Kabanata 16
NAGISING si Laura na wala na sa tabi niya si Rave. Inayos niya ang pagkakabalot ng kumot sa kanyang katawan saka iginala ang tingin sa buong paligid.
Na saan kaya si Rave?
Napansin niya agad ang puting t shirt ni Rave na suot nito kagabi. Inabot niya 'yon sa may paanan ng kama at isinuot. Maluwag at malaki 'yon sa kanya at hanggang sa itaas lang ng tuhod niya.
Bumangon siya mula sa kama at tinungo ang direksyon ng banyo. Hindi pa siya nakakalapit sa may pinto nang maramdaman niya ang mainit na mga bisig na pumaikot sa baywang niya.
Napaawang ang labi niya sa gulat.
Alam niya ang amoy na 'yon. Pati ang mainit na hininga na tumatama sa sensitibong balat niya sa leeg.
"Laura," anas nito sa may tainga niya. "Marry me."
Natigilan siya sa sinabi nito. Bago paman siya makapagsalita ay marahan na siya nitong pinihit paharap dito. Nakangiti ito sa kanya. Naalala niya ang nangyari sa kanila kagabi. Buong gabi siya nitong inangkin. Buong gabi nilang pinadama ang pagmamahal sa isa't isa. Kahit 'di man 'yon sabihin ni Rave, ramdam niya sa mga kilos nito ang espesyal na pagmamahal nito sa kanya.
At buong puso niyang ibinigay ang sarili kay Rave sa ikalawang pagkakataon. Sa pagkakataon na 'yon, hindi na dahil sa trabaho, kundi dahil mahal na niya ito.
At hindi niya kailanman 'yon pagsisihan. Kahit ano pa man ang mangyari sa kanila pagkatapos.
"Rave?"
"Let's get married and do this right, Lar. I want to be your husband for real. I want you to be Ross's mother. I want to start everything with you, Laura."
Hindi niya sadya pero hindi niya napigilan ang mapaluha sa tuwa. Sobra-sobra ang saya na nararamdaman niya. Pinupuno ng mga magagandang salita na 'yon ng saya ang kanyang puso.
Ano bang ginawa niya para bigyan siya ng Dios ng isang Rave? Isang taong tanggap ang buong pagkatao niya. Isang taong gusto siyang maging parte ng buhay nito.
"Please, marry me."
At sino ba naman siya para tanggihan ang pagmamahal na 'yon mula kay Rave? Ito ang anghel na ibinigay ng Dios sa kanya. Ang gwapong anghel na bumago sa buhay niya at nagbibigay sa kanya ng pag-asa para muling bumangon at mabuhay.
Ang kanyang Rave.
Hilam ang mga luha na tumango siya. "Oo, Rave. Magpapakasal ako sa'yo."
Niyakap siya nito nang mahigpit at maka-ilang beses na hinalikan siya sa mga labi. Tawa at iyak lang ang nagawa niya habang pinaggigilan siya ng halik ni Rave.
"Thank you Laura," anito sa pagitan ng mga halik. "Thank you for giving me another chance to be happy. Thank you for saving me." Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi bago hinuli ang mga tingin niya. "We will make this work. I can't promise you a perfect life, but I will do my best to give you everything... to make you happy."
Nakangiting tumango siya. Ipinatong niya ang mga kamay sa likod ng mga kamay nito na nakahawak pa rin sa mga pisngi niya.
"Hayaan mong gawin ko rin ang parte ko. Maasar at maiinis ka sa akin. Magagalit at mabu-bwesit ako sa'yo. Pero tandaan mo na mahal na mahal pa rin kita kahit na mag-away pa tayo."
Sumilay ang isang napakagandang ngiti sa mukha nito.
"Na saan ka ba sa limang taong lumipas?"
"Nasa Cebu, nagtitinda ng mga gulay para may panligaw ako sa'yo."
Malakas na natawa si Rave sa sagot niya. "Naubos ba naman ang mga tinda mo?"
"Oo naman, ako pa. Dami ko kayang suki."
"MAMA, uuwi po ba nang maaga si Daddy today?" masiglang tanong ni Ross habang magkahawak kamay silang naglalakad papunta sa parking lot kung saan naghihintay sa kanila si Kuya Edwin.
Kakatapos lang ng klase ni Ross.
"Sabi ng daddy mo, maaga raw siya. Mag-di-dinner daw tayo sa labas mamaya."
"Yehey! Excited na po ako. Sa Jollibee po ba?"
Natawa naman siya. "Okay lang sa akin kung sa Jollibee, pero 'di ko alam sa daddy mo. Hintayin na lang natin siya sa bahay mamaya, okay?"
Yumakap sa baywang niya si Ross.
"Mama Lara, sana po, maging real mama na po kita. Lagi po kasi happy si Daddy kapag kasama ka po namin. Saka, happy din po ako kapag hinahatid mo po ako at kayo po nagpi-prepare ng snacks ko. My classmates envies me nga po kasi lagi raw akong may baon at snacks."
Lumaki ang ngiti niya. "Gusto mo ba talaga akong maging real mama?"
Mabilis na tumango si Ross. "Yes po!"
"Ako rin, sabihin natin sa daddy mo, sagutin na niya ako," biro pa niya.
Hahayaan niyang si Rave na ang magsabi kay Ross.
"Po?"
Natatawang ginulo niya ang buhok ni Ross. "Wala, halika na. Umuwi na tayo."
"Basta Mama Lar, mahal po kita."
"Love na love din kita, baby."
"Ma'am Lara."
Natigilan sila nang marinig ang boses ni Kuya Edwin. Sabay na naingat nila ang tingin sa harap. Napansin niya agad ang pagka-ilang sa mukha at kilos ni Kuya Edwin. Tila ba problemadong-problemado ito at hindi nito alam ang gagawin. At doon niya napansin ang dalawang matanda na kasama nito. Pamilyar ang mga mukha ng mga ito pero hindi niya maalala kung na saan nga ba niya nakita ang mga ito.
"Lola! Lolo!" bigla ay sigaw ni Ross.
Mabilis na bumitaw si Ross sa kamay niya at patakbong yumakap sa dalawang matanda. Lolo? Lola? Natigilan siya. Hindi kaya... ito ang mga magulang ni Hannah?
"I believe you're," basag ng ginang. "Rave's new wife?"
"Opo," magalang niyang sagot. Inilahad niya ang isang kamay sa ginang. "Ako po si Lara –"
"I see." Natigilan siya sa tuno ng pananalita nito. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagpasada ng tingin ng matandang babae sa kanya.
Ibinaba na lamang niya ang nakalahad na kamay dahil mukha wala naman yata itong balak na makipagkamay sa kanya. Nakadama siya ng pagka-ilang. Inaamin niyang nasaktan siya uri ng tingin nito sa kanya. Para bang, ang baba ng tingin nito sa kanya.
"Isasama na muna namin si Ross," pag-iiba nito. "Tinawagan na namin si Rave. Alam na niya na pupuntahan namin ang apo namin."
"Sige po, ipapaalam ko na rin ho sa kanya."
"We will just call Rave if ever," dagdag pa ng lolo ni Ross. Seryosong-seryoso ang mukha nito. Halatang 'di rin siya gusto ng matanda. "You don't need to worry."
"Lolo, lola, saan po tayo pupunta? Can Mama Lara come with us?"
"Sa bahay Ross," sagot ng lola nito. "We'll visit your mother as well."
"We're afraid, we can't bring Lara. Sa susunod na lang," dugtong ng lolo nito.
Pilit siyang ngumiti. "Sige na, baby. Sumama ka na sa kanila. Saka mukhang miss na miss ka na rin ng lola't lolo mo."
"But what about our dinner later with daddy?" malungkot na tanong nito.
"Next time na lang, marami pa namang araw e. Spend time ka muna sa lolo't lola mo kasi kakarating lang nila. Tatawag sa'yo ang daddy mo mamaya." Lumapit sa kanya si Ross at yumakap sa baywang niya. "Behave ka, huwag ka masyadong magkukulit doon, okay?"
Nakangiting inangat ni Ross ang mukha sa kanya. "Mama Lara, bye po."
"Bye." Yumuko siya para magawaran ng halik sa noo si Ross. "Pakabait ka."
"Halika na Ross." Ang lola na mismo nito ang kumalas ng pagkakayakap ng bata sa kanya.
Nanikip ang dibdib niya na makita si Ross na inilalayo sa kanya ng dalawang matanda. Alam niya na wala siyang karapatan sa bata pero sana naman, 'di naging ganoon ang pinakita ng dalawa sa kanya sa harap ni Ross.
Napabuga siya ng hangin nang makaalis na si Ross kasama ng lolo't lola nito.
"Ma'am Lara?"
Hinarap niya si Kuya Edwin. "Kuya Edwin, magpapahangin lang muna ako. Pero huwag n'yo pong sabihin kay Rave na 'di n'yo ako kasama."
"Pero ma'am, magagalit po kasi si Sir Rave kapag hinayaan ko po kayong mag-isa."
Ngumiti siya rito. "Hindi ho, ako ho ang bahala sa'yo. Kaya ko na ho ang sarili ko. 'Di naman ako lalayo. Magpapahangin lang muna ako."
Napabuntonghininga ito. "Sige, pero, tatawagan mo ako kung uuwi ka na para masundo kita. Mahigpit ang bilin sa'kin ni Sir Rave na huwag kang hahayaang umalis na mag-isa."
Tipid na tumango lamang siya.
KANINA pa palakad-lakad si Laura sa daan. Maraming bumabagabag sa isip niya. Ang nakita niyang disgusto sa mukha ng mga magulang ni Hannah. Ang sitwasyon nila Rave. Ang kasinungalingang pinaniwalaan ng magulang ni Rave.
Ngayon lang nag-sink-in sa kanya ang lahat.
Ano na lang ang iisipin ng ina ni Rave sa kanya? Malaki na ang naitulong ni Rave sa kanya. Halos utang na niya ang buong buhay niya rito. Hindi na nga niya alam kung paano pa niya mababayaran ang lahat ng 'yon. Hindi man humihingi ng kapalit si Rave sa mga naitulong nito sa kanya, syempre, para sa kanya, kahit kaonti, kailangan niyang bayaran ito.
Mahal niya si Rave.
Pero mukhang gusto na niya yatang mag-back-out sa lahat ng kung anong mayroon sa kanila ngayon. Parang ngayon niya gustong pagalitan ang sarili dahil masyado niyang kinunsenti ang sariling damdamin.
Gusto niyang kutusan ang sariling iniisip. Kung nababasa ni Rave ang iniisip niya, tiyak, magagalit ito sa kanya o 'di kaya ay maiinis. Marahas na napabuntonghininga siya.
Bigla-bigla ay natigilan siya nang may maramdaman siyang kakaiba. Bigla ay napalingon siya sa likod. Madaming tao na naglalakad sa sidewalk na 'yon, pero bakit feeling niya may nakatingin sa kanya? Na may sumusunod sa kanya?
Napasinghap siya nang biglang may bumangga sa kanya.
"Sorry miss," hinging paumanhin ng lalaking nakabangga sa kanya.
"Okay lang –" Pero tila nagmamadali ang lalaki at dire-diretso lang ito sa paglalakad. Hindi nakaligtas sa kanya ang mukha ng lalaki. Naikiling niya ang ulo sa kaliwa. Bakit pamilyar sa kanya ang mukha ng lalaking 'yon? "Nakita ko na ba siya dati?"
Umagaw sa atensiyon niya ang pag-ring ng cell phone niya. Mabilis na kinuha niya ang cell phone sa bulsa ng pantalon niya. Numero ni Mykael ang rumihistro sa screen. Sinagot niya ang tawag nito.
"Mykael?"
"Where are you?"
"Nasa bahay."
"Liar!" Natigilan siya sa naging sagot ni Mykael. Paano nito nalaman na wala siya sa bahay? "I can see you Laura."
Naigala niya ang tingin sa paligid. "Nakikita mo ako? Na saan ka?"
"Look to your right," utos nito. Naibaling niya ang tingin sa direksyong sinabi nito. Nakita niya agad si Mykael na nakatayo sa kabilang kalsada. Itinaas nito ang isang kamay at kinawayan siya. "You're just across Mind Creatives, Laura. Why are you alone? 'Di ba bawal kang mag-isa?"
"Mahabang kwento."
"I have all the time in the world. Want coffee?"
"I SEE, they're back."
"Nakwento kasi ni Kevin sa'kin ang tungkol sa relasyon ni Rave at ng mga magulang ni Hannah. Sabi niya kasi, simula nang mamatay si Hannah, 'di na naging maganda ang relasyon nila."
Niyaya siya ni Mykael sa loob ng opisina nito. Muli ay namangha siya sa interior design ng opisina nito. Syempre, magpapahuli ba naman ang opisina ni Mykael? Minimal design pero nandoon pa rin 'yong feeling na makakapagsabi ka talaga na masarap magtrabaho.
Mixture of white and mint green ang kabuoan na kulay ng opisina nito. Mula sa floor to ceiling na glass panel wall ay matatanaw ang papalubog na araw at unti-unting pagkalat ng mga iba't ibang kulay ng mga ilaw sa mga kalapit na mga gusali.
"Even when Hannah was still alive, hindi na nila gusto si Rave para sa anak nila. May sarili kasing isip si Rave. Isa sa mga rason kaya ayaw nila rito. Wala itong pakialam sa opinion ng ibang tao. He was a bit full of himself, in a good way. Although Rave's decisions and actions are well thought of... he still has this tendency to act on impulse when he's mad or in love."
"Protective kasi ang parents ni Hannah, only child, plus she has congenital heart disease. They thought Rave was a bad influence on their daughter. Because of Hannah, Rave changed himself. He took up three bachelor degrees just to prove to her parents na kaya niyang buhayin si Hannah. Wala naman talaga kasing balak na kumuha ng business course si Rave. He was only interested in Fine Arts and Film production. Good thing, he's smart. He chose to be independent even though Tita Em and Tito Alfred are okay with his decisions. That's one of the reasons why Rave is confident with what he's doing. He did not depend on anyone, kaya wala siyang dapat pagbayarang utang na loob. It works better for him that way."
"Pero mali naman kasi na husgahan agad nila si Rave nang ganoon. 'Di niya naman kasalanan kung bakit nangyari 'yon kay Hannah. Sino ba namang may gusto na mamatay ang taong mahal na mahal mo?"
"Hannah is so precious to them –"
"Bakit kay Rave, hindi ba? Asawa niya si Hannah. Mahal na mahal niya 'yon. Sa tingin ba nila naging madali kay Rave ang pagkawala ng asawa niya?"
"Maybe because they never saw Rave cry. Kahit nang mamatay si Hannah, ni minsan 'di namin siya nakitang umiyak."
"Isa sa mga malungkot na taong nakilala ko ay ang kaibigan n'yo. Alam n'yo kung gaano siya naghirap at nasaktan. Minsan kasi, hindi dahil 'di n'yo nakitang lumuha ang isang tao, 'di ibig sabihin ay wala siyang nararamdaman, o 'di kaya bato ang puso niya. Nasasaktan sila, pero 'yong sakit na 'yon, 'di nila kayang ipakita sa ibang tao. Una, dahil ayaw nilang masaktan at malungkot ang mga taong nagmamahal sa kanila. Pangalawa, dahil 'di nila gustong ipakita na mahina sila. O 'di kaya, may ibang rason kung bakit 'di n'yo nakitaan ng kahinaan si Rave."
"I know Laura, but please, don't tell him I told you about this."
Natural na mapagbiro si Mykael pero sa oras na 'yon seryosong-seryoso ito. Ganoon din si Kevin, lagi nitong pinapaalala sa kanya na huwag sabihin kay Rave ang mga na-i-kuwento nito tungkol kay Hannah at sa buhay nito.
"Huwag kang mag-alala, 'di ko babanggitin sa kanya ang mga sinabi n'yo ni Kevin."
"Thank you."
"ARE YOU okay?" Agad siyang niyakap ni Rave nang salubungin niya ito sa pinto. "Did they said something bad?" Gumanti siya ng yakap dito.
"Okay lang ako. Huwag mo akong alalahanin."
Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Ramdam niya ang bigat ng nararamdaman ni Rave nang mga oras na 'yon.
"Rave, okay ka lang ba?"
"I'm tired."
"Pwede kang magpahinga na muna sa kwarto."
"Let's stay like this for a while."
"Alam mo, pwede ka namang magkwento. Makikinig ako."
"You don't need to worry about me. I'm fine."
"Alam ko."
"I suddenly missed Ross."
"Ako rin, kaya tawagan mo muna si Ross. Hinihintay niya tawag mo."
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Umangat ang isang kamay nito sa pisngi niya at tinitigan siya. Nakangiti ito pero kitang-kita pa rin ang lungkot at pagod sa mukha nito. Gusto niyang pawiin ang lungkot sa mga mata nito. Kung kaya lamang niya.
"Okay, I'll do that."
Binigyan siya nito nang mabilis at magaan na halik sa labi.
"I'm tired, but thank you for cheering me up, Laura."
"Welcome."
"And I almost forgot." Mula sa bulsa ng slacks nito ay inabot nito sa kanya ang isang paper plane. Ang ika-anim na paper plane. Tinanggap niya 'yon. "I'll change first. May pagkain pa ba?"
Tumango siya. "Ipag-iinit kita ng pagkain para makakain ka na."
"Thanks."
NANG makatulog na si Rave ay tahimik na bumaba siya at nagtungo sa library ng bahay. Naalala niyang doon itinago ni Rave ang mga picture frames at photo album nito kasama si Hannah.
Hindi niya alam kung bakit 'di pa rin ikinukwento ni Rave sa kanya ang tungkol rito at sa yumao nitong asawa. Lasing si Rave nang ikuwento nito nang kaonti ang tungkol sa buhay nito. Kailangan pa ba niyang lasingin si Rave para may mahita siyang kwento rito?
Gusto lang naman niyang maramdaman ni Rave na hindi ito nag-iisa. Na marami silang nakakaintindi rito. Hindi niya alam kung bakit hindi nangingialam sila Kevin at Mykael kapag nababanggit ang tungkol sa nakaraan o tungkol kay Hannah. Kahit 'di sabihin ng dalawa, may kutob na siyang, may hindi binabanggit ang dalawa sa kanya. O 'di kaya ay may nangyari sa tatlong 'yon noon.
Naupo siya sa sofa sa library at isa-isang tinignan ang laman ng photo album.
Habang binabalikan ang nakaraan na hindi pa naiku-kwento sa kanya ni Rave. Hindi niya mapigilan ang makadama ng lungkot. Masayang-masaya ang Rave sa mga larawan na 'yon. 'Yong saya na gustong-gusto niyang makita. 'Yong saya na gusto niyang ibalik sa mukha nito.
Hindi niya namalayan ang mga luhang umalpas na mula sa kanyang mga mata. Iba ang saya nito kapag kasama si Hannah. Totoo. At hindi kababayaran.
Naalala niya ang tanong ni Mykael sa kanya kanina.
"Minsan ba Laura, naikumpara mo ang sarili kay Hannah?"
"Hindi," mabilis niyang sagot. "Wala namang dapat ipagkumpara, Mykael. Iba si Hannah. Iba si Laura. Magkaiba kami. Ang layo-layo namin sa isa't isa."
"Sana nga, ay totoo 'yang sinabi mo."
"Totoo, huwag kang malisyoso. Alam ko sa sarili ko kung ano lang ako. Kung ano lang ang kaya kong ibigay."
Pero baka tama nga si Mykael?
Baka pinapaniwala niya lang ang sarili niya sa kasinungalingang 'di niya kailanman maikukumpara ang sarili sa dating asawa ni Rave.
Nanikip ang dibdib niya sa reyalisasyon na 'yon.
Sino lang ba siya kumapara kay Hannah? Kung tutuosin ay wala siyang maitutulong kay Rave. Puro problema lang ang ibinigay niya rito. Siya na hanggang high school lang ang natapos. Anak sa ibang lalaki ng nanay niya. Laki sa hirap at dating nagta-trabaho sa bar ng tiyahan niya.
Ano bang meron sa isang Laura Capili? Ano bang maipagmamalaki niya?
Wala.
Pero heto siya, iniisip na bagay na bagay silang dalawa ni Rave.
Ang laki niyang katatawanan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro