XXXVII - War
"Wake up, Sweetheart!" My senses have awakened, upon hearing her voice. "There are still stuffs you need to win." She added, determined.
Nang magmulat ako, mukha niya ang sumalubong sa akin. She's smiling genuinely at me. Tila nililinlang ako ng aking isipan. I reach for her face and caress her cheeks. I've been longing for this moment to happen.
"Am I dreaming?" I asked, for there's no fuckin' way she's standing right here beside me. I cannot believe it. If this is just a dream, I'm begging, don't fuckin' wake me up.
She just smiles and moves closer to me as she then planted a gentle kiss on my lips. Like she's saying, I wasn't dreaming. And to prove it right, I held her face and deepen the kiss. She didn't disappoint me, and kiss me back. God!
Maniniwala na sana akong hindi ako nananaginip nang, "Zannah, we need to go." Zegolas appeared.
Hell! It was an effin nightmare.
"Daven, gising na!" Naalimpungatan ako't agad na inilibot ang tingin. Nagbabakasakali. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Nagawi ang tingin ko kay Mama.
Yeah, it was indeed just a nightmare.
Tumango na lang ako bilang tugon. It's true. I have never been this fine before. I remember being hit by bullets, napatingin ako sa kaliwang tagiliran maging sa kaliwang balikat ko, ngunit bigo akong makita ang ano mang markang makapagpapatunay sa tinamo kong sugat.
"Malapit nang magbukang liwayway. Tutuloy pa ba tayo?" Sambit ng isang matandang lalaking kakapasok lang sa silid. Dagli nitong dinaluhan si mama, "Gising ka na Iho." It's tanda.
Agad akong bumangon, tatayo na sana nang, "Haunt!" may muling pumasok sa silid ko. Halos mapahiga akong muli ng gawaran ako nito ng yakap. "You're alive!" He uttered.
At that moment, pakiramdam ko niyakap ako ni Frondo. "How could you be so disobedient? I told you to wear your earpiece, the hell removed it!" Muling sermon nito, pagkakalas sa yakap.
Para nga siyang Frondo, feeling closed.
Lihim akong napangiti sa inakto niya, "Eh mas kinakabahan pa ako sa mga sigaw mo kaysa sa mangyayari sa akin, hindi ako makagalaw ng maayos." Dipensa ko.
Totoo 'yun, tuwing isisigaw nito ang pangalan ko, parang tinatamaan ako ng bala sa puso. Lakas makagulat.
"Don't you dare do it again? Huh!" He uttered. Tumango lang ako rito. Saka tuluyan nang tumayo.
"Tell everyone to be prepared, tatapusin na natin."I started. Tumingin ako kay mama, "Ma, can you do that?" She just smiles and does as told.
Nasa timog parin kami, kaya't nasisiguro kong nagkakagulo parin sa norte.
I gazed at Spy, "It's safer when you stay here." I ordered. He just nodded.
Pagkaraan ay nagawi naman ang tingin ko kay Tanda. Magsasalita palang sana ako ng bigla nalang itong tumango. Na para bang alam na niya ang sasabihin ko.
"Hindi kami nabigyan ng pagkakataong mabiyayaan ng anak, lubos akong nagagalak marinig na tawagin mo siyang mama." Sambit nito. "Nagpadala na ako ng mga hoodoo sa silangan maging sa kanluran, para siguraduhin ang kaligtasan ng mga tao roon." Dagdag nito.
Akala ko'y hindi magiging madali ang paghingi ko ng pabor ukol rito. Hindi ako makapaniwalang magagawa nila iyon bago ko pa hingiin.
How brave they are to act civil, toward to the ones who nearly cause their extinction.
Napapatango nalang ako rito bilang tugon. Nauna na silang lumabas, pasunod na ako ng biglang umilaw and suot kong kuwintas. At magulat nang ang noo'y parisukat ngayo'y tila naghugis tubig ulan. Unti-unti nang naglalaho ang mga sulok nito.
Ipinagsawalang bahala ko nalang muli ito at naglakad na palabas. Sinalubong ako ng napakaraming mga hoodoo maging ang mga armed forces na noo'y nakabantay sa lawa. Matamang nang nakikinig ang mga ito kay mama.
Ilang sandali pa ay humayo na sila, tutungo kaming norte. Naghahanda na ako para sa pag-alis nang muling pumasok sa silid ko si mama,
"Ang babaeng Elf," Patiuna nito.
"Ako nang bahala sa kanya." Ani ko. Saka muling nagpatuloy.
"She loves you." Sambit muli nito, doon na ako tuluyang natigilan. "Ibang magmahal ang mga Elf—"
"Nasabi na sa akin iyan ni Tanda. What Zannah and I have, labas iyon sa ano mang magaganap mamaya." Tugon ko, saka muling nagpatuloy, this time I sincerely wore my earpiece.
"Ayoko lang na sa huli'y magsisi ka, Daven mahirap mabuhay nang puno ng katanungan ang isipan, mahirap magpatuloy—"
"Mauuna na po ako." Putol ko rito.
Hindi ko na hinintay pa ang pagsunod nito at humayo na din. Kailangan naming makarating doon bago ang pagsikat ng araw. Hindi ito ang oras para pagusapan ang estado ng aking puso.
Tulad ng sabi ko nanatili si Spy sa timog kasama ang mga batang hoodoo. At tulad nga din ng sabi ni Tanda, may mga hoodoo na ding nasa kanluran at silangan.
Lulan ako ni Igo patungo sa norte, mula sa ibaba namin ay ang mga hoodoong nakasakay sa kani-kanilang broomsticks, iyon lang siguro ang bagay na tumugma patungkol sa childhood ko. Ang ilang militar ay patungo roon some's by land by sea and by air.
Sakto sa pagsilip ni haring araw ay ang pagdating namin roon, hindi ko inaasahang sasalubungin nila kami ng nakahanda na rin.
Nakaayos ang mga ito sa taktikang aatake. Kaya't kusang pomorma ang aking hukbo sa estratehiyang dipensa.
Kita ko ang pagkagulat nang ilan nang makita akong sakay ni Igo, sino ba naman ang hindi, lulan ako ng ibon ng kanilang mahal na duke.
Sa napakaraming militar at elves na naroon, isa lang ang pumukaw sa aking atensyon. She's standing beside her husband and grandfather. Naroon din ang Duke, simple namang nakaupo sa silya ang hangal na Benidicto.
At kahit sa malayo 'sing linaw ng birhen na batis ang nakikita kong ekspresyon ng kaniyang mga mata. Those blankly stares I'm not used of, is making my inside heated.
Hindi ko magawang maintindihan kung bakit ganoon nalang niya akong pakatitigan. Katahimikan ang namayani. Nagpapakiramdaman kung sinong unang magtatangka.
Ilang sandali pa ay nakita kong naglakad pababa si Zannah at pumuwesto ito sa harap ng kanilang hukbo, kusang lumapag si Igo sa katapat na direksyon nito.
Bumaba ako rito. Kahit ngayon na magkaharap na kami ay hindi parin nagbago ang reaksyon niya, hindi ko nga din alam kung siya parin si Zannah.
I wonder on what drives her to be like this.
"We're not after a war," I uttered. Ngunit hindi ito kumibo kaya't nagpatuloy ako. "Ang hangal na Benidicto ang siyang aming ipinarito." Sambit kong muli.
But still, she stood there without saying anything. Matama lang itong nakatingin sa akin. Nanlalamig ako sa paraan ng pagtitig niya. Hindi ko na maintindihan ang sarili.
"Mayroon kayong tatlong minuto para isuko siya." Ani kong muli, she didn't answer me, and walk her way up back to her grandshitpa.
"Haunt, trust her..." Narinig kung ani ni Spy sa kabilang linya.
Tila may nais itong ipahiwatig, hindi ko lang alam kung bakit hindi ko magawang makuha kung ano iyon.
Tsk! How can I trust her? After what she has done, I don't think I can.
Mabilis ang nangyari, isang puting nagliliwanag na palaso ang nagpabagsak sa isa sa mga wizards na kasama ko. And when I gazed at Zannah, she caused it.
They left me out of choice, Igo let out a soothing cry, na tila ba sa kaniya tumama ang palaso. I can feel it, he's hurting...well fuck I am too. Tulad ni Spy ay tila may nais din itong ipahiwatig, Tangina! Bakit 'di ko makuha!
Ilang sandali pa ay isang nagliliwanag na palaso muli ang tumama sa isang kasamahan ko. Doon na biglang nandilim ang paningin ko. I look at Zannah...
"Haunt!" Rinig kung sigaw sa kabilang linya, but it's too late, I had already break the neck of the nearest elf to me.
Doon nagsimula ang lahat…
Walang nagawa ang panig namin kundi ang lumaban pabalik nang magsimula silang magpakawala ng mga palaso, maging ang militar na nasa panig nila ay nagsimula na ding paulanan kami ng mga putok ng baril.
Muling nagawi ang tingin k okay Zannah nang makitang panay ang paglingon nito sa paligid, tila may nais hagilapin. Nagsimula nang dumanak ang dugo. Wala ito sa plano, huli na para umurong pa.
Ngunit bago pa tuluyang balutin ng dugo ang buong lugar. Pinukaw nang isang putok ng baril ang ingay ng paligid, sa isang iglap ay natahimik at biglang natigil ang lahat. Ang suot kong k'wintas ay dagling nagliwanag.
At nang aking tignan, ang parisukat ay naglaho, pati ang kuwintas ay kasama nitong naglaho.
“Ang maglaho ang dalawang sulok sa parisukat isang pahiwatig ang nabuksan. Panahon na para itama ang mali, kaisa mo kami sa magaganap na digmaan.”
“Sa pahiwatig ikaw na ang humusga, kung ang mga elf ay tapat ba.”
“We’re not blinds. We knew that you exist, and there are more living creatures out there, deprived to roamed and lived freely.”
“Kaisa mo ako, ilalantad natin ang masalimuot niyang atraso. I am Spyder, known as Agent Triple O. It’s my pleasure to meet you Haunt Daven Mallory.”
“Likumin ang mga talang ipinagkait mapag-isa, gawa ng mga naunang sala.”
Hindi proteksyon ang kuwintas, simbolo iyon. Ang sulok ng pagsuko, sulok ng pagpapatawad, sulok para sa pagtanggap, at ang sulok para sa muling pagtitiwala.
"Zannah!"
Sa isang sigaw lang, ay kusang gumuho bigla ang mundo ko.
Nang magawi ang tingin ko kay Zannah, nakuha ng atensyon ko ang pulang likidong unti-unting pinintahan ang suot nitong puting damit. Sa direksyon kung saan ito nakaharap nakita ko ang pagtarak ng nagliliyab na palaso sa dibdib ng pangulong Benidicto, kasabay nang pagbagsak nito ay ang paglingon ni Zannah sa gawi ko.
Bang!
Isang tama ng baril ang muling dumapo sa dibdib nito. Naging mabilis ang pag-agos ng dugo roon. Hindi ko na nagawa pang lingunin ang pagpapakamatay ng taong bumaril sa kaniya. My feet froze on spot.
Sakto sa pagbagsak nito ay ang mabilis na pagsalo ni Zegolas, he held her in his arms. But what bothers me, is on how she never shift her sight off at me.
She's pleading. Na para bang nais niyang ako dapat 'yun, ako dapat 'yung sumalo. Ako dapat!
I almost lost my balance, nang maramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Ramdam ko ang matinding paninikip rito, tila nagawang iparamadam sa akin ng tadhana ang sakit na ramdam ni Zannah.
Doon tumulo ang mainit na likido patakas sa mga mata ko. Her eyes glistened in tears. I even heard Igo's continuous cries.
Ang sulok ng pagsuko ay nagmula sa lahi ng elf, ang lahing nagawang talikuran ang katotohanan para sa pansariling kapakanan, naglaho ang sulok ng magawang aminin ang kasalanan.
Ang ikalawang sulok, ang sulok ng pagpapatawad na nagmula naman sa lahi ng mga hoodoo, ang lahing nabuhay sa isipan ng lahat na taksil at pasanin ng mundo, nagawang maglaho ng sulok, matapos piliin nito ang magpatawad.
Ang ikatlong sulok ay nagmula sa lahi ng mga mortal, ang sulok ng pagtanggap. Naglaho ang sulok ng nagawang tanggapin ng mga ito na ang mundo ay para sa lahat. Na ang paraan ng pagtanggap ay walang limitasyon, wala sa estado ng kalagayan at wala sa pisikal na kaanyuan.
At ang huli, ang ikaapat, ang sulok para sa muling pagtitiwala. Magmumula iyon sa lahi ko. Sa lahi kong kamuntikan ng maglaho, kung saan ang pagtitiwala ay ang huling itataya nito. Tuluyang naglaho ang sulok, tuluyang naglaho ang lahat ng sulok, nalikum ang mga tala na ipinagkait mapag-isa ngunit…tunay ngang nasa huli ang pagsisisi.
Sa pagpikit ng mga mata niya ay ang paglamon ng dilim sa aking diwa.
"S-sweetheart..."
~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro