Kabanata 10
"RAVE gising ka na, please."
Nakatunghay si Laura kay Rave. May sofa bed ito sa loob ng working area nito at doon ito natutulog. Nakasalampak siya ng upo sa sahig at nakaharap sa natutulog na anyo nito. Kanina pa niya ginigising ito pero ang himbing ng tulog nito. Alas sais na nang umaga at gising na siya pero natatakot siyang bumaba. Natatakot talaga siya sa nanay nito. Baka mag-breakfast siya ng sermon at taas kilay.
"Gising ka na." Gamit ang isang daliri ay sinundot-sundot niya ang pisngi nito. "Samahan mo ako sa baba."
Pero sa halip na i-pressure ang sarili na gisingin si Rave ay naaliw pa siyang pagmasdan ang gwapo nitong mukha. Napaka-peaceful ng anyo nito. Malayong-malayo sa gising na si Rave na laging seryoso. Alam niyang mas matanda ito sa kanya pero hindi naman 'yon halata dahil sadyang pinagpala ito ng langit sa angking kakisigan at kagwapohan – mga halos sampung taon ang agwat nila kung 'di siya nagkakamali.
"Ang mantika mo matulog. Anong oras ka ba natulog kagabi? Inumaga ka ba? Bakit ang gwapo mo? Kanino ka nagmana? Paano ka ginawa? I love you?"
"Gusto mong sagutin ko 'yang huling tanong mo?" balik tanong nito sa paos na boses. Nakapikit pa rin ang mga mata nito.
Nanlaki ang mga mata niya. Oh syet! Napalunok siya ng wala sa oras. How to kalma? How to react? Anak ka talaga ng patis Laura Capili. Good luck sa'yo!
"H-Hindi." Mabilis na iling niya sabay kaway ng dalawang kamay sa harap nito. "Joke lang 'yon."
"Ang aga mong mag-joke." Inimulat nito ang mga mata at pinakititigan siya. Para naman siyang nahipnotismo sa uri ng pagkakatitig nito sa kanya. Ngayon lang siya naka face to face ng lalaking sobrang gwapo kung bagong gising. "May lakad ka?"
"E ang tagal mong gumising."
"Laura, it's still six in the morning." Tinalikuran siya nito ng higa. "Go back to sleep. Kakatulog ko lang." Itinalukbong nito sa buong mukha ang puting kumot nito.
"Bakit inumaga ka na?"
"My mind works at night time."
Inilapat niya ang mga palad sa likod nito at inalog-alog ang katawan ni Rave. "Paano naman ako? Gising na mama mo. Sa tingin mo ba kaya ko siyang harapin mag-isa?"
"Then go back to sleep."
"Baka isipin niyang batugan ako."
"She wouldn't think that, nasa honeymoon stage pa tayo. She will understand."
"Paano si Ross?"
"It's Saturday, Lar. Ross doesn't have school today. He'll be up a little late."
"Anong gagawin ko?"
"Matulog ka ulit."
"Hindi na ako inaantok –" Nagulat siya nang biglang tumayo si Rave mula sa pagkakahiga at walang ka hirap-hirap na kinarga siya mula sa pagkakasalampak niya ng upo sa sahig. "R-Rave!" mahinang tili niya. Sus me! "Ibaba mo nga ako."
"I'm tired, Laura. I need to sleep. Let's talk later."
Napasinghap siya nang ihagis siya nito sa kama. Naramdaman niya ang paglubog niya sa kutson nang ihagis din nito ang sarili sa kama. Bago paman ulit siya makapagsalita ay binalot siya nito ng kumot hanggang sa bibig niya. Ginawa pa siyang lumpia ng loko. Kakawala sana siya nang bigla siya nitong yakapin.
Napakurap-kurap siya habang nakatitig sa kisame. Dios ko, masama pa lang inisin si Rave kapag kulang ng tulog. Ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nito sa bandang tenga niya. Sa kabila ng makapal na kumot na nakabalot sa kanya ay ramdam niya ang mahigpit na yakap nito sa kanya.
"R-Rave?"
"I don't want to talk to you. I'm sleeping. Goodnight."
Gusto niyang maiyak. Paano naman siya makakatulog ulit kung ganitong yakap siya ni Rave?
HINDI siya makakilos nang maayos. Pakiramdam niya ay may mga matang laging nakasunod sa kanya saan man siya magpunta. Tahimik lang ang ina ni Rave pero alam niyang nakamasid ito sa kanya at binabantayan ang bawat galaw niya. Hinihintay siguro nito na magkamali siya.
Nagpaka-busy na lang siya buong araw. Inayos niya ang mga damit ni Ross sa cabinet nito at iniligpit ang mga laruan nito. Itinupi na rin niya ang mga damit nila ni Rave na ipinasok ng katulong sa silid nila. Mababaliw siya kapag wala siyang ginawa dahil literal talaga na wala siyang ginagawa. Iilan lang ang katulong sa bahay at may kanya-kanya ring trabaho ang mga ito.
Wala rin siyang maasahan kay Rave dahil nasa working room lang ito buong mag-hapon. Gusto niyang maloka dahil 'di siya nito pinapansin. Ganoon lagi ang drama nila sa bahay sa sumunod pa na mga araw.
"Ross, tapos ka na ba?"
Inilapag niya ang napiling damit para kay Ross sa itaas ng kama. Nasa banyo ito at naliligo. Napapangiti pa siya sa tuwing naririnig niyang kumakanta ito ng baby shark. Iniwan niyang nakaawang nang bahagya ang pinto ng cr para masilip niya ito. Kanina pa ito sa bathtub kasama ng mga rubber sharks at fish nito.
Pumasok na siya sa loob ng banyo.
"Tama na 'yan, baby. Magbanlaw ka na."
"Okay po." Tumayo na ito at lumabas sa bathtub. Itinapat nito ang sarili sa shower head. "My eyes! My eyes!" 'Di niya napansin na naikusot pala ni Ross ang may sabong kamay sa mga mata nito.
"Ross!" Mabilis na lumapit siya sa bata at hinanap ang shower handle para bumuhos ang tubig mula sa shower head. "Hala, paano ba 'to? Pa kanan ba ako o pakaliwa?" Iba ang itsura nun kaysa sa banyo nila sa kwarto. Nalito siya bigla sa pagkataranta. Pinihit niya pakaliwa ang handle. Napasinghap siya sa gulat nang bumuhos ang tubig sa kanila. "Ang init!" Pero ang init ng tubig. Nagsigawan silang dalawa ni Ross. "Ang init! Ang init!"
Para silang nasilaban na dalawa. Payakap na kinarga niya si Ross pabalik sa tub para 'di ito matapat sa kumukulo yatang tubig. Hinalamos niya ang isang kamay sa mukha.
"Diyan ka lang," utos niya kay Ross.
Sumuong siya sa kumukulong tubig. Dios ko, mahuhulas yata ang balat niya sa init. Mabilis na hinawakan niya ang handle at sinagad ang pihit pakaliwa pero syet lalo siyang napasigaw nang maramdaman na mas lalong uminit. Napamura siya nang mahina.
"Ang init!" iyak na sigaw niya. "Dios ko, malulusaw na yata ako."
"Mama Lara! Mama Lara! Pihitin n'yo po pakanan."
"Pakanan?" Sinubukan niya pero mukha nasira yata niya ang handle at 'di na niya 'yon maigalaw. "Ayaw niya. Nasira ko yata! Anong gagawin ko? Makukuluan na yata ako dito."
"Laura!" Boses 'yon ni Rave.
"Daddy, help po."
"Rave, tulong! Paano ba 'to?"
Lumusong ito sa malakas na buhos ng tubig mula sa shower. Napamura ito nang tuluyang mabasa. Mabilis na nahawakan nito ang handle at walang kahirap-hirap na napihit 'yon pakanan. Ang kaninang mainit na tubig ay napalitan ng lamig. Nakahinga siya nang maluwag nang maramdaman ang lamig ng tubig sa balat.
"Akala ko magiging nilagang tao na ako."
"Ross, you should have told your Mama Lara how to turn on the shower."
"Sorry po," gumaralgal ang boses ng bata. Natakot yata dahil sa biglang pagtaas ng boses ni Rave. "I didn't know, Mama doesn't know how to turn on the shower."
Basang-basa na silang dalawa. Kunot na kunot pa ang noo ni Rave. Naisuklay nito ang kamay sa basang buhok.
"Ano ka ba, Rave. Huwag mong pagalitan ang bata. Hindi niya naman kasalanan kung 'di ako marunong mag-on ng shower. Halika na, baby." Inilahad niya ang kamay sa bata. "Samahan mo na kaming mag-shower ng Daddy mo. Palamigin natin ang ulo ng Daddy mong high blood."
Tinanggap ni Ross ang kamay niya at muling lumabas sa tub. Pareho na silang nasa tapat ng shower. Nakayakap naman sa gilid ng bayway niya si Ross dahil 'di pa rin ngumingiti si Rave.
"Ngumiti ka na, natatakot na sa'yo ang anak mo."
Nagpakawala ng buntonghininga si Rave. Pagkatapos ay inabot nito ang bote ng shampoo at naglagay nun sa ulo. Natawa siya dahil seryosong-seryo pa rin ang mukha nito habang nagsa-shampoo ng buhok nito.
"Maliligo na lang ako, tutal basa na rin ako." Pagkatapos ng buhok nito ay ang buhok naman niya ang pinagdiskitahan nitong pabulain. "May sobra, sayang naman." Sumilay ang simpleng ngiti sa mukha nito. Natawa lang siya. Bakit ba ang cute ng lalaking 'to?
"Ako rin Daddy!" tatalon-talon na wika ni Ross. "Pa shampoo rin."
Nagkatinginan silang dalawa ni Rave. Tila nabasa nila ang isip ng isa't isa. Sabay na inabot nila ang bote ng conditioner at body wash ni Ross. Sa kanya ang conditioner, kay Rave ang body wash. Lumuhod siya at niyakap si Ross. Sumigaw pa ito nang simulan itong sabunin ni Rave gamit ng body wash nito.
Magkatulong na pinaliguan nila si Ross. Sa sumunod na mga minuto ay pareho na silang tatlong naliligo sa bula dahil imbes na tapusin ang pagliligo ni Ross ay pinaglaruan nila ang shampoo ng bata. Napuno ng tawa at harutan nilang tatlo ang banyo.
Napasinghap siya nang yakapin siya ni Rave mula sa likod kasabay nun ang pagpahid ni Ross ng sabon sa buong mukha niya nang bahagya siya nitong iyuko para maabot ni Ross ang mukha niya. Naipikit niya ang mga mata dahil sa hapdi. 'Tong mag-ama na 'to, pinagtutulungan na naman siya.
Pero sa halip na mainis ay tila musika pa sa kanya ang masayang tunog ng tawa ni Rave. Nakakatuwang pakinggan ang tawa nito. Dahil nakabukas pa rin ang tubig mula sa shower madaling nahalimos niya ang mukha at siya naman ang gumanti.
Inabot niya ang sabon at sinabon niya ang mukha nito. Tawa lang siya nang tawa nang gawin 'yon. Hinapit siya bigla ni Rave sa katawan nito dahilan para mailapat niya ang mga palad sa matigas at matipunong dibdib nito. Bumakat ang magandang dibdib nito mula sa suot nitong puting t shirt na sa mga oras na 'yon ay basang-basa na. Dumulas sa kamay niya ang sabon at nahulog 'yon sa tiles na sahig.
Unti-unti niyang naiangat ang mukha rito. Nagtama ang mga mata nila. Napalunok siya nang bahagya nitong ibaba ang mukha nito sa kanya. Halos gahibla na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi. Dumagundong naman nang malakas ang puso niya. Hahalikan ba siya nito? Gagawin niya talaga 'yon sa harap ng anak?
Akmang lalayo siya nang maramdaman niya ang mga kamay ni Ross sa likod niya. Malakas na itinulak siya nito dahilan para magtagpo ang mga labi nila Rave. My god!
"RAVE, saan ka pupunta?"
Nauhaw siya kanina kaya bumaba siya ng kusina para kumuha ng tubig. Pabalik na siya sa silid nila nang maabutan niya si Rave na palabas ng bahay. Nakasuot ito ng itim na track pants, gray t shirt at itim na tsinelas. May nakapasak na headset sa isang tenga nito kaya narinig pa rin siya nito.
Bahagya siya nitong nilingon. "Maglalakad lang sa labas."
"Alas diez na."
"Bawal bang maglakad nang ganitong oras?"
"'Di naman." Lumapit siya rito. "Pwedeng sumama? 'Di kasi ako makatulog."
Tumango lang ito at sabay na silang lumabas ng bahay. Binati agad siya ng malamig na hangin. Mabuti na lamang at naka pajama at long sleeve siya.
"Madalas ka bang maglakad-lakad sa gabi?"
"I like the feeling of walking alone."
"Sige, uwi na lang ako –" Tumalikod na siya nang mabilis na mahablot ni Rave ang hood ng long sleeve niya. "Rave?"
"You chose to walk with me. Panindigan mong makasama ako." Binitiwan na siya nito. Muli niyang hinarap ito at umagapay ulit ng lakad nang mauna itong maglakad sa kanya. "I don't mind having a company tonight."
"Pwede naman akong magtanong 'di ba?"
"Are you that curious about my life?"
"Pwede ka rin naman magtanong tungkol sa akin."
"The last time I asked you about your life, you told me you're okay with whatever I think about you, dahil sa tingin mo lahat ng iisipin ko tungkol sa'yo ay tama. Well, I'm thinking that you like me."
Nanlaki ang mga mata niya. "Akala ko ba may amnesia ka kapag nalalasing ka?!"
"I thought so too. I guess it doesn't work all the time."
"Sinabi ko lang naman 'yon dahil 'di naman ako ganoon ka importante. Isa lang akong bayarang babae –"
"It was not right, but don't let it define you Laura," putol nito sa kanya. "Your reason may not justify your choice, but you made me realized a lot of things that night. You proved me wrong about you. Hindi lahat ng mali ay bunga ng pagkamakasarili. Some wrong decisions were made out of selfless love."
Napangiti siya. Natuwa siya sa sinabi nito. "Hindi man naging maganda ang dahilan ng pagkakakilala nating dalawa. Nagpapasalamat pa rin ako sa Dios dahil ikaw ang ibinigay Niya sa akin. Isa kang biyaya sa akin Rave."
Nahuli niya itong ngumiti pero sandali lamang 'yon.
"Dose anyos pa lang ako nang mamatay ang nanay ko sa panganganak kay Lawrence," kwento niya. "Hanggang high school lang din ang natapos ko dahil 'di ako kayang pag-aralin ng tatay ko ng kolehiyo sa lungsod. Naghanap ako ng iba't ibang trabaho. Sumasama ako sa mga kapitbahay namin sa tuwing lumuluwas sila ng s'yudad. Doon nagtitinda ako ng mga gulay at nakaka-uwi lang ng saglit sa bahay ng madaling araw at luluwas na naman ako."
Napangiti siya nang mapait nang maalala ang mga araw na 'yon.
"Ilang beses na gusto ko na lang sumuko at lumayas sa poder ng tatay ko. Lagi na lamang nitong kinukuha ang mga iniipon kong pera para kay Lawrence dahil sa madalas na pag-iinom niya at pagsusugal. Pero ayokong sumuko. Oo, nakakapagod na. Pero hindi ako pwedeng sumuko. Hindi ko kayang makita ang kapatid na naghihirap dahil lang sa 'di ko kayang lumaban sa buhay."
"And still, you thank God for everything?"
Tumango siya. "Malaki pa rin ang pasasalamat ko sa Dios sa kabila ng lahat. Sa panahon na gusto ko na lang sumuko ay ibinigay ka Niya sa akin." Lumaki ang ngiti niya. "Binigyan Niya ako ng rason para maniwala na may pag-asa pa."
"Did He?"
Pagbaling niya ng tingin sa mukha ni Rave ay nakita niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito. May mali ba siyang sinabi?
"Rave?"
"Nothing."
Umiling ito, saka napagtuloy sa paglalakad.
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipan ni Laura ang ekpresyon ng mukha ni Rave noong isang gabi. Tila ba may nabasa siyang pagkadismaya sa mukha nito nang banggitin nito ang Dios.
Hindi kaya?
"Do you have a minute, Lara?"
Lutang ang isip na naibaling niya ang mukha sa nagsalita – si Donya Emilia.
"You don't need to be scared of me, hija."
Tila iba ang ginang ng araw na 'yon. Madalas itong seryoso at nakataas ang kilay sa kanya pero nang mga oras na 'yon ay mukha itong mabait. Pati ang tuno ng pananalita nito ay may lambing at kalmado. Tinalikuran siya nito at nauna nang lumabas ng kusina.
Hinubad niya ang suot na apron. Sinenyasan niya si Amy na siyang katulong niya sa pagluluto ng pananghalian. Mabilis na lumapit ito sa kanya.
"Ikaw na muna rito, babalik din agad ako."
Tumango ito. "Sige po, Ma'am Lara."
Sinundan niya ang ginang sa loob ng library ng bahay. Nakaharap ito sa isang bahagi ng silid kung saan naka display ang halos lahat ng mga larawan sa itaas ng cabinet. Napansin niya na halos ng mga picture frames na nandoon ay family pictures nila Rave at Hannah. Kasama na rin ng mga magulang ng mga ito. May iilang baby photos rin ni Ross.
Inangat ng ginang ang isang picture frame. Larawan 'yon ni Rave at ni Hannah noong college graduation yata ni Rave dahil naka itim na toga pa ito at may mga medalya pa. Ang saya-saya ng dalawa sa larawan.
"Simula nang mamatay si Hannah ay 'di ko na madalas makita ang masayang ngiti ni Rave," basag nito. "Napakailap din na marinig muli ang masaya at malakas niyang tawa. Tila ba, ikinulong nito ang sarili mula sa mundo. Tanging si Ross lamang ang nakakapagpabalik sa saya ng anak ko. He had distance himself from other people. It was like, he was only living because of Ross, but not for himself."
Ramdam na ramdam niya ang kalungkutan sa boses ng ginang. Naiintindihan na niya kung bakit ganito ito kay Rave. Gusto ng ina nitong ibalik ang dating masayahin na ugali ng anak. Inisip nito na kapag nagmahal uli ang anak ay magagawa na ulit maging masaya ni Rave – 'yong tunay na saya.
"My son doesn't deserve all the hate from Hannah's family. Walang ginawang masama ang anak ko. He did it because he loves Hannah so much."
Inabot ng ginang ang kamay niya at marahan 'yong pinisil. Naingat niya ang mukha rito. Nakadama siya nang matinding awa rito.
"Kilala ko ang anak ko, Lara. Alam kong may itinatago siya sa akin pero hindi ko na ipipilit ang sarili na alamin 'yon. Nakikita ko ang unti-unting pagbabago niya. At naniniwala ako na dahil 'yon sa'yo. Madalas ko na siyang makitang nakangiti. Naririnig ko na ulit ang masayang pagtawa niya. Alam mo, hija. Sa totoo lang, hindi importante sa akin kung sino man ang mamahalin ng anak ko. Ang mali ko lamang ay hindi ako marunong pumili. I hope, you'll forgive me, hija. Isa lang naman kasi talaga ang gusto ko, 'yon ay maging tunay na masaya ang anak ko."
Hindi niya inasahan 'yon mula sa ginang. Mali pala talaga ang pagkakakilala niya rito. Aaminin niyang may bahagi ng puso niya na nalulungkot. Kung alam lang nito na hindi totoo na kasal sila ni Rave. Kung nakikita man nitong sweet si Rave sa kanya ay dahil iniiwasan nilang maghinala ito sa kanila. Ginagawa lamang 'yon ni Rave dahil pinoprotektahan siya nito. Nakokonsensiya siya para rito. Ayaw niyang umasa ito sa wala.
Nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin.
"Thank you for bringing back my son's happiness. Tatanawin kong utang na loob ang lahat ng ito sa'yo, hija. Please don't leave my son. I can see that he's really sincere with you."
Nakagat niya ang ibabang labi.
Anong gagawin niya?
NANG ARAW na 'yon ay umalis na ang ina ni Rave sa bahay. Sinundo ito ng asawa nito na si Don Alfredo, ang ama ni Rave. Kahit na may edad na ay hindi pa rin nawala ang angking kakisigan ng ama ni Rave. Kamukhang-kamukha ni Rave ang ama nito. Palangiti rin ang matanda at kapansin-pansin ang kabaitan mula sa kilos at pananalita nito.
Gabi na nang maisipan niyang lumabas ng bahay at maglakad-lakad muna. Naabutan niyang natutulog si Rave sa itaas ng mesa nito. Kanina pa ito nagta-trabaho. Sila lang tuloy ni Ross ang magkasabay na kumain ng hapunan. Hinatiran lamang niya ito ng pagkain sa itaas. Bago siya lumabas ng bahay ay ibinaba niya na lamang ang hindi nagalaw ng tray ng pagkain sa kusina. Iinitin na lamang niya 'yon pagbalik niya.
Mag-a-alas nuebe na ng gabi nang lumabas siya. Hindi naman nakakatakot maglakad sa subdivision dahil mahigpit naman ang security. Kanina may namataan siyang security guard na nagpa-patrol sakay ng isang bisiklita. Kilala na siya nito kaya binati na lamang siya nito bago nagpatuloy sa pagpa-patrol.
Hindi siya makatulog sa kaiisip sa sinabi ng ina ni Rave sa kanya. Nalulungkot siya para rito. Kung alam lang nito ang totoo. Humugot siya nang malalim na hininga. Kung sana na iba ang sitwasyon. Kung sana may magagawa siya.
Natigilan siya nang mapansing umaambon na. Inilahad niya ang palad sa harap at may ilang butil ng tubig na nahulog doon.
"Laura!"
Napalingon siya sa sumigaw. Nagulat siya nang makita ang hingal na hingal na si Rave. Mula sa ilaw ng poste malapit sa puwesto nito ay nakita niya ang nag-aalalang mukha nito. Pawis na pawis dahil marahil sa pagtakbo.
"Rave? A-Anong ginagaw –"
Natigilan siya nang sugurin siya nito ng yakap. Agad na naramdaman niya ang init mula bisig nito. Ang kaninang mahinang pag-ambon ay unti-unting lumakas. Mukhang ano mang oras mula ngayon ay bubuhos na ang ulan.
"Rave, umuwi na tayo."
"I was looking for you," halos pabulong na wika nito. Pero tila may kakaiba rito. Mabigat ang paghinga nito. Ramdam niya ang mainit na hininga nito sa leeg niya. "I-I thought you left me."
"R-Rave?"
"Please don't leave me..."
Bigla ay naramdaman niya ang bigat ng katawan nito sa kanya. Mabilis na sinalat niya ang noo nito at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya. Inaapoy ito ng lagnat. Dios ko! Bakit mo ba kasi ako sinundan?
"R-Rave," gising niya rito. "Rave, gumising ka."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro