Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3. Numb


  "Words fail to describe what i feel anymore.
Let me be numb for a while, let me be sore." 

- Anjum Choudhary

♠ 


Chapter 3

Sa isang madilim na kwarto, sa sulok, naka-upo si Francis sa kanyang pwesto. Hinihintay ang iba pang kaibigan ngunit tila malalim ang kanyang iniisip. Napahilamos siya sa kanyang mukha at sumandal sa upuan. Dahan-dahan na nagsalubong ang kilay niya. Paulit-ulit pa ring nagp-play sa utak niya ang nangyari kanina sa labas ng head office.

Matiyagang naghintay si Francis sa labas. Kailangan niya uli makita ang dalaga. Kailangan niya makasiguro. Hindi siya nagkakamali. Si Lauren ang nakita niya. Nakasandal lamang siya sa pader habang nakatingin sa lapag. Kukumpirmahin niya lang kung si Lauren nga ba ang dalagang iyon. Nang marinig ang pagsara ng pinto ay mabilis na umangat ang ulo ni Francis. At doon, muling natuon ang mga mata niya sa napakagandang mukha ng dalaga.

"Lauren..." Tawag pa niya rito. Ngunit gaya kanina, taimtim lamang na nakatingin sa kanya ang dalaga. Tila naghihintay pa ng sasabihin niya.

"Ikaw ba talaga 'yan Lauren?" Tanong pa ni Francis.

Saglit na napakunot-noo ang dalaga sa sinabi ni Francis, "Yes, my name is Lauren. But I think I'm not the girl that you're looking,"

Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Francis. Naguguluhan siya. Hindi ba si Lauren na ang nakatayo sa harapan niya ngayon? Ang babaeng nakilala niya five years ago?

"Lauren Rius? Are you familiar with that name?" Desperadong tanong ni Francis.

Hindi agad sumagot ang dalaga. Dahan-dahan itong umiling sa kanya.

"No, I don't know who she is. We just have the same name." Matipid na sagot nito at akmang aalis na nang hawakan siya ni Francis sa braso.

Doon nagulat ang binata. Nanlalaking matang tumingin si Francis sa dalaga. Kalmadong lumingon sa kanya si Lauren at malumanay na hinatak ang braso niya sa pagkakahawak ni Francis.

"What are you doing? Sinabi ko nang hindi ako ang babaeng tinutukoy mo." Kalmadong wika ni Lauren sa binata.

"Y-you're a... vampire? Like us?" Hindi makapaniwalang tanong ni Francis.

Doon na humarap sa kanya si Lauren at tinignan siya diretso sa mata.

"What do you think I am? A human?" Tanong pa ni Lauren at bahagyang natawa. Napa-iling na lamang siya at madaling tinalikuran ang binata.

Nakatayo lamang si Francis sa kanyang pwesto habang pinagmamasdan na lumakad papalayo si Lauren. Alam niyang si Lauren iyon. Ang mukha, lahat ng parte ng katawan ng dalaga ay kuhang-kuha. Hindi siya nagkakamali. Ngunit, bakit iba na ang apilido nito? At ang malala, ay bampira na rin ito gaya nila? Siya'y naguguluhan. Si Lauren nga ba talaga iyon? O nagkataon lang na magkamukha ang dalawa at pareho ang pangalan nila?

Napapikit ng mariin si Francis at napabuntong-hininga. Hindi mawala-wala sa isip niya ang mukha ni Lauren. Ngayon bumabalik sa isipan niya ang naging plano nila ni Yohan dati...

"So you're using a different body at 'yon ang paniniwalain mong si Francis?" Tanong ni Francis kay Yohan.

Prenteng naka-upo ang binata sa sofa habang pinagmamasdan ang hawak-hawak niyang baso na punong-puno ng dugo.

"Yes, that's the plan." Matipid na sagot nito.

"Bakit?" Tanong naman ni Francis kaya't napangisi ang binata.

"Bakit?" Pag-uulit pa nito at tuluyan nang napangiti.

"Using that scene, kung saan mamamatay ka. Mas mapapasaakin si Lauren. Kung papatayin ka ni Mary, na siyang best friend niya sa tingin mo sasama pa siya do'n?" Dugtong pa nito.

"Minamaliit mo pagkakaibigan nila." Sagot naman ni Francis.

"Kaibigan? Kaibigan nga ba ang turing nila kay Lauren? Pare-parehas lang kami dito. Ginagamit nila si Lauren para tuluyan na akong mawala sa mundong 'to. At doon sila nagkamali, that's the stupidest act of Legion. Binigay lang nila sa akin ang isang bagay kung saan ako ang mas makikinabang." Wika naman ni Yohan.

Hindi na umimik pa si Francis at natahimik na lang. Nakatingin lang siya kay Yohan habang hindi mawala-wala ang malokong ngiti nito sa labi.

That's their plan. Kaya naman ngayon ay buhay pa rin si Francis. Ang akala ng lahat ay patay na siya. Ngunit ang totoo ay taimtim lamang siyang nanonood sa mga nangyayari. Mas lalo pang pumapasok sa utak niya ang mga imahe ng pag-iyak noon ni Lauren dahil sa katarantaduhan ni Yohan sa kanya. Mas lalong hindi na kinaya ng konsensya niya nang makita niya ang ginawa ng kaibigan sa dalaga. Nabato siya sa kanyang kinatatayuan, malayong nakamasid, at walang magawa.

He clenched his fist. He's being haunted by his weakness, his conscience, and most of all, by her. He keeps on dreaming about her, about her death. And for the past five freaking years, he always blames himself.

Now that he saw her again, alive and kicking... How can he face her? Paano niya ihaharap ang sarili kay Lauren? At kung siya nga talaga ang dalagang si Lauren Rius, ang dalagang tumatak sa puso niya bilang isang espesyal na kaibigan, paano siya makakabawi ngayon?

Doon pumasok sa utak niya si Yohan, mas lalong napapikit ng mariin si Francis. Ano'ng magiging reaksyon nito kapag nalaman niyang may dalagang nag-aaral sa paaralan nila na kamukhang-kamukha ni Lauren?

Bumukas ang pinto ng classroom ngunit hindi na siya nag-abalang tumingin pa. Alam naman niyang mga kaklase niya ang papasok. Pumasok sa loob ang mga kasamahan niya sa klase at naupo sa kanya-kanyang pwesto nila.

"Malalim ata iniisip mo, Francis." Sita sa kanya ni Valerie.

He gave her a faint smile. "Yeah..." Sagot niya na halos pabulong na.

Doon na napakunot-noo si Valerie saka ito naupo sa pwesto niya na sa tabi lamang ng binata, "What's wrong? Bakit ganyan ang mukha mo? Parang pinagsakluban ka ng langit at lupa."

Bumukas muli ang pintuan at doon inuluwa ang makukulit na sina Don, Gerik, at Rick. Mabilis namang napatingin sina Valerie sa tatlong ulopong na ito.

"Pustahan tayo sasapakin ka n'yan oh." Wika pa ni Don.

"Kapag hindi? Ikaw sasapakin ko?" Matawa-tawang sagot naman ni Gerik.

"Tara, bet na oh! Five hundred pusta ko!" Sigaw naman ni Rick.

"Boo!" Sabay na sigaw ng dalawa.

"Kuripot mo eh. 5K, deal oh?" Wika pa ni Don.

"Gago kayo, dahil lang sa mushroom na 'yan limang libo na?" Reklamo naman ni Rick.

Akmang sasagot pa sina Don at Gerik nang mabilis na umeksena si Valerie.

"Ang iingay niyo. Ano ba? Nasa palengke tayo?" Masungit na wika nito sa tatlo.

Natahimik naman ang tatlo ngunit kinalaunan ay nagbayangan pa rin. Napa-iling na lang si Valerie at tumingin muli kay Francis. Nakatulala ito sa lamesa niya at tila malalim ang iniisip. Hindi na lamang niya pinansin ang pagiging weirdo nito ngayon at natuon sa harapan. Sakto namang bumukas ang pinto nito at inuluwa ang iba pang miyembro ng Aire.

Pumasok sina Vince, Jed, at Luis. At ang pinaka-inabangan niya sa lahat, ang huling pumasok ay si Yohan. Dire-diretso ang tatlo sa kanya-kanya nilang pwesto habang si Yohan naman ay naupo sa tabi niya. Nasandal ito sa upuan at napapikit. Napangiti na lamang siya.

"Hindi ka pa rin tapos sa operation?" Tanong nito sa binata.

Umiling naman ang binata at dahan-dahan na iminulat ang mata nito saka ito tumingin ng diretso kay Valerie.

"Hindi pa. Baka gusto mo ako'ng tulungan?" Wika pa nito sa dalaga saka dahan-dahan na napangiti.

Hindi na mawala pa sa labi ni Valerie ang ngiti. "Sakit sa ulo n'yan."

"Sabi mo eh." Hamon pa ni Yohan.

Napa-iling na lang si Valerie at napatingin muli kay Francis.

"Kanina ka pang ganyan ah, may problema ba?" Tanong pa nito kaya't ang lahat ng tao sa classroom ay natuon ang atensyon kay Francis.

Doon na napalunok si Francis, sasabihin ba niya? Pero hindi dapat 'di ba? Sino bang uunahin niya? Ang mga kasama niya sa kwartong ito na naging pamilya na niya? O ang isang babaeng walang siyang kasiguraduhan sa totoo nitong pagkatao?

Akamang magsasalita na si Francis nang bumukas ang pinto at pumasok ang Head ng V Building na si Ms. Sour.

"Mr. Yohan Walker, we need to talk." Anunsyo nito pero hindi dito natuon ang atensyon ng mga taong nasa loob.

Sigawan at tilian ang narinig nila sa hallway kaya madali silang napatingin sa gawi ng pinto.

"Ano'ng meron?" Tanong pa ni Rick.

Napabuntong-hininga na lamang si Ms. Sour dahil kanina pa 'yang sigawan at tilian na 'yan. Kahit saan ata siyang magpuntang palapag ay ito ang pinag-uusapan.

"Transferees." Maikling sagot nito.

"Masyadong matinik sa atensyon." Dugtong pa nito.

Na-excite naman si Rick sa narinig, "Talaga? May transferees?! Kailangan kong makita 'yan!" Sigaw pa nito at madaling lumabas ng kwarto. Napa-iling na lamang ang iba sa binata.

Doon naman na tumayo si Yohan at lumapit kay Ms. Sour.

"Alright, let's settle this problem." Wika pa nito at naunang lumabas ng kwarto kaysa kay Ms. Sour.

Pinagmasdan lang ni Francis na maglakad si Yohan palabas ng pinto. Nakita niyng binuksan nito ang pinto ngunit tila may mali. Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Francis dahil nahinto si Yohan sa pinto at nabato sa kinatatayuan nito. Mabilis siyang tumayo at bumaba patungo sa platform nang mabato na rin siya gaya ni Yohan sa kanyang pwesto.

Doon dumaan sa pwesto nila, sa harap ng classroom nila, sa harap ni Yohan, ang dalagang kamukha ni Lauren kasunod ang mga kasamahan nito. Mabilis na lumipat ang mga mata ni Francis kay Yohan, doon nakita niya ang dahan-dahang pagyukom ng kamao ng binata.



Tahimik na naglalakad si Lauren sa hallway nang makita niya ang kanyang mga kasama na matiyagang naghihintay sa kanya sa dulo ng pasilyong tinatahak niya.

"Akala ko ba nauna na kayo?" Tanong pa nito.

"Mas maganda kapag sabay-sabay tayo." Sagot naman ni Leira.

Hindi na umimik pa si Lauren. Sabay-sabay silang nagtungo sa ikalawang palapag ng gusali. Pag-akyat nila, gaya nang scenario sa baba, ay napatingin sa kanila ang mga estudyanteng nagkalat sa hallway. Sari-saring bulungan at usapan ang muling sumalubong sa kanila. Hindi naman na ito pinansin nila Lauren at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Sa hindi namang inaasahang pagkakataon, tilian na ang sumunod na bumulaga sa kanila. Mabilis na hinigit ni Leira si Hero at ikinulong ang kamay nito sa braso niya. Hindi na maipinta ang mukha ni Leira. Pokerfaced na ang mukha nito at tila isang karatula ang nakalagay sa taas ng ulo niya na pagmamay-ari niya ang binatang nasa tabi niya.

"Uso pa rin ba fan girls ngayon? For pete's sake!" Iritang wika ni Leira kaya't natawa na lamang sila Kristen sa kanya.

"Wala tayong magagawa. May ganyan talagang mga babae." Sagot naman ni Kristen.

"Hindi nila kinaya ka-gwapuhan ko." Singit naman ni Logan.

Napa-irap na lang si Kristen dahil sa apat na lalaking kasama nila ngayon, mas madaming tumitili para kay Logan.

"Kauna-unahang wolf na nakapasok sa V Building. Hindi ba't parang isang malaking karangalan 'yon?" Wika pa ni Logan.

"Hangin mo, dude." Sagot naman ni Kristen.

Natawa na lamang si Logan sa kanya. Tahimik na naglalakad sa hallway ang magbabarkada at hindi alintana sa kanila ang mga bulungan at tilian. Isang pinto ang bumukas hindi kalayuan sa pwestong nilalakaran nila. Dumaan sila do'n ngunit hindi nakalagpas sa mga mata niya ang taong nakatayo sa pintong 'yon. Mas lalo pang lumawak ang ngiti ni Logan. Walang umiimik. Tanging ngisi o malokong ngiti ang makikita mo sa magbabarkada.

Habang si Lauren naman ay walang paki sa paligid at diretso lang ang daan. Ni hindi niya napansin ang taong nadaanan nila. Masyado itong nakatuon sa ibang bagay. Napa-iling na lamang sina Kristen.

"She's numb." Wika ni Logan.

"Dense." Sagot naman ni Kristen.

"Senseless." Singit naman ni Hero.

"Paralyzed." Gatong naman ni Leira.

Sabay-sabay na nagtawanan ang apat sa likod. Napa-iling na lang si Grey sa naririnig na usapan. Wala namang imik si Stephen. At lalong-lalo na si Lauren.

Nang makarating sa classroom nila ay doon pumasok na ang magbabarkada. Habang nakatayo sa harapan, habang nagpapakilala ang iba, doon pasikretong kinausap ni Leira si Lauren.

"Lauren, did you see what I saw?" Tanong pa nito.

"Be specific." Sagot naman ni Lauren habang nakatingin pa rin sa kanyang harapan.

"Handsome, vampire, sa kabilang classroom?" Tanong pa ni Leira.

"Stop making an infatuation with other man. May Hero ka na." Flat, walang ka-emosyon emosyon, at pokerfaced na sagot ni Lauren sa dalaga.

Doon na tumingin ng hindi makapaniwala si Leira sa kanya, "Really? You didn't saw him? Ganyan ka talaga ka-manhid?"

Iritang tumingin si Lauren sa kanya, "The f-ck Leira, who the hell are you talking about? Dapat bang may nakita ako?"

"Wow!" Wika pa ni Leira at napa-iling sa kaibigan.

"You're unbelievable Lauren. You just passed him at the hallway, your f-cking ex" dugtong pa nito.

Napangiti naman si Lauren, "Oh really? How come I didn't saw him? Bummer."

Sakto namang si Lauren na ang magpapakilala, "Lauren Frey." Straight and pokerfaced na pagpapakilala nito sa klase.

Leira looked at Lauren in disbelief. Kinontrol na lang niya ang tawa niya at napa-iling sa ugali ng dalaga.


***

Happy 100K reads Cursed!

Thank you so much LynneDoll (Ura babes!) for the banner up there. (Woot woot! Let's celebrate!)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro