Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE

Oyy!

Lumaban si papa, matapang, oyy!

Lumaban si papa, matapang, aww!

Tawang-tawang si Laura nang makita ang video ni Rave. Ito raw 'yong initiation video nila Rave, Mykael, at Kevin dati. Si Kevin nagbigay ng copy sa kanya. Traydor talaga ang 'sang 'yon. Sabi ni Kevin sa kanya, 18 pa raw sa video na 'yon si Rave. Ang bata-bata pa nito sa video at ang kinis-kinis ng legs ng asawa niya.

Laban-laban, o bawi-bawi!

Laban-laban, o bawi-bawi!

Gayang-gaya ni Rave ang stepping ng Sexbomb habang nakasuot ito ng sobrang ikli na puting shorts. Ang kinis talaga ng legs. Nakasuot ng mahabang wig si Rave at naka pulang spaghetti blouse at rubber shoes na minidyasan pa nito nung uso noon na medyas na may pa raffles.

Bakit papa, binawi mo pa?

Ang pag-ibig mo sa akin.

Ayaw na ba sa aking beauty?

Kayo ngayon ako'y sawi, Aaaw!

Ang galing-galing ni Rave kumending talaga. At sobrang na amaze siya na hindi man lang niya nakitaan ng inis ang mukha nito. Nakangiti lang talaga ito habang pinagtitinginan na ito ng mga tao sa park na 'yon. Rave 'yong totoo? Gusto mo rin yata e.

Dati-rati ang sweet-sweet natin.

Oras-oras ika'y na sa 'kin.

Bakit nga ba pinaasa-asa? Kaya ngayo'y naloloka. Aaayy!

"Rave!" Tawang-tawa pa rin na pinalo niya ito sa braso sa tabi niya. Nakasiksik ito sa kanya habang itinatakip ang isang unan sa mukha. "Panoorin mo na kasi. Ang cute mo kaya rito."

"Laura naman." Hiyang-hiya talaga ito. Muntik na nga nitong mapatay si Kevin nang malaman niyang ito ang nagbigay ng copy ng video. "Bakit mo ba kasi 'yan paulit-ulit na pinapanood?"

"Ang cute mo kaya rito. Ang kinis ng legs mo oh. Ba't mo pa kasi itinago 'yan?"

Nasa ending na siya ng video. Tumigil ito sa pagsayaw at marahas na hinubad ang suot nitong wig. Narinig niya ang malakas na tawa nila Mykael at pagsipol ni Kevin. Dirediritso itong naglakad palapit sa dalawa. Alam niyang si Mykael ang nag-bi-video dahil nakita niya kung paano tumama ang inihagis na wig ni Rave sa mukha ni Kevin.

"Ganda-ganda naman ng ating sexbomb dancer," tudyo pa ni Mykael na sobrang kinatawa ni Kevin. Ang babata pa ng dalawa sa video. Halatang-halata pa sa dalawa ang kapilyohan sa mga mukha ng mga ito.

Natuon ang camera sa nakakunot-noo ni Rave.

"Fuck you Mykael."

"Ha ha! Love you Rave."

"I swear, I'm not gonna wear shorts anymore. Damn you two!"

"Ganda kaya ng legs mo. Kinis-kinis o. Nag-shave ka ba?"

"Go to hell!"

"Sama ka?"

Inalis niya ang unan na nakatakip sa mukha nito. "Rave, nag-shave ka ba ng legs dito?"

"Laura –"

"Nag-shave ka nga?"

Marahas na bumuntonghininga ito. "Kevin did," amin din nito. Natawa siya. "I have no choice. Damn, ayoko na talagang alalahanin ang araw na 'yon." Inangat nito ang katawan hanggang sa maihilig na nito ang likod sa headboard ng kama. Napakamot ito sa noo. "Makakaganti rin ako sa dalawang 'yon."

Itinabi na niya ang cell phone at itinuon na ang tingin sa gwapo at cute niyang naiinis na asawa. Tatlong buwan na simula nang ikasal sila. At sa tatlong buwan na 'yon siya sobrang naging masaya. At alam niyang sa susunod na mga araw ay mas sasaya pa siya. At mas magiging cute pa ang bugnutin niyang asawa sa paningin niya.

Mag-aaway at magkakatampohan sila sa mga maliit na bagay pero alam niyang magiging okay pa rin sila. Hindi sila perpektong dalawa pero pupunan ng pagmamahal nila sa isa't isa ang mga kakulangan na 'yon. At handa siyang harapin ang hamon ng buhay dahil alam niyang may pamilya siyang susuporta sa kanya.

"O, bakit?" may pagtatakang tanong sa kanya ni Rave.

"Ang gwapo mo pala."

Tumaas ang isang sulok ng labi nito hanggang sa tuluyan na nga itong napangiti.

"Ngayon mo lang napansin 'yon?"

"Matagal na." Tumawa siya.

Hinila siya nito paloob sa mga bisig nito. Naihilig niya ang ulo sa dibdib ni Rave. Naramdaman niya ang masuyong paghalik nito sa ulo niya. Ilang segundo silang naging tahimik.

"Rave," basag niya.

"Hmm?"

"May sasabihin ako."

"Ano 'yon?"

Inangat niya ang mukha rito. Nagtama ang mga mata nila nang ibaba nito ang tingin sa kanya. Hindi niya mapigilan ang mapangiti nang sobra.

"Buntis ako."

"B-Buntis ka?" halos hindi makapaniwalang ulit ni Rave. Maingat na inayos nito ang mga posisyon nila. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. "Totoo ba 'yan? Magiging-daddy na ulit ako? Magiging kuya na si Ross?"

Nakangiting tumango siya.

Mabilis na siniil siya nito ng halik sa mga labi. Hindi pa ito nakuntinto at pinupog siya nito ng mumunting halik sa mukha.

"God, Laura!" Bumalik ang labi nito sa labi niya. "I love you. I love you. I love you."

Kumalas ito at pinakatitigan ang mukha niya na may malaking ngiti. Inabot niya ang isang kamay nito at maingat na inilapat 'yon sa impis pa niyang tiyan. Hindi nakatakas sa kanya ang pamumuo ng mga luha sa sulok ng mga mata ni Rave.

Kitang-kita niya ang kasiyahan sa mukha nito. Tila hinaplos ng anghel ang puso niya sa nakikitang tunay na kaligayahan sa mukha nito.

"Thank you." Muli siya nitong siniil ng halik sa mga labi. "I love you. At habang buhay ko kayong mamahalin ng mga anak natin." Pinagdikit nito ang mga noo nila. "'Yan ang isang pangakong alam kong kaya-kaya kong tuparin."

"Alam ko." Inangat niya ang isang kamay para haplosin ang pisngi nito. "At asahan mong, ipangtatanggol ko kayo ng mga anak natin kapag may nang-api sa inyo. Pangako ko 'yan."

Bumaba ang mukha nito sa leeg niya. Naipikit niya ang mga mata nang simulan nitong halikan ang leeg niya. "Pwede pa naman siguro na gawin natin 'to. 'Di naman siguro..." Tumaas ang halik nito sa panga niya. Napahawak siya sa mga balikat nito. "Hmm?"

"Rave..."

Naramdaman niya ang mainit na palad nito sa kanyang tiyan nang ipasok nito ang isang kamay sa loob ng blouse niya. Bumalik ang mga labi nito sa kanyang mga labi na may pag-uubayang tinugon ang bawat halik na ibinibigay nito sa kanya. Marahan siya nitong inihiga sa kama nang hindi pinuputol ang halik. Pareho silang napaungol ng pareho nilang pailaliman ang halik.

"Rave," anas niya.

"Hmm..."

Bigla namang tumunog nang malakas ang cell phone nito. Noong una ay hindi nila 'yon pinansin pero paulit-ulit lang na nag-ri-ring 'yon. Napamura si Rave nang kumalas sa kanya. Natawa naman siya sa naging reaksyon nito.

"Sagutin mo na, baka importante."

Marahas lang na napabuntonghininga si Rave. Inabot nito ang cell phone sa itaas ng bedside table at sinagot ang tawag.

"Hello Kevin, bakit ba?!" asar na sagot nito sa kabilang linya. "Nawawala si Mykael? Ba't naman mawawala ang 'sang 'yon? Bahala siya sa buhay niya. Matanda na siya para mawala pa. Hayaan mo na 'yon. Babalik din 'yon. Bye." Ibinaba na nito ang cell phone at pinatay. Ipinasok nito 'yon sa drawer.

Napasinghap siya nang kubabawan ulit siya ni Rave. Nailapat niya ang mga palad sa dibdib nito. Ang kaninang inis ay napalitan ng pilyong ngiti.

"Now, where did I stop Mrs. Sanjercas?"

Natawa siya. "Nawawala si Mykael? Bakit daw?"

"Hayaan mo 'yon. Babalik din 'yon." Akmang hahalikan na siya nito nang hawakan niya ang mukha nito. "Bakit?"

"Paano si Ross?"

"Tulog na si Ross, tahimik na ang buong bahay. Sige na –"

"Sa tingin mo, anong magiging sagot ko? A. Oo. B. No. C. Maybe. D. Matulog ka na lang."

"Of course A," mabilis na sagot nito sabay halik sa kanya.

Iniyakap niya ang mga braso sa leeg nito at may ngiting tinugon ng kaparehong tamis at pagmamahal ang mga halik ni Rave. Tapos na akong magmaganda. Ngayon, magiging magandang ina at asawa naman ako. At sa tingin ko, magandang ideya 'yon.


"The pain that you've been feeling can't compare to the joy that is coming." 

– Romans 8:18

W A K A S



N/A: Thank you for reading HBS hanggang sa huli. Know that I appreciate all your sweet and witty comments and feedback. Sana ay may natutunan kayo sa kwento nila Rave at Laura. Sana ay napasaya, napakilig, at napaluha ko kayo. Rave is very special to my heart kaya natapos ko siya. With a heavy heart but still with a smile, I can say, that I have given them a happy ending they both deserved. I'll post the special chapter when I have time. Mag-iisip muna ako. Haha. Abangan n'yo ang pagsisimula ng kwento ni Mykael.

If you have any story reviews you may personally message it to me or tag your story reviews to my official WeirdyGurl Stories facebook page. Search n'yo lang WeirdyGurl Stories.

And again, my dear readers, always remember that good things comes to those who patiently and faithfully wait. Love lots!

-Weirdy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro