[8] A Day With Him
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟖
PUMUNTA na ako sa mall at hinintay ko lang si Blood sa may harap ng carousel. Dito ko napiling maghintay dahil center of attraction dito at for sure na mapapansin agad ako ni Blood. Napatingin ako sa cellphone kong nagvibrate. Napakunot noo ako nang mabasa ang text message na nareceived ko ngayong araw. It's from an unknown number.
"This is Blood Jared. I'm already here. Where are you?"
Bahagya akong nagulat sa nabasa. I never knew that Blood knows how to text someone, especially me. I wonder how he found out my number without asking me.
Mabilis akong nagtipa ng mensahe para kay Blood.
"Nandito ako sa harapan ng Carousel." Sinend ko na kay Blood ang message ko at ipapasok ko na sana ulit ang cellphone ko sa bag ng magvibrate ulit ito.
Tinignan ko ulit ito at baka nagreply na siya and I'm right dahil dalawa agad ang mensahe na natanggap ko galing sa kanya.
"All right."
Inilibot ko ang paningin sa buong lugar at kumunot noo ng hindi makita si Blood. Mabilis kong binasa ang isa pa niyang text.
"Turn around."
Tulad ng sabi ni Blood sa text umikot nga ako patalikod and I was really shocked nung magkabungguan ang mga sarili naming balikat. Nanlaki ang mga mata ko nang mahawakan agad ni Blood ang braso ko para hindi ako ma-out of balance. Aigooo!!!
Mabilis akong tumalikod kay Blood dahil ramdam ko ang pamumula ng buo kong mukha. My face heated up as if I have a high fever because of what happened.
"What the hell are you doing?" Rinig kong singhal ni Blood sa'kin.
Mabilis akong huminga ng malalim bago humarap sa kanya. Nakita kong titig na titig siya sa'kin habang nakakunot ang magkabilang kilay niya.
"S-Saan natin sisimulan?" Tanong ko na bahagya pang nautal.
"Sa may starbucks tayo." Hindi na ako nakaangal nung hilain ako ni Blood.
NAKAUPO AKO ngayon sa loob ng starbucks. Si Blood ang nasa counter para bumili ng inumin namin. Nagpalinga-linga ako sa paligid at napansin kong walang masyadong tao ang nandito ngayon.
Nag-angat ako ng tingin kay Blood ng ilapag niya ang order kong java chip Frappuccino at isang blueberry cheesecake.
Umupo ako ng maayos tska sumimsim sa order ko. "Anong connect ng starbucks sa gagawin natin?" Tanong ko.
Liningon ko si Blood at nakita kong sumisimsim rin siya sa order niyang Iced White Chocolate Mocha. Nagtaas siya ng isang kilay bago ilapag ang inumin niya.
"Did you bring notebook or any paper?" Kumunot noo ako bago tumango.
"Good. Salitan tayo ng tanong. Likes muna. Magtake notes ka." Tumaas ang isang sulok ng labi ko sa sinabi ni Blood.
In fairness mukhang matalino rin pala tong si Blood.
"Rock, paper, scissors tayo." Suwestyon ko. Umiiling naman si Blood na ikinagulat ko.
"Kung gusto mong mauna then go, Ikaw na." Hindi naman ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Sige, tignan natin. Hinahamon ata ako netong si Blood.
"Virgin ka pa ba?" Tanong ko kaya naman biglang nanlaki ang mga singkit niya mata.
"What the hell? I said likes muna!"
I can't stop laughing because I could see how the color of his whole face changed. I swear, He's blushing!
"Stop laughing!" Napipikon na sabi niya.
"Joke lang! Hahahaha!" Natatawang sabi ko kaya binigyan ako ni Blood ng death glare kaya natahimik ako.
"Mardux!"
"Eto na nga! Seryoso na ako," sabi ko bago sumeryoso at nagpokus na sa paggawa ng project.
"Anong favorite food mo?"
Masama pa rin ang tingin niya sa akin pero nagawa parin niyang sumagot ng maayos. "Steak." Tipid na sagot niya.
"Ahh oo masarap–" Hindi ko natuloy ang pagsasalita ng ako naman ang tanungin niya.
"Favorite number?" he asked.
"6,24,28,16," sagot ko.
"Favorite number?" Balik na tanong ko sa kanya.
"02,06..." sagot niya kaya tumango-tango ako ng batuhin niya agad ako ng panibagong tanong.
"Favorite music in your playlist?" Mabilis kong inalala ang mga laman ng playlist ko bago sumagot sa kanya ng nakangiti.
"Call Me Maybe!" Nakangiting sagot ko. Mabilis kong tinake down notes lahat ng mga sagot niya bago ulit nagtanong.
"Ikaw, What is your favorite season?"
Sumimsim siya sa inumin niya bago tumingin sa akin. "Winter."
"Ahhh." Tanging sagot ko.
"What language you like to learn?" Nagslice muna ako sa blue berry cheesecake ko at sinubo bago sumagot.
"I like to learn French & Japanese." Nakangiting sagot ko bago sumimsim sa inumin ko.
"Hmm. What is your favorite color?" Ako na naman ang nagtanong.
"Blue."
Ten questions per person ang tema namin ni Blood. Pagkatapos namin maubos ang order namin, umalis na rin kami sa Starbucks at dumiretso sa arcade.
"Hatest food?" Nilingon ako ni Blood dahil sa tanong ko. Nandito kami sa arcade sa loob ng karaoke room, dito kasi namin naisipan ituloy ang project namin at nasa dislikes na kami.
"Vegetables." Cool na sabi ni Blood habang naka cross arms at mukhang bored na bored na.
"Vegetables? Seriously? Ang sarap kaya ng gulay no!" Kontra ko sa sinabi niya kaya naman inismiran niya ako.
"Not all people are the same. Huwag mo akong igaya sayo."
Sumimangot tuloy ako at hinayaan ko na lang siya na tanungin ulit ako.
"Hatest subject?" Tanong ni Blood na parang naubusan na talaga ng gana sa ginagawa namin.
"I hate Math and History." Sabi ko tapos ako naman ang nagtanong sa kanya habang hawak ko ang microphone.
Ewan ko ba kay Blood at dito niya napili na ituloy yung project namin, eh wala naman gustong kumanta sa aming dalawa.
Blood and I already finished our project but, we still haven't take any selfies together. Tumingin ako kay Blood na busy sa paggamit sa cellphone niya kaya tumayo na lang ako at naghanap ng magandang kanta.
Tumikhim ako bago tinapat sa bibig ko ang microphone at nagsimula ng kumanta.
🎤 Call me maybe
I threw a wish in the well
Don't ask me I'll never tell
I looked to you as it fell
And now you're in my way
I'd trade my soul for a wish
Pennies and dimes for a kiss
I wasn't looking for this
But now you're in my way 🎤
Nakatalikod ako kay Blood habang kinakanta yung first verse kaya hindi ko alam kung ano reaksyon niya sa boses ko hehe! Pero ipinagpatuloy ko pa rin ang pagkanta dahil malakas ang trip ko.
BLOOD'S POV
TAHIMIK lang ako habang naglalaro ng angry birds 2 sa cellphone ko nang makarinig ako ng kumakanta. Nagtaas ako ng tingin at dumapo ang tingin ko kay Mardux. Nakatalikod siya sa akin habang hawak ang microphone at kumakanta.
🎤 Hey, I just met you and this is crazy
But here's my number,
so call me maybe
It's hard to look right at you baby
But here's my number, so call me maybe
Hey I just met you and this is crazy 🎤
Ilang segundo akong natigilan nang marinig ko siyang kumanta. Biglang gusto kong matawa kasi naman ang panget ng boses ni Mardux. Halatang pinapaganda niya lang yung boses. Tss!
🎤 You took your time with the call
I took no time with the fall
You gave me nothing at all
But still you're in my way
I beg... 🎤
Hindi ko na nakayan, Mabilis kong ibinulsa ang cellphone ko at lumapit kay Mardux. Nanlaki ang mga singkit niyang mata nung makita niya ako. Gusto ko na naman tuloy matawa dahil sa reaksyon niya.
"Lah! akala ko busy ka sa cellphone mo." Inagaw ko sa kanya yung microphone.
"Sino ba hindi maiistorbo sa ginagawa mong pagkanta? Ang panget pa naman ng boses mo!"
Nanlaki yung butas ng ilong ni Mardux tapos bahagya pa siyang namula. "Ang kapal ng mukha mo! Ughhh!" Naiinis na sabi niya tska mabilis akong tinalikuran.
"I'm glad that our project is over because I don't want to see you again!" sigaw niya tska mabilis na naglaho sa harapan ko.
Hindi ko napigilan ang tawa ko. Humalakhak ako ng malakas bago tuluyang lumabas ng karaoke room.
"Pasensyahan tayo, Mardux dahil makikita at makikita mo itong mukha na ito." I said while smirking.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro