[6] Clash
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟔
"I think I like you."
Dumagundong ang puso ko ng sambitin ni Clint ang katagang 'yon. Napatingin ako sa kanya at gano'n rin siya sa akin. I blinked twice before pinching my hands to make sure that I'm not dreaming. Clint saw what I did that's why he laughed.
"Ang cute mo pala magulat." Sabi ni Clint kaya ramdam kong namula ng sobra ang magkabila kong pisngi.
"NO!"
Sabay kaming lumingon kay Blood nung bigla siyang sumigaw. Nakatayo siya habang yakap-yakap ang box ng pizza at nakatingin sa sahig. Napakunot noo ako sabay tingin sa sahig at napaawang ang bibig ko nung makitang may dalawang slice ng pizza sa sahig, nakabaliktad at marumi.
"This is your fault, Jackass! My poor pizza!" Sigaw ni Blood habang nakatingin ng masama kay Raven, isa sa mga member ng blue dragons.
Nagtaas ng kamay si Raven na parang sumusuko. "Bibilhin na lang kita ng bago," sabi niya pero hindi man lang nabawasan ang masamang aura ni Blood.
Napalingon ako kay Clint nung bigla siyang nagsalita. "Blood is obsessed with pizza. That's his favorite food since he was young." I nodded before glancing at Blood for the second time.
Binabatukan ni Blood si Raven at todo asar naman ang mga kasamahan nila. Napailing na lang ako sa mga kabaliwan ni Blood. Isip bata.
"Clint, mauuna na siguro ako. Baka lumamig na kasi itong pizza na hindi ko pa nakakain, eh..." sabi ko at napangiti naman siya.
"All right. Ingat ka, Mardux. I'll see you tomorrow."
"Salamat talaga, Clint!" sabi ko bago napangiti at kumaway na lang at mabilis na lumabas ng gymnasium.
THE NEXT DAY
HUMIHIKAB pa akong bumaba papunta sa dining area at doon ko naabutan si beks na nagluluto habang may suot na earphones at nakikinig ng music. Tumabi naman ako sa kanya para magtimpla ng sariling kape. Lumingon siya sa akin at tinanggal ang isang galamay ng suot niyang earphones.
"Good morning."
"Good Morning."
"Tara, kain!"
Natapos siyang magluto kaya nagsimula na kaming kumain. "Jal meokkessumnida!" sabi ko at nagpatuloy na sa paglamon.
Simple lang ang napili kong suotin ngayon. Tanging Plain white round neck top at isang black jumpsuit na pinares ko sa puti kong gucci rubber shoes. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko at pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, lumabas na ako ng kwarto.
Naabutan ko si beks sa living room na nagsusuot ng sapatos. "Kajja?" Yaya ko kaya lumingon siya sa'kin tapos tumango.
Nilocked lang namin yung gate ng bahay tapos nagsimula na kaming maglakad. Nagdadal-dalan lang kami ni beks habang naglalakad para hindi mainip nung biglang may umeksena.
Napatalon ako sa gulat ng may bumisinang sasakyan sa mismong likod namin. Lumapit ako sa kotse at kumatok sa bintana, Tinted ang sasakyan kaya hindi ko makita kung sino yung nasa loob.
Dahan-dahang bumukas ang bintana ng sasakyan at hindi na ako nagulat na makitang si Blood ang sakay non kasama niya sina Clint at Lance.
"Good Morning," I instantly smiled when Clint greeted me.
"Hi! Clint, Good Morning." sabi ko bago napalingon kay Blood habang nakataas ang isa kong kilay. "Huwag na huwag mo na kaming bubusinahan!" Singhal ko at aalis sana na nung narinig ko siyang magsalita.
"Matuto ka kasing tumabi sa daan! Tss, Paharang-harang sa kalsada!" Mabilis akong napaharap sa kanya. I glared at him while both of my hands are in my waist.
"What did you say?!"
"Hindi na nga maganda, bingi pa." Mabilis siyang napangisi saka sumenyas na tumabi ako.
"Sobrang yabang mo!" Napipikon na sabi ko bago humakbang paalis dahil mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan niya at pinakain ako ng usok! Pwe!
BLOOD'S POV
I could no longer bear not to laugh when I saw Mardux's face. Her reaction is priceless! She really looked pissed because of what I did.
Akala ba niya masisindak ako sa mga pinagsasabi niya? Never in a million dreams, I will be scared of her.
Napalingon ako kina Clint at Lance at nakitang nakatingin rin pala sila sa'kin.
''What?"
Napapailing si Lance habang may ngiti siyang tinatago. "Damn! Ang ganda pala ni Mardux sa malapitan, no? Ngayon ko lang napansin." Nabigla ako sa sinabi niya.
"What? Akala ko ba may taste ka?" Natatawang tanong ko habang nagmamaneho papasok sa gate ng school.
Ngumiti naman si Lance at tinapik ako sa balikat. "Dude, I have a taste. Sadyang pumasa lang talaga si Mardux sa standards ko," sagot niya sabay tawa. "May facebook kaya si Mardux? Add ko nga."
Napangiwi na lang ako.
I never thought that Lance has a low standard when it comes to girls! I felt like vomiting whenever they praised that girl! Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa mga kukote nila at nagagandahan sila masyado kay Mardux!
Kailangan ko na sigurong maghanap ng bagong kaibigan.
MARDUX POV
GUMAGAWA ako ng activity ng biglang may sumipa ng upuan ko. Napapikit ako at bumuntong hininga. Mardux, Calm down! Iisipin ko na lang na hangin lang 'yon. Hangin lang. Malakas na hangin.
Pinagpatuloy ko na ang pagsagot sa activity nang sumulpot na lang bigla si Blood sa tabi ko. Napalingon ako at hinanap si beks at nagulat ako nung makitang nagpalit sila ng pwesto ni Blood.
I glared at him. If my looks can kill, probably his family is already mourning.
"Ano bang kailangan mo?" I asked, testing my patience.
Mabilis niyang pinagdikit ang mga upuan namin saka inagaw sa'kin ang worksheet ko. "Can't you see that I'm busy? What do you think you're doing?"
"Let's switch our worksheets. I will answer yours and, you'll answer mine." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya saka sinilip ang worksheet niya kung may laman.
"Baliw ka ba? May sagot ka na, ah? Stop bothering me." Naiiritang sabi ko saka inagaw ang papel ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko kanina.
Nung matapos ako sa pagsagot ng worksheets ko, Mabilis na akong tumayo para ipasa ang papel ko. Pabalik na sana ako sa upuan ko nang banggain ni Blood ang balikat ko. Halatang sinasadya niya.
"Tabi!" Natigilan ako at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya.
Bipolar ba siya?!
Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik na lang sa pwesto ko. Nasa kalagitnaan na ulit kami ng lesson ng maramdaman kong nakatingin sa'kin si Blood.
Mabilis akong lumingon sa kanya at kitang-kita ko ang mabilis na pag-iwas niya ng tingin. "Huwag ka nga sa'kin tumitig, Hindi ang mukha ko ang pinag-aaralan natin." I said almost murmuring.
Tumaas ang kilay niya at parang nandidiri na tumitig sa'kin. "Feeling mo naman masyado!" Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Epal ka talaga, eno?"
"Baka ikaw ang epal." He exhaled sharply.
"Shibal!" bulong ko habang masama ang tingin sa kanya.
''What?!''
Hindi na lang ako nagsalita ulit dahil nagfocus na lang ako sa pakikinig ng lessons namin. Ilang oras lang at natapos na ang klase.
"Finally! Merienda time!" Napalingon ako kay beks na nakatayo habang humihikab.
"Hoy."
Mabilis akong napalingon sa lalakeng epal sa buhay ko. Hinila niya ang suot kong bag at pinaharap ako sa kanya.
"Waeyo?!" Maangas na sabi ko.
Hindi man lang siya nagsalita at tumayo lang. Pinagpagan niya ang damit na suot kahit wala naman dumi.
"Dalhan mo ako ng Carbonara at Pizza,'' sabi niya saka mabilis na lumabas ng classroom.
"Ano?!"
Did he just told me to bring him a food? How dare him! As far as I know, Wala na akong atraso sa kanya.
Mabilis akong lumabas ng room at hinabol siya. "Teka lang nga, Blood! Sino ka ba para utusan ako? Sa pagkakaalam ko, wala na akong atraso sayo!" Pigil ang sigaw na sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang pagkamangha sa mukha nina Lance at Clint. Halatang hindi nila inaasahan ang ginawa at sinabi ko.
"Who are you to say that?" His eyes narrowed.
"I'm not your maid nor slave Blood, So please stop ordering me things! You're not the boss of me so, stop being childish." Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita dahil nilagpasan ko na sila.
I felt my heart pounding in nervousness and, my face heated because of what I've said.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro