Kabanata 15
HABANG naglilinis ng working room ni Rave si Laura, aksidente niyang napatid ang trash bin nito sa may mesa nito. Kumalat ang mga nakalamkumos na papel sa sahig. Mabilis na naupo siya para linisin ang kalat.
Natigilan siya nang mabasa ang pangalan niya sa ilan sa mga papel. Bakit naman kaya may pangalan niya roon? Alam niyang sulat kamay 'yon ni Rave. Limang papel lang naman 'yong nasa loob kaya inabala na rin niyang basahin ang mga 'yon.
'Yong unang nabasa niya. Mukhang bored lang talaga si Rave. Puro Laura lang ang isinulat nito. Parang nag-doodle lang ito ng pangalan niya. Baliw 'yon. Talagang pangalan pa talaga niya ang pinag-trip-an.
'Yong pangalawa, natawa siya. Nakasulat doon ang, Laura likes me. Laura likes me not. At ang huling nakuhang sagot nito ay Laura likes me not. Halatang pinanggigilan ni Rave ang huling mga salita. May malaking 'x' pa sa katawan ng papel. Baliw.
'Yong pangatlo, malaking Laura lang talaga ang isinulat nito pero may heart. Cute nitong si Rave. Akala niya pa naman, busy 'yon kagabi. Kung anu-ano lang pala sinusulat nito.
'Yong pang-apat naman, nag-drawing ito ng airplane. Hindi lang simpleng airplane dahil effort talaga ang pagkaka-drawing nun. Halatang artist talaga ang gumawa. May lalaking naka-uniform na piloto na nilambitin sa may puwet ng eroplano. Natawa siya nang mabasa ang pangalan ng piloto, Mark Ashley. Nakasulat 'yon sa ibaba ng mga paa nito.
Sa ibaba nung eroplano may cute na batang lalaki. Malaki ang ulo at medyo chubby ang katawan. Hindi siya pwedeng magkamali, si Rave 'yong batang drawing. Kamukha kasi nito 'yong drawing. Demonyong-demonyo ang ngiti nito. Hindi niya mapigilan ang matawa nang sobra. Loko! Dinibdib talaga ni Rave ang malaking crush niya doon sa fictional character.
At sa pang-limang papel.
Isang malaking Rave <3 Laura ang nakasulat.
Natatawang natutop niya ang noo. Hindi niya tuloy alam kung paano pa titignan nang diretso sa mga mata ni Rave nang hindi natatawa. Feeling niya kasi, maalala niya ang mga isinulat ni Rave kapag nakita niya ito. Good luck!
Matago nga 'to, sayang, remembrance din 'to ng pagmamaganda niya.
"MAY NAKAKATAWA ba sa mukha ko, Laura?"
Mabilis na umiling siya. "Wala po."
Kanina pa siya nagpipigil ng tawa. Natatawa talaga siya. Hindi niya mapigilan. Pero wala siyang balak na ipaalam dito ang na diskubre niya sa trash bin nito kanina. Secret lang 'yon.
"Ang galang mo, ah?"
May paghihinala sa tingin na ibinigay ni Rave sa kanya.
"Wala nga, naalala ko lang 'yong nabasa kong jokes sa dyaryo kanina."
"Ano?"
"Basta, huwag mo na lang tanungin kung ano 'yon. Waley na kapag ako pa ang nagsabi."
"I won't mind hearing it though."
"Huwag na kasi, ang kulit. Kumain ka na riyan." Nakaharap siya rito. Nagsimula na rin itong kumain sa inihanda niya para rito. "Kumusta araw mo?" pag-iiba niya, ginabi na naman kasi ito.
Sa halip na sagutin siya ay sumilay ang isang ngiti sa mukha ni Rave. Hala, baka may good news. Na excite siya bigla sa reaksyon nito at napangiti.
"O, bakit? May masaya bang nangyari? Na close n'yo na ba ang deal?"
"Not yet."
"Hindi pa?" Nalungkot naman siya agad. "E, bakit masaya ka?"
"'Cause you asked me about my day."
"At?"
"I'm just happy."
Ilang beses siyang kumurap at inisip kung anong meron sa tanong niya rito pero wala talaga siyang maisip. Baka masaya lang talaga 'tong si Rave.
"Bahala ka riyan."
Bahagya lang itong natawa sa naging reaksyon niya. "Ikaw, kumusta ang araw mo? Si Ross, makulit na naman ba? What about his assignments?"
"Huwag mo nang alalahanin si Ross. Ang talino ng batang 'yon. Ang dami kong natutunang Ingles sa kanya," natatawang kwento niya. "Nakaka-proud."
"Really?"
"Oo naman, pero huwag ka na lang humingi ng sample." Isinandal niya ang dalawang braso sa mesa. "Masarap ba?" Tumango ito. "Mukhang gutom na gutom ka, ah. 'Di ka ba nag-snacks man lang?"
"Had a long meeting, 'di ko na napansin ang oras."
"Sige, titirhan na lang kita ng pagkain."
Iniangat ni Rave ang mukha sa kanya. "Bakit ba feeling ko nakikipag-usap ka sa pusa?"
Ngumisi siya. "Gwapong pusa."
"Sige bumawi ka pa sa'kin."
"Sobrang gwapong pusa."
"Hmm," kumunot lang noo ni Rave.
Hala, na badtrip yata.
"Pusa, poging nag-iisa." Pero mukhang 'di naman 'yon bumenta kay Rave. "Sa puso ko," dagdag niya. Sige Laura, i-push mo pa.
"Fine, apology accepted." Yes! "Lar, favor."
"Ano 'yon?"
"Can you get my bag inside the car?"
"Sige."
"Thanks, here's the key." Mula sa bulsa ng pants nito ay inabot ni Rave sa kanya ang susi ng sasakyan. "Balik ka kaagad."
"Ma-mi-miss mo ako?"
"It depends."
"Ay sus!" Tumayo na siya at iniwan si Rave sa dining room.
Lumabas siya ng bahay at tinungo ang sasakyan sa garahe. Pagkabukas niya sa front seat ay bumungad sa kanya ang isang bouquet ng iba't ibang kulay ng mga rosas. Umuwang ang labi niya sa sobrang pagkamangha.
Ang ganda! Para sa akin ba 'to?
Kinuha niya ang mga bulaklak at inamoy ang mga ito. Mukhang fresh pa ang mga rosas. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti. Binasa niya ang maliit na note na kasama ng mga bulaklak.
Do you like the flowers? A. Yes, I like them but I like you more. B. Yes, they're beautiful, Rave. So beautiful that I couldn't help but kiss you right now. C. Yes, thank you, I appreciate it. Let me thank you with a kiss. D. All of the above.
Wow, ha?
"So what's your answer?"
Napasinghap siya sa gulat nang maramdaman ang mainit na hininga ni Rave sa may tenga niya nang bumulong ito sa kanya. Napalingon siya sa likod at bumungad agad sa kanya ang nakapamulsang si Rave.
"Rave?!"
"Do you like the flowers?" nakangiting tanong sa halip na pansinin ang reaksyon niya kanina. "What's your answer?"
"'Yon lang ba ang choices? Wala bang, plain thank you lang?"
"I believe none, dear."
"A, gustong-gusto ko ang mga bulaklak, pero mas gusto kita," nakangiting sagot niya. 'Yon lang ang walang kiss sa choices e. Pero! Tumingkayad siya para mahalikan ito sa pisngi. Bonus na lang 'yong kiss ko sa pisngi niya. Tandaan, nagmamaganda ang lola. "Thank you. First time ko na makatanggap ng madaming mga bulaklak."
"You're welcome. Here." Mula sa bulsa nito ay inilabas nito ang isang paper plane. Naalala na naman niya 'yong eroplanong drawing ni Rave. Naglapat ang mga labi niya sa pagpipigil ng tawa.
"Panglima na 'to. Salamat."
"There are things that I couldn't say to you, Lar. But believe me when I say that, you mean so much to me."
Sobra siyang natigilan sa sinabi nito. Ito ang unang pagkakataon na may ibang taong sobrang na appreciate siya. Na itinuturing siyang espesyal sa buhay nito. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Sakabila ng pagbabanta ng mga luha ay nagawa pa rin niyang ngumiti kay Rave.
Damang-dama niya sa kanyang puso ang bawat magagandang salitang binitiwan nito sa kanya. Masaya. Sobra siya nitong napasaya sa mga sinabi nito.
"Thank you."
KANINA pa napapansin ni Laura ang panaka-nakang pagsulyap ng anak ni Mr. Go na si Liam sa kanya. Hindi siya naiilang dahil wala naman siyang makitang malisya sa uri ng tingin nito.
Kanina nang ipakilala silang dalawa ni Ross ni Rave sa mga Go ay napansin na niya agad ang gulat na reaksyon ni Liam. Hindi niya alam kung bakit, pero naalala niya rito ang unang reaksyon ni Mr. Go nang una silang magkita sa Sanjercas.
Hindi kasama ng anak ni Mr. Go ang asawa nito dahil kapapanganak pa lang ng asawa ni Liam. Mabilis naman na nagkasundo sila Ross at ang anak na babae ni Liam na si Keziah. Magkasing-edad lang ang mga ito.
Mabait naman ang dalawa, kapag tungkol sa business ang topic ay si Liam at Rave ang nagkakaintindihan. Paminsan-minsan ay sumasabat si Mr. Go pero hinahaluan naman ng matanda ng biro ang mga suhistiyon at opinyon nito.
Sa tingin niya ay mabait naman ang mag-ama. Malakas ang kutob niyang mako-close ni Rave ang deal sa pagitan ng mga Sanjercas at Go. Habang nag-uusap ang tatlo ay inabala na lamang niya ang sarili kay Ross.
"Let's not talk about business anymore," singit ni Mr. Go sa pag-uusap nila Liam at Rave. "So Rave," baling nito kay Rave. "I never heard you have remarried. You should have invited us."
"I'm sorry, I would love to, if only I was able to wait a little longer." Nakangiting ibinaling ni Rave ang tingin sa kanya. "It was just a simple wedding with my friends and family."
"I see, but allow me to still, congratulate the both of you." Ibinaling naman ni Mr. Go ang tingin sa kanya. May kakaiba sa ngiti nito na 'di niya maintindihan. Katulad 'yon sa uri ng tingin na ibinibigay ni Liam sa kanya. Hindi niya maipaliwanag pero ramdam niya ang lambing ng mga ngiti at tingin ng mga ito sa kanya. "You have such a beautiful wife, Rave. Mukhang mabait, malambing at maalaga pa."
"She is."
Ngumiti siya kay Rave.
"Mabait din po si Rave. Sweet saka mabuting asawa," magiliw na kwento niya. "Judgmental nga lang saka masungit noong una pero nang makilala ko na siya. Ang bait pala niya. Siya po kasi 'yong klase ng lalaki na 'di po showy – kumbaga, mysterious type. Pero sobrang talented po nitong asawa ko. Hindi lang siya magaling sa business, magaling din po siyang mag-drawing saka magsulat."
"Talaga ba?" tuwang-tuwang reaksyon ni Mr. Go sa kanya.
"Opo, para sa akin, siya po ang anghel na ibinigay sa'kin ng Dios."
"Your wife is really sweet, Rave," hindi napigilang komento ni Liam na may ngiti. "I wish my wife had that sweetness in her bones. Puro singhal lang nakukuha ko sa asawa ko," natatawang dagdag pa ni Liam.
"Hormones lang 'yon ni Cloe, anak."
"Hindi na yata," he chuckled.
"Don't worry Liam, hindi ka nag-iisa, may pagka-amazona din 'tong asawa ko. Hindi lang halata."
Pinaningkitan niya ng mga mata si Rave. "Sino ba nauuna?"
"Sino, ako?" maang-maangan pa nito sabay turo sa sarili nito. "Ang bait ko kaya."
"Saan banda?"
"Kapag tulog po," nakangising singit ni Ross bigla na siyang ikinatawa ng lahat.
'Yan nga Ross, kampihan mo ako.
"AM I MAKING you uncomfortable, hija?"
Naiangat niya ang tingin kay Mr. Go. Nasa entrance sila ng restaurant habang hinihintay sila Rave at Liam na kinukuha ang kanya-kanyang sasakyan. Hawak niya ang isang kamay ni Ross na mukhang inaantok na sa tabi niya.
"Ho?"
"Baka ko ay naiilang ka sa amin ng anak ko."
Umiling siya. "Hindi naman ho. Bakit n'yo naman ho 'yon nasabi?"
"Sa totoo lang, hija. Kamukha mo ang isang babaeng nakilala ko noon. Medyo hawig mo rin ang yumao kong anak na babae na si Lucy. She died because of brain tumor five years ago. Magkasing-edad lang siguro kayo kung nabubuhay pa siya."
"Alam ko po ang feeling ng mawalan ng pamilya. 'Yong nanay ko po kasi namatay sa panganganak sa kapatid ko. Lumaking may heart congenital desease si Lawrence. Pero okay na po siya ngayon, salamat kay Rave." Hindi niya napigilan ang mapangiti sa kabila malungkot niyang buhay. "Lahat ng mga sinabi ko kanina, totoo po 'yon. Biyaya sa akin ang makilala ang isang Rave. Kaya araw-araw kong ipinagpapasalamat sa Dios na nakilala ko siya."
Sumilay ang isang ngiti sa mukha ng matanda.
"That's good to hear, Lara. Sa panahon ngayon, mahirap nang makahanap ng isang taong kayang magmahal nang totoo. I've heard so much about Rave and I didn't expect him to be this happy and smiley. Sabi kasi ng iba ay seryoso at mailap sa tao si Rave. But I'm glad, he's okay now. Mukhang malaki ang impluwensiya mo sa kanya. Life has been tough with that kid. I'm happy to see him restarting his life again with a smile. Pero huwag mong sabihin sa kanya ang mga sinabi ko tungkol sa kanya." Mahina itong natawa. "Sekreto lang nating dalawa 'yon."
Mukhang 'di naman 'yon gaanong narinig ni Ross dahil panay na ang pagkurap ng mga mata nito sa antok. Napangiti siya sa mga sinabi nito. Tama nga si Rave, mabait si Mr. Go.
"You're a blessing to each other. I will pray for your happiness, Lara."
"Salamat po."
Sakto namang dumating na sila Rave at Liam. Magkasunod lang na ipinarada ang mga sasakyan sa harap nila.
"I believe, this wouldn't be the last time we'll see each other."
"Feeling ko rin po."
Naniniwala po kasi ako na kayang ma-i-close ni Rave ang business proposal sa inyo. Ang Rave ko pa. Galing kaya nun... mag-drawing ng airplane.
Natawa lang ang matanda sa kanya.
"Good night, hija."
"ANONG pinag-usapan n'yo ni Mr. Go?" basag ni Rave sa loob ng kotse.
Nasa likod silang dalawa ni Ross. Nakatulog na sa hita niya ang bata. "Ah, 'yon? Tinanong niya lang kung naiilang ba ako sa kanila. Napapansin ko kasing iba sila makatingin."
"I noticed that too." Tinignan siya nito saglit mula sa rearview mirror. "Bakit daw?"
"Sabi niya lang may kamukha raw ako. Kamukha ko raw 'yong kakilala niya noon. Saka may hawig din daw ako sa yumao niyang anak na babae. Mukhang 'yon din ang napansin ni Liam kaya panay rin ang tingin niya sa akin. Nakita mo na ba 'yong anak ni Mr. Go, Rave?"
Umiling ito. "No, I haven't seen Lucy in person. Ang alam ko lang, labas pasok siya sa ospital noon. Masyadong pribado ang pamilyang Go."
Napatango-tango siya. "Kaya pala."
Kung siya rin 'yon, ganoon din yata ang magiging reaksyon niya. Maiiyak siguro siya kapag may nakita siyang kamukha ng nanay niya.
"Ang dal-dal mo kanina, ah?" Kahit 'di niya tignan si Rave, narinig niya ang pagngiti nito sa boses nito. "Totoo ba 'yong mga sinabi mo kanina?"
"Hindi, joke lang 'yon," pabalang niyang sagot.
Natawa ito sa naging sagot niya. "Thank you," bigla ay sabi nito.
"Para saan?"
"Para sa mga sinabi mo kanina. I'm touched."
"Totoo naman 'yon lahat. Judgmental ka naman talaga." Malutong na natawa si Rave.
"May linya ka pa nga, 'di ba?" She cleared her throat first saka sinubukang gayahin ang boses ni Rave. "I want to know you, Laura. I tend to judge things based on first impressions and second by experiences." Sauludo niya 'yon, nahirapan siyang i-digest 'yon sa utak. "Judgmental ka nga."
"Naalala mo pa 'yon?" manghang tanong nito.
"Mukha lang akong tanga, pero magaling ako sa memorization."
"I guess, I have judged you unfairly. You're smart. I have belittled you."
"Kasi napaka-judgmental mo."
"Sino ba 'yong babaeng malakas ang loob manghalik 'di naman pala marunong?"
"Hoy! Akala ko ba nagkaka-amnesia ka kapag nalalasing?"
"Kasalanan ko bang 'di ka magawang kalimutan ng isip ko?"
"Bahala ka sa buhay mo."
Natawa lang ulit si Rave sa kanya. "Ako bahala sa buhay mo."
"WALA ka bang ibang makausap Laura kaya ako ang ginagambala mo lagi?" kalmadong reklamo ni Kevin sa kanya habang umiinom ng milk tea. "Ako pa lagi nanlilibre sa'yo. Humingi ka kaya sa asawa mo. Yaman-yaman nun e."
"E, bakit 'di mo kaya i-invite sila Mykael at Peter para tatlo kayong mag-aambag-ambag sa pag-libre sa akin. Tsk." Napasimangot siya. "May choice ba ako? Ikaw lang naman lagi ang tambay sa ospital."
"Talino mo rin e. 'Di ba, doctor ako. Alangan namang sa Abs-Cbn ako tumambay o 'di kaya sa GMA?"
Sa huli ay natawa lang din siya sa magaspang na pag-uugali ni Kevin. Ang bait-bait nito sa kanya noon. Ngayon, binu-bully na siya nito lagi. Tsk.
"Matanong ko lang."
"Ano?"
"Paano ba manligaw ang isang Rave Sanjercas?"
"Manligaw? Si Rave?" Tumango siya. "Hmm, paano ba manligaw ang 'sang 'yon?" Sandali itong nag-isip. "Isang babae lang kasi nilagawan nun. Ikaw 'yong pangalawa."
"Si Hannah ba 'yan?"
Tumango si Kevin. "Oo, si Hannah lang naman kasi naging girlfriend ni Rave. Sa aming tatlo, huwag mo muna isali si Peter. Sampid lang 'yon sa pagkakaibigan namin." Malaki ba galit ni Kevin kay Peter? "Si Rave ang klase na hindi basta-basta na-i-in-love. Kaya kapag na agaw mo ang atensyon niya. Seryoso siya sa'yo."
"So paano nga?"
"He like sending hidden messages. Hindi kasi siya vocal sa mga nararamdaman niya o kung ano ang iniisip niya. He tend to relay the message in a different way. Minsan 'di 'yon nagi-gets ng ibang tao o kahit ni Hannah dati. May napansin din ako sa kanya noon. Mahilig siyang magbigay ng mga roses. At hindi lang 'yon basta-basta simpleng roses lang, Laura. May meaning ang mga roses na 'yon."
Naalala niya ang mga rosas na ibinigay sa kanya ni Rave.
"Anong meaning ng mga roses?"
"Colors, depende sa kulay ng mga rosas."
"Hindi ako pamilyar sa mga ganyan. Pero 'yong unang rose na ibinigay niya sa'kin ay pink. Ano meaning nun?"
"Pink rose, means admiration."
Natigilan siya. "Admiration?"
"Meaning, he admires you."
"'Yong pangalawa, iba't ibang kulay na."
"Meaning nun, sagutin mo na siya."
Napasimangot siya kay Kevin. "Seryoso ako, ha?"
"I'm also serious." Isinandal ni Kevin ang mga braso sa mesa. Salo ng isang kamay nito ang kalahati ng mukha nito. Mukha itong bored. "Laura, isa lang masasabi ko sa'yo. I-google mo lahat ng mga roses na ibibigay sa'yo ni Rave para malaman mo kung ano nga meaning nun. Huwag mo akong tanungin dahil unang-una, hindi kasama sa pinag-aralan ko ang bigyan ng meaning ang lahat ng bagay. Masakit 'yon."
"Humugot ka pa e."
"I'm just stating facts. Imaginen mo naman, Laura. Sa tuwing mag-o-opera ako ng mga pasyente manti-trip ako nang ganoon. Oh, this is your liver. A liver is a large lobed glandular organ in the abdomen of vertebrates, involved in many metabolic processes." Tawang-tawa siya sa sinabi ni Kevin. Loko talaga 'to. "And this is your heart, the heart is a hollow muscular organ that pumps the blood through the circulatory system by rhythmic contraction and dilation. Mapapatay ko yata ang pasyente ko sa tagal kong mag-define ng mga organs niya."
"Ewan ko sa'yo!" Tawang-tawa pa rin siya.
Pero natuwa siya sa mga nalaman niya tungkol kay Rave. Maasahan niya talaga sa ka traydoran si Kevin. Madaling mapakanta kahit laging high blood.
SUMILAY ang isang magandang ngiti sa mukha ni Laura nang makita ang sketch ng mukha niya sa mesa ni Rave sa loob ng working room nito. Hindi siya nakangiti sa drawing nito. Halata sa mukha niya roon ang pagkalito. Natawa siya. Ganoon pala mukha niya kapag nag-loading utak niya? Ba't ang ganda niya masyado sa drawing?
Kinuha niya ang sketch at ang puting rosas na kasama nun bago naigala ang tingin sa buong paligid. Saan kaya si Rave? Sabado naman, sabi nito day off ito. Ibinalik niya ang tingin sa drawing nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likod.
Natigilan siya nang maramdaman ang mainit na hininga nito sa may tenga niya.
"I want to start again, Laura," bulong nito sa kanya. "I want to be with you," dagdag nito na siyang nagpatigil ng puso niya ng ilang segundo.
Marahan siya nitong pinihit paharap dito. Hindi niya sigurado kung ano ang mararamdaman niya nang mga oras na 'yon. Magkahalong saya at takot. Hindi niya sigurado... pero alam niyang... mahal na mahal na niya ang lalaking nasa harap niya nang mga oras na 'yon.
"Rave?" halos bulong na lamang na tawag niya sa pangalan nito.
Hinuli nito ang mga mata niya. At nang magtama ang mga mata nilang dalawa. Nakita niya ang sinseridad ng mga sinabi nito sa kanya. Ramdam na ramdam niya 'yon sa kanyang puso. Kasabay nun ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mukha.
Itinaas niya ang isang libreng kamay para haplosin ang pisngi nito.
"Can I?"
Ramdam niya ang takot sa boses nito. Takot na baka mabigo ito. Takot na lumayo siya. Takot na tila ba mawawala siya sa buhay nito. Dahil doon, nanikip bigla ang dibdib niya. Parang dinurog ang puso niya nang makita ang takot sa mga mata nito.
Gusto niya, gusto niyang bigyan ng pagkakataon ang sarili na mahalin si Rave. Magka-iba man ang pinanggalingan at kinalakihan nila. Katulad ni Rave, hindi siya naniniwala na hadlang 'yon para sundin ang tinitibok ng puso.
Mahirap, oo. Pero handa siyang tanggapin ang lahat ng kaakibat na pagsubok sa pagsunod ng puso niya.
"Laura, can I love you for real?"
May ngiting tumango siya. Oo, Rave. Mahal din kita.
Ang kaninang takot sa mga mata nito ay napalitan ng saya.
Mabilis na sinakop nito ang mga labi niya ng halik na buong puso niyang tinugon. Ikinuwit niya ang mga braso sa leeg nito. Naramdaman naman niya ang isang kamay nitong pumulupot sa baywang niya. Hinapit siya nito lalo sa katawan nito at mas lalong pinailaliman ang halik.
Sa dami ng mali sa buhay niya... nang mga oras na 'yon... may naging tama rin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro