Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[16] Amusement park

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟔

"Mardux, ano ba? I told you to take a bath!"  I groaned in pain when I felt my head was hit by a throw pillow.

"Tinatamad nga ako," sabi ko sa tamad na boses.

"Kadiri ka, beks! Kagabi ka pa hindi naliligo!" Babatuhin niya sana ulit ako ng unan pero mabilis ko itong nasalo. "Tigilan mo na ang kakaoverthink mo sa nangyari last time, okay?" dagdag na sabi niya.

Kinakalimutan ko na nga tapos ipapaalala pa...

"Bakit mo ba kasi ako pinapaligo? Ako naman itong mangangamoy at hindi ikaw..."

"Kasi nga may pupuntahan tayo." Naupo siya sa may harapan ko.

Mabilis akong napalingon sa kanya. Napakunot noo ako at inalala kung may lakad ba kami ngayong araw. Before I forgot, Today is Saturday kaya imposibleng may gala kami.

"Meron ba?! Bakit hindi ko alam?" Nagtatakang tanong ko.

She nodded. "Yup, and I told you last night kaya bago tayo matulog. I told you about the ticket that I bought for the three of us!"

Mas lalong nagkaroon ng gitla ang noo ko. "Three of us?"

"Me, Sabrina and, You! Pupunta tayo sa Star City!" She said in a gleeful voice.

Mabilis akong napatayo sa gulat.

"What?" I gasped. "Star City?! Ngayong araw?"

Sunod-sunod siyang tumango. "Yes! Kaya nga kanina pa kita pinapaligo dahil 30 minutes na lang and, Sabrina will be here na."

Mabilis kong binato pabalik sa kanya ang throw pillow at saktong sa mismong mukha niya tumama ang unan.

''Ouch! Maligo kana nga!''

''You should have told me again earlier! Jeez!" sabi ko.

Mabilis na akong tumakbo paakyat papunta sa kwarto ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dinampot ko na ang nakasampay kong towel at dumiretso na ako sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay pinili kong suotin ang isang denim jumper shorts at aking plain white crop top. I chose my white sneakers and red baseball cap to complete my outfit. Nagapply ako ng tinted lip balm at sunscreen bago ako bumaba papunta sa living room.

"Tapos kana?" Tanong ni Shirley habang naglalagay ng lipstick.

"Oo, Nasaan na si Sab?"

"She texted me at malapit na daw sila ng driver niya."

"Sige,"

Habang naghihintay sa pagdating ni Sabrina, nagpatuloy kami sa pagaayos sa mga sarili namin. Ginawang french braid ni Shirley ang buhok ko habang hinayaan naman niyang nakakulot sa dulo ang buhok niya.

''Tao po!''

Sabay kaming napatingin sa pinto nang marinig namin na may tao sa labas kasabay ng dalawang malakas na busina.

''Sabrina is here!'' sabi ko.

''Tara na! Don't forget your camera, beks.''


I nodded and made a thumbs up. ''Noted.''

Mabilis na kaming lumabas at sinalubong ang bagong dating na si Sabrina. We hug her tightly at habang pasakay kami sa sasakyan nila ay hindi namin maiwasan ang hindi magdaldalan.

She's wearing a blue denim High waist Button skirts, black tank top and, strappy sandals. Habang nakasuot naman ng brown denim shorts, khaki Rib Knit Tank Top and, white converse sneakers si Shirley.

"I'm so excited to try different rides!" Excited na tanong ni Sabrina. "Ilang beses na ba kayo nakapunta sa Star city?"

"This our first time na pumunta sa star city. Usually kasi sa enchanted kingdom kami pumupunta,'' sagot ko.

"Seriously? Then, you should try every rides, then! Sobrang worth it lahat specially the Star frisbee."

"Sige, Sakyan natin lahat ng mga rides!"

''Oo sige!''

One hour had passed and we arrived at the star city. Bumaba na kami sa sasakyan at mabilis na kumuha ng mga litrato. Kinausap na muna ni Sabrina ang driver niya na balikan na lang kami dahil baka umabot kami ng ilang oras sa loob. Sa pila pa lang kasi sa mga rides ay pwede na kami umabot ng isang oras.

Bago kami makapasok sa loob ay binigyan na muna kami ng ticket pass na pinasuot sa mga kamay namin.

''Oh my gosh! Doon muna tayo sa carousel!''

I shooked my head. ''Bakit dyan? Para lang sa mga bata yan, e!'' sagot ko.

''Doon tayo sa may bumper cars dali!'' sabi naman ni Sabrina.

Napanguso si Shirley. ''Gusto ko sa carousel! Please?! Doon muna tayo tapos sakyan na natin lahat ng mga gusto niyo!''

Napakamot ako sa batok. ''Sige na nga!'' Hindi na ako nakatanggi dahil alam kong hindi siya titigil na makuha ang gusto niya.

Dumiretso na kami sa may carousel at hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng hiya dahil puro mga bata ang mga nakapila.

''Oh my! I'm so happy! Sobrang chill lang sa carousel!'' Masayang sabi ni Shirley pagkatapos namin sumakay ng carousel.

''Ikaw lang natuwa, te! Nahilo lang ako! Doon tayo sa star frisbee para mas mahilo tayo hahahahahaha!'' Tumawa ng malakas si Sabrina.

Nung makita ko yung sinasabi ni Sabrina ay hindi ko mapigilan ang mapanganga. ''Dyan tayo sasakay?!'' Kinakabahang tanong ko.

''Yes!''

''No way! I'm here to enjoy, not to die early!''

Tumawa siya ng malakas. ''Don't worry, ma-eenjoy mo itong rides.'' hinila niya ako kaya hinila ko rin si Shirley.

Halos lumabas ang kaluluwa ko sa rides na 'yon. Sunod namin sinakyan yung Sea horse na rides. Habang patagal ng patagal ay mas nagiging mataas at mabilis ang pagsway ng rides kaya mas nahihilo ako.

''Ayoko na! Nahihilo na ako!'' Sabay na sigaw namin ni Shirley habang tawa naman ng tawa si Sabrina.

''Ahhhh! Bakit hindi ako crush ng crush ko!''

''Kasi maasim ka!''

Sabay kaming tatlo na tumawa ng malakas sa narinig. Bigla kasing sumigaw yung dalawang babae na nakapwesto sa likod namin kaya hindi namin maiwasan ang hindi matawa na may halong kaba.

Nung matapos yung rides ay dumiretso na kami sa food court dahil nagutom kami. Sobrang daming pwedeng pagpilian pero mas pinili namin kumain sa pinakamurang restaurant.

''Isa pong order ng pork tonkatsu at coke ang sa'kin,'' sabi ko sa tindera.

''Dalawang pork barbecue at java rice po yung sa'kin,'' order naman ni Sabrina.

''Tocino at garlic rice po yung sa'kin,'' order naman ni Shirley.

Naghanap na kami ng pwedeng maupuan at nagsimula kumain ng lunch. Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang kami saglit bago bumalik sa pagpila sa mga rides.

Pumunta na kami sa bumper cars, Sumunod ang Jungle Splash na naging dahilan upang mabasa ang mga suot naming damit. Pumasok tuloy kami sa souvenir shop para bumili ng damit. Pare-parehong kulay rosas na t-shirt ang binili namin na may tatak ng Star City.

Naglakad-lakad na muna kami at nang mapagod ay pumunta kami sa mga mini games. Nanunuod kami sa mga naglalaro nang may mahagilap ang mga mata ko.

Sobrang daming tao doon sa may basketball booth kaya hinila ako nina shirley at Sabrina para makita ang nangyayari. Gulat kaming napatingin sa isa't-isa nang makitang ang pinagkakaguluhan sa booth ay sina Blood, Clint at Lance!

''Nandito rin sila?!'' Gulat na tanong ko.

''Aba, kitang-kita mo naman!''

''Tara na! We can't let them see us at baka masira pa yung araw natin,'' nagmadali akong umalis pero hindi ko inaasahan na mapupunta sa mismong harapan ko ang bola ng basketball na hawak kanina ni Blood.

Napakurap-kurap ako at parang nanigas ang katawan ko nang makitang pinulot ni Lance ang bola sa may paanan ko.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa'kin. ''Mardux?!'' Shocked is visible in his eyes.

''I-ikaw pala, Lance...''

Andwae!

''Uy, nandito ka pala!'' sabi niya habang may malaking ngiti sa labi. ''Clint, Blood, look who I saw! Mardux is here!'' Malakas siyang nagsalita para marinig nung dalawa.

''Oh, Mardux hi!'' Clint greeted me with a big smile.

I gulped. ''Hi,''

''I didn't know you were here... Is Shirley with you?'' Tanong ni Clint at dahan-dahan naman siyang tumango at tinuro ang pwesto kung nasaan sina Shirley at Sabrina.

Shirley waved at him. ''Annyeong, Clint!''

Clint blushed. ''Hi,''

Mabilis kong sinulyapan si Sabrina at nakita ko kung paano bumagsak ang magkabilang balikat niya. Does she really like Clint?

''Gu-''

Magsasalita sana ako nang maunahan ako ni Blood. ''Brute, what's our next stop? When are we going to the snow world?'' Matigas ngunit parang batang tanong ni Blood.

Nagkatinginan kami ni Blood at mabilis akong nag-iwas ng tingin nang tumingin siya sa'kin ng mariin. Bakit ba kasi ganyan siya makatingin sa'kin?

I fake cough. ''G-gusto mo pumunta sa snow world?'' Nahihiyang tanong ko.

Blood nodded. ''Yeah,''

''Ah... Arraseo,''sabi ko at tumingin sa pwesto ng mga kaibigan namin. ''Guys, tara sa snow world sabi ni Blood!'' Pag-aaya ko sa kanila at mabilis naman silang pumayag.

Dumiretso nga kaming lahat sa snow world. Nagbigay ng mga double padded coat at gloves ang mga staffs at pinaliwanag na muna nila sa amin ang lahat ng mga rules at regulations sa loob.

''Uy, tara group picture!'' Pag-aaya ni Shirley at mabilis ko naman binigay kay Clint ang camera na dala ko.

''One, two, three! Say cheese!''

Ilang beses kaming kumuha ng mga litrato sa bawat ice sculptures na makita namin. Pati sa loob ng igloo house at dambuhalang christmas tree ay hindi namin pinatawad.

''Tara sa ice slides!'' Sabrina shouted when a christmas song blasted the whole place.

''I don't want a lot for ChristmasThere is just one I needI don't care the presentsUnderneath the treeI just want you for my ownMore than you ever knowMake my wish come true ohAll I want for is you''

''Okie, dokie!''

Dumiretso nga kami sa ice slides at sabay-sabay kaming nagpadulas sa nagyeyelong slides.

''One more time, please!''

I nodded. ''Oo nga! Tara slide pa tayo!''

Kahit malamig ang buong paligid,  ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng pisngi ko nang maagap na mahawakan ni Blood ang braso ko nung muntik na akong madulas dahil sa pagtayo ko.

Napakurap-kurap ako.

''Thanks,'' nahihiyang sabi ko.

Tumango siya at maikling tumitig sa'kin. ''Be careful...'' his voice surprisingly light and full of amusement.

I gave him a small but genuine smile. ''Ah— Oo, salamat ulit.'' I almost whispered.

After that scene in the snow world, mas lalo kaming naging awkward... Or should I say, ako lang? Kasi parang normal naman makitungo si Blood sa'kin. He won't talk to me if I don't speak with him. Hindi ba siya marunong magfirst move?!

I mentally shook my thoughts.

''I'm so hungry na! Let's go and, eat something!'' sabi ni Lance at pumayag naman kaming lahat.

Dumiretso kami sa mga food stalls at pinili kong bumili ng hotdog sandwich at chocolate shake. Bumili rin kami nina Sabrina at Shirley ng cotton candy na pwedeng costumize yung design.

At the end of the day, Clint insists on riding the Ferris wheel. We're all worn out from running around the park all day, but the Ferris wheel is my favorite ride of all time, plus, the sun is setting and everything will look exquisite from up there.

Si Shirley, Clint, Blood ang magkatabi habang si Sabrina, Lance at ako ang magkakatabi sa kaharap nilang upuan.

The golden sunset washes the whole park in the most gorgeous shades of yellow and orange, the clouds turning pink. It's absolutely beautiful, just as I thought it might be.

"Let's take a group photo while the sunset is still there."

Before we ended our day in the Amusement park, we decided to play one more time. Naglalaro ang mga boys ng darts habang nasa bottle ring toss kami.

"Dude, you won a teddy bear!" Narinig namin ang malakas na tawa ni Lance, halatang nang-aasar pa.

Blood cusses him. "Shut up, dawg."

"Guys, let's go home! It's 8 pm and, we still have class on Monday," Clint declared while walking toward us.

Nung magdesisyon kaming umuwi na, sabay-sabay na kaming lumabas ng amusement park at dumiretso sa parking lot. Mabuti na lang talaga at dumating kaagad ang driver ni Sabrina, hindi na namin kailangan maghintay pa ng matagal.

"Thank you, Boys! Sana nag-enjoy kayong kasama kami..."

"No, thank you. We really enjoyed because of you girls." Malanding sabi ni Lance na kinindatan pa si Sabrina.

Nauna ng sumakay sa loob ng sasakyan sina Sabrina at Shirley. Susunod na sana ako ng pigilan ako ni Blood... Oo!


"Hillary,"

Mabilis akong napaharap sa kanya.

Did he just call me by my second name? He's the first person who called me that! It feels so weird but, at the same time I like the way he tells my name.

"Hillary?" 

"Yeah, Hillary..." Umusli ng bahagya ang labi nito.

Hindi ko inaasahan na aabutan ako ni Blood ng isang maliit na teddy bear. The stuffed toy is light brown with stitched nose and plaid bow. It looks so cute and soft! Such a huggable stuffed toy. 



Kumunot noo ako. ''Eh? Para saan?''

He shrugged. He looks cool when he rests his hands inside his pocket.

''Keep it. So, you have something that reminds me of....'' Blood words left me dumbfounded.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro