
[3] We Meet Again
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟑
PANIBAGONG Araw na naman ang lumipas. Mabilis akong dumiretso sa banyo para maligo at pagkatapos kong maglinis ng katawan, mabilis na akong pumili ng damit na isusuot ko.
I chose to wear a black long sleeves dress, and I paired it with my white Adidas shoes. I sprayed some of my perfume on my neck and wrist before I applied lipstick on my lips. Hinayaan ko naman na nakalugay ang mahaba kong buhok saka na ako bumaba para makaalis na kami ni Beks.
HINDI KO alam kung ano ang gagawin ko. Mabilis akong lumingon sa kanan bago ako lumingon sa kabila pero hindi pa rin sila tapos magtitili. Napapikit ako saka bumuga ng hangin, hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko.
Hindi ko akalain na makikita ko sila ulit, yung tatlong lalake na nakasagutan ko sa mcdo. Nandito sila sa mismong likod ko!
Nakatungo ako simula nung pumasok at magpakilala sila sa harapan. Kilala ko na silang tatlo at hindi nga ako nagkakamali dahil mga sikat nga sila.
The first guy is Clint Dashwood, Siya yung sinasabi kong mukhang Prinsipe. Sumunod naman si Lance Ramirez, siya yung mukhang playboy. And the last one, is Blood Jared Pemberton, I think he's the leader of the group.
Sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam bigla na lang akong kinabahan. Wala naman akong ginawang masama sa kanila ah? Bakit ba ako natatakot?
"Yah, Mardux! Ayos ka lang ba? Mukha kang constipated." Lumingon ako kay beks na nakadungaw sa'kin, as in yung mukha niya nasa ilalim na ng mukha ko.
Bahagya kong tinaas ang ulo ko nung nagsimula nang magsalita yung teacher namin. Lumingon ako kay beks tska bumulong. "Nasa likod ko yung tatlong nakasagutan ko sa mcdo."
Halatang naguguluhan si beks sa sinabi ko pero bumulong rin naman siya na ikinatawa ko. "Hindi kita maintindihan."
Bumulong ulit ako tska nginuso yung mga lalakeng nasa likod ko. "Kilala ko sila."
''Ahhh.'' Nagulantang ako nung bigla siyang lumingon sa likod namin tska pinakatitigan silang tatlo!
Mas lalo akong kinabahan sa ginagawa ni beks! Nakipagtitigan siya sa kanila at gusto ko na lang lamunin ng lupa nung bigla siyang lumingon sa'kin bago walang pasabing nagpakilala sa tatlo.
''Hello, My name is Shirley but you can call me mine,'' sabi niya.
''Hello, Mine,'' biglang sagot ni Lance.
I knew it! He's a total playboy!
For sure, He and Kuya Blake can be best friends because they're both playboy!
Natapos ang dalawang subject kaya naman mabilis pa sa alas kwatro ang paglabas ko sa classroom at dumiretso kaagad ako papunta sa cafeteria. May isa pang subject mamaya at sana hindi sila pumasok dahil naiilang ako!
Nagpalinga-linga ako para humanap ng mauupuan pero wala, Occupied na lahat ng mga ibang estudyante. Halatang maagang natapos ang klase nila. Mabilis akong umupo sa may lamesang nasa gitna, eto yung malapit sa counter at dito nakaupo yung tatlo kahapon. Sa tingin ko naman hindi na sila dito uupo di ba?
Pumunta na ako sa counter at nag order lang ng Clubhouse Sandwich, Orange juice at Lasagna. Pagkatapos bumalik na ako sa pwesto ko kanina at doon kumain.
Hindi ko akalain na magiging kaclose na kaagad ni beks yung dalawa sa tatlo, Si Lance at Clint.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain sa mga order ko nang tumaob ang basong pinag-iinuman ko kanina. Nagulantang ako sa nangyari. Nag-angat ako ng tingin at mas nagulat ako nang makitang nasa harapan ko ang tatlong lalakeng iniiwasan ko!
BLOOD'S POINT OF VIEW
Boring as shit.
As usual napilitan na naman kaming tatlo na pumasok sa walang kwentang subject na ito. Napayukom na lang ako ng kamao. Kung nasa harap ko lang talaga si tanda matagal ko ng siyang nalampaso sa sahig!
That son of a bitch is really getting into my nerves!
Bago pa ako magwala dito sa boring na subject at suntukin ang boring na Teacher, magpapakilala muna ako sa inyo.
I'm Blood Jared Pemberton, 18 years old. I was born in San Diego, California but, I live in the Philippines since I was nine. I have a sister and, her name is Brooklyn Jones Pemberton. She's studying Aerospace Engineering in one of the best flight schools in Canada. I'm half American, Korean, Filipino. My dad is in Los Angeles right now. He's busy managing our oil company business. Same with my mother whose busy traveling the world. Tss! And yeah, Not to mention that I'm the son of the owner of this school. My family owns BLUE ACADEMY.
Mabilis akong tumayo nang makitang tumigil ang teacher namin sa pagsusulat, isa lang ang ibig sabihin niyan, dismissal na. Tss! Salamat naman at natapos na ang boring na Mathematics class. Mabilis kong isinukbit ang bag ko sa braso ko at handa nang lumabas ng unahan ako ng babaeng nasa harapan ko. Weird.
We're heading to cafeteria kasama ang mga best friend kong sina Clint at Lance. Napapikit ako ng mariin at sinamaan ng tingin ang lahat ng mga babaeng nagsisitiliian nang makita kami. Fuck! Hindi ba sila nagsasawa sa kakatili! Dahil kami sawang-sawa at rinding- rindi na!
Napalingon ako kay Clint ng bahagyang sikuin niya ako. I mouthed. "What do you want?" Sanay na sila sa mga lumalabas sa bibig ko kaya masanay na rin kayo.
"See it for yourself." Tipid na sabi niya sabay turo sa kung saan.
There I saw a girl sitting at our usual place. Mabilis ang lakad ko at ng makarating, hinampas ko ang lamesa na naging dahilan kung bakit tumaob ang baso na may lamang Orange juice. Napasinghap ang lahat pero sanay na sila sa ugali ko kaya walang sino man ang nagtangkang kalabanin ako.
Hinintay kong mag-angat ng tingin itong babaeng sa harap ko at hindi nagtagal nagtaas rin siya ng tingin at kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya. She looks familiar. Natigilan siya at halata ang pagkabigla.
Napangisi ako bago sugurin ang mukha niya. "This is our table! Get out!"
Napapikit ang babae sa ginawa kong pagsigaw kaya akala ko masisindak ko siya, pero nabigla na lang ako nung bigla siyang tumayo at hinarap ako. "Waeige neione?!" Sigaw niya pabalik.
No one dares to talk back to me like that!
"What the fuck are you saying? THIS. IS. MY. TABLE. Get out. Leave!" Madiin ang pagkakasabi ko para mas tumatak sa kokote niya pero hindi siya umalis bagkus niligpit niya muna ang pagkain na natapon kaya mas nainis ako.
Sa isang iglap nawala ang lahat ng pagkain sa lamesa. Tinapon ko kasi lahat. "Hindi mo ba ako narinig? I told you to leave this table!"
Tumingin sa akin ang babae at mabilis na sinamaan ako ng tingin. "Dangsin-eun nugulago saeng-gaghabnikka?! Dangsin-eun neomu mulyehabnida! Nan neoga silh-eo!!" Sigaw niya bago kumaripas ng takbo.
Is she talking dirty to me?!
That alien girl! You'll pay for talking back!
MARDUX POINT OF VIEW
SOBRANG bilis at lakas ng tibok ng puso ko kaya eto, Wala akong choice kung hindi ang maghilamos bago pumunta sa garden. Kinakabahan ako at gusto ko talagang kutusan ang sarili ko dahil sa ginawa kanina. Nagsisisi ako! Sana palang umalis na lang ako at nakipag share ng upuan sa iba! I gasp in frustration. I'm still hungry because I only ate the sandwich, but I haven't finished drinking my orange juice, including my Lasagna.
Mabilis akong umupo sa isang bench sa ilalim ng malaking puno bago bumuntong hininga at lumanghap ng sariwang hangin. I suddenly felt a headache because of what happened.
Napatingin ako sa mga puno pati na rin sa iilang bulaklak na nakapalibot at nagkalat sa garden. Sa totoo lang, Sobrang ganda ng school garden ng blue academy. Bukod sa mga puno, bench at iba't-ibang uri ng mga bulaklak, may mini playground pa na kasama ang garden. May dalawang swing, monkey bars at seesaw pa.
"Ano na kayang gagawin ko." Pakikipag usap ko sa sarili ko dahil hindi ko napigilan ang sarili kanina. Gusto kong kutusan ang sarili ko sa ginawa ko! Nakakahiya!
Dagdag pa na nagsalita ako ng Korean kanina! Paniguradong iisipin ng lalakeng 'yon na minumura ko siya.
Hindi dapat magkrus ulit ang landas namin ni Blood. I need to escape from his madness or, else I'm dead!
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro