Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 18

5 YEARS AGO

"Fuck you!" mura ni Mykael kay Rave sabay suntok sa mukha nito. Gumanti siya ng suntok kay Mykael. "Kill yourself! Rot in hell. Do what you want. Kung ayaw mong tulungan ka namin. At least, think about your son. Live for your son, damn it!"

"Ano ba kayo, tama na!" awat ni Kevin sa kanila.

"Sino kayo para pangunahan ako?" Hinila ni Kevin si Mykael palayo sa kanya. Marahas na pinahid niya ang dugo sa gilid ng bibig gamit ng likod ng kamay niya. Madilim na tinignan niya si Mykael. "I told you, I'm okay. I'm fucking fine! Hindi ko sinabing mangialam kayo at kausapin n'yo ang mga magulang ni Hannah. "

"You're not okay!" giit pa rin ni Mykael. "You're obviously dying inside, Rave. Bakit ba sinasarili mo ang lahat? You can share it with us? Kaibigan mo kami. Maiintindihan ka namin. Kung ano paman 'yan, hayaan mong tulungan ka namin."

"Rave –"

"I said, I'm okay!" inis niyang ulit. "Huwag n'yo na akong alalahanin. I can handle this on my own."

"Diyan ka naman magaling e!" Itinulak ni Mykael palayo si Kevin. "Iniisip mo lagi na hindi mo kami kailangan. Iniisip mo lagi na kaya mong mag-isa. Hanggang kailan ka magiging ganyan? Hanggang kailan mo ikukulong ang sarili mo sa putang inang pride mo na 'yan?!"

"But that's me, Mykael. 'Yan na ako. Kung hindi mo matanggap 'yon, fine with me! Hindi ko naman kailangang ipilit sa inyo na intindihin ako." Tinalikuran na niya ang dalawa at nagsimulang maglakad palayo. "If you're tired of my attitude then you are free to walk away in my life!"

"Rave saan ka pupunta?" nag-aalalang tanong ni Kevin. "Pag-usapan natin 'to. Let's not end everything this way."

"Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo."

"Ikaw dapat ang pagsabihan!"

"Tama na nga kayong dalawa. Rave, bumalik ka rito. Mag-usap tayong tatlo."

"Hayaan mo nga 'yan! Bahala siya sa buhay niya. Kalimutan mo nang magkakaibigan tayong tatlo!"

Hindi na niya nilingon ang dalawa at dire-diretso lang siyang naglakad palayo. Damn you, Mykael!


"WE DID not give up on him," pagpapatuloy ni Kevin. "Minsan kasi, kahit na sobrang nakakainis na ng ugali ng isang tao... pero kung mahal mo talaga... at pinapahalagahan mo ang pagkakaibigan ninyo, hindi mo pa rin siya kayang iwan lang." Bumuntong-hininga ito. "But I'm not sure about you Laura. Alam ko na sobra kang nasaktan ng kaibigan namin. Kung ano man ang maging desisyon mo ay maiintindihan namin."

"We are not tolerating Rave's attitude," dagdag pa ni Mykael. "Hindi iisang beses na muntik nang masira ang pagkakaibigan naming tatlo dahil sa ugali niyang 'yon. But we tried to understand him dahil sa nakikita naman namin na sinusubukan niyang magbago. Hindi biro ang pinagdaanan niya. Kay Hannah lang umikot ang buhay ni Rave and we've witnessed how Hannah's death made him lose himself. For him, it was like, dying everyday."

"If not for Ross, he might have given up a long time ago."


"MATULOG ka na." Naingat ni Laura ang mukha sa nagsalita. "Here." Inabot ni Kevin sa kanya ang isang plastic cup ng umuusok na kape. Tinanggap niya 'yon pagkatapos ay naupo ito sa tabi niya. Nasa waiting area sila ng ospital malapit sa emergency room. "How are you?"

"Kumusta na kaya siya?"

"Si Rave?"

Tumango siya. "Isang linggo na ang lumipas pero wala pa rin akong balita sa kanya. Sa tingin mo, Kevin. Kinalimutan na kaya niya ako?" Hindi niya maiwasang malungkot sa naisip.

"Just give him time, Laura. Hindi naman ganoong klaseng tao si Rave. Kilala ko siya, I've been with him since college. He's a good man."

"Sa totoo lang, kahit na nasaktan ako sa mga sinabi niya. Hindi ko pa rin siya kayang iwan. Hinihintay ko lang siyang maging okay saka ko siya kakausapin ulit. Kung ano man ang maging desisyon niya, tatanggapin ko 'yon nang buong puso, Kevin. Kahit na masakit."

"Rave loves you, Laura. He's just mad. I told you, he's not his usual self when his mad and in love. He will soon realize everything afterwards."

"'Yon nga rin ang iniisip ko."

"But thank you, Laura." Nakangiting ibinaling nito ang mukha sa kanya.

Nagtaka siya. "Para saan?"

"For not giving up on him yet. Alam mo kasi, ngayon tayo mas kailangan ni Rave. Hindi man niya 'yon sabihin sa atin, malaking bagay na sa kanya ang pananatili natin sa buhay niya. Alam mo ba, kung ano ang isa sa mga rason kung bakit 'di ko pa rin iniiwan ang gagong 'yon?"

"Bakit?"

"Dahil, isa siya sa mga taong may magandang kalooban. His heart is so big, it can accommodate a whole planet. Hindi lang ikaw ang natulungan ni Rave, Laura. Kahit 'di na 'yan nagsisimba noon, pagkatapos mamatay ni Hannah. Palihim pa rin 'yang tumutulong sa ibang tao. Like I said, isa siya sa mga big donors ng heart center ng ospital na 'to. Pareho silang volunteer ni Hannah noon, actually, doon talaga sila nagkakilala ni Hannah. They're both active in helping other people."

Napangiti siya. "Kung sana, kagaya natin, nakikita din ng mga magulang ni Hannah ang kabutihan ng puso ni Rave."

"They will, someday. Wait! I almost forgot." Mula sa bulsa ng puting coat ni Kevin ay inalabas nito ang dalawang paper planes. Natigilan siya at nagpalipat-lipat ang tingin mula sa mga paper planes sa kamay nito at sa mukha ni Kevin. "I saw these on my table. May note na iniwan, Rave's hand written."

"Anong sabi niya?"

"He told me to give these to you. Ito na raw ang huling paper planes na ibibigay niya sa'yo."

"H-Huli?" halos bumikig sa lalamunan niya ang salitang 'yon.

Huli? Ibig ba sabihin nun, tinatapos na nito ang lahat ng mayroon sila? Pilit niyang nilabanan ang mga luhang nagbabantang mahulog mula sa kanyang mga mata. Naninikip ang dibdib niya sa ideyang, ito na ang huling paper planes na matatanggap niya mula kay Rave.

"S-Salamat." Lakas loob na kinuha niya mula kay Kevin ang dalawang paper planes.

"Magkakayos din kayo ni Rave, Laura." Tumayo na ito. "Anyway, maiiwan na muna kita at kailangan ko munang bumalik sa emergency, Friday pa naman ngayon. Kung bakit kasi, ngayon pa halos nag-leave ang mga doctor. Akala siguro nila, walang nangangailangan ng tulong nila. Tsk."

Tumango lang siya at tuluyan na nga siyang iniwan ni Kevin.

Napako naman ang mga mata niya sa mga paper planes sa mga kamay niya. Isang butil ng luha ang nahulog sa isang palad niya. Hanggang sa na sundan pa 'yon ng ilang butil pa ng mga luha. May munting hikbing kumawala mula sa kanyang bibig. Kasabay nun ang pagyugyog ng mga balikat niya dahil sa tahimik na pag-iyak.

Alam niyang masasaktan siya pero hindi niya inasahan na ganoon pala kasakit ang magmahal. Kung gaano ka pinasaya ng pagmamahal, ganoon din pala kasakit ang kapalit nun kapag nabigo ang isang tao. Tila ba pinagpipiraso-piraso ang puso hanggang sa piliin mo na lang na huwag na 'yong tumibok pa.

Ang sakit, sobra.


"ATE, salamat po, ha?"

Nakangiting inangat niya saglit ang mukha sa kapatid bago binalikan ang pagbabalat ng mansanas. "Para saan naman?"

"Dahil hindi mo ako pinabayaan. Kinaya mo lahat ng mag-isa."

Itinigil niya ang pagbabalat ng mansanas at inilapag na muna ang plato sa itaas ng mesa.

"Bawal ka oa-han dito," ungot niya sa kapatid.

"Pero ate, salamat talaga. Kung hindi dahil sa'yo, kay Kuya Rave at Dr. Kevin, baka wala na ako. Baka 'di na ulit kita nakita. Baka –"

"Tama na 'yan, sabing walang dramahan. Mag-focus ka muna sa pagpapagaling mo. Saka natin isipin ang ibang bagay kapag bumalik na ulit ang lakas mo at may go signal na sa doktor mo na pwede ka na ulit mag-drama." Lumipat siya ng upo sa tabi nito at inasang brasong yakap ang kapatid. Inihilig niya ang ulo nito sa balikat niya. "Gagawin ni ate ang lahat para sa'yo. Kahit ano pa 'yan. Kaya kong isakripisyo ang buhay ko para sa'yo."

"Pero huwag naman laging ako, ate." Iniangat nito ang mukha sa kanya. "Isipin mo rin ang sarili mo. Gusto ko rin pong maging masaya ka. Gusto ko rin na makita na ginagawa mo ang mga bagay na magpapasaya sa'yo. Sobra-sobra na ang pagmamahal at pag-aarugang ibinigay mo sa akin ate. Kaya, kapag magaling na magaling na ako. Mag-aaral ako nang mabuti saka ga-graduate ako with honors."

Hindi niya napigilan ang mapangiti rito. Ang laki na pala ng bubwit kong kapatid. Mature na kung mag-isip.

"Tapos maghahanap agad ako ng magandang trabaho na malaki ang sahod. Tapos mag-iipon ako at 'di na muna mag-gi-girlfriend para mapag-aral po kita, ate. 'Di ba, gusto mo pong maging teacher? Pwede na po kitang mapag-aral nun."

Niyakap niya nang mahigpit ang kapatid. "Gusto ko 'yan Rence. Gawin natin 'yan, ha?"

"Kayanin natin ate."

"Oo naman." Pasimple niyang pinahid ang mga luhang kumawala mula sa kanyang mga mata. "Tayo pa ba? Tayo kaya ang pinakamalakas at masipag na mag-ate sa Cebu."

"I love you, ate."

"Mahal na mahal din kita." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito. "Salamat dahil 'di mo iniwan ang ate."

"Paano naman po kita iiwan?" Natawa ito. "Iyakin mo kaya. Magsasayang ka na naman ng luha kapag nawala ako." Pabirong ginulo niya ang buhok ng kapatid. "Ate naman e."

"Ewan ko sa'yo."

"Ate, maiba ako, na saan na ba si Kuya Rave?" Natigilan siya. "'Di ko pa siya nakikita?"

"Busy lang si Sir Rave, dadalaw din 'yon."

Pagsisinungaling niya, salamat at 'di pumiyok ang boses niya nang banggitin ang pangalan ni Rave. Binalikan niya ang binabalatang mansanas na itinigil niya kanina.

"Ate, alam ko nang late na 'to."

"Ano?"

"Pansin ko kasi, parang may gusto ang amo mo sa'yo."

"Huh?"

"Iba kasi siya kung makatitig sa'yo." Natuon ang atensyon niya kay Lawrence. "Alam mo 'yong tingin kapag inilapag na sa harap mo ang unlimited Mang Inasal mo na order?" Hindi niya napigilan ang matawa. Ang batang 'to! "'Di ba parang heaven 'yong feeling?"

"Hala ha, akala ko naman kung ano."

"Hindi e. Ganoon kasi 'yon. 'Yong tingin niya kasi sa'yo iba. Para siyang nakakita ng inasal na manok – este anghel."

"Tigilan mo ako sa mga ganyan mo, Rence. Bawal pa sa'yo 'yan."

"Example lang naman e."

"Ewan ko sa'yo. Kung anu-ano iniisip mo. O, ito apple." Inabot niya rito ang plato na may naka sliced na na mga mansanasa. "Imaginen mo muna na paa 'yan ng lechon manok."

"'Di naman masarap e."


NAKAUPO siya sa isa sa mga bench sa garden ng ospital. Dala-dala niya ang mga paper planes na naipon niyang bigay ni Rave sa kanya. Inilagay niya ang mga 'yon sa isang transparent jar. Naingat niya ang mukha sa kulay kahel na kalangitan na unti-unti nang kumakalat sa buong paligid.

Walong paper planes.

Walong paper planes ang ibinigay ni Rave sa kanya. Inabot niya sa tabi ang jar at binuksan 'yon. Isa sa mga napansin niya dati pa ay ang mga numerong isinulat ni Rave sa may pakpak ng mga paper planes. Hindi niya alam kung bakit, pero baka gusto lang nitong maalala niya ang unang paper plane na ibinigay nito sa kanya.

Kinuha niya ang paper plane na may number one sa pakpak nito.

Noong una ay nilaro-laro lang niya 'yon nang may mapansin siyang kakaiba sa katawan ng paper plane. Tila ba may bumakat na litra sa katawan nito. Kumunot ang noo niya. Ano kaya 'yon? Mabilis na itinabi niya muli ang jar at sinira ang porma ng paper plane hanggang sa maging normal na papel na lamang 'yon.

At sobra siyang natigilan sa nakita at nabasa niya.

Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave?
How can I love when I'm afraid to fall?

Bigla-bigla ay naalala niya ang itinanong niya minsan rito bago paman nito sinabing manliligaw ito sa kanya. Papauwi na sila ng bahay noon at nakatulog na rin si Ross sa likod ng sasakyan.

"Rave, curious lang ako."

"Ano?"

"Naalala mo noong fake wedding natin?" Tumango ito nang hindi inaalis ang tingin sa daan. "Tinanong mo ako kung uncomfortable ba ako noong sinasayaw mo ako."

"What about that?" Hindi niya talaga mapigilan ang bahagyang matawa kapag naalala niya 'yon. Napansin 'yon ni Rave kaya naibaling nito saglit ang tingin sa kanya. "What's funny?" Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng tawa. "Laura."

"'Di nga kasi, curious lang ako, bakit Baby Shark 'yong biglang kinanta mo noon?"

"I don't know, it just suddenly pop in my head." Ngumiti ito, tila ba natatawa na rin ito. "'Yon lang kasi ang laging kinakanta ni Ross sa bahay. LSS, I guess? Pero nag-work naman,

'di ba? You loosen up a bit after hearing my baby shark rendition."

Natawa siya.

"Hindi ko kasi inasahan 'yon sa'yo. Ang seryoso mo kayang tao, tapos, titira ka nang ganoong kanta? Ang kulit mo lang."

"Well, surprise."

Umayos siya ng upo, bahagyang tumagilid para makita si Rave. "Rave, if ever, maliban sa baby shark, ano kayang song ang pwede mong i-dedicate sa akin?"

"Hmm..."

"Okay lang kahit, saka muna sagutin. Pag-isipan mo muna tapos sabihan mo ako kapag meron na."

"Why?"

"Wala lang, kakantahin ko sa karaoke."

Natawa lang ito sa kanya. "Okay, I'll let you know."

Mabilis na sinunod niyang sirain ang ikalawang paper plane.

But watching you stand alone
All of my doubts
Suddenly goes away somehow

One step closer

Third paper plane.

I have died every day waiting for you
Darling, don't be afraid
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more

Nang mabasa 'yon, doon na sunod-sunod na bumagsak ang mga luha niya sa mga mata. Rave, akala ko nakalimutan mo na?

Fourth paper plane.

Time stands still
Beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything take away
What's standing in front of me

Every breath
Every hour has come to this
One step closer

Fifth paper plane.

I have died every day waiting for you
Darling, don't be afraid
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more

Sixth paper plane.

And all along I believed I would find you

Time has brought your heart to me

I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more

At sa huling dalawang paper planes na ibinigay ni Rave.

Seventh paper plane.

There are things that I couldn't tell you in person. But I hope, this is not a little too late. Laura, I have died every day waiting for you. But please, don't be afraid, because I will love you for a thousand years more. Thank you for coming into my life. You saved me.

At sa ika walong paper plane.

I love you Laura, will you love me for a thousand years more?

Iyak na siya nang iyak. Hindi niya alam ang mararamdaman nang mga oras na 'yon. Alam niyang masaya siya, pero bakit sobra pa sa saya ang narararamdaman ng puso niya? Mahal siya ni Rave. Hindi totoong isinuko nito ang pagmamahal nito sa kanya.

Madali niyang isinilid pabalik ang mga papel sa jar at dala-dalang umalis siya. Kailangan niyang makita si Rave. Kailangan niya itong makausap.

Pinahid niya ang mga luha at nagmadaling naglakad palabas ng ospital. Hinintay niyang mag-green ang traffic light para makatawid siya sa kabilang daan. Pag-angat niya ng mukha sa harap ay ganoon na lamang ang gulat niya nang makita si Rave sa kabilang kalsada. Nagulat din ito nang makita siya.

Pero hindi naging dahilan 'yon para pigilan niya ang sariling mga ngiti. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata. Ilang segundo pa ay nagpalit na ang ilaw pula sa berde. Sabay na tumawid ang mga tao sa kabilang kalsada.

Dumaan pa ang limang segundo bago niya nagawang maihakbang ang mga paa. Marahil ganoon din si Rave dahil 'di agad ito nakakilos. Noong una ay dahan-dahan lang ang paglalakad niya hanggang sa bilisan niya 'yon.

Pero tila ayaw ng mundo na magkalapit silang dalawa.

Napasinghap siya nang maramdaman ang pagdiin ng kung anong matulis na bagay sa kanyang tiyan. Napahawak siya sa lalaking sumaksak sa kanya. Nagawa niyang matignan ito sa mga mata. Muli siyang napasinghap nang muli nitong isinaksak ang matulis na bagay na 'yon sa kanya.

Nalasahan niya ang dugo sa kanyang bibig. Kasabay nun ang panlalabo ng kanyang mga mata. Tila mga bulong na lamang ang mga naririnig niya sa paligid.

Bakit?

"R-Rave..." bulong niya.

Sino ang taong 'yon?

"Laura!"

Bakit niya ako sinaksak?

Binitiwan siya ng lalaki at mabilis itong naglakad palayo. Tuluyan na siyang nawalan ng lakas. Ramdam niya ang masakit na pagbagsak niya sa sementadong daan. Nabasag sa harap niya ang jar kung saan nakasilid ang mga paper planes na bigay sa kanya ni Rave. Kumalat ang mga 'yon sa daan.

Napahawak siya sa duguan niyang tiyan. Ilang beses siyang inubo ng dugo. Kasabay nang panlalabo ng mga mata niya ang mga luhang kumawala sa mga mata niya.

"Rave..."

"Laura!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro