Kabanata 14
HINDI magkandaugaga si Laura sa pag-aasikaso sa mag-ama. Inihanda niya ang mga gamit ni Rave at ang damit na susuotin nito. Pinaliguan pa niya si Ross at binihasan ng uniform nito. Siya na mismo ang pumili at nagprepara sa snacks ni Ross sa bag nito.
Mabilis siyang nagbihis dahil ihahatid pa niya ang bata. Hindi sila makakasabay kay Rave dahil baka gabihin ito kaya 'yong isang sasakyan ang gagamitin nila at si Mang Edwin ang magda-drive. Kumakain na sa mesa si Ross, iniwan niya muna.
Binalikan niya sa itaas si Rave. Mali-late na ito kapag 'di pa ito bumaba. Hindi naman siya papayag na pumasok ito sa trabaho na walang laman ang tiyan.
Naabutan niya itong tutok ang atensyon sa hawak nitong cell phone. Napabuga siya ng hangin. Kaya naman pala, nasa cell phone pala ang atensyon kaya 'di matapos-tapos ang 'sang 'to.
"Rave," esksaherado niyang tawag rito. Nilingon siya nito nang hindi inaalis ang mata sa screen ng cell phone nito. "Mali-late ka na, tama na 'yang cell phone mo."
Lumapit siya rito at marahas na hinablot ang itim na necktie nito sa itaas ng kama.
"Wait, I'm just checking something –" Nagulat ito nang bigla niyang isuot sa leeg nito ang necktie. Sumilay ang isang ngiti sa labi nito.
"Mag-necktie ka na, huwag ka na ring umasa, 'di ako marunong niyan." Inagaw niya rito ang cell phone nito. "Ipapasok ko na 'to sa bag mo."
Hindi pa rin maalis ang ngiti nito habang inaayos ang necktie.
"Kumain ka ng dinner mamaya, ha? Alam kong busy ka, pero importante pa rin 'yong nakakain ka sa tamang oras."
"I will, para sa'yo." Sa huli ay napangiti na siya. "I called Kevin, sinabihan ko siyang samahan ka mamaya sa ospital."
"Bakit mo ginawa 'yon? Busy si Kevin, may pasyente rin siya."
"Kevin is one of your brother's doctors. Duty niya para ipaalam sa'yo ang development ng kondisyon ni Lawrence."
Lalaslasan na talaga ako ng apdo ng brutal na doktor na 'yon. Iti-text na lang niya ito na okay lang kahit huwag na muna itong magpakita para sa kaligtasan ng mga lamang loob niya. Ewan ba niya at laging bad trip ang 'sang 'yon. Kumusta kaya mga pasyente ni Kevin? Buhay pa kaya ang mga 'yon? Speaking of that, kailangan na nga niyang kumustahin ang kapatid sa ospital.
"Here." Natigilan siya nang iabot ni Rave ang ikatlong paper plane sa kanya. "Keep it 'till the last paper plane."
"Paano ko naman malalaman na last na 'yon?"
"You'll know." Mabilis nitong dinampian nang magaan na halik ang labi niya saka marahan na hinaplos ang pisngi niya. Mabilis naman niyang naramdaman ang pag-init ng mga pisngi.
"OKAY, para sure na wala na kayong naiwan at nakalimutan."
Baling niya sa mag-ama. Nakatingin ang dalawa sa kanya. Nasa labas na sila ng bahay at nakaparada na rin ang dalawang sasakyan.
"Rave, 'yong bag mo, 'yong usb, laptop, cell phone, car keys at wallet nasa bag mo na ba?"
"Yes, I checked it already."
"Ross, 'yong activity book mo, snacks, pencil at saka 'yong water bottle mo?"
"Mama Lara, kayo po ang nag-prepare nun lahat."
"Ay, oo nga, no?" Mabalis na tinignan niya ang loob ng bag ni Ross. "Okay, complete na. Halika na, mali-late na tayo. Humalik ka na sa daddy mo."
Kinarga ni Rave ang anak at hinalikan sa pisngi. "Halika na, baby –"aniya habang sinasara ang zipper ng bag ni Ross.
"Ako po?" nakangising tanong ni Ross pag-angat niya ng tingin sa mag-ama. "O, si Daddy po?"
Hindi nakaligtas ang simpleng pagngiti ni Rave. Sa position ng mukha nito, halatang may kung ano itong ibunulong sa bata kanina.
"Syempre, ikaw."
"E, paano po si Daddy?"
"Daddy ko rin siya." Kinuha niya si Ross sa mga braso ni Rave. "Halika na, tama na 'yan. At ikaw, Daddy, huwag kung anu-ano ang itinuturo mo sa baby ko. Mag-ba-bye ka na."
"Bye po Daddy!" Kaway ni Ross sa ama.
"Ingat ka sa b'yahe. Huwag kalimutang kumain sa oras."
"Opo, Mommy," nakangiting sagot nito na halata namang nag-aasar. "Anyway, I won't be able to take your calls. Text mo na lang ako kapag nakauwi na kayo ni Ross at nasa ospital ka na. You don't need to worry about Ross, he'll be staying with his grandma this weekend. Susunduin niya mamaya si Ross pagka-uwi n'yo."
Tumango siya.
"Mang Edwin, ingatan n'yo po ang mag-ina ko."
"Oo naman po sir, makakaasa ho kayo." Sumaludo ang matanda rito.
"Laura, eskwelahan, bahay, ospital, at bahay lang. Huwag mag-detour sa kung saan nang hindi nagpapaalam sa akin."
Natawa naman siya. "Opo, saan naman ako gagala, aber?"
"Sa puso po ni Daddy!"
"Nice suggestion, Ross." Nag-high five ang dalawa.
Mag-ama talaga! "Ikaw talagang bata ka, kung anu-ano 'yang natutunan mo." Masuyo niyang pinisil ang ilong ni Ross. Humagikhik lang ito. "Alis na kami, Rave. Ingat ka."
"Okay." Payakap na hinalikan siya nito sa noo at si Ross ulit na tila ba normal lang para rito na gawin 'yon.
Inaamin niyang, sobrang natuwa ang puso niya sa simple at sweet na kilos na 'yon ni Rave. Oo na, kinikilig na ako. Pero magmamaganda pa rin ako.
"ANYTIME NEXT WEEK, he'll wake up."
Nakahinga naman nang maluwag si Laura sa good news ni Kevin. "Salamat sa Dios, thank you rin Kevin at sa mga magagaling na doctor na pinakilala mo sa amin."
"It's my duty to save lives, Laura. I will do everything just to save a life hanggat sa kaya ng kakayahan ko. I believe, Rave should take all the credits here. He was the one who gave you a miracle."
Napangiti siya. "Tama ka, kung hindi ko nakilala ang isang Rave Sanjercas, baka wala na ang kapatid ko." Hindi niya napigilan ang bahagyang maging emosyonal.
"And you were also his miracle, Laura."
Napatitig siya kay Kevin.
"Hindi sa binubugaw ko ang kaibigan ko sa'yo, but it's a fact. Hindi pa ba siya nag-o-open up sa'yo?"
"Hindi pa. I-chika mo naman sa'kin."
"E, kasi, ganito 'yon. Lumapit ka." Itinukod ni Kevin ang isang siko sa mesa at iminuwestra ang isang daliri para lumapit siya. "Lumapit ka pa."
Isinandal niya ang dalawang braso sa mesa at inilapit pa ang mukha kay Kevin.
"Ano?"
"Malalaman mo rin sa tamang panahon."
"Wow, nag-effort pa ako."
Umayos na lang ulit siya ng upo at sinaid ang laman na juice sa baso.
"Laura, 'di ba sabi ko hindi ako ang klase ng kaibigan na nagku-kwento. Malaki ang respeto ko sa privacy ng mga kaibigan ko."
"Sino kaya 'yong nagkwento ng buhay ni Rave sa'kin dati kahit 'di pa tayo close?"
Biglang ipinasok ni Kevin ang isang kamay sa bulsa ng white coat nitong suot. "Alin kaya pwede kong gamitin sa tatlo, gunting, forceps o 'yong scalpel –"
Natigilan ito bigla, kaya nagtaka siya nang biglang kumunot ang noo ni Kevin. Inasahan niyang isa sa mga binanggit nito ang ilalabas nito pero sa halip ay cell phone lamang pala nito 'yon. Bigla ay napansin niya ang pagbabago sa aura ni Kevin. Huling-huli niya ang pagngiti nito. Ay in love?
Panay ang swipe nito sa screen ng cell phone nito. Naalala pa ba ni Kevin na may kausap ito? Sa itsura nito mukhang na kidnap na 'tong si Kevin ni kupido. Pababain kaya niya muna para may closure naman sila bago ito lumandi sa iba.
"Uuwi na ako," aniya sabay agaw ng cell phone nitong hawak.
Natigilan siya nang makita ang ilang picture ng isang pamilyar na babae. Hindi niya napigilan ang matawa. Kilala niya ito. Pero mas natatawa siya sa pose ng bawat kuha ng mga larawan. Nasa gym ang babae at naglalakad sa treadmill. Baliw talaga 'to. May mag-gi-gym bang may baon-baong tatlong layer ng lunch box ng pagkain at isang litro ng coke sa tabi?
"Laura, give me that." Madaling naagaw nito ang cell phone.
Tawang-tawa talaga siya. Baliw talaga ang babaeng 'yon.
"Girlfriend mo ba si Mohana?"
Nanlaki ang mga mata nito. "Kilala mo siya?"
"Oo, sa kanya ako tumataya ng lotto at swertres."
"Pati 'yan trabaho niya?"
"Oo, sayang kaya 'yong kita. So girlfriend mo nga?"
"Hindi, pasyente ko noon sa mental."
"Ay, ang harsh."
"Huwag mong i-kwento ang nakita mo kina Mykael at lalo na kay Peter. Hihilahin ko talaga 'yang bituka mo."
Itinaas niya ang tatlong daliri rito. "Sure!"
TEXT siya nang text kay Rave pero wala namang reply. Nasa entrance na siya ng ospital at hinihintay na lamang si Mang Edwin para maka-uwi na sila.
"Teka 'yong wallet ko." Ipanasok niya ang kamay sa loob ng bag para kapain ang wallet. Nahirapan pa siya dahil ewan niya ba naman at sobrang bigat ng bag niya. Naipasok niya yata pati tukador ng bahay sa bag niya. "Hala, ano 'to?" Hinawakan niya ang kakaibang bagay na 'yon at laking gulat niya nang makita ang cell phone ni Rave.
Natigilan siya.
Napangiwi siya nang maalalang hindi niya sa bag ni Rave naipasok ang cell phone nito. Napasinghap siya nang makita ang 30 missed calls sa screen. Kasama na roon ang mga messages niya na pumasok sa log nito.
Nakagat niya ang ibabang labi. Baka may importanteng tawag o 'di kaya message si Rave. Kailangan niyang maibigay ang cell phone rito. Sakto namang dumating na si Mang Edwin. Agad siyang pumasok sa loob ng kotse.
"Mang Edwin, sa Sanjercas hotel po tayo."
"May problema po ba Ma'am Lara?"
"Nadala ko 'yong cell phone ni Rave. Kailangan ko 'tong ibigay sa kanya."
"MISS, saan po 'yong office ni Mr. Rave Sanjercas?" tanong niya agad sa receptionist sa lobby ng hotel.
"May appointment po ba kayo kay Mr. Sanjercas, ma'am?"
"Wala, pero baka pwede mong tawagan ang office niya. Laura, Laura ang pangalan ko. Makikilala niya agad ako. Importante lang."
"Sorry po, ma'am. Pero hindi po kasi kami basta-basta nakakatawag sa line ni Mr. Sanjercas nang walang naka schedule na appointment. Pwede po kayong maghintay sa lobby pero wala pong assurance kung kailan dadaan si Mr. Sanjercas."
"Importante lang kasi."
"May I know your relationship with Mr. Sanjercas, ma'am?"
Pwede ko bang sabihin na ako po 'yong nililigawan ng amo n'yo? Napangiwi siya sa isip. Baka pagkamalan pa siyang baliw.
"Asawa niya."
Base sa ekpresyon ng babae, mukhang iniisip nitong, nanti-trip lang siya. Ayos pa lang niya, 'di na pang Mrs. Sanjercas. Naka white blouse at jeans lang siya. Isama pang medyo madumi ang strapped sandals niyang suot.
"Sige po, I'll try."
"Salamat."
Tinalikuran niya muna ang mga ito at sinubukang i-dial ang number ni Kevin pero 'di ito sumasagot. Hindi niya sigurado kong seseryosohin siya ng receptionist. Sinubukan niyang tawagan si Mykael at agad naman nitong sinagot ang tawag.
"Mykael, nasa Sanjercas hotel ako." Ikinuwento niya rito ang tungkol sa ipinunta niya roon. "Alam mo ba kung saang floor ang office ni Rave?"
"The admin office is in the other building. Near the private villas. Pero they're really strict Laura. Only confirmed guest and with reservations can roam around the area, unless if employee ka ng resort. I'll call Rave in his office." Nawala ito ng ilang minuto sa linya. "He's not picking up, baka nasa meeting –"
"Hindi na ako makakapaghintay."
"Laura, anong pinaplano mo?"
"Maghahanap ako ng paraan. Basta tawagan mo lang si Rave. Sabihin mo nasa resort ako. Pakihanap ako."
"Lau –" Pinatay na niya ang linya.
Isinilid niya ang cell phone sa bulsa ng pantalon at isinuot ang sling bag. Sisimple lang siya. Maghahanap muna siya ng cr. May nakita na siya kanina, kapag 'di siya napansin ng mga guards na nandoon, makakalagpas na siya ng mga private villas.
Sinunod niya ang plano niya. Lumabas siya ng restroom na parang wala lang. Sinadya niyang sumabay sa grupo ng mga Koreans papunta sa mga private villas. Mabilis at maingat ang mga kilos niya. Kahit kasi sabihin niyang asawa siya ng may-ari ay alam niyang walang maniniwala. Ang alam siguro ng lahat dito ay matagal nang patay ang asawa ni Rave. Baka, ihagis pa siya palabas ng resort.
Madali naman sigurong mapansin ang admin office nila rito. May sign naman siguro 'yon. Ba't kasi ang dami nilang guards dito? May trust issue, Rave? Kaloka. Kampante lang siyang naglakad-lakad. Hindi siya masyadong nagpahalata na 'di siya guest sa resort doon.
"Miss!" bigla ay tawag ng isang guard sa kanya. Kinabahan siya. Lumapit ito sa kanya. "Sorry, pero bawal na po kayo rito. Private villas na po 'to."
"Chief, kailangan ko talagang makapunta sa office ni Mr. Rave Sanjercas. May ibibigay lang po ako."
"Kaano-ano po ba kayo ng may-ari?"
"Kahit tawagan n'yo pa siya. Kilala niya ako. Sabihin n'yo sa kanya ako si Laura."
"Sige po, pero for security measure, kailangan n'yo na pong bumalik sa lobby area namin."
"Chief, please, importante lang talaga. Kailangan ko lang maibigay sa kanya ang cell phone niya." May kung sino itong kinakausap sa radio nito na hindi niya maintindihan. "Chief, promise, 'di ako manggugulo."
"Ma'am, sa lobby lang po tay –"
Itinulak niya ang guard at tumakbo siya. Pambihirang buhay naman 'to, o. Rave, sagipin mo talaga ako.
"Miss! Miss!" Habol sa kanya ng guard.
Rave, ha? Ang hirap mabuhay sa resort n'yo. Na saan na ba kasi ang opisina mo? 'Yon ba? 'Yon kaya? Ito kaya? Na saan ba kasi? Habol pa rin nang habol sa kanya ang guard. Kanina nag-iisa lang ito pero ngayon dalawa na ang mga itong humahabol sa kanya.
"Miss, stop!"
Napasinghap siya bigla nang may kung sino siyang nabangga. Sa mga guards kasi siya nakatingin. Huli na para mapansin 'yon dahil nawalan na siya ng panimbang at tuluyan na siyang humalik sa damuhan. Kasabay nun ang pagsinghap ng mga tao sa paligid niya.
Mabilis na dinaluhan siya ng dalawang gwardiya at hinawakan sa magkabilang braso. Doon niya napansin ang matandang lalaki na naka formal suit na napaupo rin sa damuhan. Mabilis na dinaluhan ito ng mga kasamahan nito at personal assistant yata nito.
"Sir Anthony Go, are you okay?" halos ay tanong ng mga nakapalibot sa matanda.
"Sa security ka na, Miss."
"Let go of her."
Halos sabay silang napatingin sa nagsalita.
"Rave!" tawag niya rito.
"Sir?"
"It's okay, she's my wife."
Sobrang kalma ng pagkakasabi nito. Mukhang 'di naman galit 'tong si Rave. Literal naman na nanlaki ang mga mata ng dalawang guards. Sabay na binitiwan ng dalawa ang mga braso niya. Lumapit naman si Rave at tinignan ang ayos niya.
"Are you okay?"
"Sorry," napangiwi siya, sabay yuko ng mukha.
"Let's talk later." Tinanggal nito ang ilang damo na dumikit sa buhok niya. "Sumama ka na muna sa amin. I'll introduce you to Mr. Go, he's the owner of Wander Asia Airlines."
"Nang ganito ayos ko?"
"It's okay,"
Hinawakan ni Rave ang kamay niya at hinila palapit sa mga clients nito. Bigla siyang nahiya. Mukha siyang ewan.
"My apologies Mr. Go. Are you okay?"
Ngumiti ang matandang lalaki na nabunggo niya. Sa itsura nito ay mukhang nasa mid 50s pa ito. Kapansin-pansin ang kagwapohan nito sa kabila ng edad. Hindi niya mapigilan ang sarili na titigan ito. Bakit ba feeling niya, nakita na niya ito noon? Pero sigurado siyang, hindi pa.
"It's okay," nakangiting sagot nito. "I'm sure this young lady didn't mean to bump me. Did I hear it right? This beautiful woman is your wife?"
Tumango si Rave. "Yes, She's Lara, my wife."
"Lara," ulit nito sa pangalan na sinabi ni Rave. Titig na titig ito sa kanya na para bang namumukhaan siya nito. "Have we met before, Lara?"
Umiling siya. "Hindi pa po."
"You reminded me of someone I've met before." Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Still, it's nice to meet you, Mrs. Sanjercas."
Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito sa kanya.
"Nice to meet you rin po. At sorry po kanina."
"It's okay, malakas pa ako sa kalabaw."
SA PENTHOUSE naghintay si Laura habang tinatapos ni Rave ang trabaho. Pagkapasok niya pa lang sa penthouse ay bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari sa silid na 'yon. Tandang-tanda pa niya 'yon.
"Ayokong isipin. Ayokong isipin," paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili.
Inabala na lamang niya ang sarili sa paghilata sa sofa sa sala. Kanina, pinadalhan siya ng pagkain ni Rave kaya 'di siya nagutom. Natapos na rin niya ang pinapanood na movie. Tawang-tawa siya, 'di na niya namalayan ang oras.
Bumukas ang pinto ng penthouse tanda na dumating na si Rave. Agad siyang tumayo para salubongin ito.
"Kumusta?" tanong niya agad dito. "Nainis ba siya sa'kin? Nagalit ba siya sa'yo? Nasira ko ba ang business deal n'yo?" Isa rin 'yan sa mga inaalala niya kanina. Kahit na nakangiti si Mr. Go kanina, hindi pa rin siya mapakali. Hindi lang simpleng pagkabunggo ang nangyari kanina. Talagang napasalampak ng upo ang matanda. "Rave?"
"You worry a lot, stop that."
"So ano nga?"
"A business proposal can't be done overnight. It may take more days before Mr. Go signed a contract with Sanjercas."
"Pero baka kasi maka apekto ang nangyari kanina sa desisyon niya –"
"It wont, trust me. A business is still a business. Here." Inabot sa kanya ang dalawang white paper bags na hindi niya napansin kanina. "I asked Manang Amy to get you a few clothes at home."
"Para saan?"
"We'll spend the weekends here."
"'Di ka magdi-day off?"
"I'm not gonna work, we'll just gonna walk around and rest. Familiarized some of our facilities and people para 'di ka na mawala sa susunod."
"May hiring ba kayo? Pwede mag-apply?"
"I'm going to introduce you as my wife, not an employee. Stop thinking about other things. I want you to focus your mind and heart to me."
Natawa naman siya sa sinabi nito. "Marunong ka pala ng mga ganyang linyahan? 'Di ko in-expect."
"Ikaw talaga." Masuyo nitong pinisil ang ilong niya. "Magbibihis lang ako. Padating na rin 'yong dinner natin. Hungry?"
"Kakakain ko lang. Si Ross?"
"Sinundo siya ni Mama kanina."
"Mabuti naman." Isa rin 'yon sa iniisip niya kanina.
Napangiti na rin siya. Lumapit siya rito at tumingkayad para gawaran ito nang magaan at mabilis na halik sa labi. Lumayo siya nang kaonti para tignan ang reaksyon nito. Nagulat ito sa ginawa niya. Ilang beses itong napakurap sa ginawa niya. Hindi niya napigilan ang lalong mapangiti.
Sa huli ay sumilay ang isang napakagandang ngiti sa mukha nito.
"My heart stops for a moment. Don't do that again."
Natawa lang siya sa sinabi ni Rave. 'Kala mo, ha?
PAGKATAPOS mag-dinner ay pareho nilang inilublob ang mga paa sa tubig sa pool. Kung noong una ay may nakapagitan na wine glass at alak sa pagitan nila. Ngayon ay magkadikit na ang mga braso nila. Sa tabi ni Rave ang isang basket ng mga prutas at junk foods. Pareho silang may hawak ng can na softdrinks sa kamay habang tumitira siya ng jokes na nagpapa-iling kay Rave. Waley naman talaga e. Pero mas natatawa siya sa reaksyon ni Rave.
"Naalala mo," pag-iiba niya. "Noong una tayong naupo rito noon? Ang lungkot-lungkot mo. Malungkot na ako pero parang mas malungkot ka pa sa akin."
"Am I?"
Tumango siya. "Hindi ko inasahan na iku-kwento mo sa akin ang ilang impormasyon tungkol sa'yo. Sinabi mo lang na makakalimutan mo lang din naman ang mga 'to. Pero nang mga oras na 'yon, naramdaman ko na naghahanap ka ng taong makakausap at makakaintindi sa'yo. Kaya hinayaan na lang kita."
Naging tahimik sila ng ilang segundo bago ulit ito nagsalita.
"The past five years were tough to live with. If not for Ross, I might have followed her." Mapait itong ngumiti. "Why do I need to choose between my son and wife? Why did He take the life of my wife? Did He give Ross so I'll continue living? What's really His plans for me?" Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Dapat ba talaga akong umasa na may pakialam Siya sa akin? Will He still give me another chance to be happy?"
Mapait siyang napangiti.
"Alam mo, pareho tayo. Ilang beses ko ring itinanong sa Dios kung ano nga ba ang plano Niya sa akin? Kung naalala pa ba Niya ako? Ilang beses akong umiyak sa pagod. Ilang beses kong tiniis ang pananakit at pang-aabuso ng ibang tao sa akin. Pero bakit kumakapit pa rin ako sa Kanya? Bakit lumalapit pa rin ako sa Kanya?"
"Why?"
"Kasi Siya lang ang meron ako e. Tatalikuran ako ng mundo at ng mga taong inakala kong pamilya. Pero alam ko na hindi Niya ako iiwan. Matagal man akong naghintay, ibinigay ka naman niya sa tamang oras. See? May dahilan ang lahat. Na survive mo ang limang taon dahil may tutulungan kang Laura sa hinaharap. Kaya salamat dahil lumaban ka Rave. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ka dumating sa buhay ko."
Hinawakan niya ang kamay nito.
"Good job!" Nag-thumbs up siya rito gamit ng libreng kamay.
Rave smiled, 'yong klase ng ngiti na umabot talaga sa mga mata nito.
"I guess, you're one of His reasons."
"Napundi yata ang Dios sa kakaiyak ko, kaya ibinigay ka na Niya sa akin."
"Does that mean, tayo na?"
Natigilan siya. "Huh?"
"Sabi ko, tayo na ba?"
"Magmamaganda pa kasi ako, saka na."
"Maganda ka naman na."
Pasimple nitong sabi sabay inom ng hawak na can ng soft drinks.
"Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan mo Rave."
May naglalarong ngiti na ibinaling nito ang tingin sa kanya.
"Bakit nadadala ka ba?"
Napamaang siya. "Wow, ha? Paano mo na sabi?"
Nagkipit-balikat lang ito. "Just saying." Inayos nito ang posisyon nito. Inihilig nito ang ulo sa balikat niya at ikinuwit ang isang braso sa kanya na parang bata. "This feels good. Nawala ang pagod ko."
"Para kang bata." Hindi niya napigilan ang mahinang matawa.
"I am your baby."
Naglapat ang mga labi niya sa pagpipigil ng ngiti. Ramdam niya ang pagbaluktot ng mga kuko niya sa kamay at paa. Rave, huwag! 'Di talaga ako sanay sa mga linyahan mong 'yan. Pero dahil mahal kita, sige, tatanggapin ko ang tinatago mong pagkakorni. Pero magmamaganda muna talaga ako.
"Korni!"
Natawa lang ito sa komento niya rito. Hinigpitan lalo nito ang yakap sa isang braso niya. Ramdam niya ring ipinikit na nito ang mga mata. Napangiti siya. Clingy naman ng baby na 'to.
NAPANGITI si Laura nang makita ang isang paper plane sa itaas ng mesita nang magising siya. Maliwanag na sa labas nang igala niya ang tingin sa buong silid. Inabot niya ang paper plane. Ngayon niya lang napansin na may nakalagay pa lang numero sa may pakpak ng plane. Ito na ang pang-apat na paper plane na ibinigay ni Rave sa kanya.
Naramdaman niya ang paglubog ng kama bigla. Paglingon niya sa tabi ay binati siya ng isang halik mula kay Rave. Napakurap-kurap siya nang tapusin nito ang halik. Mabilis lang 'yon pero nagawa pa rin nitong mapalakas ang tibok ng puso niya.
"Rave," sita niya rito.
"Good morning."
"Sino may sabing halikan mo ako?"
Hindi pa naman siya confident sa hininga niya. Dios ko!
"Your lips."
"Alam kong writer ka pero 'di mo ako madadala sa mga salita mo. Tabi ka riyan!" Bumangon na siya at itinulak sa tabi si Rave. "Manligaw ka nang maayos." Dala-dala niya ang paper plane nang lumabas siya ng silid.
Akala mo, ha? Okay lang naman humalik basta naka tootbrush na ako. Tsk!
Kanina, habang kumakain sila ng breakfast sa restaurant sa loob ng hotel ay pinakilala na siya ni Rave sa mga empleyado na nandoon. Pagkatapos kumain ay nag-ikot-ikot sila sa buong resort. Namukhaan pa siya ng receptionist kahapon. Bahagya pa itong nahiya nang ipakilala siya ni Rave sa mga ito bilang asawa.
Itong si Rave, hindi niya alam kung 'yong panliligaw di umano nito ay para sa girlfriend position o asawa. Halos lahat, ang pakilala nito sa kanya ay asawa. Baka kapag sinagot niya ito, bigla naman itong mag-propose.
"Rave," bigla ay basag niya. "Tungkol kay Mr. Anthony Go."
"Anong tungkol sa kanya?"
"Wala lang, para kasing pamilyar ang mukha niya sa akin."
"Sa bar na pinagta-trabahuan mo dati?"
Mabilis na umiling siya. "Hindi, sure ako hindi roon. Ang weird nga e. 'Di ako sigurado kung saan ko siya nakita. Pero imposible naman 'yon. Baka kamukha lang. Huwag mo na lang intindihin 'yong sinabi ko."
"It's okay."
"Pero sana ma-close mo ang business deal n'yo. Sa tingin ko kasi importante 'yon sa inyo. Ilang araw mo ring inaral ang business proposal sa bahay."
"I have high hopes he will. Don't worry. And," he paused for a while. "I think he likes you."
"Sinabi niya 'yon?"
"Not really, but I can tell," nakangiti nitong sagot. "May naalala siya nang makita ka. I think that person is dear to him. He invited us for a dinner with his only son Liam. I believe he's considering our business proposal."
"Kasama talaga ako?"
"He said, I must bring you."
"Ayoko, nakakahiya. Baka ano namang magawa kong mali."
"Silly," he chuckled. "We'll bring Ross. It's just a friendly dinner. Liam, Mr. Go's son will also bring his wife and daughter as well."
"Sige, basta Tagalog lang 'yong salita, ha? Baka 'di ko na kayanin ang straight Ingles. Kay Ross nga, naloloka na ako. Paano pa kaya kung marami na kayo."
"Don't worry, they'll talk in Chinese."
Binigyan niya ng masamang tingin si Rave. "Nasuntok na ba kita?"
"Yata?" natatawang sagot nito.
"Umayos ka, ha?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro