naging reaksyon ng ina ni Hannah sa mga ipinagtapat niya. "We have judged you unfairly. Napag-isip-isip namin ni Roberto na naging unfair kami sa'yo. Laura had put a little sense in us. Naging emosyonal kami dahil sa pagkamatay ni Hannah. Wala kaming ibang masisi kundi ikaw lang."

"Kinalimutan namin ang saya na nakita namin sa anak namin noong nabubuhay pa lamang siya," Don Roberto added. "Masakit man, pero kailangan na rin naming tanggapin ang katotohanan na wala na si Hannah. Ang importante ay naging masaya siya noong nabubuhay pa siya. Thank you Rave. Thank you for making our daughter happy." Sumilay ang ngiti sa matanda.

"Salamat po."

He couldn't explain it, pero tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Mas gumaan ang pakiramdam niya pagkatapos masabi sa mga ito ang panig niya. Mas lalo pang gumaan nang masuklian 'yon ng ngiti at pang-unawa mula sa mga magulang ni Hannah.

"At huwag mo na kaming alalahanin pa." Naibaling niya ang tingin sa ginang. "Hearing it from Ross, mukhang gustong-gusto talaga nito si Lara at alagang-alaga nito ang apo namin. Lagi na lang bukang bibig nito ang Mama Lara nito. Kaya sobra ang lungkot ng batang 'yon nang umalis daw sa inyo si Lara. Anyway, how is she? Okay na ba siya?"

"She's okay, now."

"Thank God, send our apologies to her, okay? We will visit her one of these days."

"Makakarating."

Sabay na tumayo silang tatlo, sa gulat niya ay niyakap siya ng ginang. Sobra siyang natigilan. Hindi niya mabigyang pangalan ang nararamdaman niya nang mga oras na 'yon. It felt surreal.

"Know that we'll always be here for you even if Hannah's gone now, son." Tila hinaplos ng mga anghel ang puso niya sa sinabi ng ginang. Gumanti siya ng yakap dito. "Take care of yourself, Rave."

"Thank you po."

"We will see Ross often kapag nasa Pilipinas kami."


MULA sa hallway ay rinig na rinig na niya ang mga boses nila Kevin at Mykael. Mukhang nagtatalo na naman ang dalawa.

"Kung sinabi mo ba naman nang maaga kay Rave na nasa panganib ang buhay ni Laura 'di sana 'di na nag-drama ang 'sang 'yon. 'Di sana nabantayan niya nang maayos si Laura." Boses 'yon ni Mykael.

Anong sinabi nang maaga? Kumunot ang noo niya. May alam ba si Kevin sa lalaking sumusunod kay Laura?

"Look who's talking? Sino ba sa atin ang unang nag-suggest na itago kina Laura at Rave ang tungkol sa tiyuhin ni Laura?"

"Ako, pero, good news naman 'yon. And besides, dahil doon mas naging malapit sila Laura at Rave. O, kita mo ngayon?"

"Stop," sabat na ni Peter. "Pareho lang naman kayong mali. Nag-connive pa rin kayo."

"Accessories of the crime ka naman."

"Oo, dahil binantaan n'yo ako."

"So, sino ba talagang may kasalanan sa inyong tatlo?"

"Siya. Ang dalawang 'to. Si Kevin." The three of them said in unison.

Tinuro ni Kevin si Mykael. Tinuro naman ni Peter sila Kevin at Mykael. Si Mykael naman tinuro si Kevin.

"Sino ba talaga?"

"Rave!" sabay na sigaw ng tatlo nang ma-realize ng mga loko na 'yong pinag-uusapan ng mga ito kanina ay nasa harap na nila. Tsk, mga pasaway talaga!

"Rave let me explain," ni Mykael.

"Oo, dapat ikaw mag-explain," segunda naman ni Kevin. "Ikaw naman talaga ang may pakana ng lahat."

Lumapit siya sa tatlo. At talagang sa labas pa talaga ng silid ni Laura nag-away ang mga 'to.

"No need." Ngumiti siya sa mga ito. Napatanga ang tatlo sa kanya. Natawa siya sa mga ekpresyon ng tatlo. "You think I am that stupid? Matagal ko nang alam na nahuli na ang grupo ng tiyuhin ni Laura."

"Huh? Paano?" sabay pa nila Kevin at Mykael.

"Ah, oo, tama," ni Peter. "It's all in the news."

"Bakit 'di namin alam?"

"Nagbabasa ba kayo ng news?" tanong ni Peter sa dalawa.

"Hindi." Sabay na umiling ang dalawa.

"Got your answers."

"Peter, pwede ba tayong mag-usap ng tayo lang?"

"Sige."

Iniwan nila ang dalawa na nag-aaway pa rin. Hinila ni Mykael ang stethoscope ni Kevin sa leeg at hinilamos naman ni Kevin ang kamay sa mukha ni Mykael. Tsk, those two! Para paring mga bata.

"Tumigil ka na Mykael, isasaksak ko 'tong scalpel ko sa baga mo."

"Patatanggalan kita ng lisensiya! Akala mo. Ba't 'di ka kasi nagbabasa ng dyaryo?"

"Busy ako sa paghahanap ng mga arteries. Uunahan ko pa ba 'yan? E, ikaw? 'Di ba, social media savvy ka? Anyare?"

Ang dalawang 'yon, matalino sana kaso engot din minsan e. Napa-iling na lang talaga siya sa mga kalokohan ng dalawang 'yon.

"'Yong sumaksak kay Laura," basag niya. "Anong balita roon?"

"'Yan talaga ang pinunta ko, Rave. Good news, nahuli na nila. Anak pala 'yon ng tiyuhin ni Laura. Nabanggit din kasi ni Laura sa akin na namukhaan niya ang lalaki. Nakita na raw niya 'yon dati pero 'di niya maalala. Nang ipakita namin ang mga larawan kay Laura, naalala niyang minsan daw 'yong pumupunta sa bar dati at laging kausap ang tiyuhin niya. Pero 'di niya alam na anak pala nito 'yon sa ibang babae."

Tumango-tango siya. "So he was tailing Laura because?"

"Inutusan daw ito ng ama nito na hanapin si Laura at patayin. Akala kasi ng mga ito na isa si Laura sa nagsumbong kung bakit na raid ang bar. Don't worry, nahingi naman na nila ang mga impormasyon mula kay Laura. Tama talaga ako, bukod sa prostitution ay hanggang doon lang ang alam ni Laura. Wala itong ideya sa iba pang negosyo ng tiyuhin at tiyahin niya."

Nakahinga siya nang maluwag.

"Thank you Peter. Ang dami mo nang naitulong sa amin."

"It's okay, Rave. May maitutulong naman ako. Huwag mo na rin masyadong alalahanin ang safety ni Laura. Sisiguraduhin ko na mabubulok sa kulungan ang mga 'yon."

"Aasahan kita riyan."

Peter was still a mystery to him but he trust him. Alam niyang makakasundo niya ito sa maraming bagay. He wouldn't mind having Peter as one of his closest friends.

"Nga pala, hindi sa usisiro akong tao, pero bakit, nagkunwari ka pa ring 'di mo pa alam ang tungkol sa pagkakadakip ng tiyuhin ni Laura?"

Napangiti siya.

"When you're in love, Peter. You'll know."

Peter's face was still void with emotions.

"Okay, I'll take note of that."

"Anyway, welcome to our brotherhood." He tapped Peter's shoulder. "Expect an initiation anytime soon."

"Tsk, parang gusto ko na yatang mag-back-out. Hindi ko nga alam na kasali na pala ako sa sekretong samahan n'yo."

"Basta si Mykael ang nag-recruit wala na 'yang atrasan."

"Kevin hates me."

"He will learn to love you."

"Nakakabakla ang topic na 'to."

Pareho silang natawa ni Peter. But it's good to have another reliable person in their friendship. Naputol ang pag-uusap nila nang biglang tumawag sa kanya si Mr. Go. Nag-excuse muna siya kay Peter para sagutin ang tawag.

"Yes, Mr. Go. Napatawag po kayo?"

"Rave, can you do me a favor?"

"Ano po 'yon?"

"I want to personally talk with Laura, if that's okay?" Natigilan siya nang banggitin nito ang totoong pangalan ni Laura. Lara ang pakilala niya kay Laura rito? "Can you help me, hijo?"


SAKAY sa wheelchair ay inalabas ni Rave si Laura sa garden ng ospital para magpahangin muna. Ilang araw na siyang nasa ospital. Bahagya pa ring kumikirot ang sugat niya pero 'di na sobrang masakit gaya noong mga nakaraang araw.

"Saan ka galing kanina?" basag niya.

"Sa bahay ng lolo't lola ni Ross. Nag-usap lang kami."

"Nagalit ba sila sa'yo?"

"Hindi, kasi raw, may makulit na babaeng sumugod sa bahay nila at pinagtanggol ako."

Pigil niya ang matawa at baka bumuka pa ang tahi niya.

"Hindi ko naman sila inaway."

"But your words made them realize a lot of things, Laura. Salamat sa pagtatanggol mo sa akin kahit na matigas ang ulo ko. Salamat dahil 'di mo ako sinuko."

"Di ba sabi ko, maasar at maiinis ka sa akin. Magagalit at mabu-bwesit ako sa'yo. Pero tandaan mo na mahal na mahal pa rin kita kahit na mag-away pa tayo. Hindi ko 'yon nakalimutan Rave."

"I'm sorry, Laura." Huminto ito sa pagtutulak sa wheelchair niya at patingkayad na naupo sa harap niya. Ginagap nito ang kamay niya at inangat ang mukha sa kanya. "Alam kong 'di ko pa nasasabi sa'yo 'to. At sana 'di pa huli." Hinalikan nito ang likod ng mga kamay niya. "Mahal na mahal kita."

Napangiti siya. "Alam ko, kahit 'di mo sabihin Rave, ramdam na ramdam ko."

"Salamat dahil tinanggap mo ang pagmamahal ko sa'yo kahit na 'di ko 'yon magawang sabihin sa'yo."

"Masyado kayang obvious sa kilos mo. Hokage ka pa masyado. Akala mo 'di ko napansin 'yon, ha?"

Kumunot ang noo nito. "Hokage?"

"Hokage, 'yong pa simpleng tsuma-tsansing."

"'Yon ba 'yon?"

"Oo, ikaw lang kaya 'yong manliligaw na halik nang halik. Marupok pa naman ako." Shuks, hindi talaga siya makatawa. "Pero 'di halata. Kasi nagmamaganda nga ako, 'di ba?"

Bahagya itong tumayo at kinulong sa mga palad nito ang mukha niya. Siniil siya nito nang matamis at malalim na halik sa mga labi na buong puso niyang tinugon. Naramdaman niya ang pagngiti ng mga labi nito sa kanya.

Their lips parted, pero pinagdikit naman nito ang mga noo nila. Ramdam na ramdam pa rin niya ang malakas na tibok ng puso niya.

"I'll tell you everything starting now. No more secrets."

Tumango siya.

"Now, you first."

"Anong ako muna?"

Inilayo nito ang mukha sa kanya saka nito hinuli ang mga mata niya. "About your real father?"

Natigilan siya. Paano nito nalaman ang tungkol doon? "Paano mo –"

"Tell me about it, Laura."

"Rave?"

"He wants to see you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro