02
CHAPTER 2
PSYCHE'S POV
"Sasama ka ba sa field trip?" Tanong ko kay john ng makaupo ako sa tabi niya. Narito kami ngayon sa waiting shed nakaupo.
Nag kibit-balikad siya "Hindi ko pa alam. Sayang ang pera at tsaka wala rin namang kasama si lola sa bahay, kaya hindi nalang siguro" Napabuntong-hininga siya sa mismong sinabi.
Napanguso naman ako "Sayang naman" Nanlulumo kong sabi.
Lumingon naman siya sakin. In my pharental view, i saw him, smiling. Ginulo niya ang buhok ko kaya nilingon ko siya, still sulking/pouting a bit. Ngumiti naman siya sakin.
"Sumama ka na, sayang din 'yun"
"Hindi ka ba talaga sasama?" Tanong ko.
"Hindi na siguro" Ani ya. "Wag kang mag-alala, tawagan mo lang ako anytime that you feel alone o kung hindi mo kasama sila sheena, okay?" Tumango lang ako. Muli nanaman niyang ginulo ang buhok ko kaya tinignan ko siya ng masama.
**
"Manong, isaw po, apat" Ika ni john sabay abot ng pera kay manong
"Johnny, psyche! Nako, ang mga suki ko! Uwian niyo na ba?" Tanong niya sabay tingin sa relo niya.
"Opo" Ngiti kong sagot. Kilala na kami ni manong dahil madalas kaming bumibili ni john dito tuwing uwian. Naglalakad lang kami pauwi kasi.. Ewan, sinasamahan ko lang siya, magtitipid na rin ako HAHA "Manong, isama niyo na po itong dalawang kikiam, si john po ang magbabayad" Natatawang sabi ko na syang ikinatawa rin nilang dalawa.
"O, sige" Tawa pa ng matanda. "Nakita niyo ba ang anak kong si gwen?" Tanong niya habang iniinit ang binili namin.
"Hindi ho, baka hindi pa ho nila dismissal" Sabi ko. Tinignan ko si john, may kinukuha sa bag, kaya ibinalik ko nalang ang tingin ko sa mga paninda. "May palamig ho ba kayo?"
"Oo, gusto niyo ba? Libre nalang yan para sa inyo bilang mga loyal customer ko" Tumawa kaming tatlo.
"Hindi po kami tumatanggi sa libre" Biro ni john. Tumingin siya saakin at may inabot.
"Ano 'to?" Tanong ko ng abutin ang maliit na paper bag "SANDWICH! Thankyou" Masayang sabi ko at sa sobrang saya ay napayakap ako sa kaniya.
At nang ma realize kung gaano ka higpit ang yakap ko ay napabitaw ako kaagad. pero sa 'di malamang dahilan ay natalisod ako't muntik nang matumba.
Buti nalang nasalo ako ni john sa baywang kaya hindi natuloy.
Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa...
Dali-dali kaming tumayo ng maayos.
Awkward..
Narinig ko ang pag-ubo niya kaya mabilisan ko siyang nilingon "H-hehe thankyou" sabay taas ng sandwich. Lumingon na kaagad ako kay manong kaya hindi ko na nakita ang reaction niya.
"Oh, heto" Ani manong kaya dali-daling kinuha ni john ang dalawang baso ng juice at inabot saakin ang isa.
"Thankyou po !"
Nagtagal pa kamii ng ilang minuto rito sa tusok-tusokan ni manong, nag k-kwentuhan.
"Nako, anong oras na pala.. Manong kailangan na po naming mauna" Biglang sabi ni john kaya napatingin ako sa orasan ko sa phone.
mag a-alas sais na.
"Oh sige, maaga pa kayo bukas"
"Opo, maraming salamat po sa oras" Pagpapasalamat ko.
Pagkatapos non ay umalis na kami.
"Hatid na kita" Biglang sambit niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Hindi na, kaya ko naman" Ngiti ko sa kaniya.
Tinignan niya lang ako at tsaka ibinalik ang tingin sa daan. "Wag na. Baka kung mapano ka pa sa daan, Alam mo naman kung gaano ka-delikado sa daan ngayon" Tingin niya sakin habang nagsasalita. Naglalakad parin kami.
"Pero kaya ko naman-"
"Donatella psyche 'wag ka nang makulit, ihahatid kita. Naiintindihan mo naman ako, diba?" Tanong niya kaya wala akong ibang ginawa kundi ang tumango na lamang
Ang seryoso neto ngayon, ah?
"Ang seryoso mo naman" Tawa ko. "Nako, over protective, Johnny lucian" Banggit ko ng buo niyang pangalan gaya ng ginawa niya kanina. Mas lalo akong natawa nang maramdaman kong lumingon siya.
"Psyche, bukod kay lola, ikaw lang ang babae sa buhay ko kaya kailangan rin kitang protektahan, naiintindihan mo?" Seryosong tanong niya.
"Opo, tay" Biro ko sabay tawa.
Mas lalo naman akong natawa nang umirap siya.
"Tsk" Sapo niya sa noo.
Sa kabila ng pag tawa ko, I'm so thankful to have a friend like john. Sobra-sobrang pasasalamat ko.
I'm so lucky to have him in my life. Kahit siya lang ang kaibigan ko, okay lang. Having him is enough, i could never ask for more.
I'm not a vocal person, but i love this man so much..
Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sakin.
"Anong tinitingin-tingin mo riyan?" Tanong niya habang naka salubong ang kilay.
Mas lumawak ang ngiti ko.
"Nothing." Buntong-hininga ko habang naka-ngiti parin.
"Thankyou" Lumingon siya, dahil sa sinabi ko. "Thankyou for everything. For protecting me, for being there when no one else was, thankyou for being the best friend" Nakangiti kong sabi.
Nakatingin lang siya sa 'kin, wala siyang kahit anong sinabi.
Walang kung ano-ano ay bigla niya akong hinila para yakapin.
Nagulat ako sa simula pero di kalauna'y natawa at niyakap siya pabalik.
I felt warmth.
Tulad ko, johnny is not a vocal person, too.
He won't say anything but you can feel it.
He won't say any word of what he feels. 'Cause, gusto niya ikaw mismo ang makaramdam.
He's not vocal but he will compliment you. Dahil hangga't kaya niya, ipaparamdam niya sa 'yong walang mali sa pagkatao mo
Ipaparamdam niyang maganda ka
Na kamahal-mahal ka..
If you're with him, you don't have to be pretend, just be you.
When im with him, I don't feel sad at all. I temporarilly forgot everything that hurts me.
Because, with him, i feel safe.
That's johnny.
My best friend.
And i love my best friend more than anyone else..
Habang yakap yakap siya ay nanagilid ang luha sa mga mata ko.
Lord, bakit ganito ka safe ang pakiramdam sa bisig ng lalaking 'to? Anong ginawa kong mabuti sa past life ko para bigyang niyo ako ng isang mabuting kaibigan?
Yes, kulang ako sa attention at kalinga ng isang magulang. Kahit kasama ko lang sila sa isang bahay ay parang hindi ko sila maramdaman.
Pero hindi ganon ang pakiramdam kapag kasama ko ang kaibigan ko.
Bumitaw siya sa yakap at tinignan ako. He smiled at ganon din ang ginawa ko.
"Uwi na tayo, hmm?" tumango lang ako.
**
"Dito nalang, thankyou sa paghatid!" Nakangiti kong sabi.
"Bukas ulit"
"Tsk, hindi naman kailangan gabi-gabi, johnny. Kaya ko naman" nakanguso kong sabi
Pero umiling lang siya "No, titigil lang ako kapag may sumusundo na sa 'yo, ulit" ma otoridad niyang sabi.
tss.
Ang hirap naman niyan
"Edi sasabihin kong sunduin ako bukas" pagsisinungaling ko. Wala nang sumusundo sakin.
"Hmm?" Pagtaas niya ng isang kilay.
"Tsk.. Oo na, susuko na nga oh?" tinaas ko ang dalawa kong kamay "Sabay nalang tayo umuwi ulit bukas"
Tumango siya. "Pasok na sa loob" utos niya.
"Oo na, wag mo nga akong utusan!" inambaan ko pa siya ng suntok.
"Goodnight, donnatella" Biro niya
Sinamaan ko siya ng tingin "Hindi good ang night sa sinabi mo!"
"Bakit ba ayaw mong tinatawag ka ng ganon? Ang cute niya" Natatawang ani ya kaya mas lalo pang sumama ang tingin ko. "Sige na, hindi na. Joke lang e"
"Tss, lucian" Mahina kong sabi "Umuwi ka na nga, goodnight!" Irita kong sabi.
"Pasok na sa loob"
inirapan ko siya for the last time at tsaka tumalikod na papasok ng gate.
"Tss, donatella pala ah" Bulong ko sa saril ko.
Papasok na sana ako sa loob nang makarinig ako ng sigaw.
"NAKAKAPAGOD KA!PAULIT-ULIT NALANG BANG GANITO?!" Rinig kong sigaw ni...
Mommy?
Nandito na pala sila...
Ang ganda naman ng salubong nila sakin..
Hindi muna ako pumasok sa loob at nakinig.
"Liliane, 'wag ngayon, pagod ako." Si daddy..
"PAGOD?! IKAW LANG BA ANG PAGOD?! NAPAPAGOD RIN AKO, PAGOD NA PAGOD NA 'KO, SAMUEL! HINDI MO MAN LANG BA NAISIP 'YON?!"
Umiiyak si mommy..
Mula sa pintuan, gusto kong tumakbo pero hindi ako makagalaw. Naramdaman kong may tumulo sa braso ko..
Hindi ko namalayang umiiyak na ako.
Minsan na nga kami magkita, bakit naman ganito pa..?
Bakit palaging ganito..?
Pagod na sila?
Mas napapagod na ako..
Hindi ba nila ako naiisip? Hindi ba nila iniisip kung anong nararamdaman ko?
Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim bago hawakan ang door knob
Ilang minuto akong naglakas ng loob para buksan yon.
Pagkabukas ko ng pinto ay tumigil sila sa pagsigaw.
Tumayo si mommy at palihim na pinunasan ang kaniyang luha. "Anak, kumain ka na ba?" Tanong niya saakin. "Kumain kana, ipaghahain k-" But i cut her off.
"Busog po ako" Walang emosyon kong sabi. Nakita kong nakatalikod si daddy. Hindi tumitingin sakin.
Magsasalita na sana si mommy, pero hindi ko na hinintay kung anong sasabihin niya, dahil tinalikuran ko na sila.
Wala akong naririnig na nagsasalita sa kanilang dalawa habang umaakyat ako.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay sumandal ako sa pinto.
I let my tears fall na kanina ko pa pinipigilan.
Bakit pa ba sila umuwi?
Umiyak ako nang umiyak, asking, kung bakit ganito nalang palagi..
While crying, i heard my phone beep. Hindi ko pinansin, pero biglang may tumawag.
Si johnny..
"No please, not now.." Umiiyak kong bulong habang nakatingin sa pangalan niya. Ayokong marinig niya ang boses ko, dahil isang salita ko lang alam niya nang umiiyak ako. I don't wanna hear his voice, too, at baka mas lalo lang akong umiyak. Hindi ko iyon sinagot.
Chinat ko nalang siya.
SAI<3: Why?
J: Bakit hindi mo sinasagot?
SAI: May ginagawa ako, why nga?
J: Just answer your phone
I just rolled my eyes. Ang kulit naman ng lalaking to.
After a seconds, my phone rang again. I took a deep breath before answer it.
HIndi muna ako nagsalita at itinapat lang ang cellphone sa tenga.
[Hey} Sagot sa kabilang linya. Hindi ko alam kung pano sasagutin to, paghahalataan ang boses ko.
But i guess, i have no choice.
{Oh?} Pataray kong sagot. I just hope na hindi niya mahahalata.
{Sungit} Tawa niya. There's something on his laugh that comforts me, dahil hindi ko namalayang sumabay na rin ako sa pagtawa niya.
{Ano nga?} Natatawa kong tanong.
But, i doubt..
{Umiiyak ka ba?} Tanong niya.
Napapikit ako at huminga ng malalim bago sumagot. {No, why would i?} Pagsisinungaling ko.
{Sa 'kin ka pa ba talaga magsisinungaling?} Tanong niya, kaya't buntong-hininga nalang ang nagawa ko. {So tell me, what happened?} He asked.
{It's my parents. As usual.} Mahina kong sambit. Huminga ako ng malalim 'saka nagpakawala ng mabigat na hangin. I look up the sky full of stars, it's pretty. I love stars, i really love it. It gives me comfort anytime, i feel sad and lonely.. {Lagi naman silang ganon} I sniff, still looking up. {John, bakit ganon? Bakit ganitong klaseng pamilya ang ibinigay sa atin? Bakit hindi masaya?} I said while, my tears pouring down to my cheeks. {Minsan lang silang umuwi sa bahay, minsan lang kaming nagiging kumpleto, minsan lang kaming nagkikita, minsan lang nila akong dalawin, pero bakit ganon..? Bakit hindi manlang nila ibigay yun sa 'kin? Alam mo, minsan iniisip ko kung.. Iniisip din ba nila ako? K-kung.. Mahal ba talaga nila ako..} Mas lalo akong umiyak, dahil sa huling salitang binitawan ko.
Narinig ko ang pag buntong-hininga niya.
{Gusto mong lumabas?}
Humikbi ako {Hindi na.. Ano, babalik ka pa-}
{Nandito ako sa baba}
Bahagya akong nagulat sa sinabi niya at biglang tumingin sa baba ng bintana ko. Nasa baba nga siya, habang hawak ang cellphone na nasa tenga at nakatingin sa 'kin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro